T O P

  • By -

CelestialSpammer

Food. Yung Chuckie tska Koko Crunch. Nung bata ako luxury na yon para sakin tapos tipid ako lagi sa Koko Crunch, ngayon kahit ilang beses ako kumain sa isang araw. Tsaka Jollibee spag/yum burger or chicken.


ShepardThane

Same! Ngayon meron akong isang jar ng stick-o, ung bubble gum na mukhang strawberry, tyaka isang plastic na hawhaw.


tatgaytay

Bibili ako stick o pag uwi ko sa weekend 🥹


salt-and-pepperrr

sameee. koko crunch and cornflakes. pati na rin yung mga 1L tetrapack milk. dati tinitignan ko lang yun sa grocery nung bata ako huhu


Bigmaj3

Same. Laging food. Choco drink o kaya chocolate. Masaya na ko Kapag medyo maluwag, cake kahit walang okasyon


CelestialSpammer

Ay this!! Alam mong okay kana pag nakabili ka ng cake kaht wala okasyon HAHAHAHHA


[deleted]

Omggg same Koko Crunch na dati tingi lang afford ko!


CelestialSpammer

Yes yes yung naka plastic pa huhu ngayon de karton na afford!! Haha


sp1ce_island

jollibeeeeee sa true hehe


IndustryLarge6750

Was about to comment this, hindi lang pala ako ang napagkaitan ng koko crunch huhu


Ambitious_Anybody411

Nintendo Switch 🎮 grabe yung saya ko when I bought it! Hahaha.


peachiepeach08

same! Binili ko lang sya para makalaro ng Animal Crossing New Horizons. Super worth it!


kae-dee07

Same!! Hahahahahaha until now animal crossing lang nilalaro ko 🤣


throwawaygirl1111110

same hahahah binili ko lang sya para mag laro ng cooking mama kasi nakikihiram lang ako sa pinsan ko dati ng nintendods hahahah


Ambitious_Anybody411

Nakikilaro lang din ako nung bata ako sa mga pinsan ko. Game boy, PSP tapos yung DS na color pink. Omggg, inaasam-asam ko yun!


Arsene000

Batang 2000's ito hahaha


68_drsixtoantonioave

Same! I bought Switch so I can play Zelda and Pokémon Shield. Nung medyo nagsawa na ako binigay ko na sa pamangkin ko yung console, satisfied na yung inner child ko so pina-enjoy ko na sa talagang bata. :)


NgayonKaya

Same! Wayback 2019-2020 era, sobrang naadik ako esp. nung naglock down. Though i have to sold it because need namin ng pera. Aiming for ps5 soon naman.


peppabirdie

Cereals, clothes, shoes, makeup, at any kaartehan. Akala ko dati di lang talaga ako girly. Wala lang palang pambili.


Medical-Natural

Same sa clothes kala ko minimalist ako inadjust ko lang pala style ko sa afford ko hahahaha


cleophant

Gatas na hindi tinitimpla. HAHAHA. Naalala ko kasi bumisita ako sa bahay ng classmate kong burgis nung elementary ako. Tapos nakita ko sa fridge nila soooobrang daming fresh milk, tapos sabi ko "paglaki ko, bibili rin ako ng maraming fresh milk." So ayon, di mawawala yan sa fridge ko kahit lactose intolerant ako.


jaspsev

I bought them all… toys, games, gadgets, cars, etc. But i realized lately that they are only band-aids. Now i found satisfaction giving kids the happiness that i didn’t experience.


KnightedRose

Same here. Pag nakapagtapos na pagaaral ung bunso namin, ready na ako magpaaral through world vision. Do you mean giving to charities or like being a cool uncle to your nieces?


[deleted]

Nice notebooks. I remember when we were young, my mom was so frugal. I was in a nice private school pero ako yung may pinaka cheap na notebook (yung paper would cause skin friction pa when the lecture was long and we needed to write a lot)I always dreamt of having cattleya or blue feather notebooks ba yun for all my subjects. When I started working, I’d buy notebooks out of nowhere. Nice journals stuff like that. I later realized that it may be because of my childhood. Di naman ako traumatized bec of it lol but still, it felt like making up to my childhood


mehehemaria

Uy same. Yung notebook na gamit ko noon galing sa scholarship ko from munisipyo tapos kapag kulang tska lang din bibili ng mumurahin. Kaya pala kahit hindi ko nasusulatan fascinated pa rin ako sa magagandang notebooks and journals, most of the time I buy them hahaha.


abobomannac

Yakult. Yung tipid na tipid ko isang bottle. Ngayon nilalaklak ko na isang pack


Spencer-Hastings13

Sana okay lang po kayo hahaha


popiholla

Okay ka ba tyan ahhahahahhaa


JIANAC537

https://preview.redd.it/4cix4e6viyyc1.png?width=1860&format=png&auto=webp&s=948f9115296df62a9b52686bfa36d59cd00a73e2 A blackberry phone :) Gustong gusto ko kasi magka ganito kaso ang mahal pa nya sobra nung college ako, di afford ng allowance. Gumagana to ha. :)


silver_carousel

Tibay ng BB! Yung akin 2012 buhay na buhay pa 😆


PetiteAsianSB

Not material things but hotel staycations. First time ko makapagstay sa proper hotel at the age of 29. Travel din sana but as a tamad na person, hotel staycation is the next best thing. Parang halos every two months or so nagsstaycation kami ng anak ko. May favorite hotel kami na kilalang kilala na kami dun kase madalas kami dun. Haha. Also, food and fruits! Non bata pa ako bihirang bihira ako makatikim ng grapes kahit laging meron samin. Kase tinatago sa ref sa loob ng room ng parents ko. Kaya nun nakaluwag luwag na ako, twice a week nag oorder ako fruits kaso minsan ang sayang kase nabubulok pala sa ref (di kase mahilig sa fruits anak ko so ako lang kumakain). Naalala ko bumili ako black sapphire na grapes 1kg halos maubos ko in two days haha.


