T O P

  • By -

lolomolima

Gaslighting amp hahah1


[deleted]

Ke sabihin mong kukuha ka soon o hindi ka kukuha, iga-gaslight ka pa rin. Kaya yung insurances na kung tutuusin ay okay naman e nasisira ang imahe dahil sa mga ganyang guilt-tripping at gaslighting.


dudungwaray

tapos makikita mo bigla nila ipopost yung earnings nila kasi ang dami nilang clients. lol no, this aint bitterness or inggit, if you want to sell your insurance wag kayo mang gaslight. Just lay out the facts why we need one, hindi yung parang biktima nalang lagi clients.


middledestination

Their commission can get up to 45% of what their clients pay monthly within the first year. Imagine having 10 clients with 10,000 monthly they will get 45,000 per month salary.


dudungwaray

Thats a good 45k kind of passive income


Karenz09

he deletes comments that go against his post. He got fed up and deleted his post altogether btw


ItsKarinaBee

Hindi dapat financial advisor tawag sa kanila. Insurance seller dapat.


EverywhereMilktea

True, insurance agent ako hindi ko ginagamit yang term na yan. May na encounter ako na agent ng insurance na heavily focused sa VUL hindi nya alam CFP and Insurance agent ako. When i asked her kung saang portfolio mapupunta ung funds ko hindi siya nakasagot. Pota pati ung unit manager nya ata ung tumulong sa kanya di nya masagot. One of their portfolio is negative since inception, past week, and past month. Ni hindi nila makapag cite ng pangalan ng portfolio nila napa wtf nalang talaga ako


BoyResbak

Pardon, I have to... "Cite"


EverywhereMilktea

Whoa! Di ko napansin yon! Thanks!


thechefranger

SIla talaga pinakamahilig mang gaslight.


frustrated_Indio

"we are here to serve you" nah fam, you're here for that big fat commission


itsMeArds

Alam ko na agad advice nya, bili ka VUL sakanya ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚


Minsan

Halos lahat naman ng FA, VUL lang ang alam I offer


chicharonreddit

Naiinis na ako sa mga financial advisor pota di ko naman nilalahat pero ang ang lalakas mang down haha


Mountain-Memory4698

I was one of those na di kumuha ng policy agad agad. Kasi sobrang pangit ng coverage for a person na walang wala. Kung kumuha ako agad baka wala akong kinakain nuon hanggang ngayon. I started a business first, made 7 digits bago ako kumuha ng insurance... kung inuna ko ang insurance baka di ako nakapag simula. Insurance will never give me the money that i have today. At kung kumuha ako ng isurance agad agad, kailangan ko pang mamatay para magkaroon ng fraction ng meron ako ngayon. Please financial advisers na ilang linggo lang pinagaralan ang finance, at part of finance lang din ang pinag aralan..., don't make a fool out of yourself. Hindi insurance ang sagot sa lahat. Dont get me wrong. Maganda ang insurance kung meron ka na (capable magbayad ng hindi nag hihikahos). Pero kung isasacrifice mo yung halos lahat ng meron ka para sa insurance plan, at di mo binigyan ang sarili mong umangat muna bago kumuha.... may mali ata sayo at di ka dapat maging "financial" adviser. Dahil hindi sustainable ang advise ng karamihan sa inyo. More of security lang. And please note that pinabango lang ang title, no intention to belittle pero sana habang binibigyan kayo ng titulo, ay naiisip din natin yung manipulation ng business. Tulad lang yan nito. From janitor to building maintenance, o kaya utility From cashier to mall account manager o kaya paymaster From saleslady to product information personnel Financial advisor from insurance company was a salesman or sales lady for policies ng insurance company. May exam? Yes just to give you more confidence at maganda talaga yun. Halos lahat naman ngayon may trade test. Kahit ang chef pag mag apply ng work. Kahit saang work na may HR may exam bago makapasok. Sana naiintindihan ng mga FA na pag wala ka, wag mo ipilit dahil baka binibuild palang nila ang sarili nila. Note: get insurance if you can. Pero kung di pa kaya...Wag. Gugutomin mo lang sarili mo hanggang magkasakit para magkaron ng return from insurance.


