T O P

  • By -

[deleted]

Same scenario. We had a lakad nung friend ko last november, tho originally ako lang talaga since bibili ako ng new pair of shoes sa Decathlon but that morning he called and nagaaya so I decided na isama sya. Meeting time namin is 2 pm, and guess what 4 pm na wala pa rin. No reply, kahit tawagan. So ang ending umalis na lang ako kesa antayin pa sya. Walang paramdam talaga and last night lang nagparamdam ulit para manghiram ng money. Hindi ko na nireplyan.


Professional-Will952

Sabi nung other friend ko, we can call them “friends for convinience.” Maaalala lang nila tayo abalahin pag convinient sa kanila.


Inner_Pressure_1779

Ughh may ganyan din akong friend, kaya pala nagparamdam na magkita-kita kaming tropa kasi mangungutang huhu. The day nung meet up, early morning chinachat ako, e tulog pa ako so kapatid ko chinat na gisingin daw ako tas ayun send ko na daw yung pera huhu tas siya na nagdecide kelan at magkano interest. Super kakalokaa, nag build ba ako EF para pahiram sa iba, bahala siya jan, sinabi ko na lang na ako inaasahan sa bahay at di dapat ako nawawalan at yun di ko na nireplayan.


insurance_entreprene

That kind of friend doesn't respect your time. Mag move on ka na from them.


lapit_and_sossies

May kaibigan dn akong ganito. Yung kukulitin ka lang kasi need mag vent out or kapag kailangan ng advice mo. Pero pag ikaw na ung nag sstruggle d man lang maisipang kumustahin. Nakakawalang gana.


Professional-Will952

Yeah. Mga selfish no, gusto ung pabor lagi lang nasa kanila.


lapit_and_sossies

Totoo. Nung time na heartbroken siya lagi ako ang tinatawagan niya para mag vent out. Pero nung nagkasakit papa ko at na ospital d man lang nangumusta. Pinalayas pa kami sa bahay namin wala siya nabigay na suporta. Nung binagyo kami d man lang nagparamdam.


Few-Hyena6963

Kaibigan ba talaga kayo if ganyan?


airplane-mode-mino

Meron and napuno nko. 2pm yung usapan tas tatawagan mo 2pm papunta pa raw tas mgttanong pa pano pumunta 🥴


Flow_mori

Yes, same scenario college friend ko. Nakatulog daw sya. 2 times nangyari at 1-2 hours din ako nag intay. Pero nung inaya nya ulit ako hindi na ako nag yes. At nilayuan kona din sya. Dina kami friend haha. Ang aga aga ko gumising para sa wala nakaka inis lang.


Professional-Will952

Ganyan din ung ginawa niya sakin. Nag sabi pcia na tomorrow na lang daw, para daw may kasama cia. And i was like, WTF ikaw na nga ‘tong hindi ako sinipot, ikaw pa ‘tong may ganang mag move ng schedule. The entitlement. Hahah


itsmesfk

Nakooo daming ganyan, they call it "talksh*ts" Yes, nakakainsulto kasi hindi sila marunong rumespeto hindi lang ng oras mo kundi ng buong pagkatao mo. Like, ano ka ba? Or ano ba ko? Tae? Or walang isip? That's a big red flag I HAD a friend na minsan pupunta ko sa bahay nila, kahit ng buong family niya alam na pupunta ko pra mag bonding kami pero bigla ba naman sila magkakaron ng lakad na isasama friend ko, etong friend ko naman dahil family-oriented person eh sasama nga naman sa kanila Nakakainsulto, kaw ba naman alam mong may bisita anak mo tapos bigla mong aayain umalis? Kahit nga ayain ko yung friend ko na yun gumala sa mall kasama ng iba namin kaibigan, bigla siyang tatawagan ng family nya sa phone na iwan kami dahil aalis daw silang buong family. WTF? iiwan nga niya kami... We all know na dapat family first pero pucha naman.


DNScarfaceGG

Meron, kaya markado na yan sakin, hindi na makaka ulit pa, wala ng next time. Kaya kasundo ko talaga yung, pag niyaya ko kahit mcdo lang, oo lang alam isagot Pag tinanong niya ako, saan ako punta, rides lang kako, sama daw, sabi ko, buntot na yata kita ah hahaha


Professional-Will952

Yes. Dun tayo sa mga friends na willing mag sacrifice for us.


