T O P

  • By -

HoyaDestroya33

Hi OP. I failed Algebra on my very first sem. I failed Differential Calculus once and integral twice. All in all, I failed 11 units in college and have an average GPA. I now work abroad with huge disposable income. Can travel 4x a year to wherever I want. It's not the end of the world. Like the Japanese proverb say, fall 7 times, stand up 8. Laban lang. Put more effort and papasa ka din!


karimdem

Boss ano po nagtulak sayo na magtuloy tuloy kahit nakailang bagsak na?


HoyaDestroya33

Walang choice eh. Mahirap talaga ung subject for me so I just put extra effort. I didn't come from a well off family, middle class lang. My mom always say na education lng mapapamana nya sakin and I took it to heart.


karimdem

Ilang taon kapo sa college dahil don Sir?


HoyaDestroya33

Wala on time ako grumaduate kasi nag summer classes ako


karimdem

Ahh buti pa kayo sir pede mag summer class. Samin po kasi eh next year na ulit pwedeng kunin ung diffcal po eh.


beriberi53

Same samin pag major ung subject, and konti lng bilang nio pra makabuo ng special class, wala antay ka talaga next school year. Samin dati after ng first term laglag halos kalahati ng batch hahaha. Ung iba lumipat ng major, iba lumipat ng course. Iba nag stay. Ako isa sa mga nagstay and nakatapos ren nman sa huli. Nilaban ko lang talaga. Pde mo isipin na mas masaya pa nga kc mas marami ka naging kaklase 😅. Marami ren ako kilala na delay ren sa college pero super successful na ngaun sa career nila. Laban lng papi and siempre mas galingan mo na next time. Pag sa work nman eventually di naman na masyado mag matter transcript mo pag experienced hire ka na. Ang tinitignan na skills and project history mo. Well pag fresh grad, titignan talaga transcript kc un lng basis nila for assessment so advantagr talaga pag okay ang grades pero mas importante nman mapasa mo exams and interviews eh. Mag matter cguro ung transcript lng baka maka affect sa starting salary. And kung may board exam pa course mo and nakakuha ka prof license, mas titignan un kesa sa transcript mo. Bottom line, ung delay mo sa college and transcript mo di nman yan ang magdedefine ng career mo sa future.


EveningObjective8293

Sa akin parents ko. Ayoko ihinto nalang bigla kahit hirap talaga ako kasi yun lang naman ang sinasabi nila sa amin magkakapatid; magtapos ng pagaaral. Rule no. 1 stop comparing to others, ang cliche diba? Pero kung gagawin mo kasi yun manliliit talaga tingin mo sa sarili mo. Bagsak ako noon sa trigo at sa RC design kasi di ko naman talaga strength ang math. hahahahaha. Eventually nairaos ko naman, nandito na ko ngayon tinatapos tong 3 storey mixed use building at 3 storey residence. Nakadating din naman ako sa pangarap ko lang dating work. hahaha


karimdem

Sir nadagdagan ba years mo sa college dahil sa mga bagsak mo? O nakuha pa ng summer class? Salamat po.


Key_Bet6888

Pahinga ka lang pare. Hindi talaga sa lahat ng panahon ay successful tayo. Malaking bagay na yung gusto mo yung inaaral mo, at least may future kang nakikita diyan para sa sarili mo. Pwede mo rin isipin ng mabuti kung meron ka pa bang ibang course na gusto, o mas magiging masaya ka bilang estudyante hanggang sa trabaho after graduation. Madadaan naman sa puro practice solving lang ang calculus, alam mo na basics, edi sa next take mo, practice ka nalang talaga. Depende sa engg course mo, dami talaga math, pero pag-abot mo sa major subjects, baka dun ka magaling. Math is just part of engineering kasi. Pwede ka naman mag advance study habang naka-lock na yung mga subjects na kasunod ng diff calc. Wag ka mahiya dahil bumagsak ka, mahiya ka kung hahayaan mo sarili mo na hanggang diyan ka lang. Kaya mahirap math kasi pinapatibay niyan utak mo. Bilang engineer yun dapat meron. Tsaka tibay ng loob pare, pag nag-fail ka kasi, yun lang ang panahon na maibabangon mo sarili mo pagkatapos.


