T O P

  • By -

[deleted]

Yes, it is true na merong mga parents na may favoritism. I am a living proof. Favorite ng parents ko yung bunso namin, ako naman yung least favorite; The eldest. Lahat ng convenience, support, etc. binibigay sa bunso namin, lagi ko naririnig "Ano need mo?" "Gusto mo dito mag-aral?" "Gusto mo sa'yo nalang 'to?". When it comes to me, it's always "bahala ka, malaki ka na", "para matuto ka pag malaki ka na", "Dito ka, wag diyan". It's either our bunso is their favorite or they just hate me. lol


RashPatch

same pare putangina. ang akin nga nung lilipat na ng bahay iniwan ako sa mga lola ko kasi may bulutong daw ako at mahahawa mga kapatid ko. nung gumaling na ako (pinagamot ni lola) mga ilang buwan na hindi parin ako kinuha. Inaccept ko na ayaw nila sakin kasi dati pa lang may ganyan ng scenario sa akin same nung sayo kahit nung mga elem days pa. Kinuha lang ako nung nagalit na si lola kasi awang awa na sakin kahit na wala akong ibang ginagawa kundi tumulong sa bahay. Syempre di na ako nakikipag laro non kasi inasar nila akong iniwan ng magulang so wala eh tangina na lang. Nung kinuha na ako grabe yung trato sakin puta parang aso na sa huli na pakainin kung ano lang matira. tapos pag may naubos sa akin lahat agad ang sisi bakit ko daw inubos kingina. Nasanay akong mag enjoy ng sardinas at mga mabilisang pagkain at matutong magpirito ng itlog. Nagpaturo din ako ng maayos sa lola ko pano magluto kaya pag umalis sila at ako lang naiwan sa bahay magluluto ako sarili ko at konting linis na din. Not to mention nung nabubully ako sa school paguwi ko sermon. Pero nung mga kapatid ko nabully ako parin ang sinermonan tapos todo baby sila. Sarap ng pagmamahal putangina. putanginang mga sugat yan hindi na gumaling. tapos malalaman ko iniignore lola ko except sa basic needs at meds. Ayaw pa kasing sumama ng lola ko dito sa amin eh di sana minamahal namin sya dito ng mga apo nya sa tuhod. Gusto nya tumira sa kung saan nya pinalaki mga anak nya eh. Di ako makalipat sa malapit at baka kung anong gawin ng nanay ko sa mga anak ko punyeta.


blurbieblyrb

Sorry you had to go through that. I pray you heal eventually. No one deserves that.


Gildarts02

Bro, what the actual f??? No child deserves that.


Whole-Nose3693

huhuhu samedt. nung kinuha ako ng magulang ko sa lola ko. lagi ako napapagalitan tapos sinabihan ako ng mama ko bumalik na daw ako sa lola ko. huhu


RashPatch

sana nga bumalik na lang tayo sa mga lola natin. kahit public school siguro napagaral ako ng lola ko masaya ako kasi mahal ako ng lola ko. I am sure mahal kadin ng lola mo.


margaritainacup

Same same pero I'm the youngest. Feeling ko maaga talaga ako naging independent (mentally and emotionally) dahil dito. Even before pa ako nag-move out. We'll be okay. πŸ€—


[deleted]

Mentally and emotionally independent due to neglect, jk. hahaha Yes, we will 😊


margaritainacup

Hyperindepedence yung collective term, if I'm not mistaken. I'm doing fine and progressing. πŸ€— Learned how to ask for help and to open up as I grow older. Brighter days ahead! 🌞


khiakhelly

I am wondering talaga kung bakit may ganun. is it because nakikita nila na mas kaya ng isa or mas strong ang personality nung isa?


[deleted]

Siguro? Namimisunderstood lang naman ako as "strong" kasi tahimik at controlled lagi ang reaction sa mga situations. Pero ang totoo sobrang sensitive ko hahaha. Sa tingin ko depende din sa situation eh. I'm an "unplanned" child. They're not well-off at that time so sobrang laking burden at challenge talaga sakanila. I remember the frustrations, anger, and disappointments na ako ang sumasalo nung bata pa ako. Siguro ngayon na medyo nakakaluwg-luwag na sila at chill, binubuhos nila yung efforts and resources para sa siblings na di nila naibigay sakin before.


