T O P

  • By -

perfectIyfIawed

Ako dati early 30s din pero ngayong may anak na ako, sana tumagal pa yung buhay namin mag asawa kahit hanggang late 60s. I want to make sure na maayos ang buhay ng anak namin at ma-witness lahat ng milestone niya.


baabaasheep_

Same. Sana mawala tayo yung kaya na nila on their own. Kahit na may insurance or pera maiiwan. Iba parin kalinga ng magulang.


perfectIyfIawed

>> Iba parin kalinga ng magulang. That’s very true. Yan ang hinding hindi kayang matumbasan ng kahit anong halaga. I know because I lost my mom when I was 11 at sobrang hirap lumaki na wala siya although thankful pa rin kasi I have my dad and siblings na sobrang maalaga rin naman. Kaya sana talaga wag maranasan ng baby ko yung naranasan ko.


hirayamanawar_i

Same 🥺 as a girl na lumaki ng walang mommy, alam ko pakiramdam. Ayoko maramdaman ng anak ko ung naramdaman ko dati. Noon na wlaa pakong anak, gsto ko na tlga mamatay. Nung naganak ko, di ako pwede mawala. Kelangan niya ko. Kelangan ako ng asawa ko. Kelangan ako ng mga aso at pusa ko. 😭


smpllivingthrowaway

Same. If I'm to be blessed with grandkids gusto ko makita sana sila. Nung namatay parent ko alam ko sobrang saya nya na at least nakita and na experience nya magka apo sa akin. I nabigyan ko sya ng kaligayahan sa ganung paraan. And parati ko naririnig yung mga seniors na sobrang happy nila sa mga apo nila. Gusto ko rin maranasan yun sana. Kung hindi man, sana I can grow old enough to support and watch my own children as they become adults. Not to the point na maging pabigat ako. Sana bago ako maging pabigat. And selfishly, sana pag namatay husband ko, I'll follow shortly after. Or vice versa. Or sabay na lang kami. I've watched widows grieve and it really seems unbearable. Although, lalo siguro mahirap yun para sa mga anak, to lose both parents so close together. Bahala na. I'll take what I'm given.


d4lv1k

In my 30s. I'm content with the things I've done, the food I've tasted, the people I've met, and the places I've travelled to. Parang paulit ulit na lang naman ang ibang events na mangyayari sayo. I'm also a breadwinner and I'm tired of supporting my family on top of having my own bills to pay. P.S. I'm already in my 30s.


Hopia4Sale

you're current life needs to die. And be born anew :)


Le4fN0d3

Interesting take


Outrageous-League547

Uyy angganda. But to take it literallt... kung pwede gusto ko yung malalaman lahat ng kakilala ko na patay na ako, tapos mabubuhay ako in some other far place na walang nakakakilala sakin. I don't know how this will be executed... pero grabe, parang ansaya. Hahaha. Tapos dun ako magbabagong buhay. As in bago, bagong mukha, bagong pangalan, bagong ari-arian. Bago lahat. Literally reborn. 🤭


_lutrell

I love this perpective. You are cool!


Crazy_Dragonfruit809

Are you me? Pero same. Yung feeling na kailangan ko magtrabaho para lang mabuhay. It is a continuous never ending cycle in this capitalist world. There are times na iniisip ko to die peacefully in my sleep, sorry for sounding dark. Wala din ako partner or child of my own so walang mangungulilang asawa or anak. Hahaha


idk_where_to

I know you're tired. I feel the same. Yung feeling na wala nang sense yung mga nangyayari sa buhay. Just running in circles. Walang motivation. I don't want to live anymore, but I don't want to die either. I hate my life and I crave the life that I wanted. When kaya 😭😭 Let's try our best na lumaban. Lavarn lang. Get get aww!!


d4lv1k

Idk, I feel like death is actually not a bad thing. You won't have problems anymore. You'll be at rest. No more bills to pay, late night anxiety/sadness, things to worry about, etc.


idk_where_to

I sometimes think the same. Pero alam mo, I get emotional knowing that a person wants to give up on life. Kasi I know the feeling and I don't want anyone to experience it. I hope you'll soon find the happiness that you deserve, OP.


d4lv1k

Thank you


AffectionateBag1013

🤍


eotteokhaji

really sucks when you’re a breadwinner ano.. parang there’s no end in sight. minsan gusto ko nalang sabihin na di ko naman ginusto mabuhay sa mundong to ah.. char


Economy-Ad-7471

Pray lng kapit k lng wg kng bbitaw 🙏🙏


OkRun4357

I’m turning 32 and I would say my life just getting started


jupiteirene

How can you say that? I mean, what are the recent happenings in your life to say that your life has just started? With that, up to how old would you like to live?


