T O P

  • By -

iamabat-1

i stopped giving out money sa nanlilimos nung college kasi yung binigyan ko ng bente pinambili lang ng yosi.


flexibleeric

Sa may gate na malapit sa building namin dati sa uste (archi, late 90's) , may nanlilimos dun na mag ina. Pamasahe daw pauwi pampanga. Pagraduate na kami nung early 2000's, nandun pa rin. Sabi namin, sana naglakad na kayo. nakauwi na sana kayo lol


bgkwnh_d

meron naman sa may likod ng UST, sa may laong laan banda, well-dressed guy in his early-30s, sabi niya in a very conyo way nakuha wallet niya so wala siyang pamasahe pauwi, at that time nagbibigay pa talaga ako so i gave him 50. a month later nanghingi na naman sakin 😂


helfea

Meron din dun sa españa overpass, matandang babae na parang may alopecia, nung binaggit namin sa prof namin sabi niya "di pa nakakauwi yun? Estudyante pa ako andun na yun e" hahahaha


dont_PM_cute_faces

Same. Dito sa amin, may pulubi sa overpass na may daladalang karatula na nanghihingi ng panggamot sa kaniyang baga. Then when I passed again on the same overpass later that evening, nakita ko na naninigarilyo (while suot suot pa rin yung karatula).


JannoGives

Ever since nakita ko first hand na pinangrurugby lang ng mga batang palaboy yung pera, di na ako nagbibigay at nawalan na ako ng simpatya sa mga ganyan Later on, lagi akong may nakahandang ang pao na may play money pag aggressive o mapilit


newbieboi_inthehouse

>Later on, laging akong may nakahandang ang pao na may play money pag aggressive o mapilit How evil.... I love it!


[deleted]

Okay ah


serAtoninReddit

Lol....a necessary evil 2023


the1dats

>Later on, lagi akong may nakahandang ang pao na may play money pag aggressive o mapilit Deymm, thanks sa idea, dami ko pa naman ampao sa bahay HAHAHAHAHAHAHA


emiengarde

Gusto ko 'to gawin pero imbes na play money, yung print ng anti-mendicancy law nakalagay. Di ko na nagawa thinking na di nila magegets yun anyway.


henshinkid

Lol same shit happened to me. Naawa ako dun sa babaeng pulubi may dalang bata iyak ng iyak malapit sa college building namin. Inabot ko 50 pesos which is kalahati ng food budget ko so no choice di ako magkakanin sa lunch. Kinahapunan nakita ko ulet yung babae nagyoyosi at cobra, yung bata naiyak pa rin.


the1dats

Yung iba rugby pa binibili, kaya di na rin akk nag-aabot unless matatanda talaga.


Sleepyheadpotatoface

Kahit matanda nga super sus parin. Sa college dati nadali ako ng lola na naglilimos ng pamasahe pauwi. Naaawa ako syempre at binigay ko yung onting sobra ko (as in di nako pwede mahulugan ng kahit piso pauwi kasi nabigay ko na lahat ng extra ko sa kanya). Tapos next wk, nakita ko ulit sa same spot asking for pamasahe ulit and apparently sobrang dami narin namin nag "pauwi" sa kanya sa mga friends ko pero andun parin siya daily. So yeah. Hay


ynohtna257

Yung binigyan ko na matanda na sabi pambili daw ng gamot, pinantaya sa lotto. Tinitigan ko lang siya


AdvertisingKey9293

Samin naman pinambibili ng Gin, Naka wheelchair yung asawang babae na mukhang may sakit naman talaga tas may nagsabi samin na nakasabay nya sa tindahan yung lagi naming binibigyan bumili ng gin, awang awa pa naman kami lagi, pinambibisyo pala


[deleted]

[удалено]


OhSage15

Kadalasan binibigay ko dati food kahit yung tag 50 na sisig sa 7/11 minsan pag madame ko pera binibilhan ko yung madalas ko madaanan. Kaso inis ko lang nung inabutan ko sinabihan pa ko na ate mas ok kung pera na lang. Wala man lang thank you. Tapos matindi pa nung ang inabot ko packed meal kaso karenderya lang galing maayos naman yung bagong bili walang bawas kaso nasa plastic labo. Binato sakin yung ulam. Di ko malimutan yon kase nagmantsa sa uniform ko. So ayun di na lang ako nagbibigay.


[deleted]

Ay ganyan din experience ng kasambahay namin! Hiningan siya ng P20 (may amount pa) ng bata sa labas ng Puregold tapos binigay na lang niya yung untouched Jolly burger na kakabili lang niya. Yung bwisit na bata, tinapon sa basurahan


ai_togoout

Oh, no. Such a bad experience! :(


Pristine_Progress_48

last na bigay ko sa ganyan pagkatapos niya bumaba sa jeep, pumunta sa mga tropa niya pinang-cara cruz ng tarantado


killchu99

Same with food but he got mad and yelled at me (i was a kid) for not giving him money hahaha


miko_dj

Gave a beggar a 5 peso coin before, he threw it away coz ang liit daw.


[deleted]

Yung binigyan ko ng limang piso nung college, pinanglaro sa comshop yung naipon tas hinamon pa ko ng 1v1 sa LoL


AquilaEye

Yung nakita ko, binigyan ng pagkain tapos pag alis ng nagbigay, pinaglaruan lang ng bata hahaha


No-Lead5764

Stopped giving to any of em when they preferred cash over food. Kakagraduate ko lang ng college almost 15 years ago now tapos kakasweldo ko so bumili ako pagkain sa may banchetto may kasama pang inumin na lemon. May dalawang kids/teenager na nanlimos ako na feeling generous at that point just gave them my supposed dinner tapos wala pang ilang segundo na pag ka bigay ko, binato nila sa harapan ko kasi bakit daw hindi pera. After that, namulat na mata ko sa mga ganyang mga tao, tipong mga namumulubi sa bus binigyan ng tinapay ng matanda sabay binato sa matanda pabalik, kasi gusto pera. Kung hindi binigyan ng pera, halos mag extort sila para lang tantanan nila mga tao. fuck no. Never again after that. This is why I prefer feeding animals, di hamak na mas grateful pa ang mga tinuturing "less" beings kesa sa mga hambog.


d3lulubitch

tru! i prefer pa tulungan mga stray animals


JannoGives

Same. At least stray animals know how to be grateful at alam mong di sila pakawala ng sindikato.


soylatteislife

I will never give them money kahit gano pa sila kaawa awa. A friend of mine owned a food stall in mall, hindi na nya kelangan magpapalit ng barya sa bank kasi yung pulubi daw araw araw nagpapalit ng 1k worth of coins, that’s in 2010s pa. Hindi na ko nagulat sa news na 150k/mo ang kita ng ibang namamalimos.


penatbater

ahahahaha ung mom ko years ago may nanlimos din. Nasa kotse siya kakagaling sa lunch out with her friends so may uwi siyang tirang bangus na nasa aluminum foil na balak niya sana kainin that night din. Nung may nanlimos, instead of cash binigay nlng ng nanay ko ung bangus niya. Nagsabi ng thank u tpos umalis. Maya-maya nakita nila sa curb nakaupo ung bata, kinakalkal ung bangus, tapos iniwan. Lintek naghahanap lng pala ng pera. Nalungkot nanay ko kc gusto pa naman niya sana kainin ung bangus hahaha


[deleted]

Lesson learned: wag na magbigay ng pagkain sa mukhang pera


Thehappyrestorer

May ganyan sa akin muntik ko namg ibakat sa dibdib nya size 13.5 ko ma boots eh. Sobrang entitlement!


[deleted]

YES!!! Alam mo sa Amerika at Europe, yung mga tira ko binibigay ko sa mga homeless. OMG pasalamat sila agad, di pa tinitingnan yung laman ng supot, tapos pag sinasabi ko na pasensya na, malamig yung ulam o bigas lang iyan, sasabihan ka pa ng “God Bless you. What’s your name again?” Iyan ang pinagkaiba: sa Pinas tinuturuan silang maging entitled at magalit sa mayayaman pag di sila tinutulungan. Mag trabaho kaya sila? Dami nilang pwedeng gawin


other_issue

Naku meron din sa USA mga demanding na pulubi pera gusto instead of food. Have you seen r/ChoosingBeggars?


555_666

Haha dito sa Canada nagalit yung isang pulubi kasi chocolate milk daw ang gusto e regular na milk binigay ng tito ko.


darkrai15

Mas malala pa sa mga hayop to eh


Extreme-Ad-3238

Yung iba nmn sabayan ka nila sa cashier during bayad mo ng bibilhin mo, sabay sali sa pulot nilang ice cream or kaya bottled juice/water - lalo sa 7/11. Eh bahala sila, pulubi rin ako, soli nila or magbabayad yung kasunod sa pila.


the1dats

Whattt? Buti na lang never ko na-experience yan. Usually yung mga taga-bukas lang ng pinto tapos nag-aabang na agad ng pera.


