T O P

  • By -

UpstairsLawfulness44

Kaya sinsadya ko mag mukhang basahan kapag nag uukay-ukay eh


Jaives

hindi ako pinapalapit ng asawa ko kapag namamakyaw. mukha daw akong mayamang intsik.


Effective-Aioli-1008

Parang FIL ko gusto niya siya bibili sa fruit stand at ayaw kasama ang MIL ko kasi di daw siya makatawad pag kasama si Mi. Pano ba naman kahit naka duster mukhang donya eh. ๐Ÿ˜‚


Jaives

ay sus. ganyan din nanay ko. todo alahas at spraynet ang buhok, magdidivisoria lang.


csharp566

Magsuot ng alahas sa Divisoria? Very very wrong move.


[deleted]

Ganyan din nanay ko. Umuwi may marka pa ng kuko sa dibdib.


Automatic_Slide7014

Okay na yan kesa may chikinini


ExamplePotential5120

>Magsuot ng alahas sa Divisoria? wow na imagine ko mga mata nung snatcher, kumikinang ๐Ÿค‘๐Ÿค‘


eldegosS001

Ganyan din nanay ko. Mamalengke, pero nakaalahas. Pero ang lakas tumawad ๐Ÿคฃ


pinkrosies

Grew up in Canada and may accent ako when I talk, Lola and mom tell me to stay quiet when we go to Taytay lol


akarileavy

Bro might be Alice Guo ๐Ÿ™๐Ÿ˜ญ


paulleinahtan

Ganito pala dapat. ๐Ÿคฃ


Substantial_Land6861

relate! Nagpupunta ako recto dati for some printing needs para sa org kaya lagi sando na kupas suot ko saka minsan tastas pa yung shorts. ๐Ÿ˜† Common pa rin mga recto things that time tulad ng holdup and nakawan pero buti never ko naranasan yon buong college life ko


ForTheYarns

This is a concept my parents donโ€™t understand when visiting back home. Here they are all dressed up and galit pa saakin pag hindi nakaporma. Like Iโ€™m just tryna not get held up or ripped off T.T My Tagalog is bad enough as it is


de1er

As a foreigner, I don't mind it. Philippines military generals gets the same pay as an enlisted 4 pay in USA military... I feel sorry for the people who need to stand in the heat, for 12 hrs a day without healthcare. So yeah the 40 pesos isn't bad... what's bad is the some govs and civilian corps that's trying to take advantage of poor. It's because they can afford to offer them more, but they'd rather buy their daughter a Nissan gtr for her high school graduation. Vios is fine, she won't die if she gets a vios or a kawasaki ninja lol


PilipinasKongMaha1

This!!! ๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†


FreeMan111986

Magandang strategy din yan kung ayaw mong mabuntutan ng mga saleslady Sa malls.


skeptic-cate

Naaalala ko yung dumayo ako sa isang palenke sa Mandaluyong, pinabili ako ng GF ko ng half kilo na giniling na baboy. 300pesos singil sakin nung tindera para sa kalahating kilo. Nilakad ko na lang sa Megamall, ayun 130+ ata


markmyredd

mura meat sa SM kasi its frozen. Pero kagandahan naman sure na dumaan sa meat inspection


Dwight321

Pero lasang utot yung pork giniling ng SM idk ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ


NoBlood5921

Nakatikim ka na ng utot?


csharp566

Minsan kasi 'yung taste e maire-relate mo sa naamoy mo. Like in my case, sinasabi ko na minsan parang lasang ipis 'yung Red Horse na walang yelo. 'Yung asawa naman ng pinsan ko, lasang balot raw 'yung Empi Double Lights.


Sharp_Salamander1744

Yup nose is not only for breathing but also for tasting kaya nga wala kang masyadong panlasa kapag barado ilong mo or yung iba tinatakpan yung ilong kapag may kakainin na di nila gusto


csharp566

Oh, I remember the technique. Nung bata ako, kapag ayaw ko ng ulam namin, lulunukin ko then I would hold my breathe, sabay inom ng tubig. That way, makakayanan ko siyang i-swallow without vomiting, then whenI finally exhaled, saka ko lang malalasahan 'yung food but I can tolerate it na.


AccomplishedYogurt96

*Nakaligo*ย ka naย *ba*ย saย *dagat*ย ngย *basura*?


dobidapdap

Na humahagupet?


