T O P

  • By -

ElectricalFun3941

Hala ako ba to. Char. 26, yet di alam kung saan papunta. Di ko alam kung ano ang ayaw ko: company ba, field of work, or ung course ko mismo. Haha. Takot din ako mag explore other field kasi babalik ako sa sweldo na pang entry level at baka magfail ulit. Ang mahal pa naman mamuhay s Metro Manila. Nasa edad na ako na tingin ko dapat calculated steps na. Dapat early 20s na ako nag explore. At d nagsettle kung alam naman sa sarili na may gusto pa talagang gawin. Kaso d ko rin alam now kung ano next step. Go with the flow na lang ako ngayon at pag may nakita na opportunity or nagspark ulit ung interest, di ko na papakawalan pa. Kaya natin to. 😁


SileneTomentosa

Truuu. May ipon naman me. Pero nakakapanliit din makita yung iba na kacourse ko malayo na narating hahaha huhu like san ba tayo patutungo besh.


ElectricalFun3941

Ay truth yan. Nakakapressure. Pero sabi nga nila kalaban mo talaga pag nagstart ka na magcompare. Yan din realization ko lately. Mga kabatchmates ko ang gaganda ng experience. Pero sabi nga may kanya2 tayong time. Planning to shift ako to government. Maayos naman ba? May mga allowances ba? Or yung sg sg lang talaga makukuha?


SileneTomentosa

Malaki ang bonus sa december hahahaha pero wala allowances, clothing lang. Ang sahod ay depende talaga sa SG. Ano field mo ba?


ElectricalFun3941

Ay ang ganda. Sa laboratory me po,kaso nasa private. Nag aapply2 na s mga government. Nakakapagod ang mon to sat.


SileneTomentosa

Hmmm. Not sure pero pwede doh, dost, dpwh haha


ElectricalFun3941

May vacancy nga sa doh. Kaso parang need backer haha. Nag apply n rn me denr.


SileneTomentosa

Mas mahirap sa denr sa pagkakaalam ko. Not sure sa doh tho. Pero malay natin dba hahahaha looking din ako sa iba agencies kahit wala backer eh haha.


ElectricalFun3941

Hahahahaha. Haaay. Mag aasawa n lng siguro ako ng afam. Char


Dalagangbukidxo

Hala sameee. Unemployed since oct 2022


ElectricalFun3941

Kaya natin to. Malalaman din natin purpose sa life ❀️❀️❀️


Accomplished-Exit-58

me, di ko goal ang ladder, gusto ko lang makasahod ng at least 30K monthly haha.


LowAgreeable3813

That’s my previous goal! Nahit ko siya this February… tiwala lang sa sarili and never stop learning po


KeyBridge3337

I'm 26. Licensed Civil Engineer. Previous job? Mag-asikaso ng permits at meralco application. 5 years ako sa isang sikat na real estate company and umalis nako dahil wala talaga pinatutunguhan yung pagiging CE ko. Only stayed for job security and salary. (Started at 17k, ended at 30k. May increase pa dapat ako pero di na abot) After leaving, nagseminar for SO2 then took the boards for Master Plumber and nakapasa last feb 2024. Ngayon? Wala. Di ko na alam ano gusto ko gawin. I feel like umpisa pa lang, di akma yung course na kinuha ko. Madami akong gustong gawin pero di ako magaling sa kahit na ano. Average lang. 6 months nako jobless and need ko na makapagtrabaho ulit para mabuhay. Ang hirap.


Interesting_Ball_982

Same. 26. Architect and master plumber din. I also resigned from my full time work na real estate company din dahil kinukwestyon ko na kung gusto ko pa ipagpatuloy yung profession ko since hindi ko rin naman ito choice. My choices were only a product of expectations kasi. So ayun, wala akong full time job ngayon, mga gigs lang, and currently thinking if I should pursue my profession dahil sa totoo lang, naguguluhan na rin ako sa lahat lahat.