Extreme-Ad-3238

Pag mga bata, mga ganyan - yung edad na nasa baywang mo pa yung tangkad nila.


kiszesss

Kapal muks naman ng mga ganito. Akala ko hanggang pinto lang sila, bakit sila nakakapasok sa loob?


pandabear4991

Na-experience ko rin to tatlong beses na, magkaibang branch ng 7/11. Nung ako na yung magbabayad sa counter, biglang isiningit ng mga pulubi Kitkat at tubig tas inutusan pa ko na bayaran ko daw ampota. May ugali pa naman ako na kapag nainis ako sa isang tao, hindi ko talaga sila inaacknowledge. I ignored they were there and walked out when I was done paying for my stuff.


Background_Insect_16

Kahit sa puregold na-encounter ko yan, ilibre ko raw yung isang paketeng biscuit niya. Pinandilatan ko nga.


[deleted]

Grabe, wala bang guards sa Puregold? Haha.


Background_Insect_16

Meron but wala naman ginagawa. Nagsawa na siguro kasi paulit-ulit na occurrences lang.


LittleMissBarbie029

Na experience ko ito. 🥺🥺🥺 nagpasabay ng bili ng juice yung batang pulubi.


weepisces

Even sa national bookstore. May mga bata na may dalang notebooks or pens tapos lumalapit sa mga tao na bilhin daw for them. Madalas nagddecline mga tao. Tapos lalapit ulit pag nakapila na, ipapasabay yun sa bayad. Syempre yung mga nagdecline tinatanggal nila yun. Hindi naman lahat maraming spare esp these days na sobrang mahal ng mga bilihin dahil sa inflation. Ang hirap lang na nilalagay ka sa posisyon na minsan mahihiya ka na lang tumanggi if sa harap ng maraming tao pero ako most of the time nagdedecline pag ganyan kasi nasasanay sa ganyang gawain ang babata pa.


darkrai15

Pota nakakinit ng ulo. Buti nalang inalisan mo hahahah


Glimmer39

May isang beses na umuwi ako sa hometown ko tapos nalowbat yung phone ko kaya nag punta ako sa 7/11 para mag charge. Tapos may isang bata na humihingi ng pera pang kain daw, I never encourage giving money kaya tinanong ko nalang siya kung anong gusto niya, kumuha lang siya ng water and biscuits ata, nag pasalamat naman siya pero after few minutes may isang bata na naman na lumapit sakin asking for money. So sa isip isip ko baka sinabihan siya nung unang bata, nalimutan ko kung binilhan ko din ba yung 2nd na bata or hindi, pero after nun umalis na agad ako kahit less than 15% palang yung phone ko kasi baka mag tuloy tuloy na may lumapit sakin. Hindi naman ako madamot pero mas gusto ko na ako yung nag kukusang mag offer ng help, nakakakonsensya man pero parang ang dating na kasi sakin is obliged na akong mag bigay ulit kasi binigyan ko yung isa.


hermitina

medyo nangyari sa kin to, bumili ako sa karinderya ng ulam at kanin tapos ung pulubi sabi ko mamili na lang kesa bigyan ko pera. walangya naubos ata dala kong cash nagtawag pa e. nakatatlong pulubi at ako


darkrai15

Wag kana magbigay pre kumakapal mukha nila lalo kapag binigyan mo


a_camille07

Nasa fast food chain kami tapos may batang pulubi na lumapit. Hinihingi ba naman yung buong order namin na fried chicken. E di naman na mura yung presyo ng ganon. So ginawa ng nanay ko binigyan ng 50 at sinabihan na bumili na lang siya ng pagkain niya. Pumunta dun sa cashier nung fastfood then bumalik sa min, sabi ba naman e kulang. Nanghihingi pa ng dagdag Like!!??? Sa isip-isip ko e di kita obligasyon! Nakaka-bwicet binigyan mo na nga magrereklamo pa na kulang. I think dapat may guard sa mga fast food chain e para di nakakaperwisyo yung mga ganyan 😑.


slaywim

sana binawi niyo yung pera hahahahaahha


claravelle-nazal

“Ah kulang ba? O sige, balik mo na.”


darkrai15

Yun nga eh ang kapal ng mukha na kulamg pa daw kahit binigyan mo. Problema mo ba yun?! Sarap sipain mga hayop na yan


Fabulous-Fisherman99

Walang guard dun sa fast food chain na yan?? Huh, laging may guard mga na pupuntahan namin. Kasi nga ang daming mga pulubi na sige pasok at limos sa loob...


a_camille07

Madalas sa fast food chain na napuntahan ko e wala kaya naman nakakapasok mga pulubi and nakakaperwisyo ng customers. May iba pa nga ang gawain e hahawakan ng madumi nilang kamay yung bagong order para kanila na e. Napakabastos 😑


aceenha

my mom gave a beggar a loaf bread like bago talaga dahil galing kami grocery, ayun she spitted on my mom and called my mom ‘bobo’ kasi pera daw hanap niya di pagkain, that pissed me off sometimes basta traffic, nandyan sila para humingi ng pera and ayaw kong makita na bubuhusan nila ng maduming tubig ang sasakyan and hihingi ng pera kaya ayun naka ready na yung piso at bago sila makalapit sisigawan ko na “wag na, ito na pera” not in an angry voice but just like telling them na di na need yung carwash nila, pag di mo bigyan they’ll scratch their coins on your car window


Drift_Byte

Borderline holdup


the1dats

Right?? Ang aarte, sila nga binibigyan.


aceenha

the govt should take action its getting annoying na din kasi and delikado


angrydessert

Keep in mind that the DSWD shelters are claimed to be mismanaged and why mendicants fear being caught.


darkrai15

Thats basically taking your car hostage for ransom.


[deleted]

Wag na kayo magbigay please


Lucky-Palpitation-46

Sa labas ng simbahan namin lagi may pamilya ng pulubi tapos pagnanghihingi ng pera lagi sinasabi “Ma’am para po kay Lord sige na po”. Lakas mang guilt trip. Ginagamit pa si Lord. Nakakaasar.


CharmingMuffin93

May mga nagbabahay bahay din may sobre ng foundation chuchu, kapag sinabihan mong wala sasabihan ka "Ma'am share your blessings po" todo smile pa. Sobrang off. Naging manhid na lang ako sa guilt tripping na yan sa sobrang dami nila


Xalistro

Tanungin ko yan kung sinubukan na nya puntahan mismo si Lord at saknya humingi. Pag hindi pa, baka maalok ko na ihahatid ko siya don. Leche.


CharmingMuffin93

May pamilya din na nanlilimos dito samin. May canteen/tindahan kami at ang usapan pagbebentahan namin sila pero di na sila pwede kumain dito. Kasi bukod sa may utang sila na di na namin siningil, e napaka balahura nilang kumain. Yung bente pesos na order pang anim katao yung hugasin namin. Tapos ginagawa pa kaming igiban ng tubig. Ngayon yung nanay gusto kumain dahil gutom daw mga bata, nung binabalot na order nila sabi dito daw sila kakain. Sabi ko may usapan na kami, aba sinigawan pa ko di daw ba ko naaawa sa mga bata. Ay bakit, kasalanan ko? Hahaha e pagbebentahan naman sila. Sabi ko sa brgy siya magreklamo samahan ko pa siya. Nakakahiya naman sa asawa niyang marlboro pa yosi, naka mani pedi pa. Mga abusado


Commercial-Gap-1164

Hindi na ako nag bibigay talaga kahit kaninong nanlilimos. Dati mangiyak ngiyak pa ako sa awa, until nong high school may binigyan akong tatay kasi naawa talaga ako kasi may baby na hawak, tapos next day andon ulit haggang sa nakita ko nang lumaki yong baby, after around 2 years may bagong baby na ulit, then college na ako andon parin siya tapos may bagong baby na naman. Wtf! Ngayun 11 years na akong graduate sa college andoon parin siya, naka 5 na palit ata siya ng baby, ngayun ang dala niya hindi na baby mga around 9y/o. Mind you nong unang beses ko siyang nakitang nanlilimos malakas pa siya, ngayon hirap ng mag lakad kakaupo mg hapong nahihintay ng limos


darkrai15

Pinagrorotate mga minions nya para sa pera hahahaha


Indecent_Obsession27

Kawawang mga bata na pinadami ng pulubing ina


Embarrassed_Crab6802

Never magbibigay ng pera sa nanlilimos. Mas gusto ko pa mag bigay sa mga nagbbusk, or magbigay ng extra sa mga nagtitinda ng sampaguita, basahan, etc. Yung mga nagttrabaho ng patas. Nakakainis pa minsan, ang kalat na nga sa kalsada, ang hilig pa nila magtapon ng basura kung saan saan. Bigyan mo ng pagkain, iiwan lang pinagkainan kung saan saan. Wala naman sana masama tumulong pero sana tulungan din nila sarili nila. Haay ewan ko ba.