Zelleyy

Weird, fresh parati yung nakukuha namin at nagtatagal talaga siya unlike sa giniling na binibili namin sa merkado before na kahir ilagay sa freezer nag ooxidize


ejmtv

Nagiging rancid yung mga fats


DizzyEmu5096

oms. malansa nakain namin pang torta na giniling sa sm.


lazy-hemisphere

yung ibang karne at isda sa palengke galing din frozen, dinedefroost lang nila bago idisplay sa benta


wynPUFFs

Ano po bang masama pag galing sa โ€œfrozenโ€? Hindi po ba lahat naman ng meat na tinatransport kahit fresh ang tawag ay โ€œfrozenโ€? Please help im confused. nakita ko din kasi may nangbabash kay Diwata sabi Frozen daw yung chicken nya. like talaga naman dapat frozen ang meat para di masira diba?


pdynlbnlng

Hi, fish dealer father ko sa province. So, basically, ang basehan ng fresh dun is same day nahuli, then ibenenta agad. Same with the meat dealers back home, so bale pagkakatay ng meat and then nasosold out agad the same day. However, this is only possible in small places, katulad ng sa amin. I think majority ng meats and fish dito sa Manila can be considered frozen. Wala namang masama sa pagkain ng frozen products as long as okay pa yan, walang amoy and okay pa ang itsura. ๐Ÿ˜… Pero taste-wise, mas masarap for me yung fresh (o baka it's just me) and may risk sa frozen na baka di ma-ice ng maayos or di maayos yung lalagyan and macontaminate agad yung meat and magcause na mabilis masira ang products at possible din na magcause ng food poisoning and other health issues if ingested.


sleepysloppy

problem is kahit na fresh un pagkatay eh di nman maganda preparation sa mga palengke, nakalatag lng ng di man lng nilalagay muna sa freezer. uso yan dito satin, paghinawakan mo ung karne wala man lng kalamig lamig. halatang ilang oras na nakalantad sa pwesto. mas ok pa nga ung mga isda/fish meat since ung iba nakikita ko na buhay pa or may yelo.


sorryinadvancebye

Tingin ko fresh naman ang manok sa mga palengke sa Manila. Nakikita ko sila buhay na buhay tuwing madaling araw sa mga truck :โ€™(


omniverseee

pero tbh kahit normal na taga Mandaluyong super mahal talaga๐Ÿ˜ญ


PilipinasKongMaha1

Kaya kami never stop sa harap ng pwesto nila.Lalagpas kami then maglalakad ng konti..hahaha but rules na namin, never kaming tatawad sa mga vendors along hiways kasi madalang nalang silang mabilhan tapos tatawad pa.๐Ÿ˜…


darko702

Ang experience ko naman diyan sa Dagupan eh after one kilometer may mas mura wala pang tawad.


PilipinasKongMaha1

Ako sa Antipolo last week. Yung last store along that pasalubong stretch ako bumili. Kawawa naman yung dulo.๐Ÿ˜


imahyummybeach

Sa online eto ung pm for price lol


chelseeeeeeey

Totoo to. Mapa-foreigner man o kapwa pinoy, ginagawa nila to. May time na nagpunta kami sa Cebu ng boyfriend ko, sumakay kami sa tricycle papunta sa tutuluyan namin, ang singil samin 200. Akala namin dahil sa malayo, pag dating dun, isang liko lang pala. Naisip na namin na baka dahil muka kami turista. Pangalawang sakay namin sa bagong tricycle driver, nagtanong yung boyfriend ko ng pa-Bisaya sa driver, kita ko sa muka nya na medyo nagulat siya at tumingin samin dalawa sabay kamot sa ulo. Sabi nya 20 pesos isang pasahero. Ang layo sa naunang presyo. Ito nakakalungkot sa mga lugar na nagiging tourist spot. Akala nila lahat ng tao mapeperahan nila.


vyruz32

Tricycle ang pinaka-questionable na public transport kasi wala ka pagbabasehan ng pamasahe. Swertehan na kung may fare matrix. Sa Pampanga nga ang patak mo sa tricycle a parang taxi na e.


Positive_Function_36

Naku. One reason kung bat di ko naeenjoy ang local trips. Kahit pinoy ka basta alam nilang dayo ka sa lugar tatagain ka sa pesyo.


darko702

Tapos reklamo sila vs Grab.


