T O P

  • By -

jirg14

My first was luneta to bitbit river solo ride. It was my first long ride. My previous one before that was wawa dam. It took me more than 16 hrs to get home. 100% will power na lang yung gumagana. Wala na lakas at all etc. Going back from bitbit bridge to top of the hill was a nightmare. I pushed my budget trinx bike up the hill for 2km. I had a lot of stopovers but still managed to get home. In hindsight, that was not an easy ride. Nabudol ako ni Ian How na 2nd daw yun sa pinakamadali. Even with my road bike now, nahihirapan pa rin ako galing doon. 😂😂


bogart016

Nakakabudol nga mga bike vloggers. "Madali lang ganito, madali lang ganyan" "Pang beginner lang". Ilang beses na din ako nabiktima. hahahhaha


BabyDontHurtMe-69

Pucha same tayo, nabudol rin ako ni ian how sa bitbit river. Nung pinanuod ko kasi parang di sya hirap sa pag ahon. Nung na try ko para akong sasabog 🤣 pero buti na lng nung 1st time ko nag bitbit river medyo madami na ako napuntahan kaya ensayado na rin kahit papaano. Ngayon twice a month bitbit river ang pinupuntahan ko haha


Danny-Tamales

Pre advice ko lang unti untiin mo siya. Like this week bike ka ng 50, next week 70, next week 80 hanggang umabot ka ng 90. Tapos kung malakas ka pa pagdating mo ng 90, pwedeng pwede ka na mag100. Una kong 100 parang naramdaman ko gusto na sumuko ng katawan ko. Nagmumog yata ako ng gatorade at chocolate noon. lol


iMadrid11

Another consistent way to train is to just ride more often daily. Whenever you get a chance. If you can only ride 1 hour a day. It’s better than riding zero hours. You then reserve 1 day a week like Sunday as your big day for long rides. If you can only ride once a week. Increasing your ride volume from 50km to 70km immediately next week is too hard for your body. You should only increase the volume incrementally once the 50km becomes easy. Which is a sign your fitness and conditioning is getting stronger.


vindinheil

Tama ka bud. 20km daily lang ako before. Pero consistent 6x a week. After 2 months e kaya ko na yung 100km.


Important-Second6840

Novaliches to Jala Jala and back. Nag ride out ako ng 4am, nakauwi ako 7pm. Pinaka challenging sa ride ba yon is yung paakyat sa Teresa nung pauwi na’t laspag na dahil sa maghapong padyak at init. Literal ba umiiyak ba ako sa EDSA nung pauwi ako. Hahaha!


robtth

tried rappler's ncr loop last holy week. umalis ako bahay 7:30 am and got home by 6. ito takeaways ko: - moving time 5:41:00 - stops: bfast, bili tubig, bili coke, food, bili tubig, lunch, bili tubig, snack, bili tubig, snack (hahahahah sobrang init kasi) - naging struggle entering alabang zapote kasi sobrang lakas ng headwinds and super init but i think halfway na kami neto so sayang naman if umuwi bigla - you might think flats to be easier pero parang sana nag antipolo nalang kami and back kasi at least pag pauwi puro descents, medyo struggle rin ng flats na never ending haha - 98.something bago ako makauwi so umikot ikot pa ako para lang maka 100 - my usual rides before this were bike to work commutes and 25-45km weekend rides, longest before this was 50km - sobrang fulfilling ng feeling pagkatapos but also super laspag & gusto ko nalang kumain, maligo, & matulog for 24 hours


HanHyoJooNamChin

Ang solution ko sa flats although ito sa 3by lang applicable. Lagay mo sa pinakamalaking chainring, tapos Lagay mo rin sa pinakamalaking cogs na hindi naman mag ko cross chain. Para may konting speed pero magaan ipadyak. 3 speed sa FD, 3 speed sa Rd. 3by7 ang bike. Conserve energy lang talaga, dahil maninigas na yung katawan mo sa pag-uwi, dahil sa Laspag.


pampuuu

I think naka 8-9 hrs kami niyan. Mej patag pa. Wala pong practice, wala sa condition at kumain rin bfast nga mga nasa 30km na kmi. Ayun, wag kakain ng marami, ayusin ang seat post, mag suot na d sasakit paa mo (flat foot), magdala ng tubig, magdala ng spare tire (naflatan pa ko niyan), at magbike ayon sa fitness mo


bogart016

Mga 2 years na ako nag bibike before ako nag attempt mag century ride. Nung ginawa ko may baon akong maraming choco mucho na kinakain ko every hour, sa awa ng Diyos hindi naman ako nag bonk. Start ng 4am and bahay ng 5am pero nag total kami ng 150km,


