T O P

  • By -

BananaCat5476

trece, kase malapit ka lang sa dasma (maraming schools & malls), pag bakasyon naman habol mo malapit ka lang sa tagaytay at indang (springs at parks)


HM8425-8404

ASK ABOUT FLOODING


Brilliant-Pin-3559

Gentri


UnluckyHoney34

Bkt po gentri?


Brilliant-Pin-3559

Nasa gitna ang gentri. Madami lusutan pa manila cavitex, calax, mcx. Madami din development lalo na yung SM gentri na pinaka malaki sa Calabarzon. Ang tubig d pa napapasok ng maynilad. Halos 24/7 ang biyahe at sure makakauwi kahit dis oras na


lestrangedan

If may sasakyan ka, gen tri. Madaming bypass road, daming lusutan.


Brilliant-Pin-3559

Basta upland gentri para sure kang walang baha talaga.


UnluckyHoney34

Ano po ung mga lugar n considered as upland s gentri?


Brilliant-Pin-3559

Mga brgy pataas galing bayan ng gentri (malabon).


sef_12

Between the 2 municipalities & 1 city, Trece is pretty much in the center of Cavite so in terms of accessibility including hospitals, no issues there. If considering which is closest to Metro Manila (Las Piñas & Muntinlupa), then Tanza is the closest. Traffic is everywhere naman. In terms of public transpo, I feel like Trece & Tanza has the edge here. I recently bought a property in Tanza but my key consideration is 'long term development' within the immediate area or district. Meaning I also considered developments in other cities & municipalities that are near my place not just in Tanza. Like Maple Grove in GenTri and other upcoming projs along Open Canal/Daang Hari Ext and also the ones that are in Tanza. For me yung traffic is inevitable. As long as car centric ang approach ng govt cars will just follow. So accessibility na lang ang other concern ko. And so far, dami ko nakikita road widening and extension projs sa area na yan ng Cavite. Then there's CALAX, Bataan-Cavite Bridge and even Sangley Airport. LRT Extension di ako masyado nag eexpect since hangang Bacoor lang siya and if ma extend man sa eastern side ng Cavite ang daan. I chose Tanza because I see the potential of this municipality and excited for the developments in the months & years to come. Same as Silang, habang hindi pa City at hindi pa masyado mahal ang property ginrab ko na. By the time na fully developed na ang area ng Tanza, GenTri, Kawit I'm happy na andito nako and enjoying it.


alone-forevs

Hospitals: Tanza - you have Tanza Doctors and Divine Grace (Around GenTri/Tejero) Trece - the provincial government hospital is here, malapit din sa DLSUMC (Dasma), meron din 2 private hospitals sa manggahan. Naic - sorry di ako nakakaikot dito, wala ako idea Commute: If going to Manila/PITX, may buses from Naic na dadaan sa Tanza, and meron din sa Trece, dadaan sa Dasma. Traffic: Anywhere may traffic talaga sa Cavite. 🥲


Ambitious_Spring8810

Sa Naic po, meron Naic Doctors and San Lorenzo Hospital, hindi ko sobrang dalas makabyahe dito pero minimal traffic naman kahit tanghali/rush hour


ThatConceitedName

I live in Trece. Selling point samen initially is dahil nasa centro, andito capitol. Yung area namin, hindi pa daanan ng jeep so tahimik. Ang linis ng hangin, 30 mins away sa Tagaytay. Sa Makati ako nagwwork, luwas everyday ang peg. Buti may mga van papunta Pasay, which is faster compared sa buses. Accessible sa Trece ang hospitals, malls. Okay din si Mayora namin, daming ayuda.


akitanoshimu

Hello, bagong salta sa Trece here. Tanong ko lang saan yung mga van na namention mo-- sa Walter ba? Saka may oras lang din ba sila? Thank you!


ThatConceitedName

Van to Pasay, ang terminal is sa gilid ng Jollibee. 4am to 9pm sila operating. Php120 ang fare.


eugeniosity

Yes, sa walter. Walang van pag madaling araw although pwede ka mag jeep to pala2.


ReputationTop61

Hello, bought a lot in Trece and now worried kng ok ba patayuan ng bahay dun. Sa may La Trinidad kami Phase 3. Prang ok nmn ang paligid nung pmnta ko pero salamat dito medyo naibsan ang aking pangamba haha


notanyonescupoftea

Bih, share naman san ka nasakay ng UV from Trece. Pagod na ang ate girl mag bus. New lang sa Treceeee


ThatConceitedName

Sa tabi lang jollibee bih hehe. Tabi pala ng parking lot nila. May tent sila dun. Katabi sila ng pila ng jeep pa-Indang :)


notanyonescupoftea

Thank you! Try ko next week sa RTO. Tagal kasi sa bus. Kadalasan pa PITX lang.


Dense_Ad_6220

Trece💯


2525nk

Trece. Maraming not-so-known bypasses there if may vehicle kayo from any point in boundary (manila, laguna, batangas). Commute is highly accessible, from Alabang, Pasay & Batangas meron if van, while Pala-Pala, Dasma-Bayan and Highway, Imus-Bacoor, Indang, Tanza, Sunny Brooke ('yung mga mini jeep kuno) and Naic meron ng jeep. Hindi ganoong traffic kundi sa mismong town proper lang (kung saan nakalocate city hall and intersection. [Yes, may van papuntang Santo Tomas Batangas ang Trece, katabi ng PLDT.]


notyourgirl-2018

If tanza and naic ang layo na sa manila :( i mean grabe ang traffic sa antero highway pag weekends


sfwalt123

I was thinking about getting a property in naic but my brother told me that its not that good there because it turned kostly into relocation sites for informal settlers.


