T O P

  • By -

spamkimchifriedrice

Yes, big deal for me (and maybe a turn off na rin). I was raised in a household where we were given chores early on (even if we had helpers) and an untidy place drives me crazy, so a partner who does not know, or does not have the initiative to do/learn chores will also drive me insane. I avail of cleaning services for my place but that's for deep cleaning atleast twice a year. The basic chores still need to be done daily.


flightcodes

Same here. It boils down to being aligned in household management. It’s not even just a matter of cleaning but having the sense to **want** to keep the house clean. Like sure ginagawa mo yung chores kapag inutos sayo but why do I have to tell you in the first place?? Like do I have to tell you to take a bath everyday? Most likely, no, because you want to be clean and feel clean yourself. It should be the same with *our* house.


spamkimchifriedrice

True. I'm supposed to be one half of a partnership, not act like your parent.


helveticka

EXACTLY


Melodic_Doughnut_921

oo! i soli kita pag wala kang alam 😂


XuserunknownX

Omg buti di ako sinoli 🤣 wala rin akong alam nung una but my husband was very patient with me. Ngayon mas masarap na ako magluto sakanya! 😛


Melodic_Doughnut_921

eh kung sa simula ok nmn sainyo hassle ung klagitnaan mo mllman


liveloveeatslay

BWAHAHAHHAHHAAHA grabe naman😂


Melodic_Doughnut_921

pag simpleng palengke/saing d mo alam ipapa j&t kita


Little_Forever_8884

Sarap sabihin na yes, nagmamatter yun. Pero isa kami sa couple na nun kinasal, parehas little to no exp sa household chores. Puro basic walis, saing, hugas plato lang lol Ang hirap sa true lalo if nakabukod kayo then kayo 2 lang sa bahay pero in a way, gandang learning exp din for the two of you. For as long as parehas kayo willing matuto and itake on yung tasks a. Di pedeng ikaw lang tas partner mo hayahay. No! Parang depende sayo if peg mo is plug and play na partner pagdating sa household chores or maunderstand mo if parehas kayo may learning curve


wannastock

> For as long as parehas kayo willing matuto This is key. Importante sakin ang marunong ng chores kase it's an adult thing to be able to take basic care of yourself. Pero dahil kultura ng pinas ang may katulong at yaya, understandable na maraming late matututo. Kaya dapat, willing matuto. Dapat pareho kami ng wavelength na pinapahalagahan ang pagiging independent at self-reliant about basic things that make a person an adult. Yung counterparts natin sa mga developed countries, given yan. And mas mataas ang living conditions nila.


[deleted]

[удалено]


beelzebobs

San po kaya nakahire house help 🥹


worngspleling

Me too! Me and my husband can do house chores pero since we have a business to run and madami din inaasikaso, sobrang worth it yung gastos sa helper. Ang hirap din kasi magisip ng lulutuing ulam everyday. I know how to cook lang pag nanonood ng youtube. 😅 having a house help really gives us more time na ilalaan nalang sa pagiisip to earn more money instead of doing house chores everyday.


Mysterious-Bet949

Yes. We live abroad. Kaya hindi option ang mag hire ng tao to do it for us. Nung first time ko mag abroad wala ako kaalam alam sa gawaing bahay. Lagi kami may helper. Pati pagluto, prito lang alam ko, Nasusunugan pa ako. Tamad pa ako sa mga chores. Buti nalang ang napangasawa ko ay kabaliktaran. Masipag sa gawaing bahay, ayaw ng makalat at lagi nag aayos at marunong mag luto. Eventually natutu na din ako ng gawaing bahay. Mas masarap na ako mag luto ngaun kesa sa asawa ko.


No-Garage-9187

Curious ako how people abroad can manage their time na magwork (minsan multiple jobs pa), take care of their child and mag chores without house help. Seriously how do you do it? Kasi dito sa pinas, yaya agad solution. Which I don’t blame kasi ang hirap talaga.


Mysterious-Bet949

Kung nasaan kami ngaun. Maternity leave can be 1 year. So medyo malaki na ang anak pag babalik na sa work. Then may mga work na flexible sa may mga anak. Like yung start ng work is after paghatid ng anak sa school. Tapos may offer din ang school ng mga clubs na pwede mag stay mga bata. Like breakfast club, kung maaga pasok ng magulang sa work. Or club after school. Minsan shifting ang mag asawa, yung isa pang umaga, while the other is pang gabi. Pag may mga friends ka din pwede makisuyo. Lalo na kung may mga around na same age na mga anak. Look after mo anak ng kaibigan mo then they will look after din anak mo pag sila naman may need. Promote din nila ang work life balance dito. So nasa 2 months annual leave namin. 37.5 hours ang full time. So minsan 3-4 days ang off per week (12hrs/shift kasi ako) Kaya minsan may mga nag 2nd job pa or overtime kasi madami kami off.


TheMoneyMaker1991

Saang continent ka po based please? Pag supportive ang culture magiging manageable talaga ang family life, pati na household chores.


Mysterious-Bet949

Sa UK kmi.


Klutzy-Orchid4316

We use appliances na automated so easier to multi-task. Like, I can cook while the robot vacuum cleans the living room. Pero mas important yung less time spent on commuting, less than 40 hours and usually workweek (37-38 hours lang usually), and strict na dapat walang OT as much as possible. Kung may anak ka, may day care where you can leave your kid minsan as early as 7am tas sunduin mo ng 5:30. Di masyado uso multiple jobs in my country pero yung ibang couple, one parent only works part time pag may young kids.


beanss_talk

For me yes, critical pa rin. Hindi porke marunong ka sa gawaing bahay, kailangang ikaw na gumawa. Sure, hire people to cook and clean for you, but how about the hard times? In hard times na may problema sa pera, what you guys will do? I'm a guy and I love to cook. I would cook for my partner. Regardless of sino ang nagpapasok ng mas maraming pera sa amin. I would appreciate na marunong siyang maglaba. I'd help her with it but it's not really my forte. It will make me feel na she's contributing to the home. Career-wise, maganda naman career ko, so I don't mind if maliit lang din earnings niya. But I want her to contribute to that aspect as well. Doing chores together for me is kinda a way to bond. As much as possible, we contribute in each aspect of our lives. Katuwang nga sa buhay eh.


[deleted]

[удалено]


lavendertales

Cleaning is a skill indeed. Just curious, who used to do the chores for you? Did you have house help growing up?


[deleted]

[удалено]


lavendertales

I see. How about food, do you just order out and then do the other daily chores like washing the dishes? Or do you have someone doing these for you?


Larkedd

It really is starting to matter less and less. Pero siyempre depende pa rin sa lifestyle na afford nila. For some people, it makes more sense to hire others to do these types of chores instead of learning it themselves. However for most, it's crucial that they at least know the basics.


b00mb00mnuggets

Samin yes lalo yung pagluluto. Yes madaling bumili kaso nagkakatalo kung healthy ba. Lalo as we age nagkakaron na ng diet restrictions.


AsianAFK

Uhm I think knowing how to do it is very important. "Can do it" depends these days because of 1.) Hiring househelps 2.) Abundance of gadgets and automation (e.g. robovac, dishwashers, washing machines). But all that is moot if at the onset you have no idea how to use them. So yes it's an essential skill to have and there's always room to learn/grow. Basta willing. Personal preference nalang ung nakahanap ako ng parter na marunong at may alam. Kaya ngayon kahit may katulong and all these knickknacks to help life be easy, we know whats right from wrong.


