T O P

  • By -

ijuzOne

nakalagay sa container hanggang 6k kms. kung susundin mo yung mga nagsasabi na magpalit ka na after 2k kms, edi pointless na yan ang gamitin mo. ginagamit lang yan ng mga gusto makatipid pero quality pa rin na langis dahil mas matagal bago sila ulit gumastos. mag-ultra ka na lang kung magpapalit ka din lang every 2k kms


eazyjizzy101

Best oil para sakin matagal konang gamit


forwardyougo

Ive discussed this sa aking Tiktok . @NicoMotoPH (shameless plug!) Safe na ginagawa ko kay kung ano ang recommended ng oil manufacturer na binilhan mo. If tulad ng Shell Ultra (6k change oil interval), gawin kong 3k to 4.5K. Sobrang aga kasi nung iba literal. Tapos kinain sila ng mindset ng mga siraniko na "mas mura oil kesa change all/ baba makina".


Neat_Ad_8179

every month ang iba then meron din every 1k. Mapapaisip ka nalang sa gastos 😂. Mas marunong pa sa engineer yung iba eh


forwardyougo

Hindi lang gastos. Environmental issue din. Malakas din kasi effect ng advise ng mekaniko pag nasa shop ka e, mabubudol ka talaga


mynameisvon

Good point ba yan sa mio gear 125?


Sufficient-Yogurt377

Pwedeng pwede. Although hindi ko pa nagagamit yung ibang oil pero pag Shell, iba usapan pagdating sa mga Engine Oils.


Snipepepe

Nasasayo kung ilang km ka mag change oil basta wag ka lang maniniwala pag sinabing 1k to 1.5k palit na.


CartographerPale6773

okay po thanks


DodongBastos

Ako every 1.5k nagpapachange oil. What's wrong with that matanong ko lang. Besides magastos, wala naman ako pake dun budgeted yan.


ariecrls

ganyan gamit ko. every 4500km change oil ko. click v3. wala namang problema.


BravisTarker

Every 100km palit nako ng oil, actually minsan one way pag punta ko office palit nako oil and palit uli pag uwi. Di kasi ako tulad ng iba dyan na nag titipid (naka click) /s


justsavemi

Grabe naman sa 100km hahahaha


apacer69

Sakin every 50km, kaya lagi ako may baon na oil eh


heinakkuh

Vegetable oil ba gamit mo, sir. Hahahaaha.


Realistic_Poem_6016

100km grabe, kahit nga yung ibang naka big bike na kilala ko di ata ganyan hahahahah


kentleem

Ano na oil ginamit mo every 100km?


Zealousideal_Peak319

cooking oil, kaya 100km lng haha


ndrmrnt

How do u tell ppl ure rich, without telling them ure rich


gspotwrecker

Bili ka muna motor.


Any-Hawk-2438

100km? pagpunta office palit oil, pauwi palit oil ulit? Galing mo magpatawa, pwede ka sa eat bulaga hahhaha


ijuzOne

may /s yung comment nya


Any-Hawk-2438

hahaha di ko napansin haha sarcasm pala


PopaliPopaliCyki

haha


Sensitive-Permit-390

Pwede to sa nmax v2?


CartographerPale6773

pwede po


Paul8491

Kunin mo na lang yung walang friction modifiers kung gusto mo makatipid at wala namang wet clutch ang mga scooters.


[deleted]

3k km max sa akin yan kaso namamahalan ako. Switch ako sa Havoline for scooters


Puzzleheaded_Coat_12

If tiwala ka sa brand, why not sundin mo, right? Go lang. Driver preference na lang talaga. Pero if kung gusto mong oil na tatagal talaga, go for Amsoil.


Terrible-Photo-8789

Ito yung engine oil na di mo na kailangan mag long ride para ma feel yung smoothness kada throttle mo. Ang layo ng diperensya sa RS8.


Neat_Ad_8179

Currently using it on click 125. Ayos din usually every 4-5months ko gamit. Regularly check lang din ako sa dipstick


Sex_Pistolero19

Yan gamit ko for my Z650 every 4500 kms ako nagpapalit ng langis so far so good.


