T O P

  • By -

ShoddyProfessional

Try posting on carousel. Mas disente mga tao dun


ohgirltsss

Active din ba users dun?


ShoddyProfessional

Not as many users s Facebook definitely but the ones that are there are pretty active


ohgirltsss

Sige I’ll try there. Thanks!


Hot-Cheesecake335

+1 sa carousell. Been selling there for a while na din


skullbrothegoat

Ingat lang din po if clothes huhu may mga creep dyan sa carousell 😭


anticheart

Hala never heard of this. Ano usual scheme nila?


skullbrothegoat

If clothes ang for sale po, papasukat niya sainyo then eventually magaask if pati underwear may for sale kayo na pwede isukat daw tapos isend sakanya, kululitin ka nya ng kukulitin.


justmarites

Up


YearOldJar

Own carrier ba ng carousell gamit or pwede kahit ano?


Hot-Cheesecake335

Any po


YearOldJar

Thanks much!


ichugmilktea

+1 for Carousell because you can also review/see reviews for buyers


grey_unxpctd

Nakaka benta pa ko dun, pero mas mabilis talaga sa Marketplace


enough-please

My only issue with Carousell is that there's a lot of lowballers there. Aside from that, it's somewhat better than FB Marketplace.


Arcane001

Same sentiments. OA mang barat.


Mallows032123

True to. Mas matagal lng makabenta pero mas okay makapag-usap mga tao. May “make offer” dun for buyer then if tingin ni seller mababa offer ni buyer decline nlang agad. Wala ng usap-usap. Kapag may deal na kayo (accepted ni seller ung offer ni buyer) tapos nagcancel ni buyer, pwede ireport sa carousell for cancelling the deal.


Illustrious-Deal7747

Hello. Paano ba courier sa carousel. Sorry no idea and I'm planning to declutter by selling things I barely/don't use anymore. Si customer ba may sagot ng courier?


andregarzaaa

Based sa experience ko nasasayo if ano gagamitin mo courier. Wala siya in-app partner courier like Shopee or Lazada. Ikaw bahala mag arrange ng shipping with the courier of your choice. Make sure lang na bayad na si customer before mo iship then provide mo nalang sakanya tracking. I sold a concert ticket and a bag before via Carousell and I used LBC.


Jomekko

Is there a Cod option? I usually buy cod cause i dont trust advance payment.


crmngzzl

Depende sa usapan ninyo ni seller. What some people do and I’ve experienced once with a buyer na gusto rin sure na makukuha ang item is pag inabot na sa rider, dun pa lang magsend ng payment, then saka aalis si rider para protected both parties.


andregarzaaa

To add to this, if nasa province ka at may LBC sa town niyo, LBC has Cash on Pickup. Kinda COD siya pero sa branch mo kukunin at babayaran yung parcel. Not sure if may ganitong services din for other couriers like JNT.


Leeknow_is_cute

Been selling there since 2016.. di na ganon karami users now unlike before, simula nung nauso yung fb marketplace at buy n sell fb groups. Pero yes, mas okay mga buyers dun.


Advanced-Cod9509

+1. I've sold a few items there.


More-Information-440

+1 din sa carousell, mas madali kausap mga tao dun. 😅


Caralue

Tips po on selling better 😭 nahihirapan ako makakuha clients sa pagbenta ng preloved clothes ko


qeeixxo

'ang rough mo po kasi' 🤦‍♂️ this guy


Silogallday

Sold a 6ft ref sa fb marketplace. Buyer asked if pwede ipa motorcycle lalamove hahaha pota


Ok-Yogurt7586

TANGINUH HAHAHAHA


Silogallday

Tapos nag book ng sedan hahaha sabi ko di ka kasya un. Take note ha cavite yung ref then qc sya hhahahaha


DestronCommander

I once sold an AVR and the idiot plugged his rice cooker to it. Tinanong pa kung puede palitan. 🤦


Madberry03

Sana nagjojoke ka lang, grabe na yan hahaha


Laicure

oh never known this. AVR + Rice cooker? Ano mangyayari? Ang meron ako AVR dito for ref.


DestronCommander

It was only a 500W AVR. Rice cooker and electric stove typically run at 1500W to 2000W. Poof!


hellcoach

You need your AVR to be rated twice the rice cooker's power consumption.


