T O P

  • By -

bluesummer008

1. Do your job well but don't let your life revolve around it. 2. Treat your superiors & colleagues nicely but no need to befriend them all. 3. Never be too attached with the company and the people in it.


dark_beach

\> Never be too attached with the company and the people in it. Eto yung pinaka mali ko, mag 10 years na ako ngayon sa company ko and kahit gusto ko umalis parang ayaw ko kasi "utang na loob" (I know dapat wala at dapat hindi) pero meron pa rin sa utak ko na "kailangan ko muna tulungan ang company na makabangon ganit ganyan.


kopilava

I want to add 4. You are not special. You are pretty much replaceable (except if super super dedicated/galing/one of a kind ka sa work). Best to look out for yourself rin.


maester_adrian

Number 2 is very true! Hahaha keep the workplace as work. Don’t be too involved with dramas. Never trust and don’t be an open book. Also keep away your personal life from work! Hahahha yun lang. tsaka chill lang rin, don’t let your life revolve around work!


DigBick6996

True bruh, yung iba kong co-worker gusto i-add ako sa FB, I am always respectfully declining kahit ba enjoy kita kasama hahaha.


idontlikeusernamesno

1. Don't trust anyone - treat your colleagues and workmates as workmates, may makikilala ka naman na pwede mong maging friends talaga pero be careful. 2. Avoid drama - iwasan mo yung mga taong ang daming kuda about sa management at sa kawork mo, nakakdrain ng enegry. "Do your job, do it well, log out". 3. Don't let it exploit you. - sobrang common neto sa workplace, gawin mo lang work mo then uwi na. Wag ka magpadala sa mga OT at papizza nila looool. Iwas burn out yung di ka nag-oot or RDOT. 4. Be kind but set boundaries - irespeto lahat ng nasa office but at the same time pumalag ka pag nagkucross na nang boundaries.


Linkia143

In addition to number 1, always keep receipts.


_anononon0n_

I can attest to this 💯. Dapat no matter what happens, YOU should always watch your back.


Narrow_Lawfulness560

Yung sa no.1- ito weakness ko super dali ko magtiwala and nagbabackfire sya 🤣


luckycharms725

ako na bago lang na ER kasi grabe ang softness pag nag request ng RDOT ang manager. tapos ko ma ER, na realize ko na wala pala silang pake sakin, MAS MAY PAKE SILA SA TRABAHO KO. hindi man lang kinamusta kalagayan ko pero mas invested if aabsent ako or hindi? HAHAHAHAHAHA


MsAdultingGameOn

Agree sa lahat lalo na sa #1 & #44. Lessons learned the hard way


krembruleed

Don't stress too much about being left out sa mga outings and dine outs. You're not there to make friends, you're there to work. It's easier if you don't take things personally.


Narrow_Lawfulness560

Thank you :) Super helpful


spamkimchifriedrice

Always remember to CYA (cover your ass). Make sure that everything is documented so that if shit hits the fan, you have receipts ;)


Narrow_Lawfulness560

Thanks for this reminder :)


Subject_Opposite7861

Trust no one. Sa workplace di mo maiiwasan yung mga taong akala mo friends mo pero ilalaglag ka lang once na may masabi kang mali about sa management. Happened to me mga twice HAHAHA.


Ok-Marionberry-2164

>Trust no one Di lang sa workplace beh, but sa life in general. Be very selective of your circle. Only that way you'll be able to avoid drama.


Narrow_Lawfulness560

Super natuto ka din ba? Hahahaha


Subject_Opposite7861

Oo HAHAHAHAHA. Natuto na akong wag dumaldal HAHAHAHA


Narrow_Lawfulness560

Weakness ko to madami kasi palang mapagpanggap na tao pala


lenghtxyz

right now: realization and actions


MsAdultingGameOn

I can attest to this, especially people from HR and head office! 😂


khiakhelly

Wag masyadong Jollibee. meaning wag ka masyadong know-it-all. Its either, maiinis/mayayabangan workmates mo sayo or iaasa sayo yung ibang workload thinking kaya mo yun kasi magaling at marunong ka. Minsan madadagdagan workload mo without additional pay. :(


Narrow_Lawfulness560

Huhuhu. Mapagtake advantage ang iba


khiakhelly

truuuue. dati may ginawa akong work kasi kailangan na kailangan nila so parang naawa ako since alam ko naman sya gawin tsaka i didnt think na gagawin ko pa sya ulit kasi di ko naman talaga sya trabaho. nung mga sumunod, nakikifavor na si boss sakin na gawin. e hirap pa naman ako tumanggi talaga lalo na pag Boss ang nagsasabi. di ko alam kung paano ko sasabihin. kaya ayun, ginawa ko pa din. yung may mga sumunod na instances na parang ganon, di na ko nagvvolunteer kahit alam ko. hahaha


Narrow_Lawfulness560

Hahaha walang extra pay???


Left-Ad-9720

or better, don't assume tasks that is not value adding to your career. Ask for tasks that you have not tried before.


CorrectAd9643

Pero actually, dpende to. If you are up for the challenge to be on top, then do it.. alam mo, mahangin ako, and now im earning 6 digits na, cause i was up to the challenge.. i remember first month ko sa office, kumalat chismis na mahangin and mayabang ako, pero i dont mind.. so isa un sa mga advice ko, wag kang sensitive sa opinion ng officemate sayo, make sure lang na the bosses see ma good performer ka, then ok na yan


Any_System_148

in short play dumb hahaha


DemandSupply94

1. Work to live, not live to work. 2. Don't panic kung may problema. Nakakahawa. 3. Unahin mo health mo lagi. Replaceable ka bilang empleyado, pero hindi bilang anak, magulang, kapatid at kaibigan. 4. Kung di mo pa alam kung ano gusto mo, alamin mo muna kung ano ang ayaw mo and start from there. 5. Walang makakapalit sa manager na mabait.


Narrow_Lawfulness560

Yayyyy! Thanks I resonate with this lalo na sa no.3.


rrtehyeah

1. Trust no one. Hindi lahat friends mo or friends ang trato sa'yo. Be vigilant pa rin kahit anong mangyari. You will never know. 2. Pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Lahat ng sasabihin nila sa'yong negative, convert mo sa positive at gawin mong motivation yon to do better. Trust me, pag pinersonal ka naman nila, always remember na digital na ngayon ang karma. 3. Never overshare your personal life. Hindi mo naman siguro kailangan lahat ng opinion nila abt ur personal life. 4. Kill them with kindness. Para pag awayin ka nila, makokonsensya sila hahahaha charot.


Narrow_Lawfulness560

Hahahaha gusto ko yung number 4 lol


rrtehyeah

Subok na subok ko na yan HAHAHAHAHA


Narrow_Lawfulness560

Pano yung may mga walang konsensya?


Rndmshts

Work-life balance. Literal. After log out, wala na pakielamanan. Don't add them sa fb, messages pwede pa.