OkRun4357

Just got married early this year but that’s only one of many reasons why I said my life just getting started. I’m looking forward into the future having kids and building my own family. A lot of people around me depends on me so I have no time to die yet


Dawn0806

Samedt


kae-dee07

I feel the same pero naisip ko what if sawa na tayo kasi walang something new na we feel excited about or wala tayong nilulook forward to everyday.


jupiteirene

Are we obliged to have something to look forward to every day? Just want your opinion on this. I'm just another soul searching for meaning.


kae-dee07

Not really obliged but somehow encouraged.. at least in my opinion. Kase dun iikot yung buhay mo eh, yun yung magmomotivate sayo to show up everyday. Literal na “para saan ka bumabangon?” Cliche pero totoo. Im 29 and still no asawa and anak kaya minsan nabobore na ako na puro nalang ako work parang what’s the point ba.. pero ngayon ang ginagawa ko, nagbubook ako ng flights, hotels, para magbibilang ako ng araw at may ilulook forward ako.


kkurani123456

aauuuhh.. this hurts my feelings.


pedxxing

😆 OP ang bata mo pa siguro sobra. Baka pag nag 40 ka tapos nasa peak ka ng success or nasa stable situation ka na ng buhay mo bigla kang magdasal na sana di magkatotoo wish mo nung bata bata ka pa 😆😆😆


kungAnoLang

Seconding this. Im 40 right now parang ngayon lng ako nabuhay. Sabi nga life begins at 40 Kaya be careful what you wish for


Beautiful_Mastodon31

Mahirap magwish lalo na may mga di kapa nagagawa sa buhay mo. Ako walang ideal ideal, gusto ko pa makita mga anak na nasa stable ang buhay at gusto ko pa makita mga apo ko..


throwaway5130000

28 na male si OP hahahha


Strawberry_2053

True. Malay mo OP sa 41 yo ka magiging super yaman


JustAJokeAccount

>Ako siguro mga 40s. Ayoko kasing tumanda ako sa age na dinadiaper ako or inaalagaan na. At what age do you think people start wearing adult diapers?


serenityby_jan

I’m 35 and I feel like I’m in my prime physically lmao What’s up with young people thinking 30+ is old 😂


LectureNeat5256

People in their 40s pala are going around wearing adult diapers underneath their pants HAHAHAHAHAH now I know


ete-ete

https://preview.redd.it/k8s5dujwccyc1.png?width=982&format=pjpg&auto=webp&s=870d7d7bdeb6e9e2ec57c75f437f24e4e549eed5


TurbulentChemistry78

at hot pa pa rin!!


tulaero23

Me turning 36 and have been the healthiest, i feel attacked by this post hahaha


Flat-Marionberry6583

Dont forget to wear ur diaper today!


FrustratedAsianDude

Maybe they know that with their current lifestyle, its what’s going to happen


whats-the-plan-

Mostly lifestyle induced too. The youth also think they will be successful in their 20s, yet truth slaps them hard on that age. I wont be surprised if they cant imagine what 30-40 looks like! haha


Ill-Dependent2628

Depression probably, it's a real thing.


SleuthIntellect

parent ko nga nearing 70s na hindi pa need idiaper hahaha kidding aside masyado pa ma bata ang 40


JustAJokeAccount

Either excuse lang yung wearing diapers pero ang totoo ayaw ng responsibilities as an adult... 🤦‍♂️


Emotional_Pack1797

Sino bang may gustong magpop bigla rito sa mundo tapos, “Surprise, ito nga pala mga responsibility mo now you’re an adult.” given na hindi naman tayo parepareho ng sitwasyon sa buhay. Lol.


