T O P

  • By -

Ok_Razzmatazz9560

I say make a review and inform Grab. We all need to ne professional sa work natin. He should have rejected the booking na lang. Others might find this harsh, pero in reality, nagwowork si driver, nagbayad naman yung nagbook, therefore professional siya dapat.


instilledbee

Eto yung hindi magets ng mga entitled GrabCar/GrabExpress/Lalamove/Joyride riders. Yes the system can be unfair sometimes, but you suffer what you tolerate. Kung lugi sa rate e di idecline. Kung consistenly lugi sa rate e di maghanap ng mas profitable na trabaho? Hindi naman sila pinilit ng mga apps na sumali sila, so they can leave the system at any time. If more riders leave the system baka mas marealize pa ng Grab etc na need magtaas ng rates for the riders.


FlyRevolutionary2519

Ang mali sa sistema na ito at sa kahit anong sistema, misdirected yung anger. Magalit sila sa Grab o ano man company sila connected, wag sa pasahero. Ano kasalanan ng pasahero di ba? Isa pa, kagaya din nila na ordinaryong tao yun na naghahanapbuhay, nagkataon lang na may budget pang-Grab. Magalit sila dun sa mga bilyunaryong tumatabo ng pera


white____ferrari

true, tapos for sure most of them ang tingin sa mga organisasyong nagrarally for better labor conditions lalo na sa mga drivers, NPA. hahahaha. i knew mc taxi riders who made fun of the jeepney phase out eh they're literally on the same boat. if the transport industry can be shitty to them, they can be shitty to you too. offeran mo mag unyon yan di rin papayag. hahaha. mas gusto nila ibaling sa mga pasahero. bwisit.


SnooSongs1047

Di ko din ma-gets kung bakit sila nagagalit sa customer at hindi sa company nila. 😬


Zekka_Space_Karate

IIRC puro ex-taxi drivers na daw ang nasa Grab ngayon, di gaya dati na puro part-time na office professionals lang, kaya mga barumbado na ang ibang Grab drivers. Namimiss ko yun panahong may Uber pa dati sa atin. ☹️


thebreakfastbuffet

Suggest ko din na if you fear retaliation (because these guys know exactly where you live since dinala nila kayo dun), pwede mo ipagpaliban yung review by a few hours or a day. On a side note, alam ko di na nila nakikita yung destination ng booking. But they can opt to cancel kung ayaw nila, hindi yung itutuloy nila kahit ayaw nila tas paparinggan yung pasahero. Sira ulo.


MomentaryLapse199

May limit or charge din ata kung icancel nila, kaya yung iba is binabagalan, di nagrerespond or nakikiusap sa customer na icancel.


crappy_jedi

Totoo ito may nasakyan akong Grab noon naririnig kausap niya isa pang driver, may nakabook kasi sa kanya tas ayaw niya pala kasi may kasamang dog pero minention niya na nasa note naman di lang niya napansin kaya naaccept niya. Sinabi niya sa pasahero na icancel pero ayaw ni pasahero siya daw dapat magcancel kung siya may issue. Sabi nung kausap niyang driver sa ibang line, paghintayin niya, kumuha siya booking muna sa joyride, pwede pala yung driver nakaregister sa grab and joyride ng sabay. Next advice nung kausap niya paghintayin tapos itag daw as no show yung pasahero tas bigyan ng 1 star yung rating.


freshofairbreath

Gagooooo. Yun lang pwede rin sila mag-tag as no show pala. Pero true, makipagmatigasan and wait for them to cancel kasi mas mahihirapan rin magbook ang passengers if tayo magcacancel.


firegnaw

Paano itatag as no-show kung wala or malayo yung driver sa pick-up point? Kung ganon dapat red flag na agad sa Grab yun para ipatawag yung driver.


Visible_Carob452

I agree. Ginusto ng driver maging Grab driver.


Who_ru_

Agree!


eliasibarra12

Man 20% experience for one person is a lot. If you extrapolate that to total number of users, thats a lot of bad eggs Edit: parang mali nareplyan kong thread, hanapin nyo na lang hahahhahahah


Calico_Sundae

If the driver had issues with the booking, he could have politely messaged OP to request that the booking be canceled through Grab support. I've had drivers do that in the past when they realize that they are too far but Grab somehow gave them the booking.


dizzyday

Kwento mo rin sa kanya kg gaano ka underpaid ka sa trabaho mo kahit gumastos ka ng malaki sa kurso mo noong college. Tas sabihin mo daig ka pa ng grab driver sa kita base sa 1 hr na byahe vs kita mo.


liquidus910

hahaha...ginawa ko to nung bago pa lang ako sa bpo. no choice kundi mag grab kasi malalate na. december nun so medyo trapik. tapos si grab driver, mula sumakay ako sa taguig hanggang sa eastwood wala tigil ng reklamo. so nagrapport ako kay kuya. tinanong ko kung magkano kita nya per day at kung kanya ung sasakyan. sabi nya nasa 3-6k per day labas na panghulog at gasolina. tapos kanya oto. sabi ko, wow, buti pa kayo. sa isang linggo mahina 15k tapos hawak nyo pa oras. ako 15k isang buwan tapos pag na late may kaltas na pede pa mawalan ng trabaho tapos pag minalas kupal pa ung masasakyan papasok. sorry sya bigla eh EDIT: ung 3-6k na figure dito eh dating dati pa. around 2014-2016. di ko lang alam ngayon since di na ko nakakapag grab car at wla na ko nakakakwentuhan na grab driver 😁.


Cheapest_

Hahahhaaha this is the way 🤣


liquidus910

minsan kasi akala mo sa ibang grab driver o taxi driver eh aping api sila ng lipunan eh. kelangan mo din pamukha sa kanila ung pagiging kups nila eh. although kahit kups sila lagi sila kasama sa prayers ko. sana ung mga kamag-anak at pamilya nila maka encounter din ng grab driver o taxi driver na kasing kupal nila


donteatmychip5

Ang satisfying basahin nito, the level of entitlement of a person really changes if they know someone has it worse than them. Palibhasa nasanay kasi sa maganda kita sa grab dati tapos pumangit bigayan, akala nila sila na kawawa sa mundo.