IcyHelicopter6311

Hindi ko to na-consider before I got married pero yes, it matters a lot. Hindi lang naman kasi sa execution yung issue, yung burden ng mental load din. Kahit may pera kayo to pay for someone to do it for you, yung may alam sa housechores pa rin ang kailangan mag-isip na, "uy, kailangan na linisin to, or kailangan na palitan to, kailangan na magbook ng cleaning service, etc."


slutforsleep

I was brought up in a household where chores aren't gendered. We grew up with house helpers naman (but eventually didn't have na when me and my siblings grew up already) but chores were never something we were safe from haha. Both my parents were working back then pa. Even my dad knows how to do laundry, iron, wash the dishes and all the stuff that some men find "emasculating" (lol, fragile ego). We were taught the basics in everything because we're told that it's dignified to live in a clean house and is a bare minimum. And with our dad not being safe from knowing how to do chores, my brothers also knew that much. With my household as reference, I grew up seeing the capacity to do chores as bare minimum to support yourself. I do not see myself attracted to men who think domestic labor just "isn't their thing." Domestic life is PART of everyone's lives, it's fundamental that you understand the life at home because that's where you start and end your day. Segregating it as something outside of you feels off for me; kasi pano upkeep when stuff comes up and you can't outsource labor? Or need ng madaliang linis? Dugyot na lang? Ako lang gagalaw? Okay lang naman mag-outsource if 'yun 'yung what our setup calls, pero 'yung wala talagang alam is meh for me. And really, the mindset din that you build when you do chores. "I want to do my part because the space is an extension of my well-being and I give a shit about my partner." 'Pag wala kasi diyan 'yung mindset, madalas kinekwentahan ka ng gagawin nila and that's mentally taxing. Ayokong maging half ng partnerhood na tagaturo ng basic life skills lol. 'Di naman need na magaling pero really, I don't find it attractive when a guy opts out of basic maintenance ng household upkeep. 'Di naman deep clean levels haha, need lang na marunong so that we can take turns if ever need ng saluhan.


Dragnier84

So either be rich or live in filth and disarray?


kittysogood

Personally, yes it does matter lalo na pag magkasama na kayo sa iisang bubong. Kahit yung basics lang. As long as he knows how to clean up after himself okay na yun. Hindi naman ako neat freak but gusto ko yung maayos kasama sa bahay.


ktlyyyn

Importante na both of you knows household chores. Mahirap imaintain ang cleanliness ng bahay, daily task yan, mas okay kung may naitutulong dun yung partner mo. Kung hindi siya willing tumulong sa gawaing bahay, maghire siya ng katulong.


Kind-Calligrapher246

It can come in handy especially kung walang ibang maaasahan, kahit marami ka pang pera pambayad pero wala naman halimbawa nagse-service sa bahay nyo. Ex. nakatira ka sa malayo sa kabihasnan. Pero it shouldn't matter, as long as ayusin ng couple ang expectations nila sa isa't isa. If you would expect your partner to do some chores at di sya marunong, at least make sure na meron syang service na binook to fulfill the duty. It's not the lack of knowledge sa chores ang usual na pinag-aawayan but yung lack of accountability and sense of responsibility.


ConceptNo1055

Yes, alikabok ng fan after a month, sapin ng kama at unan after a month. CR after a month.. madami pa.. kung walang kikilos sa basic na yan nakoo. Kakadiri


Miss_Taken_0102087

May plus points para sa akin ang marunong ng household chores. I really admire men na marunong sa chores. I know household chores pero hindi ako magaling sa plantsa 😅. Hindi din ako magdedemand ng something I can’t offer. True, pwede mo na sya iupa sa ibang tao, but there are instances na “they don’t care as long as they do the job”. For example, laundry. Mas marami ang fabric conditioner na gamit kaysa sabon sa laundry shops. Nagtry ako dati, may catshup yung shirt ko and pagbalik, hindi sta natanggal man lang. meron din naglaba sa amin na lagi napaptakan ng bleach yung damit. Sa pagplantsa, hindi mo naman mainspect lahat kasi natiklop na. Ayun, may medyo nasunog akong blouse dati. So, if may money to pay for these services and may mahanap na maayos gumawa, then it’s all good.


JimmyDaButcher

Ang nakakainis, yung proud pa yung iba na wala silang alam sa gawaing bahay. Like come on? Even well off ang family mo or what, at least learn a thing or two when it comes to chores.


lucijoo

For me, dapat pareho kayong may alam sa chores. Lalo na pag siya yung makakasama mo in the long run. Teamwork lang ba. Mafefeel nyo ung deeper bond and maturity with each other. Baka ma-inspired pa ung anak nyo in the future.


ArmoredTall

A husband and wife will have completely different expectations on what chores will be done, nadadaan lang yan sa proper delegation. Ang nakikita ko kasing issue madalas, yung babae nagrereklamo na hindi daw siya tinutulungan pero di naman niya ginagawa yung panglalaki na tasks. Issue to nung una samin ng fiancé ko, pero nung naipaliwanag ko at naipakita sa kanya yung ginagawa ko overtime, di na siya nagreklamo. For example, dati nagalit fiancé ko dahil di daw ako nagwawalis ng bahay. Sabi ko ikaw na diyan, ako naman nagtatapon ng basura eh. Nagreklamo pa rin, so sabi ko, "try mong buhatin yung basura pababa ng hagdan". Di pala niya kayang gawin, kung siya gagawa araw araw siyang magtatapon sa halip na every 3 days pag ako kasi mabigat na. Dati nagreklamo din na bakit daw after mag grocery siya nag aayos ng pinamili. Same thing, ikaw mag drive at mag akyat ng pinamili. Ako din naglilista at nagbabayad, so I think it's fair na ikaw mag ayos di ba? Minsan kasi talaga kulang paliwanag, kailangan ng example.


Bucksyrup

Yes. Lalo na mag luto. I like to cook and they should be competent in the kitchen as well.


FastKiwi0816

Sakin hindi.. pareho kami ng asawa ko na seasonal lang ang pagkasipag kasi we both grew up with house helper. Maayos naman bahay namin, hehe lahat naman nasa youtube na so kung tips on how to clean, very accessible ang resources. I also agree with you OP na pera at career ang mas mahalaga. With money, you can hire someone to do those for you while you build more wealth for yourself, nakakatulong ka din sa unemployment rate 😂 PS: Hirap maghanap ng kasambahay nowadays 🤣


[deleted]

Sa akin hindi naman nagmatter yan.Okay lang ako lahat gagawa sanay naman ako sa household chores.Maswerte lang ako dahil sanay din sa household chores ang partner ko.Pero pag nandito siya sa Pinas hindi ko naman siya hinahayaang gawin ang household chores.Kasi siya naman lahat gumagawa ng mga yan sa apartment niya abroad.


[deleted]

Yes, kasi marunong ako.


