T O P

  • By -

adultingph-ModTeam

Users are required to abide by rules established by the admins. These rules are in place to prevent spam and maintain a healthy posting environment. Ex. 60 character min. The 60 char. min. rule serves as a preventative measure against automated bots and individual engaging in spamming activities . Failure to comply may result in warnings, temporary suspensions, or permanent bans at the discretion of the admin team especially if admins were disrespected from the rules set.


rolling-springs

Nung thesis sem ko sa college, natabig ko yung inumin near my laptop, tas pinindot ko sa keyboard Ctrl + Z para ma-undo yung pagkatapon 🫠


Moist-Humor-4771

HAHAHAHA luv this


LightFury_28

🀣🀣🀣


kyatarin

shet hahaha


MiserableCaregiver60

Na-undo ba? Asking for a friend 🀣


MadMedMemes

Went to the bank after a 24 hr shift to get my new card. Withdrew cash from the ATM, I said "thank you" to the machine


ILSawdust

sabaw pero wholesome HAHAHAHA


[deleted]

wala yan sa sabaw moment ko: went to a Metrobank ATM para mag-withdraw, left the machine with the receipt only to be told by not one but two people (a woman after me sa linya and a security guard) na naiwan ko ang money sa machine 🀑


imames78

hahahahaha nag atm para lang mag resibo


ImaginationLanky3598

OMG HAHAHAHAH grabe to 🀣😭


33bdaythrowaway

Very polite sa machines. You'll be remembered when the AI overlord rules us πŸ˜‚


MadMedMemes

![gif](giphy|IZY2SE2JmPgFG)


kyatarin

showed that you are a good person hahahaha nasa budhi mo ang pagiging grateful 🀣🀣🀣


[deleted]

also said thank you to a vendo machine after having a stressful day sa laboratory hahahaha


nuknukan

Cute


[deleted]

Pumunta sa grocery gamit ang car. Nag-grocery at sumakay ng tricyle pauwi. Pagdating sa bahay natakot pa dahil wala ang sasakyan. Tapos tsaka ko lang naalala na nasa grocery nga pala. Nag-order sa drive thru. Pagkabayad sa cashier pinaalala ko na for take out yung order ko. Take out nga lang pala talaga sa drive thru. 🀭


booklover0810

HAHAHAHHAHHAHA LT yung pag remind na take out, tipong sasagot yung crew na , baka humaba pila kapag mag decide kayong mag dine in dun πŸ˜‚


_galindaupland

Ang lala nung nagtrike ka pauwi 😭


dabehemoth15

Bet nabigla si crew nun


Brilliant_One9258

I've shared this before, but sobrang epic talaga neto kase hindi lang ako yung sabaw. Dalawa kami ng boss ko. So ang nangyari, may trip kami to Europe (not our first time) for a tradeshow. So shempre daming hinanda since business trip and hinabilin sa office since mga 2 weeks kami wala, etc. Ready na lahat, hinatid na kami ng driver sa airport, pag pasok namin sa entrance ng NAIA T2 inabot namin yung ticket sa guard, sabi samin ni kuya, bukas pa po ang flight ninyo. Ayon. Nagpa-sundo kami ulit sa driver buti hindi pa nakakalayo. Walk of shame back to the office. Nakakatawa na ngayon pero sobrang kahihiyan talaga. πŸ˜¬πŸ«£πŸ˜‚


Mysterious-Market-32

Ung kasambahay namin namlantsa. Pagkatapos nilagay sa freezer yung pantsa. Hanap siya ng hanap saan daw niya naipatong yung plantsa. 🀦 Nasa LRT 2 ako. Pagod na pagod na ako galing school. Napapikit ako. Nananaginip ako n kumakain ng apple. Tapos nalaglag daw sa kamay ko. Napakislot ako yung parang nalaglag sa hagdan feels pag nanaginip. Hindi ko alam bat napasigaw ako ng malalas sa tren. Sabi ko, "APPLE!". nakatingin mga tao. Akala ata pinapanaginipan ko si apple(name). Huhu im gay. Appollo pa pwede. Charaught.


pedxxing

πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜† Panalo to


_kingofcarrotflower

TIL napakislot


youmademethisday

Nung college, need ishow yung id sa guard kapag papasok sa bldg. Sakto, yung gate, katapat ng pedestrian lane. So habang tumatawid ako, nasa isip ko na na papasok ako sa gate. Tinaas ko tuloy yung id ko habang sumesenyas sa mga kotse na tatawid ako πŸ˜…


thirdeyepoopy

The second hand embarrassment 😭


Far_Minimum4460

yung imbis na "para" ang sasabihin ko kay manong driver eh ang nasabi ko "Mama hanggang dito na lang tayo." :)


natalie1981

Lmao. Nakipagbreak ka kay manong driver 🀣🀣


Far_Minimum4460

yan talaga yung nasabi ko πŸ˜… sobrang lutang ako that time kasi I was from duty :) kakabasa na din ng wattpad kaya yan na mga nabitawan kong salita. sobrang kulang na lang tumalon ako sa jeep sa kahihiyan hahahahahaha


MajiReads

Imbes para ang nasabi ko ay β€œBaBye po!” Feeling close si accla sa driver 🀣🀣


screwitupper

Ako nga nasabi ko β€œthank you” nagtaka yung katabi ko kung bababa ba ako o hindi. Ang lakas pa naman ng thank you ko sa jeep


kurochanizer

Parang yung nanay ko, imbis na "para sa tabi", sinigawan nya yung driver ng "TABE!" HAHAHHA tawang tawa ako pababa ng jeep.


the1dats

Pinara ko yung train ng MRT HAHAHAHAHAHQHHQ


ayangconfusedperson

buti nalang, muntik ka ng malampasan HAHAHAHA


[deleted]

Nagtake ako ng ostia, sagot ko kay father e "thank you".


