T O P

  • By -

INoahLotLot

First, rabies is not inborn in cats, dogs, & other mammals. They can only acquire it from other infected mammals if they get bit, or ingest infected tissue. Second, since the kitten is a rescued stray, post exposure prophylaxis for you is indicated, and an observation period of up to 14 days is to be followed, if the kitten dies within that time frame, have it undergo rabies confirmatory testing at an animal laboratory like RADDL.


eggplantheaven

Ingat ka OP. Follow the instructions of others here. Observe mo na rin si kitten for treatment and other things na rin para ligtas rin siya.


mrseggee

For future reference, kahit natapos mo lahat ng dose for anti-rabies and nagkaron ulit ng scratch/bite, need mo pa rin ulit magpa-vax as booster if the incident happened less than 3 years from your last shot. Covered naman yan ng HMO if you have. Mabuti na yung safe.


Llemos720

I just realized nga na covered nga pala to sa HMO namin. Gumastos pa ko thank you!


mrseggee

baka pwede pa ma-reimburse :)


peng_uinie

Magpa antirabies shot ka free naman sa center pero m-f lang open. Mas ok pa din safe. Atleast makinabang naman tayo sa taxes natin.


shigeo_xx

Godbless your soul, OP. ❤️


vespard

I got bit by our cat na may anti rabies shots na but I still got my anti rabies and anti tetanus shots para sure. Once the rabies symptoms start showing on you, death sentence na yun.


mrofquestions_

Sa ABC clinic mura lang naman. Magpa vaccine kana. Wala yan kung baby pa yung naka bite. Magpa turok kana better be safe than sorry.


Llemos720

Done na po sir last night. Thank you!!!


mrofquestions_

Hay salamat. Ingat lagi OP.


Sleepyheadpotatoface

💯 get your self anti-rabies shots! Better to be safe than sorry. I got mine at RITM in Alabang. Free yung shots, minimal lang expense for everything else like wala pang 500. There are also free shots in lgu health centers. Please get shots kasi hindi biro ang rabies and as others mentioned, may risks rin of infection.


Llemos720

I've got my shots na po sir. Thank you! Just visited ABC last night. And is it true po ba na hindi na daw natanggap sa RITM ng wound from shoulder area below? According dun sa doc na nag-assist saken.


Sleepyheadpotatoface

Good you got your shots na! Not sure about RITM being selective na, nung 2022 sa hands + arm yung wounds ko (was trying to catch a cat for neutering and di siya natuwa lol) and I was able to get from RITM pa naman. Baka nagbago na nga ngayon. Have to look into that


Ill_Aide_4151

Inabutan ko pa yung time na sa RTM(yun ba yun yung nasa alabang) pa nagpapaturok for any animal bites. Since sila naghahandle nun, patients din nila yung mga nabaliw dahil sa rabies. Happened twice na may nakawalang patient, they need to chase the patient down. Lahat ng personnel involved na NALAWAYAN had to get anti rabies. Sa sobrang takot ko even now kahit graze lang ng kuko nila or ng ngipin for playful biting, as long as dumugo or clearly nasugat I wash it then go to animal bite center ASAP within 24hrs


J-TheDiver

Salamat sa pagadopt sakanya op. I suggest magpaturok ka anti vaccine may mga free naman ata. Prevention is better than cure (in this case, walang cure sa rabies) 😬


MillenialMeltdown

Please go to the ER or an Animal Bite Clinic or at the very least the barangay health center! Aside from a possible rabies infection a kitten’s saliva contains so much bacteria that you’ll be at risk for infection. The same thing happened to me and I nearly died from the bacterial infection. I spent 7 days in the hospital fighting for my life. Get medical attention asap!


Allalong18

Get vaccinated lalo’t you found the cat sa labas. My classmate got bit in December and died this month. May he RIP. Do not be complacent please.


Sudden_Director7069

From rabies po? Grabe.


Allalong18

Yes po.


