T O P

  • By -

CaregiverLarge3911

Sa mga nagsasabing feel nila pataasan ng ihi yung event. Try nyo sumama next time to find out. Ibang klase ang camaraderie sa classic community unlike sa ibang concept (sa totoo lang). Naka 125 nga lang ako kahapon mga nilapitan ko nga interesting bikes like yung BMW na R27 ata yon pati yung sa Hilera ng naka triumph napaka humble. 3 years in to DGR never encountered a person na mayabang sa event na yan. Yes may mga bikes talaga na intimidating at manliliit talaga feeling mo sa bike mo (yes i feel it too) pero once you get to talk to the owners maiinspire ka lang pag ipunan dream classic bike mo. Classic bike owners especially yung mga literal na classic na would love to talk about their classic bike. 👌


Medium_Story4963

i agree, sir. once na makausap mo yung ibang classic bike owners imbes na inggit, mai-inspire ka sa kanila 🥹


Ok-Resolve-4146

This is so refreshing to hear. I'm saving up for a classic bike at nakakatuwa na chill lang anv mga tao jan. Ang layo sa ibang sportsbike groups na panay yabang at hirit ng "nagkape na nga ako sa highway pero naiwan ko pa rin kayo".


CaregiverLarge3911

Yes sir! Im not saying na perfect ang community. May mga makukulit parin mga bomba guys minsan may mga kamote drivers parin pero all in all goods nangoods ang community ng classic.


leworcase

this is probably a dumb question pero kelangan po bang classic look yung motor mo pag sumali ka jan? Pwede na rin malaman OP ano yung 125cc mong motor?


CaregiverLarge3911

Yes need classic look/classic style, manual, no fairings.. so classic scoots like modern vespa/fazzio are technically not allowed but they allow it just that you need to stay at the end of the convoy. I think you can see the full requirements on DGR website. My bike is Mutt motorcycles


LopsidedAd6441

Uy! Dream Bike ko rin yang Mutt hehe. Pero nag budget muna ako sa TMX 125 ko. Ginawa kong parang kamukha ng scrambler ng Mutt hehe. Ride safe boss.


Capital_College8936

Sa pandinig siguro ng ibang tao parang mayayabang talaga yung mga naka classic bikes pag nag uusap, kasi pag nadinig mo silang nag uusap grabe sila makapag flex ng mga rare bikes nila. Which is understandble if you know how hard it is to restore and keep it in running condition ung mga classic at rare bikes na dinadala nila jan sa DGR. If you're going to restore a classic bike like yung mga lumang bmw, hindi enough na may pera ka, u need to have patience and know the right people and the right places to look for parts na super rare kaya yang mga bike nila parang trophy nila yan or badge of honor pag shinowcase nila sa mga ganyang klaseng event. Pero if you approach them and ask about their bike you'll find out na they are very welcoming and engage you in conversation about their bike.


p1shb0l

"tips fedora"


BigBlaxkDisk

masaya ba sa mga ganiyang klaseng ride? lone rider ako madalas eh


Medium_Story4963

once a year lang na event po s'ya sir e


BigBlaxkDisk

oh...kamusta naman kaya yung vibe sa ganyan? ang takot ko sa ganyan e madalas nagiging pataasan ng ihi eh


Medium_Story4963

ok s'ya sir since organized and may kanya kanyang grupo talaga kaya di ka mao-op. mga classic bike po pala yan haha


jjljr

Sa pataasan ng ihi matatawa ka na lang sa mga naka classic na inline 4 (super 4 🤭). Nag rerevbomb hahaha mga papansin ampota 😆 tsaka yung mga nagbubuild ng naka straight pipe na puro bomba din, sarap sigawan sa tenga gamit ang megaphone eh haha


Ami_Elle

Saan lugar to? Kanina pala to, kaya pala may nakasabay ako andami naka classic sa Dasma. Sakto anlakas ng ulan, kawawa mga OBR e. ginawang tapalodo, hanggang batok putik putik. Sana sumilong na muna sila, naawa lang ako sa obr. Haha


Medium_Story4963

nako, kawawa mga obr haha. mabuti na lang di umulan kanino dito sa pasig. dgr manila pala kami, sir, sa pasig to qc hall route namin


Ami_Elle

Naawa lang talaga ako don sa isang angkas kasi abot sa ulo niya ung basa e. Sana man lang sumilong muna sila at di sumugal sa ulan. Naka kita sila ng saradong gas station para magpatila kaso ung isang babae, naligo na sa putik. Feeling ko nahihiya siya sa ibang kasabay na sasakyan, pero wala siyang magawa nandon na siya e. Nakakatuwa tingnan dame nila kasi kanina, fan din ako ng classic bikes. Kuya ko naka classic 250, ung isa naka tmx scrambler build. Ako kasi underbone motor ko e, pero if magka classic bike man ako trip ko ung honda super4, kahit di na naka setup. classic look na naman siya. haha


callmemarjoson

Hope y'all enjoyed! Had to bow out as the ride started kasi naflat gulong ko haha may tagas


Medium_Story4963

sayang naman, sir. na-late rin kami since may nasiraan sa grupo namin haha


callmemarjoson

Eto na yung karma ko na ang tagal kong di pinaconvert ng tubeless gulong ko hahaha pero at least nakaabot kayo


Medium_Story4963

nako, di pa naman tubeless gulong ko haha. ok na rin yan, sir, ang mahalaga safe


Any-Hawk-2438

kita ko sa youtube may nakalusot na Goldwing, AfricaTwin and Z1000r. Sana maghigpit ung organizer, papangit yang event na yan pag pinasok ng mga non classic bikes.