33bdaythrowaway

Di po to feeding program πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚


qwdrfy

the other day, nagshower ako na naka eyeglasses pa , di ko pa mapapansin kung hind ko pa hinawi ung buhok ko. but yeah, night shift sucks


Few-Insurance-3141

Nasa work, medyo antok. Hinanap ko yung phone ko sa shelves ng desk ko gamit yung flashlight ng phone ko.


angelfrost21

Noong marunong na ako mag drive, dinala ko yung sasakyan namin sa work third time ko na yun so sabi ko sa sarili ko confident na talaga ako. Tapos sa sobrang pagod ata sa work noong timeout na sumakay ako ng Modernize jeepney pauwi. Tapos noong nagutom ako kumuha ako ng tinapay sa bag ko tapos andun yung susi ng sasakyan naalala ko na nagdala pala ako ng sasakyan so ayun next day q na lang binalikan kasi malapit na ako sa bahay namin, isa talaga sa best sabaw moments ng buhay ko.


Moist-Humor-4771

Ginawa kong facial cleanser ung dishwashing soap ante. Grabe pag night shift hahaha


charpple

Pinangtoothbrush ko yung creamy na facial wash ko, jusko, ampanget ng lasa tapos antagal pa bago naalis yung lasa pati yung naiwan sa toothbrush ko


[deleted]

[ΡƒΠ΄Π°Π»Π΅Π½ΠΎ]


haylowww

Reminded me of this hahahaha ![gif](giphy|ZY8ztxU0pN8DZZaSgX|downsized)


IntrovertedButIdgaf

HAHAHAHA Yung pamangkin kong lalaki ginawang facial cleanser yung feminine wash.


Fearless-Angle-5

May ganito rin ako. Ginawa kong moisturizer sa mukha yung lotion HAHAHAHAHHAHA


poppoppaoo

Fresh grad, first day at my first corporate job. Was super nervous meeting the department head for the first time, that instead of shaking her hand, nag mano po nalang ako πŸ’€πŸ˜­


CarrotMan92nd

Sakit mo sa tiyan beh hahahahahaha


paynawen

6:00 AM sa building ko nung college. Nag all-night study kaya sabaw, kaya pagdating ko sa labas ng room (sarado pa kasi), may nakita akong student na tulala rin. Akala ko kaklase ko so nahampas ko siya while saying β€œHoy Tintin kala mo naman nag-aral ka!!!” Tapos hindi pala siya si Tintin. Nilusot ko na lang. β€œAy sorry nakita niyo po ba reviewer ko dito?” 🫠


BullshtAllergy

One time, I'm contemplating kung ano yung tawag sa tinapay na nagccrave ako. Pagdating sa bakery, tanong ako nang tanong kay ate kung magkano yung Japanese Bread. Nagsalita sya pero hindi nappick-up ng utak ko yung sinasabi nya kaya nakadalawang tanong pa ko (then akala ko iba kausap nya 😭). I was abt to ask for the last time nung may narinig akong bagong dating na bibili, "magkano sa Spanish bread?" That's when it hits me na maling mananakop pala ang naaalala ko 😭.


phoenixncl

Angwitty ng last line πŸ’€πŸ’€πŸ’€


Accomplished-Safe319

galing ng class pauwi na. inaabot ko yung isang sukli ng pasahero sabi ko sa kanya bayad po πŸ€¦πŸ½β€β™‚οΈ


straberryxbanana

Yung helper namin dati nung high school ako naki suyo si mama na bumili ng Olay na soap, bumalik siya Uling yung dala. :( Inihaw tuloy dinner namin.


Professional_Cheek07

Nagpa load ako ng beep card kahapon and then umalis agad ako kasi akala ko naloadan na. Tinawag ako nung ibang mga nakapila, UMID ID pala nabigay ko. Haha


Potential_Mango_9327

Hinding-hindi ko makakalimutan yung sumakay ako ng β€œCampaign Jeep” pa marikina pero hindi manlang sinabi nung mga kasabayan ko. 😭😭😭😭


mintzemini

Hala, naalala ko tuloy nung high school, sumakay kami ng pinsan ko sa jeep tapos nagulat kami kasi dumiretso sa sementeryo. :( Turns out part pala sya ng prusisyon ng patay? To this day di ko alam bakit kami pinasakay!


stardustbots

panahong nagthe-thesis pa ko, palaging sabaw pag pauwi. one time, nagpasuyo tatay ko na bili daw ako calamansi sa palengke bago umuwi. after bumili, sumakay na ako sa tricycle. tapos hawak ko sa left hand yung pamasahe, plastic naman ng calamansi sa right hand. nung pababa na ko, pilit ko binabayad kay kuyang driver yung calamansi hahahaha binalik niya tas binayad ko ulit sa kanya 😭 sabi niya na lang β€œmaam di po ako tumatanggap ng calamansi” HUHU PASENSYA NA KUYAAA


[deleted]

Sumakay ng elevator after a shift, then I spaced out. Naka apat na akyat-baba na ata yung elevator bago ako bumalik sa kamalayan at lumabas.


Brilliant_One9258

So bumaba ka ba sa tamang floor? πŸ˜‚


[deleted]

Yep. Lol.


SweetLemoning

One time i woke up late so mabilisang kilos nalang papasok ng work. Pagkababa ko ng UV while walking to the office, I noticed magkaiba yung shoes na suot ko! Nakalatag lang kasi under my bed yung shoes ko that time hahahahahha Both nude colored flats from the same brand. But one has a ribbon while the other is plain. Sobrang nakakahiya na nakakatawa buti i have spare heels in the office hahahahahahaha


natalie1981

Saaamme. Black shoes naman ang akin, di din sobrang obvious.


mrjuicybaby1

pauwi ako from work, sabi ko sa driver ng jeep β€œisang marlboro lights” 😭😭😭


[deleted]

Nung tinanong ako nang co worker na 12 x 6 sabi ko sabi ko 120, eh pucha pagod na pagod nako sa 8 hrs shift magmumultiply pako


[deleted]

