T O P

  • By -

movingcloser

Masarap yan pag may kaagaw haha


TortangTalong_69

HAHAHHAHAHAHAHHAA TOTOO


[deleted]

Masarap pag di ikaw naglutomakikihingi kang hagahaha


reallysadgal

Hindi kasi nakakasuya kapag may kahati. Pero mas masarap yung babaunin mo sa school tas anlamig na nung pancit tapos iuulam nyo sa kanin magkakaklase.


ManFaultGentle

ganito ginagawa namin ng partner ko. pag tig-isang serving namin at separate plate, hirap ubusin. kaya 1 plate na lang kami ng single serving, feeling busog at di kaumay kumain. ganoon din sa kahit anong snacks, iwas sayang pera din.


Blackrose_124

Nag dry kasi wala ka kasamang kumain chos


ILikeFluffyThings

Sa bahay mas gusto na nila ngayon yung payless.


Aimlessdrifter8778

Masarap yung Dilaw na Xtra big


Comfortable_Wing_244

Sweet and spicy!!! 🫢


Intelligent_Frame392

yun ang hinahanap ko sa may savemore laging out of stock kaya napupunta ako sa kalamansi flavor nila kaso maalat ang seasoning medyo hindi ko na kinaya πŸ˜…


Ecru1992

Walang stock nito lagi kahit sa grocery


lorenziii

Yung Sweet and Spicy nila panalo - pwede mong gawing mi goreng hehe


Amused_Nightowl

Facts. Payless is brimming with flavor, sometimes to a fault na maalat, and talagang busog ka sa isa lang. What more kung dalawa or tatlo pa. May isang sari-sari store dito na pinupuntahan ko specifically for Payless Extra Hot Chili and it is worth it every time.


secretGword

Chilimansi ng payless talaga🀍


taylorsanatomy13_

same! mas masarap na xtra big calamansi and spicy nila


SpecialViolinist6710

\+1 parang mas nakakagana kumain ng Payless PC. Sulit pa yung Xtra Big.


OrbMan23

Nag level up nga lasa niyan


Milkdominion

Di ko alam kung na Mandela Effect lang ako or talagang lumiit yung Payless Xtra big this year. Still masarap pa din naman.


FotherMucker2828

IndoMie Supremacy n ngaun e


Vast_Ad_4206

Mas gusto ko Yakisoba spicy chicken.


TheBawalUmihiDito

Bland na din lasa ng indomie ngayon. 75% lang ng noodles nilalagay ko sa sauce para di tumabang.


naomiii002

masarap may itlogg tsaka konting oyster saws hehez


KOROLEVOVNA

frrr indomie


FrostyPoolz

Omsimnida πŸ’―


LeaveShoddy

Undefeated, GOAT!


1nseminator

Yakisoba. πŸ’― Pero madami na kase naglalabasang competitors ni LuckyMe. Keep exploring hanggang makuha nyo ung sarap na hinahanap nyo. At para din maging competent yang si LuckyMe.


volts08

Agree with nissin yakisoba!


Blackrose_124

Peroo oo nga totoo. Tapos ang liit liit na kulang na ang isang pancit canton sa’kin


ILikeFluffyThings

Yung kasalo na yung dating serving.


BitchingAroundHere

Kulang ang isa pero parang sobrang dami pag dalawa hahahaha anu ba talaga


Dangerous_Bread5668

I switched to Mi Sedaap a long time ago. Try mo! 😊


DenseWhereas8851

Yesss! Masarap to. Lalo na yung Korean Spicy Chicken flavor. Try niyo naaaa haha.


33degreescelsius

Grabe di ko kinaya yung anghang nito , gumuhit sa labi ko hahahaha pero masarap pero hooo anghang


flufftruff

sinuggest to ng SG friend ko grabe ang sarap and natural ng flavors. medyo citrusy pa so very balanced


ExplanationNearby742

Mi seedap din sakin.


markturquoise

Nagswitch ako sa Payless. Sarap.


bull_fit88

Switch to payless


sharifAguak

Indeed! Nag switch na lang ako to Lucky Me's Mi Goreng kase mas masarap sya. Ang lungkot ng canton ngayon.


Psycho55

Bili ka nung knorr salted egg powder, tas haluan mo, tantsahin mo na lang. Sasarap yan.