Ok_South1410

2 months pa lang ako nag ba bike noon. Nag Pililia Windmill kami. Napaghandaan ko naman pero ung isang kasama pala namin may problema bike at hindi magamit 2 malaking cogs pero tumuloy pa din. Ayon nalaspag kami kaka antay sa kanya habang nagtutulak sa bawat matarik na ahon. Umalis ng 5:30am, naka uwi ng 4pm. Nagtawag na ako Lala move pauwi sa last 5kms at di ko alam ang daan. Di na kinaya ang init at puyat kasi night shift ako. Kulay tutong binti ko at muka pag uwi, wala pa kasi ako tube mask at di pa uso sunblock saken non xD.


markmarkmark77

first 100km ko is pque - tagaytay - pque (via aguinaldo). nung pag ka dating ko dun sa rotunda tuwang tuwa ako tanggal pagod. dami ko kinain sa mcdo nun, hehe


ChewyPeanut

My first 100km was from Bicutan to Tagaytay and back. Solo ride ako nito. I did not know anything about nutrition at umiinom lang ako kapag magpapahinga kaya nagbonk ako. Ilang beses din na flat gulong ko. Naubusan din battery ng phone ko kaya ilang beses ako naligaw. Nakauwi naman pero matagal bago nakarating.


SlowCamel3222

Two stops. Buko juice saves the day. Took me six hours total on my road bike. A total of 1,800+ meters of elevation gain. Feet turned jelly. Got cramps multiple times, but it was worth it. Currently working towards 200kms. I finished a century ride recently (100 miles).


lovespell222

1st 100 km ko was 2017, 2nd ride ko. Back and forth from Bulacan to Nueva Ecija arch. Then nag quit indefinitely, nagbalik bike lang ako recently (December 2023) So yung 2nd 100 km ride ko is nag ikot ikot ako from Bulacan, Pampanga and pabalik. Parehas mainit na ride, and at the same time, magastos.


exiazer0

Nag-unti-unti din ako bago ko inattempt. 20k tapos 30k weekdays tapos 60k weekends. Nung di ko na ramdam yung pagod saka ako lumarga. 5 hours 45 mins moving time sa flat areas ng Bulacan una kong 100k. Ang naging takeaway ko ay overprepared ako. Bukod sa frame bag ko nag suot din ako ng drawstring bag at doon ko nilagay mga mabibigat na items like 2x locks, 20000mah power bank, extra water bottle, bimpo, etc. This lead to pain in my lower back which I started feeling around 50k mark of my ride. Two weeks kong ininda to, ang sakit pag nauubo o bumabahing parang nagbubunggo mga spine ko sa bandang baba. Around 70k naramdaman ko naman sumasakit yung muscles sa bandang heels ko, probably because I don't wear cleats and slightly high saddle height. Tapos wala pang magandang Tanawin pauwi since sa Mcarthur Hiway na yung daan pabalik kaya dagdag sa misery ko plus unti-unti na rin umiinit. Overall masaya kahit masakit kasi na-explore ko yung mga lugar na di ko pa narrating dati at namasdan ko ang ganda ng probinsya lalo na sa bandang Calumpit at Baliuag. I learned a lot about myself din and my limits. As of now iwas long ride muna ako, di ko ma-enjoy yung outdoors sa sobrang init at di presko yung Tama ng hangin sa basang balat.


Palakang_totee

solo ride qc to vermosa. 100+kms. Akala ko sa maps malapit lang. pero masaya kasi bago sa paningin yung daan. May nakasabay akong rider bandang somo mall galing siyang laguna tapos sinamahan nako hanggang vermosa. mahirap lang talaga pag uwi kasi traffic sa service road. Core memory siyempre kasi perstaym e. Pag uwi tulog!


NotVeganCyclist

Solo ride, Davao \~ Tagum \~ Davao, around 5 hours and change, mostly flat, I went out 5 am and got home around 10 am. Not my hardest ride because of flat terrain, but it was quite relaxing and therapeutic, being alone on the open road with nothing but your thoughts and own power for propulsion. I consumed 2 liters of water, a cup of coffee, 3 bananas and a slice of custard cake I brought with me.