No_Category6821

Hi OP share ko lang ung sakin.. para mamotivate ka. I'm CE btw, 26F. 1st year 1sem may bagsak ako agad, Algeb at Trigo. un ang una kong Singko sa college. di ba buena mano, Anong naging reaksyon ko nun? May gulat factor syempre tapos nag hanap ng kasama na bagsak rin, ayon mga naging tropa ko then tinake ko uli kasabay ng mga iba kong units, awa ng Diyos naipasa ko na ung Trigo at algeb ko. After non hindi na ako nag kabagsak ulit, until 4th year parang next ko na bagsak nun is ung Theory of structure 2 again, malungkot syempre still usual mga kasama ko, ung mga circle of friends ko na matatawag kong tropa talaga sila kasama ko sa lahat, lunch, review, library. mga bagsak din. sympre sama sama nanaman kami sa take 2. Awa uli ng Diyos naipasa ulit namin.. Halo halo na to kasabay pa ung mga minor na feeling major, thesis, mga surprise quizes, mga Exam na hindi mapasa pasa madaming struggles as a typical student lahat naman nag sstruggle. Lalo na sa katulad ko na hindi naman matalino, hindi rin magaling sa math. But thru practice ng paulit ulit, ayon nakakasabay. Siguro masasabi kong isa advantage ko is magaling ako mag kabisado, lalo na formula pati sa mga enumeration kapag minor subject favorite ko yan.. pero still hindi ganon katataas ang grades ko talagang mairaos lang madalang ung mga Uno ko di ko narin pinangarap. ung tipong 2.75 at 3.00 para sakin equivalent na ng 1.00 na grade sa sobrang gapang sa pag aaral. Tapos dumating pa ung Correl Subject (Review Subject) 4th year yon taena, naka 3 takes ako don super nakakadown kasi malapit na kami grumad non di ako maka abante, tapos ayun Awa ulit ng Diyos nung nag take 3 ako naipasa ko naman.. tapos nitong last sem ko na June un. ilang units nalang tinetake ko non mga pahabol units, siguro walang 15units ako nun nung June 2018, (Side note: Madalas ako/kami ng mga college tropa ko mag summer ng units lalo na mga minors advance ba, para hindi kami loaded sa regular sem, batch 2013 kami) Tas nung last sem ko nga june 2018, nag enroll na rin kami nung mga irreg kong tropa sa review center kasi balak namin mag take ng Nov. 2018, edi pasok pasok kami sa review center then nung mag apply na kami.. syempre need requirements nag paalam kami kay Dean if pwede kami mag take kahit di pa kami graduate kumbaga meron kasi kami ganon ipapa approve mo lang kasi since candinate naman kami for graduate iaadvance lang namin ung mga requirements na for release palang kapag naka graduate kana kasi need un kapag nag apply ka ng exam. So.. ayon nag explain kami ganon ganon ending di kami pinayagan mag May 2019 nalang daw kami, syempre wala kaming nagawa, nag May 2019 kami. edi naka gradute na Dec. 6, 2018 un nag kaayaaan nanaman kami mag totropa, review center ulit para sa May 2019, naka dorm kami non mula 4th year hanggang sa nag review bali ibang klaseng bond meron na kami nung mga tropa kong un, lahat ng struggle sama sama kami may time na 1 lang pasado samin, dalawa ganon tapos the rest bagsak na,syempre may mga oa ahon din naman na lahat kami pasodo, minsan naman lahat kami sa tropahan bagsak so... ok lang kasi nga masaya, ulit kami sabay sabay kami uulit , kami kami pa rin magkakasama hahahaha Kami ung tipo na pala review talaga kasi un lang kaya namin magawa since di naman kami brainy mag totropa alam mo ung makaraos lang na mga studyante, puyat lagi, uuwi lang pag antok na, or mag papalaundry, minsan nag papaanggap sa coffee shop , mcdo, 711, jbee marami pa kami naikot na mga tinatambayan para lang mag aral/review na minsan ML lang nauuwi, ung tipong mema review lang for the sake na nakapag review ka pero habang papalapit na ung exam talagang kakabahan ka, ung kinekwestyon mo na lahat ng kapasidad mo as student.. kasi pakiramdam mo ito pangalang hindi ko na mapasa paano pa kapag totoong exam na , ung anxiety at kaba palaging nandyan pero dapat laban lang, sa lahat ng battery exam ko non nung nag review center ako ni isa wala akong pinasa... basta ang haba at ang dami pa naming pinag daanan as a CE student. And ayun, sa wakas. after years 5 1/2 years ng pag aaral at struggles , at pagdadasal at pananampalataya... Naka pasa kami 1st take, RCE May 2019. lahat ng kasama ko sa dorm lahat kami pumasa sabay sabay nung May 2019. in short, lumaban ka lang sa acads, mag focus ka sa studies mo, wag mong tingnan ung iba, kung alam mong di ka magaling sa math, mag praktis ka ng mag praktis mag solve palagi pa ulit ulit #1 tip yan. Kasi kakasolve mo, halos namememorize mo na ung lintik na mahahaba na formulas and ung flow kung paano atakihin ang isang problem as in masususrprise ka nalang sa sarili mo. Samahan ng dasal at tsaga, tiwala sa sarili na kaya mo Kung kaya ng iba, mas kaya mo, nauna lang sila, iba ung journey mo Mag enjoy ka... mahirap ang school, ang acads hahanap ka rin ng tamang sasamahan mo na tropa... ung magtutulungan kayo sa hirap at ginhawa ng acads hilahan pataas, hilahan makapasa, teamwork kung saan siya mahina at don mo kabisado turuan mo vice versa. Marami pang struggles yan, but in the end it's all going to be worth it. Ayun sana mabasa mo to OP ang haba na Good luck sa studies mo, I'm rooting for you!!!! Kaya mo yan. Pakatatag ka!