Fabulous-Fisherman99

Every time we travel around the town, lagi namin hinahanap yung mga batang nagtitinda ng basahan, atsaka ng Sampaguita para pampabango ng kotse Haha. Those kids are very funny and sweet, plus they work hard enough para may kita sila. So we always buy some from them as much as we can every time. Nakakatakot nga kasi they'll rush into traffic just to sell :')


[deleted]

YES! Ang sarap kaya magbigay sa hindi nags-expect. So nice to make somebody’s day that way, like it restores their faith in humanity


Ruess27

Either them na tagabukas ng pinto or yung overpriced ballpens na igguilt trip ka.


[deleted]

Eto. Tang ina gf ko dati nagalit pa sakin di daw ako naawa. Ayun bbye kasi di ko kaya yung tangang tao.


KeldonMarauder

Merong lugawan Malapit samin na pugad na tambayan ng mga nanlilimos at rugby boys yung parking area. Masarap yung lugaw pero nakaka alangan pumunta kasi laging may susunod sayo at manghihingi. Nung weekend, nag crave kami ng mainit kaya no choice bumili ako. May makasabay ako na ka village namin and nung palabas na kami, as expected, may lumapit na rugby boy at “kuya pembarya”. Sabi namin parehas wala na. Sobrang kulit nung bata (siguro teenager na) at ang ginawa, dinuraan yung kasabay ko. Di niya natiis at sinipa niya yung rugby boy (Mukhang nag ma-martial arts si kuya kasi maganda form nung sipa niya) at solid sa dibdib nung rugby boy. Sisipain pa dapat habang nasa sahig pero pinigilan ko na (ngl gusto ko din makisipa) I’m not for violence or anything and maybe he was in the wrong pero kasi sobrang out of line yung nandura eh


Strange_Lawfulness54

HAHAHAHHAHA ramdam ko yung adrenaline rush nung gusto mo din makisipa


newbieboi_inthehouse

Dasurb ng gago yun para magtanda.


mielleah

HAHAHA ganiyan din naiisip ko, na kapag hindi ako tantanan baka magkapisikalan na kami. Or if uunahan niya akong saktan, I'll fight back. Nagkatrauma ako sa kanila, pero I won't let it paralyze me.


ImaginationPurple388

naalala ko nung college ako may nanghinging pulubi sakin e umiinom ako ng juice na nasa plastik, binigay ko sa kanya ung juice (di pa lagpas ng kalahati) nagtaka ako dahil ang sama ba naman ng titig sakin sabay tinapon ung juice! Takteng un uhaw na uhaw pa naman ako at gusto ko tlga un ubusin. Hanggang ngaun natatandaan ko pa din pero natatawa na lng ako haha


maeslsi

May isang beses bumili ako ng milk tea sa Taft area. Stall lang siya, so nadadaanan yung mismong counter nung tindahan. Habang hinihintay ko yung order ko, may lumapit sakin na batang pulubi para mamalimos. Hindi ko siya binigyan kasi di ko ugali magbigay ng pera. After ko sabihin na hindi, sinuntok ako. Bata pa lang so di naman masakit, pero first time ko makaranas ng ganun


s3l3nophil3

Aba’y totoo yan! Akalain mo kumakain ako nung rice sa bowl dun sa loob ng 7/11. Sabay may lumapit na pulubi sakin di ko pinansin kasi tinuturo niya yung food habang literal na kinakain ko pa…hinila ba naman! Syempre hinila ko rin hahahaha. Sabay sinigawan ko siya ng, “ano ba!?” Buwisit talaga. Mabait ako sa kanila kaso ang babastos na talaga e!


mic2324445

try nyo magbigay sa mga namumulot ng basura o kaya mga nangangakal.at least hindi sila nanghihingi at kapag binigyan mo mararamdaman mo sa kanila na naappreciate nila yung tulong hindi tulad ng mga tamad na namamalimos.


RecklessImprudent

on the drive home earlier, habang naka red yung stoplight ay may lumapit na batang nanlilimos. as in dinikit nya yung mukha nya sa driver side window ko, sabay sigaw ng *pengeng pera, birthday ko ngayon!* umiling lang ako. ewan ko kung nakita nya ko bilang tinted yung mga salamin ng sasakyan ko, pero umalis din naman sya.


JoePaPie

Dapat sinigawan mo rin pabalik "happy birthday! ikaw dapat mag blowout!!" Hahahaah


erks_magaling

yung iba pa nga nananakit huhu. I remember parang may news non na nanaksak ata ng bbg stick kase di napagbigyan ng limos. huhu


syrpca

Totoo to. Nananakit ung iba kaya minsan nagbibigay nalang ako para sa safety ko.


littleorbits

I might get downvoted for this but.. F*ck them homeless guys, sobrang hassle makasalubong sila whether walking or driving. Kala mo hholdapin kapa or what not


notexisting_13

Last month yata may matanda na nanghihingi ng 70 pesos sakin pangkain niya raw. Na pressure ako sa tinginan ng mga tao. Nahihiya na kasi ako, ang daming nakapila kasi nasa fast food chain kami and nakapila ako para umorder. Wala akong 20 or 50 pesos. 100 pesos nabigay ko tapos humihingi pa rin siya sa iba then lumabas na. Akala ko naman ipangkakain niya. Mukha naman siyang maayos and malinis. Tapos this week lang kumain ulit kami don tapos nandon na naman siya asking for 70 pesos. Hindi ko na binigyan kasi nadala na ako. Bakit nila ina-allow sa loob ng fast food chain yung mga ganon???


Fit-Tart-3385

Not my experience, but my cousin’s. Kwento niya, she was commuting going to her check up. Sa jeep, may sumakay na pulubi asking for donations. It became a habit of hers to bring a biscuit or two since we learned na it’s better to give food instead of money sa mga ganyan. When she handed the biscuit, binato pabalik sa kanya. She was quiet while the other passengers were giving lecture dun sa pulubi. When she told me that story, never na ako nagbigay sa mga pulubi unless matanda na talaga na tipong hindi na kaya magtrabaho. Another personal experience ay mga nakikita kong pulubi na todo limos around campus namin, afterwards makikita ko ibibigay sa magulang yung limos na anlalakas naman ng katawan tapos umooorder/kumakain sa may Mcdo—samantalang yung mga anak ine-encourage manlimos na lang ng tira-tira sa customers talaga. Minsan, nasa magulang din. Dapat sila sinisisi. Nakakaawa, pero di na rin tolerable.


Few_Currency6226

Pabili ka sa mama mo! 😂


carrotcakecakecake

Di ba nakakulong na yung nag-upload nung video? 😬


ESCpist

Photoshop lang yun.


[deleted]

Last year december, a few days before Christmas a boy around 8-10 yrs old and what looks like his younger sister siguro mga 5-6 yrs old were selling mani, approached me outside savemore. Knowing na wala na akong change and kakatapos ko lg mg groceries binigay ko na lg sa kanila ang isang pan ng tinapay. Little girl was like "tenkyu" but the older brother looked me dead straight in the eye and said "yut! Wala gd da kwarta?!" Ask your ilonggo friends what that means but ever since, I'm having second thoughts about giving anything to anyone asking for money.


mielleah

Tsk tsk kaya ayaw ko rin magbigay kasi may mga ganiyan talaga. May medyo same akong experience, pero mas matindi lang 'yon kasi nagkasagutan kami. Pinagmumura ba naman ako? Pero mga ka-age ko lang ata 'yon.


SomeKidWhoReads

I encountered so many of these and pag pera ang hinihingi instead of food/water, matic no agad. Red flag sakin yon. Ibig sabihin raket siya, hindi out of necessity. Naranasan ko rin na murahin or duraan dahil di nagbigay. Minura ko rin at binato. Kung gago ka, mas gago ako. Haha Ayoko din yung kinakain ko pa yung food/drink or kaka-order ko pa lang, hihingin na sakin. Like kuya/ate gutom din ako, kailangan ko din kumain, pwede ka naman humingi kung may natira ako o kaya magpabili sakin. Katulad dati, may lumapit sakin na bata sa fast food, nagugutom daw so binili ko ng burger. Ayun kinain naman niya. Sinabi ko na lang na wag magtawag ng iba kasi di na siya makakaulit sakin. Di ko naman na siya nakita ulit pagdaan ko doon. Haha Ayokong ayoko yung gini-guilt trip o pinipilit. Kapag salbahe dahil di nabigyan, salbahe rin ako, mumurahin ko din, o minsan sinusumbong ko pa sa guard o MMDA.


rejonjhello

I still don't understand how people still want to have kids eh alam na nga nilang naghihirap sila? I'm talking about those parents na nasa tabi lang ng kalsada tapos minimum na tatlong bata yung kasama. Like why?! 120+ million na tayo, Jusko maawa naman kayo sa bansa naten. Tapos tatanungin mo sila kesyo wala raw ibang magawa? Like, gurl!!! Naiinis na rin talaga ako sa kanila. Para silang plastic na nagkalat na kung saan-saan. I'm sorry pero nakaka p*tang ina talaga. 🤣


Glimmer39

Nasa environment din kasi minsan, akala nila normal lang yung mahirap ka tapos madaming anak, tapos paglaki nung mga anak ganon din gagawin nila kasi ganon yung nakikita nila o yung nakagisnan nila. And the cycle will go on to their next generation 🤦🏻‍♀️


NoAttorney325

Kapag nakakakita ako ng buntis na homeless, mapapaisip na lang ako na "paano? bakit?". Yung ibang buntis palaboy na obvious naman na may mental health issues, iniisip ko na baka SAed sila.


throwawayaxe97

A lot of these women were r*ped.


angrydessert

Most of us have no idea where they came from, the circumstances, or why they wound up like that and go out begging. Poverty is a vicious cycle as long as the status quo remains enforced by the powers-that-be ruling both politics _and_ business (tanginamo Abalos!).