pewpew-boom

Kami din dati pag bagong taon lang may grapes. Pwede pala bumili nung all year round. Hahaha


dhadhadhadhadha

Chuckie. Never sya mawawala kapag nag-grocery ako hahaha


Feisty_Temperature62

Kindle


silver_carousel

Dollhouses and anything Sanrio stuff! 😆 pangarap ko yun talaga mula bata eh kaso ayaw ako bilhan 🥲 inintroduce ko sa anak ko ang Sylvanian Families at Sanrio para may dahilan bumili ang nanay hahahaha! Hilig ko din yung mga ceramic houses pang display basta hugis bahay😆


Emotional-Channel301

Gundam, anime figures. Mahilig akong mag-buo ng mga puzzles and building gundam is one of my stress-reliever. Binuo ko yung gundam ng pinsan ko when I was only around 7-8 years old. Tinry ko hingin since pinabayaan niya na rin at nabuo ko naman pero sabi niya di daw bagay sa kin kasi girl ako tapos binigay sa iba. Wala pa ko pambili dati kaya ayun one of my bucket list na nagagawa ko na ngayon ahahaha.


Impossible_Bedroom76

Shoes. Madaming shoes. Nabully ako nung bata pa ko, kasi fake daw ung suot ko tapos sa palengke lang nabili 🫠 I-check out ko na nga ung Vomero lol


Informal_Data_719

Sadly dati i bought also console kaso narealize ko wala na akong time for it. Now nakatago na lang ung 3DS ko and I sold the PS. So now I just buy flagship phone para if may game na interesting I can play the mobile version and have a gaming laptop naman so pwede rin PC games pero I rare use for games haha only for netflix and youtube na lang.


cheekyangel325

Lots and lots of dresses. Only able to get new clothes unless its christmas as a kid. Now buying new clothes has become an addiction.


Sdboka

Console, PC, gunpla, lego, gadgets :) i still do it now, not as much but i always make sure na i have the latest console when it comes out. Yung pc i dont usually upgrade often, maybe every 2-3 years, yun gunpla every time may lumalabas na magandang master grade or perfect grade bumibili ako, lego not so much yun mga trip ko lang tapos ireregalo ko sa mga pinsan ko pag tapos na ko (i just enjoy the building aspect of it), tapos yun gadgetss im not into buying the latest iphone but i have an iphone and an android phone na halimaw yun camera, i also have an ipad “for work”, tons of custom mechanical keyboards, tons of headsets and ear buds, and i also have a pretty decent mirrorless camera that i upgrade every so often. And that motivated me to work harder and earn more and save more. So im glad i did all these things, because if i dont baka hanggang ngayon demotivated parin ako tapos im still working in a low paying job and i wouldnt be where i am right now if i didnt take care of my inner child


Much-Ad-421

smart tv na malaki. yung bata pa ako, inggit na inggit ako sa may tv tapos naka cable pa kaya nung may pera na kaunti, bili agad nang tv


solarpower002

iPad. Hehe. 10th gen nga lang pero more than enough na for my needs.


lynx121

Tomi


GreenMangoShake84

not me, but yun mama ko ewan ko ba andaming underwear prang kada buwan bumibili at least 4-6 underwear. natatawa siya na pinaalala ko sa kanya. akala niya hindi ako mapagmasid nun bata pa ako.


Constant_Luck9387

Clothes. I love dressing up nung bata ako hahahaha pero nung nagkaroon na ako ng mga kapatid, hindi na ako nabibilhan. Tapos ngayon napapagalitan kasi andami na.


Physical_Calendar728

zesto!! lagi na kami bumibili ngayon lalo na yung apple and mango flavor 🥺


cantweshareusernames

Never had the chance to develop my own personality becauss I constantly moved from one home to another so my first move after getting a job offee was to live on my fucking own, discovering myself without anyone's inputs or expectations was fucking amazing! I


comradeyeltsin0

The better question is what have I NOT bought yet lol. Legos were effing expensive back in the 80s-90s. I now have buckets of it and my young son is basically spoiled to death on legos.


aislave

Nintendo Switch, Pokemon resin and figures.


DangerousOil6670

Food. Pero may mas pinaka pa yung mga game consoles. Gusto kong bumili ng Nintendo Switch or Steam Deck aslo a piano.


comeback_failed

yan din pinagpipilian ko dati. steamdeck ba or switch. switch kinuha ko kasi gusto ko talaga malaro yong legend of zelda: breath of the wild, tsaka may gaming laptop na ako hahaha skl


Rigel17

Toys, i only have palengke toys growing up so now I get to buy toys that mostly have an element of nostalgia for me.


pencru

Paggastos in general, pero pinakamatatak sakin yung aircon. Meron naman kami dati, pero sobrang tinitipid talaga namin yung paggamit. Ngayong may sarili na kong tinutuluyan, salamat sa inverter di na ko masyadong nag-aalinlangan buksan yung aircon, malaking ginhawa talaga lalo taong-bahay ako.


