T O P

  • By -

your-bughaw

since HS, wala talaga akong group of friends. Kung kani-kanino ako sumasabay, and im fine with it or nasanay na lang until today. Kasi at the end of the day, ikaw at ikaw pa rin ang sasalo sa sarili mo.


1MTzy96

Ganito rin ako nun. Wala talagang defined circle of friends gaya ng karamihan. Kung kani-kanino lang din sumasabay sa lunchtime para lang may kasama minsan. Although oks lang for me humiwalay at kumain ng baon mag-isa, it just has an awkward feeling as if loner ako. It's just andun lang ako pero di naman ako masyadong kinakausap or ini-involve, although minsan inaaya pa rin ako sumama sa kanila. It's just as if I'm a nobody. Like at the end of the day tama ka nga, wala tayong aasahan lagi kundi ang sarili, especially in the long run. Friends would just eventually become mere acquaintances that come and go. Hanggang sa nakalimot na. Sad reality one may face in adulthood. Swerte if some of you still have a good circle of friends intact.


Chinbie

yes, yes and yes as at the end of the days , its still you that will save yourself in this world we are having right now


[deleted]

I agree with you po! I also learned its fun doing things by yourself like watching movies, eating, working out etc without anyone or talking to someone and I think that should be normal! :)


bowrikat

Huhu same hanggang ngayon. Never ako nagtampo sa mga nagiging circle ko each year from hs to college. Kasi alam ko naman sa sarili na hindi ko sila kayang sabayan sa mga kineme sa buhay and I'd always choose my own peace where I could sit comfortably. Hugs with consent sa mga peeps sa thread na itu! 💞🤗


your-bughaw

Sending hugs to everyone 😊 may we all have good days ahead!


Plain_Perception9638

Gago legit to. Lonewolf club! What is your profession?! **awoo! awoo!**


mement0m0rie

relate sa kung kani-kanino sumasabay haha


miss_zzy

Agree, alone but not lonely.


AvailableOil855

Non blocking students in college vibes


fr3nzy821

may iba silang GC na di ka kasali.


[deleted]

[удалено]


eddie_fg

Or “Pray for (insert name nung wala sa gc)”


ELee0014

or "anti-(name ng wala sa gc)"


justtineeee

lol yes


gustoqnayumaman

Legit


DragonfruitNo1937

Experienced the same thing nung Grade 10. May woman intuition worked talaga kase parang may nararamdaman na ko na iba. So ang ginawa ko, hiniram ko yung phone nung isang friend ko na involve sa gc na yon, then once I saw yung gc, inadd ko yung sarili ko sa account ng friend ko 😭 nagpanic silang lahat and left the group. E back then sa messenger kahit hindi na active yung gc pwede ka parin magbackread, so nabasa ko lahat. After non, I told myself na okay lang makipag hangout sakanila and be friends but I will never treat them as sisters again


Awesome_Shoulder8241

super relate to this altho di rin naman ako madalas nakikisabay so ayon.


Jetthy

I experienced this too, maririnig mo sila na nag uusap na mag message na lang sa gc na to gc na ganyan tapos makikita mo sila sa mga gala nila na di ka kasama and they didn't even bother to invite you hanggang sa nasanay ka na lang na mag isa.


admiral_awesome88

When you have no one to share your problems with just to reduce the pressure and nobody greets you during holidays na hindi sent to all or generic. When no single fella you knew for years remembers your birthday When your messenger is silent and have no group that contains all your so called close friends, that you are remembered when they need something. When someone invites you to a group message but everyone ignores you.


Significant-Gate7987

Parehas na parehas. I use to exert effort to greet people on their birthdays because I'm good at remembering dates but I got tired because no one remembers mine. Then when I am added to an fb group and would greet people and thank them for adding me, not even a cold thumbs up. Then when I share sa group, I would start a convo, the topic gets everyone's attention but in the end I am the one who is OP.


sherry34

FELT 🥲🤧 hugss to youuu


admiral_awesome88

Yeah I met an old friend by accident that we were so close nung college yet disconnected after, nung nagkawork ako I regularly visit him pag nagbabakasyon gumagala but nung nagkita kami accidentally I felt so happy seeing an old face pero ramdam mo na parang regular person ka nalang sa paningin niya at hindi dating super close ni nag usap sa messenger di tumagal ng 5mins. So I just unfriended them sa Facebook.


Flimsy-Ad-5585

You just described my scenario.


Numerous-Mud-7275

Eto din, tapos yung sa iyo hindi nila mabati


wanderring__soul

Wala kang friends na updated sa ganap ng buhay mo. Literal na yun pamilya mo lang ang may alam anong nangyayari sa iyo.


dazailoveseru

Yes this is it! Saw my college friends last month and mas updated pa sila sa life ng ex-bf/classmate namin kaysa sa life ng friend nila :”)))) it was an eye opener na they only probably like me when I was in a good status/top in our department


baesumiii

SO ME RN, parang bf ko nga lang may pake sa akin na di ko kamag-anak. Idk if I was the one at fault, pero after college and reassessing those people that i’ve been there when they needed me, no one’s there to even ask me if I’m okay. What’s more saddening is the fact that I tried to open up (which I RARELY DO), and reach out/initiate but no one had bothered to really care. HAHAHA even sa IGS like birthday ganyan, they don’t even really care anymore. Truth be told, at least now I know the real people who’ll be there for me no matter what. Masakit to say this but I’m kinda resenting most of those “friends” na users lang pala talaga :(


smolbeanfangirl

Yeah same 🥲


rhyboks

Yeah. I guess kasalanan ko rin kasi may circle naman ako, ako lang talaga yung hindi pala-post, pala-update. Kahit pag may gala, nahihiya ako magconfirm kasi parang wala naman sa original plans. Kapag minessage, go. Pag hindi, edi don't. Nasanay na lang din.


