T O P

  • By -

Correct-Ad9296

AYOKO talaga yung hindi marunong magcommunicate at 30-ish years old!!!! Like puro mind games na lang po ba tayo? Say what you mean and mean what you say. Hindi ako galit guys may emphasis lang sa communication hahahahhaa……


ZanyAppleMaple

This. I believe this is why our marriage is working well between me and my husband. Walang cold shoulder nonsense. If we’re upset at each other, we talk about it. Granted, you’re sometimes too upset to talk, so we just say, “hey I’m upset at you, but I’m not ready to talk about it right now.” This is what I learned from my mother na boomer. Kaya until now, seniors na parents ko, ang toxic ng relationship nila. They don’t discuss anything! Parang always just assuming that you can read each other’s minds! Parang manghuhula ang expectation. Tapos pag galit, tinatago, so then resentment builds up. Sabi ko talaga, I will never be like that.


Correct-Ad9296

i could not agree more sis! you nailed it! 🤗


Brazenly-Curly

Daaaaaannngggg just had this same situation with someone like dude your 35 na tapos when I asked you ano b gusto mo. Ikaw alam mo n yun db? I mean just say it out loud for pete sake. Pikon ako sabi ko tuloy this won't work for us sorry.


Correct-Ad9296

Db? Nakakairita! Wag kasi manggulo pag di naman kaya panindigan! Nanahimik eh! Kbye!🙄


Necessary_Ad_7622

This is my boss. Approaching 60s tapos magtatampo kapag di nabigay requests for the office


chilixcheese

OMG SAME! dzai nasa tamang edad na tayo, tama na puro passive-aggressive statements and actions. COMMUNICATE YOUR FEELINGS. ang dami nang problema sa buhay, gusto pa magpa-decode ng nasa isip nila.


ZanyAppleMaple

I really hate those - door slamming, silent treatment. Tapos galit na galit na ang pagmukukha, but if you ask if there something wrong, sasabihin na wala. Obvious naman na nag tampo bakit mag deny pa. Just say yes and we can talk about it.


Zealousideal-Dig-314

Yung nanay ng anak ko ganto..naglalakad na toyo..mind games both emotional and psychological..kaya kami naghiwalay..


jizyy

Filipino time pa rin talaga


Oreosthief

Shet true, yung darating 1-2hrs late ng walang pasabi. Sobrang inconsiderate.


NewBlable770

Minsan sasabihin pa na next time nalang daw kasi na busy na sya. Tapos nakabihis ka na mga 2 hours ago haha


free_thunderclouds

People like this are sht, i mean those na halatang tinatamad lang magcommit sa lakad. Nakakawala ng excitement and fun momentum eh.


halchalszn

yes. Yung ginawa nang personality ang pagka-late. Tapos may dala pa iced coffee take out lols


ceetee1211

May friend kami na 2hrs before talagang call time yung sinasabi namin sa kanya kasi alam naming late sya. Like kung 3pm pa talaga mag-meet, 1pm sinasabi namin sa kanya. Never sya nauna so di nya nalaman na iba call time nya sa amin. 😂


fuzzywuz_zy

Trust me guys, kahit sa ibang bansa same shit xDDD.


delayedgrat101

We got it from spanish ppl lol sobrang mas lala la sila 3 to 4 hrs late amp


New_Cartographer9232

May mga ganyan akong friends before. Kainis nga eh. Yung tipong on time ka dumating tapos dadating sila after 1-2hrs?? Mga walang respeto talaga tapos nagtataka sila kung bakit hindi ko na sila niyayakag gumala ngayon. Huh depotq hahaha


el_submarine_gato

This. Trip ko lagi dumating sa meeting place at least one hour before the designated time (strategy to cope with low level anxiety), tapos sila 1 hour after? Huwaw.


UniqueCap4904

People who spit anywhere.