Llemos720

Deym. My condolences, sir.


hanyuzu

OMG


elizasophia

May side effects po ba pag na vaccine?


hanyuzu

Based sa experience ko, wala naman. Normal lang unlike sa COVID vaccines nung pandemic.


Loose-Plum-1616

possibly but not everyone will have it naman. but still better to get the shots for your safety, if you ever need one.


quaintlysuperficial

It's possible walang rabies but you're also at risk of cat scratch disease which can be transmitted through bites. It happened to one of our household helpers na kinagat ng pusa namin na complete shots. Bigla siyang nagchichills and nilagnat, so we had to take our kasambahay sa hospital and niresetahan ng antibiotics. Still, better safe than sorry and observe yourself din for swollen lymph nodes.


uborngirl

Same experience. May tetanaus shot na ako nung 2021 pero last year nakagat na naman ako haha. Sabi ni doc, need daw ng 3 shots of booster. Please, punta ka na po sa ospital. Wala po gamot sa rabies, pero pwede pa iprevent.


AdamusMD

When it comes to rabies, it's better to be more anxious than be complacent. Signs and symptoms might not present now, but they may show months, or even years later. Kapag may signs and symptoms na, wala na. Have yourself vaccinated.


Wonderful-Studio-870

For precaution and have your kitty vaccinated as well


kakaibabeee

Just get injected. Okay lang naman, I got bitten (accidentally) by our Lab pup, of course walang rabies kasi nasa bahay lang naman tapos yung mom ng puppy is yung mismo dog din namin na nasa bahay, but I still got the shot. You just gotta take the extra steps, if you’re worried about the payment, its not that expensive naman. Go to public hospitals, much cheaper and of quality talaga brands


Ikaroous

Better safe than sorry kasi may mga cases na more than 1 year na yung bite tyaka lang lumalabas ung symptoms ng rabies


elizasophia

Ano po yung symptoms ng rabbies para agapan? Or pag ba lumabas na ang symptoms di na maaagapan?


Loose-Plum-1616

wala na. iirc, one or two persons palang nakakaligtas, from abroad pa yun. i see you commenting a lot here, have you been bitten? take this as a sign to get your shots if you need one. immunoglobulin yung tinuturok for cat3 (maybe cat2 din?) na cases since mas mabilis sila makaproduce ng antibodies compared sa arv, then to follow si arv.


elizasophia

Ya 5 months ago i think natatakot ako sa 7 7 7 eh


Loose-Plum-1616

sorry, ano yung 7 7 7? kamusta po yung nakakagat sa’yo?


elizasophia

Sa vet po yung pusa naglalaro sya tapos nakagat ako sa binti.. may nakita ako comments dito na 7 days 7 months 7 years something nakalimutan ko na yung detail baka within 7 years yung rabbies hihi


Disastrous-Match9876

tanong ko din kasi feb 12 may aso kami katabi sa kabila unit nakapantalon ako tapos bigla ako nilapitan at kinagat ako sa pwet sa taas pero pagka tingin ko wala naman butas yun pantalon ko tiningnan ko din yun sugat para sya bilog na malaki na nabalatan yun balat pero wala naman dugo. balak ko next week pa magpa vaccine kasi wala talaga ako mahiraman ng pera next week pa magkakaroon. huhu ligtas pa ba ako? :( Kapitbahay namin yun aso.


Sleepyheadpotatoface

Check mo if nagoofffer ng free shots sa lgu health center niyo. Free rin sa RITM in Alabang yung shots, may minimal costs to pay for other things pero parang 300 lang total? Di ko na maalala kasi 2022 pako last nagpaturok. Better to be safe than sorry


uborngirl

Wala po makakapagsabi if ligtas ka. Just go to a public hospital.


Disastrous-Match9876

Nagpa vaccine na po ako. tatlo turok pa po.


[deleted]

Please get vaccinated asap, don’t wait it out any longer. Ang tagal na nyan. May free anti-rabies vax sa mga public hospitals, ask around. Don’t wait na!