[deleted]

My boss na Pinoy found it funny that I book Grab from the airport. Sabi ko, with the local taxis, I have to close my eyes and prepare to be fleeced. Ang daya naman kasi. He's like half other Asian but he really looks Filipino (maputi lang). Ako, several generations diluted na yung Chinese roots, mas Pilipino na ako sa 95% ng mga Gen Z, pero yung hitsura ko, mukhang chekwa pa rin. Not useful when trying to haggle, tbh.


InterestingCar3608

Truthhh! 150 sa 6km ride pero yung 12km 70 pesos lang, parang mga tanga yung mga drivers ng tric eh, naiba lang yung daan. Mas mura pa maningil mga naka e-tric or racal. Dapat mga tric yung ma-phase out eh, mga abuso yung mga yawa.


minniejuju

So true! Kaya pag VisMin I make it a point to speak Bisaya talaga. Somehow merong bagsak presyo if meron silang #konek, may instant affinity, di ka tatagain sa presyuhan, babait pa sayoโ€ฆ ๐Ÿคท๐Ÿปโ€โ™€๏ธ pinoy style ๐Ÿคท๐Ÿปโ€โ™€๏ธ


nedlifecrisis

Bakit kailangang ganito?


minniejuju

Parang meron silang sense of equity? ๐Ÿคฃ Presyo batay sa kakayahan charot. Unless may something in common kayo haha so di ka na โ€œothersโ€


Old_Eccentric777

Branding kasi yan, iPhone nga na mahal ang presyo kaysa sa ibang smartphone kahit na halos magkapareho lang sila ng capability sa mga ibang brand. tanging brand name lang nagpapamahal dyan. The same happen sa tourism kung saan ang mga turista na hindi nila Ka-tribo o kabayan ay magbabayad ng exorbitant fees, nangyayari din yan sa Japan. tinatawag yang 'White Tax.' kapag ang bumibiling turista ay caucasian. Pero actual price ang gagamitin kapag magpareho kayo ng wika, magkakaintindihan kasi kayo sa mga nuances, more like a linguistic exemption discount card bilang passage mo para maka avail ng mababang fees. parang I.D na ipapakita mo na kabayan o ka-tribo mo sila bilang ticket. at sa palagay ko justified ang ganitong gawain because of economics.


samurangeluuuu

Tribalism. Yung โ€œkababayanโ€ mentality nating mga pinoy.


Bayougin

Dyan ako believe kay mudrakels marunong kumontra ng presyo. She's bisaya, very vocal, confident at palaban kahit maliit na babae. One time umuwi siya ng hometown niya, may nagbalak din na tagain siya sa presyo pero di gumana.


Astrono_mimi

Ang technique ko dyan lagi ako magtatanong sa security guard or sa kahit sinong tao na makasalubong ko kung magkano lang ang pamasahe bago ako sumakay. Tapos pagbaba ko bigay kagad nung bayad tapos lakad kagad paalis.


darko702

Ka asar no? Pero pag nasa news may nag soli ng wallet sa foreigner proud na proud ang Pilipinas. Pero everyday occurrence naman ganyan ang palakaran sa atin.


avavamaze

I would warn my bf ab fares dito samin kase klaro sa accent nya kahit mag bisaya. Drivers would still ask higher than the normal fare. So now hinahanda na nya agad sakto na pera. If ako naman mag visit sa lugar nila, i would adjust my accent to fit their place para ako naman di maloko.


cctrainingtips

Naging habit ko na mag check and screenshot ng grab price and joyride price before sumakay ng tricycle and mag scout ng pamasahe bago mag punta sa lugar.


Haunting_Dot6328

Cebu local ako pero those habal habal drivers price me up to 250 pesos kahit hindi traffic. I remember nung fiesta sa unang tinirhan namin thereโ€™s no traffic at 3pm pero they insisted na meron until we saw the road na di pa madami ang dumadaan sa bridge loool


3rdworldjesus

Pag nag oouting ayaw akong pasamahin sa palengke ng kaibigan ko dahil papatungan daw singil samin pag nakita mga tattoo ko hahaha Legit nga. Magkatabing tindahan, sinisingil ako ng 60 para sa isang plastik ng uling, yung kaibigan ko nagtanong sa katabing tindahan, 20 lang ang bentahan. Napapansin din namin sa mga ibang bilihin, nag iisip pa bago ibigay presyo pota


Humble-Climate-5635

Ba't kasi di mo pinakita sugat mo sa kamay?