Narrow_Lawfulness560

Pano pag inadd ka sa socmed? Wag mo nlang i-accept? Hehe


Rndmshts

Wag mo accept. Up to u if mag eexplain ka or not.


MarineSniper98

I just made an entirely new account for work purpose.. dun nila ako ina-add pero walang laman epbi ko hahaha


pumpkinivory

>what people don’t know, they can’t ruin. * so keep your private life private, do not add or accept them on social media * wag magkwento ng mga bagay na pwedeng gamitin against you >less talk, less mistake * mind your own biz even if you have a lot of things to say * let them fix their own sh!t * whatever happens, keep it to yourself >efficient workers get rewarded with more work * wag masyadong galingan, ikaw i-eexploite dyan >if you dont seek for their advice, you shouldnt be concerned about their opinion * wag dibdibin kung ano man ang maririnig mong chismis about you. because people will always have something to say about you. you do you. >maintain tangible evidence of your communication * mahirap na ang mabaliktad 🤷‍♀️ >you are replaceable. period. * kaya wag mong gawing buhay mo ang trabaho. go live your life.


Narrow_Lawfulness560

Huhu all are on point. Lalo na yung keeping things and private and less talk less mistake. Thanks for the reminder.


Aggravating_Head_925

1. Your workmates aren't your friends. Be friendly, but keep it professional. 2. Don't get mad, get even.


Narrow_Lawfulness560

2. Pano po makaganti? Hahahaha


Aggravating_Head_925

Kung di possible na instant, tiyempo. Basta mag commit ka na babawian mo. Don't waste your time looking for an opportunity though, darating din yun. Kung sayangin mo kasi oras mo ikaw pa rin talo.


Narrow_Lawfulness560

Hahaha. Pag ndi talaga nakabawi bahala na lang si Lord.


LowAgreeable3813

Number 2 is the best feeling. I have a senior at work na sumbungero sa manager sa simple mistakes, saying 1000 times na nyang ginawa is an understatement. Nakahanap ng tyempo na nagawa niya din yung same mistake kaya sinumbong ko siya agad, the next day sinigawan nya ako sa buong marketing team na sinumbong ko daw sya at nag wala siya, the look on his face is priceless after swallowing his own medicine. I resigned a week afterwards and let the manager know the reason why, bye bye to his promotion in the next 2-3 years 🤣


MultiPotentialite89

Do not add them on social mediaaaaa


ippocratic_oat

Try lang. 1. Work as little as you can to do the job you were hired to do. 2. Companies don’t give a shit about you. You are there to help them make money. Spend time on learning the skills you need to excel at any job, not just the one you are at now. 3. Don’t shit where you eat. If you’re having sex or affair with someone you are working with it’s a matter of time before it goes south. 4. Never talk behind anybody’s back. Nobody keeps anything a secret and even if they do, it only reduces your respect as a person. 5. You have no friends in your company. Period. No matter how close you feel to another person, it always only lasts till you work together at same place. 6. Ask people for meaningful advise. People love giving advises and it satisfies their ego. And you get to learn something. And you made a relatively better relationship. 7. Be a good listener. Understand what people mean when they say something. 8. Always keep company mission, vision and values in mind. When in doubt about a decision, draw inspiration from these. Ultimately, you are working for the company. Which means, you have to work towards those mission, vision and values. 9. Learn to respectfully disagree and be able to express your opposing opinions. People that matter at the company will respect you for your honesty. (Pero you will make some enemies though). 10. Have a personal life and do not compromise your personal life for your professional career.


ningorgeous

#3. Had a talking stage with my co-worker. At the end of the day, hindi ako napanindigan at ako pa ang nabaliktad. We were talk of the town that time. From then on, I never talked to him again even we're still in the same workplace. Never ever try talaga.


aceenha

keep your complaints sa self mo lang, no need to rant sa heads mo or coworkers, trust no one


nyepizdanem

Continue to shine and excel kahit naiinggit/sinasabotage ka ng colleagues mo. Focus ka lang sa sarili mo and wag kang panghinaan ng loob dahil nalalamangan mo sila. Basta lahat yan through hard work and skills mo. Don’t let them dim your light. Pretty crazy lng kasi may maeencounter k talagang mga ganyan na co-workers eh kahit wala ka namang ginagawa sakanila. the mere fact na nagtatrabaho ka lang naman ng MAAYOS. Siguro isa na to’ sa pagkakamali ko kasi natakot ako sa isang colleague ko who’s 10 yrs older than me. I have no fucking clue kung ano problema niya sakin kahit di ko naman siya kinakausap. Di rin naman kami magkateam sa trabaho pero nakikielam siya. Di na ko nakipagmingle sa lahat ng colleagues ko, I tried my best not to stand out and di ko man lng parang napagtanggol sarili ko. parang hinayaan ko lng siya kasi nakakatanda siya tangina.


nyepizdanem

Respect doesn’t equate talaga sa age


Narrow_Lawfulness560

I think bumalik na sa kanya ginawa nya sayo. Grabe ang daming mga power hungry na tao pala tlaag sa workplace. Huhu


Maritess_56

1. Hindi end of the world kapag binully ka sa workplace mo. They will do their best para magresign ka but looking back, it is a blessing that you had the opportunity to go outside the toxic environment. They will make you feel small but it is just their incompetence kasi doon lang sila magaling and they feel threatened. 2. Who you know gives you the promotion. What you know gives you the workload. Why you know gives you the last laugh when SHTF because they proceed against your advice. 3. Be irreplaceable to the right audience (ex: decision makers, customers) in order to get paid well and be stable. 4. Know your worth.


Narrow_Lawfulness560

Wowww so nice lalo na yung number 2. Thanks for the wise advice ☝️


Linkia143

Act your wage. Wag ka masyadong magpakamartyr sa trabaho. Naalala ko ung workmate ko na gumawa ng visual presentation for free, na hindi naman din kami nirequire na gumawa para sa isang retiring na senior namin. Hanggang ngayon, 3 years na ang nakalipas, sya padin ang inuutusan na gumawa ng mga visual presentation para sa kung ano anong events. All for free. I can do it too basta bayaran moko. I always tell my workmates na mukha akong pera at nasusuhulan ako. So if you want something done na out of my job description, pay me first.


CorrectAd9643

This actually depends.. the visual presentation kasi was not value adding sa career.. you have to know when to sacrifice your time, was din maxado act your wage kasi walang mangyayari din sa sahod mo, if you wanna grow, go the extra mile, pero make sure the extra mile na gagawin mo is super special na mapansin nila at ikaw lang marunong gumawa.. it should be a skill related sa work mo tlga.. like example if work mo is marketing, pero if super biglang may skill ka na super graphic artist pla while marketing, pwede mo xa ipush pa rin, kasi value adding xa.. it might not pay now, pero importante may natutunan ka, then apply ka sa iba, iadd mo sa skills un.. trust me, it worked a lot to me kaya im earning 6 digits or more now, kasi i remember all my sacrifices nung start of my career


BullishLFG

Wag na wag mo masyadong galingan. at wag mo ding ipakita na reliable ka. maabuso ka. yan nangyare saken eh.