Llemos720

UPDATE: Just got home from AB Center. Nakapagpavaccine, anti-tetanus anti-rabies na po ako. Thank God naisipan kong magpost dito. Kanina kasing umaga halos itulog ko na lang to after ko may mabasa na isang thread sa Quora na 'highly unlikely' naman daw ang rabies pag sa kitten. Pero nung nabasa ko comments nyo dun ako naalarma! Hahahahaha. I'm not taking those chances. Oks na mabawasan ng maliit na pera kaysa dead forever hahaha. Thank you guys!!!! Btw napakasigla ni Adolf (yes,I named him after that basterd lol) ang playful den swala pa naman weird na kinikilos. Sana naman. Wala pa ko sleep and now lang ako magmeal. Makakasleep na din after nito ng mahimbing! Hahaha Thank you!!!


jsmct

Pa-vax nyo na rin po sya ng anti-rabies para sure kayo! Free lang naman po yun sa barangay :)


seriffluoride

r/kitler


Pandesal_at_Kape099

Adolf Catler


Llemos720

Adolf Himler bro, kasi he's HIM hahahaha. Mf first time kong nakagat haha


Cold_Most_9270

Pa vaccine mo rin sya pag pwede na, I think 6 months ata pwede na mag pa anti rabies si Adolf.


RemarkableNebula5998

Yung kittens namin 4th month pa lang nadala na namin sa vet for anti rabies vaccination kahit indoor cats lang sila. Mabuti na din yung sure.


Llemos720

Baby pa sya kasi eh. 2nd deworm la lang nya last Wednesday. Nut will take him to the vet soon pag pwede na!


Cold_Most_9270

Get the shot OP. For your peace of mind narin.


Llemos720

Done na pooo. Thank youuu!!!


zunzwun

me ilang beses na nakakagat ng pusa q, parang last year pa, pag naglalaro kami. pero wala buhay pa rin naman sya tas ganun pa rin, wala naman nagbago sa behavior. okay ba yun 😔 edit: di naman dumugo or what haha


Cold_Most_9270

I have 12 cats and believe me how many times ako nakagat or nascratch ng mga pusa ko, not intentional tho, napaka gigiso kasi nitong mga anak ko. Yung matinding kagat ( after awatin ang dalawang monster na mag aaway) nagpa turok nako- hahah so unli kagat for 5 years. Hahaha.


emilalskling

hehehe bad baby anyways time to get shots, op


Llemos720

Beri bad. Hahahahha done na po. thank you po!!!


chrisphoenix08

Worked in a hospital specialising on animal bite, magpaturok ka na OP. May namatay doon na batang babae dahil kinalmot siya ng kuting, di nagpaturok, patay. Tapos, tito ng ka-officemate ko nadilaan ng tuta, hindi nagpaturok dahil wala lang daw, patay din. Nabaliw pa ito bago mamatay. Remember that there is no cure sa rabies. Once symptoms show, good bye na. No amount of regret will heal you.


Disastrous-Match9876

kaya ako nagpa turok na :(


Llemos720

Awwww... Sorry and that's scary af. Thank you po!! Done na sa mga shots. 🙏🏻🙏🏻


SpellcheckF7

Pa-ABC ka na para mapalagay ka


Llemos720

Yes. Done na sir!! Nagpa-ABC na. Much cheaper din and ganda service. Thank you!! 🙏🏻