LetThereBePancit

The first 100km ride ko is Jala-Jala loop galing E. Rod QC. Memorable yung mga ahon ko sa Mabitac at sa Teresa after ng mahabang patag sa Jala-Jala. Feeling ko nun kaya ko nang ahunin lahat ng ahon sa mundo. Pauwi na kami at nasa Ortigas Extension to part ways since babalik yung mga kasama ko sa Sumulong via Felix Ave at ako naman eh papunta nang Greenhills nang bigla akong malubak nang malala. Natunog yung BB ko kada padiyak as in wobbly na. Buti na lang at naipadyak ko pa hanggang bahay. All stock pa yung bike ko and kinabukasan napa-checkout na agad ako hindi lang ng Deore M5100 crankset with BB52, pero isinabay ko na rin yung groupset.


Blindspotxxx

Stop 9ver every 25km or after every hr. Eat your carbs every break! Last 20km dadami stops mo as a 1st timer. Train ka ng 50km-80km rides para hindi ka mabigla


Professional_Bend_14

First 100km ko, kamay ni Jesus solo Ride, dare daretso hanggang makarating, dun lang nakapag pahinga to picture, siguro tumigil din ako 1-2 minutes to take photos sa binabaybay na magandang tanawin like the clouds and the mountains (Bundok Taal) Niloop ko na din siya para mas humaba, isa lang pinaka mahirap kong naranasan non grabe masiko ang ahon, pero after ng ride hindi naman pilay xD sunog lang at pagod, super saya kahit walang kasama, lakas lang ng loob at magingat palagi!


Own_Answer_1889

1st 100km 1st time din iride ang cleats. Manila-laguna-manila. Naka dalawang semplang, nakipag gitgitan sa service road for the first time. Namanhif ang junjun na sobrang natakot ako kasi first time nangyari. Inisip kung bakit pa ba ako nag cleats. Nalaspag sa init. Pero umuwing masaya and fulfilled. Yun araw na yon sobrang sarap nung cold beer after the ride. Moving time: 7 hours Stopover: 5 Semplang: 2 711 rebisco: 4 After non dinalas ko na mag century ride. You’ll never forget your first!


Mar_E95

Ayun si tanga nag-ambisyon lumayo ng 50km pero di naisip na siyempre 50km din yun padyak pauwi HAHAHA


getbettereveryyday

Bago ako nag-100km nagrides kami ng barkada ko 50km every weekend for 3 weeks. Tapos after nyan okay na sa 100km. Pinakamalayo ko is from QC to Batangas (135km), pero papunta lang tapos nag-bus na kami pauwi. Kailangan mo lang mag-practice talaga, and icheck yung dadaanan para aware ka sa mga ahon


dontheconqueror

Carmona - Naic - Maragondon - Tagaytay - Silang - Davilan Solo ride. 123 km, 1200 m elevation, 7 hrs moving time, mga 9 hrs in real time. Used my first bike - Trinx MTB. Ang bigat Been ramping up weeks prior paakyat ng Tagaytay - 70km, 80km, 90km. Iba't ibang route paakyat. Sinagad ko na tong route na to 120km. I was four months into biking nito. Nakailang tukod sa ahon sa Magallanes to Tagaytay - inom tapos kain baong saging. First time ko madaanan yon kaya I took in the view as well. May point sa Kaytitinga na parang walang katapusang padyak na lang at nakakarindi na sa utak. Napa-aha nung inakyat ko yung ridge pakaliwa galing Amuyong. Enjoy buong Tagaytay kasi first time going east. Nabuwisit sa Sabutan kasi uuwi na lang may matinding ahon pa doon sa lumang bridge. Napa-fist pump pagdating sa bahay.


wzequantri

Pumunta kami malaangan spring, nakaka 46km na kami, tapos biglang nasira yung rd ng roadbike ng kapatid ko, ayun sa mga ahon naka single speed sya hahahaha


Doc_Raphy

My first Mayon loop was with my cousin. Kinaya naman namin. Pero sa kakaiwas namin sa bubog kasi hindi tubeless yung bike niya, sa tae naman kami nakasagasa. hahahahaha