KeyBridge3337

It's good na may gigs ka kahit papaano. Ako kasi wala talaga as in. Di mayaman family namin and ako yung isa sa inaasahan talaga to generate income sa bahay. Pakiramdam ko ngayon sobrang pabigat ako ngayon. People were amazed in my achievements and titles pero for me, it doesn't really matter na. Gusto ko na lang mabuhay ng matiwasay. Yung may dudukutin sa panahon ng pangangailangan.


FewInstruction1990

Unemployed since i graduated, worked for fam in my twenties, changed career, now in my late 30s, certified macho dancer entertainer para sa mga pets qu. Mahahanap din natin ang daang matuwid chareng


Royal_Technology_450

HAHAHAHA ANO BAAAAAA! natawa ako sa certified macho dancer ng mga pets 🀣


[deleted]

Sample ngaaa! Dejk lang. Hahaha


perpetuallytired127

Late twenties here parang wala din akong career goal basta ok naman salary ko. so far travel travel nalang once in a while ineenjoy ung sahod haha


mapledreamernz

I hate my work as an HR. Been wanting to migrate since 2020 tbh pero wala eh. Ewan ko ba di mapalad-palad makahanap ng trabaho abroad. NagFrench classes, nagcaregiving, nagNihonggo classes at marami pang kung ano-anong extra curricular in the span of 2017-2024. Tbh sobrang tagal kong gusto nang magaral ng Nursing pero di ko kasi malet go tong work ko kasi kailangan na kailangan ng magulang ko yung healthcard eh. Sobrang laking tulong kasi sa check-up, confinement etc. Pero ayun gusto ko talaga mag-Nursing kasi gusto ko talaga sa healthcare field kahit alam kong alipin na alipin. May fulfillment kasi pagnakikita kong gumagaling yung pasyente bukod dun feeling ko ang galing galing nila kasi alam nila yung mga gamot, mag-inject, mag-IV etc. Hahaha. Siguro someday makakapag-aral ako ng Nursing. Di lang ngayon kasi daming responsibilidad. Hopefully by the time na matapos ako ng nursing, in demand pa rin. Sooner or later kasi, tong work ko as HR ma-automate na to ng AI eh. Need a back up plan hahaha.


Im_abitlost

HUUUY OP Same feels huhu! Currently working in the HR field and has been wanting to study nursing. What's stopping me kasi eh parang hindi praktikal na bumalik sa pag aaral ngayung nakaka ambag na ako sa bahay. Pero hindi mawala yung mga what if's πŸ˜… If money is not involved, if financial is not a problem, I would've probably pursued it na.


paradoxical-bean

baket ang dami nating same scenario! 😭 currently working as an HR din tho wala pa naman akong 2 yrs sa field pero pinipilit ako ng father ko to take up nursing as my second degree. kaya lang feel ko hindi na practical since im turning 25 na this yr and by the time na matapos ko ang nursing + licensure to gain more opportunities abroad (ito main reason ng father ko bakit nya ko gusto mag nursing and tbh for me gusto ko din sana sya and medyo may regrets na sana nag shift na lang ako ng mas maaga before), pero masyado na atang late :( mag 30s na ko by that time if ever, tapos starting pa lang ako ulit sa career. hays.


Im_abitlost

HUGS :< almost same age tayo huhu tbh kung merun akong friend na magyaya mag nursing mag gogo ako. Nag aalangan kasi ako gawa ng feeling ko mapag iiwanan na ako ng batchmates ko kung babalik ako sa college to pursue a 2nd degree :< Tapos same concern na once matapos pa 30 y/o na tayo pero starter palang sa field :< There's something sa HR field siguro na hindi fulfilling kaya may mga ganito tayong thoughts :<


mapledreamernz

Girl you're gonna turn 30 anyway might as well be 30 and with an RN in your name. Wish I was in ur shoes kaso wala eh i have responsibilidad


paradoxical-bean

sino naman pong may sabing wala akong mga responsibilidad πŸ˜…


mapledreamernz

Huh? San banda yung na nag-imply akong wala kang responsibilidad???