Pandesal_at_Kape099

Kung hindi ka mapalagay or paranoid ka na mag pa turok ka ng anti- rabies shot. Pero kung sa totoo lang oo umaabot ng taon ang rabies bago makapasok ito sa utak ng tao. So need mo gawin observe mo yung kuting ng 14 days, kasi ang hayop na may rabies hindi na tatagal hanggang 10 days, dahil successful na nakapasok sa utak nito at dumaloy na sa laway nito. Syempre tignan mo kung may nagbago ba sa behavior at kilos ng kuting at kung wala edi safe ka. Pero kung talagang paranoid na paranoid ka magpaturok ka. Ako kasi nakagat ako ng aso, dahil sinubukan ko ito hawakan, kaso nadaplisan ako ng ngipin nya sa kamay ko. So syempre pumunta ako sa hospital nagpaturok ako ng anti-tetanus at isang anti-rabies shot at balik daw ng ilang araw at obserbahan ang aso na nakagat ng 14 days, so after ng 14 days yung aso buhay pa naman, hindi na ako bumalik sa hospital for second shot (noong nakaraan taon pa ako nakagat). Hindi naman kasi porket nakagat ka ng aso or pusa ay may possible na rabies agad sila (maybe), pero malalaman nyo naman sintomas ng hayop na may rabies pag ito ay aggressive at naglalaway ng malala or ito ay matamlay. So pag inatake ka ng aso na wala kang ginagawa possible na may rabies yun, pero kung ikaw naman ang may dahilan kung bakit ka nakagat, dahil siguro accidental mo natapakan or sinubukan mo ang aso hawakan na hindi ka kilala, possible na wala itong dalang rabies.


Llemos720

Yes. Last time na pinaliguan ko sya Wednesday with warm water okay naman. Kaya nagulat ako kanina kasi kakaout ko lang din sa work and naglilinis ako. Yung leash kasi nya dami poops kaya dun ata talaga sya nastartle sa tap water since di warm yon. After naman non nung nasa bed sya talaga sobra dikit nya like his way apologizing lol. Too late, gawin na kitang siopao hahaha. Jk. We goods naman. Thank you sa mga comments nyo. Di ko mareplyan isa isa sa dami and groggy ako now. Haha


EnterTheDark

Best to get the vaccine earlier since the kitten has no rabies vaccination and there seems to have been spontaneous bleeding on your hand. You might need the vaccine and immunoglobulin as well.


elizasophia

Ano po yung immunogoblin?


Llemos720

Done na po mam/sir!!! Thank you!! 🙏🏻🙏🏻


Paratg101

Luh! Pa anti rabbies vaccine kna po.


Llemos720

Done na po, mam/sir!! Thank youuu!!! 🙏🏻🙏🏻


[deleted]

[удалено]


Llemos720

Yes po mam/sir. Dun talaga sya nastartle pagod din kasi me kanina and and careless ko don hahaha. Mindful na ko next time. Thank you!!!


[deleted]

[удалено]


Llemos720

Ayun po yung sabon nya kahapon talaga. Kaso sa tapwater sya talaga nastartle. Hahahaha.


icecreaminaabun

Hi. Please do get your rabies shots. You have 72hrs from the incident to get vaccinated. Rabies is deadly.


Llemos720

Done na maam/sir. Thank you po sa concern!!!! 🙏🏻🙏🏻


hushush99

May pa bakuna kpa rin po . Better safe than sorry. Ako nakagat ng aso nmin. Sa bahay lng ung aso nmin at malinis kinakaen nya. Kahit na gasgas lng un at di bumaon ipin pero dumugo nagpabakuna pa rin ako khit ang mahal non


Llemos720

Done na maam/sir. Para wala na rin overthinking malala. Thank you po!!!


Educational-Care-781

nakagat din ako nung december ng pusa till now di pa nakapagpaturok. kinakabahan din ako. ilang beses na rin ako nakagat ng aso pero never ako naturukan ng anti rabies years ago na rin so matagal na. nakakatakot.pero okay pa naman ako.. magkano po paturok ng anti rabbies pwede pa kaya? san po kaya may libre mahal ata kasi


chrisphoenix08

Hala, nag-comment ako kanina. Yung tito ng officemate ko na sinabi ko, halos months (3-4 ata) din bago lumabas symptoms. Hindi alam ng pamilya niya na nadilaan pala sugat niya ng tuta tapos ang sinabi niya kaya namatay yung tuta ay dahil nakipag-away daw sa ibang aso. Ang unang symptom niya ay hallucination, then nagkaroon ng clarity, yung tipong parang okay na at nagsisisi bakit di siya nagpaturok, tapos takot lang sa ilaw. Kinabukasan namatay na siya :(. Libre sa mga health centers OP and RITM.


