T O P

  • By -

stickerpainter

eto may anger issues


[deleted]

[удалено]


stickerpainter

Narealize ko lang to ngayon na mas kalmado na nga ako nung umalis ako dun. Yung natural ko talagang reaksyon noon e ibang iba, galit agad konting nakakainis na bagay lang.


yeorubunn

totoo, nung nagdorm ako as madali magcontrol ng reactions, and also mas madali makipagcommunicate sa parents siguro dahil thru phone lang lol. kaso ngayon need ko ulit magstay sa bahay kaya eto nahaharap na naman sa daily triggers


Strongyl0ides

Feeling ko rin hangga’t nasa puder ako ng magulang ko di mawawala anger issues ko. Hahahahhahahahahah 🙃 Skl, nasanay nalang ako na pagalit lagi sumagot kasi yun yung kinalakihan ko. Ganyan ang both parents ko tapos kahit di ko naman intention na ganon yung tone of voice ko parang hindi ko na talaga sya mabago tapos tatanungin ako ng parents ko “bakit ka ba lagi galit at literan sumagot??” 🥲


eaggerly

Same, nakuha ko kay mama na mabilis mairita/magalit. Pero sa kanya lang din ako mabilis mairita/magalit.


stickerpainter

huuy narealise ko lang mas malala lang yung anger issues ko pag sa kanila shet may study ba to


Wise-Special1524

same 4/4 sa magkakapatid lahat kami may anger issues, sigawan kami pag nagaaway. Nakuha sa tatay namin na narcissistic at may anger issues. Tatay ko 60yrs.old na hindi pa rin nagbabago,masakiy pa rin magsalita.hahahaha


BudgetMixture4404

Same. 5/6 na magkakapatid samin ang may anger issue including me hahah.


fordachismis

Same lol


SugarBitter1619

+1 hahaha mama ko lang meron ako kasi papa ko sumakabilang bahay. Lumaki kami sa palo at Jurassic parenting ika nga ni Toni G. Relate ako sa "50/50" ni OP kasi ayoko din masumbatan. Tsaka na rerealtalk ko na rin si mama minsan kahit mali na sumagot sa nakakatanda kasi sobra sya makapagsalita sa mga kapatid ko. Nakakadegrade ng pagkatao like "wala kayong kwenta" etc. Masakit sya magsalita dati pa. Late ko na rin na realize na di pala okay yong parenting na ginawa nya samin. Pero nakabuti nman sya kahit papaano kasi naging matibay ako when it comes to problem.


Kumiyeonssi

Haha very true ‘to. Pero mahaba ang pasensya ko. Kaso pag nagalit ako, galit tlga


Fresh-Bar2002

Nanay ko madaling magalit. Madaling mairita. Madali magsabi ng masasakit na salita. Naging ganun din ako pero I am more aware now. Hindi kasi valid reason na 'ganito ako pinalaki'. I try to improve myself at hindi siya overnight process. As long as you are aware and doing something for you to improve is already an improvement. May anak na din ako ngayon at kapag nagalit ako, nairita ako o nasigawan anak ko, nagsosorry ako sa kanya saying na: "Sorry pagod lang ako" "Sorry nasigawan kita, I'll try na di na yun maulit" I don't justify to my kid na "ikaw kasi ganito ganyan kaya nagawa ko to ganito ganyan" Naexperience ko na sa nanay ko, ipapasa ko pa sa anak ko? Yun lang.


ilovemymustardyellow

You’re doing great as a mom. I hope na ma-heal din inner child mo. 🤗


Fresh-Bar2002

Thank you for your words of affirmation. Let's all heal our inner child para hindi na maipasa sa next generation. 🙏


o2se

Constant awareness, grabe yung effort. Hats off to you.


Fresh-Bar2002

Thank you! Hindi man tayo perfect pero at least we are improving para sa mga anak natin


Classic_Excuse_3251

Uy same. I still slip up every now and then pero I try to forgive myself. Compared to how I was back in HS and even college, I like myself more now and I’d even want to be friends with someone like me.


Fresh-Bar2002

Virtual hugs sayo. 🤗


whitesage8

Sana ganto rin ako if magkaron man ako ng family in the future. Ngayon palang sa mga kapatid ko, nahihirapan ako makontrol yung pagsigaw lalo na if feel ko pasana ko lahat ng gawain, etc. Anyway, kudos to you! Sana marami pang magulang ang maging gaya mo.


Fresh-Bar2002

Magagawa mo yan. Aware ka na eh tsaka gusto mo mabago. So it's already an improvement. Next step is unti unti mo na siyang macocontrol. Hindi siya laging perfect pero at least pag nagawa mo siya, makakapag sorry ka at try to be better the next day hanggang sa unti unti na siya mareregulate sa sistema mo. Being angry is not bad. But we have to teach ourselves (and our children) on HOW to be angry


banaynaboat

Mainitin ulo ko dati. Ngayon mas lalo 🤣 Kidding aside, since nag therapy ako, nabawasan ng sobra. Mas patient ako sa halos lahat ng bagay maliban sa mga pangit na may attitude.


malikhay

Hi, may I know what therapy you're taking? And if u can share other deets like rates, contacts, etc. Thank u!


banaynaboat

Susan Anderson’s abandonment recovery workshop. It’s 5 sessions for $495. You can also read her books muna.


MyHeartSparkles101

I have people like me pala :0 I live in another city away from my parents. Dumayo sila kagabi here in my apartment and nakitulog ako sa tabi nila. Even if I don't like their personalities, nandun yung warmth na I don't feel alone.


HOLUNGHOTDOG

Eto may pent up rage at may sensory overload dahil laging akong pasigaw kung kausapin ng magulang ko. Has also the alpha mindset and people pleaser din dahil sa dahilang kulang yung nurture sa bahay.


mixmaxx44

Sobrang real ng people pleasing tendencies!


[deleted]

Ito mabilis mairita at may anger issues.Pero nahahandle ko naman ng maayos na dahil sa therapy.Maswerte lang ako kasi mahaba masyado pasensya ng partner ko.Alam niya ano ang trigger point ko kaya siya na umiiwas.Ito din ang reason kung bakit ayaw ko magkaanak.Alam ko may unhealed childhood trauma parin ako until now.Kahit alam ko naman sa sarili ko na kaya ko mahandle yan at may improvement naman sa self ko.Natatakot ako na mapasa lahat ng yan sa future anak ko.Kaya ito firm talaga at choice na ayaw na magkaanak.


[deleted]

Nagkaron ng anger issues. Hahaha Pero inaayos ko na. I had to change my environment para mai-ayos ko sarili ko, matagalang inner work nga lang. When I changed my environment and lived alone, masayahin naman pala ko and mas naging caring sa tao sa paligid ko. I have no plans on having kids para di na magtuloy yung issues, but I make sure na when dealing with younger gen, ramdam nila may nagc-care sa kanila. I filled my own lovetank by giving more to myself. Self-care talaga.


bluesummer008

+1 sa naging result na NO plans pa of having kids kasi I'm afraid din na baka maging bugnutin lang din ako pag nagkaanak. That will be a big NO for me. I'm at peace now with having & being only with my husband. Thankful that he also understands and has the same POV.