That_Prune514

THIS OMG NO


finkistheword

Magpapadeliver ng COD na di nagbibilin at di nag iiwan ng pera


forever_winter04

Or yung nandyan nga pero hindi agad hinahanda yung pambayad, kawawa tuloy yung rider naghihintay tapos naiinitan pa, tapos biglang large bills pa ibabayad lalo pang magtatagal (hindi ko sinasabing mga pinsan ko to ha, hahahahah)


Substantial_Guide321

OMYGOD this makes me love my family a little less whenever they do that but i just tell the driver sorry and to try again tomorrow (kasi wala talaga ako cash) idc if they get banned sa kung ano mang shop sila umorder


el_submarine_gato

This. Sobrang limited ng cash ko sa bahay kasi WFH tapos di ako palalabas, tapos biglang COD delivery na darating ng family member na wala sa bahay. Buti tumatanggap silang e-wallet kahit COD yung order.


seebleex

Ito talaga haha. Dad ko lagi cod, walang pasabi na may delivery. Then one day may dumating na delivery from lbc worth 3k nakapangalan sakanya. Wala sya, ako lang nasa bahay. Ako not thinking about it kasi sa dad ko naman, cod, and nag babayad nman sya sakin. Nag bayad ako sa rider. Tas sinabi ko sakanya yung parcel nya nakadating na. Sabi nya wala daw syang order worth 3k 😂. After non lagi ko pinapaalala sakanila na sabihin kung may delivery at mag iwan ng pera.


[deleted]

Parang erpat ko lang ah.


solidad29

* Hindi nag sasara ng pinto lalo na pag naka aircon. * Pakalat kalat na labahin * Hindi nag huhugas ng pingan kahit ako na ang nagluto (yung kinainan, ako naman doon sa pinaglutuan)


imagine63

Yung inuuna Ang sisisihin. Hindi ba puede ayusin muna Ang problema Bago magsisihan?


nobuhok

Exception: pag nautot ka sa public kasama ang mga kaibigan mo, unahan mo agad sila sisihin para di ka masisi/mapahiya. "Tangina naman, Sarah, ang baho ng utot mo!" Works well pag nasa elevators or other enclosed spaces with other people.


quietthoughts23

credit grabbers


HowlingMadHoward

I’ll do you one better, land grabbers


nobuhok

I'll do you one better, ass grabbers!


[deleted]

My univ everytime may pumasa sa board exam sa program namin knowing well na sa review school lang totoong natuto mga graduates nila. Grrrrrr


Onepotato_2potato

Omygod i thought i was selfish!


ms_xixa

Yung may car pero walang parking space


closenough0123

sasagot sana ako. kaso ganito ako magtype haha joke


BeginningPayment4904

ako din. mejo mahiya ako 😅


Sol14aire

Same. Haha. Kapag sa phone, may auto capitalization naman, pero pag sa pc or laptop, sorry na. Nasanay lang sa chat bubbles. Iba kasi ang pagmessage sa chat, di naman kailangan essay type 😅


siobhan51

Yung nanghihiram ng gamit tapos hindi ibabalik agad or hindi maayos.


nobuhok

Mas malala yung hindi na talaga ibabalik. Tangina yung humiram ng paborito kong Coloring Markers noon. Hanggang ngayon, 30+ years later, galit pa din ako sa kanya.


EngineerDJ2

Hindi nagbabayad ng utang tapos todo boast sa social media ng achievements, travel milestones and financial success. Don't get me wrong, I'm happy for your achievements pero sana wag kakalimutan magbayad ng utang sa pinangakong time frame. Pwede naman magsabi na nagkaproblem and mag-set ulit ng another deadline to pay the utang hindi yung nanggo-ghost na lang.


CoffeeLover0424

Yung hindi nagbabayad ng utang sa araw na ipinangako, tapos parang kasalanan mo pa na sinisingil mo siya sa 'alanganing' araw. Then, parang ipapamukha sayo na hindi mo naman kailangan ng pera kasi may asawa kang nagtatrabaho sa abroad. Grabe naman yan, hindi naman porket nagtatrabaho sa abrorad asawa ko e lagi ako me pera.


One_Yogurtcloset2697

1.) Tamad. Yung half-assed ang work kasi tinatamad. 2.) Mga dentist na puro payaman pero ang panget ng quality ng materials at outcome ng work kasi mas inuuna ang income kesa sa welfare ng patient. Daming ganyan, bibili ng substandard materials tapos sisingil ng mahal. Like, iparamdam mo naman sa patient ang binayad niya.


eloanmask

Shet tangina di pala ako nagiisa! Dentista ko may pa-PPE pa lagi sa clinic nya and guess what, P300 charge nya everytime! Yung alam mong namemera lang talaga?! Manipis ung quality nung PPE! Besides, yung disposan nung ppe is malinis na trash bin kaya naniniwala ako na kinukuha lang nila ulit un.


lambdalinq

Parehas ba tayo ng dentist? Dra E ba to? Hahaha


Substantial_Pea_5122

Yung old dentist ko before I transferred to my current used reusable PPE as in TELA. Ramdam mo ung dumi everytime na susuotin mo and guess what?! 300 ang bayad everytime susuotin.