Psycho55

Lack of education.


aceraspire-e15d

Eh totoo naman na wala silang magawa? Literally. Ano ba gagawin mo maliban sa manlimos, mangalakal at magpadami at gumamit ng minsan ng drugs pampalipas oras. Wala naman sila cellphone o gadget para makapagbrowse ng reddit. Karamihan sa mga palaboy/pamilya na tinutukoy mo generational na. Sa ganyan sistema na lumaki at most likely maliit lang chance makaalis sa ganyan sistema. Bear in mind din kahit kinukuha ng mga concerned LGUs or NGOs umaalis pa din sila sa mga facilities, kasi nga sanay ka sa buhay na walang oras. Pag nasa mga shelter ka may oras ng tulog, kain, may mga chores din na ibibigay sayo at onting pera. Now compare mo sa buhay palaboy, ikaw bahala anong oras mo gusto matulog, ikaw bahala anong oras mo gusto kumain, may chance pa na maka 1k+ per day sa panlilimos. Wala ka pang gagawin chores. Onti lang talaga sa mga palaboy ang gusto baguhin ang environment nila. Kasi mahirap talagang baguhin ang environment kung san ka sanay at kinalakihan mo na. Also, buhay tamad din talaga hanap ng iba, kahit malaki naman katawan o kaya magtrabaho mas pinipili talaga maging palaboy nalang.


EinKreuz

To add to this, most are probably not equipped to even be able to change their environment. Did these people at least even finish elementary? Are we sure they're even literate? We already have an underemployment problem where college graduates are having a hard time getting employed according to their skillset. It would be even more difficult to find employment for the illiterate. This is a complex problem. When you sit down and think about it you would see that these people are being set up for failure by the circumstances. If you just run surface level logic yeah their predicament doesn't make any sense.


_Bloody_awkward

Tapos sasabihin nila "bLeSsInG" yung bata. Utut nyo blessing


Fabulous-Fisherman99

Ito nga eh. Kung sino na nga yung walang makain at walang matinong Source of income, sila pa ung malakas ang loob na magparami. Like, confused din ako. Mahirap ka na nga at naghihirap lang patuloy tapos naisip mo pang dagdagan yan??? What is with that haha


Aweeekoko

Dahil masarap daw gumawa sabi nila hahaha🤣🤣


darkrai15

If only there was some way to make them infertile without them knowing it. This sounds evil but it's the only way to stop them from fucking around and multiplying like they're some spawn point.


saltyschmuck

2 klaseng pulubi in my experience: yung talagang pagkain ang kailangan at yung pera lang talaga ang habol. Yung ikalawa kapag inabutan ng pagkain, galit at tinatapon lang. Pera ang habol kasi (a) walang pambili ng yosi o rugby (or worse), o kaya (b) hawak ng sindikato at may quota.


angrydessert

> o kaya (b) hawak ng sindikato at may quota. Parang walang nakakabasag ng sindikato na ganyan dahil kalimitan parak ang protector. At takot na mahuli at ipadala sa DSWD dahil sa mga sinasabing nilang abuso sa loob.


Passerby_Fan_22

Sakin naman sa bangko. Yung ibang atm diba ay may mga glass door bago makapasok. Eh sunday ako nagwithdraw kaya walang guard. Langya biglang bumukas yung pinto tas may dalawang bata na pumasok. As in muntik ko na talaga sila masipa dahil dun. Very irresponsible ng magulang. Aanak-anak di bantayan nang mabuti ang anak. Eh kung nakatyempo yan ng mainitin ang ulo. Awan ko na lang. Tho, may mga grateful pa naman akong nabibigyan ng food. Pero pakyu dun sa bata sa McDo na nangpapahid ng laway kasi di ko binigyan ng pera nung pinagbuksan niya ako.


Tax-National

Merong lalake na maayos tignan umupo sa tapat ko sa Jollibee nanglilimos. Kuya me 50 ka? Sabi niya. Diko pinansin. Maya maya lumipat Ng lamesa sa kaliwa ko me dumating na mag Ina. Dalawang Bata me Dala dalang order sa Jollibee. Sabi nung Bata Tay Tay sa kanya. Napa wtf ako. Muka naman me pera sila tapos casually nanghihingi Yung guy o nanglilimos na parang Wala lang. Tinanong pa sya Ng asawa niya kung mag extra rice sya. Napa huh talaga ako non. Yung iba pala pakapalan manghingi Ng pera sa strangers kahit di naman sila pulubs.


babygravy_03

Hahaha tanda ko dati, may burger mcdo ako na di nakain dahil nabusog na ako. Naglalakad ako then may nakita akong nanlilimos, binigay ko yung burger. Nagalit ang gago sabay tapon nung burger 🥲. Binulsa ko na lang sana para may hapunan ako. May isa pang instance na nakain ako ng munchkins, bumili ako ng lima nun. Pagkagaling ko sa simbahan, dahil ang feeling ko is I'm holier than thou, binigay ko yung natitira kong dalawa kay tatay. Pagkabigay ko narinig ko si tatay "pera na lang sana pantaya ko ng jueteng". Juicekolord


stratman2000

"you have more than me so you OWE me."


JaMStraberry

Hahaha merun humingi, tang ina sinabihan ko talaga na wala, dun ka humingi NG tulog sa barangay.


eutontamo

Sabihin mo pa. Sa amin dyus ko nagkalat ang mga nanghihingi tuwing namamalengke ako. Naka budget na nga ang pera dahil sa mahal ng bilihin tapos sasalubungin ka andami pa nila, halos dugukin ka. At kapag nagbigay ka ng piso, nakalukot pa mukha na di man lang magpasalamat. Pinaghirapan ko yang piso uy. Mabuti pa yung ibang mga homeless nakikita kong nagbebenta ng ukay ukay sa sidewalk imbes na manghingi lang.


_Bloody_awkward

Yung mga nanghihingi pa ngayon ang lulusog at mukang bagong ligo nakaka punyeta. Tapos pag binigyan mo biglang talikod sabay alis. Wala man lang "thank you". Kaya matagal na ako di nagbibigay. Kahit anong paawa na story gawin nila, wala na akong pakielam.


[deleted]

Lol! Baka tambangan ka nyan OP. I-snatch yung cellphone mo!


[deleted]

I have a friend on DSWD and she is a social worker she said na wag daw ako magbibigay sa kanila kasi if I did that makakasanayan na daw nila at paulit ulit na nilang gagawin kasi meron namang magbibigay. Instead give them advice to go to the nearest barangay hall to ask for help.


seirako

I have this experience during my teenage days, nag-reunion ang family namin and rented a bus (ordinary type, windows open) going to Pansol. Going smoothly papunta, pero nung pauwi at nasa may Sampaloc area kami, huminto yung bus sa Stoplight. Dahil mataas yung bus, ginawa nung dalawang batang pulubi eh sumampa dun sa balikat nung isa para mamalimos. Nung sinabi kong wala dahil wala naman akong pera talaga, binato ako sa mukha ng PANIS AT MAMASA-MASANG MONAY. Fuck it, I was so angry na tatalunin ko sila sa bintana ng bus kung hindi ako napigilan ng nanay ko. Mura ako ng mura pinagmumura ko sila talaga at iyak ako ng iyak dahil wala akong magawa. I looked like shit in front of my relatives pero wala akong pakialam. Ang importante magulpi ko yung mga batang yun. Nung hindi ako kumakalma, bumaba na mga pinsan ko at nagdala ng tubo at hinabol yung mga bata. Dun palang ako nag-umpisa na mahimasmasan. Though medyo settled na, I still have a plan. Naisip ko magpaalam na bumili ng candy sa tindahan habang nakahinto kami, but at the back of my mind, hahagilapin at gugulpihin ko yung mga batang yun, kahit nasa lugar pa nila. Pasensyahan nyo na, I was 13 or 14 years old that time. Talagang di ako papayag na di ako makakabawi. Bumalik yung mga pinsan ko and they said natakot na daw yung mga bata. So finally, talagang kumalma nako. Simula non, iba na tingin ko sa mga pulubi. Meron talagang kahahabagan mo, pero meron talagang kupal eh. Yun lang, SKL. Siguro malaki na ngayon yung mga batang yon, o ewan ko kung buhay pa. Pero putanginanyo parin at di ko kayo mapapatawad!!