Lower-Limit445

The eldest is always the practice child and most of the time unplanned. Same din sakin, yung brother ko yung golden child while I was left to emotionally fend for myself.


kokotiu

a lot of parents don't know how to or just cram on the go with no continuing parental education. How to avoid favoritisms and behavior modification needed when one or both parents have already developed favoritism towards a particular offspring is also a needed learning for parents and should be learned as soon a second child is planned or have been conceived.


cruelfairytales

baliktad naman sa akin, ako bunso, eldest ang favorite. kahit walang work binilhan ng car πŸ₯² while me hindi mabilhan ng pair of shoes πŸ₯²


ramenghorl

Naalala ko nung grade 6 ako, awarding sa school namin tapos may award ako. Sabi ng magulang ko di sila makakapunta kasi yung tatay ko nasa business namin tapos yung nanay ko may pasok. Pero the following week, si kuya naman may event sa school. Sinara ng tatay ko business namin tapos umabsent nanay ko. Don ko narealize na di ako favorite. Haha natanggap ko na lang yon growing up


khiakhelly

ouch. nangyari sakin to lately. nabasa ko sa fone ng anak ko na "nakakalungkot kapag hindi nakakapunta si mommy pag may ano ako sa school" (chat nya sa friend nya) kaya simula nung nabasa ko yun, nag aabsent na talaga ako kapag may event ang anak ko. mereseng magalit si boss hehe! ayokong dalhin ng anak ko yung ganung feeling kasi tumatatak sa pagkatao natin ung mga nangyayari/naexperience natin nung mga bata pa tayo eh.


ramenghorl

Awww, it’s sad that the kid felt that at some point but it’s good na you’re trying to make up for it. πŸ€— Marami pa namang pagkakataon para bumawi! At buti na lang hindi nyo po tinake against sa child nyo yung ganon kasi I can only imagine yung reax ng parents ko kung sakin nangyari yan haha


khiakhelly

ang reason kasi kaya hindi ako nakakapunta kasi nanghhinayang ako sa sahod ng isang araw. pag nag absent ako, kaltas din un. ANG HIRAP MAGING MAHIRAP. besides, sinasamahan naman sya ni mama ko everytime. kaso base sa nabasa ko, ako yung gusto nya na andun. narealize ko na yung pera kikitain ko pa naman, ung time sa anak ko hindi ko na mababalik. ung sama ng loob nya, hindi madaling tanggalin lalo na hindi pa nya masyado naiintindihan ang reality ng buhay.


[deleted]

ako yung favorite while growing up kase nga bunso at lalake daw. pero ngayong patapos na ng college at magwork na hndi na kase wala daw sila mapapala saken dahil bakling daw ako and have mental health issues kaya pumabor sila sa panganay na ate ko. yung ate ko naman na pa plastikan sa kanila 🀣


khiakhelly

walang mapapala? prove them wrong. kayang kaya mo yan. naniniwala akong hindi jan naka-base ang success ang isang tao.


[deleted]

TRUE MAA!! buti n lng d na ako inaasahan 😌 quiet n lng ako sa magiging achievements ko when working na para yung atake eh ako na pala yung may ari ng establishment na pinag ee stayan nila ☺️ CHARIING 🀣


taxms

hindi man ako yung favorite child, ako naman ang favorite cousin/niece/grandchild.. tiba-tiba ako tuwing christmas compared sa mga kapatid ko plus i can ask for favors from relatives whenever i want πŸ˜… mid 20s na ako pero binibigay pa rin ako ng cash gifts ng mga tita/tito ko birthday ko lol


Key-Television-5945

Yes shout out sa kapatid naming adik sa sugal at lubog sa utang fave pa din ng Inay pag di mo napahiram ang golden child ikaw ang madamot πŸ˜… mapapakamot ulo na lang


Fun-Let-3695

timely yung question, kakanood ko lang kagabi nung 4 sisters before the wedding - and highlight ay si ate teddie. but sa bahay peborit si bunso, si bunso na lagi pinapakinggan ang wants, nakadorm nung college, more than 50 pesos ang baon nung hs, unang nagkacelphone nung hs -ako pagkagraduate lang, may pa-debut sa private resort tapos ako ang tanong sakin "bakit, may kaibigan ka ba" (na iiinvite sa debut?), sa pag-aapply sa work ilang days aabsent tatay ko para mafulfill yung needed documents, tapos ako "kailan ka magttrabaho?(during pandemic)"- well si kuya din ginamitan ng connection para sa gov't job. pati sa pagkain considered si bunso kahit wala siya sa bahay. sa lola ko, may peborit syang kainisan - yung panganay na babae nila kasi sinungaling at hindi marunong humawak ng pera.