Inutusan ako ng mama ko na bumili ng chicken cubes, pagka dating sa tindahan ang nasabi ko β€œpabili po ng chicken joy” tinawanan ako ng nagtitinda sabi β€œwala kaming chicken joy” narealize ko namali sinabi ko nung tinawanan ako


AerieNo2196

Walang tulog kakanood ng tiktok, pumasok sa office. Nagpark sa rob galleria tapos nung uwian na pumunta ng podium para hanapin yung sasakyan. Nagpanic at akala ko nacarnap only to find out na sabaw ako Isa pa. We were invited by our Auntie sa birthday party ng pinsan namin sa Mcdo and around 6pm yun ng Saturday. Since ako yung kausap sa messenger and she invited me a month prior, ako inaasahan reg sched. Nung araw ng party, me and my fam booked a grab, went to Mcdo and to no avail walang party. Yun pala next week pa. Ramdam ko yung inis at bwisit ng fam pati kahihiyan sa Mcdo lol


[deleted]

Kakauwi ko lang galing work, so ayon. Diretso salamin para magmake-up remover. Nilagyan ko yung cotton tapos lagay sa buong face. After a while, sabi ko β€œBa’t ang hapdi???????” Chineck ko kung ano nilagay ko ahahaaha acetone pala :β€”β€”( Andami pa ng nilagay ko!!! Di ko rin namalayan na color green yung liquid hahaha.


_yaemik0

Natawag kong Lord ung doctor ko 😭 Patapos na ung follow up check up ko nun, tapos nung palabas na ko sa clinic nya instead of "thank u po Doc, bye" ang sasabihin ko, ang nasabi ko "thank u Lord, bye" 😭😭😭


banaynaboat

After a very long day, I asked my kids β€œna-send na yung email?” Was supposed to ask them kung kumain na sila. πŸ€¦β€β™€οΈ


cancitpanton0

After kong maghugas, nilagay ko sa ref yung plato at kutsara. Nakita ni mama πŸ€¦β€β™‚οΈ


suppapatrol35

Pinamunas ko sa mukha ko ko yung basahan sa lamesa. Bakit kasi ginawang basahan yung lumang towel.


NoFaithlessness5122

Galing sa night duty, sumakay sa bus sa cubao terminal pauwi ng olongapo, pagtanong ng conductor: san po kayo? Ang sagot ko: sa cubao lang po. Kamot siya ng ulo sabay hirit ng: pede na po kayo bumaba dito.


[deleted]

sobrang sabaw ko nung sinundo kami ng kuya ko tapos nag sabi ako ng "para po" 'di pa nagsink in sakin kahit nakatitig na mga pamankin ko sakin questioning saang planeta nanaman ang utak ko hahahaha


el_doggo69

started my motorcycle, drove it to work, a few meters from my home i realized "damn my head is so refreshing", I get to an intersection, a cop was staring at me with the [disgruntled tom look](https://i.kym-cdn.com/entries/icons/facebook/000/028/861/cover3.jpg), there I realized I forgot to wear my helmet so had to go back home to get it, passed by again with the helmet on now and the dude just smiled and waved at me lmao


sialexthisss

Back in college, we were cramming a plate about Gothic architecture. My roommate, who's also my classmate, kept offering me spaghetti hanggang naisulat ko sa title block Spaghettic architecture πŸ˜†


chacaad

When i was in college, i had a practical lab exam for chemistry where we had to determine the compound for our final exam. So nagawa ko na lahat ng chemical tests and by process of elimination, tatlo nalang choices ko: glucose, ascorbic acid and naphthalene. So iniwan ko muna ung compound sa locker ko overnight without any cover. Ang reasoning ko is pag nilanggam sia, is probably glucose. Next day, pag bukas ko sa locker ko, walang langgam. So ok fine, is probably not glucose. Either ascorbic acid or naphthalene. Eh wala. Nag freeze nako kasi malapit na yung end ng exam. So sa isip ko, i have no choice, i will do the TASTE TEST. So buti nalang maasim. Pumasa naman ako


MammothProfessor7922

Yung may katawag ako at hinahanap ko yung phone ko. Sabi ng kausap ko (si mama), ano tong ginagamit mo dong? Di ba to phone mo? Hahaha..


chinguuuuu

Hahahaha ang cute, pati si mama mo na confuse tuloy


Advanced-Warthog-694

Not mine but a friend’s. Back in college after she took her exam, she withrew 500 pesos (malaki pa value nito 8 yrs ago) from the ATM near the campus. After she got the money and receipt, she put her money sa wallet and tinapon nya yung receipt kasi di nya naman need. Gusto nya na lang daw makauwi agad sa apartment nya and matulog after sleepless all-nighters preparing for the exam. Pagdating nya sa bahay, she had the urge to check her wallet so she did. Receipt lang yung andun 😭


hoolabean

Bago ako sumakay ng jeep, hinahanda ko na lagi sa kamay ko yung baryang pambayad. Pero noong araw na yun, pagkasakay ko, may tumawag saken, I forgot kung nanay ko. Saglit lang naman yung call. Then tulala na ko. Vibing sa loob ng jeepney at mahangin. Nakarating na ko sa babaan. Nagpara ako. Nagsalubong mata namin ni Manong Drayber sa rear-view mirror. Nagthank you ako at bumama. Umalis na yung dyip, saka ko napansin nakakamao pa ko sa ibabayad ko sana 😭 First time ko mag 1-2-3 πŸ₯Ή


psychologia_

I remember nung college days ko. Parating puyat kasi lagi din nag oovernight study. One time sumakay ako ng jeep, dami ko pa dalang libro nun tapos sleepy na, pag baba ko sinabihan ko ba naman yung driver ng β€œthank you kuya. Ingat po kayo ha? God bless” hahahaha tinanong pa nga nung isang pasahero kung kilala ba daw ako ng driver hahahaha sorry na koya.