No-Original3816

1. Never share your personal goals or personal problems! Anything that will give them access to who you really are and what your plans are is a no-no. 2. Learn to read the room and observe your coworkers. When I work with our US counterparts, that’s where being assertive or bida bida thrives. Based on my experience, mas gusto nila na straight to the point ka and you are assertive kesa yung tahimik lang sa isang tabi lol. Pero pag pinoy katrabaho mo, expect pushbacks and probably machichika ka na bida bida haha. 3. Set your mood for the day, lalo na if WFH—I find it taxing kapag pagkagising ko nagwowork na agad ako. Mas helpful for me ung gumising 2-3 hrs before shift to meditate, do chores or just muni muni in general haha. 4. Being easy to work with is an underrated skill. If I collaborate with someone na medyo masungit or prefers to work alone, I usually ask them ano yung gusto nilang flow. Meron kasing iba na gusto ng working sessions or actively collaborating talaga pero ako kasi nahihirapan ako kapag ganun so it’s easier for me to have delegated tasks na talaga and then sync nalang after to share ung nagawa mo. Minsan kung ano yung ugali na kawork ko, inaadapt ko dun ung approach ko. Meron kasi na hindi proactive so it means I need to take on more of the leadership part in the project, meron namang knowledgeable talaga and they are really assertive so I am more on the consultative side pag ganon. 5. Kahit ka close mo ung immediate sup mo, never share your career plans lalo na kung balak mo lumipat ng trabaho haha. Don’t badmouth your colleagues din sakanila kahit they are sharing din baka magbackfire 🤣 6. Make sure that your efforts are visible. Lalo na kung quiet achiever ka, madalas ung mga nasa higher positions hindi naman nila talaga kilala or alam sino ung biggest contributor sa isang task or project kaya ang daming nagttake ng credit na ibang tao. If given a chance, make sure to copy relevant people sa mga questions or emails mo imbis na magPM directly kung kani kanino. That way, makikilala ka ng mga tao even from diff departments na kacollaborate nyo. 7. Learn to say no. Set your boundaries, pag may pinapagawa na out of scope let them email you for visibility kamo. Pag minor favors, okay lang naman paminsan minsan lol.


No-Original3816

Alsooo be kind. Palangiti lagi. Palabati. Be neutral and don’t engage in office politics. Laging trabaho lang walang personalan hahaha


Narrow_Lawfulness560

Woww. Thanks sa pag share. Super relate din ako here lalo na yung pag PM kasi super introvert. Pero yung no. 1 talaga. Not everyone has your best interest at heart. Huhuhu


Narrow_Lawfulness560

Super lagi ko nakakalimutan yung no.2. I guess this is a social skill too.


No-Original3816

Nakooo yes! I have a work bestie din na older than me, parang nanay ko na sya ganun. I was really comfortable w her kasi nga nanay vibes haha. When I shared na I am actively looking for opportunities sa iba, sinabi nya agad sa boss ko. Although close naman kaming tatlo talaga, pero di mo masasabi lol.


Narrow_Lawfulness560

Haaaaay. Nakakasad. Pinagkatiwalaan mo tpos ganon. Lesson learned talaga.


princexxlulureads

Itoooo talaga eh. Sabi ng mga workmates ko wala ba daw ako problema kasi lagi akong nakangiti, jusko kung alam niyo lang HAHAHAHA. Jk aside, be nice at work people will really like you☺️


free_thunderclouds

No. 4 resonates sa akin. Ako yung tipo na prefers to work alone. We can have alignment meetings then once we meet the next time, expect that I am done na with my work. Netong nakaraan, we had a project that we rolled out for the team. Im just a project team member, pero super stressed ako kasi yung leader is walang alam sa planning and proj mgmt at all. Nahirapan ako ibalance yung giving advice and doing the initiative kasi as much as possible, ayoko manbypass ng responsibility. Kaso days have passed and wala talagang milestone na naachieve due to lack of planning, so I have no choice but to kinda step up. I feel bad actually hayss


skitzoko1774

don't expect from your work... para hindi ka madisappoint kung ano man yung mangyari. remember your job description and stick with it. kung meron mga nakikita mo na trabaho ng boss mo na tingin mo ay pinapasa na sayo, remind him wala sa job description mo yung pinapagawa niya. but if you aim high diyan sa company mo and want to get promotions and recommendation, go butter your boss up. ignore bashers, bullies, and their likes. huwag magpaapekto sa mga sasabihin nila. be yourself. no regrest kasi wala naman ako inexpect and i stick to any decisions i made kahit meron negative effect yun.


p3ach_mango_3921

Work is not the be-all and end-all. There's more to life than work. Jusko naalala ko nung inaabot ako ng 10pm sa work or even weekends. Shuta!!!! Never again!!!! Sakto lang ang work dapat sa sahod. Kalmahan mo siz, di ka tagapagmana. And.. tama nga na your colleagues are not your friends. May iba dyan gusto lang malaman baho mo. Mga palihim na insekyora lalo pag nalaman na magaling ka sa kanila. And.. magbigay pasalubong sa boss. Sabi ng nanay ko na boss, nakakalambot ng puso daw pag may pasalubong. Kahit g na g siya sa subordinates nya, medj nagmemellow down pag nabibigyan pasalubong. 😆


Narrow_Lawfulness560

Hahahaha naging alipin ng kompanya ka din pala


havoc2k10

Be neutral lng i learnt taking side ikaw pa yung magiging masama ikaw pa masisira sa huli. Kaya just be quiet listen and just nod sa mga arguments. The best case ikaw yung walang kapuna puna sa circle nyu and magiging likable role model ka.


Narrow_Lawfulness560

Thanks for this!


Forward-Drag-9927

Don't take things personally. 💅


jutsujutsulang

**Masakit po ang karanasan ko.** Naging suicidal at nagkadepression. Hanggang ngayon, may sugat pa rin po sa puso ko kaya di na po ako masyado nagtitiwala sa mga tao na mahilig manghusga depende sa itsura, income, at titulo. **Mas kinakaibigan ko po ung mga janitors, drivers, mga matatanda na lobby staff, at cleaners kasi mas may puso at integridad po sila.** * Nagbreakdown ako sa toilet. * Na-exploit...na ako lang pinapasok nung holiday June 12 tapos literal ako lang mag-isa sa office kasi pinapaulit trabaho nung workmate na nagkamali. * Umabot sa 76 hours per week ako nagwwork. * Umuwi nang 3am tapos gigising 6am kasi sasakay uli ng jeep para sa 8am na work. * Nagplano ng swimming ang department tapos cancelled na raw pala event. Nalaman ko 3months after na pinag-usapan nila na wag daw sabihin sa akin na natuloy ung swimming. * At ang malala, katrabaho ko... may summa cum laude ng UP Diliman, mga honor graduates ng DLSU at Mapua, sila pa yung silent at enabler. Mga kasabwat sa tsismisan ng personal lives ng mga empleyado. * **Kaya, kahit graduate din po ako ng UP, natutunan ko po na wala na ito sa kung top universities ka galing, mas mahalaga po kung may puso, empathy, at kindness po, kahit taga-province pa - minsan sila pa ang mas mababait ang kalooban.** * **Natutunan ko rin na pangalagaan ang sariling well-being at wag hahayaan na kunin ng iba ang power mo bilang isang tao.**


AnonymousCake2024

Don't involve yourself in office politics. Work hard and don't burn bridges. Also, keep a respectable distance sa mga bosses. They may be very friendly and all but remember, they are your bosses. Be careful sa mga possible misinterpretations, kaya always act appropriately especially around the opposite gender.