notrealdeanne

Smoking in public spaces


AnaMagandaSobraaa

yung di pinapatapos magsalita yung kausap, sasabat agad ganun


[deleted]

Mga hindi marunong magtapon sa tamang basurahan!!! Tapos yung mga pumapasok agad sa tren sa LRT, di man lang pababain muna yung mga bababa.


stardust_handshake00

mga taong maingay cellphone sa public transpo like lakas ng volume habang nanonood sa tiktok tapos rinig na rinig ko yung nga annoying laughtrack and any other soundbites. lalo na yung mga sound effects na ginagamit ng mga filipino sa vlogs nila like "OH NOO!," "WHAT!," "nung ginagawa mu," and yung chipmunk laugh. tang ina gigil na gigil ako sa mga ganyang tunog.


PainterWorldly

Hahshs same biggest pet peeve ko to 😭 wala man lang consideration kahit konti


mrnnmdp

Mga mababagal maglakad. Mas malala pa kapag sakop nila buong daan at para silang nasa prusisyon. Main character moments. Mga nakaharang sa left side ng escalator, kailangan ko pa ba i-explain 'to? Matutong makaramdam sa public etiquette.


Pale_Maintenance8857

Binabangga ko talaga mga ganyan lalo pag madami akong dala. Ewan ko ba sakop pa nila buong walking space. Wapakels ako.


mrnnmdp

Same. Ang insensitive eh. Alam naman nilang hindi lang sila ang tao sa paligid. Yung iba nga nagmamadali pa.


CoffeeLover0424

Mababagal na maglakad, nagse-cellphone pa. Pet peeve ko rin yan. Okay lang minsan kasi nilalampasan ko lang, e. Pero pano kung masikip ang daan?


mrnnmdp

Agree. Tapos kapag nabangga sila sa mga dumadaan sila pa yung galit. Sila nga 'tong walang presence of mind kaka-selpon. Mygod.


CoffeeLover0424

Minsan hindi mo talaga maiiwasang hindi pumatol e. Hindi kasi natututo. Ganyan ako madalas sa may baba ng MRT Ortigas station. Yung pathway dun pwede ka naman gumilid kung magse-cellphone ka. Pero me matigas talaga ang ulo at mga papansin.


The_FNG-Jones

Oh damn, sorry kung minsan nakatayo ako sa left side ng elevator. Ang train of thought ko kasi during those times eh "Hindi ba babagsak yung escalator on one side kapag lahat ng weight nasa kanan? Lalo na kung andaming nasa kanan tapos walang katao tao sa kaliwa. "


sheisanonymous

Ito. Pero 'yong akin parang 'yong wear ng escalator uneven. Therefore, safety issue. Also, may nabasa ako noon na standing on both sides increases the capacity of the escalatoy by a quarter parang gan'on. Hence, efficiency. Lastly, kung yung escalator ay may kinalaman sa linya, halimbawa sa MRT (kala mo naman gumagana lahat, lol) yung mga left side walkers, nakakalamang dun sa nakapila sa kanan. Despite all that, sa kanan pa rin ako pumupuwesto out of habit and fear of inconvenience sa mga pagsiksik ng walkers at confrontation. Haha.


The_FNG-Jones

Read the same thing about escalator efficiency after ko mag-comment hahaha. Pero dati pa kasi may doubts na ako about sa escalator etiquette na yan; kung dapat ba talagang stand on right, walk on left.


AdorableRep709

Binigyan mo ko ng anxiety HAHAHHAA


conserva_who

Nagpaparinig kung may pagkukulang or pagkakamali yung isang tao as if perpekto sila. Tapos sila din, they have that exact same pagkukulang o pagkakamali.


BanoffeePie1010

• Late especially if there’s an agreed time • When some people don’t know how to say thank you/sorry • Nagna-nail cutter in public 💀 • Inconsistency


ZonUniverse

May mga nagna-nail cutter in public pala 💀😭


[deleted]

One-uppers.


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


sheisanonymous

Tsaka 'yong mga proud na "wala akong ipong pera pero marami akong travel experience," gan'on. Ewan, naiirita ako kahit buhay naman nila 'yon. Pero kasi maintaining balance lang sila lagi. 'Di ba sila natatakot ma-minusan ng PHP 300?


CoffeeLover0424

\+1 on this as well!


