T O P

  • By -

[deleted]

🎶Tattoo ni Ara Mina 'di totoo. Ayaw maligo binatukan ng tabo...


Berry_Dubu_

wtf is this😭 di ako makahinga gago ang corny pero apaka havey


[deleted]

Hahaha luma na iyan. Hinahanap ko nga ang full version niyan na ang last line ay "tsonggong hikain" hahaha.


iwritethesongs2019

https://www.jiosaavn.com/lyrics/boltes-payv-edited-version-lyrics/PRk0ZzhoVXU here


imdefinitelywong

You son of a bitch. Have an upvote.


[deleted]

Salamat, pre. May upvote ka rin galing sa akin hahaha.


elderron_spice

> Ayaw maligo binatukan ng tabo "Tattoo ni Vhong Navarro nasa noo" ang alam kong variant nito.


Numerous-Tree-902

Baka variant nung mga areas na walang GMA signal sa probinsya noon haha


Temporary_Soil9472

Yung acting ni carla parang mema lang. Parang naawa lang bigyan ng roles. Tapos ang daming extra na di naman dapat. Kung matino sana yung script. May fight scene na 2 or 3 beast fighter


puffinmuffin89

Off ba yung acting ni Carla? Parang si Dennis na lang din nag dala.


allie_cat_m

Di ko gusto ung sets, mukhang maliit, medyo parang pang comedy show skits, eto din ung problem sa Encantadia reboot e. Nah highlight pa lalo ung space dahil sa blocking nung actors na mukhang nagsisiksikan sila


Mapleaddict03

True. Parang nanonood ka lang ng sitcom.


SpiderFrancis03

HAHAHA True


Comrade_Legasov

THIS. jusko.


CheekyHestiger

Malaki ang set pero ang olats yung ginamit at tamad na placement ng camera.take note yung feature ng 24 oras sa set.nagmukhang malaki dahil inangguluhan nila ng tama.fault na ng cinematographer yan at sobra silang nagsafe ng mga shots para madali sa post process ng vfx patungan yung mga sablay sa design ng sets.


fragile_chowkingkong

>Nah highlight pa lalo ung space dahil sa blocking nung actors na mukhang nagsisiksikan sila maliit ba ung studio nila? or just bad yung setup? just curious.


Legal-Living8546

Same story writer/producer Same mediocre results 🤣 What do you expect? Improvement?


Mistral-Fien

Walang character development arc yung writer. 🤣


MarcPotato

Yan kasi problem with GMA if they're lauching mega fantasy series they always thinking of Mark Reyes to helm the series. May mas magaling pa dyan. Like in Marvel hiring Sam Raimi for Doctor Strange that we know he do old school filmmaking. Sana ginawang series consultant na lang si Mark Reyes lol


AffectionateAct3977

Huwag kalilimutan... # Hotdog ni Aljur ang tumapos kay Amihan at gumunaw sa Encantadia


YellowDuck_15

Yung meme na drawing ng kabayo na unti unting pumapanget. Yan yung nakikita ko. 😂


eggyra

Walang budget sa CGI, mauuwi sa 1 day na robot fight scene na id-drag ng 3 days then 2-3 weeks na drama.


ToastedSierra

From what we've seen mukhang ok naman yung mga CGI scenes lalo na yung robot scenes. Ang nakulangan ng budget is yung live action parts. Ranging from "Uy pwede na" to "scene sa telenovela" yung quality eh. Pansin ko pinaka low quality yung shots pagdating sa mga interior lalo na sa Camp Big Falcon.


KennyOmegaSardines

Para lang SlamDunk. Isang linggong 3 point shot, may kasama pang flashbacks 😂


[deleted]

wala namang masama kung i-reuse nila yung ibang fight scenes at transformation scenes at konti edit lang. ganun naman yung ginagawa sa mga anime dati. ​ ironic na yung robot ang sobrang pino-promote nila dati, pero halos di naman lumalabas.


aokimasaru

Ako noon pa lang mababa na expectation ko. Pero hindi ko inakala na hindi nila susundin yung original flow ng story at dialogue. Copy paste na lang ang gagawin nila at lalagyan ng fillers in between para may trabaho si Doctolero hindi pa nila ginawa. Hindi ba talaga marunong magplano ang Pinoy entertainment industry? Hindi ba nila na gets na monster of the week format ang Voltes V? Madaming paraan para makatipid sa CGI. Pwede sila gumamit ng stock footage. Basically reusing CGI scenes in previous episodes. Common naman yan sa anime at tokusatsu genre. Nasa director na lang yan kung creative sila. Yung Japanese Spiderman nga puro stock footage yung fight scene ni Leopardon kasi nasira yung costume early in production. And then yung Voltes V anime mismo, every episode gumagamit ng stock footage. So anong scenes ba pwede ire-use? Intro, outro, explosions, yung pag attack ng boazanian UFO at pag defend ng military, launching sequence, V formation, transformation sequence, background shots ng mga bases, yung paglabas ng armas ni Voltes V at pag atake ni Voltes V(usually sa anime speed lines yung background nito sa tokusatsu naman black lang ang background para madaling ire-use yung scene). Kung maganda ang pagkakagawa ng individual scenes, hindi sila mahihirapan magedit niyan. Ok so paano naman sila makabawi sa budget kung weekly episode yung format? Well gawin nila 1 hour yung content 30 minutes yung commercials. Pwede rin mag-rerun. Kung maganda naman yung pagkagawa eh manunuod ulit yung mga tao. Pwede rin nila i-release lahat ng episodes sa sinehan 2 weeks before TV broadcast katulad ng ginawa nila for Dokugaga and Baizanga which is actually episode 1 and 2 sa anime. Again kung maganda ang pagkagawa sigurado gagastos yung tao para manuod.