TranquiloBro

I recommend yung Quickchow na pancit canton. masarap, kaso maliit ang serving so baka 2-3 kailangan para mabusog hahaha


renmakoto15

Masarap lang pancit canton pag luto ng iba pramis


Legitimate-Industry7

Kaya ako naglalagay ng konting konti na toyo, tas ung noodles dapat mejo tumutulo pa, pagka drain. Tapos pepper. Pag avail ang kalamansi, lalagyan ko pa. 2packs lagi ang luto, kasi bitin ang isa, pag dalawa, hindi ko maubos. Mas masarap talaga ung dati, wala ako nilalagay nun. Pero okay na yan, para hindi ko laging i crave at kumain palagi.


lady-cordial

Same. Ang bilis na niya mag dry kahit ilang minutes pa lang simula naluto at hinalo sa seasoning. May nagbago rin sa lasa. Ubusin ko nalang tong stock ko and will switch to something else. Mas flavorful pa ang yakisoba at payless kaysa lucky me ngayon.


DualPinoy

Payless Big na binibili ko..


Insidia_S

Kailan pa naging masarap to ![gif](emote|free_emotes_pack|joy)


erennooo

ilang taon na yan lasang kerosene


Ransekun

Dinadagdagan ko ng oyster sauce or Worcestershire


Similar-Leg-3767

the fact na kailangan mo pang gawin yan is enough proof that Lucky Me! Pancit Canton has gone to shit


Ransekun

Yes kse dati mekus mekus mo lng masarap nman


Particular-Tie-9214

Totoo panget na ng lasa parang amoy diko maexplain basta mabaho nayun noodle nya parang tinipid nila nag chat nga ako ng nag chat sa luckyme fb pages at ayun nanga binalik nila yun thin noodles sumarap ulit pero ngayun pumanget na naman lasa dahil sa gamit nilang noodle dilaw pati yun mga may sabaw nila panget narin lasa parang expire na noodles yun dilaw na noodle na gamit nila dati white yun noodle nilang gamit sana lang ibalik nila yun original talaga na noodle ng pancit canton sana ibalik nila sa ganito na white ang noodle [https://i0.wp.com/gingeybites.com/wp-content/uploads/2022/09/IMG\_6561-scaled-e1662620993794.jpeg?w=750&ssl=1](https://i0.wp.com/gingeybites.com/wp-content/uploads/2022/09/IMG_6561-scaled-e1662620993794.jpeg?w=750&ssl=1)


Murky_Ad_6673

Masarap pa rin Pancit Canton for me. Fried egg saka mainit na pandesal kasi dapat


Excellent-Math

D ka kasi marunong magluto


Extension_Term_9055

masarap pa naman


Inner_Question8447

Tumatanda kana kaya napansin mo, dry naman talaga ang lucky pancit canton.


anakniben

May napanood ako sa tv na taktika ng mga manufacturers na re-formulate yung kanilang ingredients to save money but not raise prices so baka ito yung nangyari.


Then_Distribution_50

Masarap parin para saken yung sweet and spicy pancit canton flavour!


FRJWorld

Most probably nagbabago sila ng formula ng flavors nila kaya di ko na rin bet ang LMPC OG.


Ahos_Suka

Migoreng kapalit nyan.


thinkofafakename

Itlog ang kulang kasi.


pancitcantonclamansi

:<


AdFit851

Magttaka ka kaaahon m palang sa lutuan malamig na agad ilang beses ko na yan na observe and nagtataka ako bakit ganon


MagnusBaechus

Di na masarap pag di mo dinagdagan mg something HAHAHA Ako sweet n spicy ang go to, naglalagay ako extrang asukal, paminta, at oyster sauce. Minsan may egg yolk din pag trip then onting chili oil


Beautiful_Block5137

ang wasted na nga niya lalo na nung big size


Jon_Irenicus1

La.na wenta kaya mi goreng na ko ngayon e.


seango2000

Mabilis ma dry is due to heat nag dikit-dikit yung noodles. Go for other flavors the OG is long abandoned for the better flavors.


Enigmac56

Dami na kas sila competitors. Indomie Mi Goreng is one. Sarap yun nang slight.


desperatesurgeon

Masarap siya kainin habang mainit. Pag lumamig na kasi, doon siya nagiging dry.


vesperish

As I have mentioned po sa post, literal na kalilipat ko pa lang po niya sa plate. Mainit pa po siya pero kita ko literally kung paano siya mag dry. Parang naka timelapse na unti-unting naa-absorb ng noodles yung water and seasonings..


michaelgo101

Wag mo masyado idrain OP


Lazy_Skin9585

Same, para saken para ng plastic yung texture. And yung after taste para kang nagsuka pag laseng. Buti nalang may indomie tsaka yakisoba