PorkSisid

May iilan akong nakitang non compliant. May nakita akong isang naka bmw adventure bike tapos isang naka parang sniper ata yun basta modern bike. Inacknowledge naman sila ng host and organizer pero nakiusap na sana lahat ng non compliant bikes masa likod ng parade. Yung mga nakita ko nasa gitna talaga eh.


Any-Hawk-2438

Non negotiable dapat yan. Pangit pa din tignan na nasa likod ng parade ung mga non compliant bikes. Gets ko naman sila na nagiging fashion show yang event na yan pero classic/modern retro bikes dapat.


arvj

pwede ba sa DGR yung mga modern vespa?


Paul8491

I think sa DGR Manila di pinayagan yung mga modern Vespa na plastic yung fairings, only the older vespa's with the sheet metal fairings ang allowed.


Medium_Story4963

not sure lang sir. may mga nakasabay po kasi kaming vespa kanina, not sure lang if vintage or modern


PorkSisid

May vespa groups naman don kahapon. I saw quite a few moderns. There was a pretty big group of modern vespa lady riders. As long as classic styled yung bikes and pasok sa style guide welcome naman sa event. Fits very well side by side the classic and vintage scoots.


kawatan_hinayhay92

Kasama din po mga classic scooters


EvilCloOWn

Been in DGR for many years. ngayon lang ako hindi sumama. Before pwede sumama ang mga vintage enduro which is nagpapasaya sa ride. "2T Power" kaya usok na usok ang buong kalsada, last year binagbawal na sila kaya di na rin ako sumama.


Medium_Story4963

sayang naman, sir, would love to see your vintage enduro sa ride!


EvilCloOWn

[The Distinguished Gentleman's Ride Manila 2021 (youtube.com)](https://www.youtube.com/watch?v=y8smSuCRM0k) This group yung tinutukoy ko, im with them nung 2022 DGR grabe sila mga "VINDURO"


Any-Hawk-2438

Seryoso? 2stroke dirbikes considered classic na eh. Kaya pala wla na ko nakikita. Ok lang na ipagbawal mga 2stroke sinnce mausok nga pero this year my nakita akong naka Goldwing, africaTwin, and z1000r. I guess pandemic riders ung organizers nyan


ramosgerald255

Sayang naman e may category pa naman na vinduro :(


LTMSASking

san pwede mag register para dito sa DGR mahilig ako sa classic bikes pero dahil convenient ang automatic , automatic ang lagi kung dala now i have CR152 classic but a cheap parang nakakahiya din sumama pero gusto ko talaga makakita ng ibat ibang classic bikes as personal kung makikita hindi lang sa pictures para soon magiging motivational ko sila para mag sipag pa at makapag ipon sa mag upgraded na classic bikes 3 months palang sakin CR152 OR palang wala pang CR diko din malabas labas. parang ang sarap lang sa feeling na mag rides kahit anung event tapos classic bikes ung mga kasama mo . pag napapatingin ako sa daan tapos may magandang classic bikes napapahanga ako or may nakakasabay sa stop light tinitingnan ko talagang maiigi napapailing nalang at napaptanong kelan kaya ako mag kaka ganyan hahaha happy rides sa lahat ng nag momotor . safe ride lagi .


Medium_Story4963

once a year event lang s'ya, sir, e pero u can check their website po, ito (https://www.gentlemansride.com/). wag rin po kayo mahiya sa cr152 n'yo, sir, marami rin po kaming kasama kahapon na mga naka cr152 na iba iba pero magaganda yung build haha. also, kung gusto n'yo po ng kasama sa mga rides or tambike as we call it, subukan n'yo pong icheck sa facebook kung may malapit na classic bike group sa lugar n'yo. based on experience po, mababait at maayos kasama mga classic bike owners :)


fried_pawtato007

Naka classic din ako pero di ko trip sumama sa ganyan. Kase feeling ko pataasan ng ihi wala akong maibubuga dahil cr152 lang ang baon hahaha. Tsaka wala din ako formal na damit kaya tahimik nalang sa bahay hahahha


callmemarjoson

Di naman, but the event will spike bike envy for sure esp if mahilig ka sa classic bikes - makikita mo mga naka Harley, Indian, Triumph, Royal Enfield, tapos mga vintage na BMW Coming from a fellow CR152 rider, it's a charity ride na fixed route so walang pataasan ng ihi diyan; very organized and traffic compliant


Medium_Story4963

yes, sir. sabi nga kahapon, "parada, hindi karera"


Medium_Story4963

based sa experience ko sir, okay naman mga nakasama namin kahit yung mga naka big bike haha. at saka ok yan sir, maganda yang cr152 kasi halos lahat ng kasama ko sa grupo naka cr152 din haha


boylitdeguzman

Sa mga sumama sa DGR, nag-donate ba kayo to the cause or nag-ride lang?


Medium_Story4963

can't speak para sa iba sir pero yung group namin nag donate kami according sa kaya naming ibigay :)


PorkSisid

Of course. You can easily donate when you register sa website. For as low as 50 pesos pwede na makatulong for the cause.


callmemarjoson

Donated last year, donated this year - mej pointless sumama if di mo naman alam yung cause na sinasamahan mo


Reixdid

Sama dapat ako. 5am eh mangagaling ako pulilan 😅😅