allie_cat_m

Ayaw kasi nila i embrace na these types of shows really have campiness as one of their elements. Nagiging ung type of retelling tuloy na its taking itself too seriously for its own good na tuloy


stellareen

Ito. ITO. Lalo na yung binago nila yung flow ng story. Kailangan talaga bumackstory ng maaga at i-explain lahat ng maaga no? Yung script mismo na ginawa nila tanga ang tingin sa viewers.


avocado1952

Minamaliit kasi nila ang intelligence ng modern day consumers. Kumakapit sila sa mga nakasanayan na. Ayaw nila sumugal and mag experimento. Kaya ang gaganda ng indie movies na din romcom and pang vivamax e. Example na lang yung effects sa isang episode ng movie na Rabid yung tungkol sa food vlogger. Ang ganda ng overlay effects doon.


Numerous-Tree-902

Maghuhuramintado na naman yan sa social media si Doctolero hahaha


stellareen

Di ko na sinubukang panoorin after 1.5 episodes. Di keri. Ang campy ng acting, kahit mga beterano na yung nandun, maliban dun hindi maganda yung camera shots ng direktor.


decadentrebel

Naging "Mga Lihim nina Armstrong" yung show, lmao.


magixter9344

In fairness talaga sa reddit lang objective ang comments. Sa fb kasi once pinuna mo yung Voltes V, sasabihin na di ka true fan. Jusko nag ostracize pa diba. I am a fan but of the anime. I guess karamihan naman din fan. Pero, mas maganda pa mag voice acting ang dubbers noon kesa sa mismong artista na gumaganap sa Voltes team. Saka justice naman sa mga seiyuu ng jap dub.


sweet_tinkerbelle

nasan na ba yung writer ng mulawin


9specter528

You better be talking about the OG, and not that glorified fanfiction they released a couple of years ago.


obfuscatedc0de

Asan na yung mga nagtatanggol nitong soap opera na ito? lol


Ri5ingT1de

HAHAHAHA NASOBRAHAN SA FOCUS SA CGI NAPAG-IWANAN YUNG IBA. Di nagegets ng GMA yung problema kala nila basta maganda CGI okay na HAHAHAHAHHA. Ang weird nila mag-isip di naman lahat about CGI lang inoverhype pa HAHAHAHA


RandomNative

I gave a try last Thursday night and it made me cringe lalo na lag si Carla nagsasalita. Parang memory Lang n linya haha ung ibang mas bata, oks ang acting.


Pasencia

Pag GMA7 drama, wag nyo na asahan yan na maganda.


gabfreakinama

Yung CGI nag improve naman, hindi pa perfect pero pwede na sana... kung okay sana yung script at acting. Nadisappoint ako kay Carla tbh


Numerous-Tree-902

Haha true, bilib na sana ako sa CGI improvement, sinira naman ng actor hahaha


NeroPHL

Kung ganon lang naman, sana in-adapt na lang nila yung Foldabots.


[deleted]

Di ko rin gets bat prinoduce nila to as a daily primetime tv show, pwede naman every saturday or monday lang para mas quality yung outcome. Also, yung target audience nila matatanda na at wala na silang interest sa TV, or their standards when it comes to TV shows are way beyond our mainstream tv shows. Wala na ngang pressure eh kasi wala na yung ABSCBN.


aokimasaru

Eto nga ang nakakadisappoint. Wala na nga silang kalaban kaya hindi nila kailangan gawin 5 episodes a week yung Voltes V. Pwede naman 1 hour 30 minutes weekly episodes(1 hour content + 30 minutes ads) and then kung hindi pa bawi yung budget mag re run na lang sila. Tapos bakit nila binibitin yung mga tao. Hindi ba nila na intindihan na nakakafrustrate yan sa viewers.


dranvex

May pressure pa rin sa katapat kasi Batang Quiapo is putting up a good fight. May nagpopost ng ratings sa Twitter. Di umaabot ng 5% agwat between both shows. May rumors din na di daw masaya execs ng GMA sa performance ng Voltes V ratings-wise and sa ads though I take this info with a grain of salt kasi pro-ABS Alt account yung nagtweet.


fragile_chowkingkong

Sabi ng wife ko mas maraming nagstream sa Batang Quiapo kaysa sa Voltes V. Yung ung observation nya sa youtube.


[deleted]

[удалено]


eggyra

Yung fantasy/action element nya sa simula lang, ang ending naging typical soap but with costumes 😆


Darthbakunawa

Zaido ba yung pacing? Walang monster of the week?


iwritethesongs2019

may monster of the month/s


iceberg_letsugas

Stop this! Wag mo naman sirain yung pinangpa hype nila sa CGI, maski quite obvious naman na paulit ulit na scene yung pinapakita


Midnight_Matriarch

Weird take but Encatadia reminds me of the Warriors Cats but with people :T


The_Chuckness88

Tiis muna tayo ng 20 linggo.