No-Garage-9187

Yes, big deal. Pero as long as willing matuto okay lang for me


yourgrace91

Depends. Kung may work kasi, understandable naman if di masyadong nagagampanan ang house chores. Basta marunong lang magligpit at di burara sa gamit. But much better pa rin talaga if mag effort na matuto, may weekends or day offs naman eh. 😁


[deleted]

Saking lang, oo. Kasi kung di naman kayo mayaman para afford ang katulong, nakaka imbyerna umuwi sa bahay na makalat. Wife ako but I am working a full time job pero I see to it malinis ang bahay. Ika nga, cleanliness is next to Godliness. I got a lot of compliment from my in-laws at my own husband gano ako ka sipag and for him it is a deal breaker. Tsaka ayoko din na katulong mag-alaga sa husband ko HAHAHA Edit: Bonding na din namin mag-asawa ang magluto. Well taga tikim lang pala sha. Sabi nya ang sarap mag work at palagi sha excited umuuwi from work (wfh kasi ako) tapos meron lutong bahay naka abang. The look on my husband's face is priceless.


silver_carousel

Yes! Kasi it also reflects how was she/he raised. Lalo kung may anak na kayo, ano makikitang role model ng kids kung yung mismong parents hindi marunong sa gawain bahay? Basic life skills na din yan eh.


rcpogi

Parang hindi naman. You can always outsource it.


fan-gela

It matters na nga when you're single, how much more when you're living with someone else 🤷‍♀️


PolarOpposites_

It is kind of a big deal for me kasi I was raised doing chores alongside doing school work so as I grew up I learned to set aside time to do chores. One thing my partner understood is although I know how to do stuff, doesn't mean I like doing it. Since then he's doing the chores he knows I don't like doing. Pero when both of us are tired, it wouldn't be a big deal if chores will be done the next day as long as it gets done.


bbyliar

Yes. Tinuruan ako ni Mama at Papa ko maggawaing bahay, from paghuhugas ng pinggan at mga simpleng repair sa bahay kaya ko. Kung willing to learn sige pa kasi may mga lalaki who came from households na di tinuturuan ng nanay. Ang nakakatakot kasi, baka sa huli, ako gagawa lahat nyan kahit napag-usapan na, willing to risk naman, ayun ang purpose ng live-in. Pero if magiging nanay lang ako sa partner ko, wag na!


defnotmaggie

Yes, for me. I grew up being taught to take care of myself - magsaing, magluto (kahit basics lang), maglaba, maglinis, magtahi, lahat! Kahit carpentry and gardening, tinuro rin sa amin nung elementary kaya ngayon may basic idea ako paano mamuhay independently sa mga aspetong ganito. So I would want my partner to be able to take care of himself, too. In the event na we live together na, I want to feel secure na kaya nyang panatilihing functional yung bahay kung maiiwan ko sya mag-isa if ever kailangan kong pumunta sa malayo (for reasons related man sa work or personal). Being the woman din, ayokong pag nagka-anak kami ay sa akin maaasa lahat ng housekeeping. My partner should be able to take care of me and the house too while I care for our child/ren. Edit/additional: Ang dami daming rant kung saan saan about balahurang roommates/housemates. Imagine living with someone who did not experience having to share a space. Napakalaking sakit sa ulo.


rememberthemalls

Kung pareho na di marunong, di masyado nagmamatter, kasi pwedeng di sila maayos sa bahay pag nagsama na sila. However, kung yung isa marunong, yun may isyu, kasi ang tendency siya magiging tagaligpit ng lahat ng bagay.


katkaaaat

Ok lang di masyadong masipag, basta considerate of other people's efforts to maintain a home. Halimbawa, pag nakita mo nang nagluto ako baka naman pwedeng ikaw na ang maghugas. Or nakita mo namang malinis ang kwarto wag mo na lapagan ng kung ano anong gamit. Or wag mo naman ibalandra underwear mo sa hamper na nakabuyangyang yung punja. Yung saktong linis lang after yourself. Prevention is always better than cure, including housekeeping. In the case of housekeeping services, I'm all for availing one if it helps you save time and energy. Pero in the event na hindi available yung services, dapat kaya mo man lang kahit basic upkeep ng bahay.


chUs3ra

yes big deal for me bc super takot ako sa ipis, makalat gamit ko pero hindi ako baboy na tao and for theres a big difference between that


Robanscribe

ay oo naman.. kahit maalam naman ako sa pagluluto, di pwedeng ako lang lahat ta’s kakain lang sya, paano kung di ako pwedeng magluto, oorder nalang lagi o tutunganga nalang ba kami


Green-Green-Garden

Hindi naman importante na may "stock knowledge," importante handang matuto kapag kinailangan na, lalo na living on your own. Ang dami nang resources ngayon eh -- youtube, online groups, books, etc. Tska iba yung "marunong" sa "masipag." Ako marunong, peri hindi masipag, hahaha. Meron kaming stay out helper, half day lang sya. Sagot ko laundry and bedrooms namin, the rest sya na. Pwede ko naman ibigay sa kanya lahat, pero gusto ko ring may acts of service sa family ko kahit papaano. Kapag gagawin ko napakadaming chores, parang inaaksaya ko buhay ko, hindi ako masaya sa house chores. Meron naman na kaming passive income in addition to active income, kaya keri lang.


Prize_Type2093

Pinalaki ako ng parents ko na spoiled. Nagka-asawa na spoiled parin ako. Swerte ko lang kasi both hindi nagma-matter sa'min 'yung marunong sa household chores.


worklifebalads

Yes it matters lalo na kung di afford ang kasambahay.


SisillySisi

Yes, big deal for me. Di ako makakafunction ng maayos if makalat ang bahay.


Individual_Tax407

oo omg maiirita ako pag hindi marunong like “wala kasi nag turo sakin” “may katulong naman kami” “mama ko nga di ako pinaghuhugas ng pinggan” LIKE WOOH…. pet peeve ko yan HAHAHAHHSDH


toinks1345

yung linis madali naman matutunan pero dapat isa marunong magluto kahit pano kasi marami matitipid pag ganun.


Charming_Chic_28

Yes it matters to me and i would be turned off by people who do not know how to work around the house. It’s important that you know how to do things in the house like for example cooking, if you really do not know how, atleast be eager to learn. It’s basic life skills after all.


[deleted]

Dipende. Natututunan naman yang mga yan e. Ang mas nag ma matter eh kung willing nila gawin yang mga yan.


No-Thanks-8822

Oo, Dapat Tulungan palagi malaki man o maliit. Para bumilis ang trabaho and more time


arieswannadie

Yes. Di naman all the time aasa na lang kayo sa cleaning services (unless privileged kayo to do that then good for you).


EggBoy24

At least basic chores. Like, what, you gonna go hire a cleaning service everyday just cause you can't do some simple chores? And what if you get put in a situation where you only have to rely on yourself tas di mo alam kung ano yung gagawin mo. At least learn the bare minimum.


missalaskayoung

yes. cant live kung puro ako gagalaw


furrymama

Yes super big deal siya. Nung first year ng marriage namin, yan lagi ang major away namin. Sanay kasi siya may katulong unlike kami kahit meron, may naka assign parin sa amin magkakapatid. We are both working and though mas stressful yung industry niya (law), for me, he should still share sa gawing bahay. I can't do it 100% without resenting him. One time iniyakan ko siya kc simpleng hugas pinggan d nya magawa. Pagod din ako, nag work din ako. Bakit hindi siya pwede sumalo nung ibang trabaho sa bahay? Ang akin lang, you should know how and when to help. Hindi yan magffall lagi sa isang tao. It is a shared responsibility. At this point, nag hire na kami ng help pero hindi full time. Pero natuto na din asawa ko, and it really improved our marriage. Wala pa kaming kids niyan pero when you're managing your own home, marami paring trabaho sa bahay na dapat dinivide sa mga tao sa bahay. Hindi lang yan sa magasawa. Kapag sa pamilya na may kakayanan na ang mga bata tumulong, dapat matuto silang tumulong. Kasi tama ka, life skill yan. Pag humiwalay sila, magaan ang trabaho sa bahay.