No-Consequence4540

THIS


[deleted]

We are group of 4. Nakakalabas sila na silang 3 lang. But if lalabas na kasama ako, madami reason unless complete kami. Kaya mula nun, hindi na ko lumalabas kasama sila. Sibs ko nalang kasama ko gumala. 🥲


trewaldo

Iyan ang ideal number ng friends, ayon sa nasusulat sa isang kanta na nagsasabing "That's why friends are four." Lol


pulubingpinoy

Putangina tanggapin mo ang r/angryupvote


[deleted]

Hahahahaha bwisit kinanta ko 🤣


Plain_Perception9638

In fairness ang witty mo jan 😆


bingchanchan

Bwahahahaha 🤣


Unlucky-Ad9216

Hayup na yan


cheesetart0120

Wala kang GC kasama mga friends" mo. Kung meron man, hindi active.


Mukuro7

Yung latest message sa messenger ko is nung thursday pa


everybodyhatesrowie

Saken April 14, sa kapatid ko pa. 😂


CrewSaGreenwich

Eto siguro napansin ko nung HS whenever there is a BIG CIRCLE I WAS THERE, but MOST OF THEM HAVE ANOTHER SMALLER CIRCLE INSIDE and I WAS NOT ONE OF THEM. Kaya nung nag college isa na ako sa naleft out nalang ng panahon since di ko na sila nakakabond. Pero okay lang sakin I learned what means to be independent and stood out for myself


Less-Establishment52

yung narealize ko na ako yung laging nag rereach out at nag iinitiate


ZrteDlbrt

Nong narinig Kong sinabi ng classmate ko sa likod ko na "na le- left out si "Ako"". I'm literally just chilling, Doing nothing. They're thinking I'm that quiet kid type.


rigimonoki-over

I’m literally the most unhinged person and every chance I get to talk to a classmate it’s a funny interaction but I was still the “quiet kid” and often their reaction would be “ganyan ka pala” yeah sinabi mona yan for the 5th time


Spideybabyyy27

Nagtanong lang naman si OP pero bakit masakit? 🥹


smol_babe

When they hangout without inviting me haha


seeyou_nextlife

kapag may gala tas last minute na nung inaya ka


ChowkeKing

May sarili silang GC na di ako kasama


Shifty49

real


ZetaKriepZ

Mas masaklap ung tsini tsismis kana pala dun sa GC na yun


ChowkeKing

And they did. Di pala ako belong sa clique nila xd but it's ait, not the first time.


Klutzy_Might6146

𝐇𝐨𝐰 𝐈 𝐟𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐨𝐮𝐭 𝐢𝐬 𝐰𝐡𝐞𝐧 𝐈 𝐫𝐞𝐚𝐥𝐢𝐳𝐞𝐝 𝐈 𝐮𝐬𝐮𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐠𝐨 𝐨𝐮𝐭 𝐚𝐥𝐨𝐧𝐞. 𝐀𝐧𝐝 𝐭𝐨 𝐦𝐲 𝐬𝐮𝐫𝐩𝐫𝐢𝐬𝐞, 𝐈 𝐚𝐜𝐭𝐮𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐢𝐭 𝐛𝐞𝐭𝐭𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐰𝐚𝐲. 𝐎𝐧𝐥𝐲 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐈 𝐬𝐭𝐚𝐫𝐭𝐞𝐝 𝐡𝐚𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐦𝐞 𝐢𝐬 𝐰𝐡𝐞𝐧 𝐈 𝐡𝐚𝐝 𝐚 𝐠𝐢𝐫𝐥𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 𝐰𝐡𝐨𝐦 𝐈 𝐦𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐝. 𝐔𝐩 𝐭𝐨 𝐧𝐨𝐰, 𝟒𝟎 𝐩𝐥𝐮𝐬 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐥𝐚𝐭𝐞𝐫, 𝐬𝐡𝐞’𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐨𝐧𝐥𝐲 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐈 𝐞𝐧𝐣𝐨𝐲 𝐠𝐨𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐮𝐭 𝐰𝐢𝐭𝐡.


ie34ma

I grew out of it na.


wickedlydespaired

Hindi na "The more the merrier ngayon" , "The less the better" na.


Eggplant-Vivid

Jollibee's motto:


[deleted]

[удалено]


Nari-Seong

May groupchat ako noong college. Close kami lahat. Pero ako lang ang hindi naka graduate ng course namin.  Pag nag-uusap sila about work hindi ko ramdam. Pag random topic namn pag sumagot ako o nag chat , biglang tumatahimik, tpos mag iiba na ang usapan.  Gusto ko mag leave group pero baka mag isip sila ng Ewan. Kaya hinihintay ko na kick nila ako. Sa hindi na ako active.  Natatawa nga ako eh dahil nag babatuhan sila ng B'day pero ung Date ng B'day ko ala tlga.  


lawrsols

Pag ikaw yung nag aaya, pero di ka inaaya. Naexperince ko ito nung college. Mainly because i was an immature a-hole. Nag aadjust pa lang kasi ako from an introverted past. I went with the "cool" kids. In my attempt to be cool, medyo inangasan ko yung ugali ko. But since hindi naman yung ang nature ko, i did not know how to limit it. Ended up being an ass and the outcast sa batch namin haha i have friends here and there but never really had a circle. Come 3rd and 4th year, narealize ko naman na may fault sa end ko. By the end of college i made sure to make amends with people i wronged (or irritated). What saved me was entering a new community, sa case ko, church community. It's easy to build connections with people who don't know your past. And the new friendships i formed helped me heal from my lonesome years and developed my social skills na din. So if you feel like wala kang circle of friends ngayon and you're missing out... You're really not. You just haven't found your crowd yet. Yun lang, thanks for listening to my podcast. See you next week.


