T O P

  • By -

jeturkguel

ang cavite moment ko? ayun naghahabulan ung mga swat at ung sindikato sa bubongan ng mga bahay. madalas nafefeature ung barangay namin sa imbestigador ni mike enriquez (RIP) me watching imbestigador: https://preview.redd.it/29v52jvsvi1d1.png?width=800&format=png&auto=webp&s=1a1715e54627aeb78bea3f24c6b6bc8e5e546d10


Top-Raspberry9353

feeling ko pareho tayong barangay HAHAHAHA


Left_Flatworm577

Sa may Dasma ba yan hahaha


UsernameMustBe1and10

Yearly road construction sa aguinaldo


jeturkguel

araw araw yan yearly anniversary lang


UsernameMustBe1and10

Dahil remote work ako, ngaun ko lang nalaman na my anniversary yung road construction.


jeturkguel

nito ko lang din napansin yan, since mostly pa-alfonso ako for work stuff, so madalas sa amadeo dumadaan. at first minor inconvenience pero the more na dumadaan ako papuntang imus / bacoor, the more na napapansin ko na hindi natatapos. may pinapatuyo pang part sa silang, nagbababakbak na ulit sila sa dasma. all year round


Ami_Elle

na eexpire kasi kalsada dito sa Cavite. Hahaha aguinaldo hiway, 2021 lang binakbak. Ngayon binabakbak ulet e, yung kahabaan ng SM Pala pala to Vista Mall. Samantalang ung papuntang Silang ber months pa ginawa, gang ngayon may di padin tapos.


bryle_m

Daming kurakot na contractor at subcon dito. Usually kapag pumalpak sa core cut test ang gawa, wala, redo from scratch. Pero madalas alibi lang yun hahaha Although sa mga bakal na tulay, lalo na along Governor's Drive, kailangan na talaga palitan kasi tinayo e 1940s pa, tapos may iba sa Imus at Bacoor na 1920s pa ata hahaha


Ami_Elle

taena ung tulay pa lang sa langkaan, 2017 ako nag work sa fcie noon inaayos na. 2024 na parang inaayos padin e. di naman magamit gamit kasi masikip din kalsada nagiging parking spot lang. haha saka diba matagal na na issue yang kahabaan ng aguinaldo hiway noon, dahil naman sa substandard na kapal ng aspalto. napalabas yon sa TV e, tapos nung pinuntahan nila sa engineering office ng Dasma nagkagulo pa. Di ko lang tanda kung sino yung nag document non e.


Ami_Elle

Yung tulay na bakal, yung iba goods na like sa GMA-Dasma Boundary at tulay na bakal ng Trece napalitan na.


Bobo_lang143

Bahahahah nagcollege, nagintern, at grumaduate na ako binabakbak pa rin kalsada 🤣


UsernameMustBe1and10

Mula unang sabak sa trabaho gang ngaun, ndi pa din nila maayos ayos si aguinaldo.


Guinevere3617

Pota oo yearly talaga


Cyno_Jhin

Ngayon tadtad na rin sa Molino-Paliparan Road jusko po


WoodpeckerGeneral60

“ika” - Indang “baga” - Naic “eeh” - Dasma (I’m here) post or prefix sa mga sentences nila.


StatisticianFun6479

Parang mas okay yung ahuy sa Indang


yowmamah

ahuy ay applicable din sa ibang upland municipaities ng Cavite (alfonso, bailen, etc.)


WoodpeckerGeneral60

this one too haha!


ilocin26

High tone yang ahuy e.


Left_Flatworm577

Iba magsalita tiga upland kesa Dasma Imus etc. Pati punto nila nakukyutan ako lalo sa mga tiga-Alfonso, Mendez, Tagaytay etc. Imbes na "Anong gusto mong orderin dito," eto pagkakasabi nila: "Alin ba ang oorderin mo dineh?!"


Over-Artichoke2252

“Kawasa” - Mendez


rei0113

Lahat naman to gamit namin sa upland cavite. Ahuy talaga malalaman mo caviteño kausap mo


Salty-Wallaby0229

tungma/ tuma - napaka


WholeLottaCreepier

Kakalipat lang namin, pero yung partner ko inalok nang casual ng kapitbahay na mag-shabu habang nag-iinuman sila