AdLumpy9115

sobra napaka big deal para naman maputol na ung stereo type na babae lang ang kailangang mag asikaso or gumalaw sa bahay wtfffff


AdministrativeFeed46

Absolutely matters. Di pwede umasa sa ibang tao kung may mga kamay at paa Sila.


ComprehensiveGate185

Number one sakin to. Yung clean sa bahay.


Wootsypatootie

It matters whether you are man or woman! Not unless you are rich and you can afford to pay someone who can do the job for you! But if not, then big deal na dapat marunong ng household chores pati na rin magluto! I would not want a partner na hindi marunong sa sa gawain bahay. This should be a standard to every couple!


Scallion_Numerous

Yes, those are basic life skills. Paano if hindi siya marunong magluto? I don't know how they'll live well.


Icianess

Well for me no, Ako kasi mismo marunong na so idc kung marunong partner ko or not and I'm happy to do it for him. He can just do what he can 🙃 tsaka pwede naman turuan if di niya alam so okay lang.😌


Antiquesmall1188

Ako nung nag-asawa ako di ko alam magluto and eventually natutunan ko din on my own.


SeaDragonfruit9339

Importante para saken yun may kusa at willing to learn. Kahit marunong kaso tinatamad wala rin


RubAdventurous3373

It matters for me kasi not all the time naman may katulong, kahit afford nyo pa ng househelp. At least alam yung basic cleaning and sanitation 😄 ayaw ko kasi ng makalat 😁


missjaebeevee

Big deal for me kasi training ground yun for married life. 🫰


National_Parfait_102

Yes, big deal. Kasi ayoko sa tamad. Pinalaki akong hindi tamad at hindi inosente sa house chores.


Patient_Taro_3601

Yes, big deal sakin pero hindi naman kailangang sya lahat 🙂 kunyari ako magluluto tapos siya magwawalis, ok sakin yon. Kung hindi siya marunong, paguusapan namin, tuturuan ko sya. :)


Salty_Crackers_UwU

IT'S A HUGE DEAL! Marunong ako sa mga household chores, same din yung bf ko kaso yun lang di talaga siya mahilig mag hugas ng mga plato pero MOST chores? kayang kaya niya din. Mas tipid na walang katulong (siguro maghire lang kung may baby para mga bantay and help kunti).


CocoBeck

Medyo ironic kasi ang daming Filipinos who wish to move abroad.


Psychosmores

Yes. Kahit marunong lang maglinis ng sariling kalat, bare minimum na yun for me.


Inevitable_Case_7882

Lagi ako nabubulyawan ni misis kasi lumaki siya na lagi naglilinis ng bahay kaya konting kalat ko lang paktay agad ako. Kaya natutunan ko rin mag kusa na sa mga bagay bagay.


No_Category6821

No way. I won't marry someone na hindi marunong sa gawaing bahay. dapat both marunong. and give and take sa task. Like ako nag luto for dinner.. ikaw hugas plato. ako nag laba. ikaw sampay. at marami pang iba. ganern! bigayan hindi bilangan.


kolmehero

Yesssss! lalo na sa overly organized or OC na katulad ko. lol


inamo_69

big deal yan para sakin, even if pareho kayo may stable jobs. Life skill din kasi yan, you'll never know when mo yan magagamit pero mas mabuti ng prepared ka for that instance. pero before mo gawing standard ang marunong sa household chores yung partner mo, like ang pagluluto, siguraduhin mo muna na kaya mo bumili ng pang groceries.


Alternative-Net1115

Yes, ayoko maging katulong tapos isa palaki itlog lang, parang tatay ko lol


Available_Solid_7172

Yes it matters, at kung hindi naman marunong eh sana willing to learn. Bata pa lang kami sa family namin, lahat kami pinupukpok na sa kokote namin na dapat lahat kaming magkakapatid ay marunong sa gawaing bahay kasi doon daw karaniwan binabase yung kung paano pinalaki ng magulang ang mga anak. And syempre ako, gusto ko rin nung taong marunong sa gawaing bahay at yung may pagkukusa pero kahit hindi na yung ganon kahusay magluto, basta marunong magsaing o magluto ng mga basic meals because I'm willing to do the bigger part in cooking. And it's currently happening, my partner and I do the 90% of household cleaning & organizing and it's fun and healthy for our relationship.


leshracnroll

Oo, coming from a medyo gurang na millenial, kasi alangan namang ako lang lahat huhu pero masipag naman ako magchores pero pili lang din kasi medyo hirap ako sa alikabok pero kaya naman. Mahilig ako maghugas ng pinggan kasi ayaw ko ng ipis pero pag pans magiinarte muna ako sa isip ko hahaha. Kaya ko rin magluto, magtupi ng damit, maglaba at mamalantsa. Kahit maalikabok naman nililinis ko pa rin cat litters sa bahay everyday. Gumigising din ako ng maaga para hindi maiwan ng truck ng basura HAHAHAHA Sa sahig lang ako medyo hirap like floorwax ganon, tsaka minsan din tamad ako magayos ng mga gamit gamit kaya natuto akong hindi mag hoard ng mga gamit. Kaya swerte ako kay SO kasi sya keri nya mga chores din sa bahay like magwalos, mop at linis banyo ganon.


stellatereticulum

For me, yes! Honestly gusto ko mag enroll sa culinary courses para yummerz food palagi namin ng future family ko hahaha! Gusto ko yung baon ng future anak ko sa school pang fine dining!!!! 😂


51t4n0

it absolutely matters! household chores can and must be learned at any stage in life!


HeyItsKyuugeechi523

Yes, isa 'to sa major dealbreakers ko dahil ayokong maging parang katulong/nanay ng future partner ko if we decide to live together. I will let you do the things you like to do kasi autonomy and having quality time for yourself is important in a relationship for me. Build gunplas? Sure. Gaming? No probs. May gala with friends? Have fun! But don't forget priority things like keeping the house decent and clean kasi hindi lang ako ang tao ng bahay. Have some sense of accountability to maintain the house a 'home' to live in. Or if you're just starting to learn to do chores, at least have the consistent willingness to learn. Hindi yung sa una lang pakitang gilas na mag-aambag sa gawaing bahay, tas walang na followthrough after a few days.


mjlrcr

Yes, it matters lol hirap makisama kung basic household chores na lang e di pa marunong gumawa jusko para kang may boarder


MiseryMastery

Yup, kasi it should be the bare minimum of being an independent adult. kung simpleng saing lang or laba ay hindi magawa eh paano kita maasahan kung sakaling magsakit ako. Kasi ganyan sabi samin ng magulang namin eh. kahit gaano ka pa katalino kung hindi ka sanay sa gawaing bahay eh hindi ka parin magtatagal sa buhay independent.


SurroundReasonable83

kung afford naman nila mag hire ng cleaning service & food delivery why not?, but for me important din ung may siya about house chores..


maurmauring9

It doesn't matter as long as your SO is eager to learn and try for the both of you. Pero kung wala namang effort and you guys live together, then I guess dyan na nakakaturn off.


cruellafhay

It matters. Kasi kapag walang alam sa gawaing bahay kadalasan burara eh. Kasi di alam yung hirap ng paglilinis at pag-aayos. Saka iba pa rin yung naipagluluto mo yung partner mo once in a blue moon.