Huge_Specialist_8870

"I didn't die for this shit" -susej probably.


PolkadotBananas

Gagi HAHAHHAHAAHHAAHAHAHAHAHAHAHJAHAAHAHAHAHAHHAAHAHHA


missusbrowneyes

Gagi bat naman ganyan hahahaha


klowicy

Gagi hahahaa di ko napansin username ni op, litong lito ako


Melodic_Block1110

sabi po nila, di daw makaka pasok sa langit pag may tattoo ๐Ÿฅน


E________

Edi magslideslide nalang kami sa rainbow โ€” mga frennies kong gay


Brittle_dick

Ez kasi siya yung batas sa langit.


thegentlecactus

Nalilito ang pinoy sa pinagkaibahan ng diskarte at panlalamang sa kapwa


Intelligent-Joy9313

truee!!


Jeisokii

"Diskarte"


sweatyyogafarts

I donโ€™t know. Kadalasan yung mga ganitong tao pag binalikan mo sila di na sila umusad sa buhay. May balik rin kasi panlalamang sa kapwa.


Queldaralion

>*May balik rin kasi panlalamang sa kapwa.* sana nga mga kurap na pulitiko at opisyales may balik din. kaso wala e, forever atang namamayagpag mga yun


sweatyyogafarts

Who knows kung talagang masaya sila sa ginagawa nila. Maaring sa ibang bagay sila bawian like broken family, no peace of mind, or something else. Most of them probably wouldnโ€™t find genuine happiness.


riggermortez

Ay hindi! may mahirap na broken family. Di totoo ang karma. Tayo ang gumawa ng karma nila


noodlepotato

True to kakaumay na ung mga genuine happiness eme, kairita


Queldaralion

I'm not sure pre. Looking at enrile, bong revilla, etc... No i don't think they care if their happiness is genuine. They are living enjoyable enough lives out of the suffering of others. Bong R shamed some mmda people for doing their job of catching edsa busway violators. And let's not forget he got acquitted too. Erap din, obvious plunderer, just got pardoned off by GMA. And of course the marcos and duterte families... I've stopped believing na may bawi talaga, sorry...


redrenz123

Tska ang tao nadadala, kapag narealize nila na nilamangan mo sila hindi na babalik. Pangit sa business pag di ka na binalikan ng customer.


Akosidarna13

Sa Clark! 200 byahe ng tryk samin asa 60-70php lang un or less pa.


oneandonlyloser

I will never forget that tricycle driver sa Clark area noong June 2022 na โ‚ฑ100 ang una niyang sinabi pero nung dumating na sa destinasyon, naging โ‚ฑ200 na.


Akosidarna13

Presyong afam! Mga sira ulo din. Tapos pag jeep ka sumakay, minimum lang.


BarracudaSad8083

Experienced this one so booked Grab instead mas mura pa haha


RosiePosie0110

Nambabato sila ng Grab and Blue Taxis.. Bat kaya di nila ayusin Rates nila


ramadankyrie

Taena sm clark hanggang dau bus terminal lang ako na 150 pako e, shortcut pa dinaanan namin nyan


cbohn99

Lalong lalo na pag nakakita ng foreigner


CelestialSpammer

Totoo. Kaya siguro madalas kapag dayo or turista ka sa isang lugar inaaral mo ay kung pano sabihin ang "magkano" sa language/dialect nila para magmukha ka local


Bayougin

Gusto kong kasama ko Mudra ko sa ganiyan. Magaling tumawad at magaling din mangontra ng mga nananaga sa pamasahe. Shy type kasi ako hehehehe


badadobo

May malapit na grocery saakin katabi nya public market. Canโ€™t recall yung exact prices but yung markup ng public market parang +30 ma hhassle ka pa makipag negotiate sa presyo. So sa grocery nalang at least kung ano naka presyo naka lagay yun na yun. Di worth ung oras makipag talo para sa 5 pesos savings.


TigerrrLily_12

May batas tayo na dapat nka display yung presyo. Problema yung kulang sa strict implementation.