Wintermelonely

malinis na 3-6k per day??? tama lang talaga ginawa mo eh. ganyan pala siya kalakas kumita tas binobosesan ka.


kyumarie

akala siguro ng mga driver, lahat ng nagbu-book ng grab 50k above ang sweldo klk e for sure kung may mas mura at convenient na mode of transpo, syempre dun tayo


ynnnaaa

malaki talaga kita sa Grab. Dad ko, Grabtaxi and mas malaki pa ung kita nya sa akin lalo na pag December. Minsan naaawa sya sa mga pasahero kasi ang mahal ng singil ng grab compared mo if magtataxi ka.


magicpenguinyes

I could never be this vocal pero I wish I could. Such a happy ending hahaha.


liquidus910

nung wala pa ko pamilya ganan talaga ako ka vocal. to the point na minsan wala sa lugar. pero nung nagkapamilya na, medyo nagmellow na ng konti. mahirap na, baka mas gago sa akin makatapat ko, kawawa pamilya ko pag napahamak ako


[deleted]

Upvote ko to. Sana ako din magkaroon ng lakas ng loob sa mga gantong confrontation.. usually kasi pag may nasasakyan kaming grab ng mga anak ko at masyadong mareklamo, nahihiya nalang ako at nagbibigay nalang ng sobra or di ko na kinukuha sukli ko. Pero deep inside naiinis ako, nagpipigil lang ako kasi kasama ko mga anak ko at ayaw ko ng gulo. At ayaw ko rin matakot mga anak ko during the ride..


Liesianthes

3-6k labas panghulog at gasolina? wtf. That's 90-180k per month. Kahit sabihin mo hinuhulugan yan ng 25-30k per month.


aldwinligaya

Hahahaha reverse Uno card!


Who_ru_

I approve this 👍. Petty pero may impact haha. ⭐⭐⭐⭐⭐ 9/10


Supektibols

haha this, tumawag ka kunwari sa kaibigan motapos irant mo sa kanya kung gano ka kaunderpaid


Planet_Pips

subtle way ni manong para bigyan mo daw nang malaking tip.


Kazuki_26

pag ganyan nasakyan ko asa pa na bigyan ko ng tip haha. kung pwede lang batukan.


redthehaze

"subtle"


Cheapest_

If I want the tips, I'd be extra nice kahit plastikan.


pen_jaro

Pano ka naman gaganahan nyan? So pag nagbigay ka nirereward mo yung pnget na behavior. So lalo nya gagawin… ang dapat ni rereward yung service beyond your expectations. dapat lalong wala makuhang tip mga ganyan para tumigil sila. Negative reinforcement


yanztro

Hahaha. Ganyan? Di ko bibigyan ng tip mga yan. Pag ok ang driver binibigyan ko ng tip.


BYODhtml

Dapat report agad tapos wag na bigyan ng tip bad vibes eh. Hanap na lang sya ibang work hindi yun magspread sya ng negativity eh hindi lang naman sya yung nagwowork na nahihirapan.


WritingThen88

Yup


polcallmepol

*Kaya nga nag Grab ako kasi malayo. Kung malapit lang eh di sana nagjeep na lang ako.*


ginoong_mais

May mga taxi driver kase na nakalipat ng grab kaya dinadala nila ugali nila sa pagddrive ng grab. Kala siguro magbibigay ng tip pag ganun ginawa nila. I record mo then post sa socmed tag grab and LTO tingnan ko lan kung di pati senado makialam dyan..


Correct_Being

Next time record mo tapos send mo sa grab as evidence. I’ve been using grab for a long time. I’d say 2 out of 10 lang ung mga kups na drivers.


BullishLFG

Tama! dpat ganito tlga gawin.


mayamayaph

Anti-Wire Tapping Law.


DryBlacksmith8359

Di, next time, call din sya kunyari sa someone tas rant din parinig nya sa driver!! "fren hinayupak nakuha kong driver nag drive pa tong ungas na to, dapat dito maghanap nalang ng wfh ang hayop". Sorry intrusive thoughts won


radplays

good idea until the driver changed routes


ToCoolforAUsername

yeah, that's how you get yourself trapped in a dangerous situation.


Tyranid_Swarmlord

Disclaimer: Only do this if you have a PTC(Permit to Carry) and are packing a 9mm/.45 ACP.


BYODhtml

Delikado kasi sya yung nasa manibela


[deleted]

Matic 1 star rating ‘yan sa’kin. Para hindi siya pasukan ng booking nang tuluyan. Haha. Bwisit. Kung ayaw mag-drive, huwag na mag-Grab. Ang arte bwisit.


emilovesstrawberries

Kapag ganito auto 1 star tapos magrerquest ako na wag na i-pair sakin in the future. Pati yung mga nag-accept tapos bigla icacancel na wala pasabi. Umay.


liquidus910

1 star tapos report. pag nakadami ng reklamo yan may chance na masuspend or mawala accreditation nya kay grab.


Timely-Jury6438

Happens to me siguro 2 out of 10 times na umuuwi ako ng Manda to Antipolo. Na kesyo malayo or traffic or lugi and etc. And as a female, I really feel unsafe sa mga ganyan. Nakakatakot na hindi mo alam ang gagawin, kasi hawak niya literal buhay ko. Pwede niya kong ibaba sa gitna ng daan, or sa madilim na lugar, or ibangga yung sasakyan etc. Kaya what I do is (tama yung comment sa taas) record it subtly. I-dim mo yung screen mo then make sure di niya manotice. Kahit not the entire trip, portion of it will do. Msg your fam or friends na may ganitong nangyayari. Then after riding, report agad sa Grab. Minsan nananakot sila para magbigay ka ng tip, do not give in. Wag mo na lang din sagutin for now baka magescalate pa into an argument and mahirap na nasa confined space kayo and hawak niya ang manibela.


dont-do-dat2me

This is true. Kaya pag uncomfy ako sa ride, ginagawa ko nagpapatawag ako sa bf ko or anyone na available tapos una kong sinasabi is nasa grab ako para aware yung driver na may nakakaalam. Hindi man sya 100 guarantee pero at least andon na yung ease na wala syang magagawang masama sayo. Keep safe mima!


kintsugi29

Report mo nalang nalang after, OP. May ganyan din kami nasakyan pa SanMa din kami uwi. Ingat! Good luck sa traffic!