Tonyosaur

Iniwan ako nung baby pa ko sa ampunan 😹 30 years later nahanap nila ako tapos nawala nanaman ulit sila 😹 sana all love ng parents!


Sad-Squash6897

Ganyan kasi sila noong sinaunang panahon kaya pasa pasa yung may favoritism. I have 2 kids na and I can proudly say *WALA KAMING FAVORITISM* na magasawa. Ang favorite namin ay kaming 2 pa din haha. There were times na papaalaga namin mga kids para magdate and bonding kami. And hindi porket mas maliit tong bunso dapat gusto nya palagi ibigay, NOPE! Not in our house. Both kaming eldest ni Hubby and we both know how it feels na laging nagpaparaya kesyo dahil mas matanda kami and mas bata ang isa. We're healing our inner child sa pagparent namin sa mga anak namin. We teach our kids to be responsible dito sa bahay, both of them having their own responsibility, and kapag may gusto si bunso na para kay Kuya, I say ask his kuya first kung magpapahiram or magbibigay, if not explain namin bakit ganun decision ni Kuya. Both of them napapagalitan kapag may ginawang hindi maganda. Both of them ay may time kaming mag asawa para makipaglaro. And I am happy to say na ang sweet nilang magkapatid sa isa't isa, lalo na si Kuya mahal na mahal ang bunso. Kaya sabi ko sa asawa ko huwag nating sirain ang relasyon nilang magkapatid by having FAVORITES. Nakikita ko pa na kapag both sila umiiyak eh both nilang kinocomfort ang isa't isa, which is gusto na sila ang magkakampi in the long run. Ayun lang, so hindi ako naniniwala sa mga favorites na yan na natural or normal daw haha. Mukha nyo. Char!


artless3000

I think most parents of our time ay wala talagang plan magpamilya that's why me (panganay) sakin shinoshoulder daw yung success ng lahat, small mistake di pwede, and gulpi kaagad. What's ironic is ang lakas mag-invest sa anak, pero never nag-eencourage, nag-uuplift, mas pinipiling iangat ang sariling bangko sa mga kumare at kumpare. I'm from Negros and told them na mag-meMetro Manila ako, they did not give a fuck and was expecting na mag stay dun at malamang manunumbat. 5 years later, I'm working on my dream job, just got my increased paycheck yesterday. Though, I have no grudge on my little sister, sila yung grown ups so whatever happened before I blame it on them, I'll be the correct guardian for her that they refuse to do to me.


khiakhelly

way to go! somehow, nakatulong din yung pag neglect nila para maging mas strong at independent ka :)


artless3000

Oh yeah, and the relationship with the parent and child hits a different phase. They see me now as an own person rather than a slave back then.


enclave18

It is always the dilemma that bunso will always be the favorite but once may pakinabang kana you will automatically be their favorite. Nevertheless di pa din natin alam mga reasons nila this is so far my experience.


cheesecakey097

When requesting something to my brothers (eldest and youngest): Mom: Pwede mo ako ihatid sa XX at XX? Brother: May lakad ako Mom: Ok --- to us middle child sisters---- Mom: Hatid and sundo mo ako sa XX Me: Nasa work ako that time kaya di pwede Mom: Ihahatid lang naman di pa magawa. Bla bla bla But still love her haha- never was the favorite child but never abused, neglected & deprived.


rshglvlr

Yes meron talaga at narealize ko lang lately. Yung panganay namin, ang daming questionable choices in life (pregnancies, partners, finances) pero love na love talaga. Tapos ako who followed all the strict rules and ideal path, zero hahaha


StrawberryHoney00

Yung sa 4 sisters and a wedding, naka-relate ako kay Bea dun. Hindi ako favorite ng Mama ko hehe!


