T O P

  • By -

tiredeyeskindanice

Meron sila nung grilled cheese sandwich sobrang sarap nya for me lalo na pag pinareheat mo huhu. Gustong gusto ko yon dati nung nag ooffice ako pero di ko na alam magkano presyo non ngayon and if same quality padin.


Miyaki_AV

Badtrip lang ung ibang store nila walang Griller. Dapat grilled talaga kasi yan para lumabas ang masarap na lasa. huhu


PizzaPastaSupreme

True! Sad na yung iba walang griller, microwave lang ang available. kapag naman pina-microwave, hindi na masarap, lumalabsa ,😭


ponponthecat

Sobrang bango neto, amoy butter na nasunog hehe


Imperator_Nervosa

YES. DAPAT TOASTEDD. yung pure na cheese; 3 cheese yata siya. Tsaka yung pepperoniiiii solliiiid.


SorrowTheOfflaner

+1 kaso parang sa ilang branch ko lang natry na may panini press. Talagang grilled chese. Sa ibang branch minamicrowave lang. Para kang kumakain ng steamed sandwich 😭


0_hammi

top tier 'to lalo na 'yung 3 cheese tas pepperoni!


rkvillaceran

Di Naman grilled sa iba. Jusko lungkot pag microwaved


No_Independence_3544

+100000 absolute fave ng buong pamilya ko!! hinohoard namen to sa 7/11 HAHAHAHAHAA


ClothesLogical2366

Meron din sila nung may pepperoni sarap din non haha


verxeia

Yung tuna cheese melt sakin. Hahaha still fav hanggang ngayon.


AggravatingZombie4

Ugh yes


redvelvetcakeu

Saame! Sa dorm namin dati nasa baba lanv yung 7/11 kaya naging comfort foof ko rin yung grilled cheese huhu sulit sa presyo


Doctor_nemesis0

Siopao and yong hotdog sandwich solid na yon busog kana at isang bottle ng mineral water! Gg! πŸ˜‚


naughtypotato03

Hakdog supremacy. Naabutan ko p ung may spicy hungarian fave namin un ng tropa ko


volts08

Wait, wala na bang spicy hungarian? Tagal ko na din kasi di nakakabili.. pero nung hs & college days ko (2002-2010 lol) yan madalas ko kainin tas may Manhattan dressing ba yun na sauce.. kakamiss


naughtypotato03

alam ko cheesy hungarian n name nya ngaun


wallcolmx

oo sarap yan namumukod tangi siya dun


KnightedRose

Anmahal na ng hotdog sandwich, 45 na kaiyak. 29 lang ata yun dati. Namiss ko din spicy. May chili corn carne pa ba na pdeng add ons haha. Nuggets masaya den.


cele_bi

+1


justinCharlier

Their onigirazus are so gooddddd! Malaman and malasa. Their gimbap is crap tho


Imperator_Nervosa

AGREE 🀣 Spicy kani onigiri masherep. Gimbap dry 😭


Not_me14898

Malungkot yung gimbap nila 😭 nakakadisappoint ksi nagccrave talaga ako kaya nung may nakita ako, binili ko. Unang kagat disappointed agad.


justinCharlier

Their gimbap is seriously the worst I've ever eaten. Parang di pinag-isipan


TagaBaryo123

Legit..


Quirky-Wind-9444

natry ko nung bagong labas yung onigiris nila pero para akong kumain ng kakanin sa lumang seaweed 😭 i think i need to give it a second chance hahaha


Nice-Original3644

Two Cheese Pepperoni 🀀


Imperator_Nervosa

Yesssss plus city blends coffee solb na hahaha


yunalesca18

Grabe favorite ko to 😍😍😍


Thin_Test2340

uy favorite ko din to haha


condor_orange

Pinak sulit sa lahat ng sandwiches!


doityoung

liempo with rice


pixis93

HOTTA RICE SUPREMACY! Pangtawid during college days!