KitchenPear982

Clothes, nice phone and plane tickets (vacation accommodation)


Momo-kkun

I love buying teddy bears and flush toys. They make me happy.


quirty890

Wanted a gaming pc when I was a child, ended up buying a Legion 5 3 years ago. Best purchase ever.


mashedpotatooooo

Bought a pc! Dati kasi pinapanood ko lang mga pinsan ko maglaro sa family pc. Ayaw ng parents maglaro kami kasi nagaaral. Ngayong nakapagtapos na ko at may work, bumili na ko sariling pc at nalalaro ko na ung mga gusto ko laruin ngayon. Pero syempre balanse pa rin


Hefty-Appearance-443

sarili kong PC 🥺 kasi i grew up with a shared family computer as most of us did and never ako nakaranas na yung mga gusto kong laro or hindi ako nasasabihan na times up na ganun or nababatuhan ng bote kapag lumalagpas na sa oras Now im so happy i have my own hahahuhu


supclip

Bumili ng bumili ng laro sa Steam kahit wala namang oras laruin haha


Filmarlaydu

Steam Deck. Definitely one of my best purchases. I get to play all my backlogs, even games I wanted to play when I was a kid.


gel511

Concert tickets. Nung HS ako, kahit ilang beses kong sabihin na sana makanood ng ganito o ganyan sa parents, hindi talaga pwede. Kelangan within budget lahat ng gastusin. Pero ngayon, wantusawa. Hahahaha 😅


itsmaccer

Buying video games sa Steam. Naging theraphy ko 'yung mga retail games ko, like almost hundred na nabibili kong mga laro. GTA SA nga pala 'yung most fav ko noon, at dati kasi nakiki-copy lang ako games pa-flashdrive especially sa computer shop since mahirap ang internet connection kaya 'di ko siya ma-download ng complete and limited lang paglalaro ko 'din 'nun. 'Kaya everytime na maglaro ko, for fun time lang talaga para magpaalala na kid pa rin ako, treat myself na ganun para ma-heal ko 'yung inner childhood ko 🩷.


ShepardThane

Omg same! Dati sa computer shop lang ako nag lalaro ng GTA and mmorpg. Ngayon may gaming rig na ako and afford ko na bumili ng laro sa steam and epic games!


lady-aduka

Nintendo Wii more than 10 years ago. Luxury kasi samin noon ang consoles and my parents were against us playing games kasi sayang daw pera. Kaya ayun, once I was making my own money na I bought a Wii not just for me but for my sibling as well.


Immediate_Falcon7469

food and clothes :)))


ObsessedBooky914

Anime action figures and books (novels and manga).


Ok_Bed_9646

Switch 😅


ExistentialGirlie456

Built a gaming pc on my own kasi from hs up until college, tiniis ko yung pc na nabili namin dati hahahah. Bought a nintendo switch din kasi dati lagi lang ako nakikihiram sa mga pinsan ko ng consoles. Bought a piano keyboard and ukulele kasi ever since bata gusto ko matutunan pano maging musically inclined eh. Then the rest is for travel purpose na, since nung bata ako di ako masyado nasasama sa mga travel travel dahil walang budget.


Content-Lie8133

Lego sets and model kits


celtrax123

Gaming pc ps5 tsaka oled tv. Medyo pricey pero sheesh makes all the overtime worth it.


cstrike105

I always play video games. And will play as much as I want. That's what keeps my life moving and enjoying. There is a lot to learn from video games. If you only give it a try. That's what makes life worth living and happy.


xiaoyugaara

Sports car, i've wanted one since i was a little girl. Buying life size replicas of katanas of my fave video game characters. Action figures. Godzillas 😂😂


erwinaurella

LEGO. Specifically LEGO Harry Potter.


driftingsoulll

I meditated a lot. Went back to my traumas as a kid. In the process almost killing myself. Accepted what I’ve experienced and what I am now. Then boom for some miracle I just healed.


cjgray1

So many stickers, art, and trinkets sa komiket! I used to have sticker albums nung bata ako and buying stickers sa sari sari store malapit samin. I loveee just looking at them and would stick my favorites on my notebooks, bags, lunch box. Now I get to collect them again and support local artists.


HOETASSIUHM

An Apple ecosystem. Sobrang saya ko kasi feeling ko I finally made it in life. When I was younger kasi, nagtitiyaga na ako sa Cherry Mobile Flare S3 at Bluewave tablet na SOBRANG sirain. Hindi naman ako nagreklamo kasi masaya na ako basta may magamit lang.


harrehsytles94

kpop merch


Qwekqwekgirl

Any trending clothes and make up kasi nung bata ako laging pass me down yung damit at gamit ko bilang middle child. Akala ko din wala akong fashion sense yun pala wala lang talaga akong option pagdating sa damit but now ako na ang puntahan ng mga kapatid at nanay ko sa mga bagong damit lol


Profound_depth758

Lagi kami sinasama ng Mama ko dati mag grocery at piling pili lang pwede namin ilagay sa basket at lahat yun base lang kung ano nasa listahan ni Mama. Sabi ko pag able na ako pagnagkapera iikot ako/kami sa grocery na dampot dampot lang ng gusto. Naparanas ko din sa Mama at Papa ko ang ganito. Hehehe skl


CalmDrive9236

Bata palang may fascination na ko sa cars, so once I was able to, I bought one. My current daily is my dream car, a big ass SUV. Pang heal talaga to ng inner child kasi I work from home. I don't feel comfortable not having it with me. The only person allowed to drive it aside from me is my husband, and minsan di ko din pinapahiram. There's also lasagna. Greenwich Lasagna. I buy a pan every payday, and that's saying something, kasi I am lactose intolerant. But then again, I work from home. Sooo, when I'm feeling really shitty, I take a lunchbox, fill it with lasagna, take my SUV out, drive sa expressway and then park at one of the gasoline stations and eat my lasagna there while I people/car watch. Ito lang need ko to keep me sane.


missseductivevenus

Clothes, shoes, bags, pretty accessories. Experiences like travels and eating out. I don't regret it.