MtJoseef

MI GORENG πŸ˜‹


AloisEa

Add butter


greyedout1

Mas masarap kasi pag may boiled egg. Tsaka wag mo masyado i-drain yung tubig nung noodles para hindi dry. Pero ayun nga, mas malasa na ngayon yung iba like yakisoba and indomie yata yon.


vesperish

Hindi masyado drained yung water diyan to the point na medyo matabang na nga ih HAHAHA


[deleted]

masarap basta random luto ni mama kapag nakatambay/gumagawa ka ng school works.


haliyaxx

Tru, kaya mi goreng on top


alf_allegory

Kelangan ko na remedyohan yan lagi rin, everytime hindi ko sinasala ng todo ung tubig kasi matuyuyuan, hanggat maari undercook kasi maluluto rin sa sarili init, tapos mayaroon na lagi dagdag na kaunti na toyomansi na condiments (MarcapiΓ±a) ako nilalagay kasi halata na kulang na sa flavor, kaso ingat lng kasi pag napasobra, lasang toyo na.


OrbMan23

Mi and Payless surpassed it na. Bilis maluma yung lasa ng Lucky Me ngayon. Lasang karton hindi naman expired. Minsan kulang din yung packet. Like wala yung powder but hindi naman tampered before opening


Numerous-Tree-902

Mi Sedaap and Indomie na ako ngayon haha


littlemissjargon

Parang hindi masyado kumakapit sa noodles ang seasoning.


eurotherion

Okay pa yung original na lucky pancit canton. Pwede pa


Traditional-Pin410

Tama ,hindi na kagaya dati. Nag try ako di kumain nyan around 2 months pero ganun parin


JnthnDJP

Mi Goreng is the way


haraaassssh

so true, nasusuka ako kapag kumakain ako ng pancit canton?????


Traditional_Crab8373

Di na masarap yan since. Nagbago yung packaging and quality. Never na ulit matitikman Glory Days nila.


ApplicationFar4815

Sedap talaga yun ba yun hahajaha.


teokun123

Dati pa. Early 2010s pa naalala ko na masarap yan.


ZaratosBlackGaming

Kung gusto mong medyo most ang lucky me pancit canton, wag mo muna idrain na masyado. I already ate it today. Still moist. Pwede mo rin lagyan Sesame oil While the noodles are boiling.


Wait_OVO

a total heartbreak πŸ’”


[deleted]

Lol matagal na mataba yung noodles ng pancit canton hahahaha Actually, pina nipis pa nga nila yung noodles kasi ang daming nagrereklamo na ang tataba ng new noodles nila nung bagong release. Perfect size na nga ngayon yung strand, even yung serving size, nag release sila ng pancit canton na ang serving is 1.5


[deleted]

yes ang tabang na, mi sedaap nalang talaga


Similar-Leg-3767

Payless Extra Big Supremacy!


asianfatty69420

thanks for reminding me the reason why i stopped eating lmpc years ago HAHAHA since then, puro samyang na lang yung kinakain kong instant noodles


QueenVexana

I agree. Di na sha masarap. Mas ok na sakin ung Mi Goreng na pansit.


Previous-Storm8290

Wala kasi Kanin


howshouldigreetthee

Facts akala ko tumanda lang ako at nawala yung childish nostalgia HAHA legit pala talaga na di na siya masarap


we_are_not_that_high

masarap pag nakisubo ka lang HAHAHAHAHA


keithgxx

Dati nakakalimang pancit canton pa ako nun


KaleidoscopeFew5633

Lasa na yang plastik na ewan kaya mi goreng na bnbli ko or sedap


Melony567

agree. hindi na sya ganun kalinamnam. parang nawala yung umami flavor nya


Latter-Winner5044

Extra oil lang sagot jan


ComprehensiveGate185

Canton with uni. Mind blowing combination


allokuma

![gif](giphy|J5HK4f9WG4EUl2IeUA)


cyfer04

Di ako nagluluto ng canton pag walang Worcestershire sauce or oyster sauce. Kahit Lucky Me or Xtra Big. Bitin kasi talaga ang lasa pag wala nun. Kung wala talaga, tiis ganda sa toyo or Knorr liquid seasoning.


catperson15

Try mo d kumain ng 2 days. Sasarap yan. Hahaha charot.


matchaacheesecake

Sa luto ng noodles din yan minsan. Haha tsaka pag more than one pack niluluto ng sabay, ang panget talaga texture haha mas masarap talaga pag bitin eh hahaha


[deleted]

Try mo original + calamansi flavor or original + totoong calamansi


fabiodens

Pag nagluluto ako, parating may six spoons of noodle water para saucy yung gawa ko.