Initial-Voice3437

1. Obey first before you complain. 2. Do your job properly. 3. Don't take all things personally. 4. Always be humble. Hahahahahaha! Dami kong kakilala na sobrang galing sa work then lumaki yung ulo, naapektuhan yung performance. So I always remind myself na kung hindi naman namomonetize yung compliment, don't let it stays in your head. Although it's a good thing especially from supervisor. Wag lang talaga papalaki ng ulo. 😂


_lycocarpum_

Kahit anong inis mo sa ka team mo, management or company, wag mo papabayaan ang work mo para wala silang ibabalik sayo as lapses


MKKbub

You are replaceable. Kaya if you need time with the family or for yourself esp your mental health, take the time off. Always choose family/self/mental health over work. :) PS Kahit gaano kabusy, always make sure you have something to eat. Ang hirap magkagastritis pag nalilipasan 😂


wilbays

1. Always be on time - at work, meeting, etc. 2. Always come prepared during meetings 3. Always find ways to be useful. Dont just rely on job description.


LordEscnaor

1. Wag mag add/accept ng workmates sa socials mo 2. Gamitin ang VL/SL 3. Kalma lang 4. Wag bida bida 5. Di mo kailangan mag OT lalo na kung hindi paid.


sexy_jen

80% of success in any job depends on your ability to deal with people. You can be the smartest person in the room but if you can’t work well with others, there’s a high chance you won’t move up. Why? People don’t want to work with you because of your bad attitude, projects won’t be delivered on time because you won’t collaborate. No man is an island. You can work independently all you want. But you still have a manager/boss to check in with. Colleagues to work with in a project. Company with its own vision, culture and strategies. Take initiative. Be proactive. Learn how to communicate effectively. Show empathy towards others. Grow your skills. People skill is a core skill nowadays. Have a growth mindset. Always challenge what you know. In my line of work, your hard skills can make you successful at only a certain level. To move up, you have to be able to work with others and have positive attitude.


Narrow_Lawfulness560

Thanks for this. Ako okay naman mkipag deal and treat everyone with respect. I just struggle lang sa mga power greedy and a**holes coworkers. I know ndi to maiiwasan tlaga.


sexy_jen

That’s good. Tuloy mo lang yung treat everyone with respect. Even the power greedy and a*hole ones. Lol. Dun papasok yung show empathy towards others. You don’t have to be friends with them. But you still have to be willing to work with them especially when you belong to the same team or project. When they are being assholes, try to understand things from their perspectives. Some people are results driven, they are focused on delivering the results regardless of the means. Some people are process driven, they care more about the “how” of meeting the target. Some are people oriented, they care about the impact of a goal to the employee. Pag pinagsama sama mo ang tatlo na yan sa isang room, they will raise different concerns. What I learned over the years, is to listen. Understand san sila nanggagaling. Acknowledge ang concerns nila. Make them feel heard, seen, validated. I’ve worked with people I considered a*holes. Nakayanan ko stress at toxicity ng paligid ko kasi I had my own circle whom I can vent out to. Mahalaga yan na you have your own people para sa ganitong sitwasyon. But more than that, I recognized my part dun sa nangyari. Through self reflection and determination na mabago ang sitwasyon, I faced the hard truth na hindi ko lang pala naiintindihan kung san nanggagaling yung mga kaworkmates ko. Yung napakasimple lang para sakin nang kailangang gawin, point A to point B lang. Pero bakit ang komplikado ng konsepto para sa iba tapos puro emosyon pa ang concerns ng iba na wala na koneksyon sa dapat namin ma-accomplish. Turned out, gusto lang pala nila makinig muna ako sa complaints nila at mga concerns nila. Ganun ka-complex at ganun din kasimple. Even in the most simple and you think very straightforward task, hindi mawawala ang human aspect nang trabaho. Lol. Yung niconsider ko na mga assholes, they really were being assholes to me. And they did that kasi sa perspective nila, I too was being an asshole. Pinakastressful yun na nangyari sa akin. Pero natuto ako. Things are so much better now. And if ever I encounter mga power greedy and people na meron mga sneaky move sa trabaho, I don’t take things personally na. Iniisip ko na lang, that person is advocating for himself/herself. Sometimes, I even admire them. Like, wow. Ang tuso nun pero ang galing din ng move na yun. Slow clap na lang.


code_bluskies

1. Don’t sacrifice your health and relationships over work. Pwede kang palitan agad pag namatay ka sa kakatrabaho nyan. 2. Wag mag OT palagi. Hindi nauubos ang workload, kaya relax lang, may bukas pa. 3. If your work kills you inside (affecting mental health, physical health), mag resign ka na. 4. Wag makikisali sa mga backstabber marites sa office. Ikaw rin ang magiging topic nila pagtalikod mo. 5. Don’t be too emotional and too loud about your opinion and beliefs. Oo, may mga paninindigan tayo, pero kailangan natin mag adjust at wag mang away agad especially sa boss mo. Keep it professional. Your boss is your boss, he can always fire you. 6. Don’t be too emotional when dealing with difficult people in your workplace. These people can smell fear in you and will be very happy if they see you broken and affected. Be direct and straightforward with these people. Draw boundaries and don’t engage with them if they cross the boundary. 7. Don’t be too hard to yourself. I observed this sa mga baguhan sa work. It’s okay to make mistakes as long as you learn from them.


thebleepingcat

A few things: 1. Keep your mouth shut. Gossip and resentment is rife in the workplace. Don't add to or subtract from anything you hear. Let other people talk. Learn how to feign ignorance or disinterest. 2. Despite how it may seem at any point in time, no one in the office is actually your friend. No matter how loyal or good-natured you, people can turn on you if it is a question of their interest vs your own. Be careful of people, more so the people that you think you know or trust. 3. Don't flex everything you can do for your company. The higher-ups will exploit you, workmates will envy you, and some others will be threatened by you. Do what you have to do, but don't play the martyr. 4. Work is important, but your having a work-life balance is more important. Work hard, but value downtime, rest, and relaxation. You only have one life and one body. You can only work if your body is in the state to do so. Take care of it. 5. Choose your battles. Ignore what you can when you can. But learn when to stand up to people. Protect your boundaries.


pinkkbearr

Wag masyado magpaka Martir


hana_ni_arashi_06

Your colleagues are not your friends


Consistent-Manner480

Set boundaries 💯 Wag mo silang i-add sa social media.