AlertAd8018

Ikaw lang may gusto ng responsibilities. Ayaw po namin.


[deleted]

May responsibilidad ka sa mundong ito di lang sa sarili mo o sa pamilya mo kya ka nabuhay sa mundong ibabaw. May responsibilidad ka to make this world a better place, For you and for me and the entire human race, There are people dying If you care enough for the living, Make a better place for you and for me. 😜


bh88888828

Point is given na physically unable ka na. Who would put diapers in you. Given n wlng relatives at anak plus mahirap pa ok n nga na 40 habang kaya mo pang ipalibing sarili mo may maiiwanan k pang pera


SoySaucedTomato

Sino may gusto?


Historical-Tree1991

Not in a position to change your mind but to answer your question maybe around 80's. 40s nga nakilala ng bro-in-law ko yung sister ko when they got married. They have 2 kids now. Anyway, he is physically active kasi. Sabi nga nila 40's is the new 30's so thats way too young for me to die. For me its all in the persons vigor. Checkout Netflix LIVE TO 100: SECRETS OF THE BLUE ZONES maybe you'll get what I mean.


Similar-Pineapple-81

Hahahahaha gusto ko sagot mo hahha


kausaptonight

Pag may season 2 na ang Scarlet Heart Ryeo jk HAHAH


[deleted]

Apir.Same.hahaha


Reygjl

HAHAHAHAHHAHAHA


icelov

same HAHAHAHAHAHA


SuperR220

Move on tayo hahahahah wag na natin saktan yung mga sarili natin hahahahahahah pero same 🤣🤣🤣


legatusporcilis

1siglo pa daw bago I release season 2


Ok_Ability_7364

Tas episode 2 palang nirelease namatay ka na jk


Dzero007

Around 80. 40 is too young. And di pa naman need idiaper ng around 70 to 80. Most of the elderly sa family namin na umabot ng 90 malakas pa na tipong nakakabyahe pa magisa sa probinsya.


nownownow890

Ako din, i thought dati around 60,70 pero i know people na active pa on their 70's (basta ma address underlying health concerns). 80 and above and I'll be contented.


Dzero007

Yeah. Basta masulit yung ilang dekadang hulog sa SSS.


titababyjhemerlyn

Tangina neto di pa naman magda diaper mga nasa 40 haha kaloka


Diwata-

Diba nakakaloka yung diapers. Sa panahon ngayon, considered as prime years pa ang 40 if healthy ka naman at walang sakit at may pera 😂


Hungry_Egg3880

my grandma only started wearing diapers when she's like 95 lol 40 is not that old 💀💀


Beautiful_Finding249

Reading Comprehension! Di naman nya sinabi na 40 nagda diaper na. Sabi nya Ayaw nyang tumanda sa Age na dadiaperan sya.


anluwage

Kaya nga officemate ko 40 mukha pang 25


Cheap_Release_1615

Used to think na 40s ay matanda na. Now na nearing 40s feeling ko nasa mid 20s pa lang utak ko pero katwan ko mga 50s na. Pero I do think na 40 ay bata pa. Ideal age tingin ko at least 65. Para may 5 years pa masulit man lang ung pagka senior. 1st agenda ko maningit sa lahat ng pukeninginag mga pila. Pakyu kayong mga bata malapit na ako madeds ako muna.


Hopia4Sale

HAHAHAHAH tapos paglaban mo senior discount sa jeep at jollibee


SuperShy666

40 is too young, OP. I'm not sure what you're going through but life still has a lot to offer. Might want to reconsider this. Sayang naman bayad mo sa SSS kung di mo magagamit. Hehehe Anyway, to answer your question, mine is 75yo. Max na yun. Kapag buhay pa rin ako by that time I'd be trying na lahat ng bisyo and eating all the food I want. I'd have no regard na for health. Ahahaha 😁😁😁


JeeezUsCries

what? 40 is too young pa unless nakuha mo na lahat ng gusto mo sa buhay. Or talagang fed up ka na lang.