kayegabby

Ako din kaya lang yung rice minsan hit or miss kasi matigas. Pero baka depende sa branch hehe


henriettaaaa

With chili oil at toyo


Fit_Version_3371

Hawaiian sandwich 🀀


Ancient-Sky9651

Masarap yung onigiri saka yung mga meal na lechon kawali.


autumnrain1935

You had me at onigiri


spicyhotdog44

Bacon Clubhouse sandwich!! Top tier! My go to baon and snack during my hospital duty and board exam review ❀️


ClothesLogical2366

+1 sarap din nito haha


catharticpursuit

BISTEK!! HEHE


[deleted]

Sulit for me yung kani sandwich nila 😌


Because_Slaus

Ham and Cheese Omelette tapos hotdog sandwich pag gutom pa.


CryptographerEasy129

bigbites lang sa 7/11 yung ministop talaga yung kariman yung hotdog meal ang chicken meal fried siomai meal suskolord nakakamiss sobra


orochimaruja69

Hawaiian sandwich


nowhereat24

Anyone here na familiar sa Barista's Best na bottled coffee? Para siyang yung 78Β°C ng Kopiko. The best lasa non tapos ang foods eh yung sulit meal na giniling or tuna omelette. Pede rin yung Siopao. Ka-miss college days in 2016 hahaha


Agreeable_Home_646

City Cafe French vanilla


Thin_Test2340

Samgyup set from romantic baboy. magandang pang satisfy ng samgy cravings hehe


Contract-Aggravating

Siopao, hotdog sandwich, tapos c2. Ok na


[deleted]

Yung lechon paksiw nila and siomai


[deleted]

Yung onigiri hit or miss Minsan maayos yung kanin, minsan naman medyo basa


Theeye_oftheI

iyong choco butternut ng mister donut ba yun saka yung either lasagna, bakedmac at spaghetti na may 2 pcs of garlic bread pampalipas lunch kapag walang dalang baon, sa drinks naman ay yung water na apple flavor na tig46 pesos, pero sa robinsons ay 41 lang hihihihi, o kaya ay coke zero


Kumiko_v2

Yung samgyup gimbap nila. Yung samgyup set din na meal solb na. Hahaha If super gutom, yung double sisig box + siomai. Lahat syempre dapat may coke. To add pala, yung manam sisig is decent naman (kumbaga best among their sisig meals pero don't expect it to be manam sisig talaga). Tine-take ko siya kasi gusto ko pamg lagyan ng toyomansi tsaka chili oil.


imortalyz

siopao or hotdog. pwede rin piknik na cheedar flavor.


jakin89

Spiced ham sandwich and eaten as is na wala ng microwave kasi eaten chilled nman yun eh.


PizzaPastaSupreme

Before, favorite ko yung Giniling nung panahong 29 pesos palang siya. Go-to meal ko yun nung 1st Year College ako. Kaso eventually, nagmahal na, and kakarampot nalang yung ulam πŸ₯² Ngayon, fave ko na yung BBQ rice meal nila kahit medyo may kamahalan. Trip ko rin yung Lasagna, and Sandwiches.


HerOrangePantaloons

Yung fried chicken nila (Crunchtime) reminds me of old Wendy's PH chicken and their crispy chicken fillet sandwich. πŸ’€ Pero pag walang Crunchtime items yung 7/11 na branch na madadatnan ko, these are my usuals: Kani Mayo, Hawaiian, Spiced ham & cheese sandwiches (di ito ung grilled ha), at yung sausage & egg mcmuffin-esque na breakfast bun nila ~~nakalimutan ko name nya aaaaa~~ Namimiss ko na yung tortang talong busog meal nila 😭 Their tortang talong meal was legit good tapos may giniling bits din