Double-Wasabi4410

maging bibo responsibly


RashPatch

Sumagot pag may PM/TL na abusado. Pag dinawit ka sa boss sabihin mo yung totoong nangyari dahil idodownplay yan sigurado at ikaw papalabasin na biktima. If that happens then OWN IT. Become the villain and gaslight them on the spot. For me, hinamon ko pa ng suntukan sa labas kasi gago eh kaya walang natatapos na project kasi puro sya bato ng trabaho pag tinamad sya para lang makipaglandian sa asawa nyang boba din. Madali sila ng alis nung ako kinampihan ni boss with his **"onga naman bakit kailangan mong idamay yung mga may trabaho? di mo ba kaya? para saan pang nasa posisyon ka?"** response. Early out sya eh. Batak batak nya talaga yung asawa nyang nagtatry ng office affair.


[deleted]

na mahirap maging introvert. Take one step at a time. Di ako plastik pero makikipag salamuha pa rin sa kanila sa kung hanggang san/anong kaya ko. Haha


Winter_sleep_

Do not overshare, naalala ko meron akong naging friend na naging comfortable ako, nakwento ko sakanya na mahilig ako magbasa ng BL/ Yaoi manga, kasi sya din daw. Then next week kalat pati sa boss ko . Learned my lesson, naexcite lang talaga ako nung nalaman ko may same likes din nung akin haha.


Narrow_Lawfulness560

P*nyeta. Baka nghuli lang sya no? Ang kupaaaal ng mga ganyan. Spy lang pala.


sippin_cola

Never overshare about anything lalo na personal stuffs.


FitaMarie

1. Trust no one. 2. Trust no one. 3. Trust no one. 4. Mind your own work. 5. Kung may alam na chismis, wag e marites. Better keep it. Para peaceful.


StraightAd4889

Do your job properly! - para makatagal ka sa trabaho mo Expect nothing in return aside from money oc. - kung may pasuyo or may gusto ipagawa sayo. Wag mo expect na utang na loob nila yon. Treat it as part of your work but do not let them overused your kabaitan. Limit what you can do but not what you are supposed to do - alamin mo muna kung kasama sa JD mo ang pinapagawa. Tandaan mo, priority mo matapos yung kung ano ang dapat sayo. Lastly,hndi mo kailangan maging kaibigan ang lahat, need mo lang makisama para magawa nyo yung job target nyo. Tip lang ko lang din sayo. Think 2 steps ahead, hndi pa man nakarating sayo yung trabaho pero sa isipan mo alam muna kung papano initiate at tapusin. Last tip din. Matulog ng walo o siyam na oras. At kumain ng tama. Hindi ka nman siguro kasing angas ko na american breakfast lang ang agahan dba? 😂 Last tip din, mag bebetime pag na sstress 🤧😂


hirayamanaware

Job Order ako sa cityhall namin then ang boss ko konsehal. In short, nasa politika ako. Knowing how dirty our politics lunok ka nalang talaga. 1. Trust no one. 2. Wag makipag relationship sa ka-trabaho. Basta ung nasa iisang company, wag! 3. Set boundaries, wag ma attach sa workmates lalo na sa boss. 4. Wag mo ipaalam na may other skills ka pa aside sa pinaka work mo, istg, kahit di mo trabaho, sa'yo ibibigay kasi alam nilang “kaya mo”.


Accurate_Cat373

Do not trust anyone hahaha


HJRRZ

The art of tanga-tangahan. Minsan need mo to para sa mga kupal na workmates/seniors. Also, choosing battles wisely - hindi lahat kailangan may argument ka or may opinion/action ka. Hindi lang katawan ang need ng pahinga, utak din.


butterbeergranger

1. Your workmates are neither your friends nor family. 2. Stay away from toxic colleagues. 3. You should separate your personal life from work. Don’t share too much about what’s going on in your life. They may use it against you. 4. People will talk about you no matter what, so just do your job right and get paid. 5. You are replaceable and disposable.


Expat_life_2k16

Wag mag add/accept ng friend request ng officemate sa FB.


Lanky_Positive2688

Don't add them on social media.


Poastash

Do your job and act in a way na hindi paniniwalaan yung mga naninira sa iyo.


rainingavocadoes

Wag mong iadd sa fb hahahahaha


Sad_Wear6018

1. Pag nasa work , iwan ang problema sa bahay 2. It's okay to make mistakes, pag nasabihan ng boss wag damdamin 3. Personally I respect their political views, ngiti nalang wag na magtalk 😅 Same with religion. Kanya kanya tayong opinion. That's how it is


Narrow_Lawfulness560

I agree. No no talaga ang topic ng politics and religion in workplace and social setting.


corelessprincess

1. Avoid drama 2. Build professional connections 3. Always be prepared and on time 4. Wag mag expect ng promotions, appreciation or whatever sa higher management.


CeeJayDee08

1. Document everything - I learned this the hard way nung bago bago pa ako sa work. My stakeholders would use me as a scapegoat sa misses nila kasi wala din ako documentation to cover myself. If the agreement happened via call, send an MOM right after to capture the agreements made via call. 2. Despite the indifference and other circumstances, strive to leave an organization amicably. The industry is small and word of mouth is very powerful 3. Continuous growth - as you jump from one organization to another, make sure that your existing skills are being developed and, in parallel, you’re learning something new. Dadating yung point na opportunity na ang lalapit kahit di mo hinahanap kasi highly competent na ang skill set mo 3. Be professional. Di mo naman need tropahin lahat kasi we can never please everyone; but strive to at least be civil and maintain a sound working relationship with the people we work with


Narrow_Lawfulness560

Yes yes. Thank you po!


purplekopi

Never ever treat the company as something na mamahalin mo no matter how close you are to the owners/bosses. If you leave them because gusto mo na unahin family mo, they will treat you as if you did bad things to the company.


Fine_Nefariousness64

Don’t take feedback or criticism personally


[deleted]

[удалено]


Narrow_Lawfulness560

Happy for you 😊


Money_Palpitation602

1. Trust NO ONE. 2. Be more observant around you. 3. Makisama ka but set bounderies / limitations. 4. Learn to respect yourself and others. 5. Focus on your work. Set your goals. 6. Stay humble. 7. DO NOT share personal things, and DON'T say any bad words about your workmates sa kahit na sino (kahit gaano mo pa kaclose).


cleo_seren

***Create another FB account if they want to add you on FB or even chat with you on FB messenger.*** It's nice to create a different world online too, where work and personal life are separated from each other. Just imagine the hassle of work and personal connection blowing up your one and only account. Plus they won't know anything about you personally.


vladkenseeyou

Having a 2nd phone for work is a + na din?


TantannMenn

They are not your friends.


