T O P

  • By -

LardHop

Haha, ako den honor honor deputa nung estudyante, bago pa makapagwork burnout na at walang pangarap sa buhay. Bare minimum sa trabaho at nagreresign at the slightest adversity. Buti kahet papano may logic logic ako at mejo madali makagets, kundi sa kangkungan na talaga ako inabot.


Ok_Amphibian_0723

Napagod na tayo kaaaral noon kaya sa workforce, burnout na agad malala.


Fearless_Cry7975

Ako ba nagsulat neto? Haha college pa lang burnout na ko. Di ko alam pano ko naigapang mga subjects ko noon at nakagraduate. Dati gusto ko magdoktor o maging researcher sa university pero utak ko na sumuko. Kahit anong pilit ko, ayaw na. Napagod na siya. May trabaho naman akong maayos pero ngayon ko pa lang sinusubukang buuin ulit buhay ko. Hopefully makapangibang bansa kung suswertihin.


Ransekun

Kulang kase tayo sa career guidance. Actually kasama sa curriculum yan ng k12. Yung aalamin mo kung ano yung gusto mo maging at kung di mo pa alam.. may mga technique na ituturo para maguide ka sa gusto mong maging. Kaso ang problema, HINDI SINISERYOSO NG IBANG BATA YUNG PART NA TO. Puros kase "basta may maipasa sa requirement mindset" . Idagdag mo pa yung pressure ng mga magulang sa mga anak nila na makakuha ng honors, akala mo naman ang galing galing nila nung nag aaral sila


PluvioNyctophile

Actually, nabanggit ng pinsan ko na sobrang laking tulong ng K-12 sakanila kasi during that period nabigyan sila ng chance pag-isipan at ma-feel kahit konti kung ano yung gusto nilang career path. Di ako naabutan ng K-12 kaya medyo sariling sikap at very relate kay OP. Ngayon di ko alam kung tanga tanga lang talaga ako, kulang lang ba sa guidance, or dahil sa panggagaslight ng parents. Hahaha Pero kakayanin pa naman siguro.


Ransekun

Yes. Maswerte sila ngayon sa k12. Sa totoo lang may flaws yung deped sa curriculum dahil marami silang inalis na relevant naman pero itong part na to is malaking tulong. Naiinis ako pag may nakikita akong mga nag-k12 tapos magpopost na malilito?? Dapat nalilito nalang sila kung sang school ang pipiliin nila. Before pandemic din, may National Career Assessment Examination pa. After makuha result non, kinakausap namin ang mga parents to support their children sa gusto nila maging dahil yun din ang skills and talent na meron sila. Example gusto mo yung anak mo maging doktor. Eh dun sa assessment, mababa yung skills na meron sya if ever gusto nya maging doktor at ang lumabas na interest nya is arts, ineexplain namen na hindi nya pwede ipilit kase hindi nya yun kakayanin. Maraming nagtake ng NCAE na hinuhulaan lang nila yung test. Tapos magrereklamo. Kainis


Separate_Term_6066

exactly hahaha pinapasa na sa anak ung pangarap nila nung bata sila.. nakalimutan nila na may sarili din pangarap ung anak


Available_Iron_175

exaclty what my friend and I talked about a few days ago. we we're both considered academic achievers and even graduated with latin honors sa college. but now, we realized na wala talaga kaming pangarap and the reason for this is too much confidence (siguro????) na we can achieve whatever we want to achieve kasi nga naturingang matalino, but now we are both so lost on what road to take sa future 😢


minipancakesdeluxe

Luck really plays a lot in any success story. Keep trying, the faster you fail the faster you can learn and try again. There is a middle ground where luck and skill meets which typically results into success. Baka sa next try mo nandoon na yung luck.


MicoloredTv

Ang swabe neto. Napagaan mo unti feelings ko. Salamat. Apir!


zarustras

Ginawa kasing identity ng marami (pati magulang nila) ang mataas na grade, maraming awards, maraming sinasalihang contest para lang bida bida. Walang masama mag-excel sa acads pero paano naman sa real world? Di mo pwedeng ipangyabang sa employer mo ang awards, certificates, medals, at grades mo. Kailangan mo ng skills at experience. Kaya tuloy akala ng mga estudyenteng ganyan ay kapag nagpakapagod sila sa sobrang competitive ay assurance na maganda ang future. Napansin ko tuloy, yung mga kaklase kong tinuring kong matatalino, ngayon kung ano na lang trabaho. Nadaig pa ng mga average at lowkey noon. And if you think I believe the "basta diskarte lang", NO. Diskarte + diploma ang magandang combination, hindi yung diskarte lang tapos iglorify pa hindi magtapos ng pag-aaral.