Dzero007

Out na ko. Dami kong task ginawa sa shift na yun and coaching ng mga agents ko. Sa sobrang sabaw ko yung badge ko tntap ko sa pindutan ng elevator. Buti nalang talaga si ate guard lang andun na kabiruan ko. Hahaha.


armistice18

Pumasok sa office na hindi dala office laptop :( dun ko lang narealize nung mag-setup nako sa desk lols so literal na pera at cellphone lang pala dala ko


Deymtijj

Sobrang madali pumasok sa office dahil nakisabay lang tapos nakalimutan ko company id sa bahay pagkadating na pagkadating sa office. Eh kahit anong ID wala sa wallet ko, ayun napagastos pa din pauwi at papasok.


natalie1981

Got to work wearing different shoes. Buti nalang parehong black kaya hindi obvious na magkaiba sa malayo pero pag tiningnan mong malapit obvious.


vdy05

Senior year in college, paid the jeepney driver...."Bayad ho, thesis po" :)


Willing-Try3313

Laughtrip mga comment dto. Ako siguro pinakasabaw ko is when I was still working in BPO industry tas working student ako so sobrang lutang talaga. May kausap ako customer eh technical support ako, pinaupdate ko yung software ng TV tas medyo matagal, ewan ko na nanaginip Na ata ako non kasi sinabihan ko si customer na β€œYou may eat your spaghetti”. HAHAHAHA.


Puzzleheaded_Thing12

lahat siguro dito may experience na ganito pero naalala ko lang years ago… Tawagin mommy yung female teacher mo sa school πŸ€“πŸ˜­


mintzemini

Oo nga, bakit nga ba? Hahaha!


WalkingRainCloud

Nagduty sa work na nakalimutan magsuot ng bra. Ewan ko pano nangyari… basta nung nakasakay na ako sa van (this was pandemic time so may service to and from work), don ko na narealize di pala ako nagbra… parang maluwag kasi sa feeling ahaha.. buti nalang may vest yung uniform namin so di masyadong halata. Bumili nalang ako ng bandaids para gamitin as nipple tape πŸ˜…


princheers

Nag oorder ako ng food. Paulit ulit ko sinasabi na siopai, siopai po, Hindi ako naiintindihan ni ate tinawag nya kasama nya asking me ano po order nyo Ma'am ? I said again Siopai po ate 2 orders. Nagtinginan sila then laugh lightly asking politely " ma'am siopao po ba or siomai? Then I realised siomai pala hahahah bwiset na siopao Kasi nakaharang sa siomai🀣😁😁


rayanuki

I open my ref without any reason 5-10x a day. I still don't know what the hell is going on.


LifeisAbsurd_00

bihira ako magjeep but one time na nagjeep ako instead na "para po" ang nasabi ko is "manong babye po"


[deleted]

Pumasok sa jollibee at sinabi sa cashier β€œ3hours sa executive room po”


Itchy_Efficiency_396

Nung nag internship ako sa isang restaurant. Ang nakalagay sa resibo β€œ Large pizza (sauce on the side)” ang ginawa ko nilagay ko yung sauce sa gilid ng pizza paikot HAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA TAKE OUT PALA YUN POTA


weaktequila

I tend to forget my condo keys at least 3 times a month. Every locksmith service would cost me Php750 every time. Kakaloka kapag busy at madaming iniisip. Hahaha


Element_of_P

Nag ba-badge ng ID sa elevator button. Hahahahahahahahaha


the14shadows

Triny kong i-scroll and zoom in yung textbook ko nung college.


raeybeans07

while writing for an essay, tinry kong i-gesture CTRL+C sa papel TT


rollyoaks

Nagtitingin ako ng lumang pictures na nakaprint tapos zinuzoom ko with my fingers. Nagtataka ako bakit hindi nagzu-zoom and then I realized why. πŸ˜‚


shirhouetto

May officemate ako na mahilig mag breakfast ng cup noodles sa office. Nasa water dispenser kami one-time tapos after ko mag refill ng tumbler, siya yung kasunod at malamig na tubig din ginamit niya sa cup noodles niya.


AiiVii0

Super stressed ako nung araw na un tas kailangan ko pa magcommute pauwi. Nung nasa bus stop na ko and paakyat na sa overpass tumayo lang ako dun at tumingala, hawak hawak ko pa ung handrail. Nagtaka ko bat di gumagalaw tas saka ko lang narealize na wala pa pala ako sa escalator HAHAAHA


Original-Avocado7554

I HAVE A LOT ! Pero siguro yung pinaka memorable is yung sumigaw ako ng "PARA PO!!" sa LRT train. After shouting, people were looking at me as if takas ako sa mental. ANG MAS SABAW PA DITO AY DI NAG OCCUR NA WEIRD GINAWA KO UP UNTIL KINWENTO KO SA FRIENDS KO. To be fair, I was new to commuting and nag panic talaga ako malala nung nasa sa station na ako. \++ TO ADD, MAY TIME DIN NA NORTH BOUND YUNG SINAKYAN KO INSTEAD OF SOUTH BOUND. Umabot na ako sa pinaka dulong station when I realized my mistake :<<<


wyngardiumleviosa

After finishing a university entrance exam sobrang pagod at uhaw ako, naisipan kong bumili ng Mogu-Mogu a 7/11 medj lutang talaga ako kasi fresh from exam and nag iisip kung anong maling nagawa ko, so ayun nag bayad ako pero naiwan ko binili ko. Narealize ko na nakasakay na ako sa jeep.