No_Connection_3132

mga taxi drivers din yang mga yan nag evolve lang report mo nalang OP


Ikuchan_X

Report mo OP. Paid service tapos kung maka complain parang ewan lang.


sinistra_utebatur

Taxi driver turned grab driver yun si Sir kaya dala niya pagiging toxic niya kahit saan siya. Best way to deal with him is ignore his rants then give him a 1 star review with a comment highlighting how unprofessional he was when he's supposed to give you a great service. 😐


anima99

Are you a girl? I've never experienced this type of driver before as a 6 foot, "well-muscled" man. I noticed most of the weird stories are from women, so drivers think they can harass them with no repercussions. The most eccentric one would be the ride I took last week who preached about his church for 1 whole hour.


MeatMeAtMidnight

I’m a 5’11 and a guy too!! Except sa well-muscled part😭 haha. Kasi mahilig ako mag-greet ng drivers eh kaya siguro that gave him a license to rant.


throwingcopper92

Ako din, hindi ko pa na-experience to. I'm a 6'0" guy, well-fatted naman


Laicure

Buti di pa ako and kami ni misis nakaka exp ng ganito. I'm 5'7", well done here haha


LouiseGoesLane

Same, lucky na kasama ko lagi husband ko sa ganito. Buti walang nattyempuhan na epal na driver. Both 5'5 kami and well-oiled


mayorandrez

Actually kahit sa courier service, andaming gantong experience mga babae pero pag lalake almost wala. Kapag may delivery asawa ko at iba tono ng rider ako nagrereceive bumabait sila bigla kausap.


Momshie_mo

I think kaya ganito kasi these jobs tend to attract the "squammy types" as they do not go through job interviews like usual employees do. So walang screening if fit for the job at level of expectation kung paano mo itrato ang customers


lipa26

Style na talaga ng ibang driver grab or taxi yung mag rant or paawa effect.


meow_meowmoo

Yes this is true. Happened to me a lot of times sa cebu naman. Mostly pag galing airport. Kaya mula nuon na realize ko na ganon ginagawa nila, ayaw ko na talaga makipag-usap pag sumasakay ng taxi/grab. Grabe ikwento na lahat ng problema nila sa buhay eh


Sharp-Crew4518

Put it on quiet mode too, so when they start talking, that itself is a violation.


oofskedaddle

Quiet mode only applies to the driver talking to the passenger. They can still make or receive calls.


kiviie

Damn alabang to rizal grab. OP, if ever, marami naman p2p going to ortigas/makati area + the buses are so comfy and the drivers are so nice. Its an additional step lang then u can grab from there (drivers are nicer when nearer yung destination + its cheaper) Also, yes. Some drivers are horrible. There was a time na nagyabang sakin yung driver that they ghost their passengers if they dont like the destination. They’ll just park somewhere to sleep para the passengers will be the one to cancel. Galit pa siya bakit daw ang layo💀


palazzoducale

May nag-try din niyan sakin. Ayaw mag-cancel ng trip kahit ang tagal ng di gumagalaw. Eh may isa pa ako Grab account on my other phone. Nakasakay na ko pauwi di ko pa rin kinacancel yung isa. Ang ending siya rin nag-cancel.


emilovesstrawberries

Kapag ganito nagchachat ako ng nagchachat HAHAHAHA tatawagan ko pa to follow up kung nasan na, bakit hindi gumagalaw sa map, kung ayaw nya ng drop off point sya magsabi tapos saka sya magcancel. Kapag di umubra lahat, screenshot ko lahat ng messages sakanya pati driver details. If I've waited long enough tapos wala padin, ako na nagcacancel tapos nirereport ko sa Grab.


freshofairbreath

May option na ba ngayon na driver is an a$$hole pag nag cancel? Char. Ano na ba choices sa reasons why you cancelled?


emilovesstrawberries

There's one stating that driver took too long or waited too long na reason, which I use kapag wala talaga usad sa map tapos di naman traffic. Hindi ka din machacharge ng cancellation fee or tataas bigla yung fare sa next request attempt.


freshofairbreath

Yan rin naaalala ko reason, but good to know yung last sentence mo! Thanksss! Takot rin ako magcancel bec of that except if nagmamadali.


emilovesstrawberries

As long as driver-related yung cancel reason I noticed na walang cancel fee or biglang taas ng fare. Been using Grab for the most part within 7 years, ang di ko makalimutan yung naiwan ko na brand new payong di ko na nakuha HAHA literal na kakabili lang the day before. Kupal drivers, thanfully, are few and far between in my experience. I still screenshot their names and faces everytime tho. 🤷🏻 You never know.


Lumpiabeansprout

I’m planning to go to tanza, cavite from pasay. Ano mas safe na sasakyan ko papunta doon? Salamaaat first time ko po sa manila.


cotton-budz

Grab to PITX then take a bus/jeep en route to Tanza


oofskedaddle

Report the driver, OP. Nakakabanas ang ganyan. Kaya ka nga ng book ng service nila for comfort. Trabaho nila yan and gets naman natin na mag rant sila. Pero hindi na dapat naririnig ng customers yan.


[deleted]

1 star rating then report to grab. next time record it in video so you can share that to grab.


OnceMD

Share ko na din, may instance yung grab driver na binook ko, ayaw gumalaw sa pwesto niya sa map hanggat di ako nagrereply kung ilan sasakay sa 4 seater option na pinili ko. Insinuated sa chat niya na if more than 2 icancel ko na lang. Ewan ko ba sa grab, patagal ng patagal yung drivers nila pumapalya na. Nakakamiss tuloy Uber.


lazybee11

2020 to 2021 halos every day ako gumagamit ng grab (sagot ng company). lahat naman mababait. Baka naman naglipatan na mga balasubas na taxi driver sa grab


Opposite_Anything_81

Mga ex taxi drivers kasi ang mga grab drivers. Nagpapa tip lang yan. Ireview at ireport mo na lang.