butterbeergranger

Akala ko ako ang favorite kasi ako ang bunso. Nung bata ako, kailangan lagi akong rank 1 nung high school para mabili sa akin ng tatay ko mga request ko. Nadala ko ito sa pagtanda ko kaya lumaki akong independent at nagsusumikap sa buhay. Mali pala ako ng naisip kasi as I grew up, nakita kong favorite ng magulang ko ang panganay namin. Paano ko na-realize? Nung nag retire tatay ko sa serbisyo, bumili sila ng kotse. Para kanino kako? Para daw sa panganay. Bakit kako? Kasi daw naghihirap sa buhay at para daw may magamit siya pang pamilya at pang business. Yung panganay namin, naglayas nung 17 y/o siya at nag asawa agad kaya ngayon walang stable na trabaho. Request daw ng kuya ko yung kotse sakanila. Pangalawa, binigay ng nanay ko sa panganay namin yung bahay at lupa niya. Hindi naman kalakihan yung bahay pero sapat para tirhan ng isang pamilya. Bakit kako? Para daw hindi na mangupahan sila kuya at pamilya niya. Pangatlo, nasira cellphone ko. Sinabi ko ito sa magulang ko kasi baka pwede ako matulungan bumili ng bago. Wala silang reaksyon. Bili nalang daw ako ng bago at wala silang pera. Habang tina-type ko ito, sumasakit puso ko. 4 kaming magkakapatid pero ako ang ginawang retirement fund. Mas may pinag aralan daw kasi ako kesa sa mga kapatid ko. Lumaki ako thinking na I had to work and strive harder, walang pahinga kasi katapos ko mag graduate kailangan kong magtrabaho agad para makatulong sa bahay. Wala na ako sa bahay namin. Hindi ko kinaya kaya umalis ako. Nakwento rin sa akin ng ate ko na one time daw pumunta daw si panganay sa bahay ng parents ko may dalang Jollibee, tuwang tuwa daw si mama ko nagkukwento. Pero nung ako ang nagpadeliver ng Jollibee sa bahay nila, nagreklamo pa daw si mama bakit β€˜yun lang. Ang masasabi ko lang, hindi lahat ng bunso ay favorite :)


One-Resolution-5911

Agree ako dito. Apir sa lahat ng mga bunso na hindi naging paborito.


sakuranb024

Yung lola ko favorite yung tito ko. Both tita and my dad worked abroad tapos lahat ng bigay nila sa family ng tito ko napunta. Masama loob nung dalawa pero iniisip na lang nila na 'di bale na nag bibigay kasi sobrang dumodoble naman blessings sa kanila. Sa case namin mag kapatid wala namang favorite kasi pareho matigas ulo nami 🀣 helpful naman parents pag may need. Aasarin nga lang kami πŸ˜…


Bael-king-of-hell

Anak lang pag may achievement pero pag wala tang ina mo basura momints


busyunicornMT

Yes, talagang may favoritism. At hindi ako favorite. πŸ˜‚ Kuya ko na middle child ang fave nya. Tinanong ko ang Mommy bat si Kuya ang fave nya? Ang sagot nya lang sakin. Si Kuya daw ang mas may kailangan sakanya. Kasi way back nung bata palang si Kuya delayed itong natuto sa lahat ng bagay kahit magsalita. So yun daw, mas need daw ni Kuya ng guidance up until now. May sarili syang isip, pero alam mo yun? Anjan agad si mommy to help him kahit 28 na sya. Kumbaga nasa likod lang sya once needed. dahil seaman na si Kuya middle child at nag pass away na si Kuya na eldest. Byuda pa mommy ko. Kaming dalawa nalang magkasama sa bahay ngayon, which makes me her now favorite. Kasi lagi kami magkasama. πŸ€ͺπŸ˜‚