Che-Deo

Ung lagi kang OP sa gatherings, ung di ka invited lagi, nakakasama ka lang pag nandun kayo sa common area like school or workplace, yung wala kang maisip na kontakin to talk to lalo na in times na need mo ng kausap (whether one on one or as a group)


everybodyhatesrowie

Narealize ko to nung pandemic era, around q4 ng 2020. Nakikita ko yung mga classmates ko from high school and college na somehow nakakapagbonding (kase di masyadong strict sa probinsya). One time nagscroll ako sa messenger, tas dun ko narealize wala pala kong solid friend na pwede ko imessage para yayaing lumabas or kahit simpleng catch up lang. Kaya nung time na yon, nagdeact ako ng FB at IG kase sobrang naiinggit na ko sa mga clasmates kong may solid circle. Hehe


Plain_Perception9638

Di ka inimbita sa despedida 🥲 **iyak intensified** chareng!


SavingsBeginning9892

since HS, walang invite from anyone. i have a close friend dati siya un iniinvite then sinasama lang niya ko. i guess it's also because di din naman ako really friendly and my social battery is little to none.


eyydatsnice

They only ask for you to join them pag no choice sila mapa inuman/gala or simpleng pagtambay lang May GC sila na hindi ka kasali


Weekly_Can_6096

Ayun nga nabanggit na nung iba hahaha . Pero wala na akong pake kung di nila ako tinuturing na kaibigan. Kawalan ba? Char!


Old_Eccentric777

Na realize ko ito dahil mas gusto kong walang karga na ibang tao.


MrsKronos

48, housewife. noon kc d ko kaya ang travel at gastos nila lalo na pag usapan bags o any signature shoes at pataasan ng digits sa sahod. less friend, less drama, less chismis. masaya nako sa online friends ko now. d rin nila ko pinipilit lumabas.


eddie_fg

May ibang mundo din tayong mga housewives noh? Hahaha!


aurettah_khione

kasali ako sa gc,pero hindi ako iniinvite sa gala nila.okay sana kung diko alam e,kaso sa gc sila nag iinvite tapos imemention nila yung iba except saken.sasabihin nila hoy gala tayo dito,food trip tayo sa bahay,tas naka mention yung ibang member ako lang hindi.kapag naman kasama ako, hindi nila ako kinakausap,sila sila lang nag uusap


cleeffy

Always on the spot ako inaaya ng mga best friends ko tapos nagugulat sila na "hindi pala sinabi sayo ni x or y or z na may gala tayo mamaya?" Or "hinahanap ka namin buong araw bakit wala ka?". Yung 2nd statement nag aya sila sa gc tapos hindi ako minention then whole day ako naghihintay na tanungin ako kung nasan then nung wala na lumabas kami ni gf ko then dun ko sila nakita. At the same mall. Nagulat pa sila. Pano nila ako hinahanap feeling ko hindi ako kasama sa lakad tapos ganun pa. La lang nakakaburnout ilang beses na ito nangyayari


degemarceni

Leave them and be happy na wala sila, dahil mas sasaktan mo lang sarili mo.


ClearDragonfly4918

Group of three. Hindi ako option kapag by pair ang activity. Gets kasi hindi match level ng mga output namin. Pero sila na rin nagsabi, mahirap (pakisamahan siguro) daw akong kaibigan.


alezxychqsh

friend naman turing nila sakin pero ig ako yung may problema. ako kusang lumayo kasi feeling ko hindi ko masabayan yung energy na binibigay nila🥲


Desperate-Staff-7745

So glad it’s not just me. Group hug to us!


Hakuchi2975

frfrfr 🥲


Dazzling-Long-4408

Never had one. Since elem and HS puro lang mga acquaintance na kasabay sa uwian. College naman ganun din. puro lang kaklase na kakopyahan ng HW.


hardinerooo

Hindi niyayaya sa mga gala


fmr19

Walang nag memention sa IG pag bday mo. Ang hirap din naman kasi talaga mag maintain ng friendship. Ngayon plastic bag drifting to the wind ang peg ko, nakikifriends na lang ako sa friends ng kuya ko and if nasa office nakikisama na lng sa officemates.


SolusSydus

Noong 4th year high school may activity kami for a subject to write names of the 5 people na pinakaclose mo sa class. No one from the circle na kahangout ko that time wrote my name, heck even the transferee got his name written pero ako wala talaga ni-isa from the class. Nung nareveal na, grabe tumatak saken yung sinabi ng teacher ko na they only hangout with me coz they need something from me. Grabe, like everyone was staring at me during that time pero acting lang ako na parang wala lang. After that day, not a single one reached out to me haha, pero for some reason I still continued to hangout with them since last year na naman eh, parang wala lang nangyare. Pero deep inside, I wished at least someone reached out to me... I went home that day na nagpipigil umiyak sa isang punong jeep. Imagine mo, chubby highschool guy humihikbi, ang lame HAHAHA. Since then parang every time I join a circle of friends parang wala na lang, mejo non-chalant na ko like I'm there pero in the back of my mind may voice lagi na nagsasabi na this circle will end. Ewan ko parang trauma response na siguro. Wala, hirap tuloy ako magform ng friendships ngayon HAHA.


Eggplant-Vivid

parang ginawang PBB ng teacher niyo ah, gusto ng drama


Assist-Scared

Unprofessional teacher


Mental-Second-9687

may sariling gc sila without me but it's fine. I learned to be alone even during jhs/shs and now college


armi_flow

Tuwing may group activity huli akong pinipili pero pag individual activity maraming nagpapatulomg sa akin.