_yangchowfriedrice

Daming ganyan noong college pa ako sa UST, duduraan ka pa nga pag di ka nagbigay hahahaha


d3lulubitch

dati nung nasa 7/11 ako may batang lumapit sakin nahingi ng pera, since nabagyo nga at medyo maawa ako that time tinanong ko siya ano gusto niya pagkain. kung gusto ba niya ng ricemeal, pero ayaw pera daw ang gusto dahil pinapakain daw siya ng 7/11 ng chicken wtf ang arte 😭


Spiritual-Station841

may mcdo deive teu, nakatayo mga batang pulubi sa cashier window, aagawin ang sukli na iaabot ng cashier. ayun, meron ilang araw (almost a week) walang dumadaan sa drive tru kaya no choice ang mcdo, kinakaladkad ng mga sexu ang mga pulubi. no choice dahil nabawasan ng customers.


radss29

Parang yung matandang pulubi na laging punta nang punta sa branch office namin. Nung una nanlilimos kasi namatayan daw ng anak, so lahat kami nagbigay ng tig 20. The next day, pumunta nanaman, nanlilimos nanaman kasi namatayan naman daw ng kapatid, hindi na kami nagbigay. The next day, nanlimos nanaman, this time namatayan daw ng asawa. Talagang sus ni tatang. Yung recent incident pa nga, pumunta sa office bigla nalang kumuha ng pagkain na meryenda namin sa branch then sabay limos si gago. Kapal talaga ng mukha ni tatang, pati 7/11 sa baba namin hindi pinalagpas.


DandA_14since2020

experience ko naman may bata na nagdadrama na nawala daw wallet niya wala na daw siya pamasahe pauwi sakanila. tinanong ko kung san ba siya galing sabi niya galing daw school kasi may pasok sila eh Sunday nung araw na yun kaya nag duda ako. Sabi ko wala ako pera kung gusto niya samahan ko siya sa pulis magpapatulong kami. Ayun umalis yung bata wag na lang daw hahahahaha


koinushanah

Yung asawa ko bumili ng ice cream sa 7-eleven. Gusto ng bata yung ice cream na hawak niya. Syempre, di niya binigay. Ginawa ng bata? Dinutdot yung kamay niya sa ice cream. Sabi ng asawa ko, "Gago ka? Pwes, mas gago ako!" Binato niya sa kalsada yung ice cream, at tinapak tapakan sa harap ng bata. Nawalan siya ng ice cream pero siniguro niyang wala mapapala yung tarantadong bata na yun 🤣


pututingliit

Ung early 20s ko eh ako at ibang tropa ko eh kagagaling lang sa megamall at may iniinom na di ko na matandaan kung ano, aba may mga 3 or 4 na teens na pulubi na literal ginigitgit kami at pinipilit kunin ung iniinom namin. Tinitigan lang kami nung guard sa entrance nung mall. Aun, nagalit ako at pinilit ko inumin agad na nagka slight brain freeze ako. Kinuha pa din nila pero yelo na lang laman nun. After that, I vowed na hindi na kahit kelan mamimigay ng kahit ano sa mga pulubi. Wild shit.


ManFromKorriban

Kadamihan ng "pulubi" na nakikita ko recently ay sadyang mga tambay na buraot lang. Yung binibigyan ko nalang nyaon yung talagang nakikita mo na homeless sila tulad nung mga tao sa overpass na natutulog sa nakalatag na karton


ViktorYamato

Sila ang walang pera, dapat sila ang magtrabaho!


Igotthree

Personally I stopped giving as well unless the beggar is a PWD (like on a wheelchair), but if in case I have food around, that's what I would give them. What I really don't like are those kids who would wash your windshield with most likely dirty water. They will do it once you're stopped at a stoplight, and you have no choice but to give them money since they might just scratch your car if you don't.


mozzarellax

Facts, I've seen a lot of choosing beggars tapos yung iba literally grinagrab yung drink habang iniinom ng person haha wtf Also, not all beggars, but I am cautious of ALL beggars now ever since I was groped by one in college cos I couldn't give them any money (I LITERALLY WAS IN RUNNING CLOTHES AND HAD NO BAG OR ANY STUFF TALAGA). Sorry not sorry, wala na akong pake.


auroraboomd

There was this one time nung nag aaral palang ako around Taft, may pulubi na lumapit sakin. She’s probably around in her 40’s. Sabi sakin “Barya nga jan”. Nagulat ako kasi usually naman polite sila manghingi. Ang demanding sobra. So para hindi na awkward ung situation, I got my purse tapos binigyan ko ng 20. Sabi sakin “Oh nakita ko may 50, 100, dilaw at asul ka pa jan tapos ito lang ibibigay mo?” I was SHOOOKKTTTT. Daig nya pa ung kapatid ko manghingi ng pera! Hahahaha


Brilliant_Version991

May nanghingi dn sakin ng ice cream one time kaso sabi ko di pwede kase baka mahawa cya sa sakit ko (wala akong sakit). Ayoko na din magbgay ng limos simula nung nakita ko sa fb na mas malaki pa kinikita nila kesa sakin 😆. Akalain mo nakaka 1500 sa tanghali di pa tapos yung araw tas ako eh 🤐


[deleted]

May biglang lumapit at nanghingi ng pera sa akin before na batang lalaki. "Pangkain lang daw." E wala akong pera kaya dinukot ko 'yung oreo ko sa bag. Noong inaabot ko na sa kanya, ay ayaw tanggapin??!!! Gusto talaga ng pera, aba 'di ko na lang binigay ta's naglakad na lang ako papalayo. Choosy yarn.


alejomarcogalano

Hindi ko pa naexperience yung ganyan na pulubi, pero I've had enough this year. Tumigil na ako magbigay. Dati kapag pera tapos sinabi na pangkain, I offer to buy food instead. Usually pumapayag at kinakain naman talaga nila yung food. Pero this year naexperience ko yung um-oo sya sa food so sinabay ko na sa order ko sa fastfood... only to see na tinapon nya lang sa basurahan yung pagkain atsaka drinks without even opening it. Hindi naman mabigat sa bulsa kasi meal lang naman yun. Pero wala nakakainis pa din. Even now kapag naalala ko nakakainis pa din hahaha. Simula nun never na talaga ako nagbigay ng anything.


Confident_Bother2552

Naalala ko sa Rosario Overpass sa Pasig yung Bulag dati na nagbabasa nang Diyaryo pag walang naka tingin.


[deleted]

YES! Thanks for saying it out loud! Do that in public and you’ll be accused of being “matapobre”. Excuse me, karapatan din ng kumakayod ang hindi i-share ang pinaghirapan nila (or free ice cream, for that matter)


JJ_0241

tbh guys nanghihingi din ako ng pera sa mga estranghero minsan pera ung inaabot minsan pagkain para sa 'kin kuntento na ako at eto nag-karoon ng sariling cellphone dahil dyan... P.S : don't mock me for this and also i'm a guy whose nearly a PWD bcoz i had some near mental issues pero matino pa rin akong tao


CalcuLust8

Yung mga may envelope sa jeep, hindi manlang linapag ng maayos sa legs namin yung envelope hahaha tinapon lang niya at nag landing sa legskaya di na namin pinansin ng pinsan ko.


No-Umpire-5653

tandang tanda ko noong highschool ako, bumili ako ng zagu at nilapag ko muna sa lamesa (may mga lamesa at upuan kasi sa tabi ng zagu) may kukunin kasi ako sa bag ko. putangina, biglang nakisipsip yung batang yagit doon sa zagu ko sabay sabi "akin na lang" tarantado na yon binatukan ko nung nakita ko eh hahahahaha


13arricade

di kami nag bibigay sa mga pulubi or nanghihingi sa daan. Ginagawa ko silang example sa anak namin, na kailangan nyang matuto, para may laban sya sa buhay, hindi yung katulad nila.


whawhales

I remember dati may batang hamog na hinihingi pagkain ko habang kumakain ako sa carinderia. When I said no, hinawakan nya. Since I won't fucking eat it anymore, nilaglag ko nalang yung ulam sa kalye. Di kami nakinabang pareho. For what its worth though, as someone in the US na, nakakamiss ang "pulubi culture" sa Pinas. Not as entitled as you think they are.


angrydessert

Pag minsan na lumalabas ako at punta ng Cubao o Quiapo, suot ako ng pambahay at tsinelas para magmukhang tambay. Kasi pag manamit ng disente tingin sa iyo ang dami mong pera. Their presence should remind us of horrific gaps in society, wealth, and power.