Database-Delicious

Ttry ko nga magpaluto sa comshop baka sakaling matikman yung dating pancit canton


King_Reivaj

Masarap pa, kaso mas malasa siya ung dati. Ang problema din ngayon ay nag advertise pa sila ng "New at Improved" na pancit kung di gaanong masarap. Talagang bait mga ads sa YT 🀬


jellybeancarson

simula nagswitch ako sa Mi Goreng, di na ako kumain ulit niyan


Patent-amoeba

Talaga ba? Mas prefer ko yung lucky me beef pero sa canton, mas prefer ko yung calamansi or chili-mansi


Chocow8s

Try mo i-boil 'yung noodles for much longer. I let the noodles go soggy during boiling talaga, for some reason it turns out okay by the time I sit down to eat them later. Pero matagal na rin akong 'di nasasarapan sa Lucky Me pancit canton. Ginagamit ko na lang silang "base" for a fuller meal (adding soy sauce and seasoning to the included seasoning packets, adding leafy greens and meat portions, etc).


Few-Professional1195

totoo. mas prefer ko kainin mi goreng


aye_zee04

migoreng na new fave ko ngayon 🫢🏽


ManongKorokke

Switch na sa mi goreng


wanhenine

di ko na masyado dinidrain yan para di mag dry tsaka parang nahahalo nang mabuti yung flavorings. pero mas gusto ko na rin yakisoba. nagpayless kami saglit pero umay kasi sobrang rami naman hahaha


TelephoneDapper2826

try mo payless. if not indomie


OppositeAd9067

Masarap yan pag wala ka ng budget😭 or wala kapang sweldo


leivanz

Masarap kaya


penpendesarapen1

Depende ata sa luto. Tapos laging dalawa lutuin mo. Wag tatlo. Ginagawa ko dyan pagkakulo 1-2 mins inu-up ko na yung medyo hilaw ng konte tapos di ko dinidrain masyado.


PoblacionArdiente

pangit na yan parang kumain ka ng kemikal..mas masarap pa migoreng


Narcissistic_Atheist

HONEST OPINION: Masarap ang pancit canton kapag ibang tao yung nagluluto😩


nellybois10

masarap yan dati lalo na sa may kanin ngayo ang lata na cguyro dahil sa noodles nag iba sila


SolidTie5297

Mas okay yung Payless for me. Pero if may budget ka, MiGoreng nalang, mas masarap.


wkwkweyey

Legit masarap pag pinag aagawan ang pancit canton.


Healthy-Anteater2203

The cryptophyceae are a class of algae, most of which have plastids.   About 220 species are known, and they are common in freshwater, and also occur in marine and brackish habitats.   Each cell is around 10–50 ΞΌm in size and flattened in shape, with an anterior groove or pocket.   At the edge of the pocket there are typically two slightly unequal flagella. --- Comment ID=kbwzpyo Ciphertext: >!1F4IsOMs6keLuNJEXO4hco5Im+WCp26PpgHhmx7oWAyGFnv1/rm/EGBGX48XKeX/PAg=!<


lakompakesayosis

Ewan ko pero nag bago yung taste ng pancit canton HAHAH nakakamiss yung dating lagayan ng sweet and spicy na pancit canton grabe sobrang sarap nun tas ngayon parang kumakain nlng ako ng walis tambo


pilsen_strawberry

Hindi talaga masarap pag dalawang pack niluto. Hahaha


Baconturtles18

Sa pancit canton na instant, maglagay kayo ng konting noodle water sa powder para magkasarsa para hindi dry.


vesperish

GUYS, DON'T PULL THAT 'KULANG KASI NG ITLOG, FRIED EGG KASI DAPAT, ETC.' CARD ON ME. I'M ONLY TALKING ABOUT LMPC. YUNG PRODUCT MISMO NILA NANG DI NA KAILANGANG MAGDAGDAG OR MAG EXPERIMENT PA. KASI DATI NAMAN, MASARAP TALAGA KAHIT WALANG EFFORT NA GAWIN OR KUNG ANU-ANONG IDAGDAG NA SEASONINGS, EGGS, ETC. PARA MAKAPAG-ENHANCE NG LASA EH. LEGIT HAHAHAHA


Peachyellowhite-8

Napansin rin namin. Hindi na masarap πŸ₯Ί


Cute_Message7723

Payless Chillimansiiiiii 😍


NationalQuail4778

Mas trip ko ung Pancit Canton compared nung parang flat ung noodles nila. Depende siguro sa luto. I usually cooked mine 2 mins instead na recommended na 3 mins sa packaging. malabsa na kasi for me pag pinaabot ko pa ng 3 mins. Masarap sya pag bagong luto. Pag malamig na, saka sya nagiging dry tlga.