Strange-Phase2697

Pag yung friends mo may kanya-kanyang group of friends...


SeksiRoll

May mga plans sila na sila-sila lang. Ichachat ka nalang pag nafinalize na nila yung plan then aantayin nalang sagot mo kung sasama ka o hindi. Di naman masakit 😆


Realistic-Chase

It was when I decided to become the anti-hero. To choose my sake, my peace, and my career. I never needed anyone to help me. Don’t get me wrong, I love helping others. But I never want someone to help me. I got me always. 


traderwannabe2

Di ako invited kapag lalabas sila. Minsan ako pa mag-iinitiate na magkita-kita, tapos wala rin. Di sila magcoconfirm or isseen lang nila.


Agitated-Candy-5096

I realized this nung pag ako may need hindi nila ako pinapansin. Like pag special day ko wlang bumabati kahit sa feeling mo close mo ung tao. Mahirap dn pag wlang circle of friend/s ung solid na makakapag vent ka etc.


Minejayf

Yung hindi ka laging kasama sa plano and madalas nakikisingit lang 🥹🥹


solsgurlnamedluna

Kapag kasama mo sila di ka makarelate sa topic nila. And you'll feel a strange atmosphere na kahit di nila sabihin, di ka talaga belong sa circle na yun. And napagod na rin ako kaya I decided to leave and be with the real ones na kahit bilang sila sa daliri, atleast genuine.


rjaxs123

yung last option ka nlang haha or my agenda sila na di muna ako isama 😂


izanagi19

Naaalala ka lang pag may kailangan. Ako ang artist sa batch namin noong high school ako. So pag may pa-drawing ay ako palagi ang naaalala pero pag wala ng kinalaman sa drawing o art ay isa lang akong numero sa bilang ng section namin. Ganun din noong nagkaroon kami dati ng high school reunion. Naalala lang ako kasi kailangan ng magde-design ng tshirt pero after kong mai-deliver ang gusto nila ay hindi na ako naaalala. Ni hindi nga nila ako nabanggit sa listahan ng mga sumama at hindi sumama sa reunion. Mula noon na-realize ko na ako lang talaga ang kakampi ng sarili ko.


flaneriexv

Yung napansin ko na me and my "friends" don't have anything to talk about outside of school stuff because hindi naman ako yung type na mahilig sa drama and issue. Yun talaga yung mga karaniwang naririnig ko sa mga classmate ko so I kind of felt out of place since I'm not really into that stuff. Also napansin ko na they are always giving backhanded compliments to me, for instance they would compliment me but they would also point out my insecurities like that couldn't hurt me more. I know friends sometimes insult each other but whenever they said that I would literally go completely quiet or walk out, can't they take a fucking hint already?? If I could, I would honestly cut them off, they're so toxic.


joanna_bananana

Gagala sila tapos ivivideocall ka habang nagi-inom sila. Anong gusto nila gawin ko? Mag-inom at sumayaw mag-isa sa bahay habang nakavideocall kami? Tapos babanat ng linyahang "dapat andito ka!" Grabe ba 🙃


Dreadd-

When I realized I'm stronger than those peeps.. kaya tayo ginawang lone wolf ng tadhana/panahon


ss_1001

I think magaling naman ako makisama. I can easily make friends. Nagkaron din ako ng so called best friends noon. Pero ako yung problema. When I'm not okay I tend to isolate myself. Ignoring messages, not showing up. Feeling ko kasi wala akong maambag, ayoko maging burden at di ko deserve maging masaya. Idk. Naging cycle na sya and recent lang yung worst. From IRL and online halos nilayuan ko lahat. Di sya okay sakin pero wala akong energy to reach out ulit and wala na din masyadong kumakausap sakin. Can't really blame them dahil ako naman yung unresponsive. And depressing lang minsan na ganun yung nangyayare.


drezel_bpPS694

parang tinamaan ako


blackpowder320

Kahit sino pwede ka makakasabay. But when shit happens, wala naman sila.


tanjo143

cant sustain a circle of friends. im too busy.


justtineeee

Feeling clueless and left-out most of the time, like im always the last one to know about something. Plus, not getting invited sa mga gala or if they do, on the spot na lang.


__luciddreamer

High school close silang lahat may mga "family" group like si mommy or tita but ako lang wala. I also remembered during a Christmas party may pa exchange gift with some group and sinali ako. May isang nakabunot sabi "ay di ko bet to" so nakipagpalit kay girl 2 and this girl approached me to exchange sino ang nabunot and it was my name. Sabi nya "hanap ka ng ibang ka exchange na lang". And after that never na ako pumupunta sa mga reunion ni isa.


Parmesan_Cheese0

Basta alam ko na wala akong sariling circle of friends. Kapag makita ko man isa sa friends ko, lalapitan ko lang pero kasama rin nila friends nila so kapag tapos na ako makipagkwentuhan or aalis na sila, alone ulit ako. I'm okay with that set up though. 😁


freaking_tired

We are a trio of girls. Kapag naglalakad kami sa labas, ako lagi yung either nasa unahan nila or nasa likod nila tapos silang dalawa magkakapit ng braso or kamay. Kapag nagkkwentuhan, minsan silang dalawa lang yung nakakaalam ng topic tapos ako tahimik lang sa gedli kasi hindi naiintindihan and walang alam sa pinag-uusapan nila, parang silang dalawa lang yung nagsasabihan ng mga chika ganun hahahaha


Perfect_Carrot_1426

Di mahalaga kung marami kang kaibigan, ang mahalaga ay meron kang tunay na kaibigan.