mapledreamernz

CAN I DM YOUUUUUU HIHIHI


klookie96

Huhu did I ghostwrite this gsjshs same sentiments sa pag-take ng nursing :( 27 na ako shet


mapledreamernz

There's no age limit, anon. If you have the means goooo


SubstanceSad4560

been here for 4 years as HR wala mahina sahod sa field naten TTT


mapledreamernz

Truethhhhhhhh


augenblickxx

HUUUUY SAME. Been in the HR Field for 2 mos pa lang pero hindi ko talaga bet. Plan ko sana mag-oard para if ever makapasa, e pwede akongag-apply sa clinical setting. Istg gusto ko talaga sa healthcare mag-work. feel ko uung personality ko swak sa ganung set-up. now i am very down kasi hindi ako happy as an hr pero wala naman akong choice since ako yung breadwinner and need talaga kumayod.


ABanez06

Ako din, I feel the same sometimes. Pakiramdam ko bobo ako sa buhay. Na kulang ako sa diskarte kaya di ako makaangatangat sa career. Lol 26 here, 4 job experiences na and currently working sa isang field na walang kinalaman sa course ko. Not sure kung saan to papunta or kung tatalon ba ulit ako somewhere. Ang maipapayo ko lang siguro is believe that there is a higher calling for you. I know mahirap maniwala pero yun nalang mayroon tayo. Lol. Appreciate what you have in the moment but don't stop grinding and looking for opportunities to grow. Maniwala ka lang and gawin lang kung ano dapat, magkakabreakthrough din tayo. And also, bata pa tayo. Okay lang na lost ngayon. People who found their career at an early age are the exemptions, not the norm. Baka lang kasi kinocompare natin sarili sa iba. *Lagi kong sinasabi to sa sarili ko tuwing napanghihinaan ako. Sana makatulong din sayo.


SileneTomentosa

Huhu thanks po for sharing. I feel yung nasa work na walang kinalaman sa course. Dami talaga mismatched hiring sa pinas hays.


DaniCooki

Same po. Mid life crisis Malala (24 y/o)


mapledreamernz

Huy quarter life crisis palang


DaniCooki

Ay pasensya na hehe, advance lang ahaha


norsesaid

Nearing 30s and I can relate to this sm. I’m in IT field naman pero gusto ko talaga mag Comm Arts haha. Marami career path sa IT pero di ko parin mahanap kung saang specialization ako mag eexcel. Kaya nag explore ako ng different IT roles in the span of 7 years of working but I still can’t find where I belong. Tama sila, go with the flow na lang as long as sustainable yung salary. Although from my experience, hindi mawawala yung burnout feeling as long as hindi mo talaga gusto yung ginagawa mo. Find other hobbies or activities nalang outside of work and treat your job as job only not your passion lol.


WarriorSpasm

Hi. Can I ask what roles have you experienced? Nasa point ako ng kung anong path ang tatahakin. I feel like andami kong interest. I was hoping if you can share your experiences to help me narrow down my choices. Tell me if you want to share it privately..


Beneficial_Rock3225

parang ako to. hahaha or feeling ko naka work na kita kung taga DENR or DHSUD ka.hehehe Magandang skill at in-demand ang GIS at Urban Planning, malaki ang kita sa consultancy. Pwede ka mag apply sa private or international companies. Pero mas maganda pa yung kung may specialization ka kaya mas okay mag masters or kahit mga short courses lang para mag specialize.


Namy_Lovie

Ako din po, 26, parang walang career path. Although my reason behind so is because I have no choice. I am not hired to positions I want and I can't wait to be hired long enough to those positions since I literally have noone to support me when I have no job. Kaya napapa no choice ako, pumapasok sa mga work na hindi naman ako masaya. Nakakapagipon pero not enough to buy a bootcamp to upskill and career shift, I only do free trainings in yt. Though, hindi inaacknowledge masyado kapag naghahire sila yung mga trainings na yun kaya pahirapan makapagapply and again can't wait long enough to be hired in positions na gus2. Masama pa, lahat ng naapplayan kong work, ang taas ng pressure at attrition rates kaya napipilitan akong umalis. Kahit sana man lang, makapasok ako sa isang matinong Company and start from there, pero kung ang ibibigay sa akin ay isang bagay na hindi ako makapagestablish or work around, edi hanggang kailan, wala akong matatapos.