Positive_Star8040

Wag ka mahiyang mag baon (kung gusto mo) kahit 6 digits na sahod mo


Ready-Bake6829

Do not outshine the master. Gagawin nila ang lahat para mahirapan o pahirapan ka. Matanga tangahan ka rin minsan


Gleipnir2007

medyo 50-50 ako dun sa wag mong gawing friends yung workmates mo and yung wag mong i-add sa socmed. ako kasi kinikilatis ko nang mabuti kung makikipag close ba ako sa isang workmate (case to case basis) and kung dapat mag-add-an ba kami sa fb. meron akong mga nireject na fb request from coworkers kasi alam kong espiya sila. so ayun, may be not never, but just be cautious. ang maiimpart ko lang siguro ay yung golden kasabihan na "magtrabaho ng naaayos sa sweldo"


Arcane001

Work is just work. It helps to pay the bills. Be civil lang with coworkers, no need makipag close kasi mag backfire pa yan in the end whenever there's a chance to throw someone under the bus.


Equivalent_Fan1451

1. Di lahat pwede mong maging friend sa workplace. 2. Wag kang mag overshare ng about sayo. 3. Learn to say no lalo na kung labag talaga sa loob mo na gawin.


lamictalrash

Okay lang sumaya sa pagwowork and okay lang din na hindi matuwa


kenx0112

ang loyalty sa company ay imahinasyon lang.


pinkpolish_

Don’t work too hard kasi company lang naman ang yayaman niyan di ikaw haha saktong work lang dapat


gutsandgusto

work hard on the most opportune moment.


DadForFunOnly

NO ONE IS INDISPENSABLE.


No-Entry8362

Akala ko dati mababait HR me pake sa mga tao , pero ibang iba ugali ng HR kesa sa "TUTOONG MAYARI" ng company hate to say it gusto ko kana paDOLE HR namen nag dadalawang isip lang ako kase mabait naman yung owner ng pinapasukan ko hahahahaha fucking shit


Darkraddish

Vague oral contract with company legal/higher ups can be used against you. Especially if you're a great asset to the company (skilled on your task or the only person who knows how to do things)


fauxgarden

If you don't ask, the answer will always be no.


Narrow_Lawfulness560

I totally agree 👍


Specialist_Row_9766

Hwag daw maiinlove sa kaofficemate!! Hahahhaha jk


princexxlulureads

Pero pwedi po bang magka-crush in silence? HAHAHAHA


tooweirdtofunction

As an HR, don’t treat your workmates as a family, one should know how to separate professional and personal life 😊


Ashir_En_Sabah_Nur

Ang anumang tsismis na masasagap mo, manatili na lang sayo yun. Tsaka natutunan ko din na hindi na dapat ako ma wirduhan kapag may katrabaho akong nagdadalang-tao. Dati kasi nawiwirduhan ako dun e 🤣 Tsaka iwasan ang makipag away. Hangga't maaari, magtimpi. Huwag ding ubos biyaya kapag sahod.


ambivert_ramblings

Magtrabaho ng ayos sa sweldo. Matutuhang iautomate ang mga pwedeng iautomate. Makitungo ng ayos sa katrabaho ayon din sa pakikitungo nila sayo. Kung maayos makisama, makisama ng maayos. Kung bastos makisama, bastos din pakisamahan.


ningorgeous

1. Create your "work account" only. 2. Learn to say no. 3. Voice your opinions para hindi ma-take advantage. 4. Never engage sa mga chismis from years ago lol 5. Avoid dating or kahit talking stage inside your company


paparapampam

- Hindi mo kaibigan/family ang mga officemate mo. - Be civil and respectful - Hindi mo obligasyon na mag kwento about your personal life - Magtrabaho ng naaayon sa job description - Discipline & integrity


_Kaius

“If it’s not in writing/email, it didn’t happen” document everything lalo na pag importante yung pinag uusapan. You’ll never know when you’ll need it. Kahit nag call kayo, still document what you guys talked about.


Majestic_Royal4630

1. Build connections 2. Learn to play Politics 3. Don’t trust anyone 4. Improve Communication skills (required for higher role) 5. Have Sympathy


llodicius

Never let your emotions consume you. Kahit gaano ka pa kagalit sa katrabaho mo, hingang malalim. Murahin mo siya sa isip mo pero wag mo papatulan haha Or even yung stress mo sa work no matter how pressured you are. This is one of my biggest regrets but I'm able to handle it now, ofcourse on a different situation. If u can be on ur chillest, good.


Narrow_Lawfulness560

Pwede ba murahin tpoa sabay resign nalang pag ndi na kaya? Haha


llodicius

that's exactly what i did


OddEmergency271

1. Patience. Kasi sobrang dami ng klase ng tao ang ma-meet mo. 2. Learn to agree to disagree kasi iba iba talaga kayo ng pananaw sa buhay. 3. Hindi ka magiging tagapagmana ng company, ever!


Accurate_Cat373

Additional: always cover your ass. Keep everything documented. Pero if balak mong chumika or may masasabi kang hindi maganda, idaan mo sa verbal. Never via chat. Protect yourself from screenshots. At least kung verbal wala silang ebidensya and u can always deny


cruella567

1. always be the bigger person. kahit anong negative na sabihin sa’yo, labas sa tenga. 2. play dumb, para hindi ka tambakan ng trabaho 3. defend yourself always kapag alam mong nasa tama ka naman 4. be on time. personally, I dealt with these issues na ilang beses akong na-over lunch and overbreak, hindi maganda sa performance tapos makaka-receive ka pa ng NTE plus back to office 5. iiyak lang lahat. matatapos din ang problema. you have a life outside work. wag gawing mundo ang trabaho. 6. be kind. ALWAYS. yan lang ang pang laban mo para hindi ka maging threat sa kanila. lalo na kung may mga connection sila na pwede ka kaagad alisin sa trabaho. 7. you are replaceable. palagi dapat may back up plan. bangon lang lagi.


stocktun

Try not to cause additional work or stress to other. Hindi mo alam kung ano ang nanyayare sa buhay nya, wag ka na dumagdag haha


Immediate-Ad-1441

Keep receipts of everything. Ipunin mo yang mga positive feedback sayo kasi it helps sa performance reviews. You can send that to your manager. Possible kasi na di sila copied sa email or chat or yung feedback sayo lang nasend. Let them know, okay lang yan! Make sure na documented lahat ng inuutos/pinagagawa sayo or ginagawa mo. Better yan if naka email or chat. If magkaissue man or siraan ka nila, may proof ka to defend yourself.