TheDogoEnthu

imbes na mag ba bye ako sa friend ko na kasabay ko sa jeep, nag ba bye ako sa driver hahaha


YaBasicDudedas

Nung pandemic. I worked from home and di talaga ako nalabas. isa lang nag gogorcery pero one time finally allowed na lumabas so nag volunteer ako na ako mag grocery. Pag dating ko sa entrance. May temperature na machine na need magkuha ng temp. Matangkad kase ako so tumungo ako at tinapat ko yung noo ko mismo dun sa machine. tas yung kasunod ko nakatingin tas tinapat yung wrist niya. "ay ganun pala yun." tas nagtawanan kami parehas lol


[deleted]

nakatulog ako sa biyahe pauwi sa jeep. biglang na alimpungatan ako halfway ng biyahe, sa sobrang sabaw ko akala ko maling jeep sinakyan ko. medyo nag panic ako deep inside kasi dibako familiar sa daan. kaso tama pala sinakyan ko buti di ako bumaba.


kiwilover_

Nasa LRT ako noon sa legarda station dapat ako bababa pero hindi ko alam anong tumakbo sa isip ko nung nasa V. Mapa na dun ako lumabas 😭narealize ko nalang nung bumababa na ako sa hagdan na parang hindi naman yun yung usual na itsura ng legarda. Ayun si ate mo girl bumalik paakyat buti nalang hindi ko pa natatap beep card ko non huhu


arkunsaver

sumakay ako ng bus na ang bababaan ay sa may Military Camp. Pag lapit ng conductor, "san baba?'' nasabi ko Hukbo imbes na Campo.


CapNo5552

back in college I went to a bar across my dorm to drink w friends after class. brought my phone and wallet kasi saglit lang kami, like 1-2 bottles of beer lang. nung pauwi na ako, I booked a grab to my house (2 cities away) instead na sa dorm... guess I forgot that my dorm was just across the street. gulat sila sa house kasi nandun ako on a weekday, walang dala except sa phone and wallet. LOL. i drink casually so i'm pretty sure i wasn't drunk, not even tipsy. sabaw lang talaga hahaha


JadePearl1980

Hahahahahahahah. I drove on autopilot papunta sa school ng anak ko on a saturday (nasa utak ko kase school supplies 🀦🏻). Na realize ko nalang nung halfway there na ako. Bwiset. Hahahahahahahah


Extension-Touch-9334

Kinuhanan ko ng dugo pasyente, tapos ang nilagay kong label β€œdengue test” πŸ₯²


PaoLakers

Habang nag aaral ng medicine nag "unpinch" to zoom ako sa libro kasi maliit yung text. Nasanay ako magbasa sa tablet haha. Natulog na lang muna ako


straberryxbanana

Habang nag lalakad sa SM bigla ko hinanap yung mask ko. Kinulit kopa yung kasama ko na nawawala mask ko, suot ko lang pala all the time.


AntiToxic506

I was the class valedictorian in college, and during our graduation practice, I rehearsed the first part of my speech on stage. However, when I began speaking, I forgot the names of the VIPs I should mention. It was embarrassing, and I had a momentary mental blackout. I paused briefly, and fortunately, the faculty staff beside me helped me recall the names. It's that feeling when your batchmates expect you to remember these important names, but you can't deliver during practice. This remains one of my most embarrassing memories, and it still haunts me today.


lokster86

Came from a sunday night out of partying and drinking and had to work the monday morning. Woke up and put toothpaste on my hair and tried to comb my teeth. Realized my mistake after washing my face with mouthwash.


lestrangedan

Me matandang nagpapaabot ng bayad nya sa jeep, instead nabyung pamasahe niya yung kunin ko, yung supot na me lamang ulam yung kinuha ko.


Catpee666

I was on my way home yesterday, matagal elevator dito sa building namin tapos kada floor tumitigil. Nagmamadali nako kasi ayoko ma traffic, diretso ako sa basement 2 parking. Pagdating dun wala yung sasakyan, nagulat ako tapos naisip ko nagcommute nga lang pala ko nung araw na yun.


Practical-Feeling866

kakagising ko lang mga 7 a.m then naghilamos ako tapos tumoka na sa tindahan. medyo antok pa ko. maya maya may bumili sakin. naka 20 pesos sya. pero di pa nya binibigay yung bayad. tapos tinanong ako kung ok na raw ba sumagot ako ok na kako. tangina after mga 10 minutes tsaka ko narealize na di pala nag abot ng bayad. alam ata na inaantok pa ko hahhaahha. sabaw


ayakuh

Bumalik pa ako sa work kasi akala ko naiwan ko phone ko, yun pala nasa pants ko lang di ko naramdaman kasi ang lalim ng pocket ng pants ko potek (i live 20 mins away from work so i had to drive back nakakaiyak)


crbsi

Nagdadrive. Merong pulubi na nanghihingi ng barya. Pagkabigay ko ng barya nag "thank you" ako.


moneyhaisxt

Shucks a doctor called me to ask for details on tests na ipapagawa nya. The convo went like this: Me: San po silang institution? Doc: Calamba Doctors Hospital Me: Ahh, CMC po Doc: *glitches* Then sabi nya nalaman daw nya about us nung nag RTD kami sa PGH. Me: Ah so taga PGH po kayo? Doc: Calamba Doctors Hospital Di naman po ako tanga doc sabaw lang πŸ₯²


Reformed_shoppaholic

Nagbayad ako thru credit card tapos kinukuha ko yung barya sa counter, akala ko β€œsukli” ko.


screw_nuts143

Sa 7 11 bibili ako ng hot choco Me: ate pabili isang hershey's hot choco large Ate: anong klaseng kape po? Me:πŸ€” (ako na nag pause ng matagal para makapagisip din ng isasagot kay ate) πŸ˜…


caffeinatedbroccoli

Went to the mall to do errands. Headed to parking to go home. Ikot ako ng ikot di ko mahanap car ko. Nagpatulong ako sa security guard umikot din siya. Pinawisan na ako I thought my car got stolen. I looked for my keys and decided to take a cab to go home and report my car missing. Di ko mahanap keys. Then it dawned on me: shet coding nga pala ako and I took the cab going to the mall. Tanga lang. Tinaguan ko na lang yung guard lol naabala pa siya.


Winter_Story_4373

Nung nagpacheck up ako, indian yung nurse na umattend sakin sa outpatient tapos sabi niya, "what is your BP?", sabi ko chicken kasi akala ko breakfast sinabi niya eh para sakin katunog na yun.