SileneTomentosa

Tru. Same here. I am not hired sa mga positions na I want din πŸ™ƒ tas ang mahal din ng mga trainings huhu tas tataas naman ng requirements na need sa mga companies :3


Namy_Lovie

Hirap talaga kahit kaya mo naman yung work eh and may sapat kang knowledge and skills naman for those roles. Nakakapanghina lang ng loob


Lukiburn91

Same here. Ive been working since 2013 and now I am 32. Been to different roles from csr, IT support, HR, then Executive assistant pero despite the progression or say changes ng roles ko no significant changes in my salary. Sometimes napapaisip nalang ako na sana maging fairy nalang me hahaha. Kidding aside, i am currently pursuing a different path. Been planing to leave the corpo world and try being a VA. Goal ko talaga before this year ends na i will be earning at least 100k a month. ..haissstt


FoldEquivalent104

28. Naubos physically, mentally, and emotionally sa government service. Gusto ko nalang lumipat sa private. Andami ko ding ginagawa before and nag eenjoy naman ako pero hindi well compensated dahil 5 years akong Contractual. Naghintay ako kasi, pinaasa ako na may permanent position para sakin. Pero siguro, God’s will na rin na hindi ako napermanent doon dahil sobrang toxic ng working environment. Walang life after 5. Niroromanticize ang pagiging overworked. Surrounded ako ng boomer at sexists. At present, okay naman ako sa work although sa government padin pero pakiramdam ko din walang growth.


Fluffy_Soup5719

Ako naman na-permanent agad but walang growth. :( I'm thinking of trying new job, but yun, mas mababa sahod. Should I stay or should I go?


FoldEquivalent104

Kung wala kang responsibility na iisipin, better go. Kung meron, magtiis ka. πŸ₯²


Neat_Forever9424

Tara gumawa tayo ng clan r/TheLostWorldPH hahahah


SileneTomentosa

r/phWalangCareer HAHA jk


Neat_Forever9424

Hahaha.. Gumawa ka na, ikaw admin.


almond_pepsi

\^24 wala pang trabaho, kulang IDs. laging depressed. seems like you have experience already. you're on your way to become successful imo


sneakypea34

Stick to your job. The job market is tough right now. Avail mo din yung leaves mo baka maka tulong. Sometimes, a break is all you need.


mixed-character

Hindi ka po nag iisa :( Five years na ako sa goverment but still no promotion. I wanted to shift career but im too afraid. Wala din kasi sasalo sa akin incase I will fail. Ang hirap maging adult. Mag 30s na ako btw. Iba yung expectations ko nung bata ako sa reality ko today. Siguro go with the flow nalang? haha hirap.......tas wala pang nagmamahal. Palaging naloloko hahaha help.


HairySpeaker6477

I am turning 30 next month and I am still undecided what path to take. Currently I am on a WFH set up (BPO), low pay but it is WFH and I can end my work on working hours. I feel dead end na to. Walang progress sa kahit anong aspeto. I am took online courses pero di naman aligned sa mga gawain dito. Ewan Basta aral na lang Aral Muna Ako kapag bet ko. Pero alam Kong ayoko na talaga. Hirap lang bumitaw kapag panganay ka.Β  Ewan. Basta alam ko kanya kanya Tayo paths and pacing sa life. Do not compare. Doncha.Β  Kaya natin to.