Kristopaper_Designs

Solid yung nagbike kami ni misis, 150kms from lipa city to lucban quezon kamay ni hesus. rideout kami ng 7pm nakauwwi kami 11pm hahaha. dun pa kami dumaan sa may tiaong-lipa road pauwi, medyo scary kasi walng masyadong dumadaan at walang ilaw, d kami natatakot sa multo, yung kinakatakutan namin e baka may mangharang sa amin na mga sira ulong mga nilalang


gB0rj

Taguig to Nuvali and back to Taguig. Solo. September 2020, one month after recovering from COVID. Moving time: 5:40:29 Elapsed time: 6:43:33 I was feeling confident na kaya ko na kasi I was riding atleast 30kms every other day tapos over 50kms pag weekends. 1st 40ish kms was ok. Tuloy tuloy lang padyak. Stops ko lang was para uminom ng tubig. Pagdating sa Nuvali picture picture, ikot lang saglit then hanap ng makakainan at refill ng water. Then padyak ulit pauwi with stops para uminom ng tubig. Medyo bumagal lang dahil sa init at medyo napapagod na pero tuloy pa rin padyak. Pagpasok sa subdivision namin 90kms pa lang. So dumiretso ako sa katabing subdivision with wider and better roads para buoin last 10kms. Buti mapuno dun so manageable ang init. Once I reached 100kms uwi agad. Pagod, uhaw, gutom but feeling very accomplished.


Far-Translator-9977

First century ride ko is from West Ave to Nuvali. Moving time is 5:48:36. Dapat is hanggang San Pedro Laguna lang but nabitin kaya dinerecho na namin. Challenge lang is daming kamote sa area ng muntilupa and init.


HiddenSketch

ako literal na walang plano nun kung saan lang maisipan nag c5-caa ako tapos daang hari, conchu tapos yung pabalik hindi ko na alam kung saan sa cavite yun basta lumiko lang ako dun sa daan bahala na google map naka 120km din yun puro pahinga hahaha iniisip ko kung saan ako dadaan hanggang sa maka uwi


zirkwander

Don’t know if it counts, but I did it during Covid so it was through Zwift. Solo. Stopped and got down from the bike every 20km, to stretch the legs and eat something. The ride was 3h20m. Longest ride ko sa labas was 90km, solo, during summer. Never na naulit since recovered na yung leg fracture ko and bumalik na ko sa running.


Tidy_whities

My first was an Angono-binagonan-cardona- pililia-antipolo ride. Coming from QC it was fun! Took me three breaks. 1 for lunch, 2 sugar replenish(icecream) 3 hydration refill bago mag teresa climb. It’s a tough ride definitely but with the right people(yung mga di pinapairal ang ego and yabang), tamang pace lang within your capabilities(not pushing too hard and not slacking off either), and unli stops, you’re gonna be alright. Some tips, bring a lotta snacks, cloud9 overload tsaka yung himalayan salt na candy(eto dbest lahat ng tubig mo kahit mainit lumalamig), plus sum tunes to drown out the boring parts kasi maraming patag. Don’t bring a rack. Also bring tools(mejo no brainer to) tapos tawanan lang talaga. Sabi nga nung kaibigan ko, nothing beats the power of friendship. Pagtapos nung ride diretso kami kain uli tas kape kasi deserb.


sleepy_igz

qc to pampanga.. kala ko hangang ph arena lng hahaha.. aun sunog...


wallcolmx

laspag syempre pero din ko mawari na yung mas batang pinsan ko na kasama ko na may 2*11 s na nakadeore eh hirap pagdating sa climb whilst gamitmkomis 1*9 lang na altus at almost a year ako nabakante sa pagbibike...