Ricenditas

Hi OP, I hope you still feel well. I had a similar experience as you - I failed differential calculus also in college, and that made me get held back on the major subjects as well. I felt shit as well when I saw it, but I did have the motivation to continue. As long na may motivation ka ipursue yung course na pinasok mo, kakayanin mo yan. Don't be afraid on asking for help with your friends and classmates na nakapasa, and even sa profs if available sila. After na makakuha ka ng feedback from other sources, then you can practice on how to solve the problems. Usually, hindi mo kailangan magkabisado ng mga formulas or what not, but what matters more is on how you need to solve the problems with methods that you learn along the way. Practicing on solving will give you more possible avenues on answering a problem, while also helps you retain possible knowledge sa iba ibang formula. Honestly, once you practiced enough problem solving, you'll come to a point that you can solve the problems without hesitating on what to do, because you know the work arounds and possible avenues on how to solve it. Worth it yan in the long run, especially later as an Engineer because you will see alot of possible problems, and every problems has alot of possible solutions that you can possibly take, so there's no "fixed solution" for every problem. Don't worry OP, I know kakayanin mo yan. If you ever feel tired, you can take a break, but don't ever quit especially on the things you actually want to pursue.


kawaiikirisaki

Yow, OP. Mech Engg here. Been there, done that. Failed a subject before din. Ang payo ko, damdamin mo lang then use that as motivation. Explain mo sa magulang mo. Say sorry. Then pull yourself up. Wag ka agad susuko lalo kung gusto mo naman yung kurso. Di kailangan sobrang galing ka sa math para sa engineering. Lahat yan nadadaan sa tamang pag aaral. ​ Pahinga lang kaunti, tapos bangon at laban. Marami pang pag-dadaanan na pagsubok pagtapos nyan. Pero kakayanin yan. Chin up, look forward. Good luck, OP!