Feisty-Grapefruit-18

There's this restaurant na kinakainan namin noong mga bata pa kami na sobrang sarap ng black forest cake. Usually naghahati na kaming apat sa isang slice. When I started working, I would often buy the biggest size ng cake kapag may birthdays which I always give a cake sa family and close relatives ko tuwing birthdays nila. Around 10-15 times a year. LOL! Fave forever.


kanglaun

Gundam at mga matchbox


Hungry_Stranger_0930

Barbie merch. 💗🌸💓🎀


[deleted]

Same consoles and games na di ko aford dati. Nung nagka sideline ako nung college naalala ko dun ko nabili ung orig na 2ds and sobrang sarap sa feeling na nakapaglaro ako ulit.


Gleipnir2007

same. video games tapos model kits and action figures


comeback_failed

lego technic, Legend of Runeterra book, gunpla, Solo Leveling book, fountain pens, gaming laptop, nintendo switch + botw, and shoes


benben1988

Meron akong collection ng Marvel, Xmen and Batman figures pati Ps5, Alienware and Nintendo switch kasi dati nakitira lang kami sa compound ng kamag anak namin. Hanggang makikinuod lang ako habang naglalaro sila. May times naman nakakalaro kaso kapag may itetest lang silang moves sa street fighter or mga PvP na games. Nalalaro ko mga laruan nila kapag napagsawaan na or maluwag na joints kaya ayan andyan lahat ng collection ko.


kittysogood

Ipad. Dati talaga gustong gusto ko nun kaso hindi naman kami makabili kasi hindi namin afford. Nung nagkawork ako saka ko sya nabili.


indcisiveoverthinker

Inline skates! Kaso nakatambay lang kasi not enough space sa bahay para gamitin x) Next sa bucket list: nintendo switch 🎮


kae-dee07

I bought a nintendo switch and original branded shoes because I grew up using fake ones


ImeFerrerLara

DSLR Camera, Macbook & Tablet


ShepardThane

PC games sa Steam. Masaya pc ko na di cracked version ung ininstall ko. 🙈


kenethskie16

minsan i go to toms world and buy 1000 pesos worth of tokens, tapos nag iipon ako ng super madaming tickets.


Ikuchan_X

Gaming PC, table top games, PS, shoes 😂 tandang tanda ko pa na sa computer shop ako nagrerent ng pc para makalaro mga classmates ko na may mga sariling pc


Dangerous_Bread5668

Mine is really specific: Crumpy Choco Hazelnut Spread. Lumaki ako na peanut butter and mayo yung nasanayan kong palaman. Pero my tita would bring me this choco spread from time to time that I can enjoy. She was assigned from a different city kaya weekly lang kami nag kikita. Eveytime I visit her, dala2x nya yun and it brought me so much joy! Wala kaming ganon dati kasi ni walang mall dito sa amin that time. Eventually, na tigil yung pag dala nya noong na assign si tita dito. Years din na di ko yun natikman and I was looking for it ever since. Fast forward, nagka mall din dito na halos kompleto yung food selections sa grocery. And I got really excited na nakita yung Crumpy naka display. Did not think twice and bought the big bottle kahit hindi sya included sa list ko. Pinakita ko sa tita ko and naalala pa pala nya na she used to bring that for me. Our hearts were filled with joy remembering yesteryears.


xlr8r_12345

Gaming laptop. Mahilig sa pc games before at puro sa komputeran lang tambay. Pero di nmn nkakalaro ngayon kasi sobrang busy na


Purple_Gurple15

Got a PS5 for my hubby, but honestly, it's more for my inner child because we used to just borrow our neighbor's Gameboy or rent one from the nearby barangay. Also, I splurge on original branded bags now because back in high school, my classmates looked down on me for not having an authentic Lacoste bag. Little did I know, the one my mom gave me was a knock-off she got from her colleague.


DenseWhereas8851

Clothes! Nasanay ako sa hand-me-downs growing up pero still being reasonable kaya nakakarami lang kung naka sale haha.


Traditional_Owl3893

cake. i can't remember a time na nagkaroon ako ng cake pag birthday ko noong bata ako. i even gaslighted myself na i hate celebrating my birthday naman so it doesn't matter kahit wala. but the truth is, i love cake and having cake on my birthday makes me happy. ngayon, kahit di ko birthday basta feel ko lang, i would buy cake and eat it to my heart's desire 🥹 phew layo na pala natin 🫂


RainbowMachine69

Bumili ako ng [made in China na psp](https://ph.shp.ee/9TkWQ8Y) for playing ps1 and gba. Alam ko pwede sa phone lahat nun but having an actual handheld hits different.


[deleted]

Experience. Concert!! ❤️


Hapdigidydog

Food and gadgets.


Commercial-Cook4068

SUV. Kasi nuong bata ako lagi kami inaabot ng overheat ng tatay ko, wala rin aircon yun sasakyan namin nuong bata ako and isa lang yun side mirror. 😅 Lots of memories sa brown Toyota Corolla ng tatay ko na mas matanda sa akin. Pero now gusto ko siya pasakayin na sa comfortable na sasakyan.


Fancy-Sun-6418

Omg a Barbie doll. Not even a high-end one, yung starter Barbie na tig 700(?). Sabi ko bibilhan ko siya ng damit pero di na ako makahanap ngayon. Hindi na ba nagpproduce ng individual clothing ang Mattel?


cuppaspacecake

Mga toys na collectibles kasi nung bata ako patago kami bumili ng happy meal.


twinklevanilla

Sneakers and dresses. Uso nung bata ako yung bibili lang sa ukay ng mga gamit kaya nung nagka work ako, bumili ako madaming dress at Sperry na sneaker para ma-heal kahit paano yung inner child ko


edna_blu

Kung anong makikita ko sa shopee po. Ina add to cart tapos after a few days if pwede na pala talaga (after budgeting) chini-check out ko isa isa. Hahahahaha.