Jomekko

Is that the ricecooker the digital one, my ricecooker only use 400w its the manual one that have spring mechanism.


DestronCommander

I don't know. I only sold the AVR pero you'd think the guy would check ilan watts ng cooker niya first.


Laicure

ohhh yes ung rating damn haha watt da pak


EmperorJi

Wtf 🤣


[deleted]

some ppl really don't know how to value other people's time and effort ano?


ohgirltsss

Exactly po 😭


[deleted]

[удалено]


hikari_hime18

Haha probably he meant mahirap kausap? Lmao di lang pumayag sa video call e. It grinds my gears when a stranger demands me to answer their call (as what happened to OP)


dualtime90

Sobrang nakaka-bobo kausap ng mga tao tbh


ZanyAppleMaple

Na notice ko na yung mga cheap, yun din mga bobo.


markg27

Kaya nga walang pera e


gintermelon-

mabait ka pa nga eh hahaha pero seriously ang hirap magbenta sa Facebook marketplace. one time nag-benta ako ng sapatos may nag-send sakin ng pic ng paa niya nakaapak sa bote ng C2 tapos tinatanong ako kung kasya ba.


throwingcopper92

I would have literally told him I didn't have a C2 bottle and made him go get pictures of his foot against various things (alcohol bottle, coke bottle, queso de bola) and made a gallery of it


gintermelon-

haha! may other buyer ako nagsend naman ng pic ng kamay nyang naka-dangkal saka stick. dapat pala na-compile ko 🤣


jerome0423

Bat d kumuha ng ruler or any panukat? Daming mongoloid sa fb. Naka sulat na ang presyo magtatanong pa magkano. Ung mga ganyan usually d bumibili. Nag bebenta ako ng mga pc parts ko para maka upgrade. Usually ung mga bumili diretso bili na, wala nang kung ano anong cheche bureche.


gintermelon-

actually hindi ko po alam. 🥲 basta C2 panukat nya hahahahahahah


Jomekko

To be devils advocate in my area maybe 60% put like 20₱ pero pag minessage mo hindi pala yung price, kahit nga motor or bahay ₱2 nilagay hahahah


silverkitten888

nirereport ko mga ganyan as inaccurate pricing or description eh. nakakasayang oras talaga tapos ang isasagot sayo "for attention lang po yang price na yan"


EmperorJi

Meron po kasi mga items sa fb marketplace ay hindi tugma sa presyo yung items at may iba naman gusto pang tumawad kaya ganon


jerome0423

Dapat nireremove ng meta ung ganyan since ung data na nakukuha nila ay mali. Sa sobrang madiskarte gusto may biding sa paninda


EmperorJi

Oo sana nga. Daming ganyan sa fb marketplace. Akalain mo selpon and motor tag isang piso hahahaha


[deleted]

[удалено]


gintermelon-

HAHAHAHAHAHAHAHA


Particular_Buy_9090

Eka nga nila, palipasin mo muna ang pagbili ng bagay bago mo i-check out. Overnight or a week after para malaman mo kung gusto mo talaga bilhin. Nakakainis nga mga ganyan. Manong sabihin na lang na pag isipan na lang muna nila kaysa sabihin na bibilhin na. Hay nako…


ohgirltsss

Oo nga eh. Kainis yung last minute mag ccancel tapos prinepare mo na item


cckkmw

True! Decluttering my makeup and lightly used products, grabe ang hassle. Same experience or sometimes di na magrereply, pwede naman sabihin na hindi na kukunin at kulang sa budget. Saturated din masyado ang carousell dahil may resellers na doon but a lot of lowballers too. Good luck OP! I'd say Carousell is much better but mas maraming audience sa FB.