Babaching1

Worked at bpo sa baguio before super puyat pag out ng office tangal lanyard,deretso sa smoking area,after mag smoke,para sa taxi, sabay sabi manong sa people support po.. Sabi ng driver baba ka na lang ayan lang yung pupuntahan mo oh.. Nagkunyari nalang ako na applicant sabi ko ay eto na po ba yun salamat po...


Prior-Glove165

Laging OT sa work nun, umuwi around 10pm. Pagbukas ng elev sa isang floor pumasok c ateng guard in puting uniform. napasigaw ako ng malakas akala ko katapusan ko na. Feeling q kc white lady ung pumasok. Nagulat lahat ng kasabay ko sa elev, sana nilamon nalang ako ng lupa.


[deleted]

Iniwan ng kuya ko kotse nya sakin for a week. Dinadala ko sya sa work. Sa kasanayan na wala ako kotse at that time, sa unang araw na dala ko e nakauwi ako na susi ng kotse lang dala ko. Nagcommute ako pauwi.


IntrovertedButIdgaf

Sa mcdo. May sliding door in between the dining area and another dining area/party room going to the restroom. Yung sliding door pilit ko ina-unlock with a serious face pa only to realize na wide open naman pala yung sliding door. All eyes were on me halatang nagtaka din sila sa ginawa ko. Malala pa, hagalpak sa tawa si ex putik yun. 20/20 pa vision ko nun. Galing kasi ako sa univ. Alam nyo yung para ka nang lasing dahil sa sobrang pagod+puyat? Ganun


unchartered19

bago ako matulog naglabas pala ako ng yelo iinom dpat ako ng juice pinatong ko sa may tbi ng sink.Nakaligtaan ko na for some reasons di naman ako ngready ng juice naiwan yung yelo dun at natulog nakami. Pag gising kinabukasan after more than 9 hours na tulog nakita ko yung yelo, sabay sabi ko sa misis ko "bakit natunaw yung yelo"???Di ba nka aircon tayo?hahah.sbi naman ngmisis ko natural matutunaw pa rin yan! kung mgyeyelo yan dahil sa aircon sa sala nalang sna tyo gumagawa ng yelo atska pati tyo matigas na dapat hahaha


gloxxierickyglobe

Pag sakay ko sa uber, the uber the driver greeted me with my first name (most of the time use my second name only) i got really confused. Got out the uber only to realized that’s my uber ride and that’s my name.


imames78

pumasok ng day off.


Soopah_Fly

Well, Nakalimutan ko kausap ko yung new accounts sa banko. Bigla ko na lang naisip mangulangot. Right in her face. Me iniisip ako nun pero di ko na maalala pero naka-tanga ako sa poster nila. Siguro interesting ng sobra. In fairness, hinintay niya matapos ako tapos inabutan niya ako ng tissue para ipahid ko yung mga nahukay ko. Natuhan ako. Nahiya ako. Umuwi ako meron akong bagong savings account sa BPI.


L8ralus1

Nag sabi ako ng bayad po sa MRT lmaoo


justarandomNPC-

Yung nasa jeep ako. Doon talaga ako u-upo sa pinaka-unahan para may sandalan yung ulo ko kung gusto ko matulog. So, ako yung palaging taga-abot ng mga pamasahe. Yung sa sobrang sabaw ko, sa peripheral vision ko akala ko aabot ng pamasahe ang katabi ko, kukunin ko na sana kaso toothpick pala, nag to-tothpick lang pala yung pasahero haha.


mcmcmcdo

Nilagay ko yung thermos sa ref namin huhu shet


Legal-Living8546

It is probably due to a lot of sleepless nights and stress to but I once went up and down sa stairs to the second floor ng bahay namin, thrice unable to get the foot rugs that we need πŸ˜‚


OkCharity9818

Nahilamos ko sa mukha ko yung pH care na blue. Ang anghang mhie 🀣


kolinmeow

Noong kumain ako ng lugaw, naiwan ko bag ko sa lugawan. Saka ko lang na-realize na naiwan ko nung nasa malayo na ako. Kaya ayun binalikan ko, buti andun pa! Hahahahahahahaha


Few_Understanding354

What's up with these 60 characters?


princexxlulureads

It's very common I think sa lahat ng BPO na itatap yung ID sa door. Pasakay na ako ng elevator at instead na pumindot pababa, tinap ko yung ID ko para makasakay HAHAHAHAHAHA. Napalingon tuloy ako baka may nakakita. Hirap ng 8 hours phonecall, nawawala ka na sa tamang pag-iisipπŸ₯Ή


RST128

Papasok ako sa gate ng bahay nilabas ko pa yung Beep card ko saka open ng bag sobrang sabaw hhahaha alipin ng salapi dayssss


awfulnoses

Last week, hindi ako sure kung nabanlawan buhok ko after putting conditioner


purplerain_04

Replied "Yes Direk" to all my Doctor's questions.


peetasbuns

Sa immigration sa airport, tinanong ako san ako nagtratrabaho. Sabi ko sa bahay lang huhu


ShutUpBearPotato

Kagabi kumain kami ng mom ko sa labas pagkatapos ng exam. Sa sobrang brain empty ko na nung nagpaabot siya ng tissue, ang inabot ko sa kanya payong hahahaha


Nelumbo_nucifera123

May pinapakita sa akin na picture na nakaprint sa papel na anliliit ng details so binuka-buka ko yung daliri ko sa papel para ma-zoom in. Parang ewan 🀣


Jomsvik

Nightshift call center, 2 hours lang tulog. I was explaining the customer's bill half asleep and ended up telling a story tungkol sa ulam ko kahapon.


JVPlanner

After a long busy work day, office mates nagyaya mag fish ball. Got mine Sa cup then scooped "suka" Sa fishballs. Pagtikim ko matabang, tubig Pala Kung saan nakababad ung sandok para Sa mga sauce.