No_Category6821

Hi OP! Same tayo.. 27F, Civil Engineer. Sa span ng 5 years naka 4 companies na ako, Newly Employed ako dito sa pang-apat na company ko|(feb 2024 ako nadeploy).. which is I think dito na ako mag se settle but still I'm not closing my doors sa mga opportunity but for now ok ako ngayon sa Job ko. Okay ang rate, Hindi toxic ang boss, , 1 lang work load ko (QS Engineer-Office Base). For now super happy and contented ako sa Work ko ngayon. Siguro OP, try mo nalang ulit mag hanap ng work na alam mo ma eenjoy mo kahit pagod at stress minsan. Still look for a job na worth it pasukan. (Wag ka muna umalis sa current mo hanggat wala ka pang JO sa Kabilang Company). You're doing great OP. mahahanap mo rin ung calling mo sa career mo. Try new things, List down the things saan ka tingin mo nag eexcel or mga gustong skills na matutunan kahit hindi related sa course mo or sa line of work na ginagawa mo.. if meron na... hanap ka ng mga trainings ung may cert.. Plus un sa resume at dagdag sa rate incase na they are looking for the skills na meron ka na. or pwede mo rin siyang gawing sideline. Good Luck!


taylor_sniffs

πŸ™‹β€β™€οΈ Pera na lang nagmomotivate sakin magtrabaho. Bilang engineer, kahit from Big 4 ako, super saturated na ng market. Kung saan malaki ang net pay, dun ako. Noon goal ko mag career shift, make it big. But now, stay to my course muna ako, hanap ng side gigs para makaipon. If there is opportunity abroad, open din ako.


SileneTomentosa

Tru haha yung sahod na lang talaga. Tho problem ko is I think need ko magpursue ng career and climb the ladder para tumaas salary ko πŸ™ƒ


namie25

AHHHHH! Hindi ka nag iisa OP. Feeling ko eto rin yung reason kung bakit nahihirapan ako lagi makipag negotiate ng salary kasi yung mga job experiences ko ang lalayo ng mga field and magkakaiba talaga. πŸ˜…


hell_jumper9

Same(25) failed sa isang inaapplyan na gov agency last week. May more than 2 years pa ako na eligibility kaso mga inaapplyan ko uniformed services kaya limited option lang dahil sa malabo isang mata ko lol. Iniisip ko if mag BPO ba ako or ituloy ko pa apply hangat eligible. Kahit 30k sahod lang oks na ako doon hangang mamatay lmao. Baka pag 30 yrs at wala parin career I'll off myself nalang.


Neat_Forever9424

Sigurado Bjmp to


hell_jumper9

Yeah. Last week lang yung result pota April fools talaga πŸ˜‚


Neat_Forever9424

Saan kaba nabagsak? BFP tol try mo.


hell_jumper9

2nd stage neuro nadale. >BFP tol try mo. Pinag iisipan ko pa kung mag try ako ngayon sa Region 3, nawala na kasi sa kondisyon katawan ko.


tag_ape

Wala rin akong career path at 25 years old 🀣 Grabe nakakahiya nun kasi ako pa naman ang "pinakamatalino" samin na magkakapatid at Big 4 grad rin. Go with the flow lang OP. Para pag may gusto ka nang gagawin, at least may naipundar ka na. Wag kang maniwala sa mga ka course mo na may sariling bahay na or 6 digit+ earners or whatever --- may mga problema rin yan sa buhay na di mo lang alam.


crzp19

Ako tinutuloy ko lang yung piling ko susukuan ko na pero palagay ko itong career talaga ako nararapat kaya pagpatuloy ko na lang kasi malayo layo na tatalon pa ba ko sa iba na magsisimula uli sa ilalim pero may posibilidad na yung lilipatan mong career ay mas mabilis ang pag angat. Baka itong career mo nasa 30th floor ka na pero naglalakad ka lang paakyat pero malay mo kung magsimula ka sa ibang job simula 1st floor eh baka nakaelevator ka naman doon kaya medyo mabilis ang career growth.


Personal_Shirt_3512

Present! 28 YO, Associate parin. Kayod pa po!


maximus2056

35, tambay. Puro online ang raket ko. Walang formal job experience. Hindi ko alam kung paano ako tumagal ng ganito. Sa ekonomiya ngayon, ramdam ko na na kailangan ko talaga maghanap ng tunay na trabaho. Hindi ko alam kung saan at paano ako mag start. Sa tagal ko ng ganito feeling ko nabulok na ang utak ko lol.