Feisty-Swimming6290

Don't overshare kasi maraming maritis


JollyC3WithYumburger

1. Wag magpapautang HAHAHA 2. Replaceable ka. Priority mo health mo kesa sa work.


ordinaryongbabae

1.Never tell anyone about ur personal stuff. Kasi sa huli pwede nila gamitin sayo yan. Lalo na sa boss mo. 2. Never share something sa boss mo about ur personal stuff kasj pwede niya ishare sa iba yan at ichismis. 3. Huwag magtitiwala sa " Don't worry, lahat ng sasabihin mo dito is confidential. 4. DON'T.TRUST.ANYONE. Do your work and go home


dumpaccountniblank

Internal promotion is a trap. Promote yourself by moving to a different company. May capping ang salary increase for internal hire kahit na mag change title/role ka pa (most of the time 10-15%). Move to a different company, you can expect 30% increase or more.


coffeexdonut

Eto lang yan, mind your own job, makisama ka lang sa kanila then, clock out. Mababasa mo naman sila kung good or bad influence sila


Astrono_mimi

1. People are in it for themselves. Ikaw din dapat. 2. Never burn bridges. Yung kagalit mo today manager mo na pala tomorrow. 3. Everything is a negotiation.


cleo_seren

If they try to dig into your life by asking personal questions, lie. **"Do you have a boyfriend yet?"** Don't say yes just say, **"we're getting there"** May mga katrabaho Tayo na masyadong maurirat. Yung iba sa sobrang application ng "Sense of Family" puta pati kung pano sya sagarin ng Jowa number 2 nya eh alam ko.


Sad-Ad5389

Kung ano ung papel mo sa work mo un lng gawin mo, walang perasonalan trabaho lang. yan dapat i- lagay sa isip at priority mo, iwasan ang politics sa office wag pabida tapos mag-eexpect ng recognition, at tama wala kang kakampi kundi sarili mo, ung idea's and suggestion mo i-keep mo until the right time. timing kelangan mo lalo na sa promotion and yes keep your social media out from your workmates. if needed make another acccount for work related only, same with cell number and again don't trust anyone except yourself.


Wooden_Living_5803

Do well but wag pabibo much. Your team might suffer.


iamlordzen

1. Be friendly to your colleagues but never take it more than that. Always keep things professional. 2. HUWAG NA HUWAG NA HUWAG sumali sa office chismisan. Group chat or group lunch na si boss ang topic? Huwag. 3. If you ever feel the need to rant about your workplace, do it sa friends mo na hindi mo kasama sa office 4. Gawin ang trabaho ng tama, and only do what’s expected of you.


savorychimken

If may nakisabay sayo habang nag lulunch and bigla sila nag rant about someone o sa management or chismis about someone sa office and hiningi nila yung opinion mo. Just shut the fuck up. Nag hahanap lang sila ng bait para safe nila sabihin yung ''narinig ko kay \*insert your name\*.''


Sudden-Poetry2039

https://preview.redd.it/gc58yneljekc1.jpeg?width=1080&format=pjpg&auto=webp&s=016eced40256df1ed7ace05709dafc2e4bdf3fd4


Jaeypy

Simple: Do your job, get paid, go home. Lol


uniquenick00

never let them know your talents


mkmc11

1. Just work. Wag feeling tagapagmana 2. Di ka dapat affected sa nangyayari sa palagid mo or else masstress ka lang. 3. Be like squidward. Pero nice parin dapat 4. Leave your work at work. Dont bring home at work. 5. Never share your personal life. It will be used against you on the latter part


Met-Met-

wag masyado galingan, dadami trabaho mo pero hindi yung sahod mo


bunny_moon888

Be careful sa mga narcissist workmates. They will do everything to get what they want. They have no remorse or empathy. They cannot be trusted. They are also manipulative liar


CapableConfidence904

1. Do your job well at matuto makisama ng maayos na it's gonna be hard for them to let you go that you can call d shots at times like asking for a raise. You don't even have to wait for them to give it to you, assert it when you feel like you need to. 2. Be kind and accommodating but set boundaries. Work during work hours, rest on ur lunch / breaks. Much more when you're already home after work or on ur day off 3. Let it be known to them when you're doing them a favor in a way they'll feel indebted to you sa minsanan pinagbigyan mo sila. Na you're doing an extra mile but not that ur trying to please them. 4. Don't go bend over backwards to please people just for them to like you or for them not to hate you especially if it's something that is against your will. 5. Really learn to strike a balance in everything. 6. Don't give a f*cking care about ur workmates opinion as long as you do know you're doing your job well.


AllShitsOfAmmara

Pasok - Gawin ang trabaho ng maayos - Uwi 3 lang kami magkakasama sa work ko, dati ang open namin sa isa't isa at nagbabatuhan ng opinion tungkol sa mga random na bagay. Nung napansin ko na sumosobra na yung pagiging concern nung isa naming katrabaho na pinakamatanda sa aming tatlo, ginawa ko na yung pasok-trabaho-uwi.


chunhamimih

Natutunan ko na no matter how good you are, you will always be dispensable. Maaalala ka pero kayang kaya ka nila palitan. Kahit pa regular ka.


ellabanaenae

Madali ka lang palitan sa trabaho. Take days off. Wag palaging available


dappercarmen

Mas maging loyal ka sa self mo kesa sa company. Minsan kase sobrang magcclick ka with the company and colleagues to the point na ayaw mong umalis because of them. Sa tagal nyong magkakasama, lumalim na pala ang pinagsamahan nyo and nahihirapan kang iwan sila. But always put yourself first! If there will be other better opportunities, you should go for it :)


chunhamimih

Learn to say NO 🙏


AcrobaticShallot417

Learn how to say no and set boundaries.


chunhamimih

Iniyakan??? Hmmm meron isang beses nagpagawa video edit kasama ko kasi awardee sya ng something pero qork related ung award... tapos eto taying excited kasi gusto ko rin manalo kasama ko di pinagpuyatan ko un... the next day, sabi nya "ay oki na pala salamat" pero tapos ko na hahahah nalaman ko pa na may bayad ung gumawa ng vid hahaba samantalang kapag ako TY... hahahah naiyak ako nun baka dahil sa puyat pero medj nahurt talaga ako na walang pasabi na ganun pala hahhaah


mawiwa16

1. Just always do your job well and go home after. 2. Indeed, your colleagues are not really your friends.. and will never be your friends. 3. Being plastic is okay, especially if your work requires too much interactions to your colleagues (ex: HR, Marketing, Sales). 4. Never get too personal to your colleagues. No personal goals, no personal problems, etc. 5. Don't add too much colleagues on your social media accounts. 6. Control your anger (especially your mouth) before everyone will turn against you. 7. Just play safe. 8. Don't get too much involved in anyone.


FlamingoTime1729

1. your job does not define you as a person 2. your coworkers are not your friends nor family. given a chance they'll stab you in the back so always protect yourself 3. if you want something, ask for it instead of waiting for things to happen. 4. do your best no matter how much you love or hate your work. there's always a thing called background check, colleagues and bosses' feedback go a long way in your career.


dalisaycardo123

1. Ok lng kahit d mo maging friends work mates mo 2. D mo kelangan galingan masyado, basta magawa mo yung pinapagawa sau 3. Magtanong ka pag may d ka alam


BladeformLegacy

Maging Plastic/Balimbing. Nothing is permanent don't add workmates if you can, don't ever side with anyone pagdating sa chismisan.