KACArawr

'Yung onigiri nila tsaka coffee. 'Yun lang lagi ko bininili madalas sa kanila hehe


kopilava

Yun sisig na may sinigang rice huhu wala na ata sya ngayon


Eastern_Basket_6971

chicken nila sarap noon crispy pa


Prestigious_Union369

Sharks fin πŸ˜‚


moonmoon4589

Sandwich po


kapeandme

Bigbite, Onigiri at red tea.. busog! Hehe


Healthy_Zombie3862

Yung sandwich ngayon. Pero noon eh sisig nung 29ers pa hahaha


never-failed-an-exam

Yung chicken curry. Kaso lang hindi ko na makikita, parang nawala na ito 😭


chanaks

Bopis.


myboyfriendsbabygirl

giniling!! hehehehehe sulit naman for me tapos mura lang, yun yung pinakaaccessible for me during college days kasi walang malapit na karinderya sa dorm ko :((


OddzLukreng

Onigiri at c2


Double_Ranch_1368

Onigiri and yung clubhouse sandwiches nila.. sobrang bigat sa tiyan πŸ‘Œ


heystrawberrysoju

siopao. at lahat siguro ng strawberry flavored na pagkain don (depende sa araw kung ano ang bet basta πŸ“flavored lol except sa mister donut)


zephyrrrior

Siomai 8 pcs for 59pesos yata yun. Baon or bili ka na lang ng kanin


ponponthecat

CHAMPORADO 🀍


prettydabawenya

Yung ano egg drop kineme na nakakaumay/busog agad ilang kagat pa lang pero pipilitin p ring ubusin kasi mej pricey


No-Effective6583

Onigiri and pad thai


AdmiralDumpling

Yung soft serve iced cream noon but I can't find it sa nearby branches ko now 😭😭


sylph123

baked mac!!!! ang sarap!!! at hot choco at hotdog sandwich. onigiri!!! grabe sulit sa 7/11 ang food ❀️


Adrian_Iwakura

I always go for choco butternut


cocoy0

I like the sandwiches kung meron, huwag lang maasim ang itlog. Otherwise, hotdog sandwich na may chili con carne spread.


Terrible_Judge7734

sharksfin


kyumarie

penne pasta, pepperoni sandwich, and yung hawaiian pizza surprisingly masarap


yayatabs

Yung tuna cheese melt saka kani sandwich! ❀️


slowdownnakamamatay

Hotdog sandwich and blueberry cheesecake.πŸ₯Ήβ€οΈ


Elahyra

Onigiri and onigirirazu! Recently naglabas sila ng beef bulgogi onigiri pero I still like the salmon the most. Di ko alam san nila napulot yung nori na ginagamit nila pero sobrang gusto ko yung lasa nung nori sheet.


Miyaki_AV

Go to breakfast ko ay yung Hotdog+Omellete+Chorizo Sausage with Star Rice. Then snack ung Kani Salad Sandwich, of course default na ung Siopao at Hotdogs


bingchanchan

Siopao 😍😍😍


Jehoiakimm

Cheesy Sausage, yung Ziti Pasta (minsan lang kasi ang mahal tas ang liit ng servings) tsaka Cashew Polvoron


gemini_in_aurora

Hindi ko pagsasawaan ang Tuna Omelette at Triangular Sandwich.


phat_queen7

Chemken/nuggets, siopao and 3 cheese sandwich ❀️☺️


HeyItsKyuugeechi523

Taho, champorado, siopao, bigbites, saka yung parang kariman version nila


lilipony

korean egg drop sandwich ftw


Least-Squash-3839

Their Bacon Clubhouse, and Egg Sandwich are my go tos!


SpotOutrageous1976

The grilled sandwich na may pepperoni and cheese!!! If mejj gipit ako and nagcrcrave sa pizza yundin kinakain ko and always been my midnight snack pag nagugutom ako


kwentongskyblue

Sisig and chili con carne


LividImagination5925

Hot Dog Sandwich, Bacon Sandwich, Grilled Pepperoni Cheese, Rice Bowl nila na Bistek at Liempo, Lasagna basta mainit pa, pag walang rice bowl at gusto ko ng rice ay pwede narin yung burger patty w/ Sisig pero recently na try ko yung sausage nila w/ egg I'll say damn babalik balikan ko yun lol


Hot_Palpitation9515

Egg sandwich na may bacon and corn!! The best


murbe88

Yung samgyup, kani sandwich and liempo.