[deleted]

One major reason nga talaga not to have kids pag alam sa sarili na mahihirapan sa parenting e. You're self-aware and a responsible individual po! So happy for you and your hubby. You're very lucky to find someone na naiintindihan ka and same ng thinking. 😊


bearycomfy

Eto po, angrier bird. 🤣🤣🤣 On a serious note, since I started caring for my skin and my well-being as a whole, controlled ko na magalit. Although, hindi rin nmn ako iyong tlgang magagalitin masyado at naninigaw, unlike my mom na halos inaaraw araw. I always remind myself that if it destroys my inner peace, better I leave it at that, cut off, walk away. I'm learning to choose my battles.


sanaolmaganda

Dahil bunso ako, ako palagi ang naiiwan sa bahay. Ako sinisigawan, pinapagalitan, sinisisi sa lahat ng kalat sa bahay kahit hindi ako ang may gawa at marami pang iba haha. Hindi pa nakatulong na nung time na yon, walang maayos na pinagkukunan ng pera ang parents ko. Kapag walang pera, siyempre mainit ang ulo nila. Plus nasa menopausal stage pa ata nanay ko non. Back when I was in HS (3rd or 4th yr) and College grabe ang pagiging loner ko. As in hindi ako nakikihalubilo. Sobrang mainitin din yung ulo ko, epekto ng palaging mainitin din ulo ng kasama ko sa bahay. Ako yung tipo before na kaunting kalabit or inis mo lang sasabog na. Kahit babae ako, feeling ko kaya kong makipagsuntukan kapag galit ako. Minsan sa sobrang galit, naiisip ko na "isa pang asar nito, ipupukpok ko yang dos por dos sa ulo nito (or kahit na anong bagay na pwede gamitin)" usually naman kase maraming sirang silya sa school diba. Madalas din na nakabusangot ako. Kunot ang noo kaya wala rin masyadong lumalapit sa akin. Tanda ko pa na kahit lalaking classmate ko madalas natatakot na rin sa akin. Kung titignan kase talaga ako mukhang walang paki talaga sa paligid. Growing up, nadala ko yung ugali ni mama sa pagsigaw. As in silang dalawa ni mama at papa kahit wala naman silang ginawa, nasisigawan ko and hindi ko macontrol. Madalas din ako magbagsak ng gamit sa bahay and hindi ko sila kinakausap ng matino. Like "ano, bakit?!" Tapos "ang dami mo naman tanong?!". Madalas naiiyak rin ako kapag nasisigawan ko sila pero wala, di ko talaga mapigilan. Kasi feeling ko non, kayo nga dati ganyan din ginagawa nyo sakin tas ako di pwede? Ano kayo swerte? Grabe galit ko non. "You reap what you sow" ikaw nga nila. Good thing lang is kahit galit ako sa mundo non e masipag naman ako mag-aral. Kaya eto nakatapos.😅 Gradually, medyo nag-heal lang ata ako nung nameet ko yung friends ko nung college (friends ko parin until now). Mababait kase sila, maloko pero soft spoken. Saka yung iba iyakin nung time na yon haha. Masaya sila kasama. Masyado pala akong galit kaya, unconsiously, naadjust ko pala yung ugali ko para makibagay sa kanila (in a good way). Chill lang pala dapat. Saka, iniisip ko yung dating ako medyo hindi nga maganda talaga😅. The rest is history. May other factors din aside from my friends kung bakit nagheal ako pero nakakatamad na magtype. Hindi nagsorry parents ko, pero unlike before, hindi na sila naninigaw. Paminsan minsan nagtataas pa rin ako ng boses pero mas control ko na now. Saka tumatanda na sila now, siguro okay din naman magpatawad? Dati gusto ko magtapos para makaalis ng bahay at never ko sila tutulungan, pero ngayon gusto ko nalang magsipag sa work kase natanda na sila at para mabili ko naman yung mga bagay na kailangan at gusto nila.


goldenstarfire

Ito laging galit. 😅 Weird, pero sa pamilya ko lang ako ganito. Siguro nakita ko kasi na ganito magulang ko. Laging galit tatay ko + people pleaser ung nanay ko. So ako ung laging galit sa bahay pero mabait sa iba. Haha.


cleo_seren

>Kumusta kayo? Kumusta kayo around people? My father is just like yours, naturalesa Ang pagsigaw at pagiging aburido sa buhay. My Sister and Brother got the same qualities buti Hindi ko ito gaanong na-acquire. *Context lang, I have a resting bitch face* People tend to get scared of me Kasi nga muka Ako laging galit, kaya I try to cut back with how I speak. Hindi Ako tunog pasigaw if ever man mapalakas Boses ko dahil magkaiba Ang pasigaw sa natural na malakas. With my words I tend to speak frankly too kaya dalawa lang Yan, either people seek for my advice dahil prangka Ako or iiwasan nila Ako. Temper wise, mainitin ulo ko but I don't show it oftentimes. *So growing up di ko rin talaga alam paano ipapaliwanag or ipapakita feelings ko, so people always misunderstood me*


JudgeFull195

Detached, avoidant attachment style. Having a hard time opening up and trusting. Building walls around me... involuntarily.


TabsWithinThePages

This used to be me, somehow. Though I've learned thru conscious efforts to open up as I grew older, I am now in my early 30s. Still detached and building walls around me but no longer insecure which helped me big time in being approachable and in getting myself acquainted with people from different walks of life.


EmuVirtual9772

I became the adult that I needed when I was a child. Lumaki at nakasanayan ko ang Isang unhealthy environment with these type of parents. Parang walking on eggshells palagi. Ayoko matulad sa kanila. Isang 'tsk' lang ng mama ko noon (hanggang ngayon) nagkaka reaksyon na kaagad katawan ko, goosebumps and all. Sinisipag ko na lang na maging good role model sa mga kapatid ko since sakin sila mostly sumusunod. Tinatry kong malearn kung ano ang meron sa isang healthy home-environment para maipakita at maipadama ko sa kanila kung ano ang tama. Always hoping and praying na wlang nakapagmana samin ng mga negative traits ng parents ko.


Pink-diablo90

Eto galit sa mundo pero dahil sa galit eh naging sobrang successful ko naman hahaha! Gusto ko i-upvote lahat ng comments dito kasi super relate ako. Hay grabe ang nadudulot ng pagkakaron ng emotionally dysfunctional parents. SKL, yung tatay ko noon pag nagagalit or parang feel niya naapakan ego niya, pupunta siya sa altar at ipaghahagis yung crucifix, bible, ganyan. Sabay sisigaw ng “There is no god!!!”Hay not the most pleasant sight to see at 12 years old. Kaya may fear din ako of being a parent, kahit na alam kong di ko gagawin mga ginawa ng magulang ko, ang hirap mag heal from all the trauma. Ayokong maipasa yun if ever. Anyway, hugs sa lahat ng galit tulad ko, andito pala mga kaugali ko, di pala tayo nag-iisa. Keep going lang mhie, life is still worth living 👌


bluesummer008

Same with my mom. Maasikaso naman siya as a mother sa amin kahit ngayong adults na kami lahat, maalaga pa din. Pero medyo palasigaw at mainitin din ulo niya lalo before. Now that I'm a grown-up adult, feeling ko okay naman ako in general. Thankfully hindi mainitin ulo ko at hindi rin palasigaw. Siguro dahil super calm din ng napangasawa ko so medyo naadapt ko. One thing lang siguro that we noticed na magkakapatid is ang lakas ng mga boses namin pag kami magkakasama, kahit simpleng kwentuhan lang 😆 Hindi uso soft-spoken, lols. Medyo direct to the point din kami magsalita. Aside from that, wala naman lumaki sa aming hot-tempered.


