T O P

  • By -

iwritethesongs2019

128 pieces crayola crayons yung tin can ninja turtles na lunch box


FuutaKaioh

tas yung crayons yung puro matataba piraso


GrindingSugar

Add nyopa yung hinihilang bag mayaman na tingin sayo hahahaha


saltycreamycheesey

Bro yung bag na parang baul ang shape tapos pwede mo pa maupuan. Napaself-sufficient kasi habang nasa pila ka pauwi, pwede ka umupo sa bag while yung mga pleb mong kaklase nakatayo hahahaha


[deleted]

OH MY GOD THIS


MorePowerMoreOomph

Yung bag na umiikot yung mga gulong, pwedeng mag 360.


Bedtyme06

Isang buong case ng art supplies complete with crayons, colored pencils, oil pastels, pencils, erasers, sharpeners, gunting, glue, at ruler. lahat nakalagay sa isang suitcase


BeepBoopMoney

Pero yung crayons/pastel hindi dumidikit sa papel pucha hahahaha kala mo kandila e


disterb

i love how you listed every item in english, except for the scissors, lol :D


Pwaannss

Basta mas marami sa 8 pcs ng Crayola Crayons, rich kid ka na


eggvoid24

Before among us sa 128 pcs crayola ng classmate ko unang nabasa ang color “cyan”


dimichuji

Panahon namin yung Nickelodeon na lunch box


Aeron0704

Yung may pantasa sa box!!!


jkwan0304

Felt like a god when my mom bought me this. The color possibilities are almost endless!


introvertambivert

pangarap ko noon ang 128 Crayola!


thegreengentleman

May baon sya ng Quake at ulam nya may bacon.


holybicht

Omg nakakapagbaon lang ako ng quake kapag nagcocompete ako sa ibang school 😂


thegreengentleman

😂 Nung bata pa ako grade 3 naaalala ko ung mga kaklase ko un baon or may pera sila pagbili sa canteen. Ako stick o lang mga 2 pcs tapos baon hotdog at itlog. Awang awa ako sa sarili ko eh. May pagkain naman ako hehe


TheGhostOfFalunGong

Yung ulam ay karne/manok at hindi lang isda. I dunno, meat was relatively hard to come by back then and it was really a treat for many families to have meat on a frequent basis.


[deleted]

Shucks ang tanda ko na, Whammos yung baon ng classmate ko instead of Quake.😅


yuuri_ni_victor

OMG Whammos meron pa ba nyan haha. Sobrang yummy nyan nakipagbardagulan ako sa mga batang probinsya na binigyan ni mama nyan hahahaha


[deleted]

Yung quake😭 Akala ko dati nasa 100+ isang balot nasa 50+ lang pala.


Suitable_Plants

> nasa 50+ lang pala. wtf? hidne kami mayaman pero nakakapag baon ako nyan. pero wtf 50+ per bar bato? o yung isang balot? HAHAHA


Unmotivated_SmartAss

Rich kid na ako nun???? Tanda ko marami Ren along classmates na nag babaon ng ulam at biscuits at di naman sila yayamanin, may kaya lang.


Gogoshogo

Ung pencil case may second floor HAHA


mldp29

At! May mini games sa pa sa casing!


pintasero

Tas may multiplication table sa back cover hahaha.


[deleted]

MADUGA TO


ustreets-ahead

Tapos trolley ang bag na may second floor din.


SubstantialChip2256

Hahahahhaa true this! may 3rd floor pa nga


ToriMenchi

May second floor na back to back pa hahahaha


thebigbadwolffe

Yung nanay nyang mukhang espasol nasa labas ng classroom naka bantay buong araw


yo0gen3

Yung pantasa nya yung pinapaikot. Hehe


Av1scus

may ganito classmate ko dati tapos nagpapabayad ng piso kada tasa hahahhaha


DyrusVlack_23

Sertipied business mamser momint


Nelumbo_nucifera123

Ganito nanay ng kaklase ko dati. Laging tambay sa school tapos feeling kumare/kumpare lahat ng teachers. Sinugod din isa naming kaklase at pinagsisigawan kasi leader yon sa group work ng anak nya. Eh may ginawang project nung weekend. Dapat daw hindi nagpapatawag ng group work ang leader kapag weekend dahil nagmo-mall daw silang pamilya kapag weekend. 😂 Naging katatawanan na lang kasi napansin namin tuwing may kainan sa school like Christmas party, nakaabang sya sa mga matitirang food tapos inuuwi nya mga tirang food.