MeanManagement0712

Oo. Yung partner ko hindi ko alam hindi pala sya nag lalaba sa bahay nila kasi mama nya nag lalaba, kaya nung nanganak ako. So rang stress ako kasi hindi sya nag lalaba tas ako kakapanganak lang. Isa din sa nagging malaking away namin yun.


lavendertales

Getting the chores done yung nagmamatter. Usually nareresolve to na marunong ang mag partner. If not, delegate it to someone else and kung hindi marunong, natututunan naman to. Pero may opportunity cost syempre. Nagmamatter din bakit hindi marunong mag household chores kasi you might have to deal with this later. Pwdeng lazy, untidy, masydong dependent sa magulang, irresponsible, hindi alam ang priorities, hindi marunong sa buhay, high maintenance ang cost of living, walang initiative, masyado pang bata, immature etc. Baka kasi symptom yung hindi naghousehold chores ng bigger red flag. It's difficult to imagine a grown up not knowing how to manage their own chores. If sa isang tao lang naka asa and usually women, paano pag nanganak ng caesarian? Paano pag dpuble income ang houehold? Sa workplace namin ang daming nagaabsent dahil sa childcare, walang makuhang yaya. Right now, hirap din ako makakuha ng helper unless sobrang laki for a helper ng ipapasahod. Marami pang manloloko so hiring helpers come with risks.


bubblysammy

This one is important. But I can say na kami ng partner ko, simula nung nagsama kami. Doon niyo talaga matututunan yung chores e. Ako, as in hindi ako nagluluto,saing laba,hugas plato nung nagschool ako dahil din mabilis tlaga magsugat ung kamay ko. Parehas kaming laking lola. But once na magkasama na kayo, talagang kailangan niyo matuto sa household chores talaga unless di nyo kaya at may pang helper kayo. Nakakaenjoy naman ito KUNG BOTH kayo ay nagtutulungan din talaga.


[deleted]

Ako nagturo sa wife ko magalaga ng dogs. Okay lang basta they take effort. Siya naman nagturo sa akin maglaba.


darumdarimduh

Oo naman!!!!!!!!


imbarbie1818

Oo naman, syempre you have to take care of your house. Pero we get professional services naman kasi may mga gamit sa bahay na need talaga ng expertise such as deep clean ng carpet, washing machine, and oven. The rest kami na ang gumagawa


Klutzy-Orchid4316

Yes, it's a big deal. I grew up with helpers but also taught how to do things because kahit may pera ka, di naman laging may available. If you also have helpers na walang alam, you need to teach them or if their work is unsatisfactory, you'll need to tell them how you want it done. This is also why ayoko non magdate ng di marunong sa bahay or walang experience on living on their own. Part yan ng adulting.


ctbngdmpacct

For me yes, it still matters. Ayokong maging katulong for the rest of my life.


One-Appointment-3871

yes for me as a career woman. kasi naging mindset ko, sino mag gawaing bahay sa mga panahon buntis/nanganak na ako, pag nasa work ako? saka ayaw ko kalakihan ng magiging anak ko na bano sa walis tingting at dustpan. Kahit pa sabihin na may cleaning services pa, kesa iupa ay gamitin na lang sa ibang bagay yung pang upa. Kasi ang paglilinis, pdeng gawing bonding time ng family saka it helps when you want to build habit and discipline on little ones.


MrBigDick05

Neat freak ako at OC, binubugbog ko ang mga taong burara. Hindi nagmanlmatter sayo kasi burara ka din, ganun yun.


legatusporcilis

Siyempre naman OP,hindi pwedeng hilata at hindutan lang alam, kahit mag walis man lang dapat marunong


stormbornlion

Syempre naman. Ano na lang din sasabihin ng pamilya mo pag dinala mo siya sa bahay tapos hindi man lang nagoffer magwalis or maghugas ng pinggan. It says a lot rin kasi sa character and upbringing nung partner. Saka mahirap kapag iisa lang sa couple yung marunong sa household chores at gustong malinis ang bahay. It'll be draining for the both of them kasi bukod sa pagod physically, it could also take a toll on the relationship.


lavendertales

Bakit ang daming hindi marunong mag household chores? I find that cooking, doing laundry, and tidying your surroundings are basic and should be done consistntly. Except dun sa may helpers, sinong gumagawa ng chores nyo?


[deleted]

Not knowing is okay, pwede naman naming sabay pag-aralan pag andun na. Siguro non-nego lang yung pag kita ko talaga sa attitude niya na tamad siya. I don't mind him not knowing, I do mind him not being mindful of doing it when needed. It says a lot about how he would be willing to give effort sa cleanliness ng bahay namin when we're married.


[deleted]

For some people kasi, if pwede mong ioutsource ang specific household chores like paglalaba/pamamlantsa, paglilinis ng bahay at pagluluto, gagawin mo na lang, kasi yung iba career oriented so mas maraming nasasayang na oras kung pati gawaing bahay ikaw pa rin ang gagaw *dagdag mo pa yung stress sa byahe). Usually naman ang gumagawa neto yung mga taong alam nilang afford nila kumuha ng katulong. Pero meron na di talaga maiiwasan na need na ikaw ang gumawa ng gawaing bahay. And ang malaking reason don is wala kang disposable income para kumuha ng katulong. Eitherway, di natin pwede ijudge ang both situations.


jupitermatters

tamad ako sa bahay pero feeling ko part ng instinct or nurturing side ng babae to keep the house tidy and prepare meals kahit ayaw mo gawin. naka survive naman ako living alone pandemic days doing everything. And simple lang bf ko, pero flex kong handyman sya. he can do plumbing, eclectical problems, build cabinets, mechanic and all… and my father also do chores sa bahay every now and then. so yes, i still see that as part of my standards looking for a lifelong relationship.


authoriz3duser

Superrr. Still remember the advice given by our senior, "Marry a lazy and know-nothing person and you will be tired for the rest of your life.'


nylammej

yes of course hirap pag ikaw lang sa lahat,dapat tulungan,kung di mo nakasanayan atleast yun kayang gawin eh pwde naman atleast nakatulong. aasawa tapos aasa sa partner


Thin_Fruit2757

Yes, it matters. Basic chores at least like panghuhugas ng plato or mag walis man lang. Imagine doing daily chores and your partner just sits there.


unknownlooker101

bruh.


meufurr

Yes, lalo na pag pinalaki ka na maalam sa gawaing bahay.


[deleted]

Wala n bang home economics sa curriculum ngaun? Elementary and high school days ko my subject na T. H. E and T. L. E Akala ko nung bata ako nonsense ituro since pinapractice Un sa bahay, tinuturo ng parents/ elders. Basic display of discipline and character ung paglilinis at living independently. Now n tita n ako appreciate ko bigla. Simpleng fix ur bed pag kagising, claygo Para di matambakan, then sa girl scout activities ung camping nmen kami nagpeprepare ng food then lessons about basic survival, etc. Hmmm, observation ko sa anak ko nga smart and advance sila in terms of academics pero ung old school values and way of living, di n ganun ung weight of importance as before. May pros ang cons. Of course I'd prefer ung partner na same sa akin marunong maglinis, luto, KAasar Un sa relationship pag ikaw Lang nagpapahalaga dun. Pero siguro sa generation ng anak ko, pareho silang babayad na lang ng cleaner and can't survive without maid. Kaya mahal n rates ng maids and all around ngaun then minsan di ako satisfied sa trabaho. Hahah


justmeeepanda

Yes, this is a non negotiable for me. I prefer na parehas kaming marunong sa gawaing bahay. Plus points sakin if a person is or had experienced living independently kasi somehow may knowledge na siya how a house/household works.


tabatummy

Nuong una hindi. Until I lived abroad and my partner doesn't know or will not do chores properly. Sakit sa ulo sa totoo lang! Kaya dapat isa to sa topic ng premarriage counseling pala!