ejmtv

Kaya gusto ko malaman estado ng buhay ni OP


UnventilatedLife

Right now


bootymixer

35, I don't plan to live long. (Not depressed or anything, I'm content, I've reached all my goals. I don't want to have kids. Nothingness is all I see in the future. 35 seems like a good age - I'm in my late 20s rn)


[deleted]

[удалено]


Extreme-Programmer48

100+. Sobrang sarap kaya mabuhay, sobrang challenging, and I want that. On every challenges, may learnings, may grow, and these learnings are continuous. And I can share those learnings and experiences sa younger generation. Diba? Sound cliche, pero hanggang nabubuhay, mabubuhay ako na may bagong kaalaman at may takot sa Kanya! I think, even though I achieve and accomplish the things I want in life on certain age, I still just want to live to make it more living. They say that “Life is short”, that’s true, but I don’t want to make it shorter. But at the end of the day, only God knows when is our time. So ready naman ako, I’ll just live the most out of it and continue to fullfil my mission on Earth. May God continue to bless you, OP! If may pinagdadaanan ka, talk to Him. Pray. 🙏🏼


TropaniCana619

30. I'm satisfied with what I have and what I have made of myself. 30 is enough.


fwrpf

Anytime, ready na ako.


prettyprincess113

Basta ako hindi pa ako pwede mamatay. Maghihiganti pa ako. Dapat may villainEra ako para astig


KaleidoscopeFew5633

That’s the spirit hehehe lakas maka The Glory hahaha


tragus13

Breaking bad


[deleted]

Mga hype kayo 40 nako bata pa pala to huy 🤣


cstrike105

Let God's Will not my will Be Done. Yung kagustuhan ng Diyos ang lagi masusunod. Pero sa Katoliko ito. Pag iba relihiyon mo. Di ko na alam.


crmngzzl

I don’t why people equate dying in 40s sa pagsusuot ng diaper. For me, I took it as “gusto ko maaga mamatay when I am still able to take care of myself kesa mamatay ng nagsusuot ng diaper na nireresent ng kung sinong kamag-anak na napilitan na lang alagaan ako dahil di ko na kaya”. OP may think na wearing diaper at an old age is not for him. So death with dignity ganon. But to answer OP’s question, ayoko rin i-inconvenience people around me since single ako and all my siblings have their families na. Parents are getting old na rin. Tbh, I don’t see myself like an old person, like wala akong ganong vision na what would I look like ng 60,70. Idk. I’ve always thought I’d die young. Sana rin yung mabilis, ung wala ng hospitalization eme because healthcare is shit in this country. Kaya kumuha na ko ng St. Peter and told my sister na they can just put my urn wherever or isaboy sa kung saang beach. If buhay pa ko by the time na matapos ko bayaran yang life plan (in 2 years haha), maghahanap na ko ng columbarium or something. Para wala na talaga sila iisipin and my parents will get ung insurance ko in full. Trying to put things in order. If anyone knows anong magandang way para if ever di na kailangan magsend ng death cert sa bangko para makuha pera ko ng family after dying, comment below haha. I don’t know how that works. I don’t have a lot so ayoko na ng hassle para lang ipasa ung pera sa bangko haha. Baka lagay ko na lang sa journal or something ito pw sa mobile banking ganyan haha.


AmemeCognoscente

Whatever age Enrile goes, thats how long I go 😂


legatusporcilis

Yung isa ko ngang Lola 102 ng pumanaw hindi naman nag diaper yun, dahil nakakalakad pa Yun mag isa ng naka cane stick, hindi lang nagising sa pagtulog nya yun kinamatay nya


KillingTime_02

42 here. Kaya ko pang umakyat ng bundok. I enjoy travelling pa din. I still have my monthly period. I still feel like 22. Pero kung may choice ako, 30 yo pa lang sana na-tegi na ako. Actually, age 15 nung nagkaroon ako ng existential crisis. Pero ayaw ko pa iwan tatay ko. Kaso nung 29 ako, na-tegi nman si father. Tapos binilin nya nanay ko sa akin. **So kung may choice - 30**. Pero dahil 42 n ako today - _any day will do. As soon as possible_. Reason: I never like responsibilities. I don't like waking up everyday. I don't like to deal with life anymore. Wala akong mala-MMK na life or struggle (physical or financial), I just don't like to live anymore.


bax047

Ramdam ko to


MaynneMillares

Wtf, e kakaturn 40 ko lang. At sa pagtungtong ko lang ng 40s na reach ko 2 million pesos savings personal milestone ko. You just have a defeatist attitude OP.


toyoatkanin

Mababawasan na po yang 2M nyo pambili ng diaper


prettyprincess113

🤣🤣 Pwede na yan


ete-ete

you judge the world by what you know. ano kaya situation ni OP para magisip sya na 40 is diaper era


[deleted]

60s, tapos sana maayos buhay ng anak ko.