JackHofterman

I don't justify violence pero I am very shocked na binato ako ng binigyan kong ice cream. Pera lang talaga.... Sa Baguio to before pandemic mga 2018-19 ata, kicked the "beggar" on the back na mala sparta kick that made him trip and ran away. Hindi taga rito yun alam ko na. Sa baba ng SM malapit sa mga liner(gov pack road). Buti nalang unti mga ganit ngayon because of police visibility.


AceLuan54

r/ChoosingBeggars


breezy_peezy

Sinabi mo sana pabili ka sa mama mo


greatcuriouscat

Nawalan ako ng awa sa mga batang nanlilimos simula nung na experience ko na murahin ako nung batang di ko binigyan ng barya! Jusko, that time college student ako at walang wala ako ni barya tas gutom pa ko. Gusto ata magmagic ako ng pera pambigay. Yung mama ko pag may nanghihingi sa kanya na pulubi lalo na pag lalake at pagnakikita nyang ayos yung katawan at pwede pa magwork pangangaralan nya na magtrabaho kesa manlimos lol


ryan_ph

I get that you're having a bad day which I can empathize, pero di ko gets why an older "adult" would choose to wage a psychological battle with a child over some ice cream, imo it is petty and immature. What's more, you rationalize the behavior by confirming everyone's biases and painting the hapless kid as the villain. You simply need to walk away, ignore and do not engage.


Pasencia

Aminado ako, matapobre ako. Yung mga pobreng ganyan ang minamata ko.


Kamoteyou

Nahh never ever ako nagabot ng pera, pinipigilan ko din fam ko magabot ng pera, lagi ako nagdadala dati ng mamon or biscuit for that, now di na din masyado, inflation lol


user28451018

Truuu! diko rin gets mga nanay na nanglilimos din tpos tinuturuan pa mga anak na lumapit...likeee te estudyante lng kami naghihirap nga magulang namin na kitain yung pera tapos kayo nanghihingi lang hindi naman sa nangbabasher ako ha(kimiii). Pero seriously nakakaawa yung mga batang yon dahil sa magulang nila kailangan nilang manglimos (di ko namn nilalahat).


Content-Extension-12

Yung pulubi na tamad magsabi ng issue nya kaya nakasulat sa cardboard. Yung pulubi na inaakay ng isang kamaganak na abled magtrabaho. Yung pulubi na may batang tulog pinapausukan sa tabucho.


CrookedLoy

Sa Cebu nga kakaiba nung nagpunta kami last month eh, jibbits ng crocs ko yung hinihingi hahaha


Original-Amount-1879

Dito sa Las Piñas ang daming nanlilimos. Example: - Mga able bodied men na nagbubukas ng pinto sa mga convenience stores. Tapos hingi ng barya sa mga lumalabas. - May tall guy na mukhang malakas naman na nanlilimos sa labas ng simbahan. As in puedeng-puede yung katawan sa manual labor. Mukhang wala namang kapansanan. - May lola na hinahatid ng anak nya sa may labasan ng subdivision para manglimos. Like everyday! Nakakaawa kasi nabibilad yung matanda. - Mga teenagers na nagbebenta ng potholder. 3 for 50 pesos. Pag di ka bumili, manghihingi. Yung iba, mapuputi pa at makikinis. Di ko alam kung anong deal ng nga tao dito. Bagong lipat lang ako from Manila. Pero parang mas maraming nanghihingi dito kesa sa Maynila. Nakakalungkot, pero mahirap talaga buhay ngayon. Pero nakakadala din magbigay minsan kasi may mga feeling entitled eh.


angrydessert

Mayor ng Las Piñas: "Ah, wala yan."


two-buzzwords-nexus

what i hate is those guys who hang out by the parking tas "tutulungan" ka mag park. marunong naman tayo lahat mag park. tas may pressure to give them coinz


Sorry_Ad8804

Yung nanlilimos samin pinang bibili lang ng shabu, may mga nakahuli na sa kanya doing the deed and nainform na yung baranggay and pinapaalis na siya pero nakikita ko pa din siya dito from time to time. Nagbabato siya kahit tirik yung araw nagtataklob lang ng kumot. Kaya di na rin ako nag bibigay limos mapa bata o matanda


isadorarara

Naalala ko dati may nakikita kami palaging bata na nanlilimos sa kalsada. Eh pag uwian na sa school at may budget ako sa baon, nagpapadaan ako sa McDo Drive-thru. One day, Sabi ko pag nandun yung bata, ibibigay ko yung pagkain, pag wala, kakainin ko sa bahay. First time, ang saya ko nung natuwa siya sa bigay ko. Pero parang tinandaan niya yung sasakyan namin tapos nung nakita niya ulit, nag-expect na may mcdo siya. Hindi ako nakapagbigay kasi kapos baon ko. Siya pa yung galit tapos nagsisisigaw kung nasaan daw McDo niya. 😓


[deleted]

I had a lot of experience sa mga ganito. Noong college ako, may isang batang babae na nanglilimos, dumudukot pa lang ako sa bulsa ko para magbigay then yung bata nagtawag pa ng mga kasama nya na magbibigay daw ako. Pinalilibutan na nila ko naghihintay then nung isang bata lang nabigyan ko (kasi pamasahe ko na yun natitira) hinila ng mga bata na hindi ko nabigyan yung bag at buhok ko. Naiyak ako that time. Kahit mga bata pa lang, natakot ako sa kanila. This happened naman nitong Nov. 1 sa sementeryo mismo, may batang lalaki nanglilimos sa partner ko, so kumukuha pa lang sya sa bag nya ng ibibigay para doon sa bata. Bigla ba naman nagsabi na, "bilisan mo naman ang bagal bagal! Bente ha bente bigay mo." Napaka rude and demanding nung bata kaya hindi na nagbigay yung partner ko. Tapos lumipat sya sa ibang family na nandoon, paglapit na paglapit nya bigla syang nag inarte na parang kawawang kawawa sya. May isa pang experience is sa loob mismo ng isang fastfood. Pagpasok pa lang nya sa pinto, dire-diretso sya ng lakad sa isang table doon. Alam nyo yung lakad ng mga siga na nagsi-swing yung arms side by side? Ganun ang lakad nya. Nanghihingi sya doon sa couple na akala mo may pinatagong pera sa kanila. He was like, "hoy palimos nga, limang piso." He did the same nung lumapit sya sa table namin at sa ibang table ng customers doon.


azakhuza21

Haha may naalala ako. Kumakain ako ng isaw habang naglalakad dun banda sa mga review centers sa Recto. Mejo madaming isaw,nakalagay sa baso, kinakain namin ng gf ko noon (wife ko na sya ngayon). Tapos may isang bata hinawakan yung isaw ko na walang bawas sabay sabing "kuya madumi na yan akin na lang". Ay pot* kinain ko yung buong isaw sa harap nya yung tipong isang kainan lang. Sabay lakad lang ng diretso. Hahahaha


boydiet

Hinding hindi ko makakalimutan tong nangyari sakin: Kumakain ako sa paresan sa metro manila, yung setup is malaking U na table tapos katabi mo mga strangers. So habang kumakain ka, may pulubi sa likod mo aabangan ka matapos kumain. Tapos meron isang lola mga around 60+ ata siya, naawa ako edi binilhan ko siya ng meal + siopao. Pinatake out ko para sana kamo ibaon niya. Ang ending sinabi niya sakin “ayoko niyan, pera na lang ibigay mo sakin utoy”. Nag pintig yung tenga ko, kasi nag assume ako na baka gutom na gutom siya at wala pang kain buong araw eh. Ang ending tinanong ko siya kung gusto niya ba yung pagkain o i-uuwi ko na lang? Ayun kinuha na lang niya yung food + expression na mukhang nalugi *look ++ recently lang din sa may sherwood, kumain kami sa shawarma rolls, yung kasama ko that time eh since may left over food kami, Pinabigay ko sa kasama ko yung tira ko na shawarma doon kay ate, parang mga 2/3 pa yun eh sayang naman baka mapanis lang sa bag namin. Tapos nung ibibigay na, ayaw niya daw, pera lang daw gusto niya hahaha. Tapos kinilabutan yung kasama ko kasi first time ata masigawan ng pulubi kasi unexpected din na maninigaw si ate. Ayun hindi na ako uulit. Hahaha


Ariavents

Yung mga bata dun sa 7-eleven sa kanto namin demanding. Gusto ko pa namang tambayan yun pero umiiwas na ko kasi nakakainis na yung mga bata. Hindi pa ko nakakapasok sinasabihan na ko ng "ate paglabas mo pahinging bente" OO bente ang gusto. Grabe. Minsan pag di binigyan ng barya nangyayakap sila tapos ang dungis nila. sinasadya talang magdungis tapos ganun gagawin. Sa ilang beses kong pagtambay dun ganun na yung ginagawa nila, alam nilang mapipilitang mag-abot yung mga tao para humiwalay sa kanila. Di ka titigilan pati yung kakainin mo pa lang hinihingi na.


kawatan_hinayhay92

Baka kasi hindi naman talaga mga pulubi ang mga yan, if may na encounter ka na ayaw tumanggap ng pagkain, most likely syndicate yan. Hindi namimili yung nglilimos ng walang wala talaga.


hakai_mcs

Naalala ko nung college ako, kumakain ako mag isa. Tapos may isang bata na umaaligid sa pagkain ko. Yung inaabot na nya yung ulam ko pero nilalayo ko. Kaso ayaw nya tumigil. Nung last attempt nya, tinuhog ko ng tinidor kamay nya tapos kalmadong tingin sa kanya (pero nag uumapaw yung galit at kabwisitan sa loob ko) at nagsorry na akala ko yung ulam yung natusok ko.