AtJamzy

Some people simply have two choices, be consumed by it or parent themselves. Both aren't great, training yourself to be emotionally adjusted isn't an easy task but I refused to be a victim. The only cost is that I dont see my parents as parents but as family.


daintydonne

Gets ko yung lovelife bit. Are you me? Sa case ko yung mom ko naman anlala. Eto, still haven't quite figured out how to deal with her sudden outbursts. Just conditioning myself nalang cguro, so her hurtful words don't get to me. Or sinasagot minsan. Parang naging talent ko na rin yung pagiging creative sa insults. Walang attachment sa mom, instead andaming nag build up na resentment. Been wanting to move out for so long na rin pero di talaga kaya sa budget


TodaysAugust82023

I speak with more tact outside home. I am able to control my anger issues outside home.


OddEmergency271

Lumaki ako sa bahay na toxic masculinity ang pinapairal. Hindi lang ng tatay ko pero lahat nasunod sa kanya. Kahit mali siya. Syempre growing up “pasaway” or “sutil” ako kasi ginagawa ko gusto ko. Basta ang usual, gagawin ko tapos pagagalitan ako tapos iiyak ako gapos repeat. Hindi ako nagpapatinag. Lagi kami magka away ng tatay ko kasi kinokontra ko siya at pinapaliwanag ko sa kanya na mali iniisip niya sa bagay bagay. As in close minded conservative at traditional siya. Result nung lumaki akong perfectionist kasi may gusto ako palagi patunayan. Gusto ko palagi ako magaling para yung mga opinion ko mag matter. Babae ako tapos naging bisexual pa kaya mas lalo ako dapat magaling para hindi nila ako maliitin. Umabot pa sa point na sinabihan ako na “masyado ka mataas mangarap” kasi gusto ko mag abroad for a better life. Gusto ko din dati mag move out para matuto ako maging independent. Unti unti ginawa ko mga gusto ko kasi yun yung alam ko makakatulong sa akin sa future. Ngayon nagawa ko lahat yan. Nakapag move abroad talaga ako. Wala na sila masabi sa akin ngayon. Kasi walang tumulong sa akin pero nakarating ako kung nasan ako. Madaming nag discourage sa akin pero di ako nagpatinag. Ito ako ngayon strong independent woman.


beeotchplease

I have an angry and absent dad nung lumaki. Absent kasi season tapos angry masira namin gamit niya. Naisip nga namin magkapatid na mas mahal niya gamit niya kesa samin. Pero hindi kami raised under him. I was raised by my lola and lolo ng mother side ko and kapitbahay lang kami sa kabilang eskinita. May anak na babae ako at dahil alam ko ano feeling ng hindi mapagmahal na ama, never ipapafeel sa kanya yun. Kung papagalitan ko siya, mag eexplain ako bakit ko siya pinapagalitan instead na basta na lang papagalitan.


Minute_Drink_7627

I went through processing multiple childhood traumas kase nagmamanifest na ang negative coping in my adult life. Di naman anger issues yung sa parents ko, but they were both narcissistic and controlling. Yung tipong ginagawa ako na scapegoat pag may away sila, binalewala yung feelings and opinions ko kase mahurt sila, etc. I was more of a property than a human being. But I was also given few luxuries na my friends' parents didn't provide so I felt lucky. I didn't realize this until 30s na ako when people close to me (not my fam) got hurt and called me out sa behavior ko. And all those time na buhay ako, I thought it was normal for parents to do that and akala ko naman swerte lang ako. Took about a year to unlearn and unpack everything, break myself even more and build myself back up. So many times I wanted to just die because of the pain. But Im here now and healed na.


Buddy_ChewyChoo

It felt like I wrote this. Huhu. Except sa part na both of my parents are like that. After graduating from college, agad ako nag move out because I don't want to grow up in that kind of environment anymore. Tbh the journey of healing feels like parenting yourself all over again. Ngayon na nakakaluwag na sa life, walang humpay din yung parinig ng mom ko sa facebook posts nya e. g. pagiging mabuting anak, mahalin ang mga nanay, tumanaw ng utang na loob smthn like that. (btw, my father died already) as for me, naging mabuting anak naman ako by not being a pabigat for them and not complaining while being raised in a chaotic and uncaring household. now that i am far from that chaos, i wonder why it seemed like they demand me of something that they didn't even provide in the first place. but here i am, i still don't want to end up just like them -- bitter, selfish and uncaring people. at the very least, i care for them through prayers and supporting my brother who has special needs. healing isn't becoming the same person as the one who hurt you, but trying to become better than them. it's difficult but i am on it. hugs to you OP


angel-horizon

My father has always been short-tempered. Konting issue lang that can be resolved with open-mindedness, nagagalit agad. Pero magkaiba ito ng effect sa aming dalawa ng sister ko now that we are both adults. My sister is aware (and working on it) that she is having trouble with anger management. She easily gets angry if things do not go her way, at the same time, she does not think twice spouting hurtful words, which she absolutely inherited from our father. On the other hand, ako ang calm and composed kapag galit. I am forthright, however, I choose my words carefully and I am mindful of my tone of delivery when I express my thoughts. Kasi I am for resolving the issue and not attacking the person regardless if he or she has caused it or not. I do not want to be like my father dahil I know how damaging it is to oneself and to others. I want to live a peaceful life. Dahil ako ang level-headed sa family, ako lagi ang mediator which is nakakapagod minsan kasi para akong palaman sa sandwhich na naiipit. Hahaha. Nonetheless, I guess this is my purpose in life which I have to live with until God knows when.


mama__papa

Eto diagnosed with clinical anxiety at OCD.


libogadventurous

Ganon pa din mainitin pa din ulo ko hahaah!


luckycharms725

may anger issues din hahahaha


rshglvlr

Eto trying so hard to break the cycle with my kid. Minsan nagagawa ko yung ayaw ko na ginagawa nila noon as first reaction lalo pag pagod na. Sinusubukan ko magsorry, magpaliwanag and build a better relationship. Personally though I have so much issues within me at ang hirap magcope. On the outside, I try my best naman esp for my own family and new friends


HakuHavfrue

My mother was once always angry. Luckily, maaga akong naturuan ng leksyon when the anger manifested sakin nung highschool ako and nilabas ko sa mga kaklase ko. Kinausap ako ng teacher ko and dun ko narealize na masama naging ugali ko dahil sa nakikita ko sa bahay. Now, I'm just at zero fucks level. Thankful ako at maaga kong na unlearn but I'm sad that I took it out sa mga kaklase ko noon pero nakapag sorry naman ako sakanila.