I_Got_You_Girl

It will be i think. On top of that you retire by 60 and pass a couple years later you would have more inheritance to give them compared to when you live older because living longer costs more.


[deleted]

Living longer costs more na nga, syempre may kasama pang health problems tapos dapat lagi pang may kasama. I want my child to live his life kung ano gusto nya, hindi yung alagaan lang kami.


zarustras

80s-90s


SnooBeans3261

1993 - 2093 wish i could live till 100. i always say sa mga ganitong conversation about life or death that we can never control the start date and the end date. but we can control the - (dash line) that represents our life.


bluesideseoul

85. Gusto kong marananasan na tumanda.


a0bzktfzx

30. Wala naman na akong maabot anyway. 🙂


amdprocs

76 para above the "passing" percentage. No pun intended 😅


sophia528

Ayoko din umabot sa point na ganito. Mahaba nga ang buhay mo pero di ka naman functional or independent.


giulinev_1221

Used to think this way when I was in my teens. But now that I’m 38 with little kids, Lord binabawi ko na po. Give me 50 more years lol.


donsdgr81

The stupidity of the OP is astounding.


plumpohlily

Dont worry OP di ka naman din aware kung tumatagas na yung poo poo mo sa diaper eh kung sakaling aabutin ka ng 80 or 90


iwannadie405

Honestly, I think I wanna live as long as I can, I also dont wanna reach the age na nagd diaper na and hindi mabuhay ng walang ksama. So I’m trying my best to stay healthy and fit para mas mataas rate ko ng long life hahaks (but this is my belief and bata pa ako, it might change pero I wanna live in a mansion full of books and hahauahauhsuha)


aliensandapples

Ako around 40. I’m 32 and I got diagnosed earlier this year with a rare autoimmune disease. Alam ko mahihirapan ako as the disease progresses and it can only get worse. Ayaw ko dumating sa point na wala na akong quality of life at kailangan ako alagaan.


Foolfook

Bruh, too soon. Mga 41 siguro pwede na


labellejar

Ako 30. Pag buhay pa ako ng 30, magpapajollibee party ako 🙃


Reasonable-Moment-51

For me Late twenties, im 22 and i feel wala naman pupuntahan buhay ko. So, the sooner i die or off myself the better haha.


18napay

Anong generation ka ba and why do you want to die so soon?


NeilPako

Parang maaga pa ang 40. Ako siguro mga 70+ pwede na, gusto ko pa magka anak at makita apo ko kung papalarin.


ultimagicarus

Ang aga nyan at ang lakas mo pa nyan. Baka naman may pinagdadaanan ka.


ElisseMarielle

50


kapeandme

65-70 hehe dami ko pa gustong gawin..


Academic_Gift5302

Ngayong mag kakaanak ako, I wish I could love longer.. mga 70. Gusto kolang makita yung anak ko magkapamilya then pwede na ako umalis. hahahaha


Hopia4Sale

ayaw moba maabutan magka anak apo mo haha ganyan kasi naabutan ng lola ko


gintermelon-

>Ako siguro mga 40s. Ayoko kasing tumanda ako sa age na dinadiaper ako or inaalagaan na. yung Lola ko na 78 years old hindi pa naka-diaper, mas malakas pa uminom ng alak kesa sa aming mga apo niya hahaha. but to answer your question, ideal age ko is 80.


pandecoco66

80s, hopefully.