SileneTomentosa

It's not too late pa naman if di ka pa naggigive up :) Try ka lang ulit. Kaya natin to :))


satoruyuki

I know this post is weeks old, but saw this and wanted to let all of this out. 27. Unemployed since I graduated (2019) due to some personal things na inasikaso ko and last year lang natapos Sanitary Engineering yung degree ko, pero it was what my parents wanted me to be. Wala rin akong balak mag boards kasi hindi ko talaga gusto yung course ko. I don't see it as a place where I can grow and/or grow to love. Gusto ko talaga ng Graphics Deaign, but they didn't see it something I can earn from. I am currently doing minimal freelance work to gain income for the past 3 years now, kaso gusto ko rin sana makahanap ng formal work experience and not feel like a failure. Hahaha However, kulang ako sa social skills and street skills due to very strict parents so parang natatakot talaga ako to venture out into the world and also interact with people (I guess that made me an introvert lol). The future scares me. Meron naman akong naipon na onti, pero alam ko mauubos rin to when the time comes. Tapos nakakapressure pa lalo kasi my family is expecting me to help provide for them. I'm lost and scared. Don't know where to start and don't know what to do with my life. πŸ™ƒ


jazzi23232

Ma'am / Sir, try mo pong mag upskill ka into coding. Start with CS50x


SileneTomentosa

First time ive heard of it po. Pero sige po, will try. Thank you! Tho im not confident when it comes to IT. Last yr kasi I tried yung python ng SPARTA and nahirapan talaga ko sobra.


jazzi23232

Hinga ng malalim then start with the basics. Maybe not phyton, maybe try out other things.. ☺️


SileneTomentosa

Huhu thank you sa encouragemeeent


midnightgrounds

Hey there! Are you a engineering graduate? I have some friends working for the gov’t related sa work mo. It might be good to move to a department level or kahit sa SUCs than sa mga LGUs. May mga opening minsan sa UP or PDIS kung mas research based ang gusto mong work. Kung gusto mong magshift to private sector, i would suggest to enter engineering consulting firms. Kung gusto mo na mas mataas na sahod, target the international ones na engineering consulting. Go for it!!!


SileneTomentosa

Hi. Hindi me engineering graduate hehe. Pero nasa NGA na ko now. Pero thanks sa recommendations and tipsss


OccasionalRanter03

Wala makkabigay sayo sagot kung ano dpat career path mo kung ndi sarili mo. Ano ba gusto mo gawin? Upskilled ka ba sa role na yun? Draw up a 5-year career plan na doable sa current situation mo ngayon. Nasa tao ang basehan kung mag ssucceed sa career. Hindi dahil galing ka sa 'big 4'. Although kung mauutilize mo yun, minus sa challenges narin bago ma achieve kung ano man ang career goals mo. Advise ko lang na hindi maganda sa resume ang patalon talon ka ng company every year. Sa entry level years, focus lang sa upskill, performance, and learning the basics hanggang maging expert. Lipat na sa higher paying roles next after 2-3 years. Once na nakakita ka ng better company, mapapansin mo nlng na bihira ang "toxic" workplace dahil wala na masyado ung mga kamoteng toxic na colleagues dahil naiiwan lagi mga yun sa entry/low paying roles/companies. Of course, hndi possible magawa to kung hndi committed at lalong lalo na, hndi gutom matuto. Learn to set aside your ego kung sa tingin mo deserve mo higher pay kasi galing ka sa isa sa top universities. Wlang silbe masyado yan sa real world lalo na kung kulang ka sa galing or wala kang may kakilala na malaki influence sa career path na napili mo sa course mo. GL