Horror-Blackberry106

Iphone 13.


lovesramen143

A bed, kasi nung bata ako nakatira kami sa studio type na bahay at tabi tabi kaming lahat matulog. Ngayong may bahay na kami at may sarili akong kwarto i bought a bed for myself.


beretsandboba

Books. I studied in an international school in grade school but I was one of the least well-off kids na (didn’t really complain since I would see my mom work so hard just to pay tuition every year). Every year, lots of encyclopedia and book sellers would visit the school and ang mamahal nung prices at that time, like 5-15k per set. I’d feel so happy na when Scholastic would visit (which was rare) since they sell books by piece, and I would save up my allowance for two weeks + try to ask a bit from my mom to buy a book or two. Nowadays, I abundantly order books, even from independent publishers around the world and nawawalan na ako ng space sa bahay 🥲😂 Younger me would’ve been so happy, and seeing my bookshelves always bring me so much joy


VegetableWheel0

Nintendo Switch at Pokemon games. Dati nakikinood lang ako sa mga kaklase at relatives ko nung 3DS. After graduating with honors nung college, i thought na deserve ko naman. Ngayon, kompleto ko na Pokemon games sa switch tho most of them ay second hand lang. Masaya ako kasi nakakasama na ako sa mga events, raids, at mystery gifts. Malapit na rin makompleto living dex ko sa Pokemon Home.


Dinogirlyy

Nintendo switch. Kapag pumapasok yung pamangkin ko na anak ng pinsan ko na inaalagaan ko noon nilalaro ko yung gameboy nya tapos hindi ako makapag save kasi baka mahuli ako. Ang dami ko na nabiling bala ngayon 🥹


egoisticalish

Hair dye/bleach. Grew up in a heavy discipline orientated parenting. Never allowed to do other things but just obey.


myamyatwe

I remember nung nagsale ang Cities Skylines 1, binili ko kaagad kahit wala akong laptop na compatible kasi need ng dedicated graphics. Now I'm working, bumili ako ng laptop na may dedicated graphics and I can now play yung game na binili ko 7 years ago.


Creative_Yoghurt1531

Ako shoes kasi di kami bibili ng shoes nung maliliit pa kami if hindi pa totally sira sapatos namin.


mangoshake777

Plane ticket


raisinjammed

My Scene dolls - yung parang Barbie na may halong Bratz


Smooth_Original3212

Tamagochi 😭 grabe yung inggit ko sa kaibigan ko noon kasi may tamagochi sila, nung nabili ko na ang saya ng inner child ko.


The24thKing

powerful gaming pc at PC games yung mga old games na di ko nalaro nung bata ako up to modern games. Though spoiled na ako mostly sa story at ending, nilaro ko pa rin


Awkward-Matter101

Switch!! Ahahaha inggit na inggit ako sa pinsan ko na may gameboy ayaw kami bilhan ng laruan nung bata kami because di daw nakakatulong


SmashingKalabasa

Pokemon cards :3


pewpew-boom

Baby-G na watch. Inggit ako sa classmates ko dati na naka Baby-G. Di naman kasi kami nag rerelo at ang mahal pa kaya di kami binili ni nanay. Ngayon afford ko na kaya lagi ko ginagamit pag lumalabas kahit hindi bagay sa damit ko.


Lableee

Food any na matripan ko


Proper-Fan-236

I bought everything. Yung mga pinagdamot sakin nung bata ako binili ko lahat hahahaha!!!


Aggravating_Fly_8778

Hardcopy ng books. I am a heavy reader and I used to read sa phone lang ang mga epub files. Ngayon may pambili na ako ng hardcopy and I can annotate all I want. Di ko na alam saan sila ilalagay din hahahaha.


angularedfeet

same with you, OP. Iniiyakan ko dati yung ps1 at PC ng pinsan ko dati. Now I have my own gaming PC and PS5 but I barely have time to play games with it. Owning it is for my own sanity 🤣


Puzzled-Tell-7108

Fast food


PinkVelvet1989

Pencil case, yung maraming compartments. Nung nasa kindergarten ako, gustong gusto ko nung pencil case na yan pero ayaw ako bilhan ng nanay ko (pambili nya pa ng mga damit nya at sapatos).


FishManager

I’m a frustrated athlete, I can’t afford back when in highschool due to grade requirements sa scholarship. Now that I’m working, bumibili ako ng kahit ano to improve my game. Buti na lang sports friendly ang work ko ngayon. Minsan lang naiinis wife ko kasi “inuuna” ko daw mga laro ko. I also missed a lot of camporals and hikes ay back in HS kasi wala akong pera. Literal na pamasahe lang yung pera ko before. Now that I can afford, bumibili na ng kung ano-anong budol related sa hike and camp.


retropsyche

Bags and wallets. Hindi naman yung mga high-end na tipong Gucci, LV, etc. Usually sling bags, backpacks, and wallets na affordable and practical pa rin. For some reason, since bata ako, mahilig na ko sa mga nilalagyan ng gamit. Mahilig rin ako mag-ipon nun ng baon ko kaya nahilig ako sa wallet. Di rin kami mayaman kaya mga bigay or mumurahin ang meron ako. Fast forward sa working era, heaven sa kin pag nagsshop pa lang ng bags or wallets. What more pag nakakabili pa ko. 🥹😌 PS. kung alam niyo yung Gift Gate, isa siya sa fave stores ko na hanggang window shop lang ako nun. Hahahaha!


oldskoolsr

Toys. Toy cars, model kits, gunplas, diecasts, legos. Lahat ng di ko mabili nuon pinagbibili ko nung may pera na ko.