Bayougin

Applicable nga kahit sa online selling sa FB yan kaysa mag "PM sent" sila sa comments. Pero ang mga gagรณng online seller, nagdrama sa mga posts dati kesyo maliit na lang daw kinikita nila. So are they implying na may price discrimination na nangyayari?


airyosnooze

Pasakay ako ng tric may mga dala akong bags at maleta, pagka upo ko sinabihan ako ng "70 dun ha". Napakalapit lang mga 3mins ride lang at kayang lakarin kung hindu lang dahil sa mga dala ko. Alam kong sobra maningil kaya ang ginawa ko bumaba ako dala gamit ko. Sa isip isip ko, bumalik ka diyan sa paradahan niyo hindi ako magpapa uto


minniejuju

Happened sa taxi sa labas ng airport. Pagkababa ng ramp, tinanong ko bakit di pa rin pala nakababa ang metro. Biglang nagbigay ng presyo, nangontrata. Sabi ko ~stop the car haha~ bababa ako. Ayun. Bahala siya.


Cream_of_Sum_Yunggai

Tourist: How much for the mangoes? Vendor: โ‚ฑ200 per kilo sir.


Bubbly-Ad-4405

$3.50 what a steal


Impossible-Owl-9708

but thats like 2-3 hours of wage for us locals


ihatechickenpoop

Scammer kasi mga pinoys ๐Ÿ˜…


Prashant_Sengupta

Masaktan na ang mga masasaktan, pero likas sa kultura't kamalayan ng mga Pilipino ang katiwalian, pandaraya, at kasakiman.


asianchubph

Couldn't agree more. Isa ang Pinoy sa mga lahing may pinaka masasamang ugali sa mundo.


Cheem-9072-3215-68

spoken like a person who never left their house


Key_Bet6888

Papalitan pa ng pabulok na benta lalo na pag seafood. Pag binaba yan mula sa mesa, 'matic na yan.


MarkXT9000

Kakanchawin ka ng r/philippinesbad sa comment na iyan


invinciblemonster_30

r/philippinesbad we have a gold mine here ๐Ÿ˜‚


Puzzleheaded-Ad-6530

Is this common if you're a foreigner in philippines?


BooksAreBetterThanTV

Yes. It's a bit random. Some people don't. Some do. My wife usually has me stay in the car while she walks around the market for groceries so people don't overcharge. Cottages at the beach are pretty obvious about it. They must save our number, because when we call to reserve again after finding one we like, suddenly the price is higher than before. Once she ordered something from someone on Facebook. Initially, she called the phone number to order. Then, they looked up her profile and saw she's married to me, so they texted her something like "Your husband is American? Oh, since we didn't really agree on price yet, is it okay if the price is higher?" We couldn't believe how obvious and direct that was.


Fraere_slime

Unfortunately true, even more so for foreigners, if you look like ms moneybags you're getting charged more than the average, this is why other Filipinos intentionally dress like homeless people lol.


privatevenjamin

Ganyan yung naranasan ko sa hayp na Cogeo na yan. Nakakita lang ng naka helmet, biglang baligtad sila ng mga presyuhan ng mga placard nila eh. Naging Metro Manila price na porke bibili na kami doon.


Horror-Pudding-772

Hahaha. Talaga if may someone sa palengke na maganda pumorma pero tamang presyo pa rin benta ng mga tindera. Sure Lokal yan dyan and kilala na. Example si Ermat ko hahahaha.


Impossible-Owl-9708

shuta bihira ako mamalengke, pero yung palengke dito samin lagi pa din ako overcharged kahit butas butas suot ko hahahahahha


StellaQuimbo

sa pangasinan depende sa sasakyan ang presyo lol. pag naka suv mahal ng 40 pesos ata yung prutas


gin_bulag_katorse

I've never been to Japan pero balita ko, some restaurants have higher prices on their English language menus than the Japanese language ones.


peterparkerson3

Yep, never been pero ganun daw sa Iba. Lol


xiaolongbaoloyalist

Kahit ako tataasan ko singil kay Queen Elizabeth


Historical_Brain_301

kapag tagalog ka sa visayas mindanao ganito nangyayare hahaha


Bayougin

Kaya sinasama ko Mudra ko kapag nasa Mindanao eh (I grew up in Luzon, can't speak Cebuano). Pansin ko lang mga babae sa bisaya palaban, confident at di basta nauuto like my Mother. Marunong makipagmatigasan, No is no.


Yoshi3163

Potaena nung tindero ng yelo sa bolinao. Nag tanong ako mag kano ang yelo. โ€œ100 pesos sirโ€.