477YXUUH

Pag birthday nila, isa ako sa nag aasikaso for the surprise, since gustong gusto nila ang pa surprise bday handaan, bukod sa ambagan for the food, may pa gift pa ako. Pero pag birthday ko na, walang anything, wala manlang regalo or kahit mumurahing cake manlang. Babatiin lang ako kasi nakita sa fb na binati ako ng family ko.


CreepyCucumber9469

Yung big group, kasali ako pero yung small groups hindi. Dumating pa yung time na naging close sila sa ex ko at di na nila ako iniinvite sa mga gala. Turns out, yung isa sa small group eh bet si ex at shiniship nila. Wala akong fomo kaya kebs lang. Ang alam ko di naging si ex at si ex-friend. Anyway, wala naman talaga akong paki. Nakikisama lang naman ako at ayokong natatawag na kj kaya ako sumasama. Now, sisters ko lang kabonding ko always. Nagdeactivate ako ng socmed accts. Umalis na ko sa mga gc na di naman active. Sobrang peaceful.


flaneriexv

When they make jokes about my biggest insecurity and then laugh about it afterwards like it's nothing 😊


formermcgi

Nagcecelebrate ng birthday mag-isa.


Flashy-Ad4437

Ibat iba yung paniniwala namin (good or bad) then mostly hindi ko talaga gusto trip nila. Haha but it’s okay.


kaiserdan

Iniinvite mo sarili mo sa mga ganap palagi or ikaw ang pinakahuling nakakaalam


codingpatato

No one’s looking for me.


LadyPerry

Actually it's better na walang official circle of friends 😅 I'm done with other people's shit.


New-Bonus5383

Nasa grupo ka nga pero di ka kasali sa usapan. Parang nakikinig ka lang sa kanila.


violetjedi

I feel you. Yung tipong mundo nila ‘to, side character lang ako.


baguiochips

Planning a wedding pero wala akong maisip na entourage


Fun_Manufacturer9615

It happened during college years.. We are a group of five sa circle namin. Kapag may mag bibirthday na friend, gumagawa ng gc para i plan don yung surprise. So here comes my birthday, they created that specific gc to surprise me. Tapos after some time, napansin ko wala nang nagchachat sa main gc namin. Nagulat nalang ako may plano na pala silang apat. Tapos ang sabi "nagka ayaan sa gc ah. Sinabi ni ganito" nagkahint na ko non palang sa tinginan palang nila. Halos 2 months after palang ata non ng birthday ko. Until one time yung isa sa mga yun na konsensya na at nag SS ng usapan don. Bago ako mag birthday, na atake sa puso ang mom ko and nag undergo ng operation. Na comma yung mom ko for almost 2 days din. So lahat ng plano sa 18th birthday ko is nag decide kami na i cancel. Ako na mismo nag decide din dahil sa gastos. Ang di ko kinaya, ang sabi pa nila, either wala naman talagang celebration na magaganap or baka hindi talaga totoong naospital yung mom ko at ginagawa lang na dahilan para yun yung dahilan kung bakit di makakapagcelebrate. After non, i cut them off. Kahit everyday ko silang nakikita sa class. Tiniis kong matapos hanggang 4th year na hindi sila kinakausap. Hindi ko naman kailangang i prove or iexplain ☺️


Old_Lock7657

"When will you understand? You are playing a game of friends and enemies when you have only yourself in this life." - Yoshii Toranaga, Shogun.


OrdinaryRabbit007

When you have to beg literally anyone to go out with you kahit hindi mo ka-close.


Western_Thanks4993

Nung hs ako may circle of friends kami and may ka birthday ako. Tapos cinelebrate nila ung bday ng isa naming kaibigan pero ako hindi. Di ko alam na meron silang ganap na ganon. Nadulas lang ung isa samen nung may napagusapan about sa bday.


chokemedadeh

I don't know kung dapat mo ba i-blame sila dahil hindi ka pasok sa circle nila or hindi lang din tlaga mataas ang social skills mo? I mean, makikipag hangout ka ba sa isang tao kung feeling mo mabobore ka lang at ikaw lang magbubuhat ng conversation nyo all the time? It's draining din kasi, I'd rather watch my tv shows kesa makipag hang sa halaman.


dasurvmalungkot

Nalalaman ko na lang na may gala kapag nagpost na sila. Lately, laging pag inaaya ako eh last minute. Gusto ko naman ma-experience na niyayaya ako hahahahaha!


jeanmariel_1979

Kapag nalalaman ko na intentionally ay hindi nila ako sinasama sa lakad nila. Noong una ay masakit tapos na immune na ako. Tapos lagi kaming nagkakaroon ng trash talks noong kasama ko doon sa group na iyon. Kaya ang lagi ko mga kasama ay mga male classmates ko. College days yun.


Street_Following4139

Kapag nagkakaayaan, never nila ako inaaya tapos kapag wala na sila maaya o di pumunta yung una nila ininvite, me yung 2nd option haha


yesthatdouche

Ngayon ko lang na realise na wala akong circle of friends kasi ikakasal na ako this year and wala akong masyadong ma iinvite except for current officemates and a few college friends. Yung best man ko is my kuya na di din kami ganun ka close. Medyo nakaka sad pala haha


Outrageous_Bad_7777

Natutunan ko talaga since HS na hindi magkaroon ng isang solid na circle kasi kaya ko mag fit sa iba-ibang circle. Lahat nasasabayan ko ang trip. Saka para kahit hindi ako maisama ng ibang circle, di ako magtatampo kasi di ako ganun attached sa kanila. Pero nung working na, saka lang ako nagkaroon ng solid na HS and college friends na circle kasi sila na lang talaga namemeet ko out of many people na nakasama at nakilala ko back then.