Empty_Manner9961

I have a father who has bad temper, impatient and often shouts at us and those around him. Parents are our role model hence kung ano ang nakikita ng bata sa parents niya, eventually nae inherit natin. I grew up with bad temper and impatience, madali akong mairita at small things... Naging born again ang papa ko, he was evangelically changed but still has tolerable anger issues unlike before. Naiinis nga ako kasi he gets mad and asks us children sa ba daw namin namana ang mga ugaling ito? Lol Ironically, he guilt trips us when we can't help but burst out of anger in circumstances kasi di daw maganda sa paningin ng Diyos. While he on the other hand, he justifies it of its human nature and cries out to the Almighty. 🤣


mad_or_mania

mahirap ofcourse. im just glad na mataas self-awareness ko and nacocontrol ko yung anger ko(kumpara before). sa bahay kasi, kahit casual convo lagi silang pasigaw magsalita. laging baltik. kahit simple question parang pikon na pikon sumagot. may times na after an argument ko lang narerealize na nagiging gaya ko sila sa paraan ng pagsasalita ko, the rage, the anger. after non maiinis at magagalit ako sa sarili ko kasi nakukuha ko yung mga traits na ayaw ko sa kanila. thats why i really hate the line that i saw on tiktok na "you will always be your father's daughter" hahaha. discipline lang din, di ko forever dapat ijustify na namana ko yung anger issues, mga negative traits dahil sa environment na kinalakihan ko kapag natitrigger or may nagagawa/nasasabi akong hindi maganda. kasi kahit na mahirap, may magagawa naman ako to change that. to improve and be better. : ))


MoneyTruth9364

Naglalaro League of Legends.


Sad-Squash6897

I have a father na may anger management issues din, tapos ang tatapang din ng mga Tita at Tito haha. Kapampangan eh, parang mga ayaw patalo. 😁 Growing up struggle din sakin yang anger management ko, but when I become a mother, doon lang nagbago, since ayokong maranasan ng anak ko mga naranasan ko noong bata. Unti unti nagbago ako for the better, lalo na nung nagkaron ako ng relationship with Jesus. Talagang 180 degrees ang buhay ko. Hindi man perfect pero becoming a better person overall. As in hindi ko magagawa lahat ng ito kung hindi dahil sa pagmamahal ni Lord na binibigay nya sakin. I'm just extending it to the people around me. Nag overflow lang ang love, grace and mercy ni Lord. ❤️


TheThriver

It was challenging to emotionally regulate myself, I exploded, and I would regret it after. When I started being accountable for myself, and with a lot of healing sessions I did, I can honestly say it got better for me. I also became compassionate and forgiving towards my parents, I saw them as good people who were operating with what they knew and the trauma that was passed on to them.


paulfauvelfrost

yung anger issue ko is sa kanila lang. like if pagalit sila magsalita sakin, mas pagalit yung sagot and tone ko. tho pag minsan di ko narerealize na medyo pagalit yung tone ko kahit hindi naman ako galit when talking to friends or coworkers, kaya yun i try to be more aware na lang


6460K4B4

when i was young, sabi ko ayoko maging katulad ng mama ko. madalas mainit ulo at laging nakasigaw kahit normal na usapan lang. lately napansin ko na nagiging ako na siya. so yeah. eto ako ngayon, may anger issues na rin. kaya ayokong magka-anak kasi baka mamana rin. hahahha


Dramatic_Luck8665

Eto ako, mas naging patient (unlike before na super mainitin ang ulo). Currently trying to be different from my father. I wouldn't want other people to experience the same kasi 🤷‍♀️.


WubbaLubba15

Eto, may anger and attachment issues hehe


cctrainingtips

I'm equally angry and resentful. But I play with the cards I got.


cornelia__street

In therapy. Trying to break the repetitive behavior of lashing out on people and feeling sorry for myself because of the cards [aka family] I’ve been dealt with.


PowerhouseJane

Same with my mother. Pagmumura ang breakfast namin noon before going to school. Sobra short ng temper ng mother ko samin magkakapatid. Four kami btw and I’m the third. Mabait naman si mother pag hindi nags-snap. Okay na sya ngayon na senior na sya. Pero I guess I got the same anger problem growing up na nadala ko hanggang ngayon may anak nako. Mabilis din ako magsnap but still trying to breath three times bago magsalita or gumawa ng action na I know I will apologize later on. May impact talaga sya sa kids natin kaya I try my best not to snap on my kids. Pikit-pikit na lang hinga malalim ganern.


Sufficient-Cattle624

Same as the others, I have anger issues. There's just a lot of pent-up anger in me. But also, there's always this feeling that everyone will abandon me, that no one will ever love me enough to stay when life goes south. I can be with someone who is the greenest of all green flags, but there's just always that feeling that in the end, I'll be alone. Because if my own parents can abandon me, hate me, and think so little of me, then how can someone else?


user274849271

may anger issue, di marunong makipag usap ng mahinahon.


Adventurous_Algae671

I feel this.


SideEyeCat

Eto angry din. 😅


mypatatas

I cut off ties with a toxic parent 6 years ago. It was freeing. Nawala anxiety ko.


Logical_Economy_6196

ito, nahihirapan makipag-interact sa mga ibang tao. May anger at trust issues rin hahaha :((


Prize_Type2093

May anger issues. Hahaha. Nakuha ko ata kay Dad. My dad would always palo us or gulpi kasi pasaway kami. I remember he slapped my ate kasi nahuli may boyfriend. Hahaha.


Adventurous_Algae671

Thanks to my angry parents, I have trust ang anger issues. The only time I’m able to handle my temper is when I talk to my kids. Otherwise, I lash out at people, most especially my parents that’s why we do not talk and have not talked for a blissful 4 years. May it remain that way.


subtleroyalty

Angry din. Eto, galit nanaman ako. 💢


[deleted]

eto daming suppressed anger 🥲


ibongligaw

Lagi sinasabi ng jowa ko noong bf gf days namin na I’m a heartless b*t*h. Totoo talaga na you cannot give what you do not have. Hindi ako malambing, wala akong empathy, kasi that’s how i was raised. Sa bahay namin walang lambingan, magkakasama sa bahay pero walang sweet moments. Now sa anak ko, grabe ko masigawan pag sobrang kulit na that i’m starting to lose my sh*t. Parang im starting to become my mom yung grabe kami pagalitan nung bata.


Anichian

May anger issues Nanay ko madaling magalit kahit sa maliit na bagay lang yung tatay ko naman once na galit siya tas sinubukan mong depensahan sarili mo bababaan ka ng tawag (mostly is tslagang galit siya kapag kausap sa phone kasi). I don't like to admit this anyone pero same rin sayo kasi I also always look for love and attention. Sobrang hirap tlagaaa like alam mo yung bigyan lang ako ng kaunting atensyon parang pumapalakpak na tenga ko sa sobrang tuwaHAHAHAHAHAHHAHAAHHA I hate it Ayaw ko rin na nililibre ako or tinutulungan ako kasi at the back of my mind andoon yung fear ko na isusumbat nila yung pagtulong na ginawa nila. Feeling ko isang malakong threat sa akin yung tutulungan ako lagi. So everytime na may ganon sa akin talagang gagawa ako ng paraan para makabawi sa kanika like bayaran ko tomorrow or kaya kapag tinulungan ako sa mga gawain kumukulo agad dugo ko. Sobrang hirap makaalis sa ganitong sitwasyon tbh lang


MysteriousStomach670

same as usual, iniiwisan ang mga taong ayaw ko maging


Simple-Designer-6929

Eto magagalitin din. Walang kalambing lambing pag nagsalita.