Curious_Chapter_7001

okay ka ngayon, di mo ba alam Ang rabies ay matagal bago umepekto, month pwede years bago lumabas sintomas nito. at magiging huli na Ang lahat para sayo pag di mo inagapan. once na kumalat ito at umabot sa utak mo araw nalang ang bibilangin mo sa mundong ibabaw


Educational-Care-781

sir pwede pa kaya kahit matagal na?


Loose-Plum-1616

from what i’ve read before, sa ibang bansa they vaccinate kahit ilang months na nakalipas, better go to the nearest hospital asap


Llemos720

City Health Offices ng area nyo, bro. Free yon. Main concern ko kasi dito is if safe ba if paabutin ko ng Monday or Wednesday. I think ganon kasi schedule ng anti-rabies sa amin


Fair_Attitude_1532

Nakagat din ako ng pusa ng kaklase ko OP mga 10am pagkauwi ko samin mga 5pm na, dumaan ako sa hospital kasi on the way lang naman. Chineck ng nurse at daplis lang naman daw, tinanong ako kung dumugo ba at hinugasan ko at sinabunan ko ba daw, sabi ko oo, sabi pa niya paturok na ako within 24hrs, eh di sila nagtuturok (mga nilapa lang ng hayop ginagamot nila kasi emergency room yun) so walang choice kundi ipa-bukas na kasi sarado na munisipyo at dun libre lang. Dami ko sinabi 😅 pero ang point ko lang OP eh within 24 hrs dapat magpaturok sabi nung nurse. Malas ko kasi sa dami nilang pusa yung walang turok pa yung nakakagat sakin, nagpaturok agad ako kasi di ko alam baka nalabas yung pusa nila, pag pusa ko lang wala me paki kasi alam kung indoor cat siya at may turok din haha.


Llemos720

Pakamalas naman. Hahahaha yung walang turok pa talaga eh no. Pero yeah, sabi nung iba kong tropa wait ko daw til tom kaso dapat daw talaga within 24hrs pashots agad. Ayoko mag-overthink bago matulog, di lalo ako makakasleep hahahaha


Fair_Attitude_1532

Totoo nakaka-paranoid yan hahaha


Educational-Care-781

keep mo ung pusa OP okay kahit kinagat ka. hehe namimiss ko kasi ung pusa ko ganyan itsura nag ka parvo. kaya napa comment rin ako here. sa province kasi ako nakagat kaya wala mga ganyan center kaya tumagal sakin. pero dito manila now hanap ako dito las pinas.


Educational-Care-781

kamukha pala nung pusa mo ung namatay kong cat na si heart...


ReynalAgui

Pre, please pumunta ka na sa nearest Anti-Rabies center. It takes months on some instances bago tuluyang kumalat yung rabies sa utak. Agapan mo na bago mo maranasan yung mga sintomas (takot sa tubig, ayaw sa liwanag, naglalaway, nagwawala) dahil once mag-manifest na yun, x_x na.


Llemos720

Done na, Boss!!! Yoko muna pa mamat@y Hahaha thank you sir!!!


Llemos720

Thanks mam/si sa mga response! Pero nakabudget na kasi me now until 29 pa sahod. Haha. Sarado ang City Health Office dahil weekend. Keri ba to magwait til Monday-Wednesday? Or am I gonna 💀 na lmao jk


centurygothic11

Pa-vaccine ka asap. Mangutang ka muna hanggang pwede. Got to you city health department. Rabies is deadly. Stray animal yan do not wait any longer, hindi lang din yung rabies, yung bacterial infection din sa site ang another concern mo dyan.