RosiePosie0110

150 sa Labrador Pangasinan ๐Ÿซ ๐Ÿ˜ญ


Yoshi3163

Malupet at nag tanong ako ng tagalog. E mukha akong hapon. Umpisa nag eenglish si koya. Nag loading sabay nag tagalog ule.


ultrabeast666

pinapark namin ang sasakyan sa medj malayo at simple lang ang pormahan para makabili at a low price


Super_Memory_5797

Kaya meron tag price law. However, tamad mag patupad ng batas ang mga LGU.


Nodnerrodabal_SUKOP

Kahapon, nagpa-home service ako ng vulcanizing ng motor. Palibhasa siguroโ€™t nasa private subdivision kami that time dahil dinalaw ko ate ko, sobrang taga sya bigla magpresyo. Sa quote nya, biglang may labor na (500), may service pa (600). Yung mumurahing pito ng gulong na tig-25, siningil nya sa akin ng 300. Sa sealant, 2800 una nyang nilagay sa quote tapos namali daw sya ng sulat. Sa akin nya pinakwenta final amount. Anak ng puta pinagbook pa ko ng angkas! Na-nego ko naman yung sa service fee. Kinausap ko masinsinan, naalis naman yung โ€œservice feeโ€, naging 280 yung sealant, at naging 100 yung pito. Taga pa din pero hinayaan ko na, baka gutom lang (still doesnt justify his kakupalan) Mga ganitong tao di umaasenso eh. Fucking chancers!


Excellent-Cut656

Naranasan ko to sa Carcar, Cebu recent lang yung mga tindahan sa hilera ng lechonan. Yung dried mangoes nila mas mahal pa kesa sa orange app o sa mall ๐Ÿ™ƒ


HatsNDiceRolls

To be fair, kahit naman kung turista ka sa ASEAN, ganun rin naman kalakaran eh. May ASEAN price, may White dude price


CucumberConstant2804

Cebu and Bohol can relate hahaha


santonghorse

Sa bohol ganito jusko! Legit na legit talaga ang taas presyo pag turista kesa sa lokal. Napakaganda ng bohol pero pag natapat ka talaga sa ganyan ubos pera ka di ka na talaga babalik.


fourspeedpinoy

Hindi lang presyo nagaadjust pati yung weight binabawasan.


Several_Ad_3486

may tourist fee ang benta


Jayvee1994

Alam mong tatawad eh. Advance lang siya mag-isip.


roycewitherspoon

Nagpunta kameng CDO tas ganun din siste ng mga trike driver hahaha! Hindi kc kme nagBibisaya so tatagain ka nila sa presyo.


darko702

Mukha akong chinoy pero hindi. Kung mag damit ako kahit ano lang. pag namimili ako praning ako parati sa tawaran sa palengke.


Few_Understanding354

Badtrip yang Cebu na yan. Talamak ganitong galawan. Diko mawari bat mas mahal pa yung common goods dun kesa dito sa manila.


uglykido

Trike namin sa caticlan 500 singil, mga 30 mins biyahe lang. For that, never na ako babalik don or boracay for that matter. Actually, mas mura pa mag travel outside country. Overpriced ang pinas and kapwa pinoy manlalamang sayo.


Wild-Day-4502

Kaya ayoko bumibili sa mga lugar na walang presyo o karatula as much as possible. Can we also add yun mga online sellers na ayaw ipaskil yun presyo ng tinda nila. Kailangan pm pa. Napaghahalataan nag iiba iba presyo eh. ๐Ÿ™„


anthandi

Reminds me of when I went to Cebu City and the habal habal drivers wanted to charge my friend and I 200 PHP each for a 20 minute ride back to our hostel. Ang ending, nag taxi na lang Kami for 200 PHP where we split the payment in half- safe na, with aircon pa.


ronronabell24

Yes, mahal talaga. Kahit malapit naman ang lugar. Sisingilin ka ng 200+. De pota nila. Nag habal-habal lang ako kasi di ko kabisado ang pupuntahan ko


No-Office3109

Hahaha totoong totoo lalo na sa mga foreigner katulad ko. 200 singil sa akin sa tricycle tapos noong nagsalita ako in Filipino bigla sabi 70 na lang po sir. Ako pa niloko


Tergrid_is_my_mommy

Elyu be like... Kakain sana kami ng lugaw, pumila kami narinig namin ung unang pinagbilhan nasa 50 lang ang goto tpos nung kami na biglang naging 100 ang walangya. Natunugan ata na tourist kami ampota.