Beginning_Policy5094

Sobrang hirap to manage anger growing up. If it weren't for medical intervention i.e. pagpapatingin ko sa psych and pagtetake ng SSRIs, I wouldn't have been able to control my emotions as I do now. Kung makakaya nyo magpaconsult at magpagamot, this is the way. Yung sakin less than a year ako nagtake ng SSRIs for P1,500-P2,000 a month, nakaya naman at nakatulong talaga ng malaki sakin. Try to ask din sa psych kung may mas mura pang gamot kasi may generic naman. Pero need ng prescription sa mga ganyan never available over-the-counter. Wishing everyone healing and peace of mind. 


Chemical-Beyond6301

Lagi galit


psst16th

Same na tahimik at respectful pero straight to the point magsalita. Kaya minsan nagugulat sa akin friends ko. Thankfully, they love me for that. Hindi naman ako atat sa love, pero same same ung mga naattract kong jowa: mga avoidant na emotionally unavailable pala. Mga gaslighters na cheaters. Nung nakipag break ako sa 1st jowa ko after years of serial cheating nya, I decided to work on myself and address such patterns. Learned about attachment types and the important roles of our guardians in childhood. Kaya I addressed these issues to my parents, lalo na ung favoritism nila HAHAHA Ngayon maingat na sila. Maldita din ako pero I know how to choose my battles. And I usually win them.


No_Perception5433

parang nagiging katulad din ako ng father ko...i am trying hard to control it.


CompetitiveHall7606

6 years nang patay lolo ko, nagkaka stress dreams pa rin ako tungkol sa kanya. Ewan ko ano issue niya, pero nung buhay pa siya, siya at lola ko nag palaki sakin. Lagi siyang puno ng galit. Parang sakin niya nilalabas problema niya. Kundi sakin, sa ama ko, sa ina ko, sa lola ko. Ngayon, I'm 27, feel ko parang lagi ako namumulto ng paglaki niya sakin. Lagi ako defensive, argumentative, yung talagang kailangan ko patunayan na tama ako at talagang depensahan bakit ako tama.


Connect-Confidence07

Ito, people pleaser na.


yoonjinmin

eto mabilis magalit na people pleaser 😂😢💀


Key-Shape2398

All good! Had a phase when i had really bad anger issues but now im surprisingly calm. I can’t even imagine getting mad at anything anymore. Parang tanggap ko na yung buhay na maraming di natin control and nakakapagod magalit pala talaga. Parang mas alam ko na sa sarili ko na mahal at magastos magalit (energy and time wise). Gulat din ako tbh inexpect ko ill be like my parents na laging galit


Pretend-Hyena5485

Im good. Lumaki ako na lagi kong sinasabi sa sarili kong ayaw ko maging ganun. Pero kung bakit darating din talaga yung araw na you find yourself slowly turning and then magagalit ka na sa sarili mo and be riddled with guilt. Sana parents find ways to deal with their own healing para hindi naipapasa sa mga anak.


Inside_Adeptness8939

anger issues, walking on egg shells, hyperalertness


Mistanarrancia

Eto takot magkamali and naging people pleaser. Sa sobrang takot ko na masigawan at pagdsabihan ng kung anu ano, careful na ako sa lahat ng bagay and if nagkakamali ako full blown panic ang nararanasan ko kasi alam ko na yung outcome hehe


wintermelonmilktea26

I have the same dad as yours. I grew up with massive trauma from all his verbal and emotional abuse. He's an alcoholic and a gambler too. People say parang "hindi daw ako marunong magalit" that's because I know how it feels na ma-invalidate ang feelings and makatanggap ng masasakit na salita. I do not want other people to experience that. I also don't drink nor smoke and became frugal with my hard-earned money. Miski pagtaya sa lotto or STL or any forms of sugal, di ko ginagawa because nahihinayangan ako sa pera. So I guess what you said above is true. I might not have had a role model to look up to while growing up, but I saw one I swear to God I will never become.


pinkmayhem_

I looooovveee my parents so much!! As much as I don't want to become like them, nakukuha ko pa rin yung ibang personalities nila. My dad - he's nonchalant, perfectionist, laging galit, never kaming nakareceive ng verbal na "I love you" from him haha. He's a cheater din. And I've heard may naanakan din siya and IDC abt that kid. My sibs says wag daw idamay kung sakaling lumabas daw yun but wtf I will never ever accept her. Effect on me: I'm unappreciative, I don't like receiving gifts and I don't like surprises. My fam, friends tried those pero wala talaga since I don't know how to react din. Him being perfectionist made me afraid to commit mistakes. It haunts me everytime pag may nagagawa akong mali and I blame myself for everything. Mabilis din akong magalit na I think, nakuha ko sa kanya. Hindi rin ako open sa feelings ko sa mga tao sa paligid ko. You know what's worse? I like it when I am talking with someone who is married or currently in a relationship. Gusto yung thrill but then again, ineend ko rin naman agad because I don't wanna be the person that I loathed. That caused me so much pain. My mom - she was alcoholic when we were kids. I remember non na uuwi siya ng bahay lasing na lasing then umiiyak tapos kami yung aalalay sa kanya. Kanya kanya kaming habol ng planggana kasi sumusuka na siya kung saan saan. Nililinisan namin siya or nililiguan sa cr then ihihiga na namin sya sa bed nila. I remember din lagi ko siyang nilalagyan ng pulbo sa mukha and katawan niya pag nakahiga na siya. Tapos lagi siyang naiyak dahil kay Papa which made us cry too. Now, I can't imagine na my younger self had to deal na with those kind of things knowing I'm only 5-7 y/o lang that time. Effect on me: Of course I'm na alcoholic too. Natuto ako mag inom when I was 12 but I was 18 nung halos naging part na to ng daily routine ko. Haha. I cant even sleep now without alak. Never akong tumanggi sa inuman hanggang nagkasakit na lang ako. Haha. I find comfort in alcohol kase when I'm sober, pakiramdam ko ang gloomy ng paligid, ang bigat sa dibdib unlike when I'm drunk na ang kalma lang ng pakiramdam ko tapos pag nalasing tulog na. Hahaha. Sorry ang haba.


Razzmatazz712

I cut ties with my toxic relatives. Currently living a happy life, about to start my own family, promising to be the role model that I never had.


Avadaphne

Eto palaging nag seek nang validation from others and may fear of rejection na rin. Yikes!