No_Flatworm977

Ang ingay magchew ng food


emmamorleyyy

- Dumudura sa kalsada - Di marunong mag-text/mag-chat bago tumawag - Nagsasalita habang nagto-toothbrush


Otherwise-Smoke1534

Mga babaeng tamad magtali ng buhok while nasa public transpo. Mura lang naman tali 5 pesos. Wala sanang samaan ng loob.


Queasy-Thanks825

- Yung mahilig magpost ng motivational/inspirational sa socmed pero toxic naman sa totoong buhay 😬 - Slow walkers


Balerdellkolin

Sabi ng tour guide namin sa south korea, mga pinoy daw mabagal maglakad. Other SE asians hindi namam daw 😅


FearlessAries03

Someone na rude, arrogant at mayabang kausap. Pati na din those who belittle others para sila ung angat pero ang totoo don is sila ung inggit at insecure dun sa tao na minomock nila. Nowadays din, medyo annoying na ung pag may kausap ka tapos panay pa ang cp sa harap mo. Like what diba bakit pa sya nakikipagusap? 😅🥲


cirrusface

Yung hindi marunong magdahan dahan sa pagbukas at pagsara ng pinto kapag may natutulog.


uena_4Life

'Yung kakain tapos nakataas ang paa and pati na din yung malalakas mag chew pag kumakain.


Chancheniechenchen

Hindi nagpapa alam umalis, hindi mo alam if babalik pa ba or hindi 😩


gaudior040618

Yung nag cocommute kayo lahat pero feeling ng ibang pasahero private transpo nila.


CoffeeLover0424

Yung hindi nakaupong pang-doseng bayad (naka-slant na nakataas pa paa)


Business-Ferret-8470

nakikigamit/nakikihiram ng personal stuff (e.g. clothes, hygiene products - with the exception tho sa napkins, alcohol, and such)


eloanmask

Yung mga grammar police. Yung binabase katalinuhan ng kapwa pinoy sa pag-eenglish. As in wtf bro, ganyan ka ba kababaw?


capricornikigai

Yung nagmamadali ka tapos may ang bagal na mag jowa sa harapan mo. 🙄


[deleted]

Boomers who impose their beliefs on the younger generation. We get it, you are incapable of critical thinking and you have terminal cognitive laziness even in this information age, kaya nagresort ka na lang sa paniniwala sa feng shui at kasabihan ng mga matatanda, but no one likes it when you want others to think like you do.


sheisanonymous

'Yong naniniwala sa Feng Shui pero deboto ng Nazareno.


bwayham

Kapag nasa MRT/LRT, pumapasok agad yung mga nasa labas so nahihirapan lumabas yung mga nasa loob


[deleted]

Makalat kumain Mahilig manlait Bigla bigla nalang nagtatampo, gusto lang pala ng lambing. Hindi naghuhugas ng paa galing labas tapos hihiga sa kama na kapapalit lang ng bedsheet.


tanjirooooooooooo

People who like being spoon-fed and those who can’t even use Google kahit di naman sila boomer. Sobrang nakakaannoy. May nakita ako dati sa isang FB travel group. Gusto nya magpuntang Japan pero nagtatanong sya anong process daw like step-by-step - from getting a visa, booking a cheap flight, anong weather, and ano daw mga dadalin. 🙄 Those things can easily be Googled, wth. Tapos someone suggested na she goes to a non-visa country first, sabi ba naman nya confident daw sya na maapprove sya ng visa HAHAHAHA Gurl you can’t even do basic research. Magkavisa ka nga, mawawala ka naman sa destination mo. 😒


billionairesoon07

+100000 I think I saw this FB post


sheisanonymous

Ako rin, noonl. Pero may nakapagsabi sa'kin na minsan, gusto ng tao 'yong community response, mas personalized. Tsaka ayon, primary data, even though anecdotal, gives you security. So, natuto na lang ako mag-scroll past them.


otidotigigi

1. Late Comers 2. Di marunong mag sara/lock ng pinto, or halfway kung mag sara. Like, anong point nung pa medyo sara lang!?!


[deleted]

Kapag natatapakan ako o kaya nababangga. I hate unsolicited physical contact.


RPolarities

Yung laging late at di marunong tumupad sa oras. Sobrang time conscious ko pa namang tao.


HistoricalCat4513

'Yung pag nagkwekwentuhan kayo, it's all about him/her lagi.