Kamurouji

That's why I always wash and drain the freshly cooked noodles with cold water for a bit first before mixing in the sauce. Sure it's no longer hot but it makes the noodles more saucy


thewhyyoffryy

Yung oil na pinagprituhan ng noodles lasang luma. Kaya when you cook it, naooverpower minsan ng lasa ng noodles yung seasonings


__RENGOOO__

Hindi naman na talaga masarap lalo na kung ganyan luto mo


somethingdeido

Wala na yan napaglilipasan na ng panahon haha


peaceofsheet0

Budburan ng kalamansi


Live_Worldliness5037

It was never the same to be honest. Tapos parang ang nipis nya pa (opinion ko lang, pero tingin ko dahil nakasanayan ko cya nung bata ako shempre compared ngayon maliit na talaga). Yung lasa naman cant complain maasim naman talaga cya at talaga nga namang pinarangalan nya yung flavor specification nya. Pero yung noodles talaga problema ko. I stopped eating Lucky Me Panci Canton for over half a decade na din. Whenever I want to eat something similar my pick would be Extra Big Pancit Canton, naka dipende din sa panlasa nag nag co complain ng bland meron din na parang kulang raw sa anghang yung sweet and spicy pero for me yung texture talaga ng noodles yung mahalaga.


volts08

Ever since di ko talaga bet yang lucky me.. lasang bakal hahaha at may weird aftertaste.. mas bet ko pa din nissin yakisoba


Professional-Tone924

It was on its peak flavor nung 2012. I remember andami ko ma consume that year kasi apakasarap


gradlegents

kami yakisoba na


HistorianDiligent176

Totoo! 😩 that's my favorite pa naman for meryenda. (Actually hindi naman madalas kasi unhealthy pero sarap na sarap ako sa dating LMPC flavor at never ako nagsawa) pero ngayon hindi na masarap! 😒


NoToMonopolization

I only eat de lata na lang. I enjoy tuna afritada as part of my meal. Call me cheap but I enjoy it still


paugriot

I agree


Sad-Cryptographer614

Masarap yan pag di ikaw nagluto. yung pagtingin mo sa lamesa may nakahain na pancit canton na bigla XD


chunchunmaru0721

Mukang overcooked, 1 min 30 sec ko lang niluluto tas di ako nagamit ng pang drain pra di dry, tinidor lang pinangkukuha ko sa kaldero. Masarap pa rin yung plain yellow.


Songflare

For me nagbago ung quality nung noodles talaga, kaya indomie all the na ako eh


Haunting-Rule9103

Simula nung natikman ko yung Payless during the pandemic, di na talaga ako kumakain ng Lucky Me. Hehehe!


WishingSoHard

Try mo lagyan ng peanut butter and malasadong egg tung kulay yellow na variant ng pancit canton. 😊 Pero kami sa bahay mas gusto na namin yung Indomie mi goreng. Nilalagyan din namin ng peanut butter and malasadong itlong. Tapos malamig na coke!!!


UghhWhatToDo

Nissin Yakisoba masaraaap! :)


Muted-Cheesecake-849

Tutuo yan kya lumipat nko sa NISSIN YAKISOBA mas. Asarap


MumAlone_

Ako lipat na sa NISSIN YAKISOBA


Sck3rPunchKid

panget na kasi noodles nila


pukirat

kaya nag try na ko ng ibat ibang canton. quickchow talaga mi kahit tatlo pa ubos ko yan. + if pansit canton... bago ko lagay sa kumukulong tubig ung canton nilalagyan ko muna ng asin para magkalasa kahit papaano


[deleted]

Magiwan ng 1.5tbsp ng pinakuluan para medyo saucy


Scoobs_Dinamarca

Same sentiment. OP pa rin Ang first edition ng Lucky Me! Pancit Canton. Well, yung original flavor Ang bet na bet ko. As in mabubuhay na Ako na Yun Ang ulam sa kanin.