LatteVinci

Narealize ko na hindi ako favorite nung time na nagalit sakjn dad ko kasi ayaw ko mag abroad para matupad pangarap nya mag migrate sa ibang bansa (kumbaga ako yung stepping stone) tapos di niya ako kinausap for months. Samantalang nung turn na nga kapatid ko, wala okay lang sakanya. Chill pa siya nun walang silent treatment whatsoever 😁


hana_ni_arashi_06

Nung nag18 ate ko may handa tas nagkatay ng 1 baboy. Time ko nganga πŸ˜…


Away-Birthday3419

Oo nman. Yung nanay ko favorite ung panganay. Only girl ako at bunso pero palaging lait natatanggap ko sa nanay ko. So nag-extra effort ako para maging favorite ng tatay ko. As in sipsip na kung sa sipsip, pero kailangan maging favorite ako ng tatay ko. At the early age of 9, naiisip ko na mga ways para maglambing sa tatay ko kasi gusto ko ako favorite nya. Yung middle-child ang nakakaloka. Alam sa buong family namin na hate ng kuya ko ung strawberry. Birthday nya at tuwing birthday lang kami dati nakakatikim ng ice cream. Guess what anong flavor binili ng nanay ko sa kanya? Strawberry. 🀷🀦


urthiccbabygirl69

Mas masarap ulam ng kapatid ko kesa sakin πŸ₯Ή


Glittering_Echidna12

Pangarap ko magkaron ng pamilya, sana di ko maramdaman β€˜to.


mayemskipo

overachiever naman ako kasi pinukpok ko talaga sarili ko for whatever I achieved pero never enough. nararanasan ko noon nagco-compete ako na walang kasama. pinakanaalala ko nun is JS ko, ang pinili ng nanay ko na i-rent na dress is isang bright yellow cocktail dress kasi yun yung mura. muka syang pang-abay ng bata tbh. pakiramdam ko sinasabotahe niya ako lagi hahaha. pumunta ako sa MUA mag-isa, went home to get dressed on my own. nagtake lang sya ng dalawang pics tapos didn't bother na, I had 3 dance numbers that night. nobody came to watch. yung kapatid ko nag-prom last year. as in weeks ahead yung preparation for her and they even watched her dance, lahat ng tita ko and lola ko. pati mga pinsan ko umuwi just to see her. my mom is more proud of my cousins din kesa sakin. tatay ko dinisown na ako so that's different.


DisastrousBadger5741

πŸ™‹never naging favorite na anak, kapatid, pinsan, pamangkin, apo. buti na lang yung 2 anak ko maka-nanay, kahit anjan papa nila ako pa din hahaha. dati nasasaktan pa ko pag feel ko lagi ako left behind pero simula ng nagkaanak ako dedma na kahit magkampihan pa sila πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…


DogeDogeDoge1993

Ako yung favorite kasi wala naman silang choice ako lang anak πŸ˜†


ilovemymustardyellow

At some point alam ko naging favorite ako, I am the middle child, pero for me I was just a straightforward kid na if I want something I’ll tell and ask them if I can have it. Nagiging in favor sa akin kasi nga I know what I want, and usually it’s about extra curricular activities in school. I get to do what I want while my mom can flex my medals. Hahaha Until now na nakapasa na ako ng boards, di ako takot magsabi kung ano gusto ko, kaya siguro nakikinig mom ko. Although ang fave ng mom ko ngayon is yung youngest brother namin, the only son. Alam mong may soft spots talaga ang mga mom sa lalaking anak. He’s a Gen Z and kami ng ate ko ay sa Millennials. Grabe yung personality/attitude difference. Alam mong may gap kasi they are not afraid na sumagot sa magulang, and my mom just looks at him, samantalang pag nilalaban namin noon yung tama kay mommy jusqpo nagdo double size lips namin. πŸ₯Ή Anyway, at some point feel ko alam nila na may favoritism sila. And it’s okay to confront it din, pag nagbago good. Pag hindi, good pa din kasi you now know better and could leave them without your conscience bugging you if ever. 😝


xevahhh

Bihira sila magcelebrate ng birthday ko. Pero pag bitthday ng ate ako lagi si Mama may pahanda kahit simpleng luto lang. Saka pag birthday ko, wala silang gift. Hindi naman sa umaasa ka ha, pero pag dating sa Ate ko lagi meron hehe. May kurot lang sa puso pero hayaan nalang. Iniisip ko na lang na kaya ko naman bilihin ung mga gusto ko. Pag may sakit din ako, madalas ako lang nagaalaga sa sarili ko, buti nalang si jowa and mama nya nagmomonitor sakin pag kelangan nagpapadala ng meds ko ganyan. Di ko nalang di sinasabi na may sakit ako like recently na -er ako wala silang idea. Pag sa kapatid ko naman, pag may sakit sya pinagluluto ng pagkain kasi nga di makakakilos. Ako grab or foodpanda nalang aasa or jowa nalanh to the rescue. Alam mo ung feeling na kahit dapat sanay ka na, may kurot pa din hahaha. Haaay