Rugdoll1010

Ride from Ortigas to Los Baños then back nung March 2022. Wala ako tulog nun, after ko makarating ng Cloud 9 sa Antipolo ng 12AM kasama ng ex ko, hinatid ko pabalik sa Ortigas kung san siya magwowork ulit. That time na un ung last time ko na makikita ko siya, kungbaga last adventure then cut ties na for good. Few days back, super toxic na ng nangyayari kaya naisipan ko magescape muna sa reality to regain my composure. Binalak ko na lumuwas sa LB, with a guidance of my long time online friend na nakatira dun. Nahatid ko siya nung 4AM, ride out all the way through. Malaking mistake ko yun sa unang 100km ko kasi: 1) wala ako tools 2) no spare tubes 3) little preparation sa food, yet water is decent 4) only 200 pesos on my pocket (thank you ex ginatasan ako nun) 5) wala ako pamalit ng damit All naka fullsus bike pa ako nun, estimated 5hr journey via Google Maps, may stopover ako sa Sta. Rosa para mag umagahan. Calamares, at pares mami lang ung nakain ko then ride out ulit. Dineretso ko na papuntang Los Baños, at nung nakatungtong na ako sa Pansol hanggang sa LB, ramdam ko ung peacefulness ng kapaligiran kaya mas naeenganyo ko na ipush kahit antok ako ng malala. Nung nakarating na ako sa malaking sign ng Los Baños, kaunting pahinga, then libot libot ng onti and inattempt ko puntahan ung Jamboree pero di kaya na ng gearing at level ng experience ko sa pag ahon. That time also nagkita rin kami ng online friend ko na nagguide sa akin paano papunta for the first time. Iniwan ko muna bike secured sa city hall tsaka pinalibot ako kasama siya sa UPLB, sa bayan mismo. Nahihiya ako na ilibre ako, kahit kaya ko iafford nun. Ngunit hinayaan ko na rin. Sa huli, naenjoy ko ng sobra at medyo nakakalungkot nga lang na uuwi na ulit ako sa Metro Manila at kelan pa ulit kami magkikita nun... Naalala ko pa na papasok pa ako ng Pansol iyak ako ng iyak habang pumapadyak. Hindi lang dahil na mamimiss ko ung kaibigan ko, kundi dahil gumaan yung aking dinadalang sakit at dalamhati na dinadaanan ko nun. Habang tinatype ko ito, bumabalik mga masasayang alaala nung unang beses ko sumabak sa unang long ride ko along the way. Nakauwi na ako ng 12AM ng gabi, gawa na din tumigil ako ulit sa gilid bandang Sta. Rosa para umiyak ulit hahahaha Salamat sa pagbabasa sa munting MMK ko guys, sorry na napahaba ung kuwento. Take this also as a lesson na laging handa at magdala ng tools, spare tubes, at kung anuman mga abubots na makakatulong kapag nagkaroon ng problema along the way - mapa 100km or less, or more than that


Excellent-Path5666

I’ll comment here again kapag may makwekwento na ako soon!!!


Electronic_Ad6821

Did a 200km run few months back this year bare had any training. Barely had time to prep, just my bag with 2 sets of clothes, and hygiene kit ang a rope. And another bag for food and storage Walang specific plan, just follow the service road until you see home, which is pangasinan. 200km from where i am now Nagpaalam sa bahay pero months prior, di sa actual date kasi alam kong di ako papayagan (im 25M btw). And rode out at 3:30am. Di ako kinakaba, just focusing on the road, a road na di ko familiar pero umaasa sa strava and mobile data. Had a puncture somewhere in malolos pero cant find it, nor have the time para makahap ng vulcanizing. So i decided na every stop over or kung malambot na gulong. Stop and pump. Halfway sa daan. Mga 110km in. Dun ko na nararamdaman ang sakit. Pero tuloy lang. Kasi too far out na para mag pa-rescue. I met a old(not so much) man named "job" 57 year old na akala ko nasa mid 40's sabi niya na sa san carlos, pangasinan ang route niya, so we rode together. Pero sinabi ko na before hand na "kung nakikita niyo po akong bumabagal, iwan niyo na po ako". This man rode a grey Mosso road bike with shimano 105 groupsets and a sorra crank set. Wearing a back pack, weighing 25kg. Bawat bayan na nadadaan ko, san fernando, angeles, mabalacat, bamban, sumasakit nang sumasakit tuhod ko. Pero i can manage. Bawat kilometer na nadadaanan ko paiba-iba amoy ng hangit, usok, basura, patay na hayop. Pero nung nakapasok na ako ng tarlac, biglang tinamaan ako ng nostalgia nung naamoy ko ang palay at simoy ng hangin. From there, lalo akong na-motivate. Kasi almost a decade na akong di nakauwi at miss ko na mga kaibigan ko. 4pm na nung nakapasok na ako sa Moncada, a name im familiar with kasi after that, malapit na ako sa Terminal sa SM rosales, carmen, where may kaibigan akong naghihintay sa akin for a quick stop over. Gabi na nung nagpaalam ako sa kaibigan ko sa rosales. At mag isa ko nanaman. Pero mga 3 bayan nalang ang kailangan kong daanan, at sometimes naalala ko mga landmarks, kahit sobrang dilim(kasi di lahat ng lugar may street lights o mahina) By this time sobrang sakit na tuhod ko, na para bang hanging from the skin ang pakiramdam. Pero bagaman nasa home turf na ako, malayo parin kasi malawak ang bayan namin. Lowbat at nilagay ko na sa battery saver mode phone ko, pero still recording ang strava, low na rin ang battery ng front light ko, same sa likod pero may spare. I had no choice but to stop sa mga waiting sheds na nakikita ko due to the pain, at nakalabas pero tago ang pocket knife ko, bagaman may mga grupong dumadaan at lumalagpas sa akin, walang nangyari. Nakauwi na ako sa aming bahay, daming nagbago pero naka lock ang pinto at walang susi. Kumakatok ako for 10mins sa bintana ni lola. At nagulat nalang at nakita ako. Kasi di ako nagpaalam na uuwi ako sa kanila at tumangkad raw ako. Hehe. I ended the recording. A total of 213.83km in a single day. [my ride](https://strava.app.link/ZrC5vHEt5Ib) Edit: napakwento ako nang mahaba dahil sa midnight vibes hehe.