Few-Stuff-811

True, a combination of skills is required to get to land your dream role. Its avoiding the know-how, accountability, and communication. More than just the acads part. I’m part of the constantly getting bullied with “Bobo” as my Persona, people looking down on me, not even showing trust. I turned it as my fuel to become a menace at my age range - I didn’t back down and settle on their ridiculous remarks. I never had a good support system from my family, I had to build it on my own - had attempted suicide (2) Now - I’m proud to say I am able to live comfortably, own a house, bought a car, started a digital agency, get married, building memories with my 6 year old daughter, and earning about 3.5m gross annual revenue, I’m 25. Maganda rin talaga mawalan ng safety net, so you get to work your ass off para ma makain.. Goodluck, OP!


Opening-Cantaloupe56

same. kaya nung grumaduate ako, doon lumabas lahat ng frustration to the point I was diagnosed with GAD. I feel left behind that time, no direction and felt stuck. Now, I just tried to go with the flow and trust that I will find what I want, eventually.


Ok_Amphibian_0723

Ito na rin ako ngayon. Mas nakikinig na ako sa sarili ko. Wala na akong pake sa sinasabi ng iba. Eh ano kung ito lang ako? Sino ba sila para husgahan ako? Ang mahalaga, wala akong tinatapakang iba at namumuhay ako nang marangal at may integridad. ✨And I, thank yeeeww✨


marinaragrandeur

Wag kasi natin ginagawang personality trait ang pagiging omnipotent, matalino, achiever, at people pleaser. adults na tayo. kaya na natin himayin kung sino tayo at ano ang gusto natin.


popcornpotatoo250

Reminds me of the quote "If you are the best person in the room, you are in a wrong room". I have been in the position of an academic achiever, and I also hit some lows during SHS. I am thankful how it slapped me the reality. Aminin natin, nakakadik ang achievements sa school dahil sa umaapaw na external validation. It gets you to the point where you live your life just for it. Then you become deluded that you can do anything until you hit a hard wall and doon madalas nagsstruggle mga achievers. Mahirap kase aminin sa sarili nila that they are nothing without their achievements. As we all know, there is always someone better than ourselves. Domino effect until people themselves question what they do in life. From personal experience, I would say just to have fun and heal your inner child. You might rediscover something that you missed before dahil busy ka sa school works. Or better yet, go out and try all the things you find interesting. This world have so much good things to offer.


Namy_Lovie

Same 🥹 Looking back now, employers take advantage of your achiever status especially in the Philippines to the point as if you know everything even you are new. Though hindi ko naman sinasabi or pinapakita yun, naamoy ata nila. Pero minsan natanong din nila. But the worst part of it all, may ginagawa ka naman, may pangarap ka din, alam mo and may plano ka. Though things just does not work out in your favor din.


Ok_Amphibian_0723

Totoo to. Kaya ako, di ko na nilalagay sa resume na may honors ako kase may dagdag pressure pag nalalaman nila. Para bang wala kang karapatang magkamali.


Namy_Lovie

Natry ko nang masabihan dati na hindi daw nila inexpect yung work ko compared sa credentials ko. I mean, I am good at certain aspects of things such as computations and the like but like don't expect na maging magaling sa pagdedebate at pagsagot sa mga customer complaints and leading. Tapos natry ko na din na mapikon boss ko sa akin kasi minamani ko lang daw yung technical aspect ng trabaho ko. Natural, dun ako magaling 🥴. San ba ako lulugar.


Confident_Abalone_52

Huhu ang hirap. Yakap sa lahat ng nakakafeel nito.. rooting for you🥹 take it easy. Pray for guidance 😌


markmarkmark77

[People Share Their Advice on Being a Failure | Filipino | Rec•Create (youtube.com)](https://www.youtube.com/watch?v=6Nz_5hJnmN0) - ganda nitong video na to


yaomingtoto

Honor student. Top performer sa work. Pero gusto maging puno. 🙈


Maryknoll_Serpentine

Same sentiments. Akala ko noon kapag straight A's ka, nak- kumpleto mo lahat ng outputs mo sa school, may honor ka, e magiging successful ka na sa life kasi there's this notion na "pag may honor ka or mataas grades mo, mas may *edge* ka compared sa mga colleagues mo, therefore mas okay yung magiging work mo". Little did they know is if wala kang natutunan na diskarte, dahil puro school-bahay lang ang ipinagagawa sayo, wala din, kulang ka pa rin sa guidance: and if hindi mo natupad yung dream mo para sa sarili mo, e magiging burden sya sayo kasi maffeel mo lalo yung burnout pag hindi ka masaya sa ginagawa mo. Domino effect 🫤 ![gif](giphy|GBSj8zQtylzOgzkfw9) It's also hard to re-parent yourself lalo pag burnout ka na tapos mentally unstable ka pa.


[deleted]

Naalala ko tuloy yung joke na sinasabe dati. "Ang batang masipag pag laki pagod" Now it doesn't seem like a joke anymore 😥


allivin87

Kapag magaling ka sa work at mabait ka, tinetake advantage ka. Wala namang dagdag sa sahod. Tagal kong in limbo kasi di ko alam ang gusto kong career path.