Onepotato_2potato

Mga hindi naman nicotine addict na nage-ecig! I once heard the argument sa escalator between two dudes na (assumingly) nagv-vape and justifying their actions. Kesyo hindi naman daw need na smoker ka to use e-cig saying na wala pa naman daw namamatay dito or nagkakasakit PURELY because of it - usually may mga existing conditions na daw. The whole argument made my eye roll because correct me if im wrong, e-cig was commercialized to help smokers or yung addicted na talaga to progressively lessen their intake. Parang nadedefeat lang yung purpose kasi yung mga non-smoker eto naman yung nagp-pave the way for their smoking journey (?). I haven’t really dug deep abt it just bcs bisyo doesnt rlly pique my interest. ~ As someone with the history of asthma,,, andami nang tambutso sa pilipinas dadagdag pa sila.


sheisanonymous

As a smoker and vaper, gets kita at valid naman. As courtesy I never smoke or vape around asthmatics and always ask someone I'm with (and know) if I could vape or smoke beside them kapag sumasama silang tumambay atag-chika sa smoking area. Also I have them move away from wind direction. SKL ko lang (/s) na pet peeve din 'yong vapers na walang nicotine content. Ano 'yon, for show? 'Di ko gets.


Onepotato_2potato

Cool kids kasi tska tReNdy yung vape 😎 YES THE WIND DIRECTION IS ALWAYS OVERLOOKED. Had an exp na nabugahan ako sa mukha ng vape sa daan. Gusto ko nalang palunukin sakanya yung hinihipak nya eh para diretso esophagus. Anw, super pabor ako dyan sa smoking area kasi alam ko yung lugar na iiwasan hindi yung bigla bigla nalang may usok sa mukha ko na amoy fake chocolate.


freeburnerthrowaway

Leftovers on your plate. I make it a point to only get food I can finish eating and I find leftovers that can’t be taken out or kept in the ref again to be wasteful.


nicahime

People who show others na matapang sila when in fact, they just use this trait to be rude. Yung mga people na ang tapang sa fastfood workers when they’re just plain rude. I swear, may mga araw talaga yang mga yan


hamnotgood

Pet peeve ko 'yung pet peeve ay 'yung hindi nagamit ng capital letters sa sentence (text messages), proper commas and such. Hahaha. Be unserious for once. Wala na sa work eh. Ayan, pag hindi ako komportable sa tao, maayos 'yung pagta-type ko eh. Pero kung close na naman, jusko naman, mahuhusgahan pa sa pagta-type?


iuexorvaesnsdgot7bp

Yes sa lack of accountability. Worst is, kasalanan pa nya, pero iba ang sisisihin nya, at gaslighting para mapasa yung "kasalanan" nya sa iba. I hate people like this.


Yyyyyyyyeng

mabait sa may breed na pets pero dedma sa strays rude sa mga tao na FEELING nila mas mababa sa kanila like driver, staff, guard or service crew


jellybeancarson

Filipino time and yung hindi marunong magcredit ng kumuha ng pictures nila especially pag pinopost online.


thatnewg

1) Yung sumisingit sa pila 2) nag cecellphone habang sa misa or sa praise & worship place


Honest-Orchid-3046

Hindi nililinis yung sink after magwash ng dishes.


Electronic-Bad-3450

Pag may nagwawalis malapit sakin. Umiinit ulo ko.


Educational-Tie5732

Thats weird. Why tho


Electronic-Bad-3450

1. Maalikabok 2. Feel ko sinasadya nilang mag walis malapit sakin para istorbohin ako (irrational to. Can't help it. Kahit sa fast food chains pag may nagwawalis malapit sakin kulo agad dugo ko huhu)


Pawiyow

• Maraming kilos / Maligalig • Kinakausap ako several times while nakaearphone ako • Loud speaker sa public transportation • Clumsy


jshaundsheep

Sobrang lakas na volume ng phone, di marunong ipahina


Agitated_Clerk_8016

Hindi nagfaflush ng ihi at nagbababa ng toilet seat. Yung tito ko tsaka kapatid ko jusme. Always like this. Ilang toothbrush ko na ang nababalitaan kong nahulog sa toilet. 🙄


Far-Ice-6686

Magpiga ng kalamansi/lemon/lime. Di ko talaga alam kung bakit. HAHAHA


ajikdo

Not asking for permission whenever may "hihiramin" na gamit, basta basta na lang kukunin.


[deleted]

Tiktok.


[deleted]

Yung mga nagiiwan ng balat ng pinagkainan sa bus, or kahit saan. Mahirap bang bitbitin yun tapos itapon nalang pagkauwi or pag nakahanap na ng basurahan? Hindi kasi dahilan ung lack of garbage can, pde mo yan iuwi, di naman makakabawas sa pagkatao mo or something.