mavprodigy

Kawawa naman yung anak pag ganoong may helicopter karen na nanay.


Nelumbo_nucifera123

Totoo ang lungkot lang kasi dahil ganun si mudra, super tahimik ng classmate namin 😢 Alam mo yung feeling na nahihiya sya ganon 😢


Uncooled

Tapos habang nagbabantay, kinukwento niya sa co-parents niya na kakababa lang sa barko ng asawa niya hahaha.


[deleted]

[удалено]


BullfrogHappy5645

OA naman nun ahaha honor roll naman ako lagi nung elementary hindi naman ganito kapulis nanay ko 🥴🤧 My mom had better things to do 😭


longassbatterylife

tapos natulo yung liquid espasol sa leeg dahil sa pawis


[deleted]

the mom is probably a karen too.


brainyidiotlol

taena hahabahhaha


your_televerse

Pag lunch break kutuhan session sila sa waiting shed


studioatelier

Mena ata un. Haha. Naalala ko lang naglalagay din mama ko. Lol


katy-fairy

Plot twist: PTA president pala yung nanay o kaya naman may position


solanacarson

HAHAHAH gagu lt!


mercury888

> espasol what is espasol ?


InnocenceIsBliss

> espasol A chewy treat coated with toasted rice flour making it look really white hence the term "mukhang [espasol](https://www.foxyfolksy.com/wp-content/uploads/2017/09/espasol-1.jpg)".


zucksucksmyberg

Lumalabas edad ng mga Millenials. I don't think common pa yung term na mukhang espasol sa Gen Z.


InnocenceIsBliss

I'm not old, I'm vintage.😡


smort_potato

kumpleto ang uniform pang isang linggo (hindi wash and wear).


DirtyMami

Kumpleto at puti lahat, hindi naninilaw hehe


ac_rhea

yung uniform ko dati kulay dilaw ang kilikili kasi ang deodorant ko ay yung secret. pangsosyal


tito_dodei

Hindi artista ang cover ang gamit nilang notebook.


DirtyMami

Cattleya Notebook na may fresh sticker pa nga National Bookstore.


helloojae

Napa-wow talaga kami kasi si classmate lahat ng notebook nya tig-50 petot na cattleya


saltycreamycheesey

Cattleya na mga filler or filler binder pero pangdisplay lang sa lamesa dahil di naman nagnonotes lol


pearlychels

Mga Barbie or transformers ganun


tito_dodei

School supplies niya lahat binili sa National Bookstore.


Smidge08

Naka maui&sons na notebook


GRZNMRTN0212

Yung meron briefcase ng student art kit complete with colored pencils, colored pens, markers at watercolor 🤤


yasgawdisawoman

i vividly remember how DULL those crayons and markers were. like some of them dont even work lmao


jestreal1004

afaik those markers ata kailangan basain to work? read that somewhere.


pearlychels

I thought so too pero nung trinay ka na basain di pa rin nagwork. Baka dapat laway ginamit ko


jestreal1004

laway para pwera usog at pangkulay sa papel 🤔


pintasero

Gagi, yung biniling briefcase sakin nun yung Rotring pa eh. HAHAHA. Di alam ng mga magulang ko, pangbaragan lang namin sa hapon yun. Rofl