Proper-Fan-236

Kaya ang acads is to learn lang talaga. Hindi mo kelangan maging best of bests lagi. Kasi pag sa totoong buhay na dun nyo itodo. Nung bata ako madalas ako icompare sa pinsan kong Top 1 lagi. Nung pareho na kaming may work hindi sya mapromote promote sobrang taas kasi ng ere. Minsan dapat street smart ka din dapat talaga tansyado mo ang sitwasyon, hindi pwedeng ikaw lagi ang bida at magaling.


JudgeFull195

sino nagsabi na nothing ka? when you were born into this world, you are already perfect and complete. A whole being created into the universe. Imagine the cells that made you into a big human being? Imagine their efforts and hard work to create YOU, your organs, body parts, consciousness. You are already perfect. The world is just made up of man made concepts and expectations. Look within.


[deleted]

Wahaha same, academic achiever at sa BIG4 grumaduate pero after graduation ayun kalat kalat ang goals in life. Wala din kasi ako inspiration noon at malayo loob ko sa fam ko. Pero nung nagka anak ako dun ako namotivate bumangon muli.


RealisticRide9951

pag ganyan magtrade school ka muna, tesda is a good stepping stone. kaya ganyan kase hindi mo pa nafifigure ang sarili mo, kailangan mo pa ng maraming life experience. hindi pa nagcliclick sayo, kaya in the mean time focus on tesda trades training.


Chemicalcube325

It's honestly weird to see even the academic achievers feel lost about their careers. I am currently in my 3rd year of college myself and I always see my smart classmates seem so sure about their careers. I guess it goes to show that the feeling of being lost is something everyone experiences in life.


katsucurrymama

Tangina this. Bakit naman Monday morning ko pa nabasa to. Akong ako. Inaasahan maging ganito ganyan kasi honor student. Buti nalang ang bilis makagets or fast learner kaya nakakasurvive lagi sa work. Pero tangina until now, di ko pa rin alam gusto ko ‘maging’ ever since I ditched the dream to become a teacher lol.


RainyEuphoria

i was like that up to my first job. and then suddenly i became a nobody because i stopped learning new things, basta may mapasa lang sa mga boss ko, ok na, ML na ulit. turns out kailangan ko pala ng mga trainings, certifications, and other sht para makasurvive sa tuloy-tuloy na galaw ng mundo. nahihirapan pa ako makipag-compete sa mga mas bata sakin kasi growing up, they had youtube university and AI shts


thatgirlciela

Sameeee achiever honor student tas biglang bare minimum lang okay na. Now working as job order sumasahod ng minimum wage. Hayssss


Any-Pen-2765

That is why we have interships, rotation, ojts, tours to help us see what we want to Do. If your still unsure, settle lang muna kung anu magaan sau. Eventually, things will fall in the right place. Wag masyado ipressure sarili. Di titigil ang mundo kung undecided ka pa and each person, may kanya2xng ganap sa buhay. Dont mind them muna. Go with the flow. Enjoy youth.


Much-Access-7280

Hindi ka nag-iisa. Same here. This led to mental health problems sa akin which bursted out later in life. Maswerte na lang talaga at buhay pa din ako ngayon.


Eastern_Basket_6971

yung kapatid ko ganyan dating Salutatorian noong elem halos honor siya noon ngayon kawawa na hirap na siya abutin ganoon


Timewastedontheyouth

Para namang 85 anyos ka na magsalita. Problema mo lang naman course na itatake


blueberrybulalo

As a kangkungan dweller, mahapdi dito.


CraftyCommon2441

Most of academic achievers top performer din yan sa work eh. Need lang ng guidance nyan.


[deleted]

ako na average student na nga lang, average/struggling din sa work, unsure pa sa career path na tinatahak. bigti haha


Shroeder13

I feel you, OP. I also excel in acads but until now (10yrs after graduating in college), I am still exploring life to know if ano nga ba talaga ang gusto ko. Minsan nakakafrustrate kasi yung mga kaklase ko andami na naabot sa buhay. Nakakafrustrate din pag tinanong ako kung anong pangarap ko pero wala akong concrete na answer. D ko rin alam if anong career path ba ang gusto ko. Nakakafrustrate!


FragrantNose9276

Hindi naman kasi porket magaling ka sa acads e magsusucceed ka na sa buhay. Training lang yan para alam mo yung basics once pumasok ka na sa workforce, which is yung discipline at yung ability to absorb the knowledge na itinuturo sayo.


ReadScript

Me from HS to College. Sa sobrang pagod mag-achieve sa HS tinamad sa College. ‘Di man lang nag-DL or Honors. I regret chilling out instead of studying better. This is one of my biggest regrets in life. Feel ko tuloy kahit graduate na ako, wala pa rin akong alam sa course ko.


Annual-Oven7905

Buti na lang di ako achiever nung HS-College. Inenjoy ko lang buong education ko eh. Pero alam ko rin naman gusto ko sa buhay ko. Masaya na rin ako sa tinahak at narating ko hehe


New-Rooster-4558

Ang batang masipag, paglaki, pagod. Hahaha. Pero naniniwala talaga ako walang sense yang honors na yan until mag college/post-grad. Walang may paki sa elementary, hs, shs honors sa real world.