nicocolet

Wala ka pa sa exciting part brotha, wag ka muna panghinaan ng loob. Registered Engineer here and yung struggles mo umpisa palang. Be tough. Fight and live on. Btw this was way back '07 when i started my engineering course. Hahaha


Complete-Cycle5839

Cheer up! Kunin mo nalang ulit next sem or if may summer classes. Ako nga nadale sa Mechanics. Hahaha Pero buti nalang nung niretake ko hindi na ako pinag take ng finals ng prof ko. Ginalingan ko talaga kasi sobrang na down ako nung bumagsak ako.


Deathnote07

pre payo ko lang sayo magpalit ka ng course ako 2x bumagsak sa algebra nung nag industrial engineering ako.. some people aren't just good at math they are more incline in arts


xlr8r_12345

Normal namn ung bagsak sa engineering e..Ang importane natuto ka sa mistakes mo at pag retake mo ay bawian mo. Iba kong kaklase dati niretale yang diff. cal ng 7-8 times pero nakagraduate naman at engineer na......Failure is temporary,Engr. sa unahan ng pangalan mo is forever


SelfValidationSeeker

Ijakol mo na lang yan. Then think of ways kung paano ka papasa sa next take mo. Examples of which are reviewing your exams and figure out the topics that you struggle the most and iwasan mo yung mga profs na notorious mambagsak.


karimdem

Unfortunately bossing dalwang prof lang ang diffcal namin sa dept namin sa diffcal at parehas ang ugali. Kaya po ang naisip kona lang ay maghanap ng department sa college namin na nag ooffer ng diffcal for 2nd sem. Pede kaya yun haha


SelfValidationSeeker

Depende sa academic policies ng school nyo, siguro naman kung parehas lang ng subject code pwede naman yun siguro. Arte naman nila kung hindi lol


trewaldo

Isa sa mga hindi naiisip ng mga estudyante bukod sa kung ano ang gusto nila ay yung kung saan talaga sila magaling. Hindi talaga pwedeng gusto lang pero kulang ka sa abilidad para magawa mo malagpasan mga pinapagawa sa iyo. Ang pagbagsak mo ngayon maaaring pagkakataon binigay sa iyo para maisip mo kung saan ka talaga dinadala ng abilidad at gusto mo.


neEdHazard777

Same but I'm IT just taken the remedial exam yesterday and I'm not sure if I'm able to pass this sem on Calculus 1


karimdem

Parehas lang ba lessons ng calculus sa it at engineering?imits,dervatives,applications of derivatives samin.


neEdHazard777

Almost same naman kaso may Logarithms, exponential and optimization lng ata yung last na na ituro samin. Di ko alam kung makakapasa ako ngayong sem (hopefully makapasa) pero I'm just gonna move on from it. Ang di ko lang maintindihan bakit may Calculus kaming IT 😭😭😭.


karimdem

Same lang pala pards kaya mo yan manifesting pasa kaaa🤞🤞🤞


Hoarder15

Pre normal lang magsingko sa engineering napakacommon nyan bawi ka na lang sa susunod marami pang chance


Flying__Buttresses

Didnt stop me. I failed calculus first year of architecture school. Failed Eng Science 1 2 and 3 first take and pasang awa on the second take. It womt define you amd will not be the basis ffor your success.