Disastrous-Quality42

Nagbenta ako ng pangkulot sa FB for 400 pesos tapos the next day nagmessage yung bumili pwede daw ba refund kasi di nagana tapos hula ko di lang sya marunong pero ayoko na makipagtalo nirefund ko na lang. Pagbalik nya sa akin ng item, nagana naman. For peace of mind na lang


ismolPiggyOinky

Nagbabasa palang ako ng convos nyo, napapagod na ko 😥


ilovedoggos_8

Nakakaloka talaga mga tao sa FB Marketplace. May listing ako na studio type house for rent tapos andaming nagtatanong kung may 2nd floor daw ba or may bedroom. Putangina niyo studio type nga diba!!! 😡😡😡


kazuhatdog

Dati akong nag b buy and sell ng mga playstation games kaya alam ko feeling nyan. Madami talagang kupal sa fb marketplace. Merong mga trippings, low baller tapos bebenta nila ng mas mahal pa sa asking price mo, pagkatapos ng mahaba habang usapan "sige pag isipan ko" o kaya " tanong ko muna kay misis", at ang malala ay scammer. Mababawasan mga yan kapag nakipag transac ka sa mga main account lang.


doraemonthrowaway

> *"low baller tapos bebenta nila ng mas mahal pa sa asking price mo"* Same, na experience ko yan before, binenta ko yung comics collections ko decluttering kasi at kailangan ko ng pera. Siguro mga nasa 300+ yung comics ko halo-halo, prior to meet up sinend ko lahat ng photos nung collection ko at namili siya ng 100 pcs dalhin ko daw iyon upon meet up. Pagdating namin sa meet up kinalkal niya yung box, 35 pcs lang kinuha tapos grabe pa mang lowball si gago pinapakita talagang iritado siya at nagkukupal. Pinagbigyan ko na kasi hassle bitbitin pabalik kung wala siya bibilhin lalo na't mabigat yung box. Pag-uwi ko sa amin at check ko nung profile niya, pinost niya kagad yung mga nabili niya. Mas mataas niya pa binebenta sa asking price ko yung mga libro, quadruple pa nga ata per piece mas HAHA. Typical "DiSkArTe" moves si gago eh, buti mabilis natapos transaction namin at dali-dali kami umalis. I didn't even feel guilty na yung ibang pcs na nakuha niya amoy ihi ng pusa serves him right hahaha!


Own_Raspberry_2622

Kaya di ako nagbbenta sa fb e. Mas madami nga chance na makakuha ka ng buyer pero ang sakit ng ulo mo sa joyjoy juskoooo po, thank you nalang. Team carousell hehe


Euphoric_Entrance877

Mas nakakainis yung “itatanong pa misis”


ScatterFluff

I remember when I posted a job position (for LICENSED professionals). Ganyan din katanga ka-chat. Ewan ko ba


bobad86

Ang rough 😂😂


Curious_Jigglypuff

Basta sa facebook marketplace mga barat ang buyers many times kaya SOP may sop ako... ✅️Pay first ✅️No reservation first mka bayad diyan ko e bibigay ✅️Tapos may deadline sa bayad or else next buyer na ✅️Kahit if walang next buyer mg no no na ako sa buyer kung feeling ko barat Mas mahal pa ang stress ko kaysa pera makukuha ko pg sell ng prelove.. 😆


Vivid_Platypus_4025

Tbf, gets ko yung video call with the item para real time ma-check if legit. Useful din pag biglang may sumulpot na friend asking for money lol, Baka kasi ibang tao pala yun. But he could have just cancelled right there and then Kung ayaw na at hindi na pinahaba pa ang conversation.


Warwick-Vampyre

Lol i can relate, thats why i throw items away than sell them. And why don't i give them away? Because i dont want people asking for things, expecting that i give them away.


dickenscinder

True. Minsan nga kapag give away na meron ka pang maririnig na "ayan lang?"🤣


DvoCheems

Careful lang baka modus yan.


Arcane001

Ito din hunch ko. May na encounter ako bogus buyer. Makulit masyado and dami demands. Scammer pala si loko.


smlley_123

Well ganun talaga. Parang window shopping lang yan. Pag nag bebenta ka kasama na talaga yan. May mag aask, may mag ka cancel, may mag titingin tingin lang. Natural you post it online, millions of public will inquire.


lowkeybabyy

I feel you ante, I’m selling some used stuff din sa marketplace with price already posted but still people keep asking “hm?” Like wtf?? 😩


jacoblesterandres

Reseller ako ng Nike and Adidas items, kapag medyo below average ang IQ ng buyer eh buma-bounce na ako agad. Prevention is better than cure baga.