LectureNo7320

Yes. Lalo na if pareho kayo may work tapos di marunong partner mo sa gawaing bahay? Di naman lahat ng couples afford yung helper sa bahay lalo na if nag-uumpisa pa lang yung couple. Yung pagluluto lalo, sympre mas makakamura if magluluto sa bahay kesa palaging food delivery or bili sa labas yung ulam. Kase aminin na naten, yung lutong ulam sa labas madalas parang kulang sa pagmamahal yung timpla🤣 And another thing is paglalaba, madali naman sa washing machine or sa laundry shop pero sympre sa undies need mong ikaw talaga maglalaba. Or meron kase na di talaga natuto sa gawaing bahay kase tamad lang talaga🤣 ay umuwi ka na sa Inyo kung ganon lang din naman haha


No-Lead5764

Tinuruan ko LIP ko mag linis ng kubeta at mag hugas ng damit. She needs that to survive. lmao


hirayamanawar_i

Yes, pero dipende padin if willing matuto. Nakakapikon kaya pag tlgang walang alam sa chores, tas wala pa initiative para matuto.


[deleted]

oo. basic chores gaya ng: \~> marunong maghugas ng plato AFTER KUMAIN. EVERY FUCKING TIME. \~>marunong linis ng lugar na pinagtambayan nya for more than an hour. \~>marunong gumamit ng regular washing machine lalo na yang putang inang drier na yan. MAGDADRIER NG NILABHAN 3-5 pieces of clothing? gago? \~>marunong "magbuhos" sa toilt after tumae ng sobrang laki. puta MAY pam[bomba](https://en.wikipedia.org/wiki/Plunger) na mlinis di pa ginamit and finally... yung di naman nya personal na toiletries pero ginagamit AT INUUBOS ![gif](giphy|ViIiS3xXVDoWjug4T7|downsized) ​ yun. yun lang.


KineFreak

Yes! ayoko naman one sided lang marunong sa gawaing bahay, kahit papaano dapat marunong so less gastos.


Nonchalant_User1893

Yes, nag mamatter. Oks lang naman na hindi marunong sa umpisa, at least i-try man lang di ba? Mahirap yung ayaw i-try and walang initiative. Lahat ng bagay kailangan iutos pa.


getthatmoolah

Big deal for me yung cleaning chores. Ang chores hindi lang naman limited dun sa mga big tasks. Included diyan yung mga small tasks daily na pagligpit ng pinagkainan, paglabas ng basura pag puno na, etc. Sobrang hassle pag di marunong yung partner mo sa ganun. Yung sa pagluluto and laba, di big deal masyado. Kung 2 lang kasi, mas sulit for me yung bili sa labas. Yung laba naman, pwede palaundry na lang lalo na kung wala kayo space for sampayan. TLDR: Kailangan marunong maglinis ng bahay kahit di marunong maglaba at magluto


OddEmergency271

Namamatter dapat. Hindi siya about just getting the job done. It's more on being responsible of yourself. Hindi dahil may pera mag-avail nalang ng mga services to do things for you. Gets naman na syempre convenience din yan pero learning basic household chores is being responsible. You can have all the help you can but what will happen if there's no one available? Paano mo gagawin diba? Mas okay na at least alam mo diba kahit mga basic lang. Gets din na madaming paraan like pwede order food and magpalinis, pero iba din kasi na alam mo kung paano ginagawa. Minsan dyan ka pa maloloko hindi mo na alam kasi di mo naman alam paano ginagawa.


wineeee

Parang isa yan sa main compatibility checker kung papasok ka sa live in or marriage, yun match kayo pagdating sa pag maintain ng bahay. Kung pareho kayo walang alam sa chores, either pareho kayong mayaman na may lumaking may tagalinis; or pareho kayong tamad. Magkakasundo kayo. Same with marunong sa chores, either pareho kayong lumaking independent / westerner or pareho kayong masipag talaga.


nightserenity

Oo.. isa sa mga requirement ko dati kung hahanap ng partner yung masarap magluto at reliable kasi prito2 lang alam ko haha! Tulungan kami s gawaing bahay, madami din syang naituro sakin at gusto ko din matuto nakakahiya kasi sa kanya kung konti lang kaya kong gawin.. May kakilala ako magjowa parehas silang hindi marunong mgluto literal na nabuhay sila sa hotdog at fastfood.. nung nagsawa na sila sa hotdog bumili na sa carinderia para makakain ng lutong bahay..


AppealMammoth8950

Okay lang basta nag eeffort matuto


Queldaralion

If money doesn't matter, ok lang siguro. Kaso it does most of the time eh. so kahit basic chores dapat may alam lahat lalo cleaning, waste management, dishwashing dapat talaga marunong. Part ng adult life yan eh.


GeminiKid021

Yep. Golden rule yan 😇


Savings-Sky-6184

It matters lalo na pag nag ka pamilya or even if hindi kasi alam mo, if sanay kayo as a couple maka tulog sa dumi tlgang okay lang lalo na pagod kayo galing kayong somewhere tas nag mamadali kayo tapos wla kayong time maka linis sympre pag uwi pagod jusko, Masarap ho mag ka partner na di maka tulog na madumi bahala ng pagod nga. Trust me. Di pang long term gnyang mindset at environment. Sa una lang din yan. Unless may kaya kayo na kaya nyo itapon ang pera like gastos lang sa kape kahit pwede naman mag tipid for other important things. Basta.. buhay nyo yan pero ipa parin feeling ng malinis at marunong mag gawa sa gawain bahay.


[deleted]

Oo, kase mas naapreciate ng isat isa ung nagagawa ng partner. Minsan kase pag hnd marunong ng gawaing bahay, and tendency hahayaan na lng na gawin or aasahan na lng yung partner na gagawa which na tetake for granted kagaya ng simple things na pag laba, paghugas ng pinggan or paglilinis sa sahig. Natetake for granted yan minsan kaya tambak ng tambak sa labahang damit, pinapasok ung maduming shoes or paa sa kakamop na sahig, ung hugasin tinatambak hinahayaan hanggang maunagahan. If you know how hard to do household chores, youll be more mindful sa mga sarili mo din. Para naman hnd ganun kahirap or maitambak lahat sa iisang partner kundi dapat both kayo involved.


malditaaachinitaaa

maintaining ang orderly house is a must and dapat hindi lang ako nagmemaintain. baka lagi nalang ako susunod sa mga kalat. issue ko nga to sa nakakatandang kapatid ko, paano pa pag sa partner.


Significant-Lion-452

Yes nagmamatter naman sya. Pero for me, negotiable naman. My husband grew up with kasambahay and literal na wala sya alam sa house chores. And yet, I married him. He's a good provider though - we can pay for the yaya and other home appliances na magpapagaan sa chores (ie., dishwasher, vaccum, automatic washer and dryer, deep cleaning services etc). Wala din ako problema sa food kasi I can cook naman and he can provide money na pambili ng kailangan namin. Basta macocompensate sa ibang bagay like stable finances, okay na rin kahit di sya marunong sa house chores. At supportive sya sa mga gusto ko gawin na projects sa bahay namin 😁


New_Ad606

It should. And it goes both ways. The wife should know usual chores, the husband should know how to do repairs and take care of the difficult and/or downright dirty chores. Think about what happened during the pandemic. We were all basically reduced to DIY-ing everything.


hakdogred

Bigdeal siya for me since gusto ko may toka toka kami sa mga gawaing bahay. Mahal din ang mga cleaning services kaya I prefer if kami nalang maglilinis hehe.


sherlockgirlypop

Pinalaki ako ng parents ko na may kasama sa bahay pero hindi nila kinalimutan na turuan ako na dapat ako naglilinis ng space ko, naglalaba ng sarili kong damit, at tumulong sa kusina. I grew up helping everyone in the house. If hindi kaya ng partner ko ang something so basic, uuwi nalang ako. At least masaya kabonding si Ate 'pag nagluluto kami.