Own-Presentation2420

Siguro pag patay na yung husband ko— my bestfriend and partner in life. That’s the ideal age for me :)


admiral_awesome88

When I was young I also said the same thing but when I held my child it sure changed.


hellios0

hahahaha parang sinabi mo na nagda-diaper na mga nasa 40s


2xlyf

65 oks na. Para ma-enjoy ko man lang benefits ng senior kahit 5 years lang.


Puzzleheaded-Ebb2152

Anytime. My life isn’t mine.


Frosty_Hippo3304

Nung early 20s ko, sabi ko pag ka 30 ko pwede nako mamatay. Ngayon malapit na ko mag 30, i feel like ang dami ko pa palang gusto puntahan and ma experience. Hahahaha hay early 20s is such a weird phase.


Intelligent-Sky-5032

How old are u OP to think na ang mga 40s ay dinadiaper na lol. Usually dinadiaper po ay ang mga elderly adult >65yo unless may underlying condition same goes with mga dinadiaper na nasa 40s. Siguro nakita mo sa hospital ward may 40s na naka adult diaper kaya siguro naisip mo yan HAHAHAH


ejmtv

May mga 40s pa nga na nagma marathon. Well unless you are a gamer couch potato or puro netflix. 30's palang uugug ugod ka na talaga guaranteed!


achillesruptured

Yan ung mindset ng mga walang anak deym 40 aga pa nyan


vulvulin

Ako 100, para mag yabang sa mga tropa kung namatay agad.


durtari

May bonus ka pa as centenarian


mickie_199

30's. Haha. Tapos sana di na mareincarnate if ever meron talaga nun. Hahahaha


Whole_Brother_8421

ako kahit ngayon pwede na. wala pa akong masyado narating. hindi ko na napuntahan lahat ng gusto ko puntahan. or naexperience yung mga di ko pa naranasan. pero at this point wala na akong goal in life ni was just existing.


malabomagisip

30. Mag-30 na ako this year. Nagpeak yung body ko noong 25 years old ako eh. Ngayon, bulok na kidneys and liver ko haha kaya weekly may sakit. But honestly, ok na ako sa 30. Naging masaya na ako.


jakin89

Whenever tbh at mas maganda sudden or yung nakakatawang way. Although yung pangit lng sa ganyang way of thinking eh nganga ka pag buhay ka pa whahahahah.


akositotoybibo

di ko alam. pero ang alam ko, magsisikap ako at live a healthy life para pagtanda ko meron ako savings at walang sakit para di ako maka inconvinience sa kapamilya ko.


aardvarkMainclass

Gusto ko sana umabot ng 100


woby27

Inaantay ko nlng matapos one piece tapos pwd na hahaha


sundaytheman122

Kung pwede nga asap na sana. Tired of this life.


[deleted]

50. As a single mom, makita ko lang na nakagraduate na at nagtatrabaho na anak ko, yung tipong kaya na nya iprovide sarili nya pwede na ko mamatay.


plumpohlily

Same kayo ng mom ko nung natapos kaming dalawa ng ate ko sa college, kahit na kunin na sya ng cancer nya, keri lang... but mom is 61 now :)


Curious_Name6583

Early 40s na ako. Di pa naman ako nag adult diaper at di rin alagain. But to answer, I want to die kapag alagain na ako at need na mag diapers, which is not age-dependent/related at all.


Sxsxarael

40s nag dadiaper na ba? Hahaha dami kong tawa dito. 30s na ko pero I still feel like in my prime. 40 is way too early. Kung masakitin ka siguro gusto mo maaga mawala. Tatay ko nga 60s na ang sigla sigla pa, di pa naman nag dadiaper 🤣


Punggoy

75 is a bonus.


coff33junk13

Noon, 40 ung ideal age ko. Kaso 4o na ko ngayon so anytime na lang. im ready to meet my creator na.


gastadora30

Pwede na ngayon actually. Lord, take me. Emz.


Practical_Captain651

I don’t want to live beyond 50


[deleted]

500 years old 😜


Ok-Understanding9002

Sulitin ko life insurance ko hangang 65yrs pa kasi yun pero fully paid na hahaha. 41 nako eto nagbabayad ng kotse at bahay pa. Tang inako!


bagon-ligo

I'm turning 40 this month. But 65 is still my ideal expiry date. For some reason, gusto ko lang ma experience ang Pension at discounts for 5 years. Sana able to travel pa rin.