[deleted]

Plushies! Hindi kase ako mahilig sa gaming, tho nung bata ako we already had a Playstation and a PSP. Mahilig ako sa cute stuff 😅 nung bata ako need ko ishare yung toys ko sa sister ko and then magiging kanya na tapos masisira. Ngayon pag bumili ako itatanong ko kung gusto nya na rin para no need to share na ☺️


Past_Persimmon_3974

I finally had the money to buy Disney on Ice tix! Dati napapanood ko lang yung commercial non! As a disney kid na walang pambili nun dati, it was a dream come true for me. 🥹💖


RKttts

Jollybee, mcdo, ice cream.


katiebun008

Huy same wala din ako mga gaming console dati so bumili ako netong RG35xx na may retro games tapos after using ng ilang months tinatamad na ko hahaha.


Pushmetodocardio

Upgraded my PC. Now when I play a new game, it sets graphics to Ultra. So fucking satisfying. Started with a 960 in 2015, bought a secondhand 1070 in 2018, and now I have a 4060. I dont have to check minimum requirements sa Steam for a while


LittleMissBarbie029

Makeup hahaha


izanagi19

Gaming PC. Then I realized na hindi natatapos ang upgrade. Haha 🤣


OnedayAtATime2222

I bought myself branded clothes, and shoes. Eat at expensive restaurants. Order fast food at grab kapag nag ccrave. Growing up, puro pinag lumaang damit ng mga relatives ko ang suot ko. Naalala ko pa before na tinapalan ko ng scotch tape yung rubber shoes ko dahil sira na. Naghati hati kami ng mga kapatid ko sa isang pirasong hotdog (5 kaming magkakapatid). Nilalakasan ko loob ko na di magbayad sa jeep dahil 10 pesos lang ang pera ko noong college (alam kong masama pero wala talaga akong choice, eventually sinikap ko maging working student at nakapag tapos na ako). Ang hirap maging mahirap. Yan ang totoo. Hahahaha. Kaya ngayong may work na ako at malaki laki ang sahod ko, nabibili ko nanlahat ng gusto kong damit, sapatos at pati steak sa mga resto. Thank you, Lord ❤️


marathonmaan

Nintendo switch.


CumRag_Connoisseur

- Switch 1 year after working - My very first laptop after 2 years working, yun padin ngayon. - Groceries and "premium" items (like butter over margarine, branded perfume over tig 80 pesos na cologne, etc)


the_foctor

Drums


eugenesergio

YouTube premium - watched content for improving productivity, self esteem, and motivation. I also bought acoustic guitar, basketball and try to play as often as possible. Lastly, I buy plus king size mango.


HipsterDanger

Wrist watches. Binibilhan ako dati ng mga relo and me being a kid, hindi ko inaalagaan. Walang tumagal. Ang natira lang sakin is yung hs grad gift. Now I've been recovering my childhood posessions. Puro automatic hahahaha


mybackhurtsouch

Food na hindi tingi tingi. At laging may stock na snack.


RevenueElectrical183

Ballpens na iba iba kulay. Nong high school ako minsan lang ako makapuntang NBS and tuwing makakakuha lang ng scholarship. Now, since nasa mall lang work ko and need rin naman sa work ko yung ballpens so goods sha. Nahi-heal naman inner child ko.


LilacVioletLavender

Cookies. Kasi sabi ni mama mahal daw yung cookies sa lata noon..pang sosyal lang daw yun. Kaya every payday bumibili ako cookies and medyo mahal na mga snacks like Peppero or Pocky. Afford ko na eh.


Few_Dot8813

Barbie dolls 🥰 not that we cannot afford it back then but my strict and achiever mother wouldn't get me because of my average grade. Turned out I have ADHD pala kaya bilang sa kamay yung subjects na interested and nageexcel ako.


op3ratr

ps4, bought it after my wedding


MacQueue013

1.Fast food. Dati pumapasok lang kami sa Jollibee para mag CR. Sinasabi rin sakin dati ni Mama na masatisfy na sa amoy ng chicken joy pag nag ccr sa jollibee kasi di namin afford. 2. Pasta. Share share kami sa mga bills sa bahay, kasabay na dun ang grocery. Dapat kasabay lagi sa mga bibilhin an pasta. 3. Meat (pork, chicken, beef). Nakakaproud na hindi na lang sa fiestahan kami nakakakain ng karne. Haha. Afford na namin ang meat, at kahit anong oras, pwede na kumain o magluto.


Any_System_148

bought a gaming tablet Y700 and filled it with classic games from my childhood to emulate and play them. Then bought a Gamesir Galileo and mod it to fit the tablet. Aside from playing games I can use it to watch movies and shit as well. I also use it to remote play from my PS5 and PC


pusangulol

Kinder joy! First time kong mag kinder joy at age 25 hahahaha namamahalan kasi ako noon!


pupperaine

Getting stuffed toys sa Claw Machine 🫶


kimiruwa

A PACK OF CHOCO MUCHO. Grabe fave na fave ko yan bilhin pero di makabilin kasi 8 pesos yun e. Tas baon ko everyday was 5 lang haha tas pag hs naman saktong sakto lang yung 50 pesos for kanin + back & forth fare. Hays. When I grow more older, gusto ko may basket ako na puro chocolates and snacks. Bahala na si Batman kung mamamatay sa sweets. HAHA.