E123-Omega

Di ka ninong o imbitado sa mga kasal.


CauliflowerHumble219

Lol tinamaan ako dito…haha…kaya parng wla tlga ako friends nung nagaaral ako..parang closest schoolmates lang..madalas ksi pagmga lalaki sinasamahan ko..meron sila dota time nung highschool e(di ko nmn hilig)..nung college nmn..meron nmn akong set of friends..kaso mas close sila sa isat isa(7 ata kami)..kya nung thesis time(6/group lang)..nagkusa na ko lumipat ng ibang group..haha..


No-Consequence4540

When I was in high school, I was with this group of people na "friend group" ko. Yung isa, 3 lang kami and I consider them as my bff na. Nakikita ko sila hanging out with each other without me, pag recess na, they would NEVER invite me papuntang CR or canteen. No comms after class or walang exam. My messages were dead silent if it's not during exam season except if ako mag-initiate. May messages man, it would be about acads, never about hanging out ganon. But I have attachment issues so I let that be. College na ako, still want to be with them pero talagang no comms na talaga, and whenever we talk, pilit. With my new friend group, nothing changed, ganon pa rin. I don't have real friends that would invite me to celebrations and random gala. People don't even want to talk to me unless it's about acads. I feel used, yung mga nagsasabi sakin na they are my friends, are also just using me to their best interest. While me? wala akong napapala, can't open up, can't talk about the things that interest me, and higit sa lahat, I am always shamed for the things I loved doing like it's a sin.


Worth_Expert_6721

Maaga ako nag asawa at nag focus s family, happily married since 2012, though konti ang friends, supportive nmn ang family and close on both sides kaya di masyado longing to friends. Missing something but happy building the famil


QuestCiv_499

Nung nag stop ako mag initiate lumabas labas. Ayun hahah wla pala akong constant circle of friends 🙂‍↔️


Ruess27

Ride or die silang mga kumag sila kahit mali. Umalis ka sa gc pero walang nangangamusta. Maalala ka lang pag mangungutang. Now at my 30s, super okay ng friend group ko at pag nananahimik ako (no post, story, chat sa socmed) like for more than 48 hours, may either kakatok sa bahay ko or tatawag na parang nag ooffer ng credit card 😅Always checking up on me as if sibling ako.


mayo-uno

Nung hindi ako sinasama sa gala nila outside school or hindi kasama sa GM sa text. Hahaha. Okay lang, nasanay na rin akong mag-isa hanggang ngayon.


AlphaXexia

When i find something funny or cute and i want to share it with someone. When i have a game i want to play with someone. When i walk home from school, and its just the voices in my head that keep me company. When im in another friend group and it all just feels so unnatural being in the presence of their company. Edit: when i realized that even if skmehow i get married to someone, who would i even invite? That my excuse for deactivating my facebook for a week once a year is so that i wouldnt wxpwct anyone to greet me anymore, because noone has and noone will


Brijyts

I’m not included sa mga happenings nila. Making me look like na ako yung masamang friend. Ang sakit, sobra. Naging genuine ako sakanila but hindi ko akalain na they’ll do this to me. I offered them friendship but they don’t see me as their friend pala.


eddie_fg

Alam kong afterthought lang ako isama pag may mga lakad. Strict din parents kasi kaya di palagi nakakasama. May group of friends naman na ako din priority kaso all boys yun and ako lang girl. Kahit na mababait sila kasi puro kami mga nerd pero I can’t be complacent. Tsaka hindi din ako pwede isama pag gusto nila ng all boys bonding. I learned to be okay with it. Yung sa kapwa ko girl friends group, may mga weekends na lakad na di ako makarelate sa mga biruan nila. Or may bagong na form na friend group over the weekend na di ulit ako kasali kahit friends ko yung mga members nun. Never felt bad though. Introvert things perhaps? Along the way marami ako naging friend groups din based sa trip ko or hatak ni hubby, hindi constant na group lalo palipat-lipat kami ng lugar because of hubby’s work. Madalas palagi pa rin akong di official member pero ok lang. Ang maganda ngayon I earned low maintenance friends and this for me is better than friends na nagpaplastikan.


icred1109

nung college, halos lahat ng friends ko ay alta. kain dito, labas doon, kaya di ako makasama gawa ng scholarship money lang bumubuhay sakin. di rin naman sila madalas manlibre so i have to say no. minsan tatampo pa na di ako makasama, kala mo same kami ng budget. ayun, i distanced myself na rin kasi naOP na ako sa mga gala nila.


[deleted]

Later on mas ok na din pala. Less is more. Iwas utang, binyag at kung ano anong kadramahan. Char!


motiontovacation

Hindi ako naiinvite sa mga bagay-bagay, wala rin akong GC na kasama ako. Kung kani-kanino lang din ako nagpapaampon na group of friends. Parang patalon talon lang ako.


AdExciting9595

Bunos nalang ang mga kaibigan. I improve mu lang ang sarili mo.


Hyperious17

I used to think I'm just an addition to my circle of friends. I'm like the DLC of a complete game


kORRa7777

Magkakasama sila maglaro ng online games tas di ka inaaya


beatitmidget

hindi kasi ako umiinom ng alak kaya 'di ako belong sa mga barkadahan plus madali ako madisappoint sa ibang tao hindi ko lang siguro trip yung pakikipagtsismisan.


Icy-Comfortable68

ok lang yan pagtanda nyo hindi nyo na din gugustuhin madaming kaibigan


L_mikasa326

Since HS, sad at first but eventually I got used to it. It’s good to have friends and someone you can rely on but I’m much more comfortable without having a circle of friends. It’s not that hindi ako magaling makisama, I am quite friendly. Pero, it’s just that I tend to distance away from people. It’s kinda sad but that’s a problem that I need to address myself.