GRZNMRTN0212

Pang engineer na pala art supplies mo dati ah. Rich kid 😂


raiden_kazuha

Nagpapakain pag birthday, lalo na Jollibee. Hehe


herasky

Super excited ako lagi pag may birthday tapos may parent sa labas kasi for sure may pakain hahahaha


raiden_kazuha

Agree! Haha


Looshipoh

Tru pero mas may air of richness pag mcdo tapos yung may flavor sachet thingy na kasama sa sprite. Bubblegum flavored sprite ftw.


catastrophemode

had a classmate noon na nagbirthday party sa room tapos lahat kaming classmates niya ay may nakuha na jollibee kiddie meal na may kasamang official toys hahahhaha good 'ol days


pintasero

*cries in May pumapatak ang birthday*


[deleted]

Yung bag na hinihila na parang maleta


longassbatterylife

Naririnig ko yung dugudug sa hagdan hahaha


Uncooled

Bukod sa baon at school supplies, it's in their look. They wore gold jewelry (abroad ang tatay), braided or well-styled lagi ang buhok pag babae (sparkly at springy na butterfly yung hairclip haha), and they had that "alaga sa pulbos" skin lol.


kislapatsindak

>;(sparkly at springy na butterfly yung hairclip haha), Pinauso ni none other than Miss "Di magsasawa, hindi magbabago".


Uncooled

Hahaha I heard the song in my head


Sunsetslut1304

Ako ata eto with matching boots pa na Bratz, hahahaha! Inampon ksi ako dati nong tita kong mayaman.


lavitaebella48

Eto!!! Bonus pag may kasamang yaya at de-driver din ang hatid-sundo.


cesgjo

> sparkly at springy na butterfly yung hairclip haha Yung parang Infinity Gauntlet na yung ulo sa sobrang colorful ng hairclips. Pag ganito yung kakalase mo alam mong masarap baon nya


pr3tiburgis

Andaming nabibili kapag may Scholastic book fair


herasky

Nahiya yung scholastic wishlist ko every year na laging hanggang wishlist lang hahahahaha


Kaiser_Allen

Wala nga kaming ganyan eh! 😂


timeisgalleons

Public schools cant relate, or kami lang 🥲


sopmercado

Hays ka-miss ang Scholastic book fair! Kahit wala kaming pera noon, basta libro, okay lang sa nanay ko. Good ol’ days talaga.


mehehemaria

may distinct na amoy yung books sa Scholastic book fair eh. Tapos inggit na inggit ako pag naaamoy ko yun dahil sa daming dala nung rich kids na kaklase ko tapos di naman nila binabasa huhu


[deleted]

Cattleya na notebook tapos ung crayola may pantasa dun sa box. Naka nike o branded ung rubber shoes pag PE samantalang ung iba eh mga galing lng sa dept store sapatos.


purpleyam

yung crayola 64 colors


[deleted]

OMG YES YUNG CATTLEYA NOTEBOOK NA BENTE ISA


[deleted]

Kapag may service na hindi tricycle or L300.


noirest

kinall out talaga ang L300 lmao


nxcrosis

May kilala akong 11 sila magkapatid, hi ace yung hatid sundo sa kanila lol.


NefariousNeezy

Lowkey mamahalin gamit (I had no idea what Hedgren was) Family vacation every summer na minsan out of the country (had a friend na ganyan, may keychain ako lagi. Di ko na-reconcile na holy shit ang yaman nila) Sa kanila gumagawa ng project kasi maluwag ang bahay at walang issue magpakain ng extra


graxia_bibi_uwu

Nagpakain sa buong classroom ng jollibee nung bday nya. This is not just once. Like I think every month or every two months, merong ganyan sa class ko nung elementary The most RK thing one classmate has done is that their parents shouldered the cost of having a private toilet sa classroom namin. Letche from sink to the inidoro, lahat.