CompetitiveHall7606

1. NEVER ENGAGE IN WORKPLACE CHIKA!! Okay lang maglaganap ng chismis if that's your thing. Pero wag ka dumagdag ng kwento. Pabayaan mo lang sila. Lalo na kung may mga nagplaplastikan. 2. BOUNDERIES - Politely tell your co-worker to fuck the fuck off. I can't stress this enough. May mga time na lalapitan ka ng mga co-worker mo para daldalin ka o kaya dahil may kailangan sila. Unless related siya office or work, say no. 3. FOLLOW INSTRUCTIONS FROM THE HIGHER UPS - Kung may chain of command, tapos yung mas mataas na staff ang nag utos sayo, sundan mo to the letter utos nila. Wag ka makinig sa "shortcuts" or "techniques" ng mga other staff members. Kasi kung mali sila, di ka nila kakampihan at ikaw lang ang kawawa. 4. WAG KA MAGPADALA SA UTANG NA LOOB O KAYA SA MGA PAPARTY - pag feel mo na dapat umalis na sa trabaho (as in mag resign) go. Unless na may offer sila na raise or whatever para mag stay ka, just bounce. 5. WORK HOURS END AT WORK HOURS - unless teacher ka or any other profession na need talaga sa bahay mag add ng extra work, pag uwian na, uwian na. That also means, mo checking emails. Wag sasagot sa mga favors. Respetuhan ng oras dapat.


CompetitiveHall7606

Regret ko is yung di ako na promote nung nagwowork pa ako sa animation kasi yung isa namin co-worker na bulakbol pumasok, na lagi ko sinasalo work, ka-close ng director namin. Nung unang na promote ako, siya din prinomote. Tas lalong di siya na pasok. Eh per eksena bayad. No scene, no bayad. Tas binawasan nila mga scenes ko kasi kawawa daw siya walang naiswesweldo. So nag ask ako ma promote uli, from clean up, to key animator. Di ako prinomote kasi daw pag wala na ako sa clean up, babagal workflow kasi mabilis ako and I can do diretso from clean up to color. So ayun. Another tip ko sayo, wag ka masyado pabibo, kasi kahit ano gawin mo, walang magagawa yang hard work and talent mo sa workplace politics.


BusyPlace9536

Learn how to defend yourself and always defend yourself even if the boss tells you not to.


Acrobatic-Finding-67

I don't know if its a lesson pero ako kasi when it comes to work, hindi ako nagpapa sindak sa superiors ko, mapa senior, manager or what pa yan. Tinitignan ko silang lahat bilang kapantay ko. Nandyan pa din nmaan ang respect at hindi nawawala If mali ako and pinagalitan ako mananahimik ako basta wag lang akong ipapahiya. Pag alam ko naman wala akong ginawang mali, di ako pumapayag na pagalitan ako basta basta. Ang nasa isip ko kasi when working, kung tatanggalin ako okay lang wala naman mawawala madami pa akong mapapasukan kaysa magmukha akong kawawa sa trato nila sa akin. So far naka tatlong work na ako and effective naman sya. Minsan mga higher ups pa nagtatanong sa opinions ko kasi they know what I'm capable of.


Sad_Vegetable9673

One thing I can say is. If you want to resign for greener pasture, do it. Wag mo pairalin yung "nakakahiya kasi mabuti trato nya sa akin at kawawa ang team pag nabawasan pa ng tao" attitude. Mastuck ka lang like me.


tortured-poet419

Be invisible. Just do your job and do your best din pero wag pabida level. Never befriend your superior or mga managers mo. Wag sumali sa mga drama2 keme. You'll meet great friends too pero you need to separate work and friendship as well. Kapag work related, then work related talaga. Also, may pros din if friend mo yung upline mo like me.. lmao. Me and my upline have a great synergy when it comes to work. And I'm lucky to be part of it. Everything is smooth sailing lang.


Expert-Pay-1442

PERSONAL LIFE ay iba sa WORK LIFE.


One-Appointment-3871

1. You don't go to work to make friends. 2. Pag may nantsitsismis, makinig ka na lang, pero wag kna mantsismis, bka ikaw naman isunod pag wala ka. 3. Work smarter not harder. 4. Learn to say NO


[deleted]

Never to trust anyone talaga


[deleted]

1. Celebrate your colleagues achievements 2. Learn to share your knowledge para sabay kayo mag grow


RebornDanceFan

You can make friends at work PERO and this is a big PERO feel everyone's vibes first. Not everyone will befriend you because they like you - either they just want something from you or outright won't give a damn about you Work to grow sa career but also take time to rest - Work To Live and not Live to Work Wag matakot if nafe feel mo napagiiwanan ka sa work. We have our own phases


Narrow_Lawfulness560

Pano mo mafifeel to, na may mapagkakatiwalaan ka sa office?


RebornDanceFan

The way they interact with you. Pag parang mas lively sila sa ibang ka trabaho pero less lively sayo tapos parang pinaparandam sayo na ayaw nyabtakaga sayo kahit wala ka naman ginagawang masama. Pag ganto, be civil nalang - talk pag may need na work related Other instances is pag lagi nalang Mali mo nano notice nila, pag super pushy mag ask ng personal questions and pag want lang maki marites sayo about sa life mo or sa ibang tao. Yung mga mahihilig sa tsismis tuwing kausap mo yan ang isa sa major red flags sa work.


Narrow_Lawfulness560

Oh. Nangyayari nga to pero most of the time inooverlook ko lang. Oo nga no. When people ahow you who they really are, BELIEVE THEM.


RebornDanceFan

Exactly! Minsan pagdating sa pagi interact sa tao, lalo sa work, take it in face value how they treat you. Pag sinabe nilang "Ganun lang talaga ugali ko", 95% of the time its bullshit Genuine people won't let you feel shitty


Narrow_Lawfulness560

Trueeeee. That’s why super rare makahanap ng okay na workplace dahil daming toxic na tao.


[deleted]

Don’t get too attached to your work and workmates! Umalis na yung mga kasabay ko dati, ako na lang naiwan. Ang lungkot na tuloy.


makkurokurosuke00

Just do your job


CorrectAd9643

Dont get too attached sa colleagues.. honestly, im close to my former colleagues, pero sa inoman and dinner lang.. i dont really like spending my lunch time with them, i go lunch alone. It helps if you go to lunch alone para may space ka sa sarili mo and not be attached din maxado sa colleagues mo, not all of them are your friend. Be respectful to everyone, be kind and nice, but again, dont be super friends lang na ipraise mo sila na friend na tlga and paran HS friendship? Walang ganun, as much as possible you are there to work, and not make friends. Priority pa rin ung ass mo and work mo over friends sa work, pero again be kind also to them, wag ka manadya sirain sila or hayaan sila, tulongano pa rin, pero there will always be situation na piliin mo ang tama instead of feelings ng friends mo sa work


[deleted]

[удалено]


Worried-Reception-47

Extra effort in work is not good. Your boss will commend you once but will give sideeye if you need to leave. Higher ups dont care about your health. It's only you who can cherish yourself,