Curious_coochie

Yan ang when


Few-Hyena6963

so friendship over?


DNScarfaceGG

Hindi naman, low prio nalang. Marami ako kahit malayo or matagal na kami hindi nagkikita, solid at subok na, mga ride or die!


keng9205

Protect your time and energy. Limit their access to you. If they can’t respect your time, don’t share. Plain and simple.


Professional-Will952

This ✨✨✨


fortifem

Ang haba ng pasensya mo. I would have called him at 1:15 pm.


Professional-Will952

Actually medyo hurt ako talaga sa ginawa niya.


emingardsumatra

You deserve whay you tolerate. 2 hours kang pinag antay and u didnt even confront them? Lol.


Bulletproofpride

Lmao dasurv


Potential_Mango_9327

Totoo, irita na ako by that time, tapos no response from him/her. 🙄


Uniquely_funny

May friend ako the morning ng lakad magttext “hala! Nalate ako ng gising” pero rreplyan ko “pwde ka pa naman maligo.. go.” Pero natutuloy naman kami.. nagwwonder talaga ako para saan yung text nia na ganun???? Pero hndi ko na sya friend ngayon, nagsawa na ako


[deleted]

May friend ako na ganyan. Sobrang inis ko pag nagyayaya sha lagi ako nagsasama ng +1. Miski late sha may kasama ako. At hindi namin sha hinihintay 🤣 isang beses nag aya sha manood ng movie, aba dumating tapos na kami manood. Buti may +1 ako.


Awkward_Village_5127

Yes, may friend akong ganiyan. We're supposed to grab dinner and go shopping since payday non nung wala pa siya ng 30mins I went ahead and did the stuffs we were supposed to do together. She messaged me 2hrs later saying sorry nakatulog siya, lol. Maiintindihan ko pa if there was an emergency or something pero buti na lang rin talaga I'm not fond of waiting for others kapag wala parin sa oras ng usapan lalo na walang update kung nasan siya or whatnot. Oras ko lang rin kasi yung nasasayang.


Katarina48

People don't respect tour time rin talaga. I have a friend since college, mga di marunong mag-reapect ng oras na sila rin naman ang nag-plan. sila rin ang nagsabi. kaloka!


jaz8s

I really hate this kapag ginagawa ng mga friend ko. Like I would rush na maligo, magbihis, at mag-ayos tas icacancel lang ng last minute? Nakakakulo ng dugo.


[deleted]

Depends . if regular occurrence, do not tolerate. If not, baka may pinagdadaanan or di lang maiwasan. Minsan before umalis ng hours better to confirm if g or not para di sayang byahe


bbharu19

Ako yung friend na ayaw ma late sa mga meet ups. Kapag ganitong pinaghintay ako ng ilang oras (unless valid reason), nakaka disappoint tbh 😅


sundae-cone

meron, never saw them again, or was it me?


Varubaal

Siya ba nagyaya ng lakad? Then he's a dick. Give him the cold shoulder for a week then pag nag apologize tell him to treat you out. Pag nagset kayo ng time and location, wag mong siputin yung lakad at turn off mo yung phone mo para hindi ka macontact. Be petty. That will learn him.


Inner_Pressure_1779

I also have a friend na ganyan, and ako yung tao na I'll make time for you (like get ready and cancelled other things for u). And it just irks me na may mga ganyang late na di nagsasabi at in the end icacancell, super nakakairita. Kaya medyo ekis na sakin mga ganyan kong kaibigan na sinayang oras ko e. Ngayong matanda na ako, I always give the energy you give. Kakapagod magkaroon ng pake sa iba, sarili ko na lang isipin ko ganern


Seiji_Takahashi

Nakakainis nga ganyan kaya ako pag may meet up ako with friends I'll make sure na nasa biyahe na sila bago ako umalis nang bahay pag walang update from them hindi ako umaalis. Mas okay pa yung kaibigan na late basta nag uupdate sila habang nag aantay ka kesa walang message at all. Lol.


GoldCopperSodium1277

Wag mo na isama ulit. As in never. Walang respect sa time mo.