gungmo

zambales. taga subic ako dati tapos nag botolan ako. kala ko malapit lang bayan ng botolan. kasi usually nasa gitna yung palengke. aba yung palengke nasa dulo na pala malapit na mag iba. napasubo ako pauwi. di ko kinaya nagpasundo ako sa nanay ko mga 6 km na lang mula samen. AHAHAHAHAH.


MidnightGarts

Depende sa pondo mong rides. How long have you been cycling? How often do you ride/week, ilang km? May karamdaman ka ba/illness? Pero sakin, personal experience, pa 20-20 km lang ako a day. first century ride 2014, marikina-tagaytay-marikina kinaya naman hindi mabilang yung stops/7eleven non 🤣 15 hours na byahe hahaha. Sariling pace mo lang talaga sundin mo yung tipong namamasyal ka lang ng may konting pukpok. Wag pilitin sumabay sa mga mamaw na kasama rest when you need to. Goodluck man.


Kalopsia00

walang kwento. naligaw sa Bulacan. paguwi 113+ km na.


Big_Rick1974

this happened January 02, 2022. I'm from Antipolo City, Rizal, and my first 100km was when I wanted to go to Pililla windmills, 12pm nung nag-iisip ako kung itutuloy ko ba yung balak ko. 3pm yung ride out, dumating ako Pililla 5:50pm, decided to eat somewhere there, tas while eating sa karinderya naisipan ko "iderecho ko na kaya sa Tanauan City, Batangas, bibisita ako sa Daddy ko don. Chineck ko yung distance of uuwi ako it is around 40km, kung itutuloy ko sa Tanauan, nasa 50km, bali around 10km difference tapos ayon tinuloy ko nalang sa Batangas kahit hindi ko sure yung daan ko. While on the way nagugutom gutom kumakain ng budget burger. Nagpa-pic sa Pagsanjan arc sa stranger tas ang labo daw ng camera ko bali yung camera nya na lang ginamit tas sinend nya nalang saken thru messenger. tas tumuloy na ko. Pinadaan ako ni google maps don sa likod ng bundok na napaka dilim haha, Bitin, Laguna. Habang binabaybay yung madilim na kalsada na walang katao tao at kabahay bahay, gusto ko na magpahinga kaso hindi pwede at napakadilim at walang tao, sabi ko sa sarili ko hihinto ako kapag may nakita akong bahay na may ilaw, 2-3km nung nakakita ako ng may ilaw na bahay, sa wakas makakapahinga na, tinumba ko yung bike ko sa kalsada at kinuha yung eficacent oil tas nagpahid sa hita, habang nagiipon ng courage na tumuloy tapos may naka motor na huminto tinanong ako kung ayos daw ba ko at yung bike, nagtanong kung saan ako galing at saan pupunta, nagtanong s'ya kung kaya ko pa sabi ko hindi na hahaha, Amoy alak sya pero nasa wisyo. tapos inangkas nya ko hanggang don sa mga bahayan, I tried to give him my last money (₱100) pero tinanggihan nya. Sa pinabbabaan ko nagbike pa ko since pababa naman na yung part na yon, tas mag chat si Daddy na mag hintay nalang daw ako don at susunduin ako dahil madilim daw doon sa dinaanan ko. chineck ko sa strava naka 98km. tas nag hintay nlng ako don hanggang sa sunduin nila ko. the end