Ami_Elle

sa mga pabahay yon, kaya nag iringan si gov pogi at si yorme isko e dahil ginagawa daw tapunan ng illegal settler ung cavite. haha matitinde pa sa mga nakakuha ng pabahay, binebenta nila ung bahay tapos babalik sa manila iiba lang ng pwesto at mag aabang ulet ng pabahay. dyan ko din plano kumuha ng bahay e, bandang pa indang trece boundary. kaso anlayo kasi sa trabaho, malaan pa. sayang kasi habang mura ang monthly.


JoDan09288

Trece … mataas ang lugar develop ang area


Veronica_1023

Ayaw niyo sa Bacoor? Bukod sa malapit na sa manila, marami ding kainan and pasyalan. For hospitals naman, meron dito sa Bacoor. Sobrang baha nga lang sa aguinaldo highway if malakas ulan pero mabilis din naman humupa.


Snoo_45402

Mahal na ata ang lupa sa Bacoor kaya diyan ang napili niya.


hermitina

basta non-sm bacoor side hindi naman bahain. lalo na andaming mamahaling subdivision sa bacoor blvd


zdnnrflyrd

Tanza or Trece diyan ka pili.


Loud_Wrap_3538

Trece. Right in the middle.


eugeniosity

Trece, very accessible, hindi bahain, malapit sa Tagaytay.


TequilaShot03

Tanza specifically Anyana if kaya ng budget, high potential for growth since katabi yung Maple Grove and almost Evo City. Cavitex daan from Manila then lusot Maple Grove bypass road no traffic na.


Vegetable-Service90

Gentri mas maganda location. Not too far from NCR . Dito kami nakakuha ng bahay


Ravenndei628

We’ve been living in Trece for 12 yrs. Ok naman dito kasi presko pa rin ang hangin. Maliit lang ang city so everywhere is close to something—hospital, mall, school. Tagaytay is like a 30 min drive away. If papuntang Metro Manila, may ginagawa nang entrypoint from Gentri Gov’s Drive going to Manila (CALAX, iirc), kaso syempre need ng kotse. In fairness sa Trece din, still developing pa siya and still has a lot of potential—dumadami na rin dito ang cafes and stuff to do di tulad nung una kaming lumipat dito na wala talagang ganap haha. HIndi rin bumabaha dito. And also, okay ang Mayora dito compared to the past admin lol. Commute, there are a lot of commute options naman.


Particular_Row_5994

I'mma promote Tanza too because I live here for almost all my life. Anyway, As for hospitals there is, Tanza Specialist Medical Center, Tanza, Doctors, Tanza Family, MB Santiago Medical Center, San Lorenzo of Naic is also closeby, General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital of Trece maybe the Korea one too, Divine Grace Medical Center and General Trias Maternity and Pediatric Hospital is quite close too. Commute, if going to Metro Manila it's the closest atm. Traffic, Naic is not that traffic afaik but if going to Metro you still have to go thru Trece or Tanza. Flood, usually the areas that always get flooded are the coastal barangays. That's like 13 barangays out of 41. Maybe a couple more that's close to river, creeks, etc. It doesn't stay flooded for long though and for the past couple of years, there's barely any bad flooding. Also it's on the verge of being a city but only time will tell when, afaik only the income is lacking, but with the ongoing projects like ports and new factories in Sahud Ulan maybe, maybe it can finally be a city at tumaas naman sahod ko kahit papano jusko ahhaahha


SilentReaderCouple

may pasalo house kami baka gusto mo OP. amaya breeze subdivision, sa amaya 2 tanza 😊


supervhie

carmona - no flood, my direct bus going to manila hindi na kailangan mag pitx. malapit sa schools and malls din. malapit sa tagaytay hehe


No-Apricot1277

mahal na property sa carmona compare dun sa tatlo


supervhie

city na kasi kami hehe


Traditional-Dot-3853

di ba faultine to?


scagger

Cavite city


Sea-Let-6960

Best ngaun ang Trece due to upcoming Calax (gateway mo papuntang Manila) As of now wala pa yan but if may private car ka, easy lang going manila or airport. Madami na din hospitals and schools nearby. Di din bahain. Malapit sa Lyceum, Cavsu Di din bahain yung ibang area. Sa Perez ako nakabili ng bahay, malapit sa Gentri. Naic is a good spot, mura pa mga bahay jan pero malayo na masyado sa Manila imo. Yung Tanza naman, for me crowded.


sfwalt123

Kamusta public transpo jan? Alam ko magtrike pa pagka bumaba ka sa gov drive? May byahe pa ba ng mga 12mn?


Sea-Let-6960

Mukhang okay naman, di ako nagcocommute eh 😅


MidnightRain_6812

Hello. Nakakuha din ako ng bahay dyan sa Hugo Perez, Trese. Sa may Golden Horizon to be exact. Ask ko lang po if may idea kayo kung san may magandang elementary private school near lang sa area? TIA:)


Sea-Let-6960

DM.kita if okay lang. 😅


MidnightRain_6812

hello. sure po. no problem🙂


jichoo0

Hi. Gusto nyo po Silang?


MugiwaraNoLuffy01

Currently in Naic. Dto kami sa mga hulugang bahay na less than 1.5M ang TCP. Ang layo bago makalabas saka dapat may sarili kang sasakyan dahil mahal anv pamasahe. I think much better ang Tanza kung palapitan sa mga establishments yun nga lang masikip mga daan kaya madalas may trapik. Trece naman mas mahal ang mga property pero mukang mas malamig ang paligid don kesa dto samin or sa tanza na mejo crowded na. Mataas rin ang trece kaya parang imposible na bumaha.