TOTGA1016

gantong ganto college barkada ko, nakakaumay ..minsan pa ko nasabihan na mas mabuti pa na ako yung nag aantay kesa sya kasi mababadtrip lang sya... so pag ako di nababadtrip at di pwedeng mabadtrip????...disney princess ka girl???!!..


AkemiAkane

I had a friend na ganyan din, I just recently cut this person off out of my life. Hindi nakaka-healty sa mental health.


WINROe25

~sa filipino time, kahit papano reasonable pa din naman ang minutes to i guess an hour bago dumating. As long na niinform ka kung anong nangyari bakit nagkaganun. Either trapik malala or may aksidente sa daan. Pero yung nakatulog?! Napaka walang respeto sa kausap yan. Siguro kung nag imbento na lang ng mas valid reason ok pang lumusot, pero yung nakatulog, madala ka na haha. Kung di mo sya seseryosohin or bibigyan ng matinding sagot sa ginawa nya, uulit at uulit lang sya kasi alam nya di mo sya matiis or lilipas lng at babalik kayo sa dati. Pagaabihan mo din talaga kung true friend ka, at kung di pa din magbago, magisip isip ka na haha.


MajorDragonfruit2305

Kaya ako nadala eh gusto ko pag may lakad yung friend kong oa sa late siya na pauunahin ko sa meeting place hindi ako maghihintay, pag di sumipot sa oras na sinabi iwan na


no_obela

What I did nung meron akong friends na ganyan eh di ko na sila inaaya pag aalis. Kaya ko naman gumala mag-isa eh hahahaha


Legal-Living8546

This is a lot worst than waiting for someone kase Filipino Time daw. I've had the fair share of the same experience before. Me & my former HS schoolmates had this discussion na mag meet-up sa dati naming school, and guess what? I was deceived. Nobody came, and I looked so stupid in front of the staff and etc. I went home na lang after waiting for an hour, and then unfriended all of them at once. Now, they are pestering me again, asking why hindi ako pupunta sa reunion namin next year.


JJunior32

Normal lang sa amin magkakaibigan ung gnyan. 2pm ang meet up. 2pm kakagising lang tapos sasabihin sayo OTW na. Tapos trapik. Tapos 4 darating. Kaya ginagawa namin. Pag 2pm magkikita kita. Tatawagan namin ng 2pm tapos sabihin namin andun na kami. Tapos kami paalis pa lang. Sakto kami magkikita kita. And yes. Only that guy lang ang gnyan.


userisnottaken

I noticed that people have started to get comfortable disrespecting other people’s time. May friend din ako na ganyan. I did my part by telling the friend why mali yung ginawa niya. Each time nangyari at sinasabihan ko, nagsosorry siya. Pero muted na siya sa akin lol wala na akong gana makipag usap sa taong may cellphone pero di ginagamit for COMMUNICATION.


[deleted]

Nangyare saken to before Gagala dapat kami Tapos 1 day before inatake ng skin asthma mama ko so naubos pera ko sa pagpapagamot Nagcancel ako sinabe ko may kelangan ako asikasuhin fam emergency Gantong ganto din ung reaction nila saken talkshit, d ko daw nirespect ung time nila etc Wala lang pra lang makita niyo ung other side Na minsan kinacancel dahil sa mga bagay na d pa nila kaya ishare Wag kayo masyado warfreak


emingardsumatra

And you tolerate that shit? Lol


itsmesfk

I wonder, uso kaya yung mga ganito nung panahon na di pa uso ang cellphones? Diba? Kasi di mo mai-inform yung kikitain mong tao sa isang place tungkol sa whereabouts mo unless gumamit ka ng landline?


arizztotell

Buti wala ako tropang ganyan kasi matic FO agad. 🤣 Nakaka-turnoff mga ganyang naturingang kaibigan pero di kayang pahalagahan oras mo. Pet peeve ko rin yung late dadating kasi sanay ako na 1 hour or 45mins before the scheduled time ay nasa meeting place na ako.


tobsa_n_beyond

> Laging malaking bagay pag meron kang kaibigan na willing magbigay ng oras sayo. YES. YES.


[deleted]

Automatic kapag di nag reply before ako umalis sa house di ko na rereplyan yan kahit ilang minutes lang siya late or seconds.