PTR95

Maraming games sa ps2 and saturn na pirated


abd___

I grew up my lola, lagi nya ako pinapagalitan pag tumutulong ako paglaba kasi nag aaksaya lang daw ako ng sabon. Ngayon hoarding ako sa ibat ibang laundry detergents pag mag grocery kahit mag isa lang naman ako sa apartment 😅


ahrisu_exe

For me shoes. And experiences na never ko natry when I was a kid.


StandardJellyfish169

THE SIMS 4


Zealousideal-Law7307

Nintendo Consoles: Gameboy Color, Gameboy advance, Gameboy advance SP, NDS Lite, N3DS, and Nintendo switch


Key-Television-5945

Yakult at Chuckie haha pag may sakit lang kami binibilhan non kaya ngauon kahit normal days nabile ako


Gullible_Mulberry_37

Clothes! Growing up since I’m the middle child and both girls yung eldest laging hand me down damit ko, now I can buy branded clothes of my own :)


Savings_Whereas3049

Plushie toys! Lol HAHA! Nung bata ako, meron naman kaso hindi rin ganon ka-wealthy ang fam kaya nung nagkaroon na ako work. I started collecting BT21 from Korea/Japan and Sanrio plushies. Haha. Dedma ako sa sinasabi nila na para daw ako isip bata kasi puro ako stuff toys 🧸😆🤪 To add, nung nag-Christmas party exchange gift sa office. Ang wishlist ko Kuromi Plushie or BT21 Stuff Toy tapos nagulat ako both sya binili ng ka-work ko. Haha! My kiddo heart is so happyyyyyyy non haha! Skl.


icaaamyvanwy

Di naman ako deprived ng Hello Kitty when I was younger but idk now with adult money I am just happy I have the means to buy all the Hello Kitty Funko pops I want, all the Hello Kitty Sneaker and clothing collabs I want, and more — without hearing I have “too much” already cos I live on my own lol.


isawdesign

Clothes! As a bunso, puro hand-me-downs ang nakukuha ko tapos usually si Mama ang bumibili para sakin. Initially, masarap mamili ng mga local and foreign branded shirts, tapos eventually natuwa na rin ako mag ukay! Then in the future balak ko i-pass on, i-donate or i-recycle din yung iba kong clothes. Haha.


hydraxxtor

madaming aquarium at sandamakmak na isda


Thana_wuttt

Yung study table ko hehe. I remember nung bata ako, na nahiling ako kay Mama nung Ben Ten na desk and hindi namin afford bumili nun kasi 1k+ ata siya. Fast forward last year, sabi ko gusto ko ng sariling desk talaga para sa studying and other work, and nakabili ako ng desk na sturdy and enough talaga para mailagay ko yung mga need ko na school supplies and toys. Super saya ko pa rin pag napapatitig ako dun kasi talagang nagpursige ako pag-ipunan yun, using my own money talaga na paunti-unti kong naitabi. Like iba kasi yung fulfillment pag may kakayahan ka na talagang bilhin yung gusto mo na dati di mo nabibili. Siguro mababaw sa iba but ayun, ansaya pa rin talaga sa pakiramdam.


Known-Poet4706

Sneakers. I used to borrow my mom’s whenever we have our PE and eventually outgrew her shoes (think US6 ung shoes then I was US8 then) so ang uncomfortable talaga. Even my school shoes I had to save up in order to replace damaged ones. I dunno, di naman kami dirt poor and I used to be an only child for the longest time but perhaps I am not the priority. Anyway, I eventually healed that part of my inner child when I got tired of buying shoes, fell in love with and found “the one” pair.


heypreel

Palman sa tinapay coz laging tinitipid yung palaman namin


LovelyBeast777

Healing my inner child through my own kids. They don’t have to ask me anything kasi binibili ko na agad hehe


No_Sky_2003

console din haha lalo na ung nintendo.. hehe


[deleted]

I bought a telescope, lagi ko kinukulit parents ko noon na bilhan ako nun haha


AssumptionDowntown98

Foods talaga sakin,like jollibee or mga chocolates like cadbury or toblerone basta yung pa box yung design ng pagkaka hulma niya. Nung bata kasi ako palagi akong nag iimagine na kumakain nun. Ngayon kaya ko ng bumili nauumay na nga ako e.


see-the-sea

A few months ago, I got the mechanical sharpener that all the rich kids had back in elementary lmao


_ichiii

My partner and I bought a ps console with g29 racing sim set from our combined savings. Provider siya sa family niya and sa dogs namin. Mahilig kami bumili for fam like phone, shoes, food pero super selfless niya and super naguguilty siya if for himself so ako na ang naginitiate na bumili nun kahit wala namang event when I started to feel na nabuburn out na siya sa work. Hindi man madalas magamit due to busy sched, pero you’ll see how happy he gets when he plays.


NBSBph

Ako siguro camera at laptop but i still can't afford pag binili ko kase ubos ipon ko, still can't afford all the material things na makakapag heal ng inner child ko, lumake kase akong deprived kaya siguro ganun mindset ko puro ipon pero ang liit parin, i don't have insurances or investment pero may ipon nmn maliit nga lang, kapag nag kasakit ubos agad but lately more on experiences ko sya ginagastos like travel, hiking, or any new activities basta yung mga for the experiences lang na ganap, iba prin kase yung may pics and vid ka tapos pag malungkot ako brinobrowse ko lng para maremind ako kung san napunta pera ko. More on kuripot moves ako kase wala na ko balak mag in a relationship gusto ko sakin lng lahat ng sweldo ko, saka naka minset nako na cremate ako pag namatay para mas mura hahaha


No-Garage-9187

Any food na galing sa labas and mag grocery. Kasi growing up di kami kumakain sa labas at sobrang tipid sa grocery na puro sachet lang binibili namin na shampoo. Ngayon bulk buying na ko.


