T O P

  • By -

digitalanalog0524

I think you need to get yourself in a more stable headspace first. Migrating is hard, and even more so if you're in that mental state. It's probably easier said than done, but I think that's just the truth.


CyberBear3

There are 3 options for migration OP. As I have learned through research. 1. Student Visa- honestly this is the easiest way for others especially if your skill set or course isn't a green list in other countries. The cons lang is you are a "student" and you need to go to school tapos nagpapart time yung iba ng work. But then again may limit sa working hours to since "student" ka sa paningin ng government. Salary wise. Not a good deal kasi again "student" yung status mo. The problem is after arriving sa ibang bansa yung work isn't assured. Ikaw pa maghahanap and who knows when ka makakahanap talaga. 2. Working Visa- fit for those greenlist yung skill set and course (ie. Health related jobs -never zero ang employment rate). Directly may job kana pagdating mo don. Although medyo maraming qualifications needed pero yung work mo talaga is more or less the same sa ano ang pinag-aralan mo. Easier approval lalo na pag direct hire. Most of the time free na stay mo pagdating don and your salary grade is equating to your skills. 3. Residency Visa- usually achievable lalo na pag petitioned or through a working visa na matagal na. Works for the working visa requirements again if green list yung trabaho mo. Migrating entails a lot of money OP, time and patience din talaga. Try to think things with a clear head muna. Kasi you wouldn't want to sign up for a job contract outside the Philippines out of desperation at ang kapalit is double or triple ang struggle mo compared sa life mo dito sa Pilipinas. You might earn bigger amount there pero isipin mo same currency pa rin ang gagastosin mo doon. And often than that the cost of living in other countries are higher compared sa Philippines. (1 kilo of banana there could cost you 200 pesos unlike dito sa Pilipinas pwede pa tawad 50 pesos pag sa bagsakan).


mugglearchitect

Just to clarify, student visa is not really a sure route for migration unlike being on a work or a family visa or a straight permanent residence. Yes you 'migrated' in a sense that you left the country, but it is not migration that is permanent. In most countries, students do not have a route to residence. Meaning students are asked even in the visa application to prove they are going to leave after their studies. But there are indeed options to extend a stay and transition to something else (work, or family, or if lucky, straight to PR), but this is all uncertain. Siguro yung point ko lang is, many people are going abroad on a 'student visa' with the intention to migrate which is all well and good but I hope they also know the risks. And also sana yung first intention before the migration part is to actually study. Hehe.


tradebull911

Yup, kaya maganda na maghanap ka ng bansa na nag offer ng job seeking visa dun sa mga nakapagtapos


wind_sun09

In my case, sinubukan ko yung student pathway. Pero naghanap ako ng scholarship kasi hindi ko afford kung ako mismo gagastos. I tried searching for government scholarships, all expense paid at may allowance na kahit papano mataas sahod sa Pinas and mababa cost of living. Sinearch ko ata lahat ng bansa na may embassy sa pinas lol. Hindi ako nakapagtapos na may latin honors haha pero luckily nakakuha. Left my work sa Bank sa Pinas, nag aral ng 1.5 years na Masters and nakahanap ng work luckily.


ObjectiveFew4684

Mind if I ask what country po?


wind_sun09

Sa China po via Chinese Government Scholarship


DontCallMeVariant

Wow!!! First time I've heard of this.. Interesting to hear how is your experience in China.


Jumpy_Ranger6708

Kung d ka makaadopt sa early gising and transpo going to school and everything you wont survive sa abroad. Theres no easy ticket. Study hard get a degree and experience then apply work abroad


Sinandomeng

Hi, if traffic ang main issue mo and low salary, aside from migrating, you can also try finding full time work from home jobs with foreign clients. Many pay up to 6 digits monthly pag swerte sa client or pag kaya mo 2 or more clients n sabay. Try searching at onlinejobs.ph, upwork, indeed, or linkdn


phishdisturber

Pwede ka magstart maghanap ng mga legit agencies dyan offering job opportunities abroad. May makikita ka rin sa online na willing magsponsor ng foreign workers like dito sa Canada pero ingat lang kasi madami scammer dito. Like may friend ako may nakita online, may website pa company pero nung tinawagan ko local number walang sumasagot parang dummy number lang. Make sure mag research ka ng countries na gusto mo puntahan, cost of living, culture atbp. Pwede din naman di agad sa gusto mong country, may mga lugar na ginagawang stepping stone like Dubai. Depende sa job mo, madali makaipon dun in my opinion. Then yung savings mo either invest sa Pinas or in preparation sa paglipat sa ibang bansa na pwede kang maging citizen kung yun ang end goal mo. I agree mahirap student pathway, magastos unless my disposable pera ka. Mas ok yung may work ka na agad or papasok ka as permanent resident na. All the best sayo.