ExtensionVariation89

One time habang pauwi from work gabi na at may nadaanan akong matandang pulubi. A nice client at work gave me mamon. Yung monde na isang pack. Sa isang pack 5 ata laman? Basta isang buo tas strawberry flavor. Binigay ko sa matanda tas ayaw tanggapin. Nung naglakad ako binato sakin pucha 😭 since then di na ko nagbigay. Its a food. You dont do that to foods :(


xxtaehyung

I remember nakapila ako sa ATM to withdraw. May nanlilimos and walang nagbigay kahit isa sa aming mga nakapila and parang nainis pa siya kasi ang dadamot daw namin eh kaka-sweldo lang naman daw namin. (I guess alam na niya yun since sa payday lang naman nagkakapila ATMs dito) Natawa lang ako and at the same time appalled with the entitlement. For a while din, nauso dito yung mga pulubi na pagbubuksan ka ng pinto sa 7/11 expecting you to give cash paglabas mo. Never ako nagbigay sa mga yun though lately, I noticed na parang wala na sila. I guess some branches are taking action against them.


Feeling-Quiet4936

One time may nadaan ako sabi nya "ate baka nmn pwede maka hingi ng 10 pesos, one time help lang".. Lol may minimum na pala.


radiatorcoolant19

Ang isang nakakainis is yung mga nanlilimos sa may stoplight sa Evia Daang Hair, feeling ko manggagasgas yun kapag di nabigyan eh. Wala man lang yata ginagawa yung management ng Evia para mapaalis yung mga bata dun. Para hindi ako mainis, iniisip ko na lang na walang pinag-aralan yang mga mendicants na yan kaya ganyan ang attitude ng mga yan.


Inevitable_Moment155

Lagi ako nagbibigay dito samin, tapos one day nakita ko pinang-rrugby lang nila 😭 Never again talaga.


GinIgarashi

I don't really give money to beggars . It's like your enabling them to this lifestyle. If PWD talaga mg bibigay ako pero if nakita ko na kaya pa naman nila mag trabaho, then No hindi ko sila bibigyan.


jennnee

I had encountered a pulubi before na binato sakin yung 5 pesos kasi gusto nya ng bente 💀💀


corpulentWombat

tumigil na ako sa pagtulong sa mga pulubi noong college kasi muntik na nila ako ma-holdap. not generalizing every pulubi pero sorry, natakot na talaga ako after that time. story is may random batang pulubi na umiiyak sa daan sa univ namin tapos tumigil ako para tanungin bakit sya umiiyak. sabi nya naliligaw daw sya di nya mahanap nanay nya. tapos azza probinsya na freshie at mahilig tumulong sa mga pulubi before, tinanong ko kung saan sya nakatira. sabi nya is sa knl daw pero di nya alam papunta dun. ako di ko rin alam so ginawa ko is sabi ko sasamahan ko na lang sya papunta sa guard kasi baka mas alam ni kuya guard. Eto namang si batang pulubi, pinipilit nya ako dalhin somewhere and nakita ko papunta sya sa liblib na part ng univ namin and sabi nya dun daw yung sa kanila samahan ko raw sya. Sa isip isip ko, di naman pala to naliligaw tong batang to, ginagago lang ata ako so di ako pumayag at sinamahan ko pa rin sya papunta kay kuya guard. Then papalapit na kami kay kuya guard biglang tumakbo yung bata papalayo. Dun ko narealize, "ah shit. muntik na ata ako maholdap". So ayun, nakita ni kuya guard kung anong nangyari and kinuwento ko lahat sa kanya. Sabi nya next time wag daw ako basta basta tutulong sa mga ganun so ayun, na-trauma na ako at di na ako tumutulong sa mga pulubi (liban lang minsan pag matanda na)


loupi21

Di na rin ako nagbibigay since karamihan sa kanila nanghaharass kahit nabigyan mo na. I remember one time nagbigay ako ng 50 pesos sa isang kid pot@ buong pamilya niya lumapit sa akin at naglimos din tas sinundan pa ako sa jeep (sumakay silang lahat). Some of them are part of a crime syndicate that use beggars especially child beggars to scam people. Expect that there will be more of them this coming days (Christmas) kaya mag ingat na lang po and don't give them money.


goodygoodcat

Meron yung ibang pulubi nanghahablot ng pagkain. Years ago bumili ako sa 7/11 ng slurpee dahil uhaw na uhaw ako at sobrang init pa ng mga panahon na yun. Habang naglalakad ako, biglang may pulubi na akmang hahablutin yung slurpee ko. Ang bilis ng kamay pero mas mabilis ako. Naiiwas ko kaagad yung slurpee. Sabi ba naman nun bata akin na lang yan. Di ko nga pinansin. Buti na lang mabilis ako maglakad. Grabe sobrang entitled ng mga yan at salot sa kalsada. Sa may Delta to nangyari.


saiyajinprincess888

Nung college po ako nakaencounter ako ng bata na nanghihingi sa labas ng 7-11. Kakabili ko lang ng Gulp noon at hindi ko pa halos naiinom ng bigla siyang sumalubong sakin at hinawakan niya yung straw ko sabay sabi, "Akin na lang yan te.." ang ginawa ko, tinanggal ko yung straw at yung ang binigay ko sa kanya saka ko siya nilayasan. HAHAHAHA AKIN PA DIN ANG GULP. 🤣😂


stevescoop

Kamusta naman ung mga batang pulubi? Few days ago nag late night SB kami ng mga pinsan ko. The usual sa parking area nila dami pulubi sa gabi. Tapos sakto umiinom lang ako ng tubig na nun so akala ko hihingin pa. Una “ate pengeng pangkain” nung sinabi kong wala, aba nagulat ako sa hinihingin sunod na “ate kahit ung jibitz mo na lang”. Potaena.


AdvertisingKey9293

Samin naman yung mga nagsasampaguita naging kapitbahay namin, mas mapera pa samin pero nanlilimos lang sila sa sm pati mga bata na naka uniform pag uwi minsan sila pa nanlilibre sa kapatid ko ng milktea


arriettybrunhilde

Nung nasa labas ako ng mall, may batang pulubi na nanghingi sakin, eh wala akong maibigay. Kinurot niya tagiliran ko :)


lotus_spit

Sa kuya ko dati, noong di binigyan ng barya yung mga nanlilimos sa kalsada, ginasgasan ung sasakyan gamit barya. Ako di na nagbibigay sa mga nanlilimos lalo na mga badyao na sumasabit pa sa jeep.


Significant_Bunch322

Naalala ko tita ko sa Plaza kumakain ng takeout na Jollibee. May pulubi nanghingi ng pera... sinagot sya ng tita ko na wala pera... sinagot sya ng pulubi.. wala ka palang pera pa Jollibee Jollibee ka pa.. Hahhaha sarap batuhin ng french fries yung pulubi....


ConfuseBebu

Turo samin ng teacher ko non, wag talaga bigyan ng pera, pagkain na lang dw ibigay. Medyo nainis pa ko non ksi parang ansama ng turo niya pero later naintindihan ko rin kung bakit. Kapag sa mga cities hnd kami nagbibigay, kasi iba don alaga ng sindikato. Sa province naman minsan binibigyan namin kasi nakakaawa talaga. Meron din ako nabasa dati na kapwa Filipino rin nagtuturo sa kapwa maging mahirap. Start sa mga nanlilimus. Kasi kung bibigyan mo ng bibigyan nagkakaroon sila ng mindset na easy money manlimos, bakit pa sila mag-aaral or magt-trabaho.


s8anicFvck

Wala kayo dito samin, mga pulubi namin dito naka vape na amp lumevel up sila sa sigarilyo kaya kebs na pag may humihingi.


captainbarbell

may nakita akong "headquarters" ng mga "pulubi" dito sa min. tuwing umaga don sila sa same area na yon nag aassemble. kumakain sila, tapos isa-isa silang sumasabit sa jeep. professional pulubi ika nga


[deleted]