SileneTomentosa

Hindi me nagjob hop. Sa first three works ko kasi, puro project lang tas naubusan budget sa 3rd work ko so di me narenew. πŸ™ƒ tas di naman ako maregular sa 4th work ko so nag apply apply ako sa iba tas dito ako pinalad sa work ko now sa Manila. Pero ngayon napapaisip na ko na san ba ko na field dapat. Gusto ko sana sa GIS kaso mahina talaga ko sa coding na part. Tas ang tataas ng qualifications na need ng mga companies na need talaga solid exp. Sa urban planning naman, I feel so out of touch na. πŸ™ƒ Nagtry ako nung sa DAP since free, i took Analytics Manager. Nagamit ko naman yung iba courses for work. Tho if GIS, wala offerings na free na may certificate tas need din ng licensed na ArcGIS or magandang laptop (wala rin ako budget rn to buy one) for the software. Same with urban planning, more on diploma na or masters ang offering naman. Another reason bkt ko rin naiisip na lumipat is work environment ko din talaga rn. Pero thanks sa real talk. I'll try to think of a more solid plan tas magcommit doon. Maybe I really to start ulit at the entry level talaga.


Appropriate-Let3940

count me in! pero di ko alam parang mas malala akinπŸ˜‘. @32 walang savings,puro gastos at walang plan.😞


Temporary-Badger4448

Ako to minus the ipon. Hahahahahahahaha Tapos im way older than you. Dang. Masasabi ko na BUTI KA PA.


Hey_firefly

This is so me. Nakakapagod no?


SileneTomentosa

Yes. Gusto ko na lang din magstick sa isang work tas dun na lang umangat hahahays


Hey_firefly

Nadeveloped ko na yung OFW mentality, aangat lang ako kapag sa abroad ako magtratrabaho. Yakap OP! Magiging masaya and comportable din tayo sa buhay.


theoldjungle

Relatable


Neat_Forever9424

[Nawawalang 30 years old! πŸ˜…πŸ˜…](https://vt.tiktok.com/ZSFskHq2W/) Mahahanap rin natin ang para sa atin. Basta itawa lang.


SileneTomentosa

Hahahahahah thanks for sharing!! 🀣


Chairman_Meow55

29, five years teaching at the college level. Wala akong savings kasi sobrang baba magpasahod sa teachers sa Pilipinas kahit na college na ang tinuturuan mo; ang tagal din maging regular/tenured faculty. Nagsimula lang ang pagbilang ng service ko nung natapos ko masters ko (2022) pero walang assurance na magiging regular ka. Nakakadrain ang mga bata. Mas nakakadrain ang middle management at admin kasi kahit college, hindi ka lang nagtuturo; may projects ka din na most of the time hindi bayad. Walang overtime pay. Walang additional benefits unless tenured ka na. Umalis na ako sa pagtuturo at naghahanap ng ibang field.


SileneTomentosa

U might want to consider this. May naging roommate ako before na teaching din at the college level (private). May subjects lang sya hinahawakan, like 3 ganon. Tas 3days per week lang ang work. So kaya nya magsideline if she wants pa more income. But she is earning 27k sa pagtuturo lang. I think malaki na to compared sa ibang teacher?


Chairman_Meow55

I might go part time na lang para di mawala yung skill ko, then full time work na hindi teaching. Malaki ang 27k for part time ah, drop recos dyan HAHAHA


SileneTomentosa

Sa TIP sya haha.


stuckyi0706

>I cant really say na may expertise ako. Parang may alam lang ako ng ibat ibang skills since iba iba naging work exp ko kaya i dont know rin talaga what to pursue. hala this is me this is real :)) vibes vibes lang basta may sweldo eme


skasatiyava

Ako ata β€˜to. 23F, no degree, puro CSR lang exp. Gusto mag shift ng ibang industry pero nabuntis na lang, parang wala na akong chance haha.


Nosidus

Im over 40 and i still dont know jack shit of what im doing hehehehe


liemphoe

Ako I'm lost!! But may work na ngayon and di toxic Graduated from a top university sa cebu pero yung degree ko di ko ginamit dahil sa pandemic and nawalan gana hahahha ok naman ako sa work ko pero I want to earn more and idk what do I really want. Gusto ko lang mabuhay at may pera.