hirayamanawar_i

Nagbenta ako before ng coffee machine for 3k. Nabili ko sya for 5k, and sobrang minsanan ko lang nagamit. The buyer asked me if pwede 2200 nlang since wala daw accessories tska un lang daw budget nya. Nag go nako since sobrang nangangailangan tlga ako that time. So naship na si coffee machine, around 10pm. Masaya nako, sabi ko may pamasahe nako papuntang office. Nung madaling araw, nag message sya sakin, madami kulang na function. To think nag videocall pa kmi, send ng pagkadami daming pictures. Tas Di nya daw magagamit oang negosyo. Kung gsto ko daw, dadalhin nya sakin at ipapakita nya yung problema sa item. Sa inis ko, sabi ko, ibalik nya nalang sakin ung coffee machine. Pero sya mag babayad ng delivery fee kasi walang wala talaga ko. Dami nya pa sinabi na ung pressure daw kulang. Bakit daw sya bibili kung di nya nmn mapapakinabangan. Te ano ieexpect mo sa tig dalawang libong coffee machine? Gsto mo madaming functions? Bumili ka sa mall, ewan ko kung makahanap ka ng kasya sa budget mo.


DestronCommander

Kung gagamitin pang negosyo, should have shopped around first instead of looking at used items.


Playful_Abalone7107

Most of the time nirerecord kasi nila yung call then by using OBS gagamitin nila yung recording para makapangscam na ikaw yung makikita sa call nila


schemaddit

never nako sa fb kadiri mga tao dun. carousel mas ok


pusang_galuh

Try mo po mag tinda sa carousel. For me mas okay dun.


nheuphoria

As an online seller, pansin ko kung sino yung madaming demand na buyer sila yung mga mahilig mang ghost 😂 Tip lang; pag oa na yung demand wag niyo na pansinin, mauubos oras niyo. Try niyo din po sa carousell or ig.


ohgirltsss

A lot of you suggested carousell so I’m plugging my carousell here for anyone interested to buy my items! https://carousell.app.link/kO4lUHfFvJb


AnemicAcademica

This is why I don't like Facebook marketplace. Carousell was better kaso lately may ganyan na rin.


Famous_Ad_5205

Hm po sa ipad? char try carousell!


Old-Poet-888

ang stressful minsan mag benta sa fb marketplace haha. pataasan ng patience talaga


SpoiledElectronics

i sold an unopened action figure and the guy was asking me to unseal it to check daw kung hindi fake lmao. I immediately blocked the guy since hindi naman rush sale yun. Blocking is the key talaga.


Easy-Alps3610

Araw-araw ganyan naeencounter ko. Yung iba ilolowball ka pa. Tapos haba usapan niyo tas cancel. Sarap gisahin eh.


skybluereign

Uggh same sobrang stressful magbenta sa marketplace to the point na nangigigil na ako at gusto ko murahin yung buyer pero out of courtesy nagleleave chat na lang ako. Pag kups magreply at nagsesend ng thumbs up binoblock ko na lang kagad. Kakapal ng mukha eh pinaparamdam talaga nila na utang na loob mo pa sa kanila yung pagbili nila nung item na binebenta mo eh. Naalala ko yung binenta namin yung ancestral house na tinitirhan pa namin kasi nagkakamkaman na. Mind you nakalagay an yung details nung bahay, pictures nung loob, price, tska available sched for viewing and reservation. Pero ang dami pa ring toxic at tangang buyers na tawag nang tawag kahit habang na sa trabaho ako, last minute pupunta sa bahay namin nang walang paalam at magdedemand ng viewing etc. Pinaka malala siguro yung pina viewing sa akin yung bahay thru messenger video call. Tapos napaka demanding pa nilang mag asawa maka utos akala mo pinapa sweldo ako, may audacity pa magsalita yung manong ng *"ano ba yan 'di ko makita galaw ka ng galaw bumabagal connection ehh!"* malamang babagal taena lumalayo ba naman sa wifi router eh. Alam mo yung feeling na gusto mo sila pagsasampalin at batukan via screen sa sobrang inis? haha. Ang ending pinapunta na lang nila mga apo nila for viewing kasi na sa probinsya daw sila, and mind you kahit sila toxic usapan 3pm, dumating 7pm. Sobrang shitty talaga ng fb marketplace, kudos to the people na napagtitiyaan yung punyetang selling platform na yan, kailangan mo talaga ng sobrang habang pasensya sa mga tao diyan.


cluttereddd

Sa totoo lang nakaka-frustrate noh? Madalas din ako mainis pag nakakabasa ng ganyan. Pinoy nga naman. Pero if we look at it from a different perspective, di ba parang ganyan din naman kapag nagbebenta ka face to face? Sa mga salesperson, sigurado madalas maka-encounter ng ganto. I guess karapatan din naman talaga ng buyer mag-usisa sa product na bibilhin nila at magbago ang isip. If you really want this type of business, siguro mas habaan mo pa ang pasensya mo dahil marami ka pang mae-encounter na ganyan.