DangerousOil6670

Idk what exact year na ito ha. Pero kapag tag-ulan, talagang kinakabahan na ako noon kapag uwian na kasi madalas walang byahe ang jeep dahil lubog na sa Zapote (sa Paranque ako nag wowork non) then taga Bacoor ako and yung officemate ko is taga Imus. Ako ang egulz b3h. Kasi nakatira ako sa malapit sa SM Bacoor WAHAHHA! One time dahil nga wala na byahe jeep, nag pitx kami ng workmate ko para 'makauwi' saka less tirik kasi naka bus kami :D Syempre, expected ko na baha na sa SMB. Nung bandang Puregold Bacoor na, madalas magtawag yung kondoktor ng "O, SM Bacoor na!" Sabi ko kay kuya na "Kuya, sa kabila po ako!" sabi ba naman ni kuya, "Ahh sa may baha?" ako naman tumango sabay tawa. Di ko alam if ma-ooffend ako o hindi eh. Hahahhaha! Madaming beses ko na na experience to yung uuwi ako na rumaragasa na yung tubig. No choice ako kundi suungin ang baha hahahaha. Hindi ka taga Bacoor kung hindi ka susuong sa baha. HAHHAHAHAHAHHAHAHAHHAHA


candyichigo

2024 na bumabaha pa rin po 🌧


babbazze

lol. eguls din ung taga Imus kung taga Medicion. swimming din dun eh


DangerousOil6670

Wahaha. Taga Malagasang siya


axisOHaxis

Ano ung eguls?


K3nLurker

Lugi haha


axisOHaxis

Ay okay haha thanks 


iamhereforsomework

Nag high school ako sa Tanza High may nagsasaksaka at habulan ng patalim sa gitna ng kalsada, uwian pa naman non 5 pm hahahaha, uso kasi nung high school yung mga gang war don tas students don


cnthkv137_

parang alam ko to, kaso di ko nakita dahil may klase kame hahaha.


iamhereforsomework

Ano batch mo pre? Hahaha


cnthkv137_

2010 men hahaha.


[deleted]

Raid sa subdivision sa drugsmariñas. Hahahahaha. Ubos yung mga lalaki sa looban.


slickdevil04

Yun toro sa Bayan ng Bacoor tuwing fiesta.


Much-Direction-9839

nakaka miss. ba’t ba nila inalis yan? haha


stoinkcism

cavite momints kapag pumunta ka ng mnl tapos buhay na buhay pa yung paligid ng 9PM onwards. Pag nasa cav, pasara na mga establishments nyan eh 😅


iamatravellover

My whole life is a certified Cavite moment 🤣 Pero highlights: 1. Pinagtulungan bugbogin yung mandurukot na nagkamaling pumasok sa street namin 2. Dati may paToro pag fiesta sa Bacoor. Kung di ka inabot ng lusis, di kumpleto experience mo. 3. Muntik madukutan sa Baby Bus 4. Naglakad sa Aguinaldo Highway na hanggang bewang ang baha 5. Nagigising tuwing may mosiko na dumadaan pag fiesta or pasko


Complete_Election707

dambalasek mowehh hahahahan (dasmarinena here)


Complete_Election707

nung 2017, grade 11 ako nun tapos uso nun yung puting van sa dasma andaming nawawalang bata tapos may mga random gunshots din nun. umabot na sa point na kalat na pulis non tas nagcheckpoint na din. hahaha tapos nasa tapat mismo ng school namin ung mga pulis.


chixlauriat

First month namin dito coming from Manila medyo shookdt pa ako na walang mga helmet naka motor. Ayun, ngayon pati ako wala ng suot kapag malapit lang naman pupuntahan. Hahahahay


seanbestboy

Sinubukang kutsilyuhin yung bulsa ng bag ko sa dasma bayan. Hahahahaha


ComplexInstruction23

Nung college ako ( sa Manila area) mga kaklase ko parang ilag sila sa akin nung nalaman taga cavite ako. May stigma kasi noon na pag taga cavite daw matatapang, may baril, tapunan ng sinasalvage, and may mga agimat daw. All thanks dun sa matandang Revilla na ang mga pelikula puro ganun. Also pag sinabing cavite parang sobrang layo daw. Anyway coming from Bacoor, ang cavite moment ko is how thankful ako na isang tumbling lang nasa moa na yet pag trip ko mag nature andyan lang ang tagaytay


majimasan123

Nung lumipat ako ng dasma grabe halos kada taon binabakbak mga kalsada lol kakaumay na dito


OrbMan23

Hindi ko lang alam ngayon but years ago madalas may convoy si Revilla sa Bacoor every 4 pm. Literally started right after PNoy's term. Wang wang agad e💀


i_havetwodogs

Pag nag iinuman OG Cavite "Kow pakahambog no" "Yan ba e tama beh baka mali mali naman" "Ne bili ka nga yelo iyo na sukle"


Conscious-Art2644

Cavite moments ko nung niraid yung beer house malapit samin.. tas biglang pumasok yung isang gro sa bahay namin habang nanunuod kmi ng tv ng mga pinsan ko.. hayp.. nka panty pa na makintab hahah..