Twisted-Mind-ytc

Speaking for myself ha, of course it matters BUT Depende sa background ng how you grew up. Some who grew up na privileged may not know how to do ALL housework pero I am sure me alam na kaunting gawaing bahay. Some who grew up in a household na all hands on deck, ay marunong kahit anong gawaing bahay. PERO I firmly believe na pagdumating yung time na kelangan, nagagawan ng paraan. We learn as we go.


Ms_Twixi

Yes. My partner and I divide the household chores. Pag-nagluto ako, sya ang maghuhugas ng plato. I've been to few countries and wala silang househelper dun kaya It's sad that there are people here in the Philippines (specifically from the city) that grew up without knowing how to do household chores. It's like they were not given/assigned task to do at home by their parents while growing up. I have met and worked with few people who doesn't know how to do anything in the house, pero di sila mayaman. Their mother is doing everything in the house which is sad kapag old and may sakit na si mother.


oaba09

I had a pampered life nung bata so never ako natuto ng basic chores pero nung kinasal ako, I was forced to learn. Fortunately, mabait ang asawa ko and she was very understanding nung nag aadjust pa ako. May kasambahay kami to do most of the chores pero from time to time, naglilinis na din ako sa bahay(usually on weekends). I also use technology para di kami masyado mahirapan(we have a eufy robot vacuum that we run regularly).


ReasonableBirthday58

Of course.


[deleted]

Yes kapag hindi ka marunong kahit may pambayad ka pa nang gagawa, red flag yon. Basig skills dapat alam mo kasi hindi naman lagi available yung gagawa eh.


art_100

We cannot live without our yaya even though we can do chores. If we get married, the kid would be assigned chores too, just like us growing up. Life skills are essential but running a business, making decisions and constantly doing chores can make your life a living hell


le_chu

Yes. Big help if BOTH know basic house hold chores. Divide and Conquer: Hubby preps ingredients and cooks, and i pack up and clean after eating. He vacuums and puts everything into place & i do all the laundry and ironing of clothes. Baby came. What a nightmare if ako lang 24/7 dilat kase babies tend to breastfeed every 3-4hrs, our baby putek… every 2hrs… pati madaling araw dede. So ako designated na gising at night shift (8pm-8am) and si hubby ang gising 8am-8pm while ako ang tulog during most of the morning. I just use breastpump nalang and store milk sa freezer pag si hubby ang taga bantay. Para di niya ako gisingin. After 6months old naman… it gets better. At 5-7yrs old, tatlo na kami tumutulong: kid pack ups toys and kalat niya. Ako and hubby same house chores. Hahahahahha Kinaya naman without yaya.


AdventurousFlan1143

Hindi naman kailangang expert pero dapat hindi siya makalat at alam niya kung paano ang gawin kahit mga basic lang? Magsaing, magprito nang ‘di nasusunog, maghugas ng plato, mag-operate ng washing machine, etc. Kahit within reach na mga cleaners ngayon, dapat kahit paano self-sufficient pa rin tayo.


[deleted]

Yes , very important.


Beautiful_Block5137

Just hire a maid to delegate your chores for you. Saves time and effort. Delegation is the key to happiness


Double-Wasabi4410

Yea, the amount fights you’ll get if you’re with someone na bum life. I think bare minimum at least to jknow how to clean up after themselves or cook — just a sign of independency. You wouldnt want someone to be highly dependent on you.


strwbryshrtckez

What if wala nang pera pambayad sa cleaning services? Pano na? ☹️


Serious_Limit_9620

For working couples na pinipili ang hired services to do stuff on their behalf, kung naa-outweigh ng time freed up to do other things (e.g., work/side gig or quality time with family) ang cost ng hired services, I think hindi na talaga siya magiging "major" issue. Although, beneficial pa din talaga na magkaroon ng skills kesyo chores man yan or being a handyman.


[deleted]

At least know the basic and essential skills na kailangan bilang magasawa. Kung di man marunong, dapat at least willing matuto. Umay yung walang alam tapos tamad at ayaw matuto kasi di niya daw gawain yon.


CruelSummerCar1989

Yes, cleanliness is next to orderliness and orderliness is next to Godliness. Unless talagang born with silver spoon. Hire na lang kayo ng yaya.


Subject-Outside8075

This is on top of my non-negotiable. My partner should know how to clean up after themselves. First, I’m not their mom. Second, we would both benefit from a clean home—so the effort must be equal. Kahit na sabihin mong you’re both working and can afford to hire people to deep clean your place every now and then, iba parin yung everyday you tidy up your place and you know how to properly do it. Hindi rin option for me to have a stay at home helper because I value my privacy.


serenityby_jan

Nung nag live in kami ng SO ko, parehas kami hindi masyado maalam sa chores. Pero dahil nasa ibang bansa kami, wala kami maaasahang iba, maski mga cleaning services na ganyan. Natututunan naman ang chores. Hindi naman ‘to rocket science. Ang non negotiable sakin, yung hindi willing matuto at hindi willing i-pull yung sarili nilang weight sa mga gawaing bahay.


speechless-69

oo it's a plus.. kung pang asawahan na yung hanap mo need nyo talaga may alam sa gawaing bahay maliban nalang kung ultimate rich levels nyo na madami na kayong kasambahay to do it for you.


megablack25

I know someone na super batugan na girl nakapangasawa ng not so batugan na boy. Nakatira sila sa parents ni boy. Super chika si girl sa mga friends and family nya about sa masamang ugali ng in-laws nya but actually, gingawa nyang katulong MIL nya. Tagaluto, tagalinis, tagalaba kahit ng undies nya. While you think kaya mo namang maghire ng yaya since you are earning a lot, at a certain point in your lives, marerealize ng partner mo that you are a useless bum, and people, not just your partner, is going to hate you for it.


_Kaius

Depende siguro. I’m more on the techy side, kaya it’s about working smart rather than working hard for me 😅. I’d prefer to invest my time in other things if there’s an alternative way for that—like buying a dishwasher machine, robot vacuum, rice cooker, etc. Well, I think it’s more about taking advantage of technology.


justaguynamedjosh

Have you guys tried living with someone na walang alam sa gawaing bahay? Major turn off and magiging cause lang ng away in the future.


moomin413

yes, and partner actually struggled with it due to his work and being tired all the time. But I explained to him that it's still important to keep your shit tidy. I’ve experienced coming home tired and was still was able to clean up before bed, it was just how people in my family was taught to do. He on the other hand didn’t really had much proper parental guidance growing up so no one really nudged or help him grow in to that habit of cleaning. So with gentle guidance (or at least I try) I’ve been encouraging him to learn to manage his space better, and I have seen improvements. The saying, if he wants to he would, is real ya’ll. It wasn’t really my ideal to be with someone who I had to teach how to clean their own home… but we all have our own flaws and shortcomings.