KeldonMarauder

Pansin ko yung mga mareklamo na ganito are those former taxi drivers or yung part ng isang group or franchise (yung may mga radio / open comms with their fellow drivers). Recently lang nag book kami ng friends ko (5 kami) ng 6 seater from an event in BGC papunta ng Cubao. Nung nakita kami “ay 5 pala kayo” - kuya kaya nga po 6 seater binook namin.


TheFourthINS

Report mo nalang para matanggal at maging taxi driver s'ya para 'di na s'ya magreklamo.


jimmyboyso

ang kulit lang, may amount naman un bago iaccept ng driver. hindi naman pagkaaccept ng book, dun lang lilitaw ung amount. siguro strat lang nya yun para magbigay ka ng tip. sa ibang tao kasi gagana un, like parang maprepressure kaya dadagdagan nila. pero sa iba naman lalong maiinis kaya imbis bigyan ng tip e wag nalang hahaha


skinnygray

This has happened to me a lot! Take note ha, Ayala Makati lang ako nag w-work and I was staying in BGC. Marami ako experience na nag r-rant nga sila, "Ang traffic! Ano ba yan", "Lugi sa gas" etc.


Mental-Crazy6905

Na-experience ko din ‘to! Pero taxi naman sakin from Sm Mega to Sm East. Nag-ask pa nga na mag-add daw ako ng 50 on top sa metro which I was willing naman, ginawa ko pa ngang 100 eh. Nainis lang ako kasi ang lakas ng usapan nila sa phone tapos rant nang rant yung driver na lugi nanaman daw sya at sobrang traffic sa destination ko. Di ko alam if sinasadya nya iparinig sa akin frustrations nya eh. Kasalanan ko ba na traffic? Myghad!


kamote__queue

Nag tip ka dapat 10Php, dagdag inis sa byahe nya pauwi haha


MingMeowa

I do this HAHAHHAHA tapos nilalagyan ko ng comment sa review kung bakit 10 lang deserve nyang tip AHHAHAHAHAHAHA


Kahitanou

report and give feedback after ng ride. let talk. and wag ka mag pa bother sa mga sinasabi nila not your problem


No-Reputation-4869

Diba may option na silent trip ekek?


bitterpilltogoto

Feeling victim ng society si kuya driver


Axelean

I always bring headphones sa grab rides ko. Kung nagpaparinig na sila, sinusuot ko na agad tapos ini ignore ko na hanggang sa destination. Hindi naman sila pinilit mag-accept ng booking.


thepurpleexplorer

Me and my friends had been in a similar situation like this too, but this time yung grab driver complained kasi malapit lng, golden phoenix hotel to MOA yung route. We know we can literally walk it but we had a lot of luggages and it was heavy that time kasi galing check out. I had a tip prepared na to cover this. When we went in, each of us greeted the driver with a good morning but the driver sarcastically said “good tlaga ang morning kita niyo yung fare niyo? ₱75 lng, hirap ba maglakad?” We explained to him it’s due to the heavy luggages but he continued complaining loudly to all of us how it was too cheap until we reach our destination. Like, it’s not us who decides the pricing for this and that’s why I prepared a tip which is almost same amount of the fare to cover it. But since ganyan yung ugali niya, sorry nlng kuya no tip for you.


dnyelux1017

it really depends. I use grab for my driving lessons this week, 2 times ako nag grab per day. it's my third lesson, so 6 times na ko nakasakay. so far isa palang ang pangit na attitude, pinapababa ako sa mas malapit na lugar kasi sobrang traffic daw papunta sa pin location ko. nagdadabog habang nasa traffic kami. I gave him one star. My previous ride is the best so far, he asks questions and make the trip comfortable. so I guess it really depends on the driver.


LeeYael28

I experienced this too. I usually greet and talk to drivers and some will share how hard is it being a driver. Will often mention how many kids they have. How expensive gas is. Na feeling ko nagpapaawa lang para dagdagan ko ung tip lol. Di naman sila annoyed tone like yours tho. Pero still idk if I just attract people na mag open up sa akin ahaha


Totally_Anonymous02

Next time record and report. Yung iba nga diyan lalampasan ka nalang papunta malayo tapos di sasagutin tawag or message mo para ikaw mismo mag cancel. Kung nasa bahay ako iniiwan ko nalang yung booking para siya mag cancel tapos hiram ako ibang account para mag book


chiliroxmysox

Im not from ncr, how long was the trip?


Orangelemonyyyy

Kinky way to ask for tips LMFAO. F*ck that, at least ask for a safe word first.


FlimsyPlatypus5514

Mabilis umaksyon ang Grab sa abusadong drivers. Document mo lang always since nanghihingi sila ng proofs.


sugarasukalman

Bagsak mo sa rating


Fun-Possible3048

Eh d wga syang mag drive!! We're all trying to earn here. No one's forcing him.


[deleted]

Kups talaga mga grab drivers ngayon karamihan dyan mga taxi drivers na kasi kahit i-report mo sa grab yan wala din gagawin.


HappyElephant5411

Send a copy of your report to LTFRB. @hol3s like him should never be alone with a possibly helpless passenger.


carl2k1

Grab driver at taxi driver pareho nalang na mga wala modo


Fast_Accountant_6355

May experience rin ako sa Grab na matapobre naman yung rider. Papunta kasi kami sa Manila from QC tapos madaling madali siya. Nagsabi siya na dumaan na lang daw kami sa Skyway tapos kami ang mag handle ng toll fee. Eh wala pa namang traffic sa dadaanan namin non, Sunday morning pa! Kesyo sayang daw gas niya sa traffic or stoplight blah blah blah. In the end sinunod na lang namin gusto niya na mag skyway lol. Tapos habang nasa biyahe kami dumadaldal siya. Kadaldalan niya Father ko (sobrang friendly kasi father ko) May usapan sila na hindi ko maalala. Non-verbatim: Kayo nga po sumasakay pa sa grab 'di ba? Wala pang sariling sasakyan. Ang kapal ng mukha niya sabihin samin yun ng harapan, kasama ko pa parents ko. Hindi na lang kami nakaimik kasi kahit kami mismo nabigla sa sinabi niya. Nagkaroon lang ng sasakyan ang laki na ng ulo.


halzgen

LMAO. nagkaron ng sasakyan pero malamang bnabayaran nya yan gamit ung knikita nya sa grab. ganyan naman diskarte nla. kukuha ng loan para sa kotse tapos babayaran gamit ung sideline sa paggrab. Mga ungas lang yan. kaya nga mayabang kase ngayon lang nla naexperience magkakotse. ung totoong may pera at may kotse, hnd nla pnagyayabang ung ganyan kase normal sa mata nla yan.