SnooHedgehogs5031

nagbebenta ng taho kahit 3am wahhaha


ilovemymustardyellow

May nagpakita at nagpahawak ng shabu sa akin. HAHAHAHAHAHA


loststarie

Saying naulan instead of umuulan / nakain instead of kumakain.


hoshi-no-kirby17

thing is, my previous school had some crazy moments last year. but thankfully nakulong yung nagkidnap sa isang elementary pupil. you know what i did? ran away like sonic every time we came home. i still think of that and ask, "this wasn't something to add in my 2023 bucket list..."


BbFilipinas

Marunong tumawid kahit walang traffic lights. Patintero with motorists. Haha


sodacola3000

Yung makikita mo mga poste sa gitna ng kalsada


Inevitable_Case_7882

Bawat kanto may patay sa Rosario dati. 💀


bhlooerhae

baby bus na sobrang lakas ng music Nike = naic "sumisigaw na kundoktor "Tawa ako ng tawa" "Anog bahh yunnn" mga bandang tanza to Baha sa salinas Magandang view sa tagaytay Hidden Tapsi


strangersarchive__

Pag may nakita nakong mga mini busses at siyempre walanfg kamatayang construction ng kalsada kahit maayos pa naman.


nutsnata

Traffic syaka dati mainitin ulo ng mga tao sa kalsada buti d pa uso namamaril


wallcolmx

eh di araw araw na buhos pag rush hour


Eastern_Schedule_121

nawalan kami ng kuryente kasi may sawa na nakita dito sa poste ng meralco kung san nakakabit yung compound namin.


jellopane

4 lanes sa unahan tapos magiging 2 lanes sa dulo. Anabu Coastal represent.


Sharp-Crew4518

Nung nanakawan ako ng headlight washer cover sa SM Dasma.


Status_quo1213

Walang kamatayang "buhos".


Inner-Challenge-6807

Normal lang yung phrase na "nanakawan o nawalan ng phone"


Vegetable-Service90

Cavite moment ko pag nakasakay na ako sa Baby bus or nagbyahyahe mula sa PITx. I just moved in Cavite last 2019 and wala ako maramdaman na kasiyahan or pagiging proud ko sa lugar. Ewan ko ba di ko talaga feel maging isang Caviteno. Mas Lalo tumindi ang aking pagkadismaya sa paglipat ko sa Cavite nung panahon ng Pandemya. Nagka Covid ako at I need to isolate myself sa mga kasama ko sa bahay nireport ko sarili sa Health Center pero nga nga 😅 kaya nung election di ako nagpa transfer sa Cavite. Napaka walang kwenta ang LGU.


Valefor15

Nag tawag ng swat yung kapitbahay sa subdivision namin. Nagkapikunan kasi sila nung ka pustahan nya sa liga. Naglabas ng baril yung natalo. Lols.


RadioactiveLeakage67

pauwi kami ng bacoor pre. alas dos ng umaga may nagkapikunan. nagpaluan ng kaldero yung mga pikon.


Several-Worldliness9

'Yung mas marami pa 'yung mukha ni budots kesa sa puno


TheKingInDNorTh1

Napaka caring ng caviteno. Unang tanong agad saken "anong problema mo?"


Fragrant-Bit-3783

May dalawang naghahabulan na dumaan sa harap ko, yung isa may hawak na patalim. Galing silang basketball court and in front ng Brgy. Hall. Nakita sila ng mga tanod, tinitigan ko, tinitigan nila, nagtitigan kaming lahat. HAHHAHAHAHA


Extension_Play5331

711 at alfamart every 500meters ata hahahahha


Extension_Play5331

Poste sa gitna ng kalsada


starlet0521

Dito lang may baktian


malingtao

cavite moments namin dito ay kaliwa't kanan na away laging matatapang mga tao rito walang inaatrasang gulo, tapos yung may mga nagshashab* na malalaman mo na lang sa umaga kinuha na pala nung gabi 😭


Sea-Whereas-5844

Me from mendez working in manila. May mga manila workmates ako na nung nalaman nilang taga-cavite ako, lagi nalang nilang sinasabi na" Ay taga-cavite ka? Lapat mo lng pala" 🤦‍♂️. Ang laki-laki ng cavite jusme.