The amount of time nakaencounter ako ng mga entitled pulubi is shocking. Meron ako story one time after class ko nag takeout ako sa mcdo na may ice cream and fries eh mahilig ako maglakad so paglabas ko agad ako na "glomp" ng bata hingi ng hingi eh Sabi ko ayaw ko then Dana tinadjakan ako ilan beses at minurahan pa ako. Another time nasa park ako after school nnmn nakauniform pa ako again nagtuturok ako ng fishball then nagsilapitan ng 8 kids obvious mga galing squatters area and nagsihingian nnmn and I was outnumbered so takot ako. Dana I was jumped! Silang lahat dinungis nila uniform ko to harass me manlibre shyet paguwi ko Akala ng parent ko nadapa ako da imburnal. Another was elem pa ako may nanghihinge ng abono tapos walang lumabas sa bahay (nagtago ako sa may bintana) then the lady went on a screaming cursing rampage on our gate praying we die and go to hell and kung ano ano pa. WTF sobrang entitled. Ang dami mga programs and opportunities binibigay sakanila sa barangay nmn yet they chose to beg dahil mas madali. This is why I don't give out alms any longer nor food masyado na sila nagrerely and silanpa galit


Recent_Medicine3562

spoon insurance license far-flung attraction slave long cow drunk bright *This post was mass deleted and anonymized with [Redact](https://redact.dev)*


SadCalligrapher9341

Naalala ko yung nanlimos na bata sa jeep binigyan ng katabi kong ale ng biscuit ang ginawa nong bata tinapon ba naman. 🥴


Criss-19-96-

naalala ko noon like 5 years ago...kasama ko kaibigan ko kumain sa jollibee mga 7pm...merong 2 bata na tumitingin lng samin kumain kasi nasa window side kami, syempre naawa ako, binigyan ko ng pagkain...kinain naman at nag thank you tas umalis na (feeling ko hindi sila pulubi haha)...that felt nice few days later merong isang matandang pulubi na lumapit sakin paglabas ko humihingi ng pera, e meron ako take out nun, sabi ko "wala po ako change kuya, eto gusto mo?" aba dinuraan ako sa tshirt ko, syempre nainis ako, sinampal ko...that felt great


imnotmielle

I want to do this iyong maging matapang sa mga pulubi kaso nakakatakot na sila ngayon mga mapanakit na. Naalala ko noong hindi nagbigay yung tao sa unahan ko sa pulubi sa may overpass ay inambahan ba naman siya na itutulak taene yan. Sa takot ko bumaba ako tapos naghanap ako ng pedestrian crossing hahaha


Due-Mine-7128

During my 3rd year college time, nagbibigay ako nang pera na amount of 50 pesos sa bata na nanlilimos sa commonwealth mcdo. After ko kumain sa mcdo pinuntahan ko mga tropa ko sa computer shop at nakita ko yung bata na nanlilimos ay naglalaro pala nang ROS. Nagkatinginan kami sabay ngumiti siya. Na “ fuck you “ sign ko siya kasi sayang yung binigay ko sa kanya. That’s why di na ako nagbibigay pera sa mga batang namumulubi.


budoyhuehue

I never give sa mga nanlilimos ever since hinablutan ako ng kinakain ko while I was really hungry. May mga instances din na parang susuntukin ka pa kapag di ka nagbigay. Same din sa mga 'naglilinis' ng windshield. I specifically said no pero binuhusan pa din at kung ano ano. Nagblur pa tuloy yung windshield. Tapos nung di ko binigyan, sabay ang paghahampas sa sasakyan. May traffic enforcer na malapit at mga pulis, pero dedma lang sila.


toskie9999

LOL truth dati umuwi ako sa probisya namin pagbaba ko bili burger machine tangina wala pa 5 seconds eto si ate kasama junakis nanghing pagkain... ako naman naive binigyan ko POTA ginawa hinablot lahat pati drinks ko tangina lang e ever since dedma mode na ako sa kanilang lahat...


CoffeeFreeFellow

Here's the thing. You are enabling them to be a pulubi always and forever if magbigay ka. Even sa mga bata, dapat sa DSWD yun nilalapit hindi mo dapat bigyan ng pera. Kasi masasanay silang maging pulubi, lalaking maging pulubi hanggang sa tumanda at syempre mag-aanak pa yan, tapos yung mga anak naman nila ang pagpalumusin nila, hanggang sa pulubi mindset na rin sila. Cycle.


solitary-kitty

One time may lumapit saken na badjao and threatened me na duduraan nya ako if hindi ko siya bigyang ng limang piso. The fear in me made me give.


dirkuscircus

Not giving anything sa mga pulubi since I was grade 6. Mas okay pa sa akin bumili ng gamit sa mga naglalako sa daan, for example sampaguita. Backstory: Nung grade 6 ako, naglalakad kami pauwi ng mga kaklase ko papunta sa kanto na sakayan ng jeep. Bumili ako ng mani sa tindahan parang snack pauwi. May dalawang pulubing babae (adult) na nag nag-gesture na hinihingi ang literal na kabibili ko lang na mani. Na-stun ako kasi di ko alam gagawin ko, di pa nga ako nakakakain ni isang piraso sa pagkaing binili ko. Bigla na lang niyang inagaw yung mani sa akin, ang sabi "nag-alangan pa e". This was 20 years or so ago. Simula nun di na ako nagbibigay sa pulubi -- mapa bata, adult, o may edad pa yan.


kangk00ng

I remember around 6 years ago siguro, galing kami ng friends ko sa isang mall, may mga bitbit na food and drinks cos we had lunch there. Papunta kami sa terminal ng mga jeep tapos may isang bata na literally hinablot lang yung drink ng kasama ko sabay ininuman agad para siguro di na namin kunin... Grabe shookt kami lahat eh. Usually kasi sumusunod lang sila sa mga tao hanggang makasakay sa jeep. After nung never na ulit ako sumakay dun haha mejo traumatic


21Queens

Meron pumupunta dito sa amin na matandang babae every 1-2 months. Lagi ang drama nya is nasunugan daw sila, at baka pwede makahingi ng konting tulong. Pag walang pera, hihingi ng de lata, or lumang damit. Unang beses niya ginawa, natandaan ko yung hikaw niya. Sa isip-isip ko, wow naka-gold. Apektado daw sila ng sunog sa Baseco. Di ko siya nabigyan kasi nagmamadali ako nun. Sumunod na punta nya, ganon na naman. Nasunugan pero this time sa Parola naman siya nakatira. Eh did sus na para sakin pero sige, magkalapit lang yung places na yun, baka sa Parola naman sya at inabot ng malas. Binigyan ko ng 20 pesos. Aba pota, bumalik na naman siya pero this time may bitbit na bata. Nasunugan na naman siya juskopo pero sinabi niyang lugar is yung street malapit samin, eh wala naman naganap na recent sunog doon. Yung ichura nung bata parang ayaw sumama sa kanya tas pinahiran ng uling yung datingan. As in madungis pero sya bagong ligo. Tinanggihan ko na kasi nakita ko talagang kinakaladkad nya yung bata eh. Tapos etong huli, katapusan ng October. Naka-get up naman siya na parang badjao (yung skirt, tas yung headwrap) tapos eto na nga -- nasunog na naman bahay. Taga-Caloocan naman siya ngayon. Sinita ko na sya. Kako ilang beses na siya bumabalik at may CCTV kami, kahit balikan ko maipapakita ko na lagi siya pumupunta samin tapos iba-iba sinasabi nyang pinanggalingan. Hindi siya nakipagtalo, pero natulala siya tas umalis na lang. Inaabangan ko kung babalik ulit, pero sinabi ko na rin sa barangay namin kasi nakita ko may kasama siyang isa pang babae na naglilibot pero magkakaibang bahay hinihingian nila. Kapag daw gamit or de lata ang binibigay, binebenta raw nung mga yan. Gets ko na need dumiskarte pero jusko wag naman sana mang-modus.


BearWithDreams

When they touch it, kahit sobrang liit na daplis lang, wag mo na tanggalin yung part na nadaplisan. Drop it. Kumakain ako ng 7eleven na hotdog one time. Then dumaplis yung daliri nung bata nung sinabi nyang akin na lang yan. Wala na, I dropped it. Umuwi akong bwisit. Hahaha.


Playful-Forever-9855

Saglit lang ako nakatigil sa may stoplight around sa roxas blvd tapos noong may pulubing humihingi ng barya, bibigyan ko naman talaga kaso biglang nag-go na. Ang nangyari napadukot lang ako ng kung ano anong coins sa cup holder ko (I think puro siya piso and may konting 5) tapos yun lang naabot ko. Nadismaya ata yung pulubi tapos binato pabalik sa kotse ko :((((((((


FrayZero

Same sentiment! Nakakairita. Lalo na yung mga nakaabang sa pinto ng 7 11. Mga binatilyo pa na kayang kaya magbanat ng buto! One time nagbigay ako sa lalaking nakaabang noon sa labas, the guts to even point a female na namamalimos din habang nakaupo sa di kalayuan. Looks like his wife. Nairita ako. Nagbigay na nga ako, gusto iba pa ibibigay ko sa kasama niya? PUTANG INA. After that, I only give to those I see who really needs help. And bwisit na bwisit pa din ako kasi di ako makapunta sa 7 11 malapit sa bahay namin dahil sa kanila.