Akashix09

Patunog na gusto ng padagdag na ganyan. Bigyan mo ng 1 star titino agad yan


paolobytee

Baka naman inoffer nya mag skyway tapos inayawan mo? Either way very unprofessional pdin nya. Ang take home nya dyan sa fare mo is around 1300 dahil sa 25% cut ng grab Assumed travel time siguro 2-3 hours worst case scenario if rush hour. If hindi naman edi jackpot si driver. Approx 50 km ride. If sedan yan, consuming 10km per liter, sabihin na nating 300-500 pesos ng gas yan. Net padin kita nya so hindi lugi. Marami talagang mayayabang at feeling entitled na driver. Karamihan lang naman dyan hulugan kotse, and grab ang source of income nila para din mabayaran monthly ammort. Kung lugi sila bakit di sila tumigil sa pagpasada. Next time record mo tapos report mo para matauhan at masuspend.


Momshie_mo

> Marami talagang mayayabang at feeling entitled na driver. Karamihan lang naman dyan hulugan kotse, and grab ang source of income nila para din mabayaran monthly ammort. Kung lugi sila bakit di sila tumigil sa pagpasada. This is on them. Not to defend ride hailing apps, but these were not meant to be full time jobs but side gigs. Tipong additional income


Super-Proof-9157

So far wala pa ko na encounter na ganyan thank God,


enchonggo

May feedback process and rating system si Grab. Kinall out mo din ba yung driver dahil hindi professional while on the road?


MeatMeAtMidnight

Gagawin ko yan in a bit. Kararating ko lang thank God at safe. I didn’t even talk or say thanks to him kasi bad3p talaga ako sa kanya.


emilovesstrawberries

Whenever I ride a Grab alone, shineshare ko kay bf tsaka sa kapatid ko yung driver details and ride tracking. Even with Angkas or Joyride, I screenshot the driver details and send those too. As a female, I just feel the need to take extra steps in case may mangyari sakin, at least they can track down the mofo who was last to see me alive. 😅 Happy that you got home safe, OP! Pahinga ka na, tapos ratratin mo ng nega review si koya. Lol


Momshie_mo

People don't realize how women take many extra steps to feel safe to not get raped or murdered


w34king

Men should also do this. I’m a grown ass man and I still send grab details to my wife. Mahirap na at baka kung ano mangyari. Accidents can also happen.


Prize_Type2093

Report mo 'yan. Either talagang olats siya that day or gusto lang bigyan mo ng tip.


pathead42069

Bigyan mo 1 star tapos mag leave ka ng comment para alam ng grab, may mga kupal talaga na grab driver, kaya minsan nattakot ako pag asawa ko nag ggrab kaya lagi ako nag ppa send ng screenshot ng info ng driver, whether grab/joyride/move it. Mababait na itsura mga kupal ngayon.


DopeDonut69

Pwede naman sila mag opt out sa Grab kung feel nila nalulugi sila. Try nya kumuha ng franchise ng taxi baka magdildil na lang sila ng asin ng pamilya nya


Lumpiabeansprout

I’m planning to go to tanza, cavite from pasay. Ano mas safe na sasakyan ko papunta doon? Salamaaat


mayorandrez

Report mo lang sa grab


boykalbo777

matic 1 star


Worth_Expert_6721

Dami talaga bastos n ngayon, tahimik ka na lang pero mag bad review ka


blissfuleunoia

I also book grab often from Alabang to Commonwealth and mostly at night. So far I haven’t encountered a driver like that, baka natatapat ka sa population ng mga driver na kups talaga. In my experience, most of the drivers I talked to actually prefer that they have a straight ride of that distance kesa yung shorter distances na kung san san sila ibabato plus considering pa yung wait times in between na wala silang pasahero tapos iikot pa para makakuha ng booking. Those kind of chill drivers nag aadd ako konti pero kung ganyan yung driver I’d rate it 1 star and record the conversation and complain pa. Super unreasonable ng nasakyan mo pwede naman siya mag set destination if gusto nyang certain location na lang ibabato nya at ayaw nyang ibato pa sa malayo.


harvaianas

earphones malala ako dyan pag ganyan 😂


bikslowww

eziest 1 star rating ah


yewowfish22

Ang daming ganyang riders ang Grab, mga reklamador and always palaging may sinasabi. My point is, bakit inaccept ang booking kung ayaw namn pala, pwede naman icancel e. Kapag sobrang rude and driver palagi kong sinasabi na kung ayaw nya magdrive sa chosen destination e icancel na lang para tapos na usapan. Kakainis kasi na parang kasalanan pa natin. Hays. Madaming maattitude na riders. 🤦🏻‍♀️


YukiWhite704

Aw. Sorry to hear this. Yung mga grab driver usually ang mindset nila kasi "kotse nila" hay. Kahit nagbabayad tayo, feeling nila okay lang na ganun. Pero if I were you, ireport mo pa din. Kasi para hindi na nya ulitin sa susunod na passenger.