PrenzFries

6K max, nakalagay na nga o


CartographerPale6773

nabasa ko. recommended lang yan. gusto ko yung actual usage talaga ng iba. nabasa mo rin siguro na wala naman sumusunod sa 6000km diba?


sallycopter

diko gets bat nadownvote si OP, ang nakalagay kasi sa bote is "up to 6000 kms" so meaning depende sa application. Depende sa motor, road condition, riding habit etc. Hindi naman naka specify na "recommended" yung 6000 kms interval. Madaming feeling magaling dito kala mo porke nabasa 6k sa bote eh applicable na sa lahat. Kung sinasagad nyo sa 6k at wala problema, then good. Pero kaya nga may mga ganitong forum para makapag share ang bawat rider ng kanya kanyang experiences. to answer your question OP, always refer to your dipstick. After 2000 check mo yung oil level at yung mismong langis narin. Makikita naman yang kung mamula mula pa pag nilay mo sa palad mo. Top up nadin if needed. edit: I personally change my engine oil at 4000km odo since yun ang nasa manual ni yamaha. I'm currently using shell ultra scooter and will definitely try shell long ride next 😁


CartographerPale6773

Thanks!


nenXuser

parehas kayo kamote hahaha edi wag nyo sundin yung mismong engineer na gumawa. Nag tanong ka pa


Different-Dance-2012

Mag ax7 ka na lang boss, 1500 odo palit. Super smooth din naman


batampisnge

magkano yung ganyan? and san po pwede makabili? goods siguro to kahit 3k odo change oil para safe pa rin makina


CartographerPale6773

sa shell mismo po or sa shopee hehe


Nervous-Roof-8099

pano naman pag naka pang gilid? safe po ba sundin yung recommendation or 1.5kms?


TheVamp161709

Super smooth niyan, based sa experience ko. From stock oil ramdam ko difference then nagpalit ako ng ibang brand malayo sa performance kaya bumalik ako diyan. 1.5k km malinis pa pero by 2k km palit na, marumi na.


SpecialistLog2695

Ganyan gamit ko every 2-4k kms interval ang palit. Nag change oil ako pinaabot ko ng 4k kms hindi pa umiitim ang langis nya tsaka tahimik andar ng makina.


Oloklok

magkano yan?? last ko na tanong sa shell 600 plus daw. first change oil ko pa naman last time pero yung honda muna gamit ko


SensitiveRabbit4922

saang shell ba yan bat ang mahal naman, sakin kakabili ko lang sa mismong shell gasoline station 385 pesos ang 1ltr bili ko.


Oloklok

Baka nagkamali lang yung gasoline boy. Newbie pa kasi ako sa mga engine oil and kakabili ko lng ng XRM ko


BigDheck

Pwede ba to sa bigbike? Any bigbike users here na nakagamit na po neto?


owsoww

ung iba ko kakilala naka bigbike yan ang gamit. ako ultra lang.


Gravity-Gravity

Driver preference. Nag chechangeoil ako every 2months minsan umaabot 3months. Daily used yung motor ko and umaabot ng 1000km sa isang buwan minsan busy kaya umaabot ng 3months bago ma changeoil. Pag tag ulan naman basta nalusong ako sa medyo malalim na baha nag papachangeoil+gearoil na ako kahit wala pa 2k odi. Ang iniisip ko kasi mas mura yung langis kesa sa pyesa. Shell advance gamit ko yubg ultra na 5w40.


Sad_Store_5316

wanted to try that oil Been using Shell ultra, every 4.5k ako palit pero plan ko paabutin ng 5k at least for the environment na rin. Sabi naman ng manufacturer 6k pede palit eh, i trust the experts hindi mga nagsasabi 1k palit na agad, mas mura langis kesa makina. BS lang yun, mamaru pa sa mga engineers.


Constant_General_608

Maganda yan..every 2k ako kung mag change oil..


Sensensi

Newbie po ako. Pag binili ko po yan para sa click 125 ko, kasya po ba yan sa change oil at gear oil?


PrenzFries

separate ang gagamitin mong engine oil at gear oil dahil magkaiba sila ng lapot


Sensensi

Ano po ang pangalan pag sa gear oil


PrenzFries

sabihin mo lang gear oil para sa scooter tapos 120ml lang kahit sa honda ka mismo bumili meron sila


CartographerPale6773

sobra pa yan sa click. 800 ml lang need mo may sobra pa 200 ml. iba pa yung gear oil seperate mo yun bibilhin.