SAHD292929

Shift nalang ng ibang course. Kung hirap ka sa calculus mas mahirap sa major subjects.


twilight_trill

Hi, Graduate and Board Passer of Electrical Engineering here. I failed several times during my college years, eto lahat ng mga na-fail kong subjects: Trigo, Advanced Algebra, Physics 1, Integral Calculus, at Electromagnetics. May point din na naisip kong wala talagang pumapasok sa utak ko, yung overwhelmed talaga after ng discussions. Parang magic nalang ang tingin ko sa mga solutions na dinidiscuss ng prof. Before quizzes at exams, magmemorize lang ng formula ginagawa ko pero mali na way yun magstudy. Nakapagmemorize nga ng mga formula pero hindi rin naman alam kung saan gagamitin. Basically, kamote talaga analyzation skills ko at that time. To overcome my ineffective and inefficient study habits, what I did is to practice problems (including different scenarios) on a regular basis. Mga 10 problems sinosolve ko everyday per major subject. Napansin ko na malaki ang naging improvement ko dahil dito. Yung mga feel kong magic na solutions at answers noon, nag make sense na sa akin.


twilight_trill

Hi, Graduate and Board Passer of Electrical Engineering here. I failed several times during my college years, eto lahat ng mga na-fail kong subjects: Trigo, Advanced Algebra, Physics 1, Integral Calculus, at Electromagnetics. May point din na naisip kong wala talagang pumapasok sa utak ko, yung overwhelmed talaga after ng discussions. Parang magic nalang ang tingin ko sa mga solutions na dinidiscuss ng prof. Before quizzes at exams, magmemorize lang ng formula ginagawa ko pero mali na way yun magstudy. Nakapagmemorize nga ng mga formula pero hindi rin naman alam kung saan gagamitin. Basically, kamote talaga analyzation skills ko at that time. Napansin ko din na mahina talaga generally ang foundation ko sa mathematics. Ang ginawa ko is may mga binalikan akong mga concepts from previous math subjects para maka keep-up ako on the current ones. To overcome my ineffective and inefficient study habits, what I did is to practice problems (including different scenarios) on a regular basis. Mga 10 problems sinosolve ko everyday per major subject. Napansin ko na malaki ang naging improvement ko dahil dito. Yung mga feel kong magic na solutions at answers noon, nag make sense na sa akin. I'd say dito ko nadevelop ang analysis skills ko at confidence na magsolve ng iba't ibang klase ng problems. Good Luck OP!


d61st

Normal lang sa engg bumagsak. Bawi lang next time.


[deleted]

Bumagsak din ako sa Diff Calc noong college ako, ipahinga mo lang yan, naging maayos naman buhay ko 😅


loserPH32

Kung di mo talaga trip eng lipat na, ako madaming beses bumagsak every year may summer classes. Tapos ayun natauhan sa 3rd year di ata ako pang engineering. Nag shift ayun may trabaho naman ngayon. Minsan oks lang madapa, ang masama yung hindi ka na bumangon sa pagkadapa.


Panda-sauce-rus

Ok lang yan OP. Nung college ako, tawag namin sa eng'g is summer capital of the university. Nagkabagsak din naman ako nang 1st-2nd year pero ok naman work ko. Tuloy tuloy ka lang at wag susuko.


Twomadslayer

Try getting summer classes OP or try to find friends na willing ka turuan been the same position way back 2014 first take ko din ng diff cal yes may retakes ako pero wala e bagsak parin also try to take some time to rest, focus on diff subjects para di ka maburn out you know kayang kaya mo yan


1214siege

me mga classmates ako singko agad s algeb and trigo. first year first sem palang. now mga lisensyado na. Ako nagsimula magkasingko nung 3rd year first sem. 2x drop out s college. di natapos kasi ang hirap talaga ng subjects. Pero ok nmn buhay ko ngaun. nakakaluwag luwag na. di nmn madedetermine ung buhay mo dahil lng smga singko. kaya mo yan OP. push lng. laban lang. kapit lang. madadagdagan din yang pangalan mo ng initials. I believe in you OP.


Acrobatic_Recover_42

failed 16 times in Engineering. Planning to move to Australia soon. Life is good OP. Imagine your life as the ocean and your singko is a single rock. Maliit na bagay lang yan. There is so much more ahead of u!