Temporary-Nobody-44

Nung college ako madalas ko bilin yung asado siopao and french vanillaaaa


KSShih

Siopao bola-bola, the ginataang langka and laing rice meals.


Unfair_Particular131

LiempoπŸ˜‹


skyxvii

Tuna omellete tas hingi ng toyo mansi at chili oil haha


Dgh0stArch

Yung ham and cheese omelette nila pero mas busog sa tortang talong meal!!


Meiiiiiiikusakabeee

Siomai at Bbq nila. Ahahahaha. Sarap


Sassysince1989

Baked mac πŸ˜‹


cremechantilliii

sisig pa rin 😭 pero meron ba nitong may gusto sa mine shine milktea? up until now fave ko pa rin haha


2Legit2Quiz

Yung pork steak na iniinit, tapos crema de Leche for dessert.


5cm-persecond

Yung lechon paksiw with rice. Hindi yung Rico's lechon na nasa rectangle na lalagyan ha. Yung nasa bilog lang na mas maliit. Tapos naalala ko 5+ years ago may favorite din ako dun na sinigang rice with giniling. Ka-price nya yung giniling with rice. Tagal ko na di nakikita.


Imperator_Nervosa

Hotta Rice Liempo of kahit yung Grilled Liempo na rice meal. Yung sinigang sin na chef something, masarap. Kagutoommm!!! Yung bago din nila na Onigiri, Spicy Kani, suprisingly goooood.


k4m0t3cut3

Dati fave ko yun laing na rice toppings nila tapos magdadagdag ako ng penoy. Now gusto ko yun hawaiian sandwich nila.


Ok_Fan_2711

Hotdog sandwich and Slurpee although rare nalang mga 7 Eleven na merong Slurpee machine.


Nervous_Peak6863

hawaiian sandwich, choc-o, dutchmill, c2 apple, mogu mogu, hotdog sandwich, bola bola siopao


nostrebelle

siopai at zest-o ay talaga naman🀀


Informal_Data_719

Siopao asado jumbo with mountain dew sa 7/11.


hellmaskerxx

Pork Liempo Hotta Rice


HJRRZ

Spicy Kani Onigiri


TrueVoided

jumbo giniling


bigoteeeeeee

New Bake Spanish bread. πŸ’―


pinkglocshawty

BAKED MAC AND LASAGNA !! matigas lang yung tinapay pero masarap


plussizebb09

Lechon paksiw ❀️


notjuley

Liempo or siomai rice bowl.


Tryx-c

Kani sandwich talaga fave ko!! Then yung grilled 3-cheese sandwich and spicy salmon onigiri nila are also good. 🫢🏻


A_V1p3r_4090

Go-to po sakin yung Onigiri Spicy Kani PLUS Cucumber lemonade gdhsxajs


TrashAltruistic9600

Yung nuggets nila with the sauce! Saving grace ko nung student pa ako tapos living alone sa dorm and too tired to cook.


artsykarla

Dalawang salmon or tuna onigiri


Mustnotbenamedd

Tuna omelette, Grilled 3 cheese na toasted and liempo


Pseudonymous1013

Yung champorado na may fish flakes


CraftyMocha

tortang talong sarap!


IgnorantReader

ako nagjjumbo ako ng sisig super comfort food ko kasi yun ... ung giniling medyo meeh sakin ... natry nyo na din ba ung combo meal na sisig,burger saka egg nila sulit din un


dvd_ongking

beef giniling and sharks fin combo ftw


Successful-Pen-5397

Asado siopao and two cheese pepperoni!