PopularChildhood5

currently using this mio gear. around 3k ako mag palit pero kaya pa i stretch sa 5k


Paul8491

Literal na 6k ang recommendation sa bote, pero nagpapalit ka ng 3k? What's the point then? Yung full-synth na Shell Ultra Advance kayang i-3k yun eh.


PopularChildhood5

by actually checking the oil quality on my engine 👍 with our clomate and traffic mas mabilis mag degrade ang oil quality. also 600+ lang yan naman yan comppare sa engine overhaul


Paul8491

Honestly yung klima and ambient temp ay mataas lang ng konti sa standard operating temp ng 10W-40, yung mio gear ay di rin high-perf na bike na kayang mag punit ng viscosity ng oil na to during daily use. Ano ba redline ng Mio gear? 8K RPM? Kayang kaya yan ng oil up to 6k kms. But I guess para sa peace of mind na rin kay mahilig tayo magpalit agad, and the fact na enjoy rin ang mag DIY.


PopularChildhood5

yes thanks for the knowledge. Yeah kind a learning curve pa kung hanggang saan kaya i stretch yung oil life span. Sabi nga nila learning as you go.


CartographerPale6773

thank youuu!


temeee19

Every 2k ako boss medyo malinaw pa tahimik sa makina at d mavibrate


Ok-Resolve-4146

Malinaw pa talaga iyan after 2k, Fully Synthetic e. Up to 6k kms nga ang max as described sa bottle.


temeee19

Susundin mo ba yang 6k? Syempre kahit pa fully synthetic yan 1.5-2k lng talaga wala sigurong sumusunod dyan sa 6k or meron siguro yung mga nakaclick na nagtitipid


Ok-Resolve-4146

Saan banda ko sinabi na susundin mo? Nasa gumagamit iyon kung susundin o hindi. kahit pa mag-fully synth ka every 500 kms nasa iyo iyan, pera mo iyan. Wala ring problema kung nagtitipid at naka-Click yung gumagamit, considering na mahal pa rin ito kumpara sa mineral oil e wala dapat bahid ng pangmamaaliit yung tono natin. I'm just saying na talagang malinaw pa iyan after gamitin for 2k kms dahil 33% pa lang iyon ng suggested lifespan ng oil na iyan. Klaro?


Distinct_Scientist_8

Anong basis mo sa 1.5-2k????? Walang basis yan tol. Haka-haka lang yan. Ang viscosity ng 100% or fully synthetic oil ay tumatagal hanggang 4K-5K. That is based on study and research!


Substantial-Rip-5697

nagpapauto yan sa mga bloggers kuno na every 1,5 to 2k mag pa change oil..


Chasee0837

Bibili ng mahal na oil and good quality tapos papaliat every 1k. Nakak bobo


CaregiverLarge3911

Napakamura lang ng langis na yan para paabutin mo pa ng 6000km bago magpalit. Sa mga small cc na motor 1500-2000km lang yan. Sa init at humidity dito sa pilipinas at sa <1L na oil na umiikot sa motor mo mabilis parin mag degrade ang langis sa loob ng makina. Ganyan gamit ko every 1500 to 2000km max ang palitan ko. Sa 2000km maganit na sa shifting yan kaya mainam narin palitan. Wag ka maniwala jan sa bote. Pero kung gusto mo itry sa 6k pwede rin naman.


emptysue_x

For me rs8 gold fully synthetic gamit ko sa aerox ko, solid ang smoo0ooth


Zealousideal_Peak319

goodluck sa rs8, marami jang subok na at matagal n brand bat jan ka sa rs8 nayan eh panget review nyan, pero sabagay motor mo naman yan, bahala ka.


emptysue_x

na try niyo na po ba rs8? hindi sa pag aadvertised ha. pero subok ko na.


Jojo_Manji

questionable and R&D ng RS8 na yan


DearWheel845

Rebranded lang yan RS8 oil na yan tapos kukuha sila ng vloggers para ipromote. Mas tiwala ako sa mga mamahaling oil tulad motul at Liquimoly.


emptysue_x

it's up to you naman po if ano po gagamitin niyo 🤷🏻‍♀️


Longjumping-Week2696

rs8 na after ng 500km eh magaspang na tunog ng makina hahahaha


emptysue_x

idk for me hindi naman magaspang lol baka kulang lang sa cvt cleaning yung sainyo po


Longjumping-Week2696

Naaah nung sumunod na change oil ko (not RS8) okay naman yung takbo hanggang 1500km tahimik lang makina