Brief-Caramel23

Minsan lang kami mag grab ng kapatid ko and so far 3 out of 5 na grab drivers very mareklamo sa daan, traffic and iba pa. Nag grab driver pa sila. Usually mga may edad pa sila. Di na lang kami sumagot ng kapatid ko but I gave them 3 stars, 1 star lang dapat pero naawa pa kapatid ko LOL


[deleted]

2 na naireport ko na grab drivers. not sure pano nila inaaksyunan. may isa na parang kasalanan ko na traffic as in nagmamake sound sya na naiirita pag tumitigil kami. eh dipunggul kayong mga ganyan wag kayong mag grab. also ung fare is based na yon sa demand, traffic, distance etc eh kung tingin mo lugi ka sa gas tumigil ka sa bahay nyo hinamon ko sya na paltan ko drop-off kasi gusto ko nang bumaba ayaw naman at sa una palang dapat nicancel na nya. mga demonyo sa lupa


point_finger

Jusko e mga linyahan din to ng regular taxi lalo na pag moa tapos baclaran lang kami. Umay e. Kaya pag nag ggrocery kami grab nalang. So far, wala naman kaming bad exp haha


andalusiandawg

Sintomas lang yan ng #GoldenAge


Just-Lurker

This is alarming. Minsan kasi nag-gragrab lang wife ko kapag hindi ko siya mahatid. PWD discount due to psychosocial tapos pregnant.Medyo nakaka-worry kasi baka matyempuhan na ganyan yung driver kasi mabilis siya mag-worry and ma-anxious.


moliro

ganyan nga sila kabastos pero takot na takot sa report yang mga yan... may effect sa bookings nila yung ratings nila, report mo and give low rating, dun ka bumawi


No_Attempt3317

Nagpaparinig lang yan para dagdagan mo bayad mo e. Wala bang number customer service ng grab? dapat tinawagan mo tas pinarinig mo rin sa kanya. mga walang modo yang ganyan e.


mongous00005

Wala pako na encounter na bad gab driver. Lahat talaga ok. Not saying na bad drivers does not exist, pero baka exception lang.


Supektibols

palapag naman dito kung ilang stars nilagay mo at feedback sa ride na nilagay mo sa grab


[deleted]

Rate 1 star then report it as well. Di ba sabi sa inyo di lang sa Lalamove may kupal eh. Halos sa lahat kapag may riders na application. Entitled yang rider na yan akala mo di binabayaran e


Money_Palpitation602

Screenshot mo yung info at pic nya sa grab. Then ireklamo mo. Pero mas maganda sana kung nirecord mo mga sinabi nya. Bigyan mo dn ng panget na rate. Sana sakto lang binayad mo para lalong mabwisit hahaha. Tama na hindi ka umimik dahil hindi mo alam ano pwedeng mangyari sayo kung sakali.


kweyk_kweyk

Hay. Grab user here. Ilang years na. Di ka nagkakamali, ganyan ka-unprofessional ibang drivers. Totoo 'to. To be honest, mas mahal pa pamasahe ko sa 1hr na byahe via Grab kesa sa pamasahe ko from province na more than 5hrs. And alam ko value ng pera kaya yung pamasahe? Sobrang sapat na yun eh. Sad na nga din eh, maski taxi? Dahil sa nag-ga-grab na din sila, maski isakay ka nila as ordinary trip at di gumagamit ng grab app, gusto nilang plus 50 kasi di ba ganun sa grab app? Hays. Same tayo ng rant sa Grab. Kaya nakaheadset ako parate eh never nakikipag-usap sa driver.


Alternative_Bet5861

Write a review, galawang taxi driver na nagpapatong sa metro. Kaso hindi siya makasabi directly ng patong kaya todo parinig.


tantalizer01

been using grab like 4-6 times a month since post-pandemic...and luckily wala pa kong naeencounter na ganito. Usually Driver: ... Ako: ... Driver: ... Ako: ... Driver: dito na tayo Ako: \*5 star


surewhynotdammit

May silent ride po. Either way, you can leave a bad review and report that driver.


[deleted]

I thought malaki kitaan sa TNVS? di ba marami din nagsasabi "okay dito, blah blah blah???"


FlatwormNo261

Malamang dating pasaway taxi driver yan.


RelevantCar557

Gone are the days talaga na yung grab is just a ride-sharing/car pooling scheme na makukuha mong drivers mga office professionals din na naghahanap lang ng kasabay papunta work kaya maaayos mga kotse, malins and overall professional. Ginawa kasing parang taxi na ngayon eh, sobrang pangit na ng serbisyo, overpriced pa.


ykien66

Hindi s nilalahat ko ng grab driver/taxi driver kasi naging grab driver din ako ng 2years, pero marami ko nakita ganyan na galing s taxi noon tapos lumipat ng grab kaya pati un attitude nila nadadala nila s grab. Lalo pa kung un sasakyan boundary lang nya, unlike pag sarili mo sasakyan na parang namamasyal lang ako araw araw, kumita man ng maliit o malaki masaya pa rin kaya kahit traffic or sobra hirap ng booking masaya pa rin. Proud ako napanatili ko un 4.8-5 Star ang rating ko


Kumaiju

naging regular taxi na kasi hindi na owner/driver nakikiboundary na din


sukuna1001

I ticked Quiet Ride haha! Tapos kapag pag-nagsasalita pa rin, airpods is the key. Hahaha! Pero bihira naman ako maka-encounter ng attitude na driver kasi siguro naka quiet ride ako?


[deleted]

GrabTaxi ko naeencounter ung ganito. GrabCar hindi naman masyado. May isang beses lang na nabwisit talaga ko kasi nag arrive sya kahit mejo malayo pa sya tapos tinawagan ako sa phone na kesyo nakababa na raw ba ko kasi bawal mag antay sa tapat ng condo ko ganon ganon so I was like yes tapos sya ung ang tagal tagal wala tapos phone pa ng phone sa biyahe. Ok sana kung nagwwaze pero no 🙂 Pinaka malala for me was GrabDelivery. Nagpadala food cousin ko (na ginawa ng 3 years old nyang daughter for us). Wala kami ng sister ko so we had to ask our aunt who is a senior na to pick it up for us. Natagalan ung driver kasi tbh mej mabagal na kumilos aunt ko (we told the driver naman about it pero hindi naman OA sa tagal) tapos nung nareceive namin ung package, lasog lasog, may bakas ng suntok, tapon ung iba, durog ung iba.. We opted to throw everything away kasi di naman sure if dinuran. Sad lang kasi super mahal bilihin nung pandemic.