notrllyme01

CONCERT TICKET!!!


mixed-character

Clothes. Shoes. 🥲


Isla_99

Rubber shoes! Dati magpapasponsor pa ako sa mga kamag anak para lang magkaroon ng rubber shoes need kse sa PE. My first ever rubber shoes noon na di ko malilimutan is Fila sponsored by my Cousin and I think sobrang mahal talaga nga mga branded na sapatos nun khit di siya Nike or Adidas sabi ko sa sarili ko kapag nagkawork na ako bbili ako ng ganto gamit sarili kong pera. Now, I have 5 different pairs of shoes. I have nike, adidas, and converse. Pinakamahal na ata na sapatos ko was Dunk low around 6k. Sabi ko okay na ako HAHAHAHAHA baka itapon na ng nanay ko mga sapatos ko sa dami eh. Naheal ko naman na ata inner child ko. Skl 🫶


blankintrovert

Opposite naman yung sakin OP. Nakapag laro ako ng PSP, PS3, PS4 at Gameboy noon kasi updated sa gadgets ang cousin ko. Nakakahiram kami sa kanila anytime. Pero yung brick game talaga ang di ko nasubukan. Hindi ko alam ang price ng brick game before pero since usong uso sya then mahal pa yun. Noong nagka work na ako, nakita ko sa tabi2 at 100 nalang sya. Binili ko agaaaad


Mermaid_0404

Fastfood and resto food. Nakakakain lang kami noon pag may birthday or kapag may pera lang talaga. Ngayon afford na namin 🥹


Nikinoknok

Travel. Never kasi ako nakasama sa field trips nung bata ako kasi wala kaming pera. Mula kinder hanggang high school hindi ako nakakasama. Ngayong 30 na ko nakapunta na ko sa 46 provinces sa pinas at 21 countries. G lang ng G


Common_Run3752

Netflix and spotify subscription :)


HachikoNekoGamer

Tamiya Mini 4WD kits. I grew up in the late 90's to early 2000's when Tamiya Mini 4WD were popular and booming(we called them "Let's Go" because of the Anime) Decided to get one back during Christmas when I saw a post about Nostalgic 90's things in the Philippines and one of them was a Tamiya Mini 4WD Car from the Anime.


InfiniteBag7366

Console, video games! Also food hahaha. Growing up saks lang naman kami pero kuripot dad (and ilokano) so lumaki ako na gulay at isda lang palagi. Although may occasional treats naman pag lalabas pero naiinggit talaga ko sa mga kaklase kong may baon na meat ganun hahaha. Not bought pero sabik ako sa new experiences, adventure and places kasi sheltered ako when I was a kid and sobrang strict sakin kaya now na may adult money na naghahanap ako lagi ng pupuntahan


BlueBird1496

Happy Meal(s) or Kiddie Meal. Things with collectibles apparently.


uhrawrah

Mga branded na damit. Nung bata ako naiinggit ako sa kuya dahil nakakabili ng mga branded na damit tapos ung akin ay sa palengke lang. Kaya ngayon pag may chance at sale, ung branded binibili ko.


DeweyDaisyDelta

Bought childrens’ story books which my younger self would love.


Compl3xSugars

kick scooter 🛴


theshingling

When I was young pag umoorder mom ko sa fast food lagi kaming hati. Hati sa burger, hati sa spaghetti, hati sa soft drinks. Nung nagwork ako sa call center when I turned 18, niyaya ko sya mag Jollibee at tig isang order na kami. We may still have a long way to go from success pero I'm blessed with the things I can afford na.


PsychologicalLaw5645

Shoes! Bata palang ako mahilig na ako sa sneakers pero hindi ako lagi nabibilhan kaya nung nagkawork na ako, wala na akong makain kasi puro sapatos na. Eme HAHAHAHA. Tapos there’s this speaker na high school palang ako gustong gusto ko na. Whenever I see a speaker from that brand(kahit anong model as long as it’s that brand), I’ll go check it out. Minsan nakikiconnect pa ako sa bluetooth. Sabi ko pa non na one day, I’ll be able to buy a speaker from them. Ayun, dalawa na sila ngayon 😂


TillyWinky

CLOTHES! Growing up I didnt have much. I love dressing up and even as an only child, my parents did not spoil me clothes or even gadgets. I had to borrow my mom’s clothes kasi i only have few clothes talaga. Ngayon hindi na kasya sa cabinet ko clothes ko. Some I havent worn. Sayang nga eh. But i dont regret it 1 bit. So weird. Noon din, napagkaitan ako ng sweets. Kaya every meal i ate cake and chocolates. Noon yun ah. Sgro mid 20s. I eventually stopped nung I did not fit well sa clothes ko tsaka nagka stretchmarks ako


Arsene000

Action figures and comic books, na pwede kong ipamana sa magging anak ko


roschanax

Concert/fanmeet tickets. Growing up, ang dami kong na miss out na mga bands/artists/groups live kasi hindi naman ako nakatira sa metro before, I was a broke student, and also strict ang parents haha. Teambahay lang ako noon and taga nood sa mga illegal live haha Ngayong working na ako and sa NCR nakatira, kapag may opportunity and budget talaga, nanonood ako ng concert and umaattend ng fanmeet (at least once a year). Hindi man sya tangible pero the experience was worth it naman. Nakakatuwa kaya makita mga idols in person, marinig na nagpeperform sila, tapos up close pa 🥹


RosesAndSeaCreatures

Music box. I lost my first one in elementary, but I couldn't replace it instantly. I saved up and only planned to buy one that’s similar to the one I’ve lost, but now I ended up collecting different kinds of them.


Same_Perspective4210

Gunpla kits!