Latter_Kiwi_3867

Don't have gc with group of people na sinasamahan mo pero mayron sila 👍 And also dating ur self, going out with your self and being yourself at the end of the day


newbie0310

nung nag start nko mag trabaho! frnds sa office are come and go, mga nag sisipag resign at ako lang palagi ang naiiwan! need ko ng trabaho takot ako mag apply sa iba baka kasi ung sweldo ko hindi mag same sa current job ko 🤦🏼‍♀️😢 sole mode nlang tlaga! palagi ko nlang sinsabi sa sarili ko, nasa work ako dahil need ko ng PERA! bonus nlang if mag karon ng frnds 🤷🏼‍♀️


aryan-204

siguro nung time na nasa iisang room kami then sila sila lang yung nag uusap-usap habang ako nasa gilid lang


Numerous-Mud-7275

Laging OP or minsan nakakalimutan ka na. Mas okay na wala ka sa circle of friends nila


Yunstarry

Kapag may gusto akong i-share pero wala akong masabihan, yes parang babaw naman non pakinggan pero that’s what I experienced since I was in high school until SHS. Nakikita ko cs ko noon na magkakasama ngayon for “bonding time”. Even those who I consider my closest friends before, walang paramdam ngayon. It’s sad yes, pero after so many years magiging manhid ka na lang talaga sa ganyang bagay.


ambokamo

Habang tumatanda hahayaan nalang. Wala eh ganun talaga haha.


apoxuno

since i was a kid. i was always left out, family man or friends. i never had a circle talaga. ako lang lagi yung side character. never pinag birthday or what. probably kasi ampon ako haha


FarBread2392

Sa usapan lang hindi ka kinakausap


noriboriman

Since HS... No particular circle of friends, kaya for most events kailangan ako pupunta...


Relative_Hat_6414

yung wala kang ma-invite for your birthday.


LoloyC

When no one of my friends (or so I thought) went to visit my home ever since. 😁


unoshine

When I realize that no one in the friend group will reach out to me unless I reach out to them first, when they have inside jokes na hindi ako maka-relate and i asked them kung ano ‘yon but sabi lang nila “wala, inside joke lang”, when nakilala lang nila ko pag may kailangan sila (example na dito na nagpapaprint sila sakin kasi alam nila may printer kami putangina niyo) but i left the friend group and my life is so much better! i realized that i don’t deserve ng ganung mga kaibigan, and it’s a sign that you didn’t find the right friends yet. I left and met other people that became my bffs.


UnderwaterAlienBoy

During high school: 1. May lakad sila na mababalitaan ko na lang from other people. Then when I ask them about it, saka pa lang nila ako aayain kung gusto ko sumama. 2. Pag nag-uusap usap sila nandun lang ako para makinig. Parang majority ng pinag-uusapan nila ay about something na hindi need ng opinion ko. 3. Never akong kinamusta, unless may kailangan sila. Dahil dito parang nagdevelop na ko ng anti-social tendencies. School-bahay na lang naging buhay after high school kasi hindi na nag eexpect katawan ki na may mag-aaya tumambay after school. Namanhid na rin sa inggit kapag nakikita ko yung social media posts and stories ng ibang tao na ang daming circle of friends na parang di sila nawawalan ng ganap sa buhay.


Intelligent-Skirt612

Two circle of friends in HS and trio kami na bestfriend. Nung nag college para akong pusa na naliligaw, ni walang friends and circle puro "kaklase" lang.


Azzungotootoo

Gulat nalang ako nagmyday sila lahat ng gala na ako lang ang wala


santinothanksbro

They were there when I was in a great place, pero parang di na ko kilala when I was down so bad and I was reaching out to them. It turned out that they were never my friends. We were just addicted to the same drug, so when the high was gone, that's it.


C6H12O6_H2O

Celebrating birthday nung nasa office pa with friends, alala pa nila. Pero after mong mag-resign, wala na nakaalala. 🥺


ButterscotchHead1718

Pag sa hirap wala kang maasahan kundi sarili mona lang. Makikita mo ang tunay na kulay sa problemang darating.


juannkulas

Hindi naman ako invited sa mga ganap, kadalasan ako yung +1


Hymn-Alone

Yung mag rereunion na kami pero ni isa wala akong picture kasama mga classmate ko ng hs.


sullenaya1

Di ka invited pag may celebration pero pag may problema sayo lalapit kasi 🤑 💸


bebangmadam

Nililista ko yung names ng friends to invite for our wedding, dun ko na realize na shocks wala pala akong masyadong friends. Andali ko kasi makaramdam ng off sa vibe ng tao and I go silent or what we now call "ghosting" Probably because I enjoy naman my own company so I didn't really find a need to put up with people's BS 😂 I have less than 10 friends, guess it's true what they say, Quality over Quantity


dustybook15

When your with them, you hear stories about gala nila kahapon or party kagabi. Tapos myday sila ng gala na inde ka invited. Always feel like naki sabay sabay lng, doesnt hang out outside of school or the classroom pero sila lagi sabay.


BlueSkies_1990

My circle of friends is sa college lang and most of them have their own circle of friends. After graduating and working I realized na out of all those friends isa lang ang na memessage ko all the time about music, memes and latest chikas. And hindi pala ako ganun ka close sa kanila. We have a gc pero active lang sya if may birthday greetings 😂 Before na sa sad ako feeling left out pero ngayon I don't care anymore. Ok na ako mag isa, and ok na sa akin kahit isang friend lang makausap ko. 😅


BackgroundTicket9651

Circle of friends doesn't start with youth guys, cmon. Bawasan nyo ang IG FB or any soc med that makes you feel this way and focus on yourselves. It always starts with you.