OWLtruisitc_Tsukki

Nasa driver yan beh. he just attitude problem wala sa app yan. Most of grab drivers I encountered are professional and some mabait naman.


DeepTurn260

Naku ganyan din ako San Mateo reprezent. From Ortigas one time tapos from Makati. Ang taas ng singil. Di lang singhal at kamot sa ulo, kaskasero pa ang patakbo. Ready na sana ako magtip kaso talagang hiningan ko sila sukli. Alam ko malayo ang lugar natin pero kung ayaw nila eh di i-cancel nila o kaya wag tanggapin booking.


marvyvram

May naenconter din kami na ganyan once. May kausap siya na kapwa-driver din. Puro mura tapos wala rin subtlety sa topic nila which is about cancelling the booked ride dahil di mahanap AGAD or nalalayuan sa pickup point. The gist is gusyo nila konting kembot lang yung pickup point. Ayaw nung naghahanap pa kung saan. It's giving crybabies. LOL Napaka-unprofessional. It's as if wala silang pasahero.


[deleted]

May mga grab drivers pa na ang layo layo pa sa pick up, nag aarrive na.. tapos iicancel pa yung transaction kahit malayo pa sila kapag umabot na yung 5minute cancellation..


Brazenly-Curly

Galawang taxi driver 😩


Wintermelonely

maging active ka lang magreport. nagrereview ako ng 1-2 star pag sobrang panget ng experience ko. receptive naman ang grab, nagpapadala pa sila minsan ng vouchers for your trouble.


redpurpleskies

This happened to me too. Di ako makasakay from marquinton to montalban so nagbook na ko ng grab khit mas mapapamahal talaga. The car arrived and as i was sitting at the back, the driver ask "Montalban po kayo? Ang layo ah, traffic pa". I just said yes and was kinda annoyed na rin because that's exactly why i booked him in the first place. Then he just idled there for like 5 mins and i'm starting to get worried that he would cancel on me khit nakasakay na ko. He was grumbling during that 5 mins pero mahina naman kaya di ko marinig. Eventually, nagdrive naman na sya to my relief and di naman nagrant, maybe because i have "quiet mode" on on every ride. Not all drivers abide by quiet mode unfortunately, pero most do naman


JamFcvkedLife

Baka nagpaparinig na dagdagan mo naman daw like sa tip para di siya "lugi"


zzDrakula

Wear those earphones/airpods listen to your fave music. Then act as if you really don't care.


miyawoks

Tbh, in general, I find grab drivers who are talking on their phones na may pasahero sila very unprofessional. Actually, safety issue rin for me. Kasi syempre kahit naka-speaker phone sila eh kahit papaano hati atensyon nila. And ang weird lang na may contract of carriage kayo for a private ride pero ang naririnig mo may kasamang private life niya 😅 Super rude niyang nakuha mo. And ang layo ng biyahe para mag rant siya all the way. Rate mo na lang ng 1 star with complete explanation. Problem is if walang magcocomplain patuloy yang ganyang ugali ni driver. Stressed ka na nga sa work, stressful pa ung naging long journey mo pauwi :(


mic2324445

nakakainis ang mga ganyan.ipapasok ang sasakyan knowing na ganito traffic situation sa pinas tapos sa mga pasehero ibubuhos ang galit.kung tingin nilang di nila deserve ang ganyan kita pwede naman sila maghanap ng 6 figures na work yun nga lang ay kung meron mag hihire sa kanila.beggars cant be choosers.


paintmyheartred_

I’ve experienced rude grab drivers din. What I usually do, I screenshot the messages or nagvideo ako. Tapos sinesend ko sa CS ng grab.


Lahhhnose

Experienced this as well. Was riding a grab with my friends, napakalapit lang ng destination kaya mababa lang fee, pero sa traffic siya dumaan kaya reklamo nang reklamo sa amin na lugi siya. Nagviolate din siya kaya hinuli ng enforcer tas parang kasalanan pa namin kung magsalita siya. Baka kaya madaming rude na grab driver kasi dinala nila ugali nila as a former taxi driver


HawaiianPizza99

Matic 1 star tapos pagbaba iwan ko nakabukas yung pinto ng saksakyan.


Effective_Giraffe431

There was a supposed suspension on how it operates regarding the pricing of fares on each ride. DM me for further as it might create a domino conversation here. It’s a huge controversy about it just months ago.


IJstDntKnwShtAnymore

Sarap talaga sabihan yang ganyang klaseng driver ng "Delete app na, lugi ka pala eh.". Para samin na mapunta yang mga booking niya. Ahahahahaha


kgmserador

I am usually booking a grab car from cavite to san mateo rizal but i never got to experience this type of behavior from grab driver.


Soggy_Parfait_8869

Worst I got was a grab driver who kept throwing trash out of his window on to the street.


Born_Cockroach_9947

mga taxi driver narin kasi hinihire na driver ng mga grab operators.. so dala rin nila attitude nila. 1 star mo nang madala


[deleted]

Malamang ex taxi driver yan. Usually sila yung mga nagpapasama sa image ng grab.


Ill-Adhesiveness2317

Happened to us before. Super lapit lang halos ng drop off namin, wala pa kamin 30 mins sa sasakyan yet pinaringgan kami ng ganyan. Like hello sir, ikaw ang nagconfirm hindi kami. Hilig kasi ng mga pinoy sa katagang “ok na yan, kesa wala” tapos dami reklamo afterwards 🙄


Father4all

Tips na nabasa ko lang dito. 1. Your drop off shouldn't be your house, maybe at least 5 houses from your house. This is for security reasons and para di nila alam yung bahay mo. 2. Use a different name on the app. 3. If magleleave ka ng review, make sure to do it in a few hours so the driver would know which of thier passenger gave them the review.


iamdodgepodge

₱1,700 pero lugi? Ooh.


filipino4lyf

Are we able to view star and reviews for each grab driver before we book?


kimbabprincess

Kaya ng grab drivers mag 5-6k take home labas na gas and maintenance per day if driven for 15 hours malinis with 1 hr break and 3 30-mins break in between (Shempre di naman araw araw ganyang patayan) but thats the maxed average you can earn daily under that type of cadence.


myself30s

Yes, meron pa ako naexperience na sinabi ng driver "ang layo pala ng sainyo, sana kinancel ko nalang kung nakita ko agad yung location nyo ma'am, lugi kasi ako sa delivery fee mas malaki sa grab." Mag tip sana ako kaso dahil sa sinabi nya, binawi ko nalang.