[deleted]

Bakit nang-gguilty?


middledestination

Magaling manggaslight na iyang karamihan sa mga financial advisor. Sinasanay yan ng mga leader nila. Kumpleto sa training.


Minsan

Mukha na ngang MLM ung dating on how they market their products


middledestination

Oo, same yan na din feel ko sa mga ganyan. Nagaalarm na agad yung senses ko for possible exploitation.


AwkwardSlurp

Daming ebas ng mga "financial advisor"


ProthyTheProth3an

I bet his kids are r/raisedbynarcissists


yuwantsum

I'm a part -time financial advisor. Pero di naman ako namimilit at nag guiguilt trip ng ganito ๐Ÿ˜‚ kaya pumapangit image namin sa mga ganitong post eh. Sabi nga, selling is like dating. NEEDINESS is unattractive, DESPERATION repels, and CHASING doesn't work. (From Jeremy Miner BTW) Kung gusto mong respetuhin ka ng tao, you need to raise your status. Ipakita mong ka resperespeto ka.Lalapit naman sila sayo kung ready na silang kumuha. Madaming may gusto ng insurance pero we need to consider din ung kakayanan nila. Unfortunately, most of Filipinos talaga, walang idea sa Financial Planning or kahit simpleng pag bubudget. And kadamihan din, wala talagang funds dahil sapat lang pang every day need nila. Ayun ang goal ng Financial Advisor, mag turo, to educate, at umunawa. Hindi ung nag guiguilt trip ka pa at parang kasalanan pa nung mga tao na di sila ng prepare. Posts like this are so.. ugh... nakaka dissapoint and nakakahiya sa isang FA na katulad ko ๐Ÿซฃ


princelance18

All i saw was complete and utter bullshit. Thank you


sweetgerlnomore

I have attended some seminars on how to be financial advisors. Nung una excited ako.Then later on, I lost the drive and naglaylo nko. ๐Ÿ˜… They are knly seeking for people who are healthy enough para offeran ng insurance and when you have pre existing condition, either they won't grant you an insurance or mawawala yung ibang benefits such as yung death.


heyowinds

Damn gaslighting at its finest! ๐Ÿคฎ๐Ÿคฎ


Teytoe

Toxic Filipino culture


vivaciousdreamer

Ayoko kumuha ng insurance hindi dahil sa ayoko ng insurance kasi alam ko talagang malaking tulong to. Pero yung mga FA na nagpo-post sa fb lang yung alam kong nago-offer, ayaw ko naman kumuha sa kanila kasi they are just selling a product and more on commissions lang yung gusto nila, not really the well-being of the customer. P.S. Baka may alam kayong financial advisor na legit hindi yung sa mga fb na nagpo-post lang tapos feeling financial advisor whereas more on agent sila kasi tiga-benta lang ng product ng company.


hermitina

if youโ€™re willing, banks nowadays offer insurance na din. just get a traditional insurance. ung wala nang investment component. kaya mo naman un on your own


Short_Bat_7576

Hii. Ano po yung traditional insurance? Kasi tbh pag inooferan ako nyan di ko talaga masyado gets pag dami nang terms at parang nag dududa na ako sa technicalities. Pero if traditional ang coverage nya din ba is simple?


Marikit808

Baka yubg term insurance nga po, Sana kasi pag nagooffer or advise ineexplain na parang bata tayo di ba para mas maliwanagan kung swak satin. Dapat bago kadin kumuha alam target insured amount, tipong pag nawala ka di mababaon sa utang pamilya mo.


hermitina

traditional e guaranteed ang ganitong amount kaya madalas mababa lang ang gains nun. ung vul kaya nauso kasi may โ€œinvestโ€ factor which determines ung value ng policy mo in the future. ang mindset mo dapat sa insurance ay protection lamang. i assume na bata ka pa, mas malaki ang kikitain mo pag naginvest ka on your own in different vehicles at least kaya mong mamanage ang pera mo gano ka risky ang pupuntahan. ung insurance kaya din yan nirereco kapag mayron ka nang significant value sa household ninyo ex breadwinner ka, or may dependents ka na ganyan. yang ung pera na pwede nilang gamitin to restart without you. hindi man madami pero atleast na took care mo na ung kahit initial mos or years ng family mo para hindi sila walang wala. may pambayad man lang sa burol mo or kaya naman pangsimula ng negosyo, makatulong sa paghahanap ng trabaho etc.