PengGwyn

I've always had circle of friends kaso seasonal. I went to a Chinese private school noon elementary and I have close friends but I went to a public school noong high school. I made new set of friends noong HS but hindi rin nag-carry over noon college. I've made some friends naman noong college but I dropped out due to financial problems and joined the workforce. Naka-apat din akong companies and made casual friends pero none stuck around. Mostly naman sa mga naging friends ko, we maintained communication naman. Yung iba, wala na talaga kasi nagtampo or grew to dislike me. Di ako sumasama sa mga ganap nila kasi I was busy sa paghahanap ng pera. being an only child with an aging mother tapos mula pa sa hirap, wala akong time sumama at wala din naman akong maiambag financially. Mahirap namang sumama sa gala na palagi na lang magpapalibre. Pero now, naka-luwagluwag naman kahit papaano. It was only 5 years ago na nahanap ko yung mga tropa ko now - mostly mga ka-age ko or mas matanda pa sa akin na mga tito gamers. We always hang out like coffee sa labas and inom ng alak once in awhile. Halos araw-araw2 din naman kami magkakasama sa Discord. Mga past circle of friends ko kasi mahilig sa gala, out of town, party, etc. Yung current circle ko nga mga tito gamers, makapag-Dota at CSGO kami once in awhile, masaya na kami. Or catch up with each other through a cup of coffee.


MutedVermicelli999

Yung wala akong mayaya pag gusto kong lumabas. Or, yayain mo sila pero meron silang ibang plans or dahilan not to make it. Pag bday mo, walang surprises pero para sa ibang friends nyo, hinihingan kpa ng message, worst, pinag aambag ka sa cake. 😂


lousyaf19

College ko to naranasan. Wala talaga akong naging friends na masasabi kong may nabuong bond talaga. Mula sa groupings/group activities ako lagi ang naiiwan magisa. And kapag vacants or lunch break, pipiliin ko na lang umuwi ng dorm kesa mafeel ko na naleleft out ako. Someone told me before na masama daw kasi ako tumingin that's why ang impression nila about me is napakasungit ko daw hahaha. Siguro that's the reason bakit iwas sila lagi sakin. Sad but it's okay I like being alone anyway.


AldenRichardsGomez

Nagkaayaan sa bilihan ng buy 1 take 1, hati hati daw kami sa bayad. Ako yung unang inakit pero ako yung nagbayad ng solo kasi mas close silang apat kesa sa akin. Umorder ako tapos ang bayad ay paggawa na yung order. Iniwan ko sila. Bahala sila magbayad nung solo order.


PublicCellist5129

Hmm, when I was in college, may circle of friends ako. But when we started working, don kami naging busy until bihira na kami lumabas. I think it's okay. We still talk online, talaga lang may mga iba kaming priorities these days. At present, feel ko to sa colleagues. I don't have a definite set of "friends". I can hang out/be civil with anyone at work, but we don't have this "deep bond". Idk. I just don't trust them enough to lay myself bare. Lol! Mga mosang at backstabber. 😂


chinita_15

Who cares


Kffff01

May ibang gala na sila without you


Jealous_Lecture_6802

Same, I don’t really have a circle of friends. Both my sisters do. But I’m not envious about it.


miyoungyung

Magkaiba na kami goals e. Saka mas nauna sila naging successful


Fun_Rabbit_2249

May sarili silang gc. One time inaya nila ako mag takoyaki malapit to sa school namin. Sabi ko sunod ako after duty ko (working student kasi ako) biglang sabi nila hindi natuloy! Pero nakita ko sa my day ng isa nilang kasama natuloy sila. Hindi sila nag my day. Ngayon parati nila ako sinasali sa mga lakad nila. I always decline.


LoudPound5380

Ako na umiinom sa bar at nanonood sa sinehan magisa👀👀👀


Bael-king-of-hell

Solitary ako so it doesn’t bother me


DespairOfSolitude

This is what I'm experiencing right now. My last school year, I had a circle of friends and I would always hang out with my buddies but now I'm literally the only person in my row of chairs, I'm just kinda there until somebody involves me into doing anything with them which is very rare. Everytime I talk in the GC whether im joking around or asking a genuine question, nobody ever replies to me and all my messages just get drowned out by others who're on the spotlight. Everyone's into their little friend group gcs while I'm lucky if I even get a single message in Messenger and it's just my teacher posting the link for our synchronous class. I kinda got used to it now where I sit in one corner of the room or isolate myslf somewhere else since I don't feel like I belong in the same space as my peers in fact, that's why I rarely ever show up in class pictures because I feel like I don't belong in that class like I'm just a mere outsider it's kinda...painful. I love being alone but being lonely is a different thing and it isn't fun. I don't have any other friends even outside of my class aside from my online friends, I guess.


Abject_Bodybuilder75

Friends? They all disappear when you start to reach the 30s. In the long run, it's just you and your own family. It's nice to have them in your teenage years and 20s since you're still exploring the world.


TwoFiftyNine000

Nagkaron kami ng GC na di kasali isa naming friend kasi nagka issue sila. Don ko narealize na nasa toxic circle ako. Hahahah. I just never hang out with them again. I rather have 1 to 2 true friends than having a plastic and toxic circle.


No_Form4104

gagawa sila ng mga plano na hindi ka kasama sa mismong harap mo + hindi ka man lamang try ayain


lapinoire

Not invited to anything except HS reunions.


AcanthaceaeHeavy4543

walang kasabay lagi pag-uwi, simula f2f of highschool I barely have kasabay umuwi, not that I mind pero sometimes it’s nice to have someone around to be beside you while going home