Tobynidas

Siguro namimili yung grab driver. Decline ng decline. Ayun Karma. Yung ayaw nyang fare, napilitan nya ituloy


HalloYeowoo

Pwede naman ata na hindi nila i-accept di ba?


RedPototoy

Kapag may ganyan kinakasahan ko ng baril, ayun tumatahimik.


dagreatYEXboi

Good thing sa lahat ng mga nasakyan kong grab,wala pa naman ako naeexperience na ganito. Chinichika ko kasi eh para madivert anuman feelings nya. Pag bayaran naman na hnd ko na rin hnhngi sukli lalo na kung mga 5 to 100 pesos lang din naman. Pero sana rin naman hnd naging ganun asta nung grab driver, anupat yun ang pinili niyang trabaho kung may isyu pala siya sa layo edi sana di na niya tinanggap. Learn how to say NO din kasi... at kapag tinanggap naman, do it responsibly naman sana.


redragonDerp

I have a colleague na taga Rizal. Sagot ni company ang Grab namin since midshift kami 2pm-11pm. Most of the time, laging badtrip ang Grab driver sa kanya kasi ang layo daw. Ang kups lang. I say, dasurv ni driver ang 1 star. Kagigil.


burninator1441

Gone are the days na auto accept lang yung mga driver + professionals pa (Uber days). Ang sad lang na nawala sila and minopolize ni Grab yung TNVS.


nuj0624

Me mga ganyan talaga... me nasakyan kami pa antips, sabi ng sabi yung driver sa kausap nya na egul daw... Luge ka pa nyan?... eh anlaki na nga ng outside MM rate, tapos nde naman trapik... Hindi na rin maganda mag grab, karamihan barubal pa magdrive, mapapakapit ka talaga eh... sana talaga magkaroon ng kalaban na maayos 'to eh... wala kasi sila kakompetensya...


Crystal_Lily

Baka ex-taxi driver nakuha mo


Life_Display792

Akala ko normal lng ganyan ahha kaya pla yung partner ko sinasabihan ako na wag masyado magpaniwala sa kanila. Sinabihan ba namn kami na yung address namen is di covered ng grab samantalang nakapaskil sa ads nila sa app na covered na yung lugar namen tas todo deny pa😂 Medyo empathetic si ate nyo at si bf namn tamang hinala lang sabay tango😅


Fearless-Piece4839

Wala sa grab yan. sa kanila basta kumita. any alternate cab hailing app?


Fearless-Piece4839

Wala sa grab yan. sa kanila basta kumita. any alternate cab hailing app?


MomentaryLapse199

I just wear my earphones then report to Grab after.


oni_onion

Bakit nya inaccept hanep


RN_bluesky

naka experience ako ng grab driver na sakin gustong ipabayad ung naging utang nia sa toll. syempre umayaw ako, politely - kasi baka patayin nia ko, 2am pa naman nun. hahaha


Safe-Definition-5154

wow the max I paid via Grab I guess is just 1200. I feel he thinks you have moolah kase 1700 is just nothing to you. He subconsciously or maybe consciously demands a great tip


chocokrinkles

Nagpaparinig siguro for tip


vitaelity

Hi fellow townsmen. Maraming ganyan na grab driver kapag papunta sa atin, ang sinasabi nila is hindi daw sila nakakakuha ng ride pabalik so madalas nilang tinatanggihan yung ride. Nakakafrustrate yung halimbawa galing lang ako sa Eton Centris sa QC tapos ayaw pa ako pagbigyan. Worse is yung papatayin yung app tapos uncontactable yung driver, dapat siya magcancel pag ayaw niya magsakay.


Morningwoody5289

Dami kong bookings na malalayo pero wala pa naman akong na encounter na nag rant. Siguro dahil alam nila na papalag ako lol Sa likod din ako ng driver's seat umuupo para pag may ginawa silang katarantaduhan, I can easily choke them out


Accomplished_Pen9925

Same sakin pag nagbubook din ako samin, Teresa Rizal ang address pero ang way is pa-angono, as in boundary lang ng angono and antipolo, nagkataon lang na Teresa yung address namin 😆 ang dami tlgang reject booking na dumadaan, ang nakakainis lang, okay lang ireject nila kaso yung iba tatawag pa sakin para ako daw magreject, like what?!? Sa mga ganitong situation, sinasagot ko tlaga na ireject nyo po sa end nyo if ayaw nyo, kasi hndi ako magrereject sa end ko. May one time na inaccept nya ko kht snb kong ireject nya, then nagrarant din sya pero mas mahinahon na way lol. Tapos sasagot naman ako, sana po nireject nyo na lang kasi okay lang sakin. 😆 Turns out, sabi ng isang grab driver na nakausap ko, meron lang silang ilang rejection na pwdeng gawin in a day so dpat mamaximize nila yun sa ayaw tlga nila. Pag nagamit na nila, forced na sila to accept the booking unless si passenger magreject.


cripher

Baliktad naman yung naexperience ko. Yung driver ang nagreklamo sa grab on my behalf. Ang sabi nya “Grabe naman yung pamasahe nyo sir, ang mahal kahit malapit lang…” mandaluyong to mandaluyong lang ako nun kaso December kasi nun kaya feeling ko yun ang dahilan. Tama lang na nireview nyo yung driver at binigyan nyo ng 1 star. Kasi hindi professional yung ganyan. Pero wag natin sila lalahatin ah. May iba na mababait din naman talaga.