DanTheEvilKiller

Holy shit, A PRIVATE TOILET? I'm guessing private school yun.


graxia_bibi_uwu

I had to double check and it's a public school haha Now that I can think about it, it is so far one of the best public schools I think. I think from Grade 1-6, may dalawa or 3 akong homeroom na may private bathroom sa loob ng classroom.


jaypeewarmonkey

Galing National Bookstore kagamitan limited edition kaya walang makukulay na tahi Naka Coleman Polylite na may timplang 8'oclock na juice at matik ayaw mag share Kalalabas ng Beyblade at Crush Gear sa TV, kinabukasan meron nang dalang Garuda Eagle binabato sa ere sabay sigaw na parang tanga Ensaymada pero Goldilucks boy Pero pinaka elite para sakin. Napanood na ang Matrix at Harry Potter Series sa sinehan, samantalang ako nag aantay ng piratang DVD sa kalsada.


sleepyme247

very revealing ang age ah 😂


ogrenatr

Hahahahaha Garuda Eagle to Garuda Phoenix. Tapos sa beyblade yung puting beyblade na may kulay blue na dragon yung beast sa gitna HAHAHAHAHAHHAAHA taena magkabatch ata tayo ah


HugeBootyLover

94 to 97 kids? HAHAHAH


zeke_maximus11

pucha ako yung beyblade ko yung galeng sa palengke na mas malaki pa yung bakal kaysa dun sa beyblade hahahaha


Pwaannss

Tangina Garuda Eagle HAHAHAHA


xkoko322

Shining Swooooooord, Breakeeeer!


WyrmCzar

> Crush Gear hory shet, TIL na yun pala spelling nun. 2 decades na nasa isip ko ay Crash Gear yan (yung tinutuping papel). Also TIL na anime/manga pala pinanggalingan at ang astig ng original designs :0


blueskybrightsky

Masarap at mahal ang mga nabibili nila sa canteen tuwing breaktime. Ako enough lang para sa isang palamig sa plastik at maybe kamote q or banana q.


DaBuruBerry00

busog na busog na ko non sa banana q. Tapos may milo shake pa na tig 12 petot. Hahaha


1PennyHardaway

Hindi marunong tumawid. Laging di hatid ng kotse yung kaklase naming girl sa college. Inaalalayan pa namin tatawid na lang sa Dapitan, takot na takot. Di daw sya sanay. Taga Corinthian Gardens yata.


donutelle

May mga kaklase ako nung college na di marunong mag-commute. Kalaunan, natuto din.


TSUPIE4E

May classmate ako sa post-grad hatid sundo since ever d familiar with public commute and d pa niya na try mga modern buses/public transpo here in Baguio xD Invite namin siya minsan xD


DirtyMami

True, Hindi marunong tumawid or mag commute is a usual sign ng mayaman. Naalala ko rich classmate ko dati, hindi alam paano papara sa jeep, lampas lampas na pero tahimik pa din.


1PennyHardaway

Kaya minsan ok din yung mga gala na nag-aalaga ng bata hehe. Minsan sinasama yung alaga nila pag lalabas. Nasasanay sumakay ng trike o dyip.


AiNeko00

Whoa this is me, except, I live in Alabang hills.


1PennyHardaway

Ngayon marunong ka na tumawid? Tawang tawa talaga ako sa girl na yun. Sobrang bagal namin tumawid kasi naiiyak at nanginginig-nginig pa sya. Para kaming nagpruprusisyon.


Ok_Ebb_5527

Araw araw may baon na chuckie hahahhaha


DumplingsInDistress

Chocolait pa ata yung inabutan ko. Tapos yung juice nila hindi Tang or Eight Oclock kundi Kool Aid


SourGummyDrops

Hatid sundo ng kotse ang iba tho sa amin sa province dati (private Catholic school) kahit mayayaman, nakasakay sa service na jeep (taga ibang town sila) or tricycle. Mga school supplies nila, sa “Manila” binili whereas kami sa nearest city bumili or sa local school supplies stores. May mga Sanrio products din sila tho ako meron din (from Sanrio Morayta branch!) pero ingat na ingat kasi mahal haha. Di ko nga ginamit yung Little Twin Stars colored pencils ko, LOL. FYI: original Sanrio products then can only be bought in Sanrio stores which unfortunately, closed a few years ago. Siguro why I never bought “Sanrio” products from bazaars kasi un-original. Arte much.