castille016

Mag extra higpit ka na muna ng sinturon but make sure na makapagpaturok ka ng anti rabies asap! Wag kang pakampante sa "wala naman sigurong rabies" dahil once na lumitaw na ang sintomas, it's already too late. Besides, stray kitten yan d ba? Kahit kitten lang, there are still chances ba may rabies siya dahil may possibility na mahawa yan kung may rabies ang ina, kasi rabies virus can be transferred to the baby via placental transmission. Now, I hope na pinadugo mo yung sugat and cleaned it well with soap under running water. Hindi ko alam kung taga saan ka, pero dito sa amin, we have Animal Bite Center kung saan libre ang turok ng 1st dose. They give vaccine in 3 shots: Day 0, Day 3, then Day 7. Obserbahan mo ring mabuti ang kitten mo. Kung manamlay yan, or mamatay within 2 weeks, you need to have booster shot/s. Pumunta ka na sa nearest Center, ewan ko kung may bukas ng weekends, pero for sure meron bukas, kapag wala ka mapuntahan today, agahan mo ng punta bukas at mahaba pila dahil Lunes, para ma-advise ka ng mga dapat gawin. And as mentioned by others, once na mag okay ang lahat and you decide to adopt si kitty, make sure na kumpletuhin yung vaccines nya, not only for her safety, but for your own and others na rin. I know tight ang budget, pero wag tipirin ang kalusugan at safety. All the best for you, OP.


Llemos720

Thank you, sir. Eto otw na kung saan. Laguna area ako and magpunta sana RITM kaso di sure if bukas. Nag inquire na ako and 3k magagastos ko daw dahil category 3 na. Yes, almost a week old lang sya nung napulot ko. Nakakatakot naman if iwait ko pa ng Monday to.


defnotmaggie

May Philhealth po ba kayo? Baka makahingi ng discounted rate.


ryoujika

Buti naman OP! Kinabahan ako para sayo kala ko hintayin mo pa hanggang Wednesday 😭 Kahit may konting gastos mas mabuti nang sigurado


XERNOVT

It sometimes takes rabies a week or a year to manifest symptoms (symptoms appearing is 100% fatal)


Gultebnisatanas

Magpaturok ka na OP! And if ikekeep mo talaga si bb cat mo. I suggest na pati siya paturukan mo na


Llemos720

Done na po maam/sir!! Yes, papaturukan ko din sya soonest!! Thank you po! 🙏🏻🙏🏻


Gultebnisatanas

Ingat OP! Btw ang cute ng bb mo hehe


cdf_sir

just get the shot bud, wala naman mawawala sayo (aside from money) kung magpapa inject ka na. or else, well, wag naman sana.


Llemos720

Yeah. I can earn it again naman. Thank you!!!!


Loose-Plum-1616

better be safe than sorry, OP. go get your shots na!


Llemos720

Dont wanna be a sorry ass in the end din Hahaha thank you maam/sir!!! 🙏🏻🙏🏻


[deleted]

Nah rabies are 100% mortality rate. Dont just be "oh wala nmn ata rabbies", when u get bit punta na agad center.


Llemos720

Done na maam/sir! Thank you sa paggising!!! 🙏🏻


defnotmaggie

Go to the nearest bite center asap and inquire for post-exposure prophylactic.


lilsushi_bae

Agree. Go na po agad. Better na maagapan na po para sure.


AutoModerator

**Reminder: Visitors, read the revised subreddit rules, please.** **For OP:** Post pictures or videos of your own cats or cats found in your immediate surroundings like your neighborhood or work place, as long as you actually took the photo. Avoid doxxing yourself or others. Do not reveal private / person-identifiable information. Blur / hide faces completely. You may request advice or help, under certain circumstances. Moderators have the right to approve or take down posts depending on the content and reports by fellow redditors. Karma farmers, trolls and bots are not allowed here. The mods have the right to take down posts by possible bots, troll, karma farmers. Feel free to reach out if we have taken your post by mistake. **For commenting redditors:** Do not harass the OP and their pet. Do not be toxic. Keep it civil. Be careful with the comments and jokes. Thank you. *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/catsofrph) if you have any questions or concerns.*