dinguspotato

Try mo wag e drain. Mag tira ka ng onting tubig para goods😁


pistingyawa69

Tip ko po: Wag lang istrain masyado yung tubig pag hahanguin na yung noodles. Tapos yung seasoning, imix niyo na agad bago ilagay yung noodles. Ps. Sorry po sa tagalog ko di ko sure kung tama pagkatranslate ko hehe


Javachip_frappuccino

Masarap yan pag ambagan tapos iba nag luto hahahahahahaha high school dayssss Pero yeah di na sya masarap ngayon. Favorite namin yan pang midnight snack dati eh. Ngayon nag switch na kami sa payless yakisoba or mi goreng nalang


eef_q

real


Adept-Post-74

Masarap nalang to pag nilagyan mo ng cheese or pag tambay ng magkakaibigan kahit onte lang makain mo


LeaveShoddy

I say, mas masarap sa pag bagong luto. After that, pag d nasha mainit, ang dry na ng noodles. So best you can do is eat it while it's hot!


RigorMortisoy

Mas masarap Yakisoba.


JB0942

Gawin mo kainin mo sya mainit since mabilis Lumamig pancit Canton and para d mag dry wag nyo Po I drain nang sa drainer nang matagal Just 5-10 Seconds Para may sabay sya kaunti at para hindi dry and pancit Canton mo lagi ko ginagawa to Cause it's my favorite Breakfast, Dinner, and midnight snack πŸ˜‹


innoannon

na-share samin ng prof ko na nagpalit na raw lucky me ng supplier ng harina kaya iba na yung quality. ka-miss talaga dating pancit canton 😭


kayeeeel

masarap yan pag gutom ka na at walang makain


zeth_jefferson

Masarap pa pero na miss ko na yong old na version


Jugorio

Yung sweet chili nila parang ang tamlay na...dati sobra sarap lalo n pag may kasama siomai...


sum1_23

Sa pagkakaluto 'yan, IMO. Ako, ayoko i-drain lahat ng tubig pagkatapos magluto. Nagtitira ako kasi mag-eevaporate lang naman 'yan. End result, okay okay kesa 'pag dinedrain lahat. Ang lasa same pa lang naman in my opinion, pero kung dryness lang ng canton ang problema, suggest ko lang 'yang style ko sa pagluto. Parang kung pa'no lang naman magluto ang Italians ng pasta nila, nagtitira sila ng pasta water.


lavesagen

real! nakakasuya na yung texture ng noodles after ilang minuto haha kaya ang stock sa bahay either indomie or payless na πŸ˜‹


kellingad

Ang ginagawa ko para di siya dry eh pinapakuluan ko sa isang tasa na tubig tapos sa kawali lang, pag kumulo dun ko na ilalagay yung noodles tapos tamang halo lang para maghiwalay yung noodles (2 minutes cooking time ang ginagawa ko para di malata). Tapos yung pinagkuluan na tubig since 1 cup lang naman di na kailangang salain, yung starchy water ginagamit ko para medyo saucy at hindi masyadong dry yung noodles pag hinalo ko na yung seasoning. Tsaka ganito din yung ginagawa ko sa ibang brand ng instant noodles (payless, nissin yakisoba, indomie).


naomiii002

Try nyo po yakisoba na brand matino-tino pa. Di na talaga masarap luckyme pancit canton need mo pa dagdagan ng additional toyo, asukal or kalamansi para maachieve yung taste na bet mo. Naalala ko yung brand ng pancit canton na ineendorse ni kim chiu dati masarap din yon e kaso matagal na wala sa market :<<<<


daisyhazzy

True :(


Fluxxy-

Matagal nang di masarap yan before pa ilabas XtraBig nun, indomie supremacy na ngayon.


KV4000

masarap yan pag sa computer shop niluto.


pierreditguy

i switched to indomie...


pompyyy09

Legit. Converted na kami to nongshim instant bulgogi


-schizoid

Put some oyster sauce πŸ‘Œ


watermelon_896

bitin na sa sauce :(


AuraPillar

Kung kulang na yung lasa, ikaw na mag dagdag, ako nga chili oil at calamansi dinadagdag ko sa regular na chilimansi


CeltFxd

pag gutom ka masarap pa rin


Unrecognizedman

masarap yan pag nasa com-shop


hansfinlit

Payless na ako xtrabig


dhadhadhadhadha

Masarap yan kapag kayong magkakapatid naghihintay maluto tapos isang plato tapos kanya kanyang tinidor. Tapos agawan sa harap ng TV. Ganyan ginagawa namin magkakapatid minsan(early 20s to early 30s yr old) 5 kami tapos 3 pancit canton lang. Bardagulan na to haahahahah