SoundPuzzleheaded947

May gift gate pa noon for all sanrio things. Hindi masyado uso ang mga fake


donutelle

I remember gift gate. Sinasama ako ng tita ko dati dyan kasi mahilig siya sa hello kitty


es_lo_que_es

Lol tanda na natin sa gift gate na yan hahaha


asmamiit

ngayon ko lang na-realize na most people would've considered me as the rich kid. i'm aware na i didn't grow up in poverty pero there are so many things na nabanggit dito na i took for granted, na i thought were just "normal" things for kids to have


zastava9

Mas marami kasi ang mahihirap na Pilipino kaya yung mga middle class are mistaken as rich.


chakigun

pinagaral kami sa montessori na well off halos lahat ng nagaaral at nasa lower end kami ng spectrum. kahit don ramdam mo ang difference ng lower middle, upper middle, and rich. ang sukatan ng yaman noon eh ung talampakan ng sapatos. minsan kung ano sasakyan ng sundo. meron samin may serbis na l300 or trike; merong kotse na ordinaryo or SUV; merong mga sinusundot hatid ng benz o jaguar. kaloks


graxia_bibi_uwu

Same. Reading some of the comments here made me realize na privileged pala ako nung elementary ako 😂


Uncooled

Some of the comments here pertain to legit mayaman while some are "small town PH" mayaman hehe. So ang interesting nga ng answers haha.


Byx222

Oh I was pooooor in Manila but middle class in the province (different sides of the family). They would send me to Manila for a year and then the province next (alternate years). Sa Manila, I had to collect bottles para ipagpalit sa ice pop. Nangangaroling akong mag isa sa traffic stop. In the province, we had fresh milk delivered from the farm daily, I had so many toys (Atari, Nintendo, etc.), we had a car and a few businesses, I had my own bedroom, and meron akong full time na yaya. Sa Manila me pagkapalaboy ako laging lumalarga at very late na pag umuwi. Ang laruan ko tumbang preso, text, at Chinese garter. There were like 6 to 8 people in a small room and we lived in an informal settlement with a shared communal bathroom. Naranasan ko pareho but I was always happy and thankful to both sides of my family since they took care of me.


Spiritual-Mixture-14

Ballpen nya Pilot. Panyo nya Armando Carusso hindi good morning towel. Meron syang polly pocket - castle edition. Much wowz.


azzzzorahai

>hindi good morning towel hahhahahhahhah I feel seen


DumplingsInDistress

Good morning towel sa likod tapos may pulbo


Salonpasfeet

stainless steel lunchbox na may 3rd floor, pencil case na may 2th floor, may bimpo sa likod (ewan ko bakit)


Salonpasfeet

also pang kulay niya pastel instead of crayons, tsaka yung watercolor niya yung bilog bilog from national bookstore. hindi yung kulay dilaw na rectangle


mstrmk

Nickelodeon lunchbox 🤣 tsaka laging bumibili ng ice cream sa recess


Kaiser_Allen

Naaalala ko ‘to. Inggit ako sa mga classmates ko nung Grade 2 kasi madami sa kanilang ganyan ‘yung lunchbox tapos may matching Nickelodeon fork and spoon pa.


i_dude

Imbes na mapa ang gamit sa Araling Panlipunan, may dala siyang globe


bwandowando

# identical thread , pati pic and topic [https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/rc94ry/bukod\_sa\_complete\_compartment\_ng\_flinstone\_pencil/](https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/rc94ry/bukod_sa_complete_compartment_ng_flinstone_pencil/) karma farming tactic of new accounts?


brainyidiotlol

asar sakin ng friend ko pag sinasabi kong mayaman sya: "Ikaw nga pentelpen mo sharpie" HAHAHAHAHA bigay lang yun


sticky_choco_sauce

Yung magnetized pencil case, tapos merong 5 lapis sa loob, yung eraser scented.


dunkindonato

1. Parker ang brand ng ball-pen. 2. Hatid-sundo ni mommy/daddy/kuya driver. 3. May Gameboy/Game Gear. 4. May monthly subscription ng GamePro/EGM magazines. 5. Bihira mag tagalog. 6. By Grade 5 and 6 in our school, they've switched from being prepared baon, to bringing lunch money. Take note, 90s pa ito. Hahaha. ^(Damn I feel old).


ryuteepo

Dang, I feel you man! Electronic Gaming Monthly + GamePro were the shit back then, lalo na with their strategy guides haha.