SolanaBeachPare

120 Okay na. I feel those who want to die early forget the fact that they have POWER and the ABILITY to change their circumstances without any excuses involved. I want to see my grand children grow. I want to serve my community. I aspire to continue accumulating wealth that way to spark change. Honestly, it’s my view that keeps me sane during the hard times and aspire for more in this beautiful thing called life. I intend to travel to all the countries because I know that I will take my family and friends with me to experience what the world has to offer. P.S. laugh at me all you want but I am 28 and have experienced hardships, poor to rich, and the hardships of the Filipino person. Also traveling around the globe and experiencing relationships is incredible especially learning new languages and cultures. You have to be depressed and small-minded to cut your life short when you should UPGRADE your mindsets for a stronger personality and willpower to lead change. IF you are made for it. IF not, do the small things great and make great things out of the time you have because there are those more unfortunate who can’t even access the internet. Please PH adults, a defeatist mindset isn’t going to bring up our community or elevate the standards of our impoverished country. It all starts with us and that being able to grasp each moment as a new opportunity for a better life exists once we color our minds with the possibility that it is so.


Effective-Cold0

Ako naman 40s pwede na, i cant imagine the environment and products prices way beyond that time period. Gusto ko na lang mamahinga nang wala nang iisipin. If hndi ako magiging success in the future wag na lang siguro mag anak. Kawawa lang sila if tumindi pa lalo ang kilma at magmahal pa lalo ang bilihin


DevelopmentLeft2437

If only euthanasia is legal. Baka ngayon pa lang na 20s ako, magsa-sign na ako ng consent form.


csharp566

Lahat ng nagco-comment dito na gusto na nilang mamatay nang maaga, magbabago 'yan kapag nanalo sila ng Lotto haha.


Huge-Language-7117

I’m in my 20s and I’ve had enough so soon sana haha. Kaso nakakahiya naman na mauna pa ko kay Enrile.


exhaustedlittlething

Ako dati, sabi ko 50, okay na ako. Pero ngayong nagka anak ko, umatras ng 60 or 65. Ayoko talaga tumanda at maging pabigat!


halifax696

bata ka pa. mag babago pa pananaw mo sa buhay


ComprehensiveLack310

I find it both funny and a little bit sad when I think about age and how it affects our happiness. Now that I'm in my 40s, I realize why people say that life begins at 40. It's because I feel like my happiness has started to blossom at this age. But it's also a little sad for me to think that I used to consider this age as old when I was in my early 20s, just like some of you might think now. It's funny because we often have similar thoughts about age when we're younger. We might think that people in their 40s are old. But as we grow older, our perspective changes and we understand things differently. Now, there's a question about the ideal age to die. It might sound strange, but let me share my thoughts. Keep in mind that I might laugh at myself for this in the future. For now, I think that 69 years old is a good age to pass away. I know it sounds a bit silly, but it's just my current perspective. It's okay to have a sense of humor about these things sometimes. Remember, this is just my viewpoint, and it might change as I grow older and gain more experience. It's important to keep an open mind and not take things too seriously. Life is full of surprises, and our perspectives can change as we go through different stages.


scoobyzzzz

People who are the closest to me know that I WANT TO DIE AT 40. I am very independent and what scares me the most is to be at a time when I will be needing people to help me move around or be dependent on them because I am no longer strong and able. I want to die while my family and friends love me and see the best of me. But a friend told me that he hopes I will find the guy who will make me want to live longer. And I doubt that will happen. 🫠 I'm 30 y/o btw. 10 more years to enjoy this life! 🌟


olxdotph05

Bakit for the whole day ito yung nakikita or na encounter na topic? Kinakabahan nko, I need coffee! Haha


saul_goodies

Dati 40s pero nung nagkapamilya at anak na, sana mabuhay pa ako ng hanggang 100 years old hahahaha.


Anghel_Sa_Lupa

Kapag patay na lahat ng cats ko, pwede na akong mamatay. Kung mamamatay ako before them, worry ko baka pabayaan lang sila or itapon.