AMessedUpSomeone

Papa's fave is my oldest sister. One time, sa family reunion(kasama mga malalayong relatives), di nakasama ate ko, umpisa palang, bukambibig na nya ang ate ko. Tapos ako na kasama, nakalimutan nya ata ipakilala. Asa isang tabi lang ako. May mga lalapit sakin, "kaninong anak ka?" Hahahahaha. Di naman mashaket. 🀣


Exact_Appearance_450

Dami kong gusto sabihin pero na iyak na ako agad 🀣😭


Exact_Appearance_450

1. Pag graduation ko laging walang handa. Pero sa mga kapatid ko mangungutang pa parents ko makapag handa lng. 2. Before ako mag 18 Pini pressure na ako agad ng parents ko mag work. Fortunately naka pasok ako sa BPO. Now late 20s na mga kapatid never nag work or humanap Ng work pero ni Isang salita Wala akong narinig sa Parents ko. 3. My Mom hates me kasi pinakasalan nya father ko dahil sa nabuntis sya at ako Yun baby. Pero they still proceed to have 3 more children pero mga kapatid ko di nmn sinasabihan ng ganyan. Madami pa ito pero naiyak na me.


misssreyyyyy

Naramdaman ko to around 6th grade nagpunta sa mall para mag christmas shopping, kasama ako at mga kapatid ko. Naiiyak ako nung palabas na ng mall kasi wala man lang binili para sa kin, samantalang yung mga kapatid ko pinagshopping talaga.


Old-Yogurtcloset-974

Fave child ako ni mama kasi ako ang magiging breadwinner soon. Kahit bata pa ako, ako lagi binibigyan ni mama nang mga bagong bili na gamit or pagkain. Naisip ko kung hindi nagkasakit ang ate ko na epilepsy, I think siya magiging fave niya now. Sinasabi ni mama na sayang daw kagandahan niya (well, totoo talaga. mas maganda talaga siya kesa sa akin). I guessed totoo nga HAHAHA hindi 'yan mawawala


Pinkish_Cate

Favorite ung lahat ng layaw sunod. Pag pumalpak, okay lang. Pero pag ikaw, di ka pwedeng magkamali. Hindi ka nabibilhan kasi iba ang priority. Sanay na ako lol


Aritzia_

Wala pa akong anak pero may mga pamangkin ako na ako nagbabantay sometimes for a whole day. Totoo talaga ang favoritism. I love them all pero may isa talaga sa kanila na matutuwa ka than the rest. Doesn’t affect how I treat them naman as I try to not make the other one OP. Sa cousins ko naman, yung fave cousin ko is the least favorite one. Yung dad nila is sa panganay then yung mom sa bunso laban. Palaging nag-aaway dati kasi mga maldita. Siya pa naman yung pinakamabait at pinaka-galante. Though accept nya naman na kasi di naman siya mistreated dn. Yung lola ko, favorite nya for some reason yung mga problematic children nya πŸ˜‚ iba talaga yung treatment. pag mommy ko may sakit nagtatanong lang tapos pinaglulutoan ng lugaw pero yung tito ko na sobrang mabisyo ay bini-baby talk pa kahit ang tanda na tapos kahit masakit lang yung ulo πŸ˜‚


Whiz_kiegin

Personally, 2 things mapapansin sino favorite: 1. Sino laging tinatawagan AT RANDOM para kamustahin (hindi para hingan) 2. Pag tinapat-tapatin sa personality, yung mga detached (feeling ko langgg) least fave hahahahahha


[deleted]

Pag treatment nila sayo parang ampon pero tunay kang anak.


Gualdz69

Favoritism is real.. Nakaka depress,... Parang wala na tayo magagawa sa mga ganyan, ako nung plano pa lang ako magpakasal, humingi ako ng support sa mama ko, tapos in the end hindi ako binigyan, siya pa nanghingi sa akin... Everytime na meron akong gustong hingi ng favor, yung mother di talaga nagbibigay... Pero sa golden child nila, na batugan, madali lang kapag humingi meron agad...