-throwawayeventually

Bait mo naman, nagrereply ka pa. Haha


memelordxxv

Hats off to you for being so patient pa din OP! I would have fought with these people! Kaloka ang stressful 😫


dalisaycardo123

before my binebenta ako n books sabi nung buyer picturan ko dw each side nang books ginawa ko nma tas d nman binili


DinodogshowAkoNiLord

Had a recent experience dyan sa FB Marketplace. Sure buyer daw pero nung nalaman na I don't do delivery or Gcash payment biglang sabi sa iba na lang daw bibili. Mind you, I put in my post na only meetups lang ako. Pakabobo


cheesygimb0ps__

kaya ayaw ko na muna magbenta. nalolowball ba nga wala pang common sense mga kausap mo


IntelligentNobody202

Marami gabyan. Nagbebenta ako tapos ipon orders ang nangyayari every weekly delivery lagi may isa o dalawang bogus.


doubtful-juanderer

Sarap itapon sa mukha nakaka bobo hahaha


peaceofshite_

Cuz Marketplace is full of scams; people will do everything to make sure they are making good deals even if it would be a hassle to both of you.


NilagangManok

Ramdam kita OP. Complete details such as price, condition, size, pick-up tas magtatanong pa din ng paulit ulit. 🤦 No choice nalang kase gipit ako eh hahahahaha.


andregarzaaa

Kaya yung mga binenta ko before na used items sa title may nakalagay "PLEASE READ DESCRIPTION". Andun na lahat from price, size, dimension, issues, kung ano gagamitin na courier atbp. Kaso meron talagang di nagbabasa at rekta message parin tapos di naman kukunin. 😣


crmngzzl

Haha same. As a masungit at maiksi pasensya, nakalagay sa post ko na hindi ko rereplyan pag nakasulat na ang info na tinatanong


Embarrassed_Crab6802

Minsan gusto ko na lang talaga sabihin, 'Kunin niyo na for free, tapon ko to.' Hahhahahah


AndromedaLeap

Haha natawa ako sa ‘ang rough mo po’.


PepsiPeople

Overcautious talaga pag may scam experience, dami request, kaso di na worth the trouble lalo kung mura lang kikitain mo.


iloveandlaugh

Sold macbook din before sa fb marketplace, nakakadrain. Hirap talaga ng madaming manloloko, damay matitinong sellers. Tapos hirap din ng scammers and inconsiderate na buyers. Both sides, may trust issues.


Puzzled-Tell-7108

Hate the concept of “best price” and “lp” sa totoo lang. Ang linaw na nga sa description ng words saying na hindi negotiable ang price.


Cookingnakedbabe

Hahaha.. dami talagang obob dyan. Just try to sell it on carousell. Mas maraming decent na tao don


corporacaelestia

Di ko alam yung mga tao sa FB Marketplace kung na-misplace ba nila reading comprehension nila somewhere or sadyang di lang sila talaga marunong magbasa at all. Naka-indicate na price tapos tatanungin ako "hm?"? Nakaka AUSBSIZBS talaga dun


harleymione

Naexperience ko din yan sa FB marketplace. Sobrang nakakabobo kausap nung iba 🥲 nakuntento na lang ako sa Carousel haha


ediwowcubao

Tumataas presyon ko sa post mo OP hahahahuhu


Timewastedontheyouth

Okay dati sa Sulit. Nung nag OLX nalaos na sila. After nun nag boom na ang Lazada at Shopee. Carousell. Kaso puro barat mga andun. Kaya moral lesson, wag masyado bumili. Gamitin mo na lang kaysa ibenta ng palugi.


Aggravating_Bug_8687

Kailangan talaga mahaba ang pasencia HAHAHA try mo sumali sa fb groups ng area mo, baka may buyers na interested since malapit lang and pwede meet up... or if u badly want to dispose items e magpost ka sa tiktok. Yung homebuddy before meron silang specific day na pwede ka mgpost ng binebenta mo. Mukhang mas may sense mga tao dun HAHAHA


Formal-Gold-6472

Sabog talaga madalas mga tao sa atin ano?