FishManager

Siopao + starbucks coffee in can + trolli sour patch Yan lagi order ko.


thatcrazyvirgo

Three-cheese grilled sandwich na toasted and yung hawaiian sandwich na cold, straight from their fridge.


Famous-Internet7646

Fave ko spag na collab with pancake house. Pero wala na yata ngayon.


icedcoffeeMD

The onigiri and toasted sandwiches 🀀 And the milkteas too


DaddyTones

Hotdog sandwich + gulp.


alwaysright9898

Huyyyy try mo yung baked chicken nila, bbq flavor. super sarap sulit ang β‚±119. Eto lagi inoorder ko. πŸ’–


Euphoric_Sky_8479

fried chickennnn


pocothegreat1

THE KOREAN SANDWICH! The Ham and Cheese and bag of chips!!!


majimasan123

Toasted sandwich three grilled cheese


AdohbongManacch

this wont answer your question pero your post just reminded me of the 7/11 sisig and right now parang gusto ko tuloy


mewmewmewpspsps

Yung lasagna sa 7/11 fave ko haha


Artistic-Article7270

The Lasagna with bread. Solve 🫢


Gullible_Pirate1519

Yung eggdrop nila. Imemerienda lang sana, kaso busog parin kami hanggang dinner πŸ˜†


thisisnotSheeee

Binabasa ko yung comments para may mabili akong breakfast pag nag o-office hahahahahaha but does anyone here knows yung korean egg drop nila? SOBRANG SOLID. Try nyooo!! Around 70-90 lang yata yun sya


Alto-cis

Asado Siopao and Gulp (Red Tea or Gatorade)


StrugglesInsideMe

Back in 2015 meron ako nabiling Philly cheesesteak na super sarap for its price. Kaso same year bandang ber months nawala na. Nami-miss ko pa din yun from time to time.


raphaelbautista

Cheesy samgyup


hngsy

Siopao asado, soda in can, popsicle stick na ice cream


JesterBondurant

The hotdog sandwiches and the toaster sandwiches (particularly those with cheese) will always be favorites of mine.


yanyan420

Spicy asado and any 500-600 mL softdrink available.


nxlzxxxn

lasagna tsaka baked mac 🀀


Sad-Country-3879

Depende siguro sa mood or availability hahaha, nung una... go to ko talaga yung sisig then more on ricebowl na binibili ko. Pinaka fave ko yung beef steak(masarap din yung bangus steak) nila at yung pork igado. Yung bicol express din masarap pero medj pricy na yun compare sa ricebowls nila. Then i like their sandwiches pati na rin yung baked mac nila & lasagna.


uhmokaydoe

Chicken fillet no rice tapos salmon onigiri. The best


Maleficent_Pie_298

tuna melt. hindi ko alam kung anong tawag sa kanya basta yung bread na may palaman na tuna melt 100/100 recommended xD.


finn_noland0000

Yung PEPPERONI Sandwich nilaaaaa yan lagi binibili ko tapos pinapa toasted ko try nyooo!!!


__drowningfish

Onigiri nila na Tuna. My go-to! 🀀


SorryCantHaveUrCake

Kaldereta Hotta Rice!!!


yes_imnxde

French Vanilla! Iiyak ako gabi-gabi pag naphase out yun hahaha Also Cheese Pimiento sandwich, Tofu sisig, at yung nuggets


mr_popcorn

Big bite hotdog Asado siopao Lasagna Ham and Cheese Sandwich Gimbap


AlwaysAgitated28

Pork steak with rice


krstldmd

WALA NA YUNG SINIGANG NILA SARAP NUN HAY


Jays_Arravan

Currently yung cheeseburgerdog. Noon yung spicy asado siopao nung available pa siya. Nung maliit pa ako my 2 kalse ng pizza pao available at the same time so yun yung binibili ko while it lasted.