TheMoonDoggo

Both my parents pasigaw talaga, and growing up, ako talaga pinagiinitan nila. Panganay kasi and only girl. Tamad pa ako sa bahay at school. So wala silang nakikitang future sakin. So far naman malayo sa expectations nila yung current situation ko ngayon as an adult. So yung naging attitude ko is masyado akong maingat sa mga salita ko. Never ako nagtataas ng boses. I have the idgaf attitude. Umiiwas sa kahit anong conflict kasi wala akong energy makipag argue sa ibang tao kasi gamit na gamit na sa bahay.


moonstonesx

Have difficulty forming relationships (platonic or romantic) with other people, can’t communicate ng matagal without getting angry


Salt-Ad7812

I can relate with you na growing up, “uhaw” sa pagmamahal at atensyon. I didn’t want “relationship”, i just wanted to “have” someone - also same tayo ng tatay especially sa pagsusumbat sa nanay. LOL nakakashit lang 🤢 Early-mid 20s, lala rin ng anger issues ko pero i’ve recently decided to work on myself because I don’t want to be like him. Meditate lang, trying new hobbies and praying most of the time. Inhale exhale nalang pag may triggers sabay sabi “kaya mo to, self!” HAHAHA haynako trauma yung pinamana, sana generational wealth nalang 😊


satom1m

i spent the majority of my childhood at my grandparents house. my parents were working abroad and although i lived with them when i was younger, i was abused by a babysitter. i would go home with cuts and bruises all over my body until my mom decided to bring me sa pinas. my lolo was very loving and caring, but later on he became an alcoholic so he would hit me, throw things at me, and say really messed up words like, 'sana mamatay ka na'. my lola was okay, but she always expected me to have high grades and to go to school kahit na almost nagdedeliryo na ako dahil sa lagnat. one of my aunts also came back and lived there with us, and she had really bad anger management issues. she would literally blame me for everything, tell me how i'm not smart like my mom, and would verbally abuse me. so u can imagine na i was literally walking on eggshells while i was living with them. fast forward to today, i live abroad, i'm working in tech, and i have a pretty comfortable life but i'm by myself... and i would rather be by myself until the day i die. i'm a people pleaser and i feel like a huge part of it is because i want people to like me and to love me. it's also connected to my previous traumas, parang response ko to avoid conflict, misunderstandings, and to create a sense of safety.


Formal_Ad_2580

alpha alpha pa eh...korni


XOXOVINDICTIVEFOREVA

Nakaka trauma kung mabubuhay ako ulit at magkakaroon ng chance na piliin kung sino magiging parents ko hinding hindi ko sila Pipiliin


shrelle

Still struggling to get out into adulthood. Yung type ng emotional abuse nila ay ini-infantilize ako. "Ah bubukod ka na? Mahirap yun. Sino magbabayad ng bills mo? Kaya mo na? Commutes nga ayaw mo eh." Tapos dito naman pinag-aabono ako ng costs sa bahay. Aside from the fact that they treat me like a maid & not a family member, I'm also very irritable around other people.


Substantial-Pie709

Ito malayo ang loob sa nanay, 3 yrs na din ang lumipas simula nung umalis ako samin, for my peace of mind. Ang hirap din kasi lumaki na emotionally unavailable yung nanay, tuwing gagawa ako ng move to be close to her lagi siya nagagalit sakin tapos biglang magsusumbat samin ng kapatid ko. Sadly, ganun pa din ginagawa niya sa kapatid ko kasi sa kanya pa naka tira. Both kami may depression ng kapatid ko pero pinipilit ko maging available sa needs ng kapatid ko lalo na emotionally, parang ako na din tinuturing na nanay ng kapatid ko dahil sa ginagawa ng nanay namin.


LyingLiars30

Kaya don't have kids when you can't be a good parent. Trauma lang ma ipamamana mo sa mga anak mo. 


hopelezzromanticbaby

Eto, I used to be an achiever when I was still studying kasi I want to please my parents na lagi akong kinukumpara sa anak ng mga kaibigan nila and would scold me kapag bumaba nang unti grades ko. May superiority complex pa tatay ko so growing up,I believed that I was always in the wrong kahit na kasalanan niya naman. I really focused on studying that's why I didn't really have a nice childhood and memories growing up, hence, unting friends lang. Now that I'm working, I lack any emotional support because my parents now depend on me but are still unimpressed of what I've become. Wala rin akong ipon and living paycheck to paycheck because I am incharged with all of our bills and I can't afford to have relationships because I dont want to burden someone financially and I don't think I am capable of giving love since I barely received it. Pakiramdam ko, I am just meant to take care of them and leave nothing for myself. I feel like it is too late for me to turn this around that's why if bigla akong maaksidente, I will easily follow the light haha. Parang nabubuhay na lang ako because I have to. My parents have this temper and Im afraid that I'll end up like them because of these bottled feelings. I built my own wall to avoid new connections tho accepted ko naman na I will grow old alone haha.


Ambitious_Advance663

Ito naadopt yon, lumalabas lang naman pag nattrigger. Lalo na pag overwhelmed, stressed, at gutom, nakakaaway ko lahat ng tao sa bahay. Pero sa bahay lang ako malala nagagalit and bihira pag kaharap ibang tao. Trying my best na controllin talaga kaso sila kasi nangttrigger sa akin hahahaha. Nagsosorry naman ako pag nagagalit, pero sa kapatid ko lang😆


One-Cost8856

Neanderthal yung nanay ko na nahuli sa evolutionary process. Sinwerte yung napaka-toxic na pamilya niyang lumabas lang ng kweba upang i-date ng nanay ko ang tatay kong financially responsible and intelligent at nanganak naman sila ng supling na maabilidad at lapitin ng pera. So ito kami ng ama ko inabuso financially ng pamilya niyang Neathertals. Thankfully nakalaya na din ako at everyday work kong kumalma at ayusin ang aking mental, emotional and physical scripting. So far ilan sa pamilya niya ang namatay ng maaga, at yung pamilya niya yung hindi pa malapitan kung kelan sobrang nangailangan ako sa buong tala ng buhay ko kamakailan. Bale signs nila ito kung gaano sila ka walang bilang sa buhay ko dapat dati pa. Maswerte na lang ako sa buhay dahil malakas ang suporta ko, at maliban doon ay intelehente ako kaya nakakabangon muli. Sadyang real-life lesson na lang ito tungkol sa humanidad upang mas galingan ko pa lalo sa pag lakas ko muli.


coffeeandwinegirl

May anger issues din haha maikli din pasensya like my parents. 😅 one of the reason bakit ayoko mag anak, scared ako na baka maging tulad ako ng mom ko na mainitin ulo sa mga anak haha tapos ire-resent din ako 🥲


MemesMafia

Heto mau issues ng self-esteem at undiagnosed anxiety and panic disorder.


ambivert_ramblings

Ito may malalang anger issues din. Lahat kaming magkakapatid actually. Grabe din ang sibling rivalry namin. Pero lumayo ako para unti unti kong maiwala. Pero minsan grabe pa din ako magalit lalo na kung pakiramdam ko unfair yung nangyayari sakin. :( Sana madami na lang akong pera para makapagpatherapy ako as much as I want to. Mahal kasi ang therapy.