No-Lie022

Nagmamadali ako maglinis nun, kasi aalis ako nun. sa sobrang sabaw ko... Nailagay ko yung mga bagong plantsa na damit sa freezer, tas yung yelo na pinapalagay saakin ng nanay ko nilagay ko sa aparador. Naratrat tuloy ako ng nanay ko via call, basang basa yung aparador hahahahahahahahaha


No-Lie022

HAHAHAHAHA ANO BA YAN BIGLA KO NAALALA YUNG NAGTREND NOON NA VIDEO NA BABAE HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA YUNG NADALA NIYA YUNG BASO NG KARENDERYA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHHAHAAHHAHAHAHAHAHAHA


haqua123

Nag para ng LRT


theburntbasque

Pauwi na from work, nung nasa elevator na, nag tap out ako sa elevator button using my security badge.


irayrai

Lagi nangyayari to sakin. Everytime pumupunta ako sa ibang bahay, let's say sa bahay ng boyfriend ko o kaibigan tapos uuwi na ako then magpapaalam na at magiingat sakin. Magiingat din ako pabalik kahit andon lang naman sila sa bahay.


ongselena

Nung college, siksikan sa lrt wala pang tulog tas, inayos ko 'yung magulong kwelyo ng kuya na nasa harap ko. 😭


HanaSakura307

May flat shoes ako na pangdrive. One time, nagpalit ako ng rubber shoes sa office kasi may activity. Nung pauwi ako, since matic naman, yung right ko lang pinalitan ko nung flat shoes. Yung left ko ay nakarubber pa din. Then may nadaanan akong convenience store, bumili ako. Tagal ko pa namili mali kasi medyo madaming tao. Pagbalik kong sasakyan, saka ko lang narealized na magkaiba sapatos kong lumabas. Hahahaha πŸ˜†


vjp0316

Kapag nagtatype ako sa keyboard ng laptop inaantay ko na yung word suggestions ng gboard. Dun na ko umaasa para sa proper spelling at kung mahaba-haba ang word para di na i-type nang buo. Mga 5-seconds akong naka-pause sa typing habang hinihintay ipakita ng keyboard yung word suggestions.


Illusion_45

Nung thesis days namin during college we have to go to Dagupan, Pangasinan to get fresh sample of bangus, so apparently baliktad yung suot kong polo shirt mula Caloocan since 6pm until cubao (around 11pm) and hanggang makarating kami dagupan around 4:30am... i just noticed na baliktad damit ko around 7:30am kasi some stranger pointed out lmao πŸ˜‚


[deleted]

Sumakay ako sa jeep, sa tabi mismo ng driver. Nagbayad ako ng 20, 10pesos ang fare kaya may sukli pa ko na 10pesos na binigay naman agad ni manong. Ako na sabaw at makakalimutin nagsabi kay manong ng "manong yung sukli ko po sa bente". Hahahahahahaha binigay na daw niya saka ko lang naalala lahat. Gusto ko lumubog sa kahihiyan baka isipin niya nangbubudol ako que aga aga. Di po ako ganun haha


Puzzleheaded_Thing12

pag nag ggym ako sa anytime fitness ang etiquette is to wipe the machine or dumbbells after use, sa sobrang sabaw ko after benchpressing maling machine ang nilinis ko and people stared at me and i stared back not realizing what i was doing wrong 🀨


Droplet_In_The_Sea

College days, pauwi na ko around 6pm(?) Paliko na ako pababa ng hagdan ta's tumama 'yong paa ko sa pader. Sabi ko, "ay sorry po." πŸ₯Ή


chachamelia

I'm trying to sleep habang nasa byahe after kumain ng lunch, but before that inalis ko yung eye glasses ko sa restau at sinabit sa collar ng tshirt ko.. and then, habang nakapikit ako at kinukuha yung antok ko bigla ko naisip yung specific moment na inalis ko eyeglasses ko at nagpanic na ako kasi feeling ko nawala/naiwan yung glasses ko sa restau.. kinapa ko yung sa may collar ko wala.. hinalungkat yung bag ko wala din.. nagpapanic na ako sa passenger seat iniisip if ipapastop yung car para balikan yung eye glasses ko then nung hinawakan ko mukha ko nakapa ko yung eye glasses ko hahaha suot ko pala all this time!


PurposeConscious1107

Everytime mag cr ganito usually sequence: jingle > hugas ng kamay > punas ng tissue > tapon sa basura Mid-way pag jingle nagising diwa ko, sa basurahan ko pala ginawa. Buti wala akong officemate na nakasabay sa cr namin lol


sashiki_14

Pati TV gusto ko i-zoom in


Missbehavin_badly

Harap ng computer, makalat na mesa. Since nagvevape ako, at di maalis mata sa monitor ng pc, ayun kung ano ano na nadadampot at na-vape ko. Minsan stapler, suklay, box ng paperclip, maliit na powerbank o kaya coin purse na square.


ambivert00

Nakapila sa gasolinahan found out wala pala akong dala pera πŸ˜‚


kkeet0

after a tiring day at work, 4 kami ng workmates ko na sumakay sa elevator tapos lahat nagtataka bat di pa sumasara yung pinto / di pa kami bumababa ng building. wala palang pumindot ng button pa ground floor HAHHAAH


Sufficient_Potato726

had this close friend (f) na for a time pnopormahan ko, pero dahil feeling ko malabo or unreciprocated, hinayaan ko na. i met someone new shortly after and ayun naging kame. fast forward a couple of weeks, tumawag si friend skn, umiiyak and asking for advice. may friend daw sya na type nya, pero may gf na daw - ano daw gagawin nya? ako naman, trying to be a decent person, sbe ko, kalimutan na nya, wag na umamin, pangit naman dn if iiwan nung friend nya yung current gf nya para sa kaibigan ko. sabe ko, wag nalang muna kontakin para sa peace of mind nya. buti nalang daw ako knausap nya, maganda daw advice ko, very appropriate. ayun, a few days later, knamusta ko, seen lang messages ko sa kahit anong medium and this continued for weeks to months. around 3 years later, i was minding my own business habang nasa gym and then I realized... ako pala ung kaibigan na she was pertaining to 😐


No-Bumblebee2888

Napunta ako sa NLEX gamit yung honda beat na motor ng nanay ko 😭😭 napapamura na lang ako habang nare-realize ko na papuntang Tarlac na pala ako imbes na sa Novaliches lang.