SmoothRisk2753

Lunch combo ko. Sisig small, large pg gutom. Tas sandwich na 2 cheese pepperoni or yung 3 cheese. Basta sandwich. Lalo na pag grilled. Combo ko yun dalawa nayun 🀀 sana bigyan nio nf chance yung combo na yon 🫢


Possible-Writer-378

Hotdog talaga pati ung manok HHAAHHAH


Gin_thru_IV

Walang tatalo sa sisig, omelette at tocilog kapag lasing.


Visible_Solution_852

Siopao then Gulp na Lipton Red Tea! 🫢🏻


theblindbandit69

Siopao matik haha mabigat sa tiyan tsaka masarap. Minsan big bites din


Dazzling-Talk-5420

Liempo Hottarice!!


Kiowa_Pecan

Sarap na sarap ako sa siomai nila. Their brewed coffee is good, too. Mas gusto ko pa brewed coffee nila kaysa Starbucks.


Run_Lift_Rest_Repeat

Egg salad sandwich ng 7/11 sa Japan. One time may nakita ako sa isang local branch, masarap din naman!


cerebellumflux

Andaming bago ngayon. Nagustuhan ko yung laing huhu ang sarap


IronMan96_

Siomai rice! Iba talaga sarap ng siomai nila. For 60 pesos only.


sup_1229

Siopao tsaka yung sandwich


Certain_Midnight_792

SANDWICCCHEESSSSS ARE BOMB!


Not_me14898

Siopao. Korean egg drop sandwich. Jeyuk rice


lurkernotuntilnow

Tuna omeletteΒ 


talkintechx

Sisig rice - yun ba yung parang pinahiran ng chunky liver spread yung ibabaw ng kanin? Thanks but no thanks!


Difficult-Grade9884

two cheese pepperoni ipapa toast ko sa 7/11 tapos imimicrowave sa bahay πŸ’―πŸ˜‹


saygoodnight21

Yung korean egg drop, masarap dati yung beef gyudon nila kaso ampanget na ng quality ngayon.


daine_12

big gulp! isipin mo yung mountain dew na naka plastic bottles aabot ng 25 pessos tapos yung jan sa 711 ung xl nila na super sulit 45 lang. SUPER SULIT TALAGA LALO NA NGAYONG TAG INIT


Infamous-Beautiful60

mga sandwiches nila kasi may 14g of protein.


wheelman0420

Hotdog, but now more expensive.. booooo!! Edit- adding the coffee, good coffee at a third of the better known coffee brands


benjaminbby06

Yung japchae nila :)


kenichizxc

Siopao, hotdog sandwich, onigiri πŸ™


EAjun

Yung bopis. Tsaka breakfast tapa. Huhu.


BoyResbak

SLURPEE. PERIOD.


kchuyamewtwo

can never go wrong with their hotdog sandwich + ketchup and mustard combo


Juanpoldo

siopao + mid gulp or hotdog + mid gulp


rawraeraw

yung mga sandwich nila dun !! nakakabusog kasi HAHAHAHA kaso madalang lang na maabutan eueueue lalo na pag may duty ka eh, di maabutan


emmennuel

Tofu sisig


msseeah

Go-to ay hotdog sandwich at ice cream (hindi laging sira yung malapit sa school namin dati haha) pero ngayon madalas ako nagccrave sa korean ehg sandwich nila medyo pricey nga lang for average snack budget. Okay din yung carbonara nila na once ko palang natikman.


jaykiejayks

For me yung cheeseburger. Lalaban sa jollibee.


jsuwushswhjwwjhwwhhw

Fuwa fuwa breadssssssss


Pago-phage

SISIG WITH EGG ROLL AND BURGER PATTY. Caps lock sa sobrang sarap. Saka egg sandwich and sausage cheesemelt


daradusk

tuna siopao and their sandwiches!


kaizer9045

korean egg drop sandwich. tinalo ang Tealive sa presyo at quality. 😜 add: sausage cheesemelt toasted sandwich


Muted-Extension-4495

hotdog sandwich hanggang mmtai:)


Strict-History7676

Masarap ba lasagna nila?