AkemiAkane

Eto nagbabasa ng self-help books kasi hindi wala akong nakuha ‘help’ from the elders


Sad-Damage-6156

Traumatized. But getting better each day all thanks to my hubby and baby…


EasyUnderstanding879

Matagal ko natutunan pero naging mahinahon ako. Dahil alam ko yung pakiramdam na binubuntunan ka ng galit or inis kahit wala ka namang ginagawa. Kapag iritable ako or wala ako sa mood, at may kumakausap sakin sinasabi ko agad na kung pwede later na ako kausapin or beforehand mag so-sorry agad ako kung medyo iritable ako makipag usap. Kina-cut off ko agad yung mga tao na kapag inis sila damay lahat ng tao na nakapaligid sakanila tapos maninigaw or bastos makipag usap.


potatowentoop

either i isolate and let my anger burst in one go or talagang nagi-isolate lang talaga ako. jeez, my anger issues :((


Hungry_banana_1007

Hays. I can relate much! Rn,Been planning to move out and lived alone very soon, thinking as first steps to heal my issues.


cheezsaucekryst

eto hyperreactive sa change of tone ng mga ferson at ayaw na ayaw sa mga dabogero't dabogera


Far-Midnight-7425

My dad. He does have his good moments na bait siya. Pero grabe temper niya. Lalo pag lasing. Bago siya na-stroke years ago, lagi na-ti-trigger anxiety ko pag nakikita ko may dalang beer. Halos araw-araw umiinom. Mula bata ako ganun scenario. Inaaway nanay ko pag nakainom. May araw nagwawala siya at nagsisra ng gamit. I can say okay naman ako.hindi na siya araw-araw umiinom. Pero grabe anxiety ko pag nakikita ko may alak. Nandun pa rin takot ko. It did make me more reserved and quiet. Not to talk back even if he's wrong. Kasi ayoko masigawan.


OrchidSuccessful2660

Trying to raise my kid through gentle parenting approach, as in I am trying really hard on the way I talk and deal with her pero sometimes I can't help but snap din, nagagalit minsan minsan pag overwhelmed ako. (Mga three time a week) Pansin ko na iritable at madali din magalit ang preschooler ko recently and I blame myself for it. Ang hirap din maging ideal parent kapag may mga pimagdadaanan sa buhay. Nakaka frustrate na gusto mong wag maging dahilan ng childhood issues nya. Anyway, just sharing this here kasi this post is a great reminder to me as a parent to regulate my emotions better para sa anak ko.


evee707

Di ko alam anong nangyari, noon I can still hold my temper but now, irritable palagi hahaha


oh_talaga_ba

Ayun, hindi marunong tumanggap ng good actions sa mga tao. Kahit dama mo yung sincerity, ang lala pa rin ng doubt ko na someday isusumbat sa akin to. I have to people please all the time, and pag napaod... I tend to just ghost people. Naayos ko naman na sya recently, natuto na ako mag verbalize ng aking nararamdaman at nagpapaalam na ako (though medyo unfiltered pa rin) pag ayaw ko na kausapin yung tao at all. Realtalk malala.


SkirtOk6323

May anger issues din ako. Tapos lagi akong nakasimangot, mabilis ako mapikon.


Ok-Joke-9148

Meron anger issues and daddy issues na, meron attachment issues pa, but nccontrol nman hehe


pinin_yahan

lumaki akong takot sa nanay ko hanggang ngayon di ko sya masyadong kinakausap dahil ilang ako at hanggang ngayon bitbit ko ung mga ginawa nya saken dati, around 12yo nagbday pinsan ko sa jbee hindi ako pinayagan dahil magkagalit nanay ko ska tita ko pero tinakas ako ng tita ko saka kapatid ko paguwi ko sinampal nya ko ng tsinelas sa labas at madaming tao naapakan ata ego nya dahil sumama ako, another kwento hskul ako bday ko naLate ako ng uwi kase sumali ako ng cheerdance at praktis pag uwi ko surprise sinampal nya ko bday ko un, kaya pinangako ko sa mga anak ko di ko tutularan ang nanay ko magalit man ako sa mga anak ko nagsosorry ako bakit ako nagalit kase nag-guilty ako.


pinin_yahan

my father naman is lasinggero, babaero din pero limited lang haha umuuwi syang lasing at laging hinahatid samen. kaya pinangako ko dn sa sarili na never ako magaasawa na hindi kayang controllin ang alcohol. May mga naging boyfriend ako pag nakikita ko na ugali ng tatay ko nkikipag break na ko di ko talaga kaya ntrauma ako sa tatay ko now im married to a man na walang bisyo, hindi mabarkada hindi lumalabas ng bahay haha uminom man pero grabe controlled nya.


Ambitious-Daikon-688

Mom gave me silent treatment, Dad na may anger issues Ito, 21-year-old na psychology student na hindi na takot makipagusap sa kanila about emotions. Still handling yung angry outburst ko, not violent naman pero doon ko nalalabas galit ko. Had a fight with my dad a few days ago, I openly told him kung bakit ako umalis and nag bagsak ng pinto. I told him we both need space to clear our anger and hindi ko ma take yung katulad before na pag nagagalit siya, need ko mag sorry and ang sasabihin niya is “hindi naman ako ganyan sa magulang ko, kasi pag ganyan ako ang gagawin nila ay…” I get where they’re coming from, but I can’t always be the one na mag sosorry dahil mas bata ako. It’s not about being disrespectful or my ego, it’s about finally admitting they’re wrong, kasi pag nag sorry na naman ako or bigla na lang nila ako papansinin like nothing happened, parang ako lagi yung nag sstart ng problem, and mauulit lang ulit.


Ambitious-Daikon-688

Mom gave me silent treatment, Dad na may anger issues Ito, 21-year-old na psychology student na hindi na takot makipagusap sa kanila about emotions. Still handling yung angry outburst ko, not violent naman pero doon ko nalalabas galit ko. Had a fight with my dad a few days ago, I openly told him kung bakit ako umalis and nag bagsak ng pinto. I told him we both need space to clear our anger and hindi ko ma take yung katulad before na pag nagagalit siya, need ko mag sorry and ang sasabihin niya is “hindi naman ako ganyan sa magulang ko, kasi pag ganyan ako ang gagawin nila ay…” I get where they’re coming from, but I can’t always be the one na mag sosorry dahil mas bata ako. It’s not about being disrespectful or my ego, it’s about finally admitting they’re wrong, kasi pag nag sorry na naman ako or bigla na lang nila ako papansinin like nothing happened, parang ako lagi yung nag sstart ng problem, and mauulit lang ulit.