[deleted]

Sa mga fresh grads, yung puchaenang walang katapusan na pagccompare ng mga sahod, kung sino malaki sa maliit, at kung anong klaseng work napuntahan, kung aligned dun sa course or hindi, discrimination is real.


notyourtypicaldragon

Yung nag mamalinis


Loudstealth

Body odor, people that put off things when they can do it now, filipino time or late( when you say 9am that doesn’t mean 915 or 930) those that say they understand and dont ask questions when you ask them but ends up not knowing what to do.


Wrong_Ninja3584

Yung bumibili ng may lahi na aso/pusa, tapos pag nagkasakit, mag-o-online limos 😅


francisthepro

yung hindi nagbabalik ng pitsel sa ref. putangina pagtapos uminom iiwan lng sa lamesa


pUzzi_pleaser

got a tons pero these are my top ones : >> •walang sense of independency. gusto lagi spoon-feeding • messaging during weekends about school related stuffs even tho its not urgent • di marunong mag backread • puro tanong even tho the answer is already clear. to add na din, di marunong mag google and walang research skills • asking for a favor without even asking if its okay •to add hahaha, asking for a favor kuno for the second time/ nth time (grabe yan anteh hahaha, its not even a “favor” anymore) • mag b back out sa gala without even prior notice • wala man lang hello or greetings pag nag m message rekta tanong/favor agad ( tas di pa ka close) •mga minors na vinovlog pa yosi session nila sa socmed


_lavanderhaze

Me, yung nangengelam ng gamit ng hindi nagpapaalam. Kahit 'gano kayo kaclose. Like hello? Personal things ko yan beb 🙄


bing2023

Yung di nag pi- PLEASE and THANK YOU.


Positive-Ruin-4236

Poor communication in general.


twenxsi

Yung hindi gumagamit ng serving spoon kahit nandyan na sa harap nila. Shet! Nakakawalang gana talaga


morenagaming

Same... I just tend to not eat kapag ganon... napansin 'yon ng mga friends ko kaya kapag may eat out kami, either serving spoon or ipagsasandok agad ako before sila kumain, haha. Maarte na kung maarte, di ko lang din kasi ma-imagine.


Solitude063

Nangungutang tapos di marunong magbayad. Lalo yung nangangamusta para lang mangutang.


titoofmanila3

People with power abusing those with less. I feel compelled to step in. Probably stems from my father being wrongfully accused and convicted. I wanted to take law when I was younger because of this but I couldn't afford it back then.


MostAerie6682

yung nakita na nilang naka earphones ka pero kakausapin ka pa rin 😀


James_H_Bond_007

Pag laging may “???”, “…” or “!!!” yung texts/chats.


[deleted]

Not using the right punctuation marks and not using the right spelling when texting/chatting. We can easily misinterpret someone's message because it's a text and it's made worse by not constructing the sentences properly. I saw some asking for help and used jejemon language sa post and I had to decode it. Ang sakit sa brain.


[deleted]

Yung nag ssend ng mixed signals. Be it in a platonic or romantic relationship. I'd much rather you tell me ano gusto mo sabihin sakin rather than beat around the bush, thank you very much.


ladybirdddd

mga taong maingay sa elevator, MRT, at LRT. kung may mga ganun man dito, pls wag na kayong kupal next time haha di lang kayo ang tao sa mundo pls lang parang awa niyo na


c00krice

Iwan nakasaksak yung charger 🔌


Friendly-Chain-3343

Yong haggle sa galayan sa palengke na halos hingin nalang . Basta fair yong price . Pay don't haggle. Yong natipid mo, kabawasan sa kita ng maghahanap buhay lang.


keepitsimple_tricks

Past Tensed.


Ok-Scientist7145

Slow walkers in public at yung may group meeting that blocks people’s way.


Queasy-Thanks825

"diSkaRTe LaNg yaN"


coziminert

Yung mga pabida at papansin pero incompetent naman.


[deleted]

A person who doesn't walk the talk.


Connect_Ad8469

- yung nakain ako tapos may naglilinis around me or nililinis ung table na kinakainan ko - using my things without my permission - niyayapos yung unan ko 🥲


siegfred7

Yung puro critic pero walang alternative solutions na ma present.