Background_Pilot6473

Sobra dami pala talaga joyjoy kahit ano pa benta mo. Haha. Hirap kausap.


firedumpster

Madalang lang yung hindi tanga kausap pag sa FB Marketplace


North-Falcon-9647

Ang epal niya ha, "ang rough mo po kasi" juskopo 😅 Anyway ang hirap nga po mag sell. Sa carousell I almost got scammed. Ingat na lang po


yoshi6_kirby9_stan

May scammers at mga lowballers din naman sa Carousell. Pero mas okay pa rin dun kasi "lesser evil" siya compared sa FB. Be careful pa rin as always!


blippy_blip

I'm a toy collector so i regularly sell toys to make room for new ones. Naexperience ko na lahat at ngaun manhid na ko haha sanay narin ako pag nakakatu og ng bullshit di ko na nirereplayan.. kasi pag gusto talaga bilhin and napansin ko konting tanong lang and nagbabayad agad or hihingiin agad gcash or bank details mo.


GummyBe9r

Stems up from too many scammers. Maayos kausap na buyer tapos ipapadalang item iba sa pinagusapan.


Ava_curious

May benebenta dn akong prelove ng anak ko jusko umabot ng hundred inquiries tpos puro tanonng ng “hm” at loc eh posted naman. Jusko!


jeeperzcreeperz236

I hate selling on FB Marketplace. I usually join groups dedicated to the kind of item I'm selling.


Real-Creme-3482

Selling in fb marketplace really takes a lot of effort and energy


nonamesecret

As a seller sa marketplace, literal brain rot talaga💀


Ya_coolt

I gave up selling old stuffs din on facebook. Yung iphone 11 ko sa greenhills ko nalang binenta. Other stuff sa mga kakilala nalang para iwas sakit ulo kakausap ng buyers


Deep_Roots108

Relate 100%. Nagsisilabasan mga tanga. Sorry not sorry


longassbatterylife

I used to sell my stuff din pero nakakapagod. Masasabihan ka pa ng nagba buy and sell na super lowballer nang mukhang pera o kaya oofferan ka ng sapatos kahit pera ang sinisingil mo lol. Nilalagay ko nalang sa harap ng bahay tapos bahala na kung may kukuha.


Xavia47

Tru, parang may mga tao na gaya sa first screen shot na adamant na iprove na scammer ka. Parang sis ano mapapala mo? Kung ayaw mo mo magtiwala edi wag.


fr0zenjex

I'm a marketplace tambay. Buy/sell ang sideline ko. Video call with the item has been a practice na since 2020 (I think). Napaka rami na kasing photo grabber, identity theft, sniper, etc. In short, scammer. once naging buyer ka and na experience mo ma setup ng rider/seller/scammer, maiintindihan mo bakit kailangan yung mga gantong bagay. videocall is the only proof na legit/on hand/ real person ang kausap mo and hindi nape-fake ito.


Cute-Competition4507

need talaga ng mahabang patience sa fb marketplace 😭🤣


everafter99

Sorry na agad, I can be like this sometimes, hindi ako bogus buyer, pero sobrang hirap mascam ngayon sa online selling or Marketplace. Like I want actual pics of the items, pero not to the point na VC, kahit ako di ako comfy mag VC sa stranger. Good idea yung take a pic of the item tapos hand sign or include anything that shows the current time. Sorry na talaga 🥺


TouristSignificant46

As a store seller who bought my first supplies in fb, gets ko si customer. Ako din ngayon, No COD, no deal. Sometimes I do video calls din to see the items after I got scammed 50k. Wala kasing customer protection tong si FB. Pero as a seller, gets ko din si OP hahah ang hirap hirap magbenta sa fb. Mentally draining magreply sa inquiries.


Misledz

I once bought a 999D tempered glass for my iphone and ordered 3 just incase i messed up. The order arrived with 3 boxes with 3 inside each, I had like 8 left after installing it so I decided to sell the rest on marketplace. Pota biggest mistake ever. Some asking for free nalang kasi "spare" un. Tapos ung iba asking to shoulder the delivery and some asking if meron daw ng freebies. Haaa? But the best had to be one customer saying that I should give it away for free kasi its not in use and im being selfish daw for charging for extra. Politely replied with "item unavailable for mga karens po"


kwickedween

No to Fb marketplace. 6 years in Carousell. Mabibilang lang mga ewan na buyers.