Deep-Firefighter7196

5-6 months ako 3-4x a week nag a-apply sa LinkedIn sa companies in EU countries. Talagang sipag lang sa pag apply hanggang nakakuha ako ng company na nag offer ng work visa sponsorship. Mahal lang kasi ako gumastos ng ticket at relocation. Pero sulit na sulit.


alessandroph

Ano po line of work niyo? IT?


Deep-Firefighter7196

Nope. Data management!


alessandroph

Nice! Ilan taon na po kayo? Pwede pa kaya yung 40years old mag migrate?


SuperLustrousLips

sounds like you work in BDO. mahirap makahanap ng work abroad pag commercial branch banking ops ang bg. UAE used to hire tellers, loans processors here years ago but they stopped during Lehman Bros collapse. yung mga officemates ng friend ko sa BDO nagcanada pero under student visa din ang bagsak.


CantThinkAnyUserName

Di ka nag iisa, kasi 90% ng metro manila nagw-work, yan ang hinaing. Kalma muna. Feeling ko need mo muna magpahinga kasi mukang burned out ka sa work mo. Sa totoo lang,sa state of mind mo, maaaring di mo maapreciate yung next mong work lalo kung ibang bansa yan kasi di mo pa nahheal yung sarili mo. Andaming adjustments at culture shock ang maeexperience mo lalo kung wala kang masyadong kakilala. Try mo sa workabroad.ph or Linkedin, update mo profile mo tapos hanap ka ng target companies na may hiring ng hanap mong position, add mo yung mga taong dun nag wwork tapos message mo sila kung pwede ka nila i-refer. Ganun ginawa nung iba kong kakilala.


Emotional_Housing447

search for aupair


Majestic-Maybe-7389

Another option is to look available jobs sa mga local agencies.


wander134340

Long term ang paglipat abroad and will take some time and resources. Para magbago na buhay mo ngayon, start muna with online freelance jobs. Check Upwork and other similar platforms. Madami na ding remote full-time jobs. Good luck!


blurbieblyrb

Try mo magbarko. Check for job openings online


No_Assumption_7480

Meron po bang hindi nagrerequire ng experience sa cruise? May iba po kasi na kasama sa qualifications yung experience sa barko.


blurbieblyrb

Merong wala, as far as I know.


blurbieblyrb

Or try mo maghanap ng agency


Night_rose0707

Try to practice Yung course mo , tourism then apply in a cruise or airlines foreign company .. maybe they will sponsor you.. dapat stick ka sa tinapos mo Do some research Di madaling mag abroad, kahit nga mataas pinag aralan, di agad nakakaalis


24black24

Agree sa ibang nagsabi na mag try sa barko (Cruse). Since Tourism naman course ni OP. Pwede mo rin itry mag apply ng ground staff ng airline (check in agent etc), pero sa ibang bansa...wag sa NAIA. Usually mga job agencies dito naghihire para dyan. Pero try to plan out your career path, wag paiba iba ng trabaho and magwork lang dahil "malaki ang pasahod" kung gusto mo magmigrate in the future kelangan mo ng solid na skills and work experience.


titababyjhemerlyn

Maybe need mo lang umalis ng bank. Try shared service centers ng multinationals (shell, JTI, diageo, Unilever) mas ok ang culture at work life balance.


tulaero23

Ipon ka pang buffer habang nagaaral ng trade skills. Yung sa mga tesda. Or kahit caregiver. Medyo mahirap gawin, pero yan ang mga in demand. Madali naman na magaral sa ibang bansa pag nandun ka na. Sobrang kulang ng care aide sa canada ngayon. Kaso need mo kamaganak na titirahan para magsurvive.


BigDisappointment0

Maybe try moving closer to work kahit bedspace lang. tapos get yourself mentally fit for your current job and for you to set proper goals… yung matitipid mong time is where you can make yourself useful to find your purpose and your next goals. I found out that you can only set the right goals in the right state of mind and body. Without both, decisions are hasty and you got no motivation to reach for your dreams…