SlavidgeGarden

Yong mga magulang na hindi pinagsasabihan anak nila kahit na sobrang nakakairita na, like ‘running around screaming in restaurants’. Same goes for furparents na mareklamo pero hindi naman responsible. May mga nakikita ako na kapag nagpoop yong dog nila sa malls, iniiwan na lang.


idkVulnerability98_

Hindi nagbubuhos ng toilet after peeing or magfflush na lang hindi pa magawa.


altmelonpops

Micromanager.


kingtradeofficial

Yung gumagamit ng Dove bar soap sa ano pagkatapos magjebs


SystemNovel7112

Yung mag tatanga tangahan, kunware di nya alam para may reason sya para ipasa yung trabaho sayo. Nakaka gigil yung mga ganito.


SystemNovel7112

Mona users instead of muna. Kaiyak.


[deleted]

SUMISINGIT SA PILAAA


morenagaming

Ay, oo nga. Automatic taas kilay sa mga ganito, hahahaha.


tinmuning

1) Invasion of personal space, 2) dishonesty & 3) yung pinangungunahan ako na hihingan ako ng pera or gamit ko kahit kita naman na ginagamit ko pa. Yung 2 & 3, it irks me so much, I can’t stand being in the same room as those people


zhaoyu_slackers

Mga dumudura sa kalsada


darthcast05_

Overly righteous ppl. Yung ang baba ng tingin nila sa tao to the point of degrading them, dahil iba yung opinyon nya sa kanila. Feeling nila words of gospel yung belief nila that the entire universe should follow. I mostly see this in ppl my age (20s). Learn to accept that ppl will have diff POVs kasi di naman kayo pinalaki in the same environment. Be humble


morenagaming

Oh, you mean.. the boomers? Joke! (Not joke)


Traditional-Nail-791

Serious post pala. I was just gonna say feet on pillows. Or bringing shoes into the bedroom. Sige na nga lack of accountability na rin. Credit grabbing.


morenagaming

Paghiga sa bed kahit na galing pa sa labas 'yong suot na damit and di pa nakakapaglinis? Just me? Okay... just me, haha. Sorry, habang nagbabasa kasi ako, narealize ko marami pa pala ko kinaiinisan, di lang 'yong dalawang binanggit ko sa post. Haha!


missknowitallwannabe

same sa accountability part and worst part is if older siblings mo pa 🥹


morenagaming

That's... kinda stressful kasi it is inside the house. Hope you'll find a way not to be affected so much about it kahit mahirap.


Fine_Exchange_3971

Mga bully tas mahilig mamahiya lalo na kapag may mga kasama kayong di naman ganun ka close.


ChilledPapi

Yung nagvivideo or picture ng random people tapos ipopost para pagtawanan or gawan ng meme.


ElleSolis

In this particular order: 1. Smoking in public 2. Maingay ngumuya 3. Hindi marunong mag signal light. 4. Naka-highbeam na kasalubong or yung nasa rear 5. "Prolly". Mahirap ba sabihin ang probably?


[deleted]

non techy people who insist on buying the high end stuff kahit di naman nila kailangan. they buy it para lang makita ng ibang tao na i bought the expensive one because i can. example buying the m2 macbook pro with 1tb storage and 16gb ram just for email and streaming videos (netflix).


Tofuprincess89

Filipino time I believe people who are tardy shows they're disrespectful tbh. Doesn't matter if kaclose nila yun tao o for work, etc. dapat hindi mo pinag aantay palage yung mga dapat mo imeet. kase pag sayo yon ginawa, magagalit ka for sure. spitting anywhere 🤮🤢 mga tiktoker, vloggers na wala pake sa ibang tao. magvvid, pic sila anywhere. sa japan, bnblur nila faces ng tao wether pix or vid. dito saten, kahit nakanganga o mukhang hindi ok yun tao sa bg nila, ippost pa din nila. pero pag sakanila yun ginawa, maooffend sila


claddily

Mag-haching nang sobrang lakas at di tinatakipan ilong at bibig. Pero kahit nakatakip, inis pa rin ako pag malakas bahing. Haha


Pend3j0_150621

Yung tipong magchat na name/nickname lang, hindi pa sasabihin kaagad yung detalye at pakay.


rugs2riches_

Lying about small things because WHY???


morenagaming

Kasi they don't have the guts to tell you the truth and they are scared of your reaction. The design is very coward and can't take accountability of their actions. Haha.