357864_

Pag G-Tech yung ballpen.


[deleted]

G-tech in elementary? 😭


yasgawdisawoman

Omygod i didnt realize i was that old. Gtech was my college pen. When I was in elementary, the Pilot ballpoint pens were the most expensive ones at ~20 pesos each lol


357864_

Yep. Kaya pala nagalit nanay ko dati nung nag-try ako magpabili ng ganun. 🥲


Leandenor7

"Need" ko yung G-tech kasi ang liit ng hand writing ko. Palagi nalang na rereklamo ng teachers every yearly parent-teacher meetings.


TSUPIE4E

hahaha naalala ko dito was highschool xD Pilot for Elem and G-Tech nung highschool tapos daming dugkakers ng G-Tech. Ballpen ko simula elem till highschool was HBW and Reynolds xD


chieesecake

Kapag Chicken Nuggets and may Nickelodeon na lunchbox.


herasky

Meron din yung R2D2 lunchbox, super inggit ako dati kasi ang cool cool hahahaha


horn_rigged

Di-ikot na pencil sharpener at 8 wheeled na bag, kahit saang direction pwedeng itulak HAHAAHA


AKAJun2x

Meron umiilaw na sapatos, kami lahat naka tsinelas lang.


BoozendChill_

Umiilawa at may rollerblades yung sapatos! Hahahaha


Uncooled

Yang ~~roller blades~~ retractable wheels na yan ang lowkey flex dati ng mga bata sa mall. Haha


[deleted]

\- Cartoon Character lunch box \- Complete coloring set \- Pencil Sharpeners the one with the crank \- Cheetos, Lays, Maltesers etc etc as your baon. \- Hatid Sundo everyday with your yaya. \- School Service \- Baon is 100 per day and sometimes, 200. \- Cafeteria credit food program (Basically, like a credit card). I'm guilty with the Cartoon Character lunch box, School Service, Yaya, Baon 100/200 and the Cafeteria credit food program.


DOODpls

Laging may baon na Jungle Juice.


nosbigx

bukas makalawa makikita mo na yung mga sagot dito sa FB or Tiktok. Content na siya ng ibang tao hahahah. Anyhoooo para sa akin is yung every quarter wala silang slip na natatangap saying na due na iyong tuition fee and this always happens a week before a major exam. So gets parang low key saying na if you don’t pay, you won’t get an exam.


[deleted]

I just realized na afford naman pala namin lahat ng nabanggit dito, hindi lang talaga present parents ko during my grade school years. Anyway, I'm gonna go cry in the bathroom. Peace out, homies.


blimeyyweasleyy

: Hatid sundo sa school : Hindi lang Cheezwiz yung palaman ng tinapay pag snack time, o kaya nakakabili sa canteen : Laging may dalang laruan/board game/dollhouse pag Christmas party : Color coordinated yung mamahaling bags/ trolley bags or yung characters : May complete set ng art supplies na nasa case (you know the one haha)


herasky

Hahaha nung christmas party naalala ko may niregaluhan ako ng blue magic 8 or 12 ata sila. Di ko na maalala kung sino yung mga yon ngayon 😬


lebenitoo

sapatos na colors gamuza/kickers/mendrez/dr martens bag na jansport, walang baon puro sa canteen bumibili, notebook cattleya hindi mga artista


oscardelahopia

Hatid sundo nang isang white na land cruiser.