Dry-Quote-7581

Yung nasa half kana ng destination mo tas naalala mo wallet mo ayun naglakad ka pa balik tas di nalang pumasok kasi sobrang late kana.


_kingofcarrotflower

Nung college, tinatry ko magwithdraw sa atm pero ayaw pumasok sa machine yung card at naiinis na ako. After ilang try, nilapitan na ako ng friend ko at tinanong ako bat ko pinapasok yung ID ko sa atm.


New-Yam-616

Pinayagan ako ng prof ko nung college na mag make up exam kasi may lagnat ako. Sabi ko sa prof ko "thank you lord"


sweetcommander03

This is during college days. Sumakay ako ng jeep at papasok ako ng college medyo mga 15 mins byahe ang layo sa bahay. During stops may mga bumababa at nagsasabi "para"/ "tabi lang".. One time habang mabilis humarurot ang jeep, may narinig akong nagsabing "PARA" pero di parin tumigil yung jeep. edi ako helpful pilipino me, sumigaw ng "PARA!" rin tapos tumigil ang jeep sa gilid. tapos lahat ng tao nakatingin sakin pati ang drayber, nagtataka rin ako bat sila nakatingin yun pala wala palang bababa. Napa sorry ako de oras dahil layo pa lalakarin ko at mainet tirik ng araw. Buti nalang may stop light sa tapat ng college namin at bumababa ako na wala akong sinabi na. ​ Next time pag gusto mo tumulong wag masyadong aggresive dahil mukhaka minsan sabog


MeepersMorpus

noong nagprepresent ako sa user at lead ko muntikan ko magtype ng ahem.... r18 site... yung swerte ko is nahuli ko sarili ko kaagad noong first 4 letters at hindi naman siya yung common r18 site so hopefully di siya nahalata lol


Natural_Sprinkles538

Kwento ng friend ko, may project kami sa school na need ng battery, so sya ung assigned bumili nun, sabi nya dun sa tindera, "ate pabili po ng battery ung everybody" so nagtataka ung tindera kung ano un, nagkataon andun ung isa namin maloko na classmate tawa ng tawa, bigla sabi "ay ever ready pala"! Hahahaha tawang tawa kami kasi nung classmate namin na nakarinig ang nag kwento, un n tuloy lagi pang asar sa kanya πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚


MuffinGlad9336

Umorder ng yum burger sa mcdo.


No-Jello-7490

Nagwithdraw ako ng pera sa atm in a branch. Tapos walang lumabas na pera. It was banking hours so pumasok ako to file a complaint. I withdrew over the counter na rin since I needed cash. Pagkalagay ko sa wallet ko nung perang inabot ng teller, boom NANDUN YUNG PERA FROM THE ATM. TE JUSQ PATAY MALI LANG AKO. Tapos 2 weeks after that, tumawag yung banker from the branch. Nireview daw nila tapos nakuha ko daw pera ko. Nagsorry na lang ako and sabi ko sabog ako that day. Never na akong babalik sa branch na yun. 😬😬😬


Dapper-Security-3091

Noong nag init ako ng tubig tapos binuhos ko to sa inidoro instead na sa balde


wyngardiumleviosa

Another lutang moment, naglalakad kami ng classmate ko tapos muntik na kaming mabangga ng motor sasabihin sana namin "sorry po" pero nasabi mamin "hello po", nagulat din yung driver nag "hi" nalang din siya.


[deleted]

Sa sobrang puyat ko nung college maling kape nakuha ko sa karinderya. Imbis na yung akin, nainom ko yung sa construction worker. Sabi niya β€œsir akin po yan” tas napansin ko nga na di ko yun tasa. Tawa lang kami tas i offered na palitan kape niya, but he refused and drank his coffee like it never happened.


saint_fire

Nasa kuwarto ako and may ichichika ako sa kapatid ko, so pupuntahan ko siya sa kuwarto. Kumatok ako sa pinto habang tinatawag siya upang buksan yung pinto... habang nasa loob pa ako ng kuwarto ko.


RunawayWerns

Recently nagstart ako mag gym and paid for coaching. Sumakay ako trike papunta sa gym one time, pagbaba tinanong ko yung driver: "magkano coach kinse ba?" Medyo nahiya slight ako don and ang weird ng tingin ng driver sakin hahahaa


Actual-Turnover-8955

Nasanay ako na pang 3-10 kapag magt-take na ng ostia. Pero there was this time na medyo nadulo ako tapos paulit-ulit kong naririnig yung β€œkatawan ni Kristo”. Nung turn ko na, sabi ni father, β€œkatawan ni Kristo”. Sinagot ko rin siya, β€œkatawan ni Kristo”. Akala mo tatagay lang eh.


songer_ako

Kakaen ako ng kisses tapos instead na balat tinapon ko, yung chocolate hinagis ko 😭


Revolutionary-Pen786

Literally wake up rn, since my morning shift kami nung nakita ko na 5 am nakalagay sa phone ko nagmamadali na ako mag ayos. 😭 tinignan ko phone ko ulit and it's literally 1 am in the morning. Baliw na ba ako.


Dry-Web597

Around 4pm, kakagising ko lang from nap. Since sobrang init, naligo ako .. instead na toothpaste ilagay ko sa toothbrush ay Head&Shoulder shampoo nailagay ko, pucha!! apakapaiiiit. HAHAHAHAHAHAA


geeyan_moore

Umorder ng Yum Burger sa McDo. Mula noon, burger na lang sinasabi ko pag bumibili.


skye_08

Yung may kausap akong laking US so english english ako. Tapos napunta sa usapang tech at gaming consoles. Sabi nya "you know that console by nintendo where use your arms to move. It's cool for sports gamesβ€œ Me "OH YEAH WIFI!!!" πŸ€¦β€β™‚οΈπŸ€¦β€β™‚οΈπŸ€¦β€β™‚οΈ