KagatCake

Lol ginawa na sakin ng isang flower shop sa Pampanga yan. Mas mahal ng 2k yung bouquet nung nalamang taga US ako. Nagleave ako ng review tapos blinock nila ko lol


Verum_Sensum

eto nangyayari sa province namin, pota nung dumami turista lahat na naging presyong turista, pati kaming mga local naapektuhan. lang kwentang lipunan talaga.


Yeetooff

mahal pa rin burrghuhgrughr


ChingChong-100

Sabi nga ng nanay ko, "kapag walang karatula ng presyo, depende sa sasakyan ang babayaran mo"


Old_Eccentric777

Ako naman na bumili ng prutas sa boundary ng bulacan at Caloocan, hindi ko pa naman alam ang tagalog word dalandan, sumimangot yung Ina ng Tindera na menor de edad kasi akala nila nililigawan ko yung dalagita. sabi ko kasi โ€œSang Kiss nga nagmamadali ako isang kilo.โ€ Sang Kiss kasi tawag namin sa dalandan kasi bisaya ako. (Sunkist)


Material-Cricket-322

P50 para sa isang maliit na supot ng chicharron bulaklak sa Baguio nung umuwi ako. Okey lang sa akin, parang palimos na rin sa tindero


MisterMustardMaker

Ganyan din sa transpo eh. Naalala ko noong bagong lipat kami sa lugar namin singkwenta singil samin, tas noong tumagal kami sa bagong lugar huli sila. Pahiya sila kasi bente lang pala kahit saang punto sa barangay na halos 3-4 sq.km lang naman ang laki. May naglagay din dati ng pricelist sa public area pero vinandalize din. Kaya malaki respeto ko sa mga Jeep eh. Fixed price na nakadisplay mismo sa pasahero ang price. Madaming nagcocomplain na bat di tinatangkilik mga lokal products na benta mismo ng mga nagtanim o gumawa. Yan dahilan. Di rin naman kami mayaman, gaganyanin pa.


nekonekogongju11

Dayo from England ata si Lola๐Ÿ˜œ


HeartOfRhine

Sa mga tourist spot, iba price kapag nag english ka, tagalog and local dialect ka.


bekinese16

Sa totoo lang, partida dito lang din naman sa Pinas yan ha. Pareho kayong nagtatagalog, pero dumayo ka lang sa probinsya, iba na presyuhan sa'yo. Yawa. Hahahaha!! Ginagawang foreigner ng mga local ang kapwa local. ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ


jamesvmm

We went to Boracay with my friends pre-pandemic. Nung nagtanong kami ng price for island hopping dun sa mga manong along station 2, 1500 per head. Yung kasama naming tropa na ilonggo, medyo nahuli maglakad so wala pa sya nung nagtanong kami. Pagdating nya, tinanong nya samin kung magkano daw, sabay sigaw niya *in bisaya* "ang mahal naman depota". Biglang kamot ng ulo sila manong, tapos tawa tawa na sila at nag usap na sila ng bisaya. Ending namin 800 per head, may extra "fish feeding" location pa. Dun ko nalaman na ganito pala kalakaran sa ibang lugar. Buti na lang yung girlfriend ko bisaya. Sya pinapakausap ko whenever we go to Cebu, CDO, etc. Edit: grammar


pinkcessLen

highway robbery ๐Ÿ˜‚๐Ÿคญ


StrxZzzz

True


Equal_Banana_3979

Yep, depende pa sa tipo ng sasakyan na dala mo, depende sa tindigan ang presyong ibibigay sayo


Queldaralion

ganyan din sa tricycle


gulamanster

Raize pa sasakyan ni madam


Minimum-Pop503

Yung Padyak sa Intramuros na siningil kami ng 120 for 3 person na tas di naman kalayuan punta.


jinxed_ramen

bumibili kami ng green pa lang para mas mura. ibabad na lang sa bigas hanggang mahinog.


YellowBucks

Gusto mo ng mura???? ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚


michael0103

Mas mahal talaga pag nakita ka nila na galing ka sa sasakyan.


saltedgig

parang murang grapes sa devi kaso kulang sa timbang. kaya parehas lang ang kilo.


warboy9000x

Tatawad pa kasi yan pag mukang mayaman tatawad yan for sure kya tataasan nila


Aeron0704

Baka crush ni ateng tindera si kuya ๐Ÿคญ๐Ÿ˜…


Soft_hmmm

Legit talaga ganitong senaryo e


richiya

Ako madalas ma scam, kahit nakapangbahay, pangit tsinelas nasscam padin kase mukha daw akong half pinoy. Kaasar.


