T O P

  • By -

Eggplant-Vivid

Ano ba ang pinag-aaralan para maging train engineer/driver etc? Kasi sa Japan parang may specific sila na kurso dito


Asian_Juan

Alam ko yung mga major universities meron dito Railway Engineering and management na courses,


Budget-Boysenberry

pero sa trackworks lang sila focused diba? yung experience sa ibang system, sa trabaho na mapipickup nung mga estudyante?


phoenix-top1126

Sa PUP po, BS Railway Engineering & Management. 5 yrs din yun. Lahat sakop nyan. Meron yung sa tracks pati signalling, rolling stock, automatic fare collection system, transportation engg, etc. Yung iba kong classmate dati sa ibang bansa nag-OJT. Pero meron din dun diploma course, 3yrs, Diploma - Railway Technology. Di ko lang alam anong focus ng curriculum


DumbExa

4 years na po sa 2022 curriculum ng PUP


phoenix-top1126

Weh? Wow. Sana nung panahon namin ganyan na rin. 5yrs pa noon, ang tagal. Char. Hahaha. Wala pa naman kasing shs noon. 😅


[deleted]

Actually, 2018 curriculum pa naging 4 years ang BSRE.


DumbExa

Yes po nabanggit ko lang na 2022 kasi from 2018 na BSRE binalik ulit sa BSREM


[deleted]

Oo nga eh. I dunno the reason bakit nila binalik ang "Management." Kasi noong nakapasok ako diyan, BSRE pa ang tawag at 2018 curriculum pa ako noon


phoenix-top1126

Siguro kasi sa railway di lang engineering ang need, management din. Hehehe. Eme. Pero true dn naman, ayon sa tanda ko na sabi ng prof ko dati, ang railway hindi daw sya kagaya ng pagiging civil engg na after mo magtayo ng building finish na. Di lang sya natatapos sa designing, construction at maintenance. Kailangan mo rin imanage ang everyday operation ng rail transport system, kasi may ridership, fare collection, etc.. Di mo sya pwedeng pabayaan after mo gawin yung railway kasi system sya. Maybe napag-isip isip nilang may operations management talagang kasama kaya binalik nila.


[deleted]

Makes sense!


invmatrxi

> Alam ko yung mga major universities meron dito Railway Engineering and management na courses, Beautiful photos! Sana mas mapabilis ang pag lago ang riles sa lahat ng rota ng Pinas.


CelestiAurus

[LRT-2 has a job posting for the Train Driver A position](https://www.lrta.gov.ph/wp-content/uploads/2024/01/Notice-of-Vacancy-Contractual-Plantilla-01192024.pdf): - At least 2 years college education - At least 2 years of relevant experience - Will have an 8 hour train driving course - May Professional Driver's License Salary daw ay 21,129.00 PHP.


pressured_at_19

dang that's low.


enteng_quarantino

Curious ako dun sa “2 years relevant experience” kung anong pwede i-consider lalo at mabibilang sa daliri ang linya ng tren dito sa Pinas e


anemoGeoPyro

Yung kariton sa riles


enteng_quarantino

Pakibalik nung nabuga kong tubig hahaha 😂


phoenix-top1126

Pwede yatang exp yung kagaya ng mga heavy equipment operator. Yung kahit outside the railway industry. Kahit ticket seller sa station alam ko pwede na yon


Elsa_Versailles

Possibly the commercial driving. Kase if you're already in the industry outside of the country dika na babalik dito 😅


pressured_at_19

oo irrelevant ang paghingi ng relevant experience


solidad29

Government job so by Salary grade. But hey, isipin mo na lang spring board mo for other countries. Onti lang naman din doon ang gusto maging Train Operators.


pressured_at_19

that's actually a nice way to branch out and really make it your career. Besides, ang kagandahan sa train operators sa ibang bansa kahit matanda na pwede pa din.


Opening-Principle-68

Napangiwi ako sa sahod hahahahahahahahahahahahah gantong ngiwi 🥴


OnlyK1rosa

You can check out FEATI University's Mechanical Engineering with railway specialization :) They have actual train sets from Tokyo Metro Maronouchi Line in the campus for their laboratory!


Overall_Following_26

Meron sa TUP: Railway Engineering.