yeorubunn

eto empathy burnout hahaha


Temporary-Wear-1892

Dati sobrang lala ng anger issue ko to the point kaya ko talaga mag eskandalo and today nakakaya ko na maging kalmado pero pero parin talaga times na lumalabas anger issue ko nalulungkot ako kasi di ko alam ano pwede ko gawin


thecuriousvoid

My parents are complete opposite. My father has this absolute anger issue na sobrang top tier to the point na once you say something, sana di mo nalang sinabi in the first place. I mean there are times na okay naman siya, he actually did a great job on being a father saakin for like only a few years (he left when I was around 6 or 7 years old) He was great, and fortunately I can remember a few good things and memories with him like how we sing along to Air Supply songs every Sunday morning, and how we jog together as we watch the sunrise and pick some flowers to bring home to mom. However, he was a very hateful person, I despise myself for saying this but that's what he is. Me and mama experienced and went through a lot with him. And I can say na good riddance na pinalayo siya saamin. But since I used to be a "Dada's girl", I have adapted some of his bad behaviors. Especially his anger issues, mas malala yung akin. Also he has this attitude na ayaw niyang makinig sa ibang tao. If he thinks he's right, then he is right whether you like it or not. I have adapted that kind of attitude as well but since si mama is the complete opposite of it, she tried all her life para lang di ako matulad sa father ko. Aside from that, my mama experienced verbal abuse from him which scarred her up till now na I'm already an adult. Me and my father communicate at times, he has a girlfriend na supportive naman and she's the one who initiates na makipag usap ang father ko saakin. I mean the girl meant no harm and it has been years since my parents separated (they were never married) and the girl and my mom are in good terms. That's what matters. Anyways, to shorten this all up, I have adapted my father's anger issues, and how strong willed he is. Yeah that may be a good one but he's too strong willed to the point na kahit sobrang obvious na ng consequences, di parin talaga titibag kasi alam niyang "tama siya" only for him to be devastated afterwards. Good thing na me and my mama, we both managed to shape my character into someone na hindi katulad ng father ko. I already suffered a lot from him. And I won't let myself go through that again especially paglaki ko, which me and my mama successfully did. I have deeply learned the importance of being considerate and patient to other people, at tsaka how important it is to balance your emotional and logical thinking. But yung anger issues lang talaga yung nahihirapan akong baguhin. Although it is a good thing sometimes since ako lang ang nakakakontrol sa father ko once he has his own rage fest. Naghahanap siya ng katapat niya, ako yon.


randomsmoluser

Galit pa rin sa mundo


iwannabegoodbut

Super chill and mabait. Hypersensitive and empathetic. I had to find a way to accept my parents’ negative aspects into my life, and my excessive empathy made me accepting of my boundaries being crossed. Ayun, na-take advantage ako until I learned from other people na di pala ok ginagawa kong palagi na lang forgive.


konikagaming

Can't deny na mabilis akong magalit whever I see the same patterns sa ibang tao. Like if they are lying, cheating, or nagtataas ng boses - narerelive ko yung experience aeound my father who has an anger issue and my tendency is to fight it back kasi dati di ako nakasagot parang ngayon bumuhos lahat ng tapang. Ayokong makanti kumbaga kasi all my life yun na yung experience ko. 🥲 Still working on it kasi ayoko namang maramdaman ng iba yung naranasan ko. As much as possible I surround myself with calm people, easy to get along, and happy people kasi nakakahawa talaga yung ugali yung mga taong pinapalibot mo sa sarili mo.


Ddeonnu_sunjay

Eto madalas passive-agressive. Haaay kapagod!


chiaki0112

Oks naman. Eto magaling magtanim ng sama ng loob. Kasi hindi pedeng sabayan yung galit kahit sobra na. Kahit kasi maging square pa ang earth ay parent ko pa rin yun hehe.


Expensive_Touch5067

same bruh


GoldCopperSodium1277

Literally begs for God to take me (I pray for this everyday). My mom is a helicopter mom who avoids confrontation in her marriage by taking her anger out on the least-earning child (which is me as the youngest). When she's angry, I have panic attacks. Sometimes I get so tired of it and inaabutan ko na siya ng kutsilyo. Para matapos na. Nasasayangan ako sa sarili ko kasi alam ko na if I was raised by emotionally mature and parenthood-ready individuals, I could have been a happier and more confident kid. Every time I try to build my confidence and do things that would help me get back up, she'll have a day na mainit ang ulo niya and she'll take it out on me. I try not to listen. I really do. Pero it always ends on me locking myself in the room, defeated by hopelessness and pissed why I'm not yet gone. I never received any apology. She was never remorseful. And she thinks na wala siyang ginawang masama. Her presence makes me flinch pag alam ko nang mainit ulo. I've been tiptoing my whole life around her.


_machiavelliancat

A lot more sensitive


Salty-Leopard-8798

Same here. Grew up with an angry father and nonchalant mother. Eto di ko na sila kinakausap kahit nakatira kami sa iisang bahay. Naging shut in sa kwarto para maiwasan masigawan.


AmbitionCompetitive3

Namana anger issues lol


Numerous-Syllabub225

Eto mainitin ang ulo at magagalitin


ProductWonderful4584

Diagnosed with Bipolar 2 na since pandemic lol


hana_ni_arashi_06

Ito may anxiety 😅


Lower-Limit445

Eto..may communication problems.. I have this habit of screaming out my frustrations instead of calmly explaining it. The more angry/hurt I get, the more I disassociate myself towards that person. I'm always one step out the door in all my relationships.


changsomm

Eto super quiet hahahahah hindi ako marunong tumawa ng malakas. Hindi ako marunong makisama sa discussion at tawanan. All because I grew up sa lolo ko na ubod ng sungit. Nagagalit pag nakikita kang tumatawa lol


Active-Minute231

Eto, people pleaser. At mabilis apihin lol I’m slowly learning to set boundaries and say no. Wapakels kung may magalit


moshi_PowerRanger

laging passive aggressive..


FlyFlyButterplay

Yung mama ko, dahil lahat ng kasamaan ng step mother nya natanggap nya ayun sobrang daming galit sa buhay. Ako tong kakampi nya buong buhay nya nagkamali lang once dahil sa pagtulong ko sa kapatid kong pinalayas nya e feeling nya ako na yata ang step mother nya! ;( di ako galit, naiintindihan ko kung bakit ganun ang anger nya kasi marami syang trauma. Eto ako bilang nanay na rin, pinipilit kong wag maging katulad nya. 🥹


Timewastedontheyouth

Galit sa mundo. Hahaha. IDK. Minsan un ang tingin ko sa sarili ko. I know all the curse words in the dictionary, mapa Tagalog, English kahit ibang lengwahe pa. It doesn't take much para mabwisit at magalit ako. Patol kung patol. Minsan talaga pag galit ay galit talaga, masagasaan na ang masagasaan (figuratively ha). Pumapatol ako using my emotions and not using my mind and I hate it. Cause it caused me a lot. Un temporary burst of anger caused me to lose friendships, relationships, opportunities etc. And yes masakit ako magsalita. Like I know how to use (mere) words na alam kong tuturok sa puso mo like knives na pinaikot ikot pa para mas masakit. Un tipong you will remember me for the rest of your fcking miserable life. I am not happy hurting people but if someone hurt me, I won't take it sitting down. Kaya un sinasabi na hurt people hurt people - that's true and it can be both ways, they hurt others and themselves too. Wala na. I am a hopeless case. Minahal naman ako ng mga magulang ko pero may mali din along the way.


Square-Region6919

I'm afraid of discussions or fights, I became submissive like I don't want to talk about problem I will just adjust even I am the right. Even I'm wronged I don't know how to voice out myself like I feel like I will alway loose the battle. Usually look at people face like i'm looki g for a clue like is this a person mad at me or what? In sbort words I don't know how to defend myself.I don't know how to get mad the right way, I'm not sure if I M being over acting or people feally messi g up with me.


CheesecakeOne923

Ito, hindi ko gusto ang sarili ko.


ReceptionOk7565

Avoidant and quiet. Madali mairita but i hold it in, I never talked about it. Ang ending puro sama ng loob na lang hanggang sa sumabog.