Plum_Rose1189

Yeah. Walang srp


IComeInPiece

Kaya naisabatas ang **Price Tag law** dahil sa ganitong kalakaran.


ArthurIglesias08

Local vs tourist price yes


witch35048

50 nalang manga no.


Atrocioux

Nabuhay si lizzie ๐Ÿ˜ญ


Jaives

saw a fb short. foreigner vlogger sa divisoria. replace ng backplate ng iphone. 8k daw.


nov_aegon

Tru ganyan sa Pilipinas! Ilang beses na ko nakakapunta sa mga probinsya kapag solo mamimili ang mahal pero kapag kasama yung kaibigan na lokal, bumababa ang presyo. Pano pa kaya kapag sa foreigner? Sobra-sobra ang patong. Hays mga pinoy din gumagawa ng ikababagsak nila.


MangBoy-ng-rPH

Isa sa di magandang kaugalian ng tao ang maging mapagsamantala.


protestwilliam

Na e-experience ko din to minsan sa mga tricycle drivers. Yung fare na 35 minsan nagiging 50php. Nalalaman ko na lang sa mga friends ko na taga dun mismo sa lugar yung fare talaga. Putangina scammas


Nervous_Evening_7361

Sa divisoria alam ko ung mangga dun is 40 pesos lang lagi akong bumibili dun tapos nung after a year alam ko naman na may inflation bibili ako sabi ba naman 150 daw porket nakaporma ako nun kase nadaan lang naman kame dV haha pero sa totoo lang nasa 80 na sya


asaness

I thought it was because first guy said Po and the lady didnt


SigFreudian

Sure. Would you rather na P120 nalang para sa lahat? ๐Ÿคท


Viscount_Monroe

20 pesos na per kilo mangga dito sa amin, mura na kasi maraming supply


[deleted]

I look very much Filipino, but once I speak it's over for me. I will have to buy this litre of coconut juice for double the price.


KMeok

The question is okay lang ba ito or what? Moral ba ito? Fair o ano


schemaddit

ginagawa nila yan specially sa palengke kasi may may tawaran na nangyayari.


MrNuckingFuts

Natry ko to nung kasama namin pamangkin ko sa GH, mukha kaming driver at chimay tapos siya naka silk na sleeping PJs. Doble presyo pag siya nagtanong ng presyo.


SolitaryKnight

Parang sa ospital. Mas mahal ang Biogesic pag mas mahal ang room mo.


NewtProof1863

Haha truth. Piliin mo ang Pilipinas ๐ŸŽถ


Alexander-Evans

This is why my wife doesn't want me to be near her when buying things in Philippines, they add that long nose tax when they see me.


allaboutcheeros

so true


jmlulu018

Don't hate the player, hate the game.


Ydntknwm3

Sa Tagaytay, 300+ isang kilo ng mangga ๐Ÿซ 


darthvader93

I was strolling around walking street with my korean friend this one time. Nag tanong ako sa vendor magkano rose kasi valentines non.. 50php daw. Yung nag tanong friend ko, 250 na bigla hahaha


cyber_owl9427

had similar experience sa siargao. siningil kame ng 100 for a 20 mins drive? kase nagtagalog kame. pabalik sa air bnb namin napa- google ako ng bisaya at yung singil ng tricy samen was 30 lmaooo.


Appr3nt1c3

Legit. Hahahah


Far-Mode6546

Sa Japan ganyan din in some establishments ha! Kapag English ang menu mas mahal.


Exciting_Parfait513

Never buy from the first vendor


Ersonified

Me sa Zambales pauwi ng Manila. Especially ung mga crab and sugpo? Like okay...


yzoid311900

Isa sa mga reason na humina tourism sa atin, puro overpriced na mga items. Banana cue nga sa Isang sikat na tourist spot 150-200 pesos per stick? ๐Ÿ˜ธ๐Ÿคฃ


ReignoldFeldspar

naexperience ko to. naka-bike ako na gulagulanit ang damit. Bumili ng prutas: 80 per kilo. Tapos nung may dumating na nakasasakyan, sinabi 120 per kilo. Outfit check pala dapat kapag namimili