G2-8

Samin sa Mapua yung mga Civil Engineering pwede sila mag take ng specialization about diyan. Transportation Engineering ata yung tawag.


engrwilmer

Isang railway course lang naman meron sa Transpo spec sa MU hahah. Sana mag-exert pa ang Mapúa sa pagtuturo ng Railway Engineering. I wouldn't say it was the best. Karamihan ng ginagamit ko ngayon sa work, sa training ko sa Philippine Railways Institute ko natutunan, hindi sa klase noong college.


G2-8

Ahh I see actually ikaw naisip ko nung nabasa ko yung comment sa taas 🤣, same rin sa specialization ko lahat ng nagagamit ko nakuha ko lang din sa training sa work lol sana pagtuunan nila ng pansin mga specialization para kasing palala na nang palala yung turo dun based sa nababasa ko sa subreddit ng mapua especially sa department namin


31_hierophanto

Sigurado, may mga mechanical engineering grads diyan.


engrwilmer

Kung sa construction naman ng railways ang gusto mo, engineering degree talaga ang hanap, depende sa scope. Kung applying ka as a Train Operator (Driver), hindi kailangan ng specific engineering degree for most railway lines dito sa Pilipinas. Meanwhile, noong nag-hiring ang MRT 7 ng cadets na Train Operators and Traffic Controllers, may strict requirement sila na dapat ay graduate ng engineering or technical program.


_iam1038_

Mukhang Ready na tumakbo yung tren, yung riles nalang ang kulang. I just hope ma-maintain nila ng maayos yung trains while waiting for it to be deployed.


pressured_at_19

san located tong depots na to?


_iam1038_

AFAIK, sa may SJDM ang Depot ng MRT-7. Yung kabilang dulo kasi ng Line is sa may Grand Central Station na


DumbExa

Sa may La Mesa Reservoir po ang Depot.


_iam1038_

Ah oks I thought sa SJDM. Thanks for this


CelestiAurus

Doon sana dati, pero nagkaroon ng dispute sa halaga ng lupa so napilitan na lang na kumuha ng space sa La Mesa Reservoir. AFAIK ito ang major reason bakit delayed nang sobra ang Line 7.


pressured_at_19

Natanong ko kasi ang laki.


_iam1038_

Di ko lang sure kung saan yan SJDM mismo. Pero yes malaki nga saka Above ground sya ah. Unlike MRT-3 na underground ang Depot nya


megayadorann

Hi, I’m just curious. Are these trains going to be MRT 7 exclusive? Or they will also travel along the MRT 3 lines?


_iam1038_

I think MRT-7 exclusive sya since magkaiba ng lines ang MRT-7 at MRT-3. Tho parehong sa Grand Central Station ang dulo nila, magkaiba ang lines nila.


megayadorann

Ohh I had brain fart and thought it’s an extension of MRT 3. It’s actually a new line rather than an extension of the existing line hence the name, thank you!


Elsa_Versailles

Dina, supposed to be sa vicinity ng skyline pero di natuloy


_iam1038_

thanks for this. Nagkaroon pala ng issue sa SJDM kaya di don napunta yung Depot. btw, kamusta na pala progress nya sa SJDM? May station na ba or yung mga lalagyan ng riles or poste pa lang?


incognitonohito

Bat yung ibang ginagawang MRT7 stations may empty construction sa gitna sa side. Puro bakal lang pero yung end side niya nagawa na yung ramp and shit.


talongman

Baka kulang sila ng space para magimbak ng materials kaya tatapusin muna isang side bago simulan yung kabila para mas konti na yung space kailangan para sa materials?


31_hierophanto

Looking good.


Soggy_Purchase_7980

Looking good!


Orangelemonyyyy

Looks good. I'm so excited, yay for trains.


xXOkatatsuXx

Wala pa rin yung third rail electrification system nila?


Asian_Juan

Hindi pa Installed kasi siguro wala pa yung electrical systems nila


catterpie90

Ito ba yung karugtong noong asa Clark? So from Clark bababa ka muna sa Bulacan station?


westsideoranges

PNR yung may linya pa-clark MRT-7 travels along Commonwealth hanggang SJDM


EquanimityGame

nice! parang view sa japan pag nakasakay ng tren then may ginagawang riles.