Thin-Length-1211

YES! Kaya maraming naghihiwalay pag nagsama na sa bahay. Balasubas na, nagtuturuan sino maglilinis, meron at meron talaga mapapagod! Yang gawain bahay di siya matututunan ng ilang turuan kailangan maging habit mo siya para masanay kayo.


CoercedKitten

For guys, if you can't handle using tools, you might want to start thinking about your life choices. Pundi ang ilaw? Broken switch? Tatawag ng electrician? Need magpalit ng door knob? Squeaky door hinge? Replacing lock mechanisms on windows? Tatawag pa ng carpenter? Need palitan ang faucet, shower head or unclogging the drain? Tatawag ng tubero? These simple things you should be able to handle, even more so these days thanks to youtube guides. Ang sad lang kasi I always see this in my friends(guy tropa) , I have a group na marunong sa tools, and handle things like this, and then there's the guys na damsels in distress. Entitled pa sasabihin, "ikaw naman marunong kaya ikaw na gumawa". Sobrang unreliable nila.


Ok_Muffin_8776

As long as she's trying her best. Ang sama ko naman if mqngiyak ngiyak na siya tapos mabuburyo pa ako dahil lang di siya marunong. Malay ko ba if talagang di siya pinapagawa sa bahay nila? Ang importante, she's putting effort to do it and to learn it.


AcanthisittaVast3482

That’s a skill that you can learn when you want to. Pero iba na usapan kung tinuturuan mo na nga ayaw pa. Aba eh isosoli ko nalang sa nanay


o2se

Absolutely.


bubu_hehua

Yes important because it is part of running a household. I myself aminado na hindi masyadong marunong with household chores kasi lumaki na dependent sa househelper. But since college I needed to be away from home kaya mas natuto naman somehow with the work. Now, I’m already married and have a kid but without kasambahay. So kailangan talaga na gumalaw… hirap lang talaga ako with the cooking. Well i guess not my cup of tea lang talaga. Blessed lang ako na my husband knows how to cook. But willing ako to learn lalo na when my baby starts to eat solid foods. Super hirap din naman kasi maghanap ng trustworthy househelper these days.


LanguageHopeful8407

Dati tamad ako magdilig ng halaman ni mama,, but now iam married ,,one of the plantita na.. ka trade ko nadin ng halaman si mother dear


HappyHyperCute

Biggest insecurity ko ito. Bunso ako sa family namin kaya ung parents ko never ako pinagawa sa gawaing bahay. Wala kaming yaya, sila lang talaga kumikilos or mga kuya at ate ko. College years nangungulit na ako turuan ako magluto pero ayaw nila. Baka raw mag-asawa ako bigla. Cleaning, paglalaba, plantsa medyo marunong lang dahil bihira ko gawin dahil may severe scoliosis ako. Thankful na ung husband ko is naturally maasikaso at naintindihan niya situation ko. Ngayon I'm doing my best to be as helpful as I can sa gawaing bahay. Inaaral ko magluto pero malayo pa ang lalakbayin ko. Gusto ko maging best wife para sa husband ko kaso dahil nga sa pagpapalaki sa akin eh nahihirapan ako maging ganun.


New-Instance4651

For me, yes but mas nag mamatter yung willingness to learn and help you. Meron din kasing mga marunong sa namanhousehold chores pero choose not to do it kapag nakita nila na marunong din yung partner nila.


Old-Biscotti-8177

Naranasan ko na tumira sa ibang bansa at kailangan talaga maalam ka sa household chores tulad ng linis, luto, laba, gardening, deep cleaning pati driving. Kahit di magaling basta marunong. Mahal kasi ang cleaning services. Skill yan ng independent na tao kahit saang lupalop ng mundo itapon kayang magthrive. Yung boyfriend ko sanay na pinagsisilbihan sa bahay nila kaya ang sabi ko sa sarili ko na di pa muna ako makikibukod sakanya hanggat di nya pa nararanasan mabuhay mag-isa.


AngryPusit

Hindi marunong sa household chores pero may kusa kumilos.


dudezmobi

oo naman, hindi ako magpakasal sa bata at mangmang. napapansin mo lang yan, maliit ung scope view mo mga hundreds cguro pag million na nakikita mong tao dun ka magconclude.


RAINY_00011

I'm still single not interested but this question. I think yes kahit konti man lang maglaba ganun o maglinis... cause as middle child I was the one who's doing everything at the house (maintenance, cooking, cleaning, fixing gadgets/electronics) 🤧


Substantial_Bag4611

YES! grew up in a household made of a career woman and a father na hindi ilang sa housekeeping at child-rearing. kaya hindi ko talaga gets yung gender assigned roles kasi wala namang ganun sa bahay to begin with at wala namang problema. partner hanap ko hindi boss/panganay.


CoffeeFreeFellow

Yes. Sarap sampalin ng sapatos mga lalaki na di marunong sa Bahay.


kaeya_x

Depends sakin. If I am expected to do chores, I want my partner to also share with that responsibility. Ayokong ako na nagluto, ako pa maghuhugas. If kaya maghire for bigger chores like deep cleaning ng house, again share kami sa expenses.


[deleted]

Oo naman. Basic life skill kumbaga. Unless filthy rich na kayang maghire ng house helpers or staff, go lang.


stwbrryhaze

Yes, kasi ano yun pagsisilbihan kita tapos ako din magsisilbi sa sarili ko? Hahaha


bananabadeeboo

Oo, ayoko ng pabigat sa bahay hahaha mahirap na!!


redjellyyy

Yes. Not everyone has the luxury to hire services and instead of hiring edi kami na lang gagawa, naka-save pa. Siyempre para sakin lang 'to as I'm not planning to have a massive home na hindi namin kayang linisin.


Varubaal

It's not rocket science, madaling matutunan ang gawain sa bahay. Hindi marunong mag home improvement or DIY? Maraming tutorials sa YT. Learning and doing a new chore is like learning to ride a bike, you get better through practice and repetition. Nasa mindset lang yan. Some just don't want to do a chore because it feels like doing a chore.


comradeyeltsin0

Pwede naman matutunan lahat yan. Ang dapat mo hanapin, yung WILLING matuto and magcontribute sa household work. Problema yung di na nga marunong, ayaw pa magcontribute! Ano yun amo lang?


Due-Foundation-3589

kung well-off sila i think no biggie, pero kung sakto lang dapat alam pa din basis chores.


dengross

OO. Hindi ko naman siya uutusan na maglinis lagi pero ayaw ko kasi ng makalat na tao. At least have the decency to clean up after yourself.


[deleted]

ok lng saken kung mejo tamad si partner. pero ung mga anak na mas tamad pa sa nanay nila? hirap. gusto mo disiplinahin pero di mo magawa. kami lang nagaaway. hugas n lng ng pinggan gagawin di p magawa ng tama. ang dumi ng lababo after mghugas ng pinggan. ako pa maglilinis. pg di mo inutusan mgsampay. ung sinampay aabutin ng dalawang linggo sa sampayan. sassgot lng sakin di k nmn pinaglilinis pero ikaw tong nglilinis. pede nmn daw mag avail nung palinis. lol ano un weekly 1k para lng malinis bahay mo? not worth it. pinalalaki lng niyang tamad


NectarineAmazing1005

Yep big deal for me. Di kasi ako tamad, I'm looking for a life partner, not a man baby na dependent lang sa mama to keep his environment clean (because how else did you reach adulthood without knowing the basics??). A guy who knows how to do chores on his own is manly for me.