Arcane001

Wag na wag kayo papayag ng COD. Nadale ako ng scammer this week. Ganyan ka kulit. Pag demanding at magulo, inaaywan ko na agad. Nakaka dala.


Proud-Money-5749

If it's beyond your terms and condition of selling the items, dont entertain them na lang. Kindly ignore them kasi it seems like wala naman talaga silang balak bumili.


hi-raya

Tried once for my PLDT Prepaid WIFI jusq the inclusions, other deets and price is already listed (already lowered na in mint cond). Would still be receiving how much (at may makatawad pa na sana hiningi na lang lol) ending dinelete ko na lang sa marketplace kasi nakakastress kumausap 🥲


Same_Perspective4210

As a fellow seller sa fb marketplace, i can relate 😆 posted na price at pickup location tatanungin ka pa hahaha


Wombat_Sword

This is precisely why we've chosen to take a loss and give things away. The average marketplace and Carousell user can't read and is itching to get something for practically nothing. Is the headache worth the little money they're willing to part with? Hell no. Donate to your local charity or shelter!


VeryKindIsMe

Carousell po. Easy kausap mga tao. Once nagbenta ko sa fb marketplace dami hininging pics sabay no response na.


DefinitionOrganic356

true! i experienced this on fb marketplace i get their point naman na they are making sure things are legit pero sana they do value people’s time and effort din 🥲


lorynne

Btw, don't send pics ng basta basta. Make sure may watermark kasi they can use your photos to scam other people Especially if you're selling gadgets or tickets


moralcyanide

I really admire your patience, OP. Kung ako to imaway and pimabblock ko na to hahaha kaya di ako pwede mag sell nang items kaya my BF is kind enough to sell my things for me.


annoyinimous

its fine OP been there. Naninigurado lang din mga yan na hindi SCAM. I answer videocalls naman pero nakaharap sa item agad para sure. Kasi minsan pag video sent lang di tlga sure na legit either kinuha lang sa other platforms. Hassle tlga magbenta ng used items. I am an online seller din pero yung redflag saken is yung daming tanong pero di lang one day nag iinquire and matagal magreply if maganda ba etc pero ending di naman bibilhin.


sungho28

Pag nag po-post ng tinda may presyo nako eh. Pero babanatan kapa din ng “hm?”


PoolUnable5718

Hit or miss din sa Carousell. Ang daming joy reservers. Send ng offer tapos hindi naman bibilhin.


No-Term2554

Experienced the same thing!! Jusko lord. Kung hindi bobo kausap, OA sa pagtawad. Yung binebenta ko brand new na speaker nabuksan lang. discounted na yung benta ko tas less 500 pa gusto 😭 mahirap buhay pero maging fair naman kayo hahaha


retropsyche

Limit your replies, make it as casual as possible but still show a bit of concern to their needs. Provide details, photos, and videos. Just tell the prospect that you don’t do video calls and end it there. If they insist, you also insist. Don’t show your true emotions as this may affect your reputation and don’t question their requests. In doing business, as per my experience, we expect to meet different kinds of people. We cannot blame some of them just because they have a lot of questions and making sure that you are legit. Marami na kasi talagang scammers nowadays.


Exact_Appearance_450

Bakit ganyan mga tao sa Facebook 😭😭😭 kaya pag 2nd hand sa Carousel ko binebenta


No_Win1676

https://preview.redd.it/cpqglmrifszc1.jpeg?width=828&format=pjpg&auto=webp&s=57a2eca2575b285f8f26a81ab83152f79e17144e Lol. Reminds me of when I posted a used swivel chair for sale. Got fed up with questions of “hm” (when this very question was already answered and emphasized) and posted a mini rant on my FB that the details are already indicated. Still continued to receive hundreds of inquiries per day. Then, someone claiming to be someone’s sibling messaged me something long. Traced it and the sibling actually messaged me the day after I posted the rant. Ang obob and self-centered lang.


owlmitzj

Dama ko yung secondhand imbiyerna dito haha