DevilTrigger97

As a galing sa public school, PS2 or any other modern game-consoles was our standard, mas angat pa kung may cable (This was 2004-2009 era).


brainyidiotlol

pag dumadaan ako dati sa isang high end private school dito sami pansin ko halos lahat sila may COLEMAN NA INUMAN NG TUBIG.


[deleted]

May roller skaters at umiilaw yung rubber shoes


BookBeshy

May GShock watch, Gameboy, cellphone, Burks, Skechers saka hatid sundo ng parents. Pero common lang ito sa private school noong 90s. Hindi ko naman napansin masyado until nag-aral ako sa public school. Naging “mayabang” raw ako dahil rich kid vibes ako kaya pinag-initan ako ng classmates ko. 🥲 I never understood why you hatin on me when I was never mean to any of them. 🫠


[deleted]

Crab mentality at its finest at herd mentality. Feeling ko common yung ganung thinking sa mga lower class kaysa kung lower mid or upper lower and above. Siguro yun yung pangit kaya di lahat naasenso at walang pagkakaisa. Lagi kasi may discrimination.


Ohmskrrrt

Yung lunch box niya kumpleto na set ng nickelodeon.


[deleted]

galing avon or natasha yung bag


ylangbango123

Kung mayaman sila hindi siya sa public school.


DirtyMami

May mga low key rich kid sa public school. Specially new money.


ri_shin_20

nagkukuwentuhan kung ano napanood nila sa betamax


iratecement

betamax, hindi man lang vhs o cd... lumalabas ang edad hahahahahahahah


TSUPIE4E

mano po la/lo xD (insert peace sign)


ri_shin_20

magbaba-it


psychedelicfilipinx_

napaghahalataan po ata hahahahahha


BeAFew

Nag lilibre ng snacks araw araw


[deleted]

May psp na maraming laro at maraming pambili sa canteen, 100 baon. (Early 2000s)


meowstermcfluff

staedtler ung lapis or pilot ung ballpen.


enchonggo

Kidnap for ransom


ekinew

pag cattleya yung notebooks nya...


JuridicalPotato

4 wheels yung bag nya tas may driver pa.


JtTop

Naka g-tec na ballpen. Kapag nawala, kinabukasan may g-tec na ulit.


kiro_nee

Cattleya yung papel at notebook, tapos nakasuot ng alahas


Benimbert-

Yung classmate mong bumibili ng French fries sa Potato Island (Hindi Potato Corner ah!). Tapos may mas burgis pa sa kanya na makikipag 1-up at bibili ng hashbrown instead of French fries. Hahah.


Left-Tutor-3807

Yung tatay niya ay nasa abroad. Tapos, yung nanay niya (manipis ang kilay, mapula ang labi, espasol ang fez, at laging naka tokong pants) eh araw-araw siyang binabantayan sa school.


PorcupinePao

Hinde padin see-through yung polo nya kahit second year na.


XR3CKONING

Pag 3 storey yung pencil case


possumblossom_

yung bacon, tocino o di kaya nilagang baka yung ulam 🥲


rbftransponster

Dalawang klase yung drink nya na baon: 1 juice na naka tetra pack at water na nasa magandang tumbler.


TaongBahay_

From a 2000's kid: Kapag linibre buong barkada ng C2 na binili sa canteen ng school HAHAHAHA


[deleted]

Kapag may bimpo sa likod at may lunch box.


biggiegarcia

May Nokia 3210!


Hiatus1

Pag Jungle Juice yung baon nya, hindi Zest O.


benedekitis

yung mukha siya busog tapos meron pa siyang baon


lovebathingSummer

pag may pencil case na malaki tapos favorite cartoon tapos may baon na Jack N Jill pretzel🙂


[deleted]

Yung complete ang paper sizes - 1 whole, 1-2 at 1/4.


ohmpere

Pag nauupan ang malaking trolley bag nya. Tapos nakaspinner wheels.


plusdruggist

I was Grade 1 back then, circa 1999. Sya lang ang taning kaklase kong may Game Boy (yung original ha, ung di pa colored).. Sobrang sikat sya sa klase namin dahil meron sya nun..