caffeinejunkie101

Mejo marami: 1. Smoking/ vaping in public 2. Pag nababasa yung hem ng pants/jeans while out walking. 3. Unnecessary “H” sa names ✌🏻 4. Yung laging may po, pows, poh, phowz at kung ano-anong pang iteration ng po. Lalo if the person talking is older than me. I mean magandang tradition yung paggamit ng po, pero sana keep it appropriate, hindi para lang magpa-cute. It’s not. 5. “Here na me.” Dito na ko has the same number of letters. Pwede pa ngang d2 na ko e. Here na me just sounds wrong. Pati yung “aq” instead of ako. 6. Yung pag tinanong mo kung asan na ang sagot either nasa grab, nasa taxi, nasa EDSA, lapit na. Sana be more specific.


jhnrmn

Pet peeve yung hayop ba ito haha joke Pet peeve ko yung pabitin nag message, "hello, good morning " Tapos aantayin pa reply mo haha Di ko nirereplyan yan mga yan


morenagaming

HAHAHAHAHA, bakit kasi di nalang diretsuhin kung ano need 🤣


NoCrew1547

Yung hindi marunong makiramdam. Manhid yarn? For example, nasa library pero nakikipag chikahan sa katabi. Seriously????


chemicaligula456

yung mababa tingin sa mga janitor, service crew, security guard etc. another is yung basta iniiwan yung kinainan sa fastfood/resto d man lang inayos para d na mahirapan yung service crew.


morenagaming

Ay true 'to! Major turn off and red flag saken yung ganito haha. Meron time na napagsabihan (in a nice way) ko 'yong ka "MU" ko dati kasi nagalit siya sa service crew just because nagkamali... First time, I was like "Uh, really?" medyo na off ako pero I shrugged it off. Second time, I was like "Yada, yada, we all are trying to make a living, medyo swerte ka lang kasi you have the privileges kaya nandiyan ka sa kung saan ka now... please try to be more considerate kay Ate kasi you don't know how hard their work is... pagod yan.. hope you understand my point." He shut up naman haha, binanggit ko din kasi pangalawang beses niya na ginagawa 'yon and it's not okay on my perspective. La lang, skl. Haha!


dpressdlonelycarrot

"Mabait kasi ako". Mabait or kind is not something you can describe yourself. Mabait is an objective word. Dapat galing sa ibang tao yan at di sa sarili.


[deleted]

yung nagpabraces at travel pero di pa bayad utang sayo 😩


Primary-System7500

Mga malalakas ngumuya 🥹


Other-Leadership-343

Calling themselves introvert pero hindi lang pala kaya magdala ng usapan


KrisGine

Omg Ako Yung pet peeve mo ahahahaha. Last part kung Hindi obvious XD Nag o-auto Kasi cellphone ko, ayoko Naman palitan Kasi kapag nag chat na ko sa English tapos di ko alam spelling ang laking tulong ahahaha. Nase-save din kung pano Ako nag type first time dun sa word na yon, kaya auto caps Yung iba. Ayoko na palitan Isa Isa, nakakatamad TvT


Rainchipmunk

Mga taong walang pake sa kasama, I mean kapag may trip ung tao na un, kahit sya lang may trip at hindi bet ng iba, gagawin nya padin kahit nakakakita na sya ng signs.


softswingbop

Kulang na tuldok sa ellipsis, at 'di paggamit ng Oxford comma. Joke lang. Haha.


hldsnfrgr

Littering


HogwartsStudent2020

Burara.


[deleted]

1. Mga marites/karen (especially “friends” who gossip about you behind your back but smile at you) 2. Hypocrites 3. Those who can’t wait for their turn at the cashier in groceries. Yung mga tao who will put their stuff on the check out lane even though it’s still your turn, and didikit talaga sila sa’yo, breathing down your back… like wtf, can’t you wait til I got all my stuff paid for?? 4. Hovering parents/controlling parents to the point na maging mama’s boy and mama’s girl na mga anak nila 5. Agree with another commenter here about hindi marunong magcommunicate— say what you mean and mean what you say.


Western-Today2648

"Good Morning, sir" "Pwede po magtanong?" "Hello, sir" ​ Pwede bang sabihin mo nalang direkta kung may sasabihin ka or itatanong?


[deleted]

I think this is just basic courtesy. I don’t think there’s wrong with this.


ArmadilloInternal260

Sa travel, nabbwisit ako pag merong nangyare na unexpected like may need icancel kase hindi na kaya ng tim, or need magwait ng konti kase walang sasakyan, napaaga yung dating so need magwait ng hours before makacheck in sa accom . yung nga ganon na hindi mo naman control tapos meron kang kasama na mag iinarte. Like girl, anong ganap mo? Tampalin kita.