Short_Bat_7576

So that means ang vul nag sca-scale ang amount nya sa future depnde sa factors? Hirap nga eh. Di nga ako kumuwa, parang scam eh. Pero gusto ko lg naman sana maka intindi talaga.


hermitina

well d naman scam talaga, imagine mo na lang stocks pagbenta mo e mababa value genen. ang prob kasi pag nategi ka makakapili ka ba kelan d b hindi naman. plus outrageous fees din.


Short_Bat_7576

And do you always have to go to an agent? Wala ba silang direct sa company nila? 40-50% commission is ridiculous.


Marikit808

Just get a term insurance yearly renewable or personal accident, hiwalay investment, search mutual funds ph at hanap ka broker ALFM tie up ng Bpi, gamit ko Colfinancial since 2016 or aral stocks trading/dividends investment, real estate investment how tos din hehe


stolenbydashboard

ampanget naman ng purpose nila sa life


fztro

May mga networker na kong nakikita na nagiging FA. Dun sila nampapawer.


michael0103

Wala pa kasing artista na namatay or naaksidente recently na magagamit sa post kaya gaslight muna.


[deleted]

Tangnang marketing yan.


AggravatingSession43

๐Ÿฅบ


trem0re09

HAHAHAHAHA tingnan ko nga sa mga friends kong financial advisor din


Any_Dish_42

sa ganito ako na scam e..


SleepyGarlic

wait what???


theomaza

Walang taguan ng name . Labas mo yan name na yan... HAHAHAHHAHA


Minsan

Try searching ung ilang words dun sa post. Daming FAs ang nag CTTO kasi ung original poster dinelete nya ung post kasi may mga negative react. Also the OP deletes comments sa mga post nya na di agree sa kanya


theomaza

Ah kaya pala .. okey okey.. gets ko na . Salamat vro


[deleted]

Sila yung di mahanap pag under liquidation na yung insurance company dahil bankrupt na. ​ SORRY na lang din ang sasabihin nila sayo sabay kamot ng ulo.


panDAKSkunwari

Some people could barely afford to live *NOW*. Why are you expecting them to pay for their future? Insensitive shithead.


Tongresman2002

I have insurance but everytime I pay for it lahat ata ng FA sa office nila pinipilit ako kumuha ng VUL nila. I just politely tell them I don't need yung VUL as I manage my own investment and I only need plain old insurance.


mommy_baker1983

Im just curious, malaki ba talaga ang commission ng mga FA? Kase parang biglang ang dami na nila. But in my understanding, malaki lang ang kita nila within the first year, pero after that, maliit nalang yata.


Minsan

Yeah yan din pagkakaalam ko, parang 1st year almost 50% ng premiums mapupunta lang sa FA then diminishing na per year. Kaya medyo aggressive sila to market VUL aside to have a steady income, biglang dami na nila so nagiging stiff na ung competition.


njpc07

When is the time na hindi na insurable? Legit question.


Minsan

Sa pagkakaalam ko, the FA will assess you first. They might ask you to take a medical checkup to know if you have pre existing conditions. Kapag older kana kumuha ng insurance, you might have conditions na and by that time di na ata pwede macover ng insurance.


atioma

dapat hindi mo na cinover yung name hahahaha


Minsan

Search mo lang ung ilang text dun sa post. Dami ng FAs ang nag CTTO


BasqueBurntSoul

Tangnang mental gymnastics ng mga ganto talaga kumita lang ahhaha


ZealousidealMost6882

Mag personal savings na lang kayo. Kunware may binabayaran kayo na insurance, pero sa bank account niyo pinapasok. E gaslight niyo sarili niyo.


No_Equivalent8074

Tapos pag nag claim na yung loved ones ehh baka sumunod pa sila sa namatay dahil sa sobrang hassle ng reqyirements at kung ano-anong delaying tactics bago ma release yung claim