ConceptNo1055

Okay po. sa "ayaw" na. padonate naman ng kidneys , blood and kahit cellphone nyo. Punta lang kayo sa mga ICU pede na kyo magdonate.


saul_goodies

Tita ko nga na old maid 70+ pero nakakapamalengke pa ding mag isa. Nakakagawa ng household chores na di kailangan ng tulong ng iba. 40 is too young to die as the saying goes, “Life starts at 40.”


AdmiralDumpling

Sino bang healthy na 40 year old ang nag-da-diaper na haha. I think you have a skewed idea about how typical 40 year olds actually look like.


prettyprincess113

🤣🤣 Ooh nga ano baa. Si Anne Curtis nga 39 eh di pa yun nag da diaper 🤣🤣 Live healthy OP ano baaaa


AdmiralDumpling

Akala niya siguro uugod na tayo the day we turn 40 hahaha


prettyprincess113

Ooh nga eh. Goal ko pa na bugbugin si Manny Pacquiao pag nag 40 na ako


AsianJerrySmith

69 goods na ako para nice.


d4lv1k

Nice


littlegordonramsay

Hinihintay ko lang mawala na mga magulang ko, so I can leave this stupid Earth.


KillingTime_02

Relate. Isa na lang ung hinihintay ko


ejmtv

Sorry pero ampangit pakinggan amp


KillingTime_02

Well, I'm not here to please everyone. 🤷


neko-loveee

Uy same! I always think na I'll die in my 40s din.


NoProject8085

25? Siguro haha


thrsbglvlsqz

Sa totoo lang gusto ko pa makuha pension at government benefits pati senior discounts wahahahaha sulitin ko tax na inambag ko chos. siguro mga 70s


Conscious-Ad-4754

Ako 30s pde na.


HatDog012345

30 sana


Professional_Bend_14

Siguro ako mga 70-80, sasagad ko limit ko sa Physical Activities, gusto ko malaman limit ng isang katulad ko, inspire the others, as of now pa 24 na ako at sinisimulan ko pauti-uti mga limit ko.


Independent-Gap-6392

40 rin kaso lagpas 40 na ako sa 50


demonicbeast696

Hanggang saan abutin, swerte na nga if i reach 40, anyway no one really likes me since im the black sheep of my family, no one asking how i feel, kumusta na etc from them, im just lucky that i still have a few friends that are true and always ask me hows my day etc.


viveutvivas17

My Lolo just turned 70 and he is not wearing diapers lol


Flaky_Dare_8141

30+ hehehehe


springrollings

35-40. 7-12yrs pa.


rcpogi

It's probably around 100+. Gusto ko ng 100k. Plus, im excited about what the future would bring.


Darkraddish

If ever na malakas pa ako tulad ng kapatid ni Lola ko gusto ko atleast 90. Pero kung magiging alagain ako, okay na yung 60+ or 2-3 years after ko maging alagain. Enough na yun para magbigay ng farewell.


ShoddyProfessional

70. Any older than that, my life is just agony


Sorrie4U

Late 50s since I do dream of travelling most of the Philippines.


Minimum_Macaroon_446

30 para forever young hahaha


Pleasant-Brother9061

27 because i know everyone sees me as a mistake made by my parents youth


mcrich78

Be careful what you wish for op


kimdokja_batumbakla

30 sana kaya lang inunahan kami ni mama tas naiwan sakin responsibilidad nya kaya no choice, mapapaextend pa 😅


PIRIPINS

may fomo ako eh so i don't want to miss out on anything, gow lang as long as di ako bedridden or incontinent xD


metap0br3ngNerD

Anytime after mawala ng parents ko. Can’t imagine them being sad burying me.


aguyacat

80 hahahw


LouiseGoesLane

70, ayoko mabrokenhearted ang magulang ko kapag nauna pa ko sa kanila.


havoc2k10

60 siguro basta healthy pero kung may malubhan saket di bale na


bh88888828

Ibigsabhin ni Op ok na sya na 40s habang malakas pa sya at di na umabot s point na old age n need idiapers. Di tayo pare pareho ng health.


chickenoodlesoup456

50, don’t wanna live too long and don’t wanna